Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
FB Group: facebook/ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat sa paghihintay. Pumalpak na naman ako sa target time ko pero hayaan niyo na. Effort naman itong ginawa ko. HAHAHA
Anyway, ang next posting ko ay di ko pa alam. Basta bubulagain ko na lang kayo mga paps. And starting to this chapter, magsisimula na ang fast phasing ng k’wentong ito. But syempre, hindi naman ibig sabihin niyon ay matatapos ito agad. Marami pa akong gagawing paghahabi para mabigyan ko ng magandang justice ang k’wento ito so watch out. By the way, conflict of the story is now coming its way. HAHAHA
YouCanCallMeJM, Harold, _Iamronald, Dev Nic, Lawfer, Frostking, AkoSiChristian, --Makki--, Foxriver, Rheinne, Robert_Mendoza, Khate Wiliams Serjado, Caranchou, Empire027, Lexin, Jaycee Mejica, Mhi Mhiko, Yuan, Luilao, Flexible Guys (Pat), Myung Dae, The LegazpiCity, AkosiJames, Andy (Ang pagbabalik), Franklin Alviola, Brilliance, Russ, Rascal, Coffee Prince, JC, Tzekai Balaso, Hiya, -J (Doppelganger), Jhay27. – Salamat guys sa time at effort para lang makapag-comment. Na-appreciate ko yan kaya tuloy niyo lang. Hihihi Sana makita ko ulit mga pangalan niyo sa chapter na to. ^_^
ENJOY READING Y’ALL AND KEEP THE DAMN COMMENTS COMING! MALAPIT NA ANG MGA PASABOG KO SA K’WENTONG TO!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Congratulations!” Nagkaka-isang bati nila sa dalawang pares na naging malapit na rin sa kanilang grupo. Mga dating ka opisina ni Jay noong napagtrip-an nitong pumasok bilang isang call center agent at prin-a-praktis nito ang pagpapaka-low profile nito.
“Thanks Guys. We thought hindi niyo tototohanin ang pag-abay sa kasal namin.” Nakangiting wika naman ni Rex. Ang groom sa naganap na kasalan na ilang minuto pa lang na natatapos.
“ Hindi namin p’wedeng palalampasin ang araw na ito. Makakalibre na nga kami ng pagkain, makikita pa namin kayong mangiyak-ngiyak sa galak.” Ang nakangiti namang wika ni Jay dito.
“You look pretty, girl. Sana ganyan din ako kaganda kapag ikinasal kami ni Zandro ko.” Ningning ang mga mata na animoy nangangarap na wika ng isa sa mga kasama nila, si Chelsa.
“Zandro?” Ang kunot-noo namang wika ni Ken na isa ring dating ka-opisina ni Jay. “The same Zandro ba `yan na kaibigan ni Andy? Sa pagkaka-alam ko, allergic `yon sa’yo, ah.”
Napasimangot si Chelsa.
“Hindi siya allergic sa akin! Sadyang `di lang siya sanay na babae ang humahabol sa kanya!”
“Totoo ba iyon, Nhad?” Ngingiti-ngiti namang tanong ni Rachalet. Ang napakagandang bride sa araw na iyon.
“Huh? Ang alin?” Ang tila nagulat naman nitong tugon.
“Huwag na kayong umasang naiintindihan kayo niyan.” Nakangiting wika ni Ken. “Paniguradong nakay Andy na naman ang isip niyan.”
“Parang si Matt mo lang `no? Walang kwentang kausap kapag hindi ka niya nakikita.” Nang-aasar namang wika dito ni Jay.
“Speaking of Matt and Andy. Asan sila?” Si Rachalet.
“Matt is having a meeting with kuya Claude. Susunod siya sa reception pagkatapos.” Tugon ni Ken.
“Pabalik pa lang dito si Ands galing sa pagbisita sa family niya. Dederitso na lang daw siya sa reception.” Ani naman ni Nhad.
