Friday, December 14, 2012

Anino Ng Kahapon 19


Photo by: Justyn Shawn


Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:





_____


Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!




DING DONG!


Agad kong kinuha ang wallet ko at tinungo ang pintuan.  Upang pagbuksan ang delivery boy.  Matapos  makuha ang pinadeliver ko ay bumalik agad ako sa kwarto.  Inilalabas kong paisa-isa ang mga pagkain ng makakita ako ng isang papel na nakatupi.


Inaayos ko na ang mga chips na binili ko ng dumating si Enzo. 


“Ang dami naman masyado ng chips na binili mo, mukhang magdamagan ang panonood natin ng movie ha.” Bungad nito ng makapasok sa kwarto.


“Movie marathon diba?  ‘Pag movie marathon ba isang movie lang pinapanood mo?”, pang-aalaska ko dito.


Balik ang tingin ko sa papel na nakatupi.


“Ano yan, loveletter?”, balik alaska nito  sa akin.


Hindi ko na lang pinatulan at tuluyan na lang tinignan kung ano talaga ang nakalagay sa papel na kanina ko pang hawak.  Agad kong binuksan para malaman ko na kung ano ang laman nito.  Nang mabuksan ko na; akala ko pa naman sulat, scratch paper lang pala na nahulog sa mga inorder kong chips.  “BADTRIP!” sabi ng isip ko.  Inaasahan ko kasing isang sulat ito galing kay Christian.  Assuming diba?  Pero ‘yun ang totoo, ‘yun ang gusto ng puso at isip ko, dahil nananabik na akong makasama at makaharap muli ang taong mahal ko.


“O, bakit parang Biyernes Santo ang mukha mo d’yan?  May problema ba?”, pagpuna ni Enzo sa akin.


“Wala naman, ‘wag mo kong intindihin.  Masasanay ka rin sa akin.  Ganito lang ako minsan, biglang nagbabago ng mood.” Pagpapaliwanag ko dito.  “Hintayin mo ko bago ka manood ha baka mamaya pagbalik ko nakasalang na ang movie, konyat sa ngalangala ang aabutin mo sa akin.”  Lokong pagbabanta ko dito.


Matapos ‘kong makapaglinis ng katawan ay bumalik na ako ng kwarto, ang inaakala kong makakasama kong manood ayun at tulog na tulog na, hinayaan ko na lang din na makapagpahinga si Enzo.  Sa nakita ko kanina, kung makakasama ko s’yang mag-movie marathon hindi na rin n’ya maa-appreciate ang papanoorin naming kahit pa maganda ang movie.  Alam ko ‘yun, napagdaanan ko na diba?  Kaya para hindi ko ito maistorbo, sa sala ako nanood tutal may dvd player din naman doon at tv.  Nagdala lang ako ng unan at blanket para naman hindi ako lamigin sa panonood ko.


Agad akong nagsalang ng movie na mapapanood sa player.   Romantic-Comedy ang pinapanood ko.  Nasa kalagitnaan na ng movie ng bigla kong naalala si Christian.  Madalas kasi kapag magkasama kami, ito ang bonding moment naming dalawa, lagi kaming nanonood ng movie.  Kaya lang sa pagkakataong ito mag-isa lang ako.  And here we go again, sadness strikes once more.  “Ano ba Ron, imbis na magmoment ka na naman d’yan bakit hindi mo na lang  i-focus ang sarili mo sa panonood!” Ang utos ng utak ko, dahil alam kong bibigay na naman ang mga luha sa aking mga mata kung patuloy kong iisipin si Christian.  Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob na kausapin si Christian kahit pa gustong-gusto ko na.  Imbis na ituloy ko ang pagmo-moment ipinagpatuloy ko na lang ang panonood ng movie.


Focus na lang ako sa panonood ko ng movie hanggang sa natapos ang unang film.  Dahil nga movie marathon, agad akong nagsalang ng pangalawang movie, kalagitnaan ng movie, hindi ko na alam kung ano na ang sumunod na nangyari dahil sa nakatulog na pala ako habang nanonood.  Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga munting galaw sa paligid ko.


“Oy, tol.  Ang aga mo namang magising,” ang pagtawag ko ng atensyon ni Enzo habang nag-iinat pa.


