Thursday, December 6, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 9





           Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

            Natutuwa po ako sa mga taong sumusupport sa akin sa story na ito. Kaya muli, maraming maraming salamat po. :)

            Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

              Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.





“CYRUS!!!”, rinig kong sigaw sa pangalan ko. Agad ko naman nakita na si Cedric ang sumigaw.
Binigyan ko naman ito ng isang tingin na tila nagtatanong. Sumesenyas ito na lumapit sa kanya. Hindi ako lumapit dahil kasalukuyan akong kumukuha ng order.
Patapos na ako kumuha ng order ng biglang naramdaman ko na may humila sa akin. Hindi, kaldkad pala. Dahil sadyang may pwersa ito. Agad agad ko na lang natagpuan ang sarili ko sa labas ng bar.
Nang makatayo na ako ay nakita ko ang humila sa akin. Si Cedric. Pawisan ito at taranta.
“Cyrus!”, tarantang tawag nya sa akin.
“Ano bang problema?”, taranta ko tuloy na sagot.
“Kailangan na nating magmadali! Tara na!!!”, mas tarantang sabi nito.
“Teka, teka. Hindi pa tayo pwede umuwi! Nasa trabaho pa tayo!”
“Hindi na mahalaga yun!! Umuwi na tayo kung gusto mo pang maligtas ang Tatang Berto mo!”
“ANO?!”, gulat at taranta kong sagot. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Naramdaman ko na parang biglang nahanginan ang utak ko.
“Nagtext si Tommy sa akin! Nasusunog daw sa may atin!!!”, taranta at desperadong sagot ni Cedric.
“HAH?! TEKA!!”
Nagtatakbo ako papunta sa loob ng bar direcho sa dressing room at kinuha agad ang wallet ko. Paglabas ko naman ay nakita ko na andun si Nikko at mukhang nagtataka.
“Cyrus, anong nangyari?”, alalang tanong nito.
Nang makita ko si Nikko ay agad akong napayakap dito ng di ko alam bakit. Basta nanginginig ako at parang tutumba.
“Nikko, tulungan mo kami!”, haos mangiyak ngiyak kong pakiusap.
“Huh?! Bakit?”
“Nasusunog daw sa amin!”
“Oh, eh tara na!!”
Nagmamadali kaming sumakay sa sasakyan ni Nikko at halos harurutin naman nito ang daan pauwi sa amin. Nang makarating kami ay nahirapan pa kami makapasok dahil sa dami ng tao sa labas at mga bumberong sa paligid kaya naman minabuti na naming bumaba ni Cedric at susunod na lang daw si Nikko.
Buong lakas naming tinakbo hanggang sa papunta sa amin. Ngunit hindi na kami makapasok sa eskinita papunta sa amin dahil nilalamon na ng apoy ang buong squatters area. Agad naman akong lumingon lingon sa mga tao at hinanap ang Tatang Berto. Si Cedric naman ay humiwalay din at hinanap ang pamilya nito.
“Ano nakita mo?”, biglang pagsulpot sa likod ko ni Cedric.
“Hindi pa!! Ikaw?”, taranta kong sagot.
“Oo. Ligtas sila Inay at ang kapatid ko.”
“Shit! Shit!! Shit!! Asan ba si Tatang!!, umiiyak kong sagot.
Naghiwalay ulit kami ni Cedric at hinanap sa mga nagdagsaang tao na nasa labas. Pinagtatanong ko din sa kapitbahay kung nakita ba nila ang Tatang. Ngunit halos wala ding makapagbigay ng wastong sagot dahil lahat ay taranta din.
Nang makita ko si Cedric ay umiling iling ito. Agad naman akong nagiiyak lalo. Nakita ko na lang na tumakbo palapit sa akin si Cedric at agaran akong niyakap.
Pagyakap na pagyakap sa akin ni Cedric ay halos bigla namang nawalan ng lakas ang katawan ko. Pati ang mga tuhod ko ay parang biglang nanlambot.
“Cedric, si Tatang Berto…”, umiiyak kong daing kay Cedric.
“Sshh.. Andyan lang yun…”, pagpapatahan ni Cedric.
