Tuesday, December 11, 2012

5 Minahal ni Bestfriend : Christmas Special




Kamusta po sa lahat?! ^_^

Bago po ang lahat ay gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat na hanggang ngayon ay andyan pa rin at tumatang kilik sa aking mga gawa. I hope ay hindi kayo magsawa sa pagsupport sa aking mga akda. And I hope maging friends pa rin tayo kahit dumating ang araw na pansamantalang tumigil ako sa pagsusulat.

Pangalawa, Buwan nanaman po ng kapaskuhan! Advance Merrier Christmas po agad agad sa inyo!! ^_^

So ayun, maaring marami sa inyo ang nagulat sa inyo at bakit may Book 5 agad ang aking series na Minahal ni Bestfriend gayong hindi ko pa natatapos ang aking Book 4 na Desperado. As usual, sasagutin ko na po ito agad. Pero bago ang lahat ay magsosorry muna ako sa ating fb group dahil pinalungkot ko sila. Hehehe. Sorry guys! :P

Ito po ay dahil sa ang Book 5 ay ang aking munting regalo po para sa inyong lahat!! ^_^

Opo, regalo ko po ito sa inyo para sa dadating na kapaskuhan!! ^_^

At dahil may pagka sira ang pipelines ng utak ko ay may magbabalik po ngayon sa pagbubukas ng ikalimang yugto ng aking kuwento. Sino ito?! Walang iba kung hindi ang ating mga minahal na karakter sa Books 2 and 3!! Opo! Sila Ryan, Andre at Larc ay magbabalik po!! ^_^

Ngunit baka maguluhan kayo sa panimula ng story. Iba po kasi ang setting nito. Teka, paano ko ba eexplain. Ok, ganito.

Actually, it was one night na nag re run ako sa pagbasa ng Book 3 ko. Namiss ko kasi talaga ang mga characters ko dito. Sobra kasing napamahal sa akin ang tandem nila Ryan-Andre at ang Ryan-Larc. So ayun, patulog na ako sana ng bigla kong maisip. What if bigyan ko ng alternate ending ang Book 3?

So ayun po, nabuo ang ideya ng Book 5. Sumakto pa ang tema dahil magpapasko at wala akong maisip na paraan upang bumawi sa inyong lahat.

So magsisimula ang setting ng storya natin pagkatapos makagraduate nila Ryan ng College. Hindi rin sya naaksidente dito. Patuloy lang silang nagsamang dalawa. So yes po, walang amnesia si Ryan dito.

So ayaw ko na po muna magkwento at bibitinin ko po muna kayo for now! ^_^ Sana po ay maibigan ninyo ang munting regalo ko sa inyo para sa ngayong kapaskuhan. ^_^ Advance Merry Christhmas po!!


Ito na po ang aking regalo.

“5 Minahal ni Bestfriend : Memories 2”


0 comments:

Post a Comment