“Oo eh, ang daya mo ha.  Nanood kang mag-isa, ang sabi ko sa ‘yo sasama akong manood.  Nakatulog lang ako hindi mo na ako ginising,” tila nangongonsensya nitong wika sa akin.  Napakamot lang ako ng ulo.   “Sige na, lipat ka na sa kwarto para maayos ang tulog mo.  Ako na ang bahalang magligpit dito sa sala.”  Agad naman akong tumayo at pumunta ng kwarto upang ipagpatuloy ang naudlot na tulog.


Halos maghapon din akong nakatulog, nagising na lang ako ng makarinig ako ng kwentuhan na paminsan-minsan ay may halong tawanan mula sa sala.  Tumayo ako at tinignan kung sinu-sino ang nasa sala.  Aba kumpleto ang tropa.  Naabutan ko sila Jane at ang boyfriend nyang si Roger, si Edward, si Virgie, si Cherrie, Sa mga nakaka-alala sila yung mga kasama ko sa bahay, at si Richard, kaibigan namin kung saan madalas kaming tumambay.  May dalawa pang kasama na pamilyar sa akin, dahil present din tuwing may inuman.  Agad akong nakita ni Roger.


“Ron, gising ka na pala.” Si Roger.


“Hindi tulog pa ako, nag-sleep walk lang.” pilosopong sagot ko.


“Kita mo to, kinakausap ng maayos pilosopo,” sabay kamot sa ulo.


“Nakita mo na kasing dilat na mata ko kailangan tanungin pa kung gising na ako.  Ano pa bang evidence ang kailangan mo para lang mapatunayang gising na ako?”  pambubuska ko ng todo.


“O ‘sya sige, kumain ka na at ng makasabay ka na sa tagayan.” Utos nito sa akin.


“Ayun, papakainin ako para makatagay na agad ako, ayos din ah.” Kaswal kong tugon sa utos ni Roger.  “Oy, ikaw Enzo, kumain ka na ba at nakisalo ka na agad d’yan.  At close agad ha?”  Tanging ngiti lang ang nakuha kong sagot mula dito.  Dumiretso na ako sa kusina upang kumuha ng makakain at pumuwesto na rin
sa umpukan nila.


“Ron, alam mo bang broken hearted din pala itong si Enzo.”  Si Edward.  Kung natatandaan nyo pa sya.  Actually wala naman syang masyadong exposure sa buhay ko kasi naman laging nasa trabaho, at kung may inuman naman bihira naming makasama dahil na rin mabilis malasing.


“O, anong koneksyon ng pagiging broken hearted n’ya sa akin?” sabay harap kay Edward at tinitigan ko ito ng walang reaksyon na mababakas sa mukha ko upang ipaalam na hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi.


“Wala naman, ang sa akin lang eh, baka naman may chance na maging kayo.” At sabay-sabay na nagkantyawan ang grupo.  Nakita kong napayuko si Enzo.  Marahil ay dala ng hiya.


“Magsitigil nga kayo!  Baka mamaya mapikon si Enzo, alam nyo namang bago lang yung tao dito kung anu-anong panunukso na binibigay n’yo d’yan,” inis kong tugon sa sinabi ni Edward at ipinagpatuloy ko ang aking pagkain.


Nagpatuloy na lang sila sa pag-inom at ako naman matapos kumain ay nagpahinga ng konti ay sumabay na rin sa tagay. 


Napansin kong halos hindi pumapase sa inuman si Enzo simula ng maupo ako sa umpukan.  Samantalang ang iba naming kainuman ay sige na ang pag-pass.  Kung minsan nga ay sinasalo pa ni Enzo ang ibang tagay.  Kaya naman inagaw ko na ang tagayan at ako na ang nagmani-obra ng inuman upang hindi nila mapansin na hindi ako gaaanong tumatagay, gawa na rin ng pag-aalala ko na baka walang mag-asikaso sa aming dalawa ni Enzo kung parehas kaming magpapakalasing. 


Natapos ang inuman ng bandang alas-diyes ng gabi.  Halos bagsak ang lahat, sino ba naman kasi ang may sabi sa kanilang itumba namin ang anim na bote ng brandy?  ‘Nung umupo ako sa umpukan ay naka-ubos na sila ng dalawang bote. 


Lasing na lasing si Enzo, ako naman ay medyo may tama na rin.  Dahil medyo may hilo na akong nararamdaman.


“Bakit ganon’?  Hindi n’ya makita na mahal ko s’ya.  Bakit hindi n’ya maramdaman na nasa tabi n’ya ako lagi?  Bakit hanggang pagkakaibigan lang ang kaya n’yang ibigay sa akin?  Ano bang mali sa akin?” ito ang sentimyento ng lasing na si Enzo.


