"In love nga ba ako?.."
by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com
Ngayong pasado na ako sa trabahong pinag-aplayan ko, alam kong magiging masaya na rin sa wakas si Zaldy para sa akin. Alam kong kung saan man siya ngayon ay nakangiti siya, sumasaludo sa pagharap ko sa katotohanan, sa hamon ng buhay at sa aking pagbabago. Positibo ang pakiramdam ko na makakatulog na din ako ng payapa, ng magaan ang pakiramdam, ng walang inaalala; dahil alam ko, ang ginagawa ko ay tama.
Kasabay ng pagbabagong ito, may mga bagay akong kakalimutan at pilit na kinakalimutan na. May mga bagay na magbabago at magbabago. Mahirap man, alam kong kaya ko ito. Kakayanin ko.
Masaya kong tinahak ang daan pauwi. Habang naglalakbay ang mga paa ko ay may napansin akong nakalagay sa isang istante noong may madaanan akong isang tindahan. Masuyo ko itong tiningnan. Napangiti akong naalala si Jay. Binili ko ang nakadisplay dito. Alam kong magugustuhan ito ni Jay. Tuwang tuwa akong naglalakad pauwi habang bitbit ko ang pasalubong ko sa kanya.
Pagdating ko ng bahay ay naabutan ko si Jay na seryosong nagluluto ng aming hapunan. Mistulang hindi mo siya magawang istorbohin sa kanyang ginagawa. Dahan dahan akong lumapit dito upang hindi niya naramdamang naroon na ako. Ang mukha ko ay halos nakadikit na sa kanyang kaliwang tenga. "Ano yang niluluto mo?!," pabigla kong sabi sa kanya.
"Ano ba!!," gulat na wika nito. Hindi ko alam ngunit may kung anong saya akong naramdaman ng makita ko syang namumula sa inis ngunit bigla itong nagsilay ng matamis na ngiti noong ako ang kanyang nakita. "Kung napaso ako dito, anong gagawin mo?!," tanong niya at nagbalik ulit sa pagkainis ang kanyang itchura. Hindi ko alam kung nagtatampu-tampuhan lang ito o sadyang nainis talaga sa ginawa ko.
"Bakit? Napaso ka ba? Hindi naman ahh."
"Hmp."
"Ang bango ng niluluto mo ahh. Amoy pa lang alam mo agad na masarap. S'ya nga pala...,"magiliw kong pagaalo sa kanya habang pinapaharap dahil nakasambakol pa rin ang kanyang mukha. "Tsanan!," tila batang nagbigay ng sorpresa sa kanyang kaibigan ang inasta ko kay Jay. Ang inis nito ay napawi at napalitan ng saya. Kita ko iyon sa kanyang mga ngiti at mata.
"Wow, favorite ko yan! Salamat!" ang masiglang wika ni Jay na biglang napayakap sa akin.
Lalong lumawak ang mga ngiti sa aking mga labi ng makita ko na sobrang saya niya sa simpleng pasalubong kong munchkins.
"Halata nga sa mga yakap mong favorite mo yan," pang aaalaska ko pa dito sabay tawa ng malakas.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ako sa kanya. Siguro dahil nadala lang ako sa kasiyahang meron ako ngayon. At ewan ko rin ba, kapag nakikita ko siyang nakangiti, napapangiti na rin ako.
Matapos ni Jay magluto ng hapunan at ako'y nakapagpalit na din ng pambahay ay kumain na kami. Habang nasa hapag ay kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa aking interbyu at skedyul ng aking trabaho.
"So, pano pala yun? Hindi pala magkatugma ang oras natin," may lungkot na boses ni Jay.
"Okay lang yun. Atleast diba may marangal na akong trabaho ngayon?" Pangungumbinsi ko pa sa kanya.
Panggabi ang oras ng trabaho ko hanggang alas singko ng madaling araw bilang isang sekyu sa isang kompanya. Kaya kapag oras ko na ng trabaho, saka pa lang dadating si Jay galing naman sa kanyang trabaho sa bahay. Kung gising ako, siya naman ang natutulog. Magkasaliwa ika nga nila.
Naging maayos ang takbo ng trabaho ko kahit pa man nangangapa pa ako. Mahirap noong una dahil hindi ko pa gamay ang aking trabaho pati ang oras ng aking pagtulog ay inaadjust ko pa rin dahil hindi ko nakasanayang gising sa gabi at sa umaga naman tulog. Pero nung naglaon ay nasasanay na rin ako kahit papaano at hindi naman nagkakaberya.
