Story Cover Created by: MakkiPotPot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Sa wakas! Matapos ang ilang oras na pakikibaka ay natapos ko
rin ang Chapter na ito. Wew! Narito na po ang chapter 02 ng Bittersweet. Enjoy
Reading mga paps!
Ay! Bago ko nga pala makalimutan. Maraming thank you pala sa
mga taong nagbigay ng kanilang komento sa Chapter 01. Mukhang hindi pa rin pala
nawawala ang mga taga basa ko. Hihihi Na tats naman ako sa inyo. Salamat mga
paps!
Sa mga nagtatanong pala sa akin patungkol sa kalalabasan ng
kwentong ito, ang masasabi ko lang ay hindi ko alam. HAHA Biro lang. Syempre
may mga nakaambang kaguluhan, kabaliwan, at kung anu-ano pang magpapasaya at
kukuha ng interes niyo. Naway hanggang sa huling chapter ay ma-enjoy niyo ang kuwento
kong ito.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Mabuti naman at nakapasok ka ngayon, Andy.” Ang nakangiting
salubong sa kanya ng may-ari ng bar na pinagta-trabahuan niya.
Ikinabigla pa niya ang pagbaba nito mula sa second floor ng
bar na iyon kung saan naroon ang opisina nito. Minsan lang kasi itong bumaba at
iyon ay kung gusto nitong magpagawa ng inumin sa kanya o kung may katatagpuin
na naman itong bibiktimahin.
Kilala niya ang kalibre ng boss niyang ito. Likas dito ang
pagiging babaero na naging dahilan ng paghihiwalay nito ng dating misis. Pero
hindi naman maikakaila ang kabaitan nito sa kanilang mga empleyado nito kaya
kahit na napaka-babaero nitong tao ay hindi pa rin nawawala ang respeto nila
dito.
“Oo nga boss, eh. Akala ko kasi kanina, ta-trangkasuhin ako
kaya agad na akong nag-abiso sa iyo na baka hindi ako makapasok ngayon.”
Pagsisinungaling naman niya dahil ang totoo, ang dahilan kung bakit biglang
nagbago ang kanyang isip na hindi pumasok sa araw na iyon kahit na medyo may kabigatan ang kanyang
pakiramdam ay dahil sa pangungulit sa kanya ng kanyang kaibigan na si Jasper.
Matapos nilang makapag-usap kahapon ay iniwasan na niya ito
talaga. Sa katunayan, kahapon ay alas-dyes na ng gabi siya nakauwi sa kanyang
tinutuluyang apartment maiwasan lamang ito na ayon sa text nito ay naroon ito
sa labas at naghihintay sa kanya.
Oo, aaminin niya na hindi niya gustong iwasan ito lalo pa’t
ilang taon din silang hindi nagkita. Subalit natatakot siya na baka matukso na
naman siya rito kapag nabigyan sila ulit ng pagkakataong magkaharap. Balak na
muna niyang ihanda ang kanyang sarili bago ito harapin sapagkat alam naman
niyang hindi habang buhay niya itong maiiwasan.
“Basta kapag sumama ulit ang pakiramdam mo, akyatin mo lang
ako sa taas at may mga gamot ako roon.” Nakangiti nitong turan. “Paano, maiwan
na muna kita at dumating na ang labidabs
ko.”
Napatingin siya sa gawi ng kanilang entrance at nakita nga
niya ang pagpasok ng medyo may kabataan pang babae na agad gumuhit ang ngiti nang
salubungin ito ng kanyang boss.
Pambihira talaga si
Boss, ang hilig sa mga babaeng kalahati yata ang agwat sa edad niya. Napapailing
niyang wika sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang dalawang paakyat na
patungo sa opisina ng boss niya.
“Iba na talaga ang nagagawa ng pera ano, Andy. Nagagawa nitong mapapatol kahit ang pinakabata
at sexy na babae kay boss.” Singit ng isa sa mga kasamahan niya sa trabaho na
si Nelson.
“Kung makapagsalita ka naman. May hitsura rin naman si boss,
ah.” Pagtatanggol naman niya sa butihing amo.
Ngumisi ito sa kanya ng nakakaloko.
