Lipstick
Written by: Marsh
Another Manic Monday for me. A lot of things happend on my weekend. I don’t think that I can go
to school after what happend. Hahay. Alam mo yung feeling na kahit wala kang kasalanan, sa iyo
sinisisi lahat ng problema. Para na tuloy akong laruan na pinaglalaruan. Hindi rin ako nakareceive ng
communication from Frank. Gusto ko kasi ng isang maiging explaination sa nangyari. Ayaw na ayaw ko
nang may tao akong kagalit.
Nakatunganga lang ako habang nakatitig sa TV. Wala akong maintindihan sa palabasat ayaw ko rin
namang i-off ang TV sa kadahilanang di ko maintindihan. Di ko tuloy namalayan na 10:30AM na pala at
absent na ako sa dalawang classes ko for the day. May klase pa ako sa hapon pero nagdadalawang –isip
akong siputin iyon.
Tok! Tok! Tok!
Wala talaga akong balak buksan ang pinto. Wala rin naman akong narinig na boses galing sa kumakatok.
I thought that person outside already knew that I’m not interested to let him in pero nainis na naman
ako kasi kumatok na naman siya.
Grrr.. Sino ba iyan?, sigaw ko.
Wala akong narinig na sagot so I just ignored it. After a few minutes, kumakatok na naman siya. Ayaw
ko talagang tumanggap ng bisita kasi ang gulo ng apartment tapos I’m not feeling well. Naiinis na ako sa
kanya.
Sino ba iyan ha? Wala akong pera kung solicit lang yan., sigaw ko.
Wala pa rin akong narinig sa tao sa labas. Hindi na talaga ako makapagpigil kaya tumayo na ako at dali-
daling binuksan ang pinto para maaway ko ang tao na iyon. Pero pagkabukas ko ng pintuan, lalo akong
nagalit kasi nakakita na naman ako ng demonyo. Lalo ko pang ikinagalit ay ang pagpasok niya sa bahay
without my permission.
What are you doing here? You’re not welcome! So go out!, sigaw ko sa kanya.
Hey! I just want to stay here for a few days only. Hehe, si Herald.
Stay here? Diba sa Dumaguete ka nag-aaral? Don’t tell me you’ll be absent for a few days?
Parang ganun na nga pero di na ako mag-aabsent. Idadrop ko subjects ko dun tapos next sem
magtransfer na ako dito, pumayag naman sina Mom and Dad.
TSK! You are just wasting your money. Kawawa naman sina tita at tito dahil nagkaanak sila ng katulad
mo na batugan.
Wait! Wait! Wait! Look who’s talking? Haha, sino ang nag-absent ngayong araw na ito?, si Herald
Kaya nga umalis ka na kasi may hahabulin pa akong klase later, hindi ako makapagprepare for school
kapag may ibang tao dito., singhal ko sa kanya.
Ases! Hahaha, nakatawa si Herald.
Pinili ko na lang magtimpi. Hindi rin matatapos ang sagutan namin so kahit ma-pride ako na pagkatao ay
hinayaan ko na lang magpatalo sa kanya. So I decided na pumasok na lang sa klase ko para makaiwas na
rin sa demonyong si Herald.
Wala talaga akong maintindihan sa discussion namin. Nakatunganga ako at nakaharap sa pintuan,
naghihintay kung anong oras matatapos ang boring na klase.
Mr. Cantila?, sigaw sa akin ni Dr. Villar.
Yes Doc?, sagot ko (Nakakainis talaga, tinawag pa akong Mr., siya nga ayaw magpatawag ng Mam,
Madamme or Mrs., kelangang Doc talaga)
What are the elements of a good decision making?, tanong ni Dr. Villar.
Ahhm, (Patay talaga ako kasi hindi ako nagbabasa ng books namin and I’m not even listening)
I’m waiting for your answer Mr. Cantila, si Dr. Villar na tinawag na naman akong Mr.
The elements of a good decision making are - - - - ahhhmmm, para na talaga akong maiihi. Oh my gosh.
Looks like it’s very obvious that you are not listening to our discussion so what I’ll do is I’ll give you all a
long exam today and this is because of Mr. Cantila, si Dr. Villar.
Patay na talaga ako nito. Malamang maraming galit sa akin dahil sa hindi ko nasagutan ang tanong ni Dr.
Villar, nadamay tuloy mga classmates ko. Gosh wala akong dalang papel, manghihingi na naman ako nito
sa katabi ko at nakakahiya.
Excuse me! Can I ask for a 1 whole sheet of paper please?, hingi ko sa aking katabi na di ko talaga kilala.
Tumingin siya sa akin na parang galit sabay kuha ng papel at bigay sa akin na parang napipilitan lang.
Naku! Nagsungit pa ang lalaking ito, cute ka nga pero masama naman ugali mo, nasatinig ko sa isip ko. I
cant believe it! Siya pa nga nagbigay ng papel sa akin, ako pa ang parang galit. Anyways, I’ll just return a
1 whole sheet of paper to you when the time comes nga ako naman ang meron.
Natapos na ang exam and I’m not confident na mapapasa ko iyon. Come what may na lang ang peg ko
nun. I was on my way outside the campus nang may sumabay sa akin palabas. Gosh! Siya yung hiningan
ko ng papel na galit sa akin. Nung nasa labas na kami at natapat kami sa Burger Machine, bigla na lang
niya akong tinawag.
Mark?, siya.
Ahmm. Yes? By the way, you cna call me Marsh.
I’m not interested. I just want to tell you that I hate you. Di mo ba alam na wala akong nasagutan kanina,
you are very insensitive. Bakit kasi hindi ka nakikinig? Hindi mo tuloy nasagutan ang tanong ni Dr. Villar,
bulyaw niya sa akin na nagpainit na naman ng dugo ko.
Hoy! Mr. I dont know your name and I’m not interested as well, Hindi kona kasalanan iyon na wala kang
nasagutan sa exam, di kita na natin na hindi ka rin nakikinig. Dapat ang ginawa mo, nagbabasa ka ng
ating mga topics ahead of time para di ka na manumbat ng ibang tao na wala kang nasagutan. Huwag na
huwag mo akong sumbatan., pagalit kong sabi.
Aba! Lumalaban ka pala? Magbabayad ka sa pagsasalita mo ng ganyan sa akin!
So binabantaan mo ako ganun? Hala! Ang dating ha! Look! I have no time to argue with you Mr.
Nobody. I have a lot of things to prioritize and you are not one of them so if you’ll excuse me I’ll
appreciate that. Sigaw ko.
And I’m not expecting as well that you’ll prioritize me, ang sa akin lang I just want to let my voice out
dahil sa katangahan mo.
Aba! Sh*t ka! You go to hell Mr. Nobody. Ako pa talaga ang tanga ha? Ako ba ang sumagot ng exam mo?
, Ikaw dapat magsabi sa sarili mo na tanga ka kasi nga wala kang nasagot.
Sinusubukan mo ba talaga ako?, galit niyang sabi sabay form ng fist niya na akmang susuntukin niya ako.
Nakapikit na ako that time. Hindi ko magawang lumaban o tumakbo that time. I was waiting for him
to do something but instead he pulled my hand and grab me to Elicon’s Cafe. Pinaupo niya ako sa may
table for two at nag-order siya ng shake at brownies.
What’s this?, tanong ko.
I just want to apologize for what happend.
Gumaan naman ang aking pakiramdam so I just accepted his apology at nagsmile na rin siya.
So what’s your name?, tanong ko na nagpabago ng mood niya.
So you never bothered in knowing my name?, by the way I’m Ian.
I’m sorry! I’m just very insensitive gaya ng sabi mo na wala na talaga akong pakialam., sabi ko sabay
tawa at tumawa rin siya.
So di mo talaga ako natatandaan? We’re classmates way back Elementary. Actually, kami yung
nambubully sa’yo noon. Sorry talaga Mark este Marsh.
Ok lang yun Ian. So ikaw pala yung uhugin na bata na yon?, natatawa kong sabi sa kanya.
Nakakahiya naman. Si Ian
Sus! Nahiya ka pa! Hahaha, bakit ngayon ka lang nagpakilala?
Kasi eh, ngayon lang ako nagkaroon ng chance tapos ikaw para ka kasing walang pakialam sa mga tao sa
paligid mo., si Ian.
Haha, di naman.
Masaya kaming nagkausap ni Ian nang makita ko si Abel kasama niya si Frank.
Girl, kasama ko si papa Frank gusto ka raw makausap.
Hindi ako makatingin kay Frank. Parang naiilang pa rin akong makaharap siya. Ewan ko ba.
I guess I need to go, mukhang importante yata ang pag-uusapan niyo., si Ian.
No Ian, you stay. Frank? Can we talk some other time? Please, may dinidiscuss lang kami about sa
project namin and importante ito kesa anumang sasabihin mo. Kung pwede lang?
I’m sorry, sige I’ll just go., si Frank sabay patakbong lumabas.
Girl? What’s wrong? Let me follow papa Frank na lang., sige maiwan ko na kayo.
May LQ ba kayo ni Frank?, si Ian.
LQ ka jan! Di ko siya boyfriend noh! And besides he has a partner already.
So, ayos pala!, hehe. Si Ian.
What do you mean?, tanong ko.
Hehe, basta. So ano pala project natin?, natatawang sabi niya.
Ulol! Hahaha.. sabi ko.
Hinatid ako ni Ian sa labas ng aming apartment. I enjoyed his company. Akala ko masungit siya. Ang cool
pala niya tapos natatawa ako sa jokes niya. Pagkapasok ko ng apartment, dun ko lang natandaan na nasa
bahay ko pala ang demonyo na si Herald.
Sino iyon?, tanong niya.
It’s none of your business! And Hey!, I’ll let you stay here for tonight lang tapos bukas umalis ka na.
Gets?
Di ko gets, explain mo nga! Hehe, si Herald na nakatawa.
Aba! Get a life!
I’ll get a life with you. ,siya sabay tawa ng malakas.
Naiinis na talaga ako sa demonyong ito. Naalala ko rin na wala akong ibang higaan sa apartment maliban
sa sofa sa sala. Alangan naman na sa sofa ako hihiga. Manigas siya.
Pumunta ako ng bathroom para maligo, siniguro ko talagang lock yun dahil hindi naman sa assuming
ako, gusto ko lang na safe ang pagliligo ko. Pagkatapos kong maligo dumiretso na ako sa aking room at
aba ang demonyo natutulog na sa kama ko.
(itutuloy)
3 comments:
hehehehe...parang may something kay Ian...parang may plan sya...hehehe
anyways ang kulit ng chapter na to...hehehe
madrama at first tapos parang comedy na sumunod hehehe
nice tlga...next chapter please..sana maupdate agad heheeh
kilig... hahahahahaha..
:)
ang sad po bakit wla p rin update Madame MARSH ; ( sana masundan na po neXT chapter na pls.
Post a Comment