Nakakatuwang isipin na ang dalawang noon ay dating magkasintahan ay pareho ng masaya sa kanya-kanya nitong relasyon. Alam niyang hindi biro ang mga pinagdaanan ng mga ito. Pero dahil hindi sumuko sa buhay, heto’t nagawa ulit ng mga itong maging masaya at kontento. At ang magpapatunay niyon ay ang nakikita niyang kislap sa mga mata ng mga ito.
“Kung gano’n ay tumayo na kayo riyan at mag-picture-taking na tayo.” Ang nakangiting wika ni Rachalet. “And by the way Jay, you look good with a barong tagalog. Nagmukha ka ngayong kagalang-galang.”
“You bet Mrs. Mantua. Wala nang maniniwala na isa siya sa mga taong hindi sineseryoso ang trabaho.” Ngingisi-ngisi namang pagsang-ayon ng ngayon ay legal na nitong asawang si Rex.
“Tigilan niyo akong dalawa at baka ang sumunod na pagmisahan sa simbahang ito ay ang mga walang buhay niyong katawan.” Ang napikon namang wika ni Jay sa ginawang pang-aasar ng dalawang bagong mag-asawa.
Inakbayan niya ito.
“Huwag niyo namang ganyanin si Jay-Jay. Nagbago na siya.” Ngingiti-ngiti niyang pagtatanggol dito.
Bumaling sa kanya si Jay na nakataas ang kilay.
“Sino ka? Ano ang ginawa mo sa Maki na ang misyon sa buhay ay ang palitan sa impyerno si Lucifer? Lumayo-layo ka nga sa akin at baka ako naman ang saniban mo.”
Nakita niya kung papaano humagikhik ang bagong mag-asawa pati ang dalawang kanina pa walang imik na sina Maki at Niko. Habang sina Ken at Nhad naman ay parehong nakaguhit sa mga mukha ang nakakagagong ngisi.
“In all fairness Jay, bagay kayo ni Papa Maki. At dahil may Zandro na ako ngayon, ipapaubaya ko na siya sa’yo.” Si Chelsa ang naglakas loob na magsalita.
“May Janssen na ako `no! Kaya tigil-tigilan niyo na ang panunukso niyo sa amin!”
“Woah! Nabaliktad na yata ang sitwasyon. Ikaw naman ngayon Jay ang masyadong affected.” Nang-aasar na wika ni Lantis.
“Ewan ko sa inyo! Tara na nga at mag-picture-taking na tayo ng matapos na ito dahil kanina pa nangangati ang katawan ko sa suot ko!” Wika nito sabay walang lingon likod na nagmartsa patungo sa may altar.
Sabay-sabay silang napahagikhik ng kanyang mga kasama at ng ibang taong nakarinig. Sa di malamang dahilan, wala siyang nakapang kirot ng muling mamutawi sa bibig nito ang pangalan ng kanyang karibal. Maybe because alam niyang hindi lamang si Janssen ang nasa puso nito, naroon rin siya.
Kailangan ko lang pakawalan ang damdamin niya para sa akin na pilit niyang ikinukulong sa kanyang puso. Kapag nagawa ko `yon, nasisiguro ko ang tagumpay ko.
Dumating nga tulad ng sabi ng mga kasintahan ng mga ito ang dalawa pang taong masasabi niyang naging malapit na rin sa kanilang grupo. Sina Andy at Matt. Ang dalawang parehong konektado sa minsan na nilang nakilalang grupo na mga kaibigan ni Dave. Ang sumisikat na rin sa lugar nilang Seventh bar owners. Paano ba naman, pati sa lugar nila ay nag-i-extend na rin ang mga ito ng mga negosyo. Tulad na lamang ng bagong restaurant na pinuntahan nila ni Jay na pag-aari rin pala ni Claude Samaniego. At ang architect na nagdesign sa napakagandang restaurant na iyon ay walang iba kung hindi si Ervin Rome Ruales na isa ring kaibigan-cum-kasosyo ng mga ito. At ngayon nga, ang balita niya ay plano na ring i-extend ng mga ito ang seventh bar sa lugar nila.