“Alam mo Enzo, walang mali sa ‘yo.  Marahil ang pagkakataon ang mali.  Dahil minahal mo ang kaibigan mo pero may mahal na itong iba.  Sana naiintindihan mo ‘yun, hindi pwedeng maging kayo kasi kaibigan lang ang tingin n’ya sa ‘yo…  O baka naman, ayaw n’ya lang masira ang relasyon n’yo bilang magkaibigan.” Pauna kong wika habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mata ni Enzo.  Nanatili itong tahimik.


 “May mga bagay kasi sa mundo na hindi natin maipaliwanag.  May mga bagay tayong gusto, pero hindi pwedeng maging atin.  Kasi pagmamay-ari na ng iba.   Minsan kasi nag-a-assume agad tayo sa mga sweet gestures na ipinapakita sa akin.  Minsan kasi misunderstanding lang ang lahat.  Minsan akala natin the feeling is mutual, ‘yun pala ikaw lang ang may pagtingin,  samantalang para sa kanya you are just an ordinary friend,” pagbibigay punto ko sa kanyang nararamdaman.  “Sa isang relasyon, magkaibigan man o magkasintahan, may isa na palaging magsasakripisyo, may isa na dapat laging umiintindi, may isa na dapat magparaya.  Kasi sabi nga nila, LOVE IS A TWO WAY STREET.  Hindi pwedeng magkasalubong kasi magkakabanggaan kayo, magkakasakitan.  Kaya dapat alam mo kung saan ka lulugar para hindi ka masaktan.  Hindi  kasi sa lahat ng panahon ay nakukuha natin ang lahat ng gugustuhin natin.  Dapat alam mo kung kaylan ka dapat bumitiw at kaylan ka dapat lumaban,” mahabang paliwanag ko.


“Hindi mo ko naiintindihan tol!” may kataasang boses nitong sambit.


“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo.  Dahil katulad mo, at katulad ng nasabi ko sa yo, may problemang puso din akong hinaharap ngayon.  Kaya kung ano man ang nasa loob mo, naiintindihan ko.” medyo inis kong tugon dito.


Katahimikan ang umiral sa pagitan naming dalawa.  Kitang-kita ko ang hirap ng kanyang pinagdaraanan.  Nakatulala si Enzo habang patuloy ang pagpatak ng luha n’ya.  Lumapit ako sa kanya upang akayin sya papasok ng kwarto.


Iniupo ko si Enzo sa may kama.  Nanatili itong walang kibo habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.


“Lahat naman naibigay ko sa kanya.  ‘Pag kailangan n’ya ako isang tawag lang, nasa tabi n’ya agad ako.  ‘Pag nag-away sila, ako ang takbuhan n’ya.  Minsan ako pa ang gumagawa ng paraan para magkaayos sila.  Pero anong nangyari sa akin.  Naging dakilang kaibigan lang ako na handang umintindi, isang kaibigan na ‘pag kailangan n’ya nagkakandarapa pa sa pagpunta sa kanya,” pinakinggan ko na lang ang kanyang mga hinaing,  dahil sa tingin ko ito na lang ang mabuti kong gawin kaysa sabayan ko pa ang kanyang lungkot.  Tanging paghagod sa likod at pagpapatahan na lang ang ginawa ko upang kahit papaano ay mahimasmasan sya sa kanyang pinagdaraanan.  Isinandig ko ang kanyang ulo sa aking balikat habang patuloy ang paghagod ko sa kanyang likuran.


“Shhhh… tahan na, magiging ayos din ang lahat.  Basta maging matatag ka lang.” pag-aalo ko dito.


Hinayaan ko na lang syang umiyak hanggang sa makatulog s’ya sa balikat ko.  Marahan ko s’yang inihiga upang hindi magising.  Agad akong nagpa-init ng tubig at kumuha ng plangganita.  Marahan kong pinunasan ang buong katawan ni Enzo at pinalitan na rin ng damit upang guminhawa ang pakiramdam nya.  Nang makita kong mahimbing na ang tulog ni Enzo ay napagdesisyunan kong ligpitin ang kalat sa sala.


“Sana ganito lang kadali ang pag-alis ng sakit na nararamdaman ng isang tao.  Na makukuha lang sa konting walis at punas makakalimutan na ang lahat ng mapapait na nangyari o kaya naman ‘pag ginamitan mo ng vacuum matatangay ang lahat ng hapdi ng sugat na ginawa sa puso.”  Ang nasabi ko sa aking sarili matapos matunghayan ang pagtangis ni Enzo dahil sa taong mahal nya.