“Wala akong sinabing pangit siya, Andy. Masyado ka naman
yatang apektado. May crush ka ba kay boss?” Ang nanunudyo nitong wika.
“Eh, kung iumpog kaya kita sa isa sa mga lamesa rito? Masabi
mo pa kayang may pagnanasa ako kay boss?”
Napahagalpak ito ng
tawa na dahilan para mapangisi na rin siya. Ganito sila magkulitan ng kanyang
mga kasamahan sa tuwing hindi sila masyadong abala sa trabaho tulad na lang
ngayon na mangilan-ngilan pa lang ang costumer nila.
Inakbayan siya nito at ginulo ang kanyang naka-wax na buhok.
“Astig ka talaga, Andy, kaya gustong-gusto ka namin dito,
eh.” Ang tuwang-tuwa nitong wika sa kanya.
Isa sa mga dahilan kung bakit di niya maiwan-iwan ang bar
iyon kahit pa man marami ng bar ang gustong mamirata sa kanya, ay dahil
napalapit na rin siya sa kanyang mga kasamahan.
“Siyanga pala, may naghahanap sa ’yo kanina.” Pagpapatuloy
nito.
“Sino?” Takang tanong naman niya rito.
“’Di nagbigay ng pangalan, eh. Basta matangkad at kasing
pogi ko.”
Nasisiguro niyang si Jasper ang taong tinutukoy nito. Wala
naman siyang ibang maisip na taong maghahanap sa kanya sa lugar kung saan isa
siyang dayo.
“Anong oras ba siya nagpunta rito at ano ang sinabi mo sa
kanya?”
“Kaninang pasado alas-syete yata yon. Si boss ang nakausap
niya pero ang narinig ko, sinabi ni boss na di ka papasok ngayon.”
Napatingin siya sa kanyang relo. Magdadalawang oras na ang
nakakaraan.
“Gano’n ba?” Hindi niya alam kung bakit bigla na namang
namigat ang kanyang kalooban. Siguro dahil hanggang sa mga oras na iyon, hindi
pa rin niya maitatangging kahit papaano ay may kaunting damdamin pa rin siya
para sa kaibigan at iyon ang nagpapahirap sa kanya.
“Syota mo ba ‘yon? May LQ siguro kayo ano?” Ang muling
panunudyo na naman ng kanyang kasamahan.
“Alam mo ba ang dahilan kung bakit kahit may hitsura ka ay
hindi mo magawang mapasagot ang mga nililigawan mo?”
“Hindi, eh. Bakit nga ba ayaw nila sa akin? G’wapo naman ako
‘di ba?”
“Hali ka, lapit ka at ibubulong ko sa ’yo.”
Parang tanga naman itong lumapit sa kanya na lihim niyang
ikinahagikhik.
“Ano ‘yon?” ‘Di makapaghintay nitong tanong.
“Dahil…” Sinadya talaga niyang bitinin ito. “Sa KADALDALAN
MO!” May kalakasan niyang wika sa tenga
nito saka ito pabirong binatukan.
“Aray! Masakit ‘yon, ha.”
Kita niya kung papaano matawa ang ilan sa mga costumers
nilang nakakita at nakarinig sa ginagawa nilang kulitan ni Nelson.
Habang lumalalim ang gabi ay paunti-unti namang nadaragdagan
ang mga costumers nila Andy sa bar. Ipinagdarasal niya na sana hanggang sa
makauwi siya ay hindi na maisipan pa ni Jasper na puntahan siya roon.
Sa nagkakatawanang costumer niya naipako ang kanyang tingin.
Para sa kanya, isang napakagandang tanawin ang mga taong masaya at nakangiti.
At nakakatulong iyon sa kanya para gumaan ang kanyang pakiramdam.
Biglang pumasok sa kanyang isipan ang isang tao na malaki
ang naitulong sa kanya – ang kanyang nag-iisang kapatid, na siyang nagbigay sa
kanya ng dahilan para muling ipagpatuloy ang buhay. Ang kanyang Ate ang
nag-udyok sa kanya para muli niyang isaayos ang nasirang buhay matapos manlamig
at mawalan ng gana sa kanya ang kanyang mga magulang.
Kamusta na kaya iyon?
Ang pabulong niyang sabi.
“Can you give me something to drink?” Wika ng isang pamilyar
na baretonong boses sa kanya na siyang pumukaw sa kanyang pagmumuni-muni.
Nang ibaling niya ang tingin dito ay bumungad sa kanya ang
lalaking ilang buwan nang hindi nadadayo sa bar nilang iyon. Ang lalaking
muling pumukaw sa kanyang interes at ang lalake na lihim niyang hinangaan.
Subalit, malaki na ang nagbago ngayon dito. Wala na ang ngiting laging
sumasalubong sa kanya sa tuwing mapapatingin siya rito. Ang ningning na lagi
niyang nakikita sa singkitin nitong mata ay napalitan na ng pait.
“A-Ano ho ba ang gusto niyo?.” Ang nag-aalangang naisambit
niya pilit inisangtabi ang biglaang pagkalito niya sa nakitang malaking pagbabago
rito.
“A drink that can make me forget everything.” Malamig nitong
tugon.
Agad naman siyang tumalima para igawa ito ng inumin, hindi
niya alam kung bakit para siyang nakaramdam ng takot dito. Siguro ay dahil hindi
siya sanay na ganito ito kaseryoso ngayon na para bang handa itong pumatay
hindi mo lang maibigay ang gusto nito.
Hindi niya maiwasang pasimpleng pagmasdan ito habang
ginagawa niya ang order nito. Kabaliktaran ang nakikita niyang aura nito ngayon
kumpara no’ng huli itong mapadayo sa bar nila magtatatlong buwan na ang
nakakaraan.
Anong nangyari sa
kanya? Ang hindi niya maiwasang maitanong sa kanyang sarili sa sobrang
pagtataka.
“Matagal pa ba iyan?” Ang tila naiinip nitong untag sa
kanya.
Dali-dali siyang nagsalin ng bagong likhang inumin sa isa sa
mga shot-glass.
“I-Ito na po sir.”
Agad naman nitong dinampot iyon at ini-isang lagok. Kita
niya kung papaano ito mapapikit sa hatid na pait ng alak.
“Isa pa.” Usal nito.
“H-Ho?” Naisambit niya dala ng pagkabigla sapagkat ang alak
na ginawa niya para dito ay hindi ang tipo ng alak na dapat iniinum ng isang
lagokan lamang. Gawa iyon sa pinaghalo-halong malalakas na inumin na kahit pa
sinong malakas ang tolerance sa alcohol ay nagagawa nitong patumbahin ng ilang
shots lang.
“Are you deaf? I said one more.” Kunot-nuong wika nito.
“P-Pasensiya na po.”
Anak ng tipaklong!
Anong nangyari sa mala anghel nitong imahe? Bakit bilang naging demonyo?
Para makaiwas na masungitan ulit nito ay minabuti na lamang
niyang tumahimik at ibigay na lamang dito ang gusto nito.
Habang nagpapakalunod ito sa kanyang ginawang inumin ay siya
nama’y pasimple itong tinitingnan. May awa siyang nararamdaman para rito at
hindi rin niya maitatangging nadadala siya sa kanyang nakikitang kalungkutan sa
mga mata nito.
“Life is so unfair.” Nagsisentimyento nitong wika saka siya
nito binalingan. “Tell me, pangit ba ako? Am I not worth loving? Ano ba ang
mali sa akin?”
“S-Sir?”
“Ibinigay ko naman lahat ng p’wede kong maibigay sa kanya
pero bakit hindi pa rin niya ako magawang mahalin?”
Napatingin siya sa mga dalawang costumer na nakaupo rin sa
bar-counter na iyon at tulad niya, gulong-gulo rin ang mga ito sa nakikita at
naririnig na pagsisentimyento ng lalaking lihim niyang hinangaan noon.
Oo, ito ang lalaking
muling bumuhay sa kanyang interes subalit, nang makita niya kung papaano
magliwanag ang mga mata nito nang huling mapadayo ito sa bar nila kasama ang sa
tingin niya ay ang taong mahal nito ay sumuko na siya. Kasama sa pagbabagong-buhay
niya ay ang pangakong huwag nang ipilit ang mga bagay na hindi naman para sa
kanya dahil batid niyang siya lamang ang masasaktan sa bandang huli.
“Bakit ayaw mong sumagot? Kinakausap kita. Ano bang mali sa
akin? Bakit hindi ako magawang mahalin ng taong mahal ko?”
Mukhang nakaramdam ang dalawang costumer niya na tulad nito
ay nakaupo rin sa mga counter chairs na
nasa harapan niya na hindi maganda ang manatili pa roon dahil tumayo ang mga
ito at lumipat sa isa sa mga bakanteng mesa nila.
Napabuntong-hininga siya. Minsan talaga, sa isang bar tulad
ng pinagta-trabahuan niya ay hindi maiiwasang magkaroon sila ng isang costumer
na nagpapadala sa tama ng alak. Though naiintindihan naman niya kung bakit tila
handa na itong magwala anumang oras, dahil may pinagdaraanan ito.
“Wala pong problema sa inyo sir at wala po akong nakikitang
mali sa inyo.” Pinili niyang sakyan na lamang ito para hindi na ito tuluyang
magwala at mukhang nagtagumpay naman siya.
Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang sunod nitong
katanungan na nagbigay sa kanya ng kakaibang lungkot at kirot sa kanyang puso.
“Hindi ba ako karapat-dapat mahalin? ”
The question hit him ten times because it was also the same
question that he asked to himself three years ago. No’ng mga panahon na ang
taong kanyang minamahal ay hindi siya magawang mahalin kahit sa kabila ng pagbibigay
niya ng buong pagkatao niya rito.
“H-Hindi ko po iyan masasagot sir.” Ang pagsasabi niya ng
totoo. Maski siya ay walang nahapuhap na kasagutan sa tanong na iyon magpahanggang ngayon.
“Wala kang k’wentang kausap.” Wika nito saka muling
ini-isang lagok ang hawak nitong basong may lamang alak saka ito humugot ng wallet
mula sa likod ng pantalon nito at padabog na nagbaba ng isang libo “Sa ‘yo na
ang sukli.” At walang sabi-sabi itong umalis.
Sa ‘di malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng
pagkapikon dahil pakiramdam niya ay nabastos siya. Sino ba ang humingi ng kanyang opinyon? ‘Di
ba ito naman, at nang wala siyang maisagot ay sasabihan siyang walang k’wentang
kausap at biglaan siyang lalayasan?
I can’t believe na
nagkagusto ako sa taong iyon! Ang kapal ng mukha niyang sabihing wala akong
k’wentang kausap. Bakit, anong akala niya, na madaling sagutin ang tanong
niyang iyon?
Sobra ang ngitngit na naramdaman niya na hindi na niya
napansin na nilamukos na pala niya ang isang libong iniwan nito. Hindi siya
makapaniwala na ang taong lihim niyang hinahangaan dahil sa pagiging magiliw at
palangiti nito ay may itinatago palang kagaspangan at siya pa talaga ang
nakatikim noon.
Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Hindi niya
dapat hinayaang maapektuhan siya nito. ‘Di nga ba’t iyon ang naging pangako
niya sa kanyang sarili nang magsimula siya ng bagong buhay sa siyudad na iyon?
Relax Andy. Hindi ka dapat nagpapaapekto sa lalaking iyon. Hindi ba’t kinalimutan mo na siya at ang paghanga mo sa kanya? And besides, that man was drunk he didn’t mean what he said. Pagpapakalma niya sa kanyang sarili subalit bigo lamang siya.
Hanggang sa nagsara na lamang sila at nakauwi siya sa
kanyang apartment ay hindi na talaga nabalik sa normal ang mood ni Andy. Hindi
niya alam kung kanino siya napipikon. Napikon nga ba siya dahil sa ipinakitang
kagaspangan sa kanya ng taong dati niyang hinangaan o dahil sa katotohanang
hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin niya
mabigyan ng kasagutan ang naging tanong nito na minsan na rin niyang naitanong
sa kanyang sarili.
Hindi ba ako
karapat-dapat mahalin? Pabulong niyang pag-uulit sa katanungang hindi niya
nagawang mabigyan ng kasagutan.
Nagising si Andy sa lakas ng tunog ng cellphone niya. Medyo
mahapdi pa ang kanyang mga mata tanda na hindi pa sapat ang kanyang tulog. May
halong antok at pagkapikon niyang inabot ang kanyang cellphone na hanggang sa
sandaling iyon ay wala pa ring pakundangan sa pagri-ring.
“Natutulog pa ako. Tawag ka na lang ulit mamaya.” Bungad
niya rito at agad itong binabaan na hindi man lang inabala ang sariling alamin
kung sino iyon.
Pipikit na lamang siya nang muli na naman itong mag-ring.
“Bakit ba?” Ang yamot niyang pakikipag-usap sa taong
tumatawag.
“Kapag hindi mo kami pinagbuksan Andrew Miguel,
pagtutulungan naming sirain ang pintuan mo!” Ang pasigaw namang sabi sa kanya
ng kanyang kausap.
Napapitlag siya dala ng gulat. Inilayo niya ang telepono sa
kanyang tenga at nakakunot-noo niyang tiningnan kung sino ang kanyang kausap.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa pangalang nakarehistro sa screen ng kanyang
cellphone at dali-daling bumangon para tunguhin ang pintuan.
Nang mabuksan niya ang pintuan ay bumalaga sa kanya ang apat
na taong malaki ang naging bahagi sa kanyang buhay – ang buhay mag-isa. Ang mga
kaibigang umagapay sa kanya at hindi siya binitawan sa kabila ng lahat.
“Lunch time!” Magiliw na wika ni Miles, ang kasundo niya sa
kakulitan.
Pero imbes na ibalik ang pagbati nito ay mas binigyan pa
niya ng pansin ang kanyang pintuan. Inimpeksyon kung ayos pa ba ito.
“’Wag kang mag-alala, wala pa kaming ginagawa sa pintuan
mo.” Nakangisi namang wika sa kanya ni Marx. Ang pinakamasunurin sa kanilang
lahat.
Doon lamang siya nakahinga ng maluwag. The last time that
his destructive friends visited him ay napagalitan siya ng may-ari ng inuupahan
niyang apartment sapagkat sinira ng mga ito ang kanyang doorknob nang hindi
niya agad napagbuksan ang mga ito. Oo, gano’n ka mga praning ang mga kaibigan
niya subalit hindi naman maikakailang masaya ang mga itong kasama.
“Bakit kayo nandito mga pangit? At ano ‘yang mga bitbit
niyo?”
“Wow! Kung makapagsalita ka naman parang kay gwapo mong
nilalang. Pasalamat ka pa nga’t binisita ka namin dito sa lungga mo at
pinagdalhan pa ng tanghalian.” Ani naman ni Zandro.
“Salamat ha.” May bahid ng sarkasmo niyang wika. “Salamat ng
marami dahil sa pagsira ninyo ng tulog at araw ko.” Dagdag pa niya.
“Hindi mo ba kami papapasukin? Hindi maganda sa kutis ko ang
sobrang nae-expose sa araw eh.” Ani naman ng pinaka-vain sa kanilang si Keith.
“Hindi. Magpapahinga ako ngayon kaya umuwi na kayo at
maghanap na lang kayo ng iba niyong mapagti-tripan.” Wika niya sa mga ito.
Akmang pagsasarhan na sana niya ng pinto nang maagap siyang napigilan
ni Miles.
“Subukan mo at pasasabugin namin itong apartment mo.” May
pagbabanta nitong wika na nilakipan pa nito ng nakakagagong ngisi.
Wala na siyang nagawa pa. Hinayaan na lamang niyang
makapasok ang mga ito habang siya naman ay tila nayayamot na nakasandal sa may
pintuan na sinusundan ng tingin ang mga kaibigang at-home na at-home sa kanyang
tinutuluyan.
“Ano, tutunganga ka na lang ba riyan at panunuorin kami?
Halika na’t papakin na natin itong mga binili namin.” Si Zandro.
“Nandito ba kayo para maki-tsismis?” Nang-aakusa niyang
tanong sa mga ito.
Mukha namang hindi siya nagkamali dahil biglang nagpalitan
ng tingin ang mga kaibigan niya at nang bumaling sa kanya ay nakangisi na ang
mga ito tanda ng pag-amin.
“Wala akong sasabihin sa inyo kaya kung ako sa inyo,
magsilayas na kayo.”
“Masama ang gising mo?” Nakangising wika ni Keith.
“Hindi pa ba halata?”
“Hindi, eh. Galingan mo pa ng konti. Basta kami, ay kakain
muna bago ka namin isalang sa lie detector test.” Ngingisi-ngisi nitong tugon.
Pambihira talaga! Napapalatak
niyang sambit sa kanyang sarili.
Kesa mamatay siya sa gutom ay sinabayan na lamang niya ito
sa kanyang mesa. Mga pagkaing lagi nilang trip pagsaluhan no’ng nasa college pa
sila ang mga dala ng mga ito.
“So, what made you decide to stop now Andy?” Ang pagsisimula
ng pang-uusyuso ni Miles.
“Stop what?” Maang-mangan naman niyang sagot at sinadyang
magsalita habang puno ng pagkain ang bibig sa harap ni Keith.
“Ang baboy mo.” Nakangiwi nitong alma na nginisihan lamang
niya. Alam niyang madali itong mawalan ng gana sa tuwing isa sa kanila ang
umaasal hayup sa hapag, gano’n ito ka-vain.
Kala mo ikaw lang ang
magaling mang-asar.
“About your affair with Casper the user-friendly animal.”
Ang pagpapatuloy naman ni Marx sa naumpisahang usapan. “Bakit ngayon mo pa siya
naisipang tanggihan?”
Biglang naging seryoso ang mga mukha ng mga ito. Alam ng mga
kaibigan niya ang kakaibang turingan nila ni Jasper na tulad niya ay kaibigan
din ng mga ito. Subalit wala siyang narinig na pangungutya at paninisi mula sa
mga ito. Bagkus, mas pinili ng mga kaibigan niya na huwag magbigay ng kahit na
anong komento patungkol sa kakaibang relasyon nila ni Jasper maliban sa mga
pang-aasar na tawag ng mga ito sa turingan nila.
“I guess I grew tired of it.” Pagsasabi niya ng totoo. “I’ve
waited long enough, siguro naman sapat na ang paghihintay ko ng kay tagal para
mapagod rin ako.”
Nagpalitan ng makahulugang mga tingin ang mga ito.
“Alam mong walang naging problema sa amin ang naging
kakaibang relasyon ninyo ni Jasper, nagbulag-bulagan kami dahil alam naming
sumasaya ka kahit papaano, pero you’re right. It’s about time na isuko mo na
ang damdamin mo sa kanya, dahil he’s getting married Andy. Wala ka nang aasahan
sa kanya.” Seryosong wika ni Miles.
“Ikakasal na siya?” Ang tila nagulat naman niyang tanong.
“Yep, the very reason kung bakit siya nagbalik ng bansa.”
Tugon naman ni Zandro. “Pinuntahan niya ako kagabi, galing nga raw siya rito sa
apartment mo pero pinagtataguan mo raw siya. Nandito kami para suportahan ka sa
naging desisyon mo at ipaalam sa ’yo na handa kaming tulungan kang manindigan
dahil alam naming hindi magiging madali ito para sa ‘yo.”
“Kung gano’n bakit hindi pa niya ako tinitigilan? Ano ba ang
tingin niya sa akin, parausan?” Hindi na niya naitago ang sobrang sama ng loob
sa mga kaibigan. Akala niya nakalimutan na niyang magpaapekto sa mga problema
pero hindi pa pala.
“Hindi namin p’wedeng sagutin iyan.” Wika ni Marx. “Dahil
kung may tao mang tunay na nakakaalam kung bakit makalipas ang tatlong taon ay
ikaw pa rin ang hinahanap-hanap niyang makatabi sa kama, ay siya iyon. At kung
bakit ka naman pumayag sa gano’ng set-up sa haba ng panahon, ay dahil mahal mo
siya at alam namin iyon. Pero since na ikaw na ngayon ang gumawa ng hakbang na
lumayo sa kanya, siguro panahon na rin para gawin na rin namin ang
dapat na ginagawa ng mga tunay na kaibigan.”
Itutuloy:
27 comments:
Wow...parang Alex at Dave lng ang set-up nila,..kainis si Nhad,angel turns to devil ang image...
naalala q ang barkdahan ng the 7th bars,parang gnun ang mga kaibgan ni Andy,k2miss ung mga dting character mu kuya zild,hehehe....
thanks kuya zild,wla kp ding kupas, ikaw n tlaga ang 'D Great :))
Zeke!! Ang ganda ng chapter na to, i liked the flow. Mas maganda sa unang chapter. Nakakaexcite yung next chapter.
Gusto ko din yung character ni Andy dito.
Next na!!!
haha. buti pa nmga college friends ng mga bida dito, very matured kung mag isip kahit sira ulo.
as i expected kuya zild very nice chapter po , ganda po ng flow ng bawat scenes sa chapter , sinu kaya mgiging kabiyak ni Andy ? hmmm next chapter po ^o^
-Kevin P.
i love it.. napakaraming tauhan at ano kaya ang kwento ng bawat isa.. hay.. so great to imagine.. hehe ano daw?? ah basta yun na yun.. hahahaha
God bless.. -- Roan ^^,
"Casper the USER FRIENDLY GHOST!" natawa ako dun ah! bwahahaha oh well history will repeat itself ba? Nice one Poy!Thumbs up sa PAA! :P para maiba naman! :))
Natawa nmn ako sa casper the friendly animal... Hahhahha nga pala bat ala Pa masyado appearance c nhad sana magkaron n ng kilig at tense s stry... But ganda ng chapter nto... Nxt pls idol...
Hihi cute... Buti nauntog at buti may friends syang ganyan.. Hihi gondo!
nabitin ako kay Nhad! hahahahaha cge lng Andy ayusin mo muna yan! Go Zild! mwuah!
Ikaw lang eh.. Wala lang bilib sa mga naiisip kong kalokohan. Alam mo namang pauso ako diba? Haha Tingnan mo nga't pinauao ko ang pangalan mong 'PotPot' ayiiiee!!
Hintay-hintay lang po kayo dahil sa mga upcoming chapter, baka pagsawasaan nyo si Nhad. lol
Nangyari po ito bagp ang scene nila sa finale ng Make Believe. Kaya antay lang po ng konte.
wow..galing mu talaga zeke..ibang atake ang ginawa mu...at ang mga friends niya e me mga lahi ng abu sayaff ha..mga gustong magpasabog ng bahay..wahahhahahahamukang hindi ganung polluted..
-iamronald
hahah grabe ito na ang ganda hahahha.....ang wilmo talaga gumawa ng kwento zild ikaw na.....at observe ko lang rumarami na naman ang mga character at palaki ng palaki ang pamilya ng zildjianstories hihihi:)
jubert co
gosh! AWESOME :)
kakain LOVE ang story na tuuh!
<---- demure
Cno po ung nkita nya mall? D ko tlaga gets minsan pg wlang punctuation ung sentence, nwawala ako lagi
Si Nhad po iyon. Siya yung nakita niya sa mall.. :)
ang bait ng mga friends nya. ahahaha. pasasabugin ang apartment? cool!!! hahaha.
very supportive friends. dapat dinidispose sa earth yang mga user-friendly animals. hahahaha
will wait for the next part. :)
zeke!...sarap mong sakalin!...galing mong mambitin!...maldito ni nhad...sarap sapakin...wahahaha...chapter 3 na...bilis!!!...wahahaha
-Berto-
eerr answeet ng mga friends ni andy.. :p
kahit kelan tlga, maldito mga narses.. :p
hmmm i'am impress with this one! parang mas mahu hook ao sa kwentong to.. miss you zild naeexcite ao lalo :)
hhaha kuya zild ikaw na tlga! ehehe kds ~ :D
Ganda talaga ng gawa ni uncle zild :D Saya Saya! next chapter please :D! cguro ung crush nia na masungit si nhad un HAHAHA!
sobrang relate :p...
swerte ko dahil I have friends na katulad ng mga kaibigan ni andy...
feeling ko maka2relate ako ng sobra sa story na to... :)
looking forward for the next chapter...
galing :)
so nice having frends na handang tumulong kahit may mga pagkabaliw. he he he.kailan kaya mag umpisa ung sa knilang 2 ni nhad? hmmmmm.
infairness....
lol next chapter na :x
-yume
hay,,e2 na...ang side ni nhad nung time na nagbalik na sa buhay ni ken si matt..i know it's very hard sa part niya...
I think me pagtingin dn c jasper kay andy...kaso,like others naguguluhan dn un..
-monty
Post a Comment