“Ano na ang nangyayari sa mga plano mo Maki? Wala `ata akong makitang pagbabago sa sitwasyon niyo ni Jay.”
Abala ang lahat sa pakikipagsaya sa mga bagong kasal. Si Jay at ang iba pa nilang kasama sa eksklusibong mesa para sa kanila ay hayon at nagkakasayahan na.
“Anong plano, Nico? Wala na ako niyon.” Kaswal niyang sagot habang ang tingin ay nakay Jay na tulad ng ibang abay ay nakikigulo sa programang inihanda ng organizer.
Napakunot-noo ito.
“So, are you saying that you have already given up Jay? At ngayon, ang pagbabagong pinapakita mo ay para lamang tuparin ang pangako mo sa pagkakaibigan ninyo?”
Bumaling siya rito.
“Wala akong balak i-give up si Jay, Nico.”
“So, ano ang gagawin mo? You’re running out of time, Sa makalawa na ang balik ni Janssen. Hindi mo naman siguro nakakalimutan iyon di ba?”
“Nope. In fact, naghihintay na rin ako sa pagdating niya.” He casually said.
Bumakas ang matinding pagtataka sa mukha nito.
“What do you mean?”
“Lalaban ako ng harapan sa Janssen na iyon. Kung kinakailangan kong makipagtagisan sa kanya maipakita lang kay Jay na ako ang taong dapat niyang mahalin ay gagawin ko.” Bakas ang determinasyon niyang tugon.
“Paano? Alam mong wala kang –– Teka, may nalalaman ka ba hindi mo sinasabi sa akin, Maki? Kilala kita, hindi ka magdidesisyon ng ganyan kung wala kang pinanghahawakan.”
Malakas talaga ang pakiramdam nitong kaibigan niya o baka nga sadyang kilala lang nila ng husto ang bawat isa. Either way, wala naman sigurong problema kung sasabihin niya kay Nico ang lahat ng kanyang mga narinig mula kay Jay. Tikom ang bibig nito kaya wala siyang dapat ipag-alala.
Huminga muna siya ng malalim bago niya sinabi rito ang lahat ng mga narinig niya kay Jay noong malasing ito ng husto. Bumakas sa mata ni Nico ang pagkagulat. Tulad niya, hindi rin nito inaasahan ang kanyang mga nalaman sa kababata.
“So, tama nga kami ni Lantis.” Wala sa sariling naiwika ni Nico pagkatapos. “Tama ang interpretasyon namin sa mga behaviour niya noon sa tuwing makakatanggap ka ng mga love letters galing sa kung sinu-sinong babae. ”
“I thought it’s just one of those times that he was being childish kapag pinagpupupunit niya ang ilan sa mga love letters na para sa akin. Kasi minsan naman siya pa ang tagabigay sa akin ng mga iyon.”
“Baka dahil sa alam niya kung kanino siya dapat ma-threatened. Kilala niyo ni Jay ang isa’t isa di ba? Kaya alam niyo ang standards ng bawat isa. So, iyong mga pinupunit niya ay `yong mula sa mga kababaihan na p’wede mong magustohan.” Ani ni Nico.
“ Come to think of it. Iyong mga hindi ko nga tipo ang siyang itinitira niya at ginagamit na panukso sa akin.”
Bakit nga ba `di pumasok sa isip niya na may pagtingin sa kanya si Jay? Sabagay, masyado pa silang mga bata noon at wala pa sa isipan niya ang salitang pag-ibig. They were second year high school that time for Pete’s sake. Kung hindi mga homework ang nasa isip niya, ay mga sandamukal namang project ang naghahari sa kanyang utak dahil ayaw niyang biguin ang mga magulang nito na siyang sumagot sa kanyang pag-aaral ng mag-high school siya. Kaya nga naging misyon na niya sa buhay ang patinuin ito bilang pambawi sa tulong na ibinigay ng mga magulang nito sa kanya.