Halos wala na din akong Jay na naabutan pag uwi ko sa bahay. At pagmulat ko naman ng aking mga mata ay nakapasok na ito sa kanyang trabaho. Ngunit ang labis na nakakapagpangiti sa akin ay sa tuwing paggising ko o pag-uwi ng bahay ay may nakahanda ng pagkain si Jay para sa akin. Nakakatuwa. Nakakalambot ng puso ang kanyang simpleng ginagawa para sa akin. Tila may umuusbong na kaligayahan sa aking pagkatao sa mga simpleng bagay na ipinapakita niya. May kung anong kakaibang dulot ito sa akin. Matagal na niya itong ginagawa ngunit ngayon ko lang ito napansin. Noong turuan ko ang aking puso na pakawalan na si Zaldy ng tuluyan.
Minsan pa, naalimpungatan na lang akong tinatakpan niya ako ng kumot. Marahan niya itong ginawa upang hindi ako maabala ngunit nagising pa rin ako dahil mababaw pa lang ang tulog ko. Hinawakan ko siya sa kanyang mga kamay. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya at nagsilay ng mapanuksong tingin.
"Hoy! wala akong ginagawang masama ahh. Kinukumutan lang kita."
"Halika nga dito." Hinila ko ang kanyang mga kamay at ipinahiga sa aking tabi. Tila papalag sana siyang gawin ko iyon ngunit hindi na niya magawa. Para bang nanlambot siya. "Wala ka namang pasok bukas diba?,"dagdag ko pa dito habang hindi niya alam ang kanyang gagawin.
"W-wala. B-bakit?," tanong niyang halata mong kinakabahan sa susunod na mangyayari.
"Wala din akong pasok. Tabihan mo ko. Gusto ko may kayakap ee." saad ko dito at umusog ako ng bahagya upang mabigyan siya ng espasyo upang makahiga. Binuka ko ang aking mga bisig at tinuro ito na tila nagsasabing doon siya umunan.
"Huh?! A-aahh e-eeh." di mo alam kung matatae na ewan ang kanyang naging reaksyon. Kinabig ko na ang kanyang balakang at pinatabi sa akin. Ipinaunan ko ang aking mga bisig sa kanya. Wala lang siyang kibo habang ginagawa ko iyon. Hinayaan lang niya ako. Iniusog ko pa siyang palapit sa akin. Nakatalikod siya. Nakayakap ako mula sa kanyang likuran. Ang bisig ko ang ginawa niyang unan. Maya maya pa ay nakaramdam ako na tila inaamoy niya ang aking mga braso. Mas hinigpitan ko pa ang aking pagyakap. Mas pinagdikit ko pa ang aming katawan. Ibayong saya ang nadarama ko ng mga panahong iyon. Tila may puwang sa aking pagkatao ang napunan ng tagpong iyon na labis kong pinangungulilaan.
Maya maya pa ay lumingon sa akin si Jay. Halos magkadikit naman ang aming mukha sa ginawang paglingon niyang iyon. Halos magkahalikan na kami. Namula siya. Nanlamig akong tila pinasukan ng mga paruparo ang aking sikmura. Nagkatitigan kami. Tila binabasa kung ano ang nasa isip ng bawat isa.
Tumalikod ulit siya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay habang nakayakap ako sa kanya. Pinaglingkis ko ang aming mga daliri. Ang lamig ng mga iyon. Tila kinakabahan sa bawat kilos na ginagawa ko. Hindi ko din alam kung bakit ko iyon ginagawa ngunit ang alam ko lang na masaya ako. Na parang may kulang dito sa puso ko na siya ang nagpuno.
Tumingin muli sa akin si Jay. Tila may kung ano sa mga titig niyang iyon. "Kala ko ba matutulog ka?" Tanong niya sa akin. Ngumiti siya ngunit may kakaiba pa rin sa kanyang mga ngiti. Parang may mabigat na problema itong dinadala. Siguro ay hindi lang siya sanay na ganun ang mga kinikilos ko dahil nakakapanibago talaga sadya. Maski ako, hindi ko din alam.
"Eto na nga ee. Matutulog na. Basta 'wag mo kong iwan ha," tila isang bata na pinagalitan dahil may nagawang mali ang pagtugon kong iyon. Bago pa man ako pumikit ay hinalikan ko ang kanyang ulo. Nagsilay ng isang matamis na ngiti at natulog na ng mahimbing.
