Story Cover Created by: Makki
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Actually, wala sa plano ang paggawa ko sa series na ito lalo na ang mga character ko dito. Tulad nga ng sabi ko, ginawa ko lamang sila bilang panggulo no’ng kasagsagan ng Chances. Pero heto’t isusulat ko na ang panghuling libro. Ang bilis talaga ng panahon. HA! HA! HA!
Ang magiging takbo ng k’wentong ito ay talagang matagal ko
nang pinag-isipan. Sila nga dapat ang unang sasalang sa series na ito ngunit
napag-isip-isip ko na hindi ito magiging madali para sa akin at kailangan ko pa
ng kaunting experience para mapaganda at maging mas masaya ang bawat senaryo sa
k’wento. Asahan niyo ang light approach ko sa k’wento ito. Patatawanin at
pakikiligin ko kayo ng husto sa huling libro kong ito.
Sa limang magkakaibigan si Jay Iglesias ang nabansagang
walang sense of commitment and responsibility sapagkat walang trabaho at
relasyon ang nagtatagal sa kanya. Madali raw siyang magsawa at mawalan ng gana
sa ano mang bagay na kanyang pinapasukan.
Sumuko na ang kanyang mga magulang na mapilit siyang panghawakan
ang kanilang negosyo ngunit hindi ang kanyang mga kaibigan. Matatag ang
desposisyon ng mga ito na mapatino siya at maging isang responsableng tao lalo
na ang kanyang kababatang si Maki. Mga bata pa lamang sila ay madali na siyang
napapasunod ni Maki sa mga gusto nito sa pamamagitan ng mga pamba-blackmail at
kung anu-ano pang taktika para lamang hindi siya maka-alma.
Ayos lamang sa kanya ang ginagawang pagmamanipula sa nito sa
kanya. Nagi-enjoy din naman kasi siya sa nakukuha niyang atensyon dito at kapag
napapasakit niya ng husto ang ulo nito. Isama mo pang kapag tinutukso sila nito
ng mga kaibigan nila ay naasar itong lalo. Ngunit sumobra ang pagiging
pakialamero nito nang pati ang kanyang pakikipagrelasyon ay pinakialaman nito.
Nagdulot iyon ng gulo sa pagitan nilang dalawa.
Ano ang mangyayari sa pagkaka-ibigang pinatatag ng panahon? Mauuwi
ba ito sa tuluyang pagwawakas o isang
mas malalim na damdamin ang mapupukaw?
27 comments:
mukhang interesting yan kiel....susubaybayan ko yan...hehehehe gudluck kiel..hehehe
Una sa lahat...
Like na Like ko ang story cover...
Ung Story for sure like pa din..di naman gumagawa ng pangit ang OTOR ng blog na ito ei...
***KULIPOT, Ganda ng Cover....
Huling...libro... Why huling libro?? :( Sana 'huling libro' is not the same as 'huling kwento' :)
Hihinto ka na magsulat? Bakit po??
Eto na! I'm so eggzoited!!!
Thanks Zek! Hit na naman to sure na!
Chapter 1 na agad! Hehe
Pat
Tagasubaybay
wag naman huling kwento.. :(
-mans-
Huling k'wento po ito ng pangalawang series ko. Pero hindi ko po sinasabing huling k'wentong susulatin ko ito. HAHAHA
Salamat sa mga comments guys!
ayan na! dandandandan!!! :D
C-06301
patatawanin at pakikiligin?
weh?!!
mgawa m kea? haha juk lan ^w^
yey that's my name there..hahaha..here we go!! :)
-J
mukang maganda ito...
kaya lang huli na ba talaga sayang naman...
aabangan ko yan mr. author...
tnx....
haha, c jay-jay at maki-maki..
yay! may bago ulit akong susubay bayan! check ng update everyday! XD <3
Excited na ako sa mademonyong story na 'to!!! Weeeh! Go zeke!!!
Hmmmmp...xciting to..kaabang abang naman to..at may bago na naman akong babasahin..habang nasa trabaho...ilang beses na ako nahuli ng boss kong QATARI..cellphone while in duty..
Adik lang kasi eh..
Yay! (I was rooting for a Jasper-Pat story, pero before ko nakita yung angle na yun sa Bittersweet I was actually hoping for a story about these 2 friends of Alex.)
Will you include that scene na ginawang alipin ni Maki si Jay?
- Edmond
teaser pa lang interesting na..wahhahaiba talaga ang utak mu ang TABA...ehehee 2mb lang ba talaga yan...kelan ka mag post nito..eheehe
_iamronald
OMG, finally my book na about kay Jay at Maki. :) Looking forward to it. :)) Gusto ko ung rollercoaster ang emotions para winner. :)
sige patawanin at pakiligin mo kami, hehe.. ^_^
exciting haahaha:)
jubert
Very interesting this stories i will follow this next please...
Canada-boy
mukhang mapapasabak na naman tayo nito sa puyatan Z!!!! hehe... As usual, maganda na naman to 4 sure...ingat lagi...;)))
-Sater
Huling libro?? Hai.. Wag naman sana kuya zeke.. -arc
when will this start author? i sense that this will be great!!! :D
-IVAN D.
sure na dudumugin ng mga readers ang storing ito! :D!
here comes jay-jay and maki-maki XD <3
kuya zild may nakita akong cover nito sa deviantart :)
eto oh http://lexijel007.deviantart.com/gallery/#/d5gi6ou
wow zild story na ni jay hahaha I love this.....
by the way nice background music.
Take care and keep on writing.
Post a Comment