“So, papaano mo bubuhayin ang dating damdamin ni Jay para sa’yo?” Si Nico.
“Walang bubuhayin Nico dahil hindi naman namatay iyon. Alam kung nasa puso pa rin ni Jay ang damdamin niya noon sa akin. He’s just suppressing it. Ang magpapatunay diyan ang pagbabago ng mga kilos niya pagkatapos naming makapag-usap kagabi sa restaurant.”
“Pababago?”
“Unlike me, Jay is not a great pretender. Matapos kong patotohanan sa kanya na ang wala sa oras kong pag-amin noon ay nagkaroon ng malaking pagbabago ang pakikitungo niya sa akin. He can’t even look straight into my eyes every time mabibgiyan kami ng pagkakataon. Kahit sa bahay, pagka-uwi namin kagabi, ramdam ko ang pagiging uncomfortable niya habang nasa iisang kama kami.” Pagkukwento niya.
“And?”
“He will deny my feelings for me para patunayan sa akin na marunong na siyang mag-commit ng sarili niya. Na si Janssen talaga ang mahal niya. That is why he’s trying his best na ipakitang hindi siya apektado sa mga sinabi ko.”
“That’s quite a conclusion pare. Paano kung mali ka? Paano kung talagang dinaig na ni Janssen ang nararamdaman niya noon sa’yo?”
Umiling siya rito.
“Mas may pinagsamahan kami ni Jay. Oo nga’t nasaktan ko siya noon sa tuwing itatanggi ko ang posibilidad na p’wede kaming magkaroon ng romantikong relasyon pero makakaya kong bumawi.”
“At ang pagbawing gagawin mo ang gagamitin mo para mapakawalan niya ang tunay niyang nararamdaman sa’yo? At `yon ang rason kung bakit hindi mo na kailangan pang mabahala sa muling pagdating ni Janssen?”
“Yes and No. Nababahala pa rin ako sa pagdating ni Janssen pero tulad ng sabi ko, handa na akong lumaban ng harap-harapan sa kanya ngayon.”
“And you mean?” Hindi pa rin makuha nito ang ibig niyang sabihin.
“I will prove to Jay that I’m much better and much suited to be his boyfriend. Na mas sasaya siya sa akin.”
“Oh, boy.” Ang napapalatak na wika ni Nico. “Mahihirapan ka riyan.”
“I know. Bayad ko na ito sa pananakit ko noon kay Jay. I will fight fair and square with Janssen Vilasco kahit alam kung lamang na lamang siya ngayon sa akin. Gigisingin ko ulit ang damdamin sa akin ni Jay.”
“Well, good luck na lang sa’yo. Gulo ang hatid niyang binabalak mo, Maki. Pero ngayon, ang guguluhin mo ay hindi ang pagkakaibigan ninyo ni Jay kung hindi ang utak niya. Mukhang umandar na naman ang manipulative side mo.”
“Trademark ko na iyon.” Nakangisi niyang sabi.
“Bahala ka sa buhay mo. Ano, dito ka lang ba? Mukhang nag-i-enjoy sina Matt at Nhad, parang gusto ko ring makisali.”
“Dito lang muna ako. Mas masarap silang pagmasdan kesa makigulo. Besides, dito, malaya kong napagmamasdan si Jay ng hindi niya ako pinagsusungitan” Nakangisi naman niyang tugon.
Napailing ito.
“Mas malala ka pa lang ma-in love.”
Dumating ang pinakahihintay na araw ni Jay. Ang pagbabalik ng kanyang karibal mula sa ginawa niyang pagpapatapon dito pabalik ng Cebu sa tulong ni Dave. Kaya hindi na niya ikinataka pa na mas una itong nagising sa kanya.
“Gano’n ka ba talaga kabaliw sa Janssen na iyon na kahit ang pagising ng maaga ay nakakaya mong gawin?” Untag niya rito habang abala ito sa pag-i-empake ng mga damit nito.