Napaupo akong bigla at naisip ko na tawagan si Christian. Kinapa ko ang bulsa ko upang i-check kung nandito ang cellphone ko, ngunit wala.  Agad akong pumasok ng kwarto upang kunin ang aking telepono.  Pagpasok ko ng kwarto ay gising si Enzo.  Nakaupo ito sa kama at hawak ang bibig tila nasusuka.  Kaya naman dali-dali kong kinuha ang plangganita na pinaglagyan ko ng pamunas niya kanina at itinapat ito sa kanyang bibig.


“Wharrrkrkkk… uuungghhh…” mabuti na lang ang eksakto ng bumulwak ang suka n’ya ay nasalo ng plangganita kung hindi magpapalit ako ng hindi oras ng bedsheet.  Kung kalian naman talaga tatawagan ko si Christian tsaka pa to nakisabay.  Ang inis na sabi ng utak ko.


Matapos sumuka ni Enzo ay inayos ko itong muli.  Pinunasan ko s’yang muli at hindi muna pinahiga.  Hinayaan ko muna itong nakasandal sa may headboard at nakaupo.  Hindi ko magawang tawagan si Christian dahil inaalala ko baka sumuka ulit si Enzo.


“Bakit ba kung kalian namang handa na akong makipag-ayos kay Christian, hayzzzzzzzzz…” bulong ko sa sarili.


Inabot na ako ng madaling araw sa kababantay kay Enzo.  Paminsan-minsan kasi ay sumusuka pa rin.   “Sino ba naman kasi ang may sabing magpakalunod sa alak?!”  inis kong wika habang hinahagod ko ang likuran nito gawa ng pagsuka.  “Sa susunod ‘wag kang iinom ng sobra kung hindi mo kaya.”  Dagdag ko pa.  Ito pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang magbantay ng lasing.  Katwiran ko kasi sa buhay ko,  umiinom ako pero never akong namimerwisyo ng kapwa ko.  Dahil kahit anong lasing ko kaya ko ang sarili kong dalhin sa banyo upang ‘don sumuka.


At sa wakas humupa na rin ang pagtawag ni Enzo ng uwak.  Siguro naman makakatulog na ako nito ng maayos.  Matapos ligpitin ang mga kalat ng ay nahiga na ako sa tabi ni Enzo.  Agad akong nakatulog dahil na rin sa pagod ng paglilinis ko sa suka n’ya.


Sa sobrang sarap ng pagkakahimbing ko hindi ko na naramdamang tumayo si Enzo.  Ginising n’ya na lang ako na nakahanda na ang pagkain.  Gusto ko mang tanggihan muna si Enzo dahil gusto ko pang matulog ay hindi ko magawa dahil nakahanda na ang lahat sa mesa.  Kaya naman wala akong magagawa kung hindi bumangon at kumain.


Sa harap ng mesa ay hindi ako kumikibo.  Alam kong dama ni Enzo ang inis ko sa ginawa nya.  Nanatili lang din itong tahimik.  Matapos naming makakain.


“Ron, sorry pala.” Bungad ni Enzo.


“Sorry saan?  Sorry kasi ginawa mo akong taga linis ng suka mo?” sarkastiko kong sagot.


Hindi ito umimik bagkus ay yumuko na lang.


“Look Enzo, may problema akong gustong ayusin but I wasn’t able to do so kasi binantayan lang naman kita ng halos magdamag.  Hindi lang din ikaw ang may problema dito.  Kaya kung magpapakalunod ka lang naman din sa alak.  You better learn how to clean up your own mess and learn how to carry yourself to the toilet.” ang tahasang pahayag ko dito at hindi na ito umimik pa.


Sa totoo lang nagi-guilty rin naman ako sa sinabi ko sa kanya dahil alam ko kung ano ang feeling ng pinagdaraanan n’ya ngayon ‘coz I’ve been there.  Kaya lang kinaya ko.  Ayaw kong matulad s’ya sa akin na ilubog ang sarili sa problema bago pa hanapan ng solusyon.  Ang gusto kong mangyari sa kanya is, for him to face the reality.  Ang katotohanang may mahal ng iba ang taong mahal nya.  Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang mag-ring ang telepono ko.


“Hello Christian…”







Itutuloy…

1 comments:

Anonymous said...

Uwaakk..Wahh..tumawag si Christian!?BITIN!!!
-caranchou

Post a Comment