Masarap ang tulog kong kayakap ko si Jay. Mahimbing pa rin itong natutulog sa aking bisig. Ang maamo niyang mukha ay kay sarap tingnan. Mistula siyang anghel sa aking harapan. Kahit pa man manhid ang aking kamay dahil sa pagkakapatong ng ulo niya dito, parang balewala iyon sa mga nakikita ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Ngayon ko lang ulit naramdamang ngumiti sa paggising sa umaga. Ngayon lang ulit ako naging inspired na harapin ang buong araw...dahil kay Jay.
Marahan kong inalis ang aking kamay sa pagkakahiga niya dito upang hindi siya magising. Dahan dahan din akong bumangon. Tiningnan ko muli siya. Malalim pa rin ang kanyang buntong hininga. Tulog pa rin siya.
Naisipan kong magluto ng agahan namin ni Jay. Nagmumog muna ako at naghilamos at dumeretso na sa kusina. Nagkakape ako habang nagluluto. Habang nagluluto, may naisip akong gawin. Agad naman akong pumunta ng banyo at inayos ito. Nakangiti. Masaya. Magaan ang pakiramdam.
Matapos kong magluto ay inihanda ko na ito, inilagay ko sa isang tray upang dalhin kay Jay. Pumitas pa ako ng bulaklak sa labas at inilagay ko ito katabi ng plato. Sinarapan ko talaga ang pagkakaluto ko. Pati ang paghahanda nito ay pinag-igihan ko talaga. Para sa kanya.
Inilagay ko muna ang dala kong tray ng pagkain sa isang lamesitang nasa tabi ng higaan. Marahan akong umupo sa tabi ni Jay upang hindi siya magising. Tinitigan ko ang mala-anghel niyang mukha. Napangiti ako. Kinakabahan ngunit nilakasan ko ang loob kong halikan siya sa kanyang pisngi. Tila isa akong bulateng binuhusan ng asin dahil sa takot na mahuli niyang hinahalikan ko siya. Parang may kung anong nag-uunahan dito sa puso ko noong mailapat na sa kanyang pisngi ang mga labi ko. Napangiti ako.
"Inlove na nga ba ako?," tanong ko sa sarili na tila naguguluhan pa rin sa mga ikinikilos. Noong mga nakaraang buwan, hindi lumilipas ang oras at araw na hindi ko siya naiisip. At kapag pumapasok na siya sa utak ko, napapangiti na lang ako bigla. Ganado lagi ako sa ginagawa ko dahil gusto kong magpa impress sa kanya, na gusto kong makita niya ang mga pagbabago kong iyon dahil sa kanya, dahil gusto ko matuwa siya at mapasaya.
Hinaplos ko ang kanyang mukha. Napakaganda talaga nitong tingnan. Ang kanyang mga kilay na tila hinabi ng isang magaling na iskultor na tumerno naman sa mapipilantik nitong mga pilikmata. Ngunit kinuha ang atensyon ko ng kanyang mga mapupulang labi. Tila nagsasabing ilapat ko ang mga labi ko dito. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Ilang pulgada lang at matitikman ko na ang kanyang mapang-akit na labi.
Biglang iminulat niya ang kanyang mga mata. Kinabahan ako bigla. Aligaga at hindi alam ang gagawin. "Ahh..ehhh...," sabi ko sa kanya. Napakamot ako sa aking ulo na tila binabalakubak. Umatras akong bahagya dahil sa pagkapahiya. Kinakabahan. Napatingin ako sa tray na dala ko kanina. "...ahmmn...gigisingin sana kita kaso, nagising ka bigla," pagpapalusot ko pa. Ngumiti ako. Kinuskos niya ang kanyang mga mata gamit ang kanyang kamay. Nag-inat-inat.
"Good Morning," dagdag ko pang bati sa kanya. Ngumiti siya. Napangiti ako. Kinuha ko ang tray na nakapatong sa lamesa at umupo sa tabi niya.
"Ano yan? Wala naman akong sakit ah. Pwede naman tayong kumain sa lamesa. Bakit dito pa sa higaan?" takang tanong niya. "..at bakit may bulaklak?"dagdag pa niya.
Hindi ko alam ang isasagot. Tila umurong ang aking dila sa mga tanong niya. Nalungkot ako bigla dahil hindi ko inaasahang hindi niya magugustuhan ang inihanda ko para sa kanya. Kamot na naman ako sa aking ulo. Nagsilay ng pilit na ngiti. "Breakfast in bed sana. Kaso ayaw mo naman ata. Ihahanda ko na lang ito sa baba." Naglakad na ako palabas ng kwarto upang tunguhin ang kusina at iayos muli ang nakahain sa tray.