“Hindi kaya…”, sigaw bigla ng utak ko.
Agad akong kumalas sa pagkakayakap ni Cedric at bigla kong nagtatakbong sinuong ang nagliliyab na daan. I have to make it hanggang sa bahay. Maaring hindi nakalabas ang Tatang dahil nga sa panghihina nito.
Pakiramdam ko ay biglang nawalan ng saysay ang mga nagliliyab na kahoy na dating mga bahay ng aking mga kakilala. Nawala din ang takot ko sa ano mang posibleng pwedeng mangyari sa akin. Basta ang tanging gusto ko ay makarating papunta sa bahay namin.
Ramdam ko ang init ng mga apoy sa paligid ko. Ramdam ko din ang hirap sa paghinga dahil sa makapal na usok na kumakalat sa buong kapaligiran. Halos hindi ko na din makita ang daan. Pero buong tapang ko binalewala ito. Hindi ako maaring mawalan ulit ng minamahal. Not again.
Halos madapa dapa ako sa kakatakbo. Ramdam ko man ang mga sugat sa katawan ko ay hindi ko ininda. Nagtatakbo ako ng nagtatakbo. Pilit na gustong makarating agad sa bahay.
Hindi ko alam kung paano ngunit nakarating ako sa bahay. Halos kinakain na ng apoy ang kabuuan ng bahay. Dahil sa sobrang takot ko ay walang pakundangan kong pinasok ang bahay naming. Nakita ko naman na nakahiga ang Tatang sa sahig at walang tigil ang paguubo. Agad kong kinuha ang kumot nito at nilublob sa tubig sa kusina at binalot ito kay Tatang.
Pilit kong inangat si Tatang ngunit mabigat ito at hindi makalakad ng maayos. Masyado ng maraming nalanghap na usok si Tatang kaya halos wala na itong lakas. Maski ako ay hindi na rin makahinga dahil sa lakas ng usok sa loob. Init at usok, yan na lang ang nasa utak ko. Naramdaman ko na lang na nanghihina ako at kinakain ng kadiliman.
Nakaramdam ako ng biglang may umangat sa akin. Hindi ko naman maimulat ng maayos ang mata ko dahil sa sobrang hapdi.
“Hindi maari to.”, rinig ko sabi ng isang boses.
“Cyrus!! Cyrus!! Gumising ka!!”
“Shet! Anong gagawin ko!”, rinig kong muli. Yun na ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.


Nagising na lang ako na nasa isang kwarto ako. Napatingin ako sa paligid. Alam kong nasa ospital ako dahil may dextrose na nakaturok sa akin. Ang dami ding mga benda na nasa balikat at binti ko. Nakita ko din na natutulog sa tabi ko si Cedric.
“Ugh..”, pilit kong pagsasalita. Ngunit sadyang mahina pa ang katawan ko.
“Cyrus…”, nagising bigla si Cedric.
Ramdam ko pa rin ang sakit ng dibdib kaya naman hirap ako sa paghinga at pagsasalita.
“Cedric.. Ah-a-san, asan si Ta-, as-an si Ta-tang?”, hirap na hirap kong sabi kay Cedric.
“Magpahinga ka na lang muna.”, malungkot na tugon nito.
Tiningnan ko si Cedric at agad nangilid ang luha nito.
“Asan, asan nga?”, pagtatanong ko.
Nang makita kong tuluyang tumulo ang luha ni Cedric ay para akong biglang hinampas ng kung anong matigas na bagay sa ulo. Ramdam ko agad ang init na dumaloy sa buong katawan ko. Halos mabingi din ako dahil sa rinig na rinig ko ang pagkalabog ng dibdib ko.
“Cedric! Asan si Tatang!”, buong lakas kong pasigaw na tanong.
“Cyrus.. Wala na… Wala na ang Tatang Berto…”, umiiyak na sabi ni Cedric.
“Hah…”, ang tanging nasagot ko.
Naramdaman ko na parang biglang tumigil ang oras. Para rin bigla akong walang marinig. Kahit ang sarili kong paghinga ay hindi ko na marinig. Ang taning naramdaman ko ay pagkamanhid. Napatingin ako kay Cedric. Umiiyak ito.
“Panaginip ba ito?”, sigaw ng utak ko.
“Hindi maari…”, dagdag pa nito.
Nang sandaling yung ay agad bumalik ang pandinig at pandama ko. Doon ko naramdaman na basang basa na ang mukha ko sa sariling luha. Nahirapan ako bigla huminga at parang sasabog ang dibdib ko.
“HINDEEEEE!!’, buong lakas kong sigaw. Parang biglang nilabas ng dibdib ko ang kahuli hulihang hangin sa dibdib ko. Naramdaman ko na lang na bigla akong niyakap ni Cedric. Ramdam ko din ang mga luha nito. Kaso hindi ito makukumpara sa mga luha na bumagsak mula sa mata ko.
“Tatang!! Tatang!!”, pagsisigaw ko. Agad kong naramdaman na maraming kamay ang pumipigil sa akin. Mga nurse na nagpapakalma sa akin.
“I’m so sorry…”, umiiyak na sabi ni Cedric.
Nagiiyak ako ng nagiiyak. Kahit ramdam na ramdam ko pa ang sakit at pagod ay nagiiyak pa din ako. Tiningnan ko muli si Cedric. Hindi ko naman din maipinta ang kalungkutan nito.
Bigla namang tumaas ang balahibo ko ng may maalala ako.
“Si Nikko…?”, umiiyak kong pagtatanong.
Mas lalong umiyak si Cedric.
“Cedric, si Nikko?!”, galit kong tanong.
“Cyrus.. Cyrus making ka…”, pagpapakalma ni Cedric.
“Huh? Asan nga…?!”, kinakabahan ko nanamang tanong.
“Nung sumuong ka sa apoy, saktong dumating si Nikko at nang sinabi kong sinuong mo ang daan para puntahan si Tatang ay walang pakundangan din itong sumunod sayo. Sinundan ka naming at pilit na hinanap. Kaso sa gitna ng paghahanap naming sayo ay nagkahiwalay kami ng daan dahil sa may bumagsak na kahoy sa gitna namin.”
“Hah…”
“Nagkita ulit kami nandun na kami sa inyo. Buhat buhat ka ni Nikko at pilit kong inangat si Tatang. Ngunit sadyang mabigat ito. Kaya naman inabot ka sa akin ni Nikko at siya na daw ang bubuhat kay Tatang.”
“Ano…”
“Una kong inisip ang kaligtasan mo kaya nilabas kita agad ng bahay papunta sa kalye. Hinintay ko namang lumabas sila Nikko at ang Tatang mo. Pero ng makakalabas na sana sila ay nagiba ang ikalawang palapag nyo. Nakita ko pa si Nikko at sinabing umalis na kami at delikado. Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang nasa isip ko ay mailabas ka.”
“Tapos…?”
“Cyrus…”
“Anong nangyari Cedric?!”
“Hindi nakaligtas si Nikko at ang Tatang mo…”, umiiyak na sabi ni Cedric.
Doon na ako tuluyang nawalan ng lakas. Ni hindi ako makasigaw o maka ngawa. Parang sampung tao sa loob ko ang sabay sabay na umiiyak. Pakiramdam ko ay ganun din kadaming luha ang lumalabas sa akin.
Dalawang tao. Dalawang tao ang ganun ganun na lang nawala sa buhay ko.
Parang bigla akong nagshut down. Nagfade sa itim ang lahat. Blangko.


Nagising ako muli at agad nakita ulit si Cedric sa tabi ko. Nakita ko din na andun sila Geoff at pati na rin si Rovi.
“Pare…”, pagtawag ni Rovi.
“Condolence Cyrus…”, malungkot na sabi ni Geoff.
Doon ko muling naalala ang lahat. Ang pagkawala ni Tatang at ni Nikko. Agad agad nanaman akong napaluha.
Napatango lang ako habang nagiiyak pa din.
Binayaran ng gobyerno ang pagkakahospital namin. Mabuti na lang dahil wala din naman kaming pera kung nagkataon.
Dalawang araw lang kaming naglagi sa hospital, binigyan pa din naming ng maliit na lamay ang pagkawala ni Tatang Berto. Wala naman akong kakilala na kamag anak ni Nikko kaya di ko alam paano ito mapupuntahan.
Ginanap ang lamay sa bahay nila Geoff. Nag offer siya na doon na lang daw since hindi na daw ako iba sakanya. Naisip ko na dahil boyfriend siya ng bestfriend ko kaya nagmagandang loob ito. Hindi na rin ako nagpaka pride pride pa at tinanggap ang alok nito.
Nagpunta ang iilang dati naming kapit bahay sa lamay ni Tatang. Cremated na ito. Sinagot ito ng aking amo sa bar. At tsaka ang mga panglamay naman ay galing sa abuloy ng mga tauhan. Nabalitaan ko din na naki usap si Geoff isang beses sa isa sa mga set nito para sa tulong para sa akin.
Halos hindi naman ako makapagsalita buong lamay. Apat na araw lang ang napagplanuhang lamay dahil kakapusin kami kung papahabain ito. Halos hindi naman ako makakain.
“Pare, condolence.”, bungad ni Rovi pagkadating sa lamay.
Dahil bawal daw magpasalamat ay tumango lang ako.
“Pasensya na pre. Wala akong baong joke o pick up line para patawanin ka.”, malungkot na sabi ni Rovi.
“Hindi, okay lang. Pero salamat andito ka.”
“Wala yun. Kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako, ha…”, buong sinceridad na sabi nito.
Hindi ako nakatulog ng sunod sunod na apat na araw na yun. Binigyan naman ako ng leave ng amok o dahil sa nangyari. Naiintindihan naman daw niya ito. At bumalik na ang daw ako kung sa tingin ko ay kaya ko nang magtrabaho.
Nawalan na ng saysay sa akin ang lahat. Wala na ang Tatang Berto. At nawalan pa ako ng isang malapit na kaibigan. Isang taong sobrang napalapit na talaga sa akin. Hinid ko ito matanggap dahil sabay itong kinuha sa akin.
Lalo na ang Tatang. Alam kong matanda na ito at maaring malapit na itong mawala dahil na rin sa mga sakit na nararamdaman na nito. Pero bakit naman kailangan sa ganung paraan pa ito dapat mamatay. Sana namatay na lang ito sa sakit o kaya ay hindi na lang nagising isang araw. Hindi yung bago sya mamatay ay takot at paghihirap ang naramdaman nito.
Napakasakit.
Masyadong masakit.
Sa panahong paglalagi ko sa bahay nila Geoff ay mas nakilala ko naman ito. Kaya naman pala nainlove si Cedric dito. Wala ka naman pala talagang masasabi sa kabaitan nito. At sa mga panahong ito ay ramdam na ramdam ko ang pakikiramay at pagka concern nito.
“Kumain at matulog ka kaya muna.  Hindi ka kasi kumakain at natutulog. Baka naman magkasakit ka nyan.”, alalang sabi ni Geoff.
“Okay lang ako.”, simple kong sagot.
“Hindi. Hindi okay yan. Halika muna sa kwarto at matulog ka muna don. At pag gising mo ay kumain ka na muna.”, matigas na sabi nito.
Dinala ako ni Geoff sa kwarto niya at pinahiga sa kama nito. Wala naman akong nagawa dahil naging matigas ito sa sinabi nya. Nahihiya na rin naman akong tumaggi.
“Pasensya ka na, ha.”, nahihiya kong sabi.
“Huwag mo na alalahanin yun. Basta sa ngayon, ang gusto ko ay magpahinga ka lang muna.”, alalang tugon nito.
“Salamat.”
“Wala yun. Wala sakin to.”, ngiti nito.
“Basta salamat.”
Hinawakan ni Geoff ang kamay ko at tiningnan ako sa mga mata ko.
“Matatapos din to. Andito lang ako kung kailangan mo ko.”
“Salamat ulit.”
“Oh siya, magpahinga ka na muna at tatawagin ko lang si Cedric. Alam kong siya lang talaga ang makakacomfort sayo.”, ngiti nito.
“Hah?”
“Ano ka ba, boyfriend ako. Kaya kilala ko yun. Lagi ka niyang naikukwento sa akin, diba? At alam ko kung gaano ka kahalaga sakanya.”
“Aah… Salamat uli at pasensya na sa istorbo.”
Paglabas na paglabas ni Geoff ay dun ko naralize kung bakit tuluyan namang napamahal talaga si Cedric kay Geoff. He was one of a kind naman pala.  Kahit pa halos murderin ko na ito sa utak ko noon dahil lang sa selos ko ay nagawan pa rin ako pakitaan ng maganda.
Now I understand.
Nakita kong pumasok si Cedric sa kwarto at agad itong umupo sa tabi ko.
“Cyrus, kamusta pakiramdam mo? Pinapunta ako ni Geoff dito. Bantayan daw muna kita.”
“No. I’m okay. Puntahan mo na siya don.”, pagngiti ko lang.
“Pero Cyrus…”
“I said go… Okay ang talaga ko. Matutulog lang naman ako. Hindi mo na ko kailangan bantayan.”
“NO. Bestfriend mo pa rin ako. Kaya kailangan ko din isipin ang kalagayan mo. At isa pa, nangako ako kay Tatang Berto mo na aalagaan kita.”
Pagkarinig na pagkarinig ko sa pangalan ni Tatang Berto ay naiyak muli ako. Hindi  na naman ako makapaniwala na siya ang pinaglalamayan naming ngayon.
“Oh, huwag ka na umiyak… Mas malulungkot ang Tatang nyan, eh…”
“Pero…”
“Alam ko, masakit. Hindi sa gusto kitang pigilan umiyak. Alam ko na yan lang ang makakabawas ng sakit sayo… Pero, huwag muna ngayon, please? Kailangan mo magpahinga.”
“Okay.. Slamat pala, ha… Salamat sa inyo ni Geoff..”
“Wag mo na isipin yun.”
“No, I have to say this. Napakaswerte mo kay Geoff. Ngayon naiintindihan ko na bakit sobrang inlove ka sakanya.”
Napangiti lang si Cedric.
“Oh siya, basta magpahinga ka na. Matulog ka na. Tabihan kita.”
Humiga nga sa tabi ko si Cedric. Pagkapikit ko ay dun ko lang narealize na simula ng magising ako at lumabas ng hospital ay hindi pa rin ako nakakatulog ng maayos. Kaya naman pagkapikit na pagkapikit ko ay agad akong nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras din akong nakatulog. Basta ang alam ko ay kahit papano ay nabawasan ang pagod dahil sa pagkakapahinga. Ngunit hindi iyo ang rason kung bakit ako nagising.
Nakita kong nakaupo sa tabi ko si Geoff. Oo, si Geoff.
“Oh, gising ka na pala.”
“Huh? Gano katagal ba ko nakatulog?”, andap andap kong sagot.
“Mga 4 na oras din. Nga pala, lumabas muna si Cedric. Nagpalitan lang kami sa pagpapahinga. Wala pa din kasi akong tulog.”
“Ganun ba. Oh sige, ikaw na muna ang magpahinga at ako naman muna ang lalabas.”
“Huwag na. Magpahinga ka na lang muna. You’ve been through a lot.”, alalang sabi nito.
“Okay lang.”
Iniwan ko na si Geoff at ito naman ang nagpahinga. Pagod din ito dahil halos wala din tulog ito dahil tuloy pa din ang trabaho. Kami lang naman ni Cedric ang pinayagan ng amo naming na huwag munang pumasok.
Paglabas ko ay nakita ko ulit ang urn kung nasaan ang Tatang Berto. Agad ko namng naramdaman agad ang pangungulila. Mga ganitong oras kasi ay gigising na ito upang pumasok sa trabaho.
Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang dahan dahan kong hinaplos ang kinalalagyan ni Mang Berto.
Naalala ang huling paguusap naming.
Napahagulgol ako.
“Bakit…?”, paulit ulit na tanong sa utak ko.
Hindi ko lubos maisip na wala na pati ang kinagisnan kong magulang. At ang masakit pa rin doon ay ang pagkawala din ng isang kaibigan, si Nikko.
Naramdaman ko ang pagyakap mula sa likod ko. Agad ko itong nilingon, si Cedric.
“Alam ko mahirap…”, tanging sinabi nito.
Napayakap ako kay Cedric at niyakap ko talaga ito ng mahigpit. Only God knows kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. It was in all levels of sadness. Not just because na nawalan ako ng minamahal. Kundi dahil ngayong wala na si Tatang Berto, I was literally alone.
Oo. Mag-isa na lang ako.


Natapos ang paglalamay at nagkaroon ng huling misa. Halos mawalan naman ako ng ulirat sa kakaiyak. Wala na halos tumatakbo sa isip ko kundi ang pagkamatay ni Tatang. He was all that I have left. He was the only person na alam kong umiintindi sakin sa halip ng lahat. Ang tumanggap sakin ng buo. Buo dahil alam kong sa halip ng pagkakaiba naming ng dugo at pinaggalinga, pinaramdam niya na ako ay kanya. Na ako ay anak nya.
Sari saring mga mensahe ang nakuha ko ang galing sa mga kapit bahay at kaibigan ni Tatang Berto. Wala akong napintas na narinig mula sa mga ito. Hindi lang dahil sa ayaw nilang sabihin, kundi dahil naman talagang wala halos itong kapintasan. Kilala kasi ang Tatang bilang masipag, at napaka palakaibigan.
Napahawak ako sa kwintas na inabot sa akin ni Tatang. I remember noon ibinigay din sa akin ito ni Elmo ay siyang araw din na nawala si Elmo sa akin. Kung maibabalik ko lang… Sana hindi ko na lang muna kinuha ang kwintas. Baka saka sakaling hindi nangyari ang nangyari…
Nang dahil sa sunog ay nawalan ng tahanan ang pamilya ni Cedric at ang mga katulad namin. Kaya naman napagdesyunan na pauwiin na lang muna sa probinsya ang kanyang mga magulang at kapatid at si Cedric ang maiiwan para magtrabaho.Hindi na rin kasi kaya ng Ina nito na magtrabaho pa. May sakit kasi ito sa puso. Buti nga at hindi ito inabot sa loob ng bahay nung nagkasunod. Nagkataon kasi na nasa plaza ang mga ito.
 Kahit papano ay maswerte pa rin ako dahil hindi ako pinabayaan ni Cedric. Kumuha kami ng isang paupahang pwesto at dun kami magkasamang tumira. Huwag daw ako mag alala dahil hindi ako nito papabayaan. Pangako daw nya it okay Tatang.
Our place was small. Andun na ang lahat, Kwarto, kusina, at sala, all in one. Maliit man ay hindi kami nagreklamo. Wala kaming ibang choice kung hindi ang magtyaga.
Pumasok na agad si Cedric pagkalipat na pagkalipat namin. He asked me na wag muna pumasok. Kailangan ko pa daw magpahinga dahil halos dalawang linggo na akong wala nito.
Pinagbigyan ko ito ngunit isang araw lang. Pagka alis ni Cedric papuntang trabaho ay agad akong sumunod. Alam ko naman kasing pipigilan lang ako nito pag sumabay pa ako kaya pinauna ko na ito. Ngayon ko mas higit kailangan ng trabaho dahil walang wala na ako. Walang pera, walang makakain.
Pagpasok na pagpasok ko ng trabaho ay napatingin ang lahat. Halatang gulat na gulat. Nagtatakbo namang lumapit sa akin si Cedric.
“Diba sabi ko, hwag ka muna pumasok?!”, galit ngunit alalang sabi nito.
“Ced, hindi ako pwedeng tumanganga. Ngayon pa.”
“Pero…”
“Wala ng pero… Andito na rin lang ako.”, matigas kong sabi.
Kinausap ako ng amo naming at sinuguradong handa na ako magtrabaho. I was not. Hindi na ako magsisinungaling. I was not ready to face the world yet. I was still hurting. Pero wala akong choice. I must push forward dahil kailangan.



0 comments:

Post a Comment