Friday, September 14, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 9




             Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

             Una sa lahat, ALAM KO LATE POSTING AKO. ahehehe. Pagpasensyahan nyo na lang po dahil ako po ay maraming inaasikaso sa ngayon. ^_^

             Pangalawa ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno,  at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.



           Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

           Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
            Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
           Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

           COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED







Pagkababa ko ng telepono ay pawisan akong naupo sa sofa. Tumawag na si Ryan pero hindi pa rin ako komportable hanggat wala sya sa bahay. Pero atleast alam ko ng ok sya.

Kakaupo ko pa lang ng biglang magring ang cellphone ko ulit. Napangiti ako. Si Ryan talaga…

“Hello Mahal ko…”, malambing kong sagot.

“Hello Andre?! Andre!!”, sigaw ng boses sa kabilang linya. Babae. Nagulat ako. Napatingin ako sa cellphone ko at pangalan ni Karen ang lumabas.

“He-hello?! Oh, Karen, bakit? Anong balita?”, casual pero kaba kong tanong.

“Andre…. Si Ryan…..”

“Huh?! Bakit?! Anong nangyari?!”

“Nasa hospital si Ryan!”

“Huh? Hospital?! Anong ginagawa nya don?”

“Basta pumunta ka na dito!!”

“Saang hospital? Bakit sya nasa hospital?”

Hindi nagsisink in sa utak ko ang lahat. Anong ginagawa ni Ryan sa hospital?! Edi ba kakausap ko lang sakanya?!

Natataranta akong pumunta sa hospital na sinabi ni Karen. Nagulat ako ng masalubong ko si Karen sa hall at nagiiyak sakin. Nakita ko din na andun si Kulas. Kasunod ko namang dumating sila Gino at sila Melai.

“Andre… Si Ryan.. Kasi…..”, pagpapaliwanag ni Karen.

Hindi ko maintindihan ang lumalabas na salita kay Karen. Basta naramdaman ko na lang ang pagkamanhid. Parang tumigil ang oras. Wala akong marinig miski ang sarili kong hininga. Ang tanging alam ko lang ay tumutulo ang mga luha ko.

Sa pilit na intindi ng utak ko ay sinabi ni Karen na naaksidente daw si Ryan. Critical condition dahil sa head injury. 50/50. Ayaw kong maniwala. Hindi ako pwedeng maniwala. Sinasabi ni Karