Story Cover Created by: MakkiPotPot
Written by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
blog: ZildjianStories
Author's Note:
Bulaga!!! Heto na naman ako at ang mga kapraningan ko.
HAHAHA May katagalan din akong nahinto sa pagsusulat para magpahinga (Though
panay chat lang naman ako.) Kamusta kayo mga paps? Diyan pa ba kayo? Hihihi
Sana nariyan pa rin kayo para suportahan ang mga gawa ko. Pasensiya na kung
pinaghintay ko kayo ng matagal.
Tulad ng sabi ko sa Teaser nito. Ang k’wentong ito ay
IMPRINT sa dalawa kong series na ginawa since na ito ang anniversary special
ko. Hi! Hi! Hi! Hindi ko nga lang alam kong special ba ang dating nito sa inyo.
xD
Anyway, Inihahandog ko po sa inyo ang aking bagon likha -BITTERSWEET.
Ang k’wentong magpapasakit sa mga ulo niyo. LOL! Enjoy reading repapipz and
keep the comments coming!!!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Maingay,
puno ng usok, nagsisisiksikan ang mga tao. Ganito palagi ang bar kung saan
nagtra-trabaho si Andy tuwing araw ng sabado. At isa siya sa mga dahilan kung
bakit gano’n na lang kasikat ang bar na iyon sa naturang siyudad.
“Wala ka talagang kupas. Sa lahat ng mga baristang nakilala
ko, ikaw ang ang pinaka-cute at pinakamasarap gumawa ng inumin.” Ani ng isa sa
mga babaeng nakaupo sa kanyang teritoryo sa bar na iyon – ang bar counter.
“I will agree on that. The reason why we always wanted to
hang-out here is because of your notorious drinks and your notorious look.”
Pagsang-ayon naman ng isa na sinang-ayunan naman ng mga kasama nito.
Isang napakatamis na ngiti ang ibinalik niya sa mga papuri
at lantarang pagfli-flirt ng mga ito sa kanya. Di na bago para kay Andy ang mga
ganitong papuri at pagpapa-cute ng mga costumers sa tuwing matitikman ng mga ito
ang mga likha niyang inumin. He was one of the reason kung bakit biglaang sikat
ang bar na iyon. Dahil sa kanyang kakaiba at hindi matatawarang talento sa
paggawa ng mga inuming nakakalasing.
“May girlfriend ka na ba Mr. Barista?” Ang lalasing-lasing
na wika naman ng isa.
Mula sa ginagawang pagpupunas sa mga shot glass ay nabaling
ang tingin niya rito at binigyan ito ng isang alanganing ngiti.
“Wala pa ma’am.”
“Really?” Ang tila naman na-excite na wika nito. “I haven’t
had a boyfriend who’s good in making drinks, gusto mo bang i-try maging
boyfriend ko?”
“Bongga!” Ang sabay-sabay na wika ng mga kasama nito at
nagbungisngisan pa.
Nginitian na lamang niya ang mga ito at nagkunyaring walang
narinig. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong uri ng kapraningan sa loob ng
bar na iyon. Uso doon ang tinatawag ng ilan na indecent proposal.
Mukhang napansin naman ng isa sa mga babae ang ginawa niyang
pag-iwas sa proposal ng kasama nito.
“Hindi ka ‘ata type ni Mr. Barista, Mae.” Turan nito saka
siya binalingan. “Baka ako ang type mo, magsabi ka lang at hindi ako mahirap
kausap.”
“Ako rin!” Singit naman ng isa na sinabayan naman ng mga
kasama nito.
Ngumiti na lamang siya sa mga ito kahit pa man sa loob-loob
niya ay gusto na niyang humagalpak ng tawa. Iba na talaga ang panahon ngayon,
tapos na ang Maria Clara age at hindi na uso na ang mga lalaki ang unang
lumalapit sa babae.
“Can I have you tonight?” Biglang singit ng isang lalaki na
dahilan para mapalingon ang mga babaeng pinagpyepyestahan siya.
It was his friend Jasper. Bagama’t nabigla sa biglaang
pagsulpot ng isa sa kanyang mga kaibigan na may katagalan na niyang hindi nakikita
ay hindi niya iyon ipinahalata sa halip ay nginisihan pa niya ito.
“Are you referring to me handsome?” Ang malanding wika ng
isa sa mga babae dito.
“Oh, no sorry. I was referring to the person inside the bar
counter.”
Lihim siyang napahagikhik.
Nakataas ang mga kilay ng mga babae nang muling bumaling ang
mga ito sa kanya. Siya naman ay pilit na ibinalik sa normal ang ekspresyon ng
kanyang mukha subalit hindi niya iyon nagawa ng tama dahil sa kalokohan ng
kanyang kaibigan.
“Oh, great!” Bulalas ng isa sa mga ito na nagngangalang Mae
at eksaharada pa nitong iwinagayway ang hawak na baso. “Now I know why he
doesn’t have interest on us, because he’s one of those guys who also like guys.”
Hindi na niya napigilang tuluyang magpakawala ng pilyong
ngiti. Kahit kailan ay hindi niya ikinahihiya sa iba ang kanyang seksuwalidad.
Para sa kanya, mas mabuti na ang magpakatotoo para na rin makaiwas sa mga
katulad ng mga ito dahil kahit pa man tanggap na niyang hindi talaga siya full
pledge na kalahi ni Adan, hindi parin niya maiwasang hindi matukso sa mga
kalahi ni Eba.
Tumayo mula sa pagkakaupo sa counter chair ang isa sa mga
babae saka hinarap ang kanyang kaibigang hanggang sa mga oras na iyon ay
nakaplastar pa rin ang nakakagagong ngiti.
“Here, take my seat para naman makapaglandian kayo nitong si
Mr. Barista.”
“Thank you.” Malokong wika nito saka walang pag-aalinlangan
na naupo.
Napailing na lamang siya sa lakas ng trip ng kaibigan. Sanay
na siya rito na basta-basta na lamang sumusulpot na parang kabute at sa
power-trip nito.
“Can I have your order Sir Jasper?” Nakangiti niyang tanong
dito na sinadyang tawagin ito sa tunay na pangalan at hindi na muling binigyan
pa ng pansin ang mga babaeng sa mga oras na iyon ay sa kanilang dalawa na
nakatingin na para bang gustong masaksihan kung papaano sila maglalandian ng
kanyang BOYFRIEND.
“Give me the best mixed drink that you can make.” Ang tila
naman naghahamong tugon nito na nilakipan pa ng isang kindat.
Narinig niya kung papaano mapasinghap ang mga babaeng
nanunuod sa kanilang dalawa at hindi niya maiwasang lihim na mapahagikhik.
Sinimulan na niyang paghulo-haluin ang mga matatapang na
inumin sa counter na iyon sa harap mismo ng mga costumer niya. Sa bawat galaw
ng kanyang mga kamay at sa bawat pagpapakita niya ng iba’t ibang stunt ng
paghahalo ay hindi maiwasang mapabilib ang mga tao na nasa loob ng bar. Kahit
ang mga ilan na malayo sa bar counter ay napalapit para lamang makita ang
kanyang napakagandang performance.
“Done!” nakangiti niyang sabi and he gracefully filled the
shot glass with his new created drink.
Napuno ng palakpakan ang buong bar na iyon na nilakipan pa ng
pagsipol ng ilang kalalakihan sa sobrang pagkabilib sa kanya. Isang rason kung
bakit hindi siya mabitaw-bitawan ng may-ari ng bar na iyon.
“I’m impressed.” Nakangising wika ni Jasper. “Ano naman
ngayon ang tawag mo sa inuming ito?”
“Night wrecker.” Ang nagbibiro niyang tugon na ikinatawa
nang mga nakarinig kasama na doon ang mga babaeng kanina lang ay nagfli-flirt
sa kanya. Mukhang nakalimutan na ng mga ito ang naramdamang pagkadismaya nang
malaman ang tunay niyang seksuwalidad.
Sumimsim ito ng kanyang ginawang inumin at muli itong
napangiti.
“Walang kupas, ikaw pa rin ang pinaka the best bartista
dito, Andy.” Usal nito. “By the way, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa’yo
kanina.”
“Alam ko na yan .” Ang nagyayayabang niya namang tugon.
“Anong tanong ba iyon?”
“If I can have you tonight.” May pang-aakit nitong
pag-uulit.
Bagama’t hindi niya pinahalata ay medyo nag-alangan siya
kung pauunlakan ba niya ang imbestasyon nito pero gusto rin niyang muling
makausap ito at makamusta.
“Wag ka nang tumangi. Go na!” Singit ng isa sa mga babae.
“Yeah, go for gold! Best barista like you deserves to be
laid tonight. Di ba girls?” Malokong gatong naman ng isa na nilakipan pa nito
ng pagtaas ng hawak nitong baso at nakipag-cheer sa mga kasama.
Napahagikhik na lamang silang dalawa ni Jasper at pasimple
niya itong kinindatan tanda ng kanyang pagsang-ayon.
Alas-kuwatro ng madaling araw ng tahakin nila Andy ang daan
papunta sa bahay kung saan ayon pa rito ay mag-isa lang itong naninirahan doon.
Panaka-naka niya itong pinagmamasdan habang nagmamaneho at hindi niya parin mapigilan
ang mapahanga rito.
Ilang taon na ba silang ganito? Nasa kolehiyo pa lamang siya
nang makilala niya ang mga ito at doon nabuo ang kanilang pagkakaibigan.
Subalit, taliwas sa iba pa nilang kaibigan, ang samahan nila ni Jasper ay
kakaiba. Oo, kakaiba ito sa pinaka-kakaiba at hindi niya maiwasang mapailing sa
tuwing mabibigyan niya ng pansin ang kanilang turingan.
“Bakit ka napapailing diyan?” Kapagkuwan ay tanong nito. “Kamusta
ka na Andy? Na-miss mo ba ako?”
Mataman niya itong tinitigan. Wala pa ring pagbabago sa
hitsura nito. Tulad ng dati, guwapo at matikas pa rin ito. At naroon pa rin ang
kakaibang confidence na una na niyang nagustohan dito.
“Papaano mo nalamang nandito ako sa teretoryo niyo?” Sa
halip ay balik pagtatanong niya.
“Kay Miles.” Pagbangit nito sa isa pa nilang kaibigan. “Siya
ang nagsabi sa akin na nandito ka nga raw at kasalukuyang nagtra-trabaho.
“Pambihira talaga iyon.” Naibulalas niya.
Iniwan nito ang tingin mula sa binabaybay na kalsada saka
bumaling sa kanya.
“Bakit, ayaw mo bang makita ako? It’s been a while Andy.”
Wika nito na sinamahan pa ng isang pilyong ngiti.
Namula naman siya. Sa mga kaibigan niya, ito ang
pinaka-unang nakaalam sa tunay niyang seksuwalidad at iyon ay dahil sa isang pangyayari
nang magkalasingan sila. At doon nagsimula ang kakaiba nilang turingan sa isa’t
isa.
“Yeah, it has been a while.” Wala sa sarili niyang turan.
Tumango-tango ito.
“Ibig bang sabihin ng pagsama mo ulit ngayon sa akin ay
hanggang ngayon, wala ka pa ring karelasyon?” Kaswal ang dating ng
pagkakatanong nito sa kanya subalit sa di malamang dahilan, nakaramdam siya ng
kirot na agad naman niyang pinalis.
Binigyan niya ito ng malokong ngisi. Ngising nagtatago sa
tunay niyang nararamdaman na lagi niyang ginagawa. Siya ang tipo ng taong hindi
binibigyan ng pagkakataon ang mga negatibong damdamin na sumakop sa kanya.
“Kapag sinabi ko bang oo, ay sasaluhin mo ako?” Pabiro
niyang pagbabalik tanong.
Natawa ito. At sa puntong iyon nakuha na niya ang sagot.
Same old Jasper.
“Sa susunod ‘wag kang magtatanong ng mga imposibleng bagay
ha.” Wika niya at binato ito ng nilamukos niyang kaha ng sigarilyo at sabay
silang nagkatawanan.
“Wala ka pa ring pagbabago, ikaw pa rin ang pinakamagulong
tao na nakilala ko.” Tatawa-tawa nitong wika.
“That’s what made me special.” Tila proud naman niyang sabi
na sinamahan pa niya ng paghagikhik.
Dumating sila sa bahay nito. Tulad ng huli niyang punta roon
ay walang masyadong nagbago mailman sa matatas na damo sa garden nito. Kailan
ba siya huling napunta niya sa bahay na iyon? That was three years ago at pare-pareho pa silang nag-aaral sa
panahong iyon.
Memories suddenly flooded in him. Dito mismo sa bahay na ito
nangyari ang hindi dapat nangyayari sa mga magkakaibigan na ilang ulit pang
nasundan. Every corner of the house reminded him of the past. Noong mga panahon
na nagwawala pa siya.
“Senti mode?” Nakangiting basag sa kanya nito.
Napangiti na rin siya rito.
“Kailan ka pa nakabalik, Toper?”
Napataas ito ng kilay na ipinagtaka niya.
“Oh, bakit?”
“Hindi mo parin pala nakakalimutan iyang palayaw kong ‘yan. Last
week lang ako nakabalik.”
“Bakit ka bumalik?” Nakangising tanong niya.
Nagkibit balikat ito.
“For a change. Tara sa kusina may beers ako sa ref.”
Sa kusina ay hinayaan niyang ito ang gumalaw habang siya ay
mataman lang na pinagmamasdan ito habang binubuksan nito ang dalawang bote ng
beer. Alam niyang may matinding dahilan kung bakit ito nagbalik. May katagalan
na rin nang umalis ang mga ito kasama ang pamilya upang mag-migrate sa ibang
bansa dahil naroon ang trabaho ng mama nito na isang head nurse sa isa sa mga
hospital doon.
Nang maiabot nito sa kanya ang inumin ay naupo na rin ito
paharap sa kanya.
“So, tuluyan mo na pa lang tinakasan ang pamilya mo.
Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nila tanggap ang napili mong buhay?”
“Masyado naman yatang brutal ang napili mong salita. Hindi
ako tumatakas at lalong hindi ko kailangan na tanggapin nila ako. Gusto ko lang
na mapag-isa at i-enjoy ang buhay ko.”
“Talaga lang ha.” Wika nito kasabay ng pagtunga ng alak. “Ano
pala itong naririnig ko na may pinagdaraanan ka raw ngayon?”
“Pinagdaraanan?”
“It seems someone already caught your attention. Ayon kina
Miles, may natitipuhan ka na raw ngayon. Dapat na ba akong magselos?”
Natawa siya. Ngayon, naniniwala na talaga siya na mas
tsismoso ang mga lalake kumpara sa mga babae.
“Wala talagang kupas pagdating sa katsismosohan ang mga
iyon, noh?”
“Sinabi mo pa.” Nakangisi rin nitong tugon. “So, who’s this
lucky guy?”
Doon lang niya muling naalala ang lalaking pumukaw ng
kanyang interes. Ang lalaking naging hobby na ang bigyan siya ng mga papuri sa
tuwing dadayo ito sa bar nila.
“Wala na iyon.” Wala sa sarili niyang tugon. “Masaya na siya
ngayon sa buhay niya.”
Mataman siya nitong tinitigan na para bang may kung ano
itong inaarok.
“’Wag mo akong titigan ng ganyan Toper at baka maibato ko sa’yo
itong boteng hawak ko.”
Taliwas sa kanyang inaasahan na tatawa ito at gaganti ng
biro ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Ang sumunod na
nangyari ay naramdaman na lamang niya ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang
labi.
“Na-miss kita Andy.” Usal nito ng maghiwalay ang kanilang
mga labi. “Na-miss ko lahat sa’yo.” At muli nitong pinaghinang ang kanilang mga
labi.
Dama niya ang bawat paggalaw ng labi nito na malugod naman
niyang tinutugon. Hindi niya maintindihan ang sarili, hanggang ngayon ay
nawawala pa rin siya sa huwisyo sa tuwing maglalapat ang mga labi nila.
Fubu, fucking buddy. Ilan lang yan sa mga pang-aasar na tawag
ng mga kaibigan nila sa uri ng relasyon meron silang dalawa. Alam ng lahat sa
barkadahan nila ang kakaibang pagkakaibigan na meron sila nito. Ito ang kanyang
una at tanging lalaking pinayagan niyang angkinin siya ng buo.
Pero syempre hindi lamang libog o pagnanasa ang meron siya
para rito sa tuwing magniniig sila, because the man he was kissing right now
was also the same man he once used to love. Subalit, hindi magkatulad ang
damdamin nila para sa isa’t isa dahil may nagmamay-ari na ng puso nito at hindi
siya iyon.
Sa umpisa pa lang, alam niyang mali itong ginagawa nila
subalit kahit anong pagpipigil niya na hindi magpadala rito ay palagi lamang
siyang nabibigo. Maybe because of the fact na may damdamin siya para sa taong
nangangailangan sa kanya.
Oo, pakiramdam niya ay napakasama niyang tao sa kadahilanang
may nasasaktan siya sa tuwing magtatalik sila nito. Subalit mali bang pagbigyan
niya rin ang sarili niyang pangangailangan tulad ng pagbibigay niya sa tuwing
mangangailangan ito sa kanya?
“Let’s go to my room.” Wika nito na tinanguan naman niya.
Nang marating nila ang silid nito ay nagmamadali itong
nagtanggal ng damit. Revealing to him Jasper’s well built body. Hindi niya
maiwasang hindi humanga rito nang muli niyang masilayan ang katawan nito na
halos ilang taon na niyang di nakita na naging sanhi ng pagkatulala niya. Kung
hindi pa ito gumalaw upang tanggalin ang kanyang damit ay hindi pa siya
matatauhan.
He can see the need in Jasper’s eyes. Hindi na ito bago sa
kanya dahil noon pa man, ito na lagi ang nakikita niya sa mga mata nito sa
tuwing magtatalik sila. Ngunit may nagbago na ngayon, wala na ang kirot na
nararamdaman niya sa tuwing isang matinding pangangailangan lamang ang nakikita
niya sa mga mata nito. Siguro, tuluyan na nga niyang nakalimutan ang damdamin
para dito at ngayon, masasabi na niyang pareho na sila ng nararamdaman at iyon
ay tawag ng laman.
Unang nagmulat ng mata si Andy. Mataas na ang sikat ng araw
at nang tumingin siya sa kanyang relo ay pasado alas-dose na ng tanghali.
Binalingan niya ang katabing hanggang sa mga oras na iyon ay mahimbing pa ring
natutulog.
Mataman niya itong tinitigan at ngayong humupa na ang
matinding tawag ng kanyang laman ay hindi niya maiwasang makonsensiya. Alam
niya sa kanyang sarili na dapat ay hindi na niya pinagbibigyan ito. Dahil may
masasaktan siyang tao at iyon ay ang kasintahan nito na nasisiguro niyang siya’ng
dahilan sa biglaang pagbabalik bansa nito.
Napabuntong hininga na lamang siya at maingat na tumayo.
Isa-isa niyang pinulot sa sahig ang nagkalat niyang saplot at isa-isa itong
muling sinuot.
Katatapos pa lamang niyang ma-i-zipper ang kanyang pantalon
nang magmulat ng mata si Jasper. Pupungas-pungas itong napaupo sa kama.
“Aalis ka na naman ba tulad ng dati na hindi man lang
nagpapaalam sa akin Andy?” Seryosong wika nito.
“Ayaw lang kitang maisturbo sa pagtulog mo.” Nakangiti
niyang tugon.
“Stop giving me that fake smile. Alam mong hindi iyan
bebenta sa akin.” Ang tila galit nitong sabi.
Napabuntong hininga siya. Ito nga pala ang isa sa mga taong
nakakakita sa tunay niyang nararamdaman at iyon ang dahilan kung bakit agad siyang
umaalis sa tuwing matatapos silang magtalik noon. Dahil ayaw niyang makita nito
ang sakit at pait sa mga mata niya.
“Hanggang ngayon ba ––”
“Drop it. Matagal ko nang kinalimutan ang lahat Jasper.”
“Kung gano’n bakit hindi ka makatingin ng diretso sa akin?”
“Dahil hanggang ngayon, mali pa rin itong ginagawa natin.”
May diin niyang sabi. “May girlfriend kang tao Jasper, dapat siya ang katabi at
kasiping mo sa gabi at hindi ako.”
“Bago yata iyan ngayon Andy. Hindi nga ba’t noon pa man ginagawa
na natin ito? Bago pa lang kami ni Ivy, ginagawa na natin ito ng madalas dito
sa bahay at dito mismo sa kamang ito.”
“Iba noon, iba ngayon.”
“At ano ang pinagkaibihan?” Ang tila naghahamon nitong sabi.
“Dahil ngayon, nakikita ko na ang mga bagay na hindi ko
nakikita noon nang sobra-sobra kitang minahal.”
“Andy…”
“Magkaibigan tayo Jasper, at dapat hanggang doon lang ang
turingan natin. Tigilan na natin ito, ayaw kong makasakit ng tao sa bandang
huli at higit sa lahat, ayaw na ayaw ko sa pakiramdam na nasasaktan ako na
hindi ko maiiwasan kung patuloy nating gagawin ito.”
Agad niyang tinungo ang pintuan ng silid nito kahit pa man
hindi pa niya naisusuot ang kanyang damit at walang lingong-likod na umalis.
Imbes na sa apartment niya tumuloy ay naisip ni Andy na
maglakad-lakad na lang muna sa mall para makapag-isip-isip. Ito ang nakasanayan
niyang gawin tuwing may mga bagay na gumugulo sa kanyang isip.
Inaliw niya ang kanyang sarili para tuluyang makalimutan ang
nangyari sa kanila ng isa sa mga kaibigan niya sapagkat ayaw niyang magpaapekto
at magpadala sa kanyang emosyon. Nadala na siya noon, no’ng mga panahon na
mahina pa siya.
Habang abala sa pagtingin-tingin ng mga damit ay isang
pamilyar na tao ang kanyang napansin. Sinundan pa niya ito ng tingin para
lamang masiguro kong hindi ba siya linilinlang lamang ng kanyang mga mata
ngunit hanggang sa mawala na lang sa paningin niya ay hindi niya nasiguro kong
iyon nga ang taong iniisip niya.
Siya ba ‘yon? Bakit
parang ang laki naman ng ipinagbago niya? Ang hindi niya maiwasang maitanong sa
kanyang sarili.
Itutuloy:
42 comments:
:-)
ang ganda kuya zid:) ung story nmin ni brian ah :) gft mo na sa aqn un ah:)
grabe kuya zeke another epic story..medyo naguluhan lang ako dun sa conversation nina andy at jasper nung on the way sa house ng kung kanino mang bahay yun..di ko na maintindihan kung sino ang nagsasalita..pero nevertheless..maganda..good job..thumbs up..next please..haha..
-J
ano ba masasabi ko...wahahaha...hindi si andy ang pinakasexy mong bottom!...kay dorwin pa rin ako...wahahaha....dorwin and renzell dave forever!!!!...wahaha...ayan...napakakumplikado naman nang umpisa...sex agad???...grb di nakapaghintay...wahaha...exciting naman to...pano mo ikokonek to sa first series mo (inosente mode)...wahaha...galing talaga...hintay ko na next chap...wahaha
-Berto-
Saang banda ka naguguluhan? Hehe pasensiya naman kubg ganun. Mujhang hibdi na yata ako marunong magsulat.waaaah!!
Akala ko ibang story to. Hinahanap ko si nhad habang ngbabasa eh sa next chapter pa pala papasok.lol
waah! yan ang tinatawag na KAMA KAMA KAMA CHAMELEON! LOL
Nice One Poy! :D
Nice one zild! ganda agad ng chapter 1, medjo ang weird lang ksi, sex agad HAHAHA. next chapter please :D
ayy. SPG agad kuya zild HAHAH walang kupas kuya zild nice one :D may aabangan nanaman akong basahin <3 abang abang din ng next chapter hihihi
- Kevin P. ^O^
wow! first chapter p lng! hmmmm....hahahahaha si Nhad!
wow.. i agree.. una pa lang may sex na agad.. not the usual intro but i super love it.. yehey may bago na ulit akong aabangan.. thank you for posting this..
God bless.. -- Roan ^^,
Nice start kuya zild,for sure super hit n nman e2ng new story mu,hahaha... xD
may bago na naman hehe =dereck=
sex agad.,hehehehehee okay lang ganda naman ang kwento.... may bago nana mang aabangan...nice...galing talaga....
omg. this is a good one, XD
sana spill na ang beans in the coming chapter... nakakalito ang pagshift ng timeframe/recall XD
pero MOGONDO ang STORY.. XD
kudos!
waaa....masyado namang bulgar ang friendship nng dalawang to...pero you deliver it nicely zeke..i'm sure masakit na naman ang ulo mu kung panu pa lalo mapaganda ang story,, nice one ..hangganda...
_iamronald
thanks kuya zild!! At last may aabangan na nmn ako,hehehe.. Love your stories, all of them- Jordan Rey
Ang ganda talaga.. Kaabang-abang!
-arc
Ganda nmn sundan n po ito plssssss.... Labas n si nhad....
ang galing galing mo talaga!! oh well..
OMG!!! hahaha.
so cool. fubu? not a bad idea when both parties are no committed.
i've been waiting for this. haha. can't wait for the next part. :)
nice start!!!
Ang ganda ng story Kuya Zildj :)) Next chapter plz ..
-Carl
IIIIIIIMMMMMMMMMM BAAAAACCCCKKKKKK!!!!!!
KUYA Z...namis ko ang mga obra mo eh at tulad parin ng dati u are one of the best writer :):) keep it up mwuah....
waaaaaaaaaaaaaaa may update na pala wala pato kagabi nung nag check ako e... ayan may bagong aabangan nanaman oyeah!!!
salamat sa bagong kwentong master Z! iba ka talaga PROMISE!! :D
-Karl Rickson
Ahai! Another story that makes me stress whenever im bitin! Ahaha love your works! Keep it up! I love you na! :-)
Ivan d.
at last, naumpisahan na din. he he he
guys tanong lng..
bakit nawala ung " MIGS SHORTS BISEX STORY? "
1 year na akong taga subaybay nun..
wat happened?
- ChuChi -
happy anniversary Z!
may bago na naman akong aabangan..baka may lababo scene na naman to??hahaha!!
take care Z!
Riley
Baka nagka-error lang po sa link ni migs. Im sure hin di po iyon mawawala... Try nyo lang po i-revisit ang nlog nya fron time to timee. ^_^
una palang iba na....sana kasabay din nito yung kay maki-maki ay jay-jay hihih thnx. author napapasaya mo talaga ako whooooo...!!!!!
jubert
ok pa rin po yung blog ni migs..hindi po sya nawawala and may bago nga po sya story ngaun..you can check it out:)
Riley
ANG GANDA ZEKE!!!!!!!!!!!!!!!
Hindi na virgin si Andy!!!! Haha!
Promise zeke, maganda itong first chapter.
Siguro gusto na din ni Jasper si Andy?
Feeling ko, ako talaga si Andy. Haha!
sus mio..ungang chapter ACTION agad...whahaha
Pak na Pak...
bago nga ang dating nitong story mo sir. sex agad sa unang chapter unlike sa previous stories mo na sa last part ang mga temang PG. thanks for writing again a new series for us to enjoy.
---januard
Pagamit po ng 3rd person kxe hnd ko po mxado maintindhan kong cno tinutukoy mo, tska anlalim po ng mga ilang words, lol, d po ako sanay,haha pro ang galing nyo po mgsulat :)
hong gondo ng story!
specially the term fucking buddy hahahah!
ILL DEFINITELY LOVE THIS STORY!
<---- demure
oh..
ok na ...
error nga lng ung link..
amf...
>.<
haizt, uya c NHAD dba sya ung nsaktan na ex BF ni Kenneth nun nice
andy loves nhad
wow zild nice start hehehe.
another connecting story can't wait to read the next chapter.
take care and keep on writing....
wowooweeeeeee bagong theme pala eto.
bwhahaha excited na me :D
galing ni author
-yume
medyo nagulat aq sa simula ng story ni andy..napatulala aq sa naging sitwasyon nya dati...pero naawa agad aq sa kanya...hhmm..
Pero ang cute niya dun sa bar plng sila ni jasper!^^
-monty
Post a Comment