"Jose...," pagtawag niya sa pangalan ko. Lumingon ako. Itinaas ang kilay na tila nagtatanong kung ano iyon.
Nakita ko siyang bumangon. Umupo sa gilid ng higaan. Tumingin sa akin ng may pagtataka. "Bakit mo 'to ginagawa."
Hindi na naman ako makasagot. Tahimik.
"Hindi ko alam."
Tahimik.
"Basta ang alam ko lang...masaya ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag nakikita ka. Napapangiti ako sa t'wing nakikita kang ngumingiti. Kahit isipin lang kita gumagaan na pakiramdam ko," pagpapahayag ko sa aking nararamdaman.
Tahimik.
Napaisip ako. Ilang taon ko na nga ba kasama si Jay? Ilang taon na ring sweet siya sa akin? Ilang taon na ring hindi ko napapansin ang kanyang presenya? Ilang taon na ring iniignora ko ang kanyang nararamdaman?
Ganito pala ang pakiramdam ng binabalewala. Masakit ngunit kailangan mo itong tanggapin dahil ito din naman ang kukumpleto sa araw mo; ito ang nakakapagpasaya sayo. Kailangang lakasan mo ang loob mo para maipadama din sa kanya ang nararamdaman mo. Kailangang desidido ka at matyaga upang hindi ka panghinaan kung sakaling hindi pansinin ang mga ginagawa mo para sa kanya. Kailangan mong maging matatag dahil hindi porke't may gusto ka, makukuha mo ito. Hindi lang pala puro saya, mababalutan ka rin pala ng kalungkutan.
Ngumiti siya. Napangiti din ako. Alam kong bago ito sa kanya. Ngunit sana hayaan niya akong ipakita kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.
"Talaga lang ha. Halika nga dito. Akin na na yang dala mo. Nagugutom na 'ko ee."
Lumapit agad ako. Umupo sa tabi niya at ibinigay ang tray ng pagkain. Nginitian ko siya ng matamis. Ngumiti din siya ngunit kita ko sa kanyang mga mata na may tinatago siya sa likod ng mga ngiting iyon. Hindi ko na lang ito pinag ukulan pa ng panahon dahil gusto ko sulitin ang weekends namin. Minsan lang kaming magkita kahit pa man sa iisang bahay lang ang tinutuluyan namin. Gusto ko sulitin ang bawat oras na magkasama kami. Ngayon pa at alam kong may nabubuo nang puwang dito sa puso ko para sa kanya. Gusto kong ipakita iyon. Gusto kong ipadama.
"Gusto mong subuan kita?" magiliw kong tanong sa kanya.
"Wag na. Ano ka ba. May kamay naman ako no."
Tumitig ako sa kanya. Nakipag titigan siya. Malamlam ang kanyang mga mata. Parang may kung ano dito. Tila nagpapasahan at nagbabasahan kami ng mensahe sa bawat isa. Hindi ako nagpatalo lalo pa't ang mga mata ko ang pang-akit ko. Kumurap siya at namula. Inalis ang kanyang pagkakatitig sa akin. Yumuko. Ngumiti ako. Hindi siya makapagsalita. Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Kita kong lumunok siya ng sarili niyang laway. Hinawakan ko ang kayang mga kamay. Hinanap ko ang kanyang mga mata upang tingnan muli ito.
"Subuan na kasi kita. Please..," pang-aamo ko pa dito upang mapapayag ko siya. Tumango siya.
Hindi siya makatingin sa akin ng deretso habang sinusubuan ko siya. Tinititigan ko pa rin sya habang ginagawa ko iyon. "Bakit ka ganyan kumain? Hindi kaya mabilaukan ka nyan sa ginagawa mo?" Pansin kong binibilisan niya ang pagnguya upang maubos na at makaiwas na siya. Ngunit hindi iyon mangyayari. May plano pa ako para sa araw na 'to. Sinubuan ko ulit siya. May amos sa kanyang bibig. Tinanggal ko ito ng aking mga kamay. Napatingin siya sa ginawa ko. Tila hindi alam ang gagawin.
"uhuhh uhuhhh...Wait lang. CR muna ako," nabibilaukang paalam niya sakin. Bumaba na siya at nagtungo sa banyo. Maya-maya pa... "Joseeeeeeeeeeeeeeeeee!..," tawag niya sa pangalan ko.

Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment