Model: Jasper
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Hey guys! Sorry ng marami kung na-delay ang posting nitong
chapter na `to. Kumuha lang ako ng ilang araw na bakasyon para makapagpahinga
at ma-relax kahit papaano ang utak at katawan ko. He! He! He!
Anyway, siguro kapag nabasa niyo ang chapter na `to ay
makikita niyo na ang sign na hinihintay niyo LOL. Ang sign na malapit ng
magtapos ang kwentong ito sana nga lang ay hanggang sa huling bahagi ay kasama
ko pa rin kayong lahat. And one more thing, back to normal na ang posting
schedule ko na every other day. ^_^ Sorry ulit!
SALAMAT SA LAHAT NG NAG-COMMENT SA CHAPTER 18!!! INGAT TAYO
LAGI!!!!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Jasper!
Palabasin mo si Andy!” Miles said with a panicked voice. Halos sirain na nito
ang pintuan sa lakas ng paghampas nito.
“Hindi namin kayo kailangan dito. Umalis na kayo!” Ang balik
namang sigaw ni Jasper dito.
Doon lamang siya tila natauhan at biglang nataranta.
Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nito sa kanya subalit nang maramdaman
nito ang gagawin niya ay lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa
kanya.
“Hindi ka puwedeng lumabas.” May diin at may awtoridad
nitong sabi. “Hindi ka lalabas sa k’wartong ito hanggat hindi mo sinasabing ako
pa rin ang mahal mo!”
Natigilan siya at bahagyang napangiwi nang maramdaman ang
hatid na sakit sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. Wala na sa
hitsura nito ang taong minsan niyang pinaglaanan ng lahat. Tuluyan na itong
nawala sa tamang huwisyo.
“Palabasin mo siya Jasper! Wala siyang kasalanan sa’yo!”
Muling pasigaw na wika ni Miles sa likod ng pintuan.
“At bakit ako makikinig sa inyo? Para hayaan na naman kayong
sirain ang pagkakataong makasama ko siya?” Punong-puno ng hinanakit at
panunumbat nitong dagdag.
Naiintindihan niya ang galit nito sa mga kaibigan. Bahagya
ring lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya subalit imbes na kumawala rito ay
hindi siya gumalaw. Aaminin niya, natatakot siya at malakas ang kaba niya sa
p’weding gawin nito lalo pa’t parang wala na ito sa sarili. Pero mas nanaig ang
awa niya sa nakikitang malaking pagbabago sa dating minamahal.
“Kung hindi sana kayo nakialam masaya sana kami ngayon. Malaya
niya sanang naipararamdam sa akin ang totoo niyang damdamin. Pero anong ginawa
ninyo? Inilayo ninyo siya sa akin at hinayaan ninyo siyang mapunta sa iba!
Hindi niyo ako binigyan ng pagkakataong maipakita at maipadama ko sa kanya ang
pagmamahal ko! Wala kayong mga kwentang tao!” Pagpapatuloy pa nito.
Alam niyang tinamaan ang kanyang mga kaibigan sa sinabi nito
dahil natahimik ang mga ito sa likod ng pintuan. Siya naman ay tinamaan rin sa mga sinabi nito.
“Pinangunahan ninyo ako, tapos sasabihin ninyong ginawa niyo
lang ang sa tingin ninyo ay dapat? Karapat-dapat bang husgahan niyo ang
kakahayan kong magmahal? Nahuli ako oo, pero wala na ba akong karapatang
magbago?”
Batid niya na ngayon kung gaano ito nasaktan sa ginawa ng
kanilang mga kaibigan. Nakikita niya iyon sa mga mata nito. Pero alam niyang
walang masamang intensiyon ang kanilang mga kaibigan. Nais lamang ng mga ito na matulungan silang dalawa at ma-protektahan.
“Miles, hayaan niyo na muna kami.”
“A-Ands?” Ang tila hindi makapaniwalang naisambit nito sa
likod ng pintuan.
“Hindi niya ako sasaktan, `wag kayong mag-alala sa akin.”
Maagap niyang tugon rito habang nakatitig kay Jasper.
“Pero Andy––”
“Hayaan ninyo kaming makapag-usap.” Pagputol niya sa iba pa
sanang sasabihin nito. Yes. He already made a decision at iyon ay ang ipaintindi
kay Jasper ang lahat. Hindi niya p`wedeng hayaan na lang na tuluyang masira ang
pagkakaibigan nila na ilang taon din nilang iningatan.
Ngayon lamang niya naintindihan ang lahat. At ngayon lamang
niya nakita ang kanyang malaking pagkakamali. Tinularan niya ang ginawa sa kanya
ni Jasper noon nanahimik siya at pinili niyang tumakbo sa problema dahil ayaw
niya itong masaktan. Hindi niya naisip na lalo lamang niyang pinahirapan ang
kanilang mga sarili. Na lalo lamang niyang pinagulo ang sitwasyon. Miles was
right after all. He should have face Jasper and told him the truth noon pa mang
malaman niya ang totoo.
“Alright.” Ang narinig niyang napipilitang pagsangayon ni
Miles. Alam nitong wala nang ibang paraan kung hindi ang sumunod.
Maingat upang hindi makagawa ng ingay na isinara niya ang
pintuan ng kwarto kung saan ngayon mahimbing na natutulog si Jasper. Kanina pa
niya alam mula mismo sa hitsura nito na ilang araw na itong hindi nakakaranas
ng tulog. Nang tuluyan niya iyong maisara ay doon lamang siya nakahinga ng
maluwag ngunit hindi pa rin iyon nakatulong para ma-ibsan ang pinaghalong galit
at awa niya sa taong nasa loob.
“I knew it would never be easy.” Patukoy niya sa nangyari sa
kanila ni Jasper sa loob ng kwarto nito. At sa muling pagkakataon ay kumawala
sa kanyang mata ang isang butil ng luha. “But I never thought that it would be
this hard.”
Inaasahan na niya na hindi magiging madali ang ipaintindi sa
kaibigan ang katotohanang hindi na ito ang taong mahal niya subalit mas malala
pa pala iyon kaysa sa kanyang inaasahan dahil aaminin niyang nasaktan siya ng
husto sa nangyari sa kaibigan.
“I made my choice
Ands, and that choice was to give up on Ivy and be happy with you. Pero bakit
imbes na maging masaya ako ito pa ang sinapit ko? Ito ba ang kabayaran ko sa
mga pagkakamali ko sa ’yo noon?”
Napapikit siya nang maalala ang mga katagang iyon mula sa
bibig ng dating iniibig. Halos punitin ang kanyang puso ng pira-piraso nang
maramdaman niya mismo ang matinding sakit at pighati sa likod ng mga katagang
iyon. Hindi siya bato at kahit sinaktan siya ng husto ng taong iyon ay hindi naging
sapat na dahilan para hindi siya makadama ng matinding awa para rito.
“Please tell me you
still love me Andy. Tell me that what Mile’s and the others told me are all
lies. Ako pa rin ang mahal mo ‘di ba? Hindi pa huli ang lahat sa atin.”
Napahigpit ang kanyang pagkakahawak sa seradura na hanggang
sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya magawang mabitawan nang bumalik sa
kanya ang hitsura nito; pagmamakaawa at pagsusumamo. Hindi niya sukat akalain
na makikita niya ito sa gano’ng hitsura. Jasper was strong and confident.
College pa lang sila ay gano’n na ang image na itinatak nito sa kanilang mga
humahanga rito. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit halos pagkaguluhan ito ng
mga kababaihan at kalahi niya. Kaya nga halos mabaliw siya no’ng una niyang
matikman ang lalaking pinagkakaguluhan sa campus nila. Pakiramdam niya ay
napakasuwerte niya nang natikman niya ito. Iyon siguro ang naging dahilan kung
bakit siya sobrang nahulog dito. Kung bakit siya nawalan ng kontrol sa kanyang
damdamin.
Subalit hindi niya rin akalain na ang isang bagay na hinihiniling niya simula pa nang makilala niya ito ay mangyayari. Pero imbes na ikatuwa niya iyon ay siya pa ngayon ang magiging dahilan upang muli siyang malugmok sa pag-iisa.
“Matagal akong
naghintay sa ’yo at matagal akong umasa na darating ang panahon at mamahalin mo
rin ako pero habang ginagawa ko iyon, hindi ko namalayan na unti-unti ko na pa
lang napapakawalan ang damdamin ko para sa ’yo.”
“No Ands, please.” Ang
lumuluha na nitong sabi bakas sa mukha ang matinding pagmamakaawa.
“I’m sorry Jas, pero si
Nhad na ang mahal ko. Siya na ang taong pinapahalagahan ko ngayon. I suffered
for too long dahil sa ’yo sana naman ngayon, hayaan mo na akong lumigaya.”
“NO!” Mariin nitong pagtutol. “Hindi totoo `yan! Noon pa man ay ako lang ang mahal mo! Ako lang ang nagmamay-ari sa `yo.”
Ang sumunod na tagpo ay siyang tuluyang sumira sa kanyang
natitirang respeto sa sarili. Muling bumalik ang dating silbi ng k`warto ni
Jasper – ang maging pugad at saksi sa kanyang pagpapakababa para lamang mahalin
ng taong lubos niyang pinangarap noon.
“Ands…” Ang boses na bumasag sa kanyang malalim na
pag-iisip.
Nalingunan niya si Miles, nasa likod nito ang tatlo pa
nilang kaibigan. Bakas ang pag-aalala sa mga mata ng mga ito.
Isang mapait na ngiti ang kanyang pinakawalan.
“Narinig ninyo?” Ang wala sa sariling naitanong niya sa mga
ito.
Lalo lamang bumigat at nanikip ang kanyang kalooban nang
makita ang pagtango ng kanyang mga kaibigan at sa muling pagkakataon ay
napaluha siya at nakaramdam ng matinding panliliit sa kanyang sarili.
“I should’ve never brought you here.” May pagsisising
naisambit ni Miles habang napapailing.
“Too late for regrets. Nangyari na ang nangyari at wala na
tayong magagawa pa. Ang mahalaga ay nasabi ko na sa kanya ang totoo.”
“Bakit mo siya hinayaan na gawin iyon sa ’yo?” Ang tila
awang-awa na wika ni Marx.
“Dahil kaibigan ko siya.” Pagsasabi niya ng totoo. “At iyon
lang ang nakita kong paraan para maibsan ko ang sakit na ako ang may gawa.”
“Pero dahil sa ginawa mo, lalo mo lamang binigyan si Jasper
ng rason para hindi ka niya pakawalan, Andy. Lalo lamang niyang guguluhin ang
relasyon ninyo ni Nhad.” May pag-aalalang wika sa kanya ni Keith.
“Alam ko.” Matipid niyang sagot.
“Oh no!” Naibulalas ni Zandro. “You’re planning to give up
everything just to save him?” Dagdag pa nito na bakas sa mukha ang sobrang
pagkagulat nang mabasa ang kanyang nasaisip.
Kilala na nga siya ng kanyang mga kaibigan.
“NO!” Mariing tanggi ni Miles nang hindi siya tumugon. “You
suffered enough!”
“And he suffered enough as well. Kung naroon kayo kanina sa
loob maiintindihan ninyo ako ngayon. Oo, hindi ko na siya mahal at nasabi ko na
iyon sa kanya pero hindi ko siya kayang saktan at hayaang tuluyang masiraan ng
bait. He gave up everything for me. Ngayon ko lang siya nakitang nasasaktan ng
ganito at ngayon ko lang siya nakitang magmakaawa. I can’t just abandon him.”
“Huwag mong gawin ito, Andy.” May pagsusumamong wika sa
kanya ni Miles.
Isang pilit na ngiti ang itinugon niya rito. Siya man ay
sobrang nasasaktan sa nabuong desisyon niya dahil batid niya kung ano ang
magiging kabayaran niyon. Masasaktan niya si Nhad –ang taong pinangakuan niyang
hindi sasaktan kahit na anuman ang mangyari. Ang taong muling nagparamdam sa
kanya kung gaano siya ka importante kahit pa man sa likod ng mga kaunting
pagbabago nito sa kanilang relasyon ngayon.
“I have no other choice Miles.” Tugon naman niya. “Besides,
kahit hindi ko gawin ito, kapag nalaman ni Nhad ang ginawa kong pakikipagkita
kay Jasper at ang nangyari ngayon sa amin nasisiguro kong hihiwalayan din niya
ako. Hindi niya maiintindihan ang ginawa ko.”
“Tutulungan ka naming magpaliwanag sa kanya basta `wag mo
lang gagawin ang binabalak mo.” Ang hindi pa rin sumusukong pagtutol ni Miles
sa kanyang plano.
Napangiti siya ng mapait habang umiiling.
“Hindi niya kayo pakikinggan. He Changed.” Pag-amin niya sa
mga ito. No point hiding the truth to them.
“What do you mean?” Takang tanong ni Keith.
“Sinira ng nakaraan niya ang kakayahan niyang magtiwala sa
tao.” May himig ng lungkot niyang sabi. “At nasisiguro kong sa ginawa ko
ngayong pagsira sa aming napagkasunduan lalo lamang iyong lalala.”
Lalo lamang bumakas ang awa sa mga mata ng kanyang mga kaibigan
para sa kanya. Ngumiti siya sa mga ito para ipakitang ayos lang siya. Isang
ngiting nakalimutan na niyang gawin simula ng makilala niya si Nhad – ang ngiting nagtatago ng kanyang tunay na
saloobin. Walastik talagang magpaasa ang tadhana. Akala pa naman niya ay
tuluyan na siyang liligaya sa piling ng taong nagmamahal sa kanya. Patikim lang
pala ang lahat.
Nhad
Hindi mawari ni Nhad ang kanyang nararamdaman. Balisa siya
na parang kinakabahan sa di malamang dahilan at dahil doon ay muntik na siyang
mapagalitan kanina ng doctor sapagkat hindi siya makapag-concentrate sa
pag-assist dito.
“What’s wrong with you?” Puna sa kanya ng matalik na
kaibigan na si Jonas.
Nakalabas na sa ER ang pasyenteng sinugod doon kani-kanina
lang na agad nilang inasikaso na siya ring dahilan kung bakit muntik na siyang
mabulyawan ng ina-assist na doctor nang bigla siyang matulala sa kalagitnaan ng
kanilang ginagawa.
“I don’t know.” Pag-amin naman niya. “Ni minsan ay hindi pa
ako naging ganito ka bothered.”
Tototo iyon. Kahit minsan ay hindi pa siya nakaramdam ng
gano’n sa tanang buhay niya. Never in his life na bigla siyang makadama ng
matinding kaba na hindi niya maipaliwanag.
“Pare, kailangan mong mag-focus. Hindi tayo p`wedeng
basta-basta na lang mawawala sa ating mga sarili sa klase ng trabaho nating
`to.”
Hindi na niya nagawa pang tumugon rito dahil hindi pa rin
mawala sa kanya ang kakaibang kaba at pagkabalisa na kanyang nararamdaman. He
knew something bad is happening at hindi niya p`wedeng maitanggi na isa sa mga
taong pinahahalagahan niya ang involve.
“Andy.” Wala sa sarili niyang pagbanggit ng taong lubos
niyang pinahahalagahan.
“Anak ka ng tatay at nanay mo! Don’t tell me na kaya ka
nawawala sa sarili ngayon ay dahil sa irog mong sa mga oras na ito ay abala sa
paggawa ng alak?” Napapalatak na naibulalas ni Jonas.
Binigyan niya ito ng masamang tingin. Mukhang hindi nito
sineseryoso ang kanyang pagkabagabag na nararamdaman. Kaya bago pa siya mapikon
ng tuluyan dito ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at mabilis na
tinawagan ang kasintahan para masiguro kung nasa maayos itong lagay ngunit lalo
lamang tumindi ang kanyang pagkabahala nang hindi nito sagutin ang kanyang
tawag.
“Bakit niya hindi sinasagot?” Punong-puno ng pag-aalala
niyang naisatinig.
“Tulad natin, nagta-trabaho ngayon si Andy kaya siguro `di
niya masagot ang tawag mo.” Tugon naman sa kanya ng kasusulpot lang galing sa
kung saan na si Anthony.
“Hindi.” Mariin niyang pagtanggi. “He always answers my
calls kahit gaano pa siya kaabala sa trabaho.”
“Naks naman! How sweet!” Nanunuksong wika ng dalawa.
“`Wag niyo akong bibiruin ganitong hindi maganda ang kutob
ko at baka kayo ang sumunod na ipasok sa ER!” May pagbabanta niyang wika.
Sabay na napataas ng kamay ang dalawang kaibigan at piniling
manahimik. Minsan na niyang pinakita sa mga ito ang kanyang pinakamasamang
ugali kaya alam ng mga ito kung kailan dapat tumigil.
Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan. Ilang minuto
pa lang ang nakakaraan nang sa wakas ay matapos ang kanyang duty at ngayon nga
ay tinatahak na niya ang daan papunta sa bar kung saan nagta-trabaho si Andy.
Sobra na talaga ang kanyang pag-aalala, kanina ay sinubukan niya ulit itong
tawagan ngunit nakapatay na ang cellphone nito na lalo niyang ikinabahala.
Nang marating niya ang naturang bar ay mabilis niyang
ipinarada ang sasakyan at halos patakbong tinungo ang entrance nito.
“Sir!” Bati sa kanya ng isa sa dalawang bouncer. “Ang kisig
nating tingnan ngayon, ah.”
Napangiti siya rito. Kilala na rin siya ng mga ito sa halos
araw-araw niyang paghatid-sundo sa kasintahan. Ngunit ito ang unang pagkakataon
na bababa siya sa kanyang sasakyan na naka-uniporme.
“Busy pa rin ba ang pakay ko rito?” Nakangiti niyang tanong
rito.
“Si Andy? Hindi siya pumasok ngayon sir.”
Napakunot ang kanyang noo. Paanong hindi ito pumasok eh
napagkasunduan nga nila kanina bago niya ito ihatid sa apartment nito na dadaanan
niya ito roon. At hindi ang tipo ng kanyang kasintahan ang um-absent sa trabaho
ng walang dahilan.
Baka masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakapasok. Naisatinig niya sa kanyang isipan. P’wede nga iyon, baka sobra nga niyang napagod ito sa ginawa nila kaninang madaling araw.
“Gano’n ba? Sige, pupuntahan ko na lang sa kanyang apartment
at baka masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakapasok ngayon.” Nakangiti
niyang wika rito.
“Sige sir. Ingat na lang sa pagmamaneho.”
Agad nga siyang tumalima at tinahak ang daan papunta sa
apartment ni Andy. Nakadama siya ng konsensiya sa kanyang naisip na rason kung
bakit hindi ito nakapasok.
“Di bale, babawi na lang ako sa kanya.” Nakangiti niyang
wika at lalo pang pinabilis ang takbo ng kanyang sasakyan. Sabik na siyang
makita at mahalikan ito.
Narating na niya ang apartment ng kasintahan ngunit halos
ilang beses na siyang kumakatok ay wala pa rin siyang marinig na pagtugon mula
sa loob. At sa muling pagkakataon ay naramdaman na naman niya ang kakaibang
kaba na kani-kanina lang ay bumagabag sa kanya ng husto. Muli niyang sinubukan
ang kumatok at sinadya niyang bahagyang lakasan iyon.
“Wala siya riyan.”
Napalingon si Nhad sa taong nagsalita at bumulaga sa kanya
ang isa sa mga kaibigan ng kanyang kasintahan, si Miles. Napakunot-noo siya
rito at naroon na naman ang pakiramdam sa kanya na may hindi magandang
mangyayari.
“Asan siya?” Seryoso niyang pagtatanong.
Lalo siyang naguluhan nang hindi agad ito nakasagot at kung
papaano biglang naging seryoso ang mukha nito. Sa totoo lang, ayaw niya sa mga
kaibigan ni Andy dahil nawalan na siya ng tiwala sa mga ito nang malaman niya
ang lahat-lahat kay Jasper – ang taong gustong umagaw kay Andy sa kanya.
Isiniwalat nito ang lahat simula sa nakaraan nito at ng kanyang kasintahan
hanggang sa ginawa ng mga kaibigan nito at alam ng Diyos kung gaano siya
binalot ng matinding takot na baka maulit ang lahat ng nangyari sa kanila ni
Kenneth.
“Nhad, you have to understand him.” Bakas ang paghihirap sa
boses nito.
“Sagutin mo ang tanong ko! Asan si Andy?” Hindi na niya
mapigilan ang biglaang pagsiklob ng kanyang galit. Kinakabahan siya, natatakot,
at higit sa lahat nakakaramdam siya ng hindi maganda sa magiging sagot nito.
“N-Nasa bahay ni Jasper.” Nag-aalangan at halos pabulong na
naisatinig nito.
Pansamantala siyang natigilan dala ng pagkabigla. Tama ba
ang kanyang narinig? Nasa bahay ng kanyang karibal ang kanyang kasintahan?
Hindi ba’t Ipinagbawal niya rito ang puntahan o kausapin man lang si Jasper na hindi siya nito kasama ngunit
bakit siya nito sinuway? Biglang bumalik sa kanyang isipan ang hindi nito
sinagot na tawag niya at ang pag-off ng cellphone nito.
Sinadya niyang patayan
ako ng phone? Naisatining niya sa kanyang isipan at doon na parang apoy na
sumiklab ang kanyang galit. Mukhang sa muling pagkakataon ay talunan na naman
siya.
“Nhad, kailangan ngayon ni Andy ang pag-intindi mo. Hindi niya
ginusto ang mga nangyayari at lalong hindi ka niya ginustong suwayin. Makinig
ka muna sa akin bago mo siya kondenahin.” Muling wika sa kanya ni Miles.
Binigyan niya ito ng matalim na tingin. Wala na ba siyang
ibang p’wedeng marinig kung hindi ang mga salitang iyon na ilang beses na rin
niyang narinig sa mga kaibigan ni Ken? Iyon na lang ba talaga ang pampalubag-loob
na kaya ng mga itong maibigay sa kanya?
“Pag-intindi saan? Sa ginawa niyang pagsuway sa kasunduan
namin o sa isang kasalanan na dahilan para patayan niya ako ng cellphone? Is
this your friend’s way of dumping me?” Tiim bagang niyang naitanong rito.
“Hindi ito ang talagang gusto ni Andy, Nhad. Makinig ka muna
sa mga paliwanag ko.” Nagsusumamong wika nito sa kanya.
Lalo lamang siyang nakadama ng kirot sa naging tugon nito.
It was already clear as crystal to him. Andy is dumping him for Jasper and
Miles didn’t deny it. Ibayong sakit ang naramdaman niya sa katotohanang iyon.
How could Andy do this to him? Nangako ito na hindi siya nito sasaktan at
babawi ito sa pagkakamali nitong ilihim sa kanya ang lahat ng tungkol sa
ugnayan nito sa isa sa mga kaibigan.
“Para ano? Para mabawasan mo ang kasalanan ng kaibigan mo o
para makumbinsi ulit ako na hindi niya sinasadyang gaguhin ako? Tell him this,
hindi ako maghahabol sa kanya at lalong hindi ako luluhod sa harapan niya para
balikan niya ako. Si Jasper ang pinili niya, so be it!” Punong-puno ng
hinanakit at galit niyang sabi at akmang papasok na sana siya sa kanyang
sasakyan nang muling magsalita si Miles.
“Andy was right, hindi ka marunong makinig dahil pinaiiral
mo ang kakitiran ng utak mo. Kailangan ng kaibigan ko ngayon ng isang taong
handa siyang panindigan and I thought it was you kaya ako nagkusang pumunta
rito para hintayin ka. Pero mali pala ako, you don’t deserve Andy. Hindi
pagmamahal ang nararamdaman mo sa kanya kung hindi pangangailangan para may
umaliw at mag-boost ng natapakan mong
ego nang hilawayan ka ng dating kasintahan mo.”
Nagpinting ang tenga niya sa mga salitang binitiwan nito. Hindi
biro ang mga binitiwan nitong paratang sa kanya. Masasaktan ba siya ng ganito
ngayon kung hindi niya mahal ang kasintahan? Oo, naging praning siya at hindi
niya iyon itatanggi pero dahil iyon sa pagmamahal niya kay Andy. Ayaw niya
itong mawala pero heto’t sa pangalawang pagkakataon siya na naman ang maiiwang
luhaan tapos siya pa itong palalabasing walang k’wenta?
“Wala kang alam sa nararamdaman ko kaya wala kang karapatang kuwestyunin ako!” Nagtatangis niyang sabi hindi na mapigilan ang mapagaralgal ang boses sa tindi ng galit niya.
“Ikaw ba, may nalalaman ka ba sa nararamdaman ngayon ng
kaibigan ko?”
Natigilan siya sa sinabi nito.
“Hindi mo alam kung gaano kabigat para kay Andy ang naging
desisyon niya ngayon at lalong hindi mo rin alam kung bakit niya ginawa iyon.
Huwag mo siyang husgahan dahil hindi katulad mo ang kaibigan ko na makitid ang
utak at tanging sariling damdamin lamang ang binibigyan ng pansin!”
“Malinaw na mas pinili niya si Jasper kesa sa akin!”
“Pero hindi mo alam ang dahilan niya.” May diin naman nitong
sabi.
“Wala akong makitang rason para alamin ko pa kung bakit niya
ako ginago.” Balik naman niyang tugon rito.
Kita niya kung papaano bumagsak ang mga balikat nito bago
tumalikod sa kanya. Nakakailang hakbang pa lang ito ng muli ito tumigil.
“Hanapin mo sa sarili mo ang rason kung bakit mo kailangang
pakinggan ang dahilan niya Nhad. At kapag nahanap mo iyon, puntahan mo lang
ako. Kailangan ka ng kaibigan namin.”
Itutuloy:
39 comments:
Ending is near , no need for physiciatrist para mapatignan si Nhad because Miles makes him understand about listening for damn reasons. Tsk tsk Poor Andy and Weak Nhad :(
oh my gosh Andy, napakahirap ng sitwasyon mo :(.. naaawa ako kay Jasper pero I fell pity for Nhad as well.. ahahay..
bravo..!! woohh.. really worth the wait..
God bless.. -- Roan ^^,
Hirap pumili tuloy...... lahat me mga sayad....hahaha..
nice may update na :]
ai may update? Ahaha..
Marky
what the??aarrghhh...gumuho ang lahat kay Nhad...alam ko yun...naramdaman ko na ang feeling na ganyan...ang pgkakaiba lang is that d ko pa syota...
ang sakit sakit ng feeling na yan...pero d ko rin masisisi si Andy, his right, he need someone who will understand him on what his decision is,...
ang hirap lang...be strong nalang Nhad..i know that you andy will be together soon and you two will be back on each others arms in the end...
heavy ng chapter na to...patapos na nga...huhuhuhu
ang bigat naman ng chapter na yan !
Wahhhhhhhhhh i really really like the flow of the story.. Sana mabilis ang update.. Thanks mr. Author ulet..
-rom-
so hard to decide and make a sacrifice for something...grabe talaga ang character ni andy....
ramy from qatar
waaaaaaah! Possessive mode! bwahaha "The Return of the Comeback!" :P gusto ko yung brainstorming nila Miles at Nhad! that's DOPE!
naawa ako kay jasper pero sya kasi eh.
Kahit ngayon lang asar muna ako sa Martir...hay nagpakamartir na naman si Andy
and miles' right.
As what I've expected. Ang galing ng chapter na ito dahil sa magaling na writer! Habang nalalapit ang pagtatapos lalong napupuno ng emosyon... Well done.. =)
grabe, ambibigat ng kani knyang dinadalang problema. open communication ang kailangan para maintindihan ang mga situation na pinagdadaanana. haizt!
Feeling ko ako si nhad :( grabe ung kaba ni nhad naranasan ko na un haaaaiiiisssst!
Andy naman! Phhullleaaassee!!
Pat
Tagasubaybay
si nhad ay closed minded..
si andy naman masokista..
sila miles naman ai iwan..
hehehe galing..galing Z.
blame the bullshit friends of andy! andaming alam ehh, ang tatalino masyado... bwiset! moral of the story... wag pakielamero!!!!
yeah boy! congrats! galing ni miles..next chapter na kuya zeke..
-J
Ilang araw ko inantay to sobra lungkot p ng kalalabasan... Huhuhuhuhu
grabe...
wala akong masabi talaga at naging maganda nga ang tagpong ito pero nakakalungkot dahil meron talagang maiiwang luhaan at nakangiti sa takbo ng buhay ng tao
ayheychu!!! >:(
sama ng 2log q neto huhuhu ;(
:) hayyss, ngayun ko lang naintindihan na para mawala ang selos, masamang isipin at mga pangamba sa puso, you need to give way for someone's feeling and the reason for someone's action because the deepest level of understanding comes from knowing all people have a reason for what they do. You may not know what this is. But without knowing who are you to judge?
Beucharist...........
naiipit ngaun si andy sa dalawang lalaki sa buhay niya..grabe sobrang intense naman ang chapter na ito..
galing mu poy..wahhhahaa
_iamronald
Nice plot this chapter portrays... Marvelous!
Raymund of Bacolod
nice ........brod
hhrhehehheheehehehhe wawa andy........................................ras
ang ganda talaga, excited na sa ending..._Dereck_
worth the wait. :D Quoting a supreme court decision which states that "The heart has reasons of its own which reason itself does not know" (Chua-Qua vs. Clave, G.R. No. L-49549, 30 August 1990)
I feel bad for Nhad that he had the feeling that everything is wrong and nothing will turn out well.
Kaya we should be open-minded. minsan kasi ung akala natin hindi natin alam mali pala, sabi nga nila "there's always two sides to every story."
Hindi ko mapredict paano susunod na mangyayari. :D Galing mo talaga Z!
06301 :)
J
i know maayos din si nhad at andy..sana lng me happy ending kay jas
great lines!!!!! And I got Miles point ans understand Andy's decision and i feel for Nhad. The only solution is to talk and keep an open mind.
hehe, natuwa ako sa quote mo dude :)
Oo nga cholo nakakatuwa ang quote mo at sa sobrang tuwa kp, di ko xa na gets lol
wow you blow me away, grabe super intense ng mga sense haist!!!!
super love ko character ni nhads but this time jealousy is killing...
XOXO "ARSTEVE"
baliw ka Zeke. :D haha. di na ako magcocomment ulit. :P
palapit na ang ending
jubert
hala, anlungkot.. :p
peo good vibes ako sa ending.. :p
nhad and andy.. :p
Nakapag comment den sa wakas..basa muna ng mga akda simula A to t..tapos huli ang bittersweet basahin..
ang bigat ng sitwasyon ni andy...pero ung sitwasyon nilang 3 nina jasper at nhad is something like a chain...connected sa bawat isa...each has to give-up something pra maresolve ung conflict...c andy ung guilt, c jasper ung anger at c nhad ung past...
This chapter is so intelligently expressed.:)
very nice...
-monty
Post a Comment