“Tulad ng sabi ko sa’yo kagabi, ang alam ni Janssen ay sa bahay-tamabayan pa rin ako tumutuloy. Hindi niya p’weding malaman na dito ako sa inyo naglagi. Kaya kailangan kong ibalik ang mga damit ko doon bago siya dumating.” Ang hindi man lang nag-abalang lumingon sa kanyang tugon nito.
Isinuklay niya sa kanyang kamay sa kanyang magulong buhok para ayusin iyon.
“Dahil magse-selos siya gano’n? Ibig sabihin wala siyang tiwala sa’yo. Akala ko ba mahal ka niyon? Sa pagkaka-alam ko, kapag mahal ka ng isang tao, kasama sa pagmamahal niya ang pagtitiwala.”
Doon lamang ito napalingon sa kanya na agad naman niyang sinalubong ng isang napakagandang ngiti.
“Good morning Jay-Jay.”
“Hindi mo naman siguro nakakalimutan na ang akala ni Janssen ay ex kita hindi ba? Tingin mo, ano ang mararamdaman niya pag nalaman niyang dito ako sa inyo tumuloy at sa iisang k’warto tayo natutulog?” Pambabaliwala nito sa ginawa niyang pagbati.
“Oo nga pala `no. Muntik ko ng makalimutan ang palabas mong iyon.” Nag-inat siya at muling bumalik sa pagkakahinga paharap dito. “Kailan mo pala ipapa-alam kanya ang totoo?”
“Hindi ko pa alam. Baka mamaya pagkatapos naming kausapin sina mama at papa”
Mukhang tama ang kanyang sapantaha. Mamadaliin nito ang maipakilala si Janssen sa mga magulang nito.
“Hmmmm.. Don’t you think masyado pang maaga para ipakilala mo siya kina Tita at Tito bilang boyfriend mo? At papaano ka nakakasiguro na matatanggap nga ng mga magulang mo ang relasyon niyo? Kung relasyon ngang maituturing ang meron kayo.”
Pinukol siya nito ng masamang tingin.
“At ano ang gusto mong palabasin sa mga huling salitang binitawan mo?”
Nginitian niya ito.
“Wala naman. Naisip ko lang na isang Lingo mo pa lang siyang nakakasama talaga. Nagkakilala at nagkamabutihan kayo ni Janssen through net. Meaning, ang mga gusto niyo lang ipakita sa isa’t isa ang ipinakita niyo. Hindi niyo isinama ang mga traits na p’weding ika-turn off niyo sa isa’t isa di ba?”
“We are not a pretender, Maki! Ipinakita namin pareho ang totoong kami.” Alma nito.
“Really? Then how come hindi mo nasabi sa kanya na noon pa man ay gusto mo na siya?”
“Dahil sisirain niyon ang una ko nang mga sinabi sa kanya patungkol sa peking relasyon natin.”
“That’s exactly my point. You made Janssen believe what you want him to believe para makuha mo ang loob niya. Gumawa ka ng personality na magugustohan niya para maging posible ang gusto mong mangyari sa inyo.”
“Saan papunta ang usapang ito, Maki?”
Muli siyang napa-upo sa kanyang kama saka ito seryosong tiningnan.
“Gusto ko lang ipaintindi sa’yo na ang ilang buwan na pagkakakilala niyo ni Janssen sa net ay hindi pa sapat para i-risk mo ang lahat-lahat sa’yo. Hindi kapa nakakasigurado kung ikaw ba talaga ang mahal niya o ang peronalidad na linikha mo noong ka chat mo siya. Dahil magkaiba `yon Jay. Sabihin mo man na ikaw pa rin iyon dahil ikaw naman ang nakaharap doon at nakikipag-usap sa kanya, hindi pa rin ang totoong ikaw `yon. Dahil kung ikaw talaga iyon, wala ka sanang tinatago ngayon kay Janssen.” Mahaba niyang paliwanag.
Halatang napaisip ito sa kanyang sinabi dahil hindi ito naka-imik.
“I dare you to tell him the whole truth. If he can still accept you, ibig sabihin mahal niya ang totoong ikaw. P’wedi mo na siyang iharap sa mga magulang mo.” Deretsahan niyang pagpapatuloy.
“Hindi ko pa magagawa iyon!” Agad nitong alma. “Baka layuan niya ako.”
“At kailan mo gagawin? Kapag itinakwil kana ng mga magulang mo? Tapos kapag iniwan ka niya ay maiiwan kang walang-wala? Hindi ibig sabihin na kapag na-ipapakilala mo na siya sa mga magulang mo ay hindi na siya mawawala sa’yo Jay.”
Muli itong natahimik dahilan para pansamantalang mamayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
“Why are you doing this to me, Maki? Bakit mo ginugulo ang isip ko ng ganito?” Kapagkuwan ay wika nito.
Aaminin niyang sinadya niyang guluhin ang isip nito. Pero hindi lang dahil sa pansarili niyang dahilan kung hindi dahil na rin sa gusto niyang pag-isipan nitong mabuti ang gagawing hakbang. Ayaw niyang masira ito dahil lang sa gusto nitong patunayan sa kanya na mali ang tingin niya rito. At syempre gusto rin niyang sukatin kung hanggang saan ang kakayanin ni Janssen.
“Dahil hindi ako makakapayag na makikipag-kumpitensiya ako sa taong hindi naman karapat-dapat para sa’yo. He also have to prove himself that he’s worth my time and effort.” Walang paligoy-ligoy niyang tugon.
“K-Kumpitensiya? Anong pinagsasabi mo?”
“Sinabi ko na sa’yo ang nararamdaman ko di ba? You can’t just expect me to do nothing habang ang taong mahal ko ay nagpapakabaliw sa ibang tao. Ngayon lang ako nagmahal, at malas mo dahil ikaw ang taong iyon.”
Itutuloy:
59 comments:
nabitin ako.. =(
di na ako makapaghintay sa mga susunod na mangyayari
ang galing mo talaga sir
dev nic
Ui may update na! Basa muna. :) thanks zeke.
" Ngayon lang ako nagmahal, at malas mo dahil ikaw ang taong iyon.”
haha. Nice. :)
Author nice job at may update na sya..
Pero pahirapn muna si maki maki..kasi palge lang sya mang iinis ka jay jay..
Hahaha.. Ang aga ko di na ako late..
Uyy! Updated na! Ang galing!
boom!!!!!!malapit ng bumigay si Jay-Jay..naguguluhan na siya.
"ngayong lng ako nagmahal at malas mo lng ikaw yun" waaaaaaaaaaah! karumaldumal na paglalahad! yung tipong di mo alam kung san ka lulusot! bwahahaha galing galing ah! nice one poy!
galing ko rin makatiming ah! yung kantang ikaw at ako pweding wedding song.. at ayun may wedding nga! LOL
thanks sa napakabilis na update...nawindang nama ako sa last line hahahahaha
feeling ko may third party na agad c janssen.. :p
jayjay at makimaki na yan!!!!
nice ganda ng CHAPTER na 2 na miss ko cla Keneth at MArtin tapos cla NHAD at ANDY....
Jay- JAy Bumigay ka na hahahah....
tnx, kuya sa UPDATE ng Chapter na 2
wait ko na lng Chapter 17
WAAA WAT A NICE CHAPTER...GUSTO KO NA BUMALIK SI JANSSEN PARA MAKITA NA NATIN KUNG PAANO SIMULAN NI MAKI ANG KUMPITENSYA BETWEEN THEM WHOOAAHHH CANT WAIT..TY MR AUTHOR,SUPER BONGGA TLGA MGA LINES SA STORY NA ITO, DAIG PA ANG MGA PELIKULA NG STAR CINEMA HAHAHA..2 THUMBS UP..MORE POWER KEEP IT UP ALWAYS
galing ng last line sir Z..hanepppppppp
waahh.. super love Maki's last line.. hahaha.. hyperventilate mode is
definitely on.. haha.. so sweet and absolutely much kiligness..!!
God bless.. -- Roan ^^,
ayeee, kilig much.. ahahahha
marky
pagkagsing ito agad haha! Thanks kuya Z! You made my day sana ganito lagi every other day ang posting =p Sana next story GRAND REUNION na ng lahat! New year special wahaha !
bitin
ayay....mukha ngang mas exciting ang mga susunod na kabanata...pero di malas ang taong mahal mo Maki...actually maswerte sya at mararamdaman nya kung gaano mo sya kamahal...nadala ako sa kwento baby bear...ang ganda na ng love story nila...sigurado kung ano ang nararamdaman ko habang binsabasa ito yon din ang naramdaman ng matandang kasosyo to be ni jay habang kinukwento nya ito....keep it up baby bear...
waaah hanep sa punchline hehehe,
Kunti nlng maki maki susuko rin ang bataan. Thanks sa update zildjian.
Have a great day and keep on writing.....
Ayyy, di ako naka-comment sa previous chapter mo.
I love this chapter. Galing, napag-connect mo lahat ng characters in your past stories in this chapter nang walang ka-effort-effort. And more importantly, naipaalam na ni Maki kay Jay ang niloloob niya.
Looking forward ako sa magiging conflict sa next chapters. =D
- Edmond
aga aga dito sa Qatar. pinakikilig nman ako ni maki maki!
Haha! Astig nung last part!!
Nice Zeke!!
grabe na to..iba na ang labanan..harapan na...pde next na kagad...
super galing naman..
_iamronald
Langya nman, malas nga ni jayjay sya ang minahal ni makimaki... sana ako din malasin bwahahaha
looking forward to maki's fruitful victory :) excited sa next chapt.. kip it up :)
jhay <3 ram
Malas palang mapili ni makki-makki na mahalin..hehehe
I love the last line :]
i love this chapter! confrontation, manipulation, teasing . i love maki's personality
SWERTE NGA NI JAY EE DAHIL SIYA ANG MINAHAL NI MAKI. I LIKE THE FLOW OF THE STORY PA RIN VERRRY SMOOTH AND ABOUT YUNG SA CHAT OR NET RELATIONSHIP, MAY PINAGHUHUGUTAN :)
haiiiiii naku!!!!!!! Oo sige nabitin ako ng bongga zek! Haha
-napaka straight forward talaga ni makimaki! Tsk tsk
-cant wait for the next chapter...
-gulong gulo na si jayjay! Anu gagawin nya? Hehe
-ang galing mang manipulate ni maki maki! May ganito karin bang personality zek? Hehehe sinong inspirasyon mo dito? Gustong gusto ko ang batuhan ng linya... Haiiiss addiction
Can't miss every single chapter for the world!
Pat
Tagasubaybay
haiiiiii naku!!!!!!! Oo sige nabitin ako ng bongga zek! Haha
-napaka straight forward talaga ni makimaki! Tsk tsk
-cant wait for the next chapter...
-gulong gulo na si jayjay! Anu gagawin nya? Hehe
-ang galing mang manipulate ni maki maki! May ganito karin bang personality zek? Hehehe sinong inspirasyon mo dito? Gustong gusto ko ang batuhan ng linya... Haiiiss addiction
Can't miss every single chapter for the world!
Pat
Tagasubaybay
This is it! laban na Maki! :]
SANA MAGKAROON NG MOVIE ITO AT UNG IBANG STORY MO MR. Z. ,katulad ng RIGHT TIME, BITTER SWEET, AFTER ALL, CHANCES, COMPLICATED CUPIDS AT MAKE BELIEVE..BONGGA TALAGA SUPER KILIGNESS,CANT WAIT SA NEXT CHAPTER..MORE POWER,KEEP IT UP AND GOD BLESS YOU PO..
good job!
di kna baby D
haha joke lan :))
AT SYEMPRE PAHAHOL,ANG PINAKAFAV KO SA LAHAT.SORI I 4GOT MY FAV UNG "9 MORNINGS" PO NI PAPA CLAUDE AT LAURENCE HEHEHE..SANA MAGKAROON SILA NG REUNION..TY TY MR AUTHOR..TC ALWAYS
I love the last line... :) Nice one Zeke...
-Raymund of Bacolod
go go go maki hihih
i love this line "ngayon lang ako nagmahal. malas mo lang dahil ikaw ang taong yun' hahaha
jubert
eeeeeeeee..ang malas ko namang talaga..pero mahal naman talaga kita maki..nagpapanggap lang ako para mapakita sayo na kaya ko na makipagcommit..
-J
Now lang nakapagbasa!Nice...sumulpot yung ibang character mula sa iba mo pang kwento!Kala ko nakabalik na si Jansen sa chapter nato!nabitin ako!!
-caranchou
hahaha..at ang malas pa pala ni jay na siya ang minahal ni maki??^^
c maki talaga oh..hehe
ang cute cute ng chap neto,,isama mo pa ung mentioning ng mga previous characters!:)
-monty
Nice chapter. Tlagang lalaban c maki para kay jay. Whoooahhh. Go makimaki. Tnx zekie
Gusto ko rin yunv mga ganyang kasweetan... :(
I love Maki na talaga... uber sweet..
-JR
oh it's been a while since then. Probably you won;t remember me na. Anyways just want to say hello. Nice play EZEKIEL.
-Strontium38-
Happee Christmas Boss Z! ^^, You take care.
Asan na yung kasunod? Antagal! T.T
kuya z ang gaganda pla ng stories moh...now lang ako nkapag coment.. wala akong mxadong magawa ngayong holiday vacation kaya internet surfing pnag kaabalahan ko.. akala ko nung una c kuya mike,kuya ken at kuya joem lang magaling... nung maubos ko na basahin yung mga stories nila nabitin ako at na adik sa m2m stories...una kong nabasa yung after all mo sa blog ni kuya ken(ang gandahh) taz natuklasan ko may prev story pla yun yung the right time taz napunta ko d2 sa blog mo..yun binasa ko na lahat ng series...yung chances, 9mornings, make beliv, complicated cupid and itong latest devil beside me... super hooked na ko sa lahat.
ang galing mo mag connect ng mga characters! kakaiba...ur one of my favorite and best writer na! Excellent job!kudos
~kym
Anyare kay sir zild? One month na walang update? Naka ilang email nko sa kanya, isa o dalawa lang nasagot nya,kamusta na kaya sya?
Sir zild asan kna? Kaka miss kna ah,pati xung story namiss ko na,paramdam kna po :(
~ Tzekaaaii
Hey boss zild! Musta na.. Miss ko na updates mo... Siguro busy ka... Araw araw pa din ako magchecheck baka may updates na.. Ingat lagi.. Hopefully my updates na soon.. Happy new year! - silent_al
Kuya z im one of your silent readers grb ang tagal nang walang update ang the devil beside me,sana mpost mo na more than a month na eh
Rez of bacolod
sana may kasunod na ang chapter na to.
an tgal naman update kuya zeke
miz na kta eh halos 1 month ka ng nwala sa ERE i miss chapter 17 of TDBM dpat sbayin pg update gang 18
Makki & Maki!
makki & maki!
kuya Z, parang awa mo na hindi ko n kyang lumipas pa ang ilang linggo na wlng update T_T mimis ko n c jay2x at maki2x
aay nganga na tlga ako!
higit 2 months na wlang update e2.
oh baka naman wla na plano taposin ang kwentong to?
d na ba tatapusin ang kwentong to?
ganun na lang un bitin kaming mga readers?
Bakit gnun until now wula pron puh update? ;(
its my first time to read this story and i could say that it is a nice story please update it na po :)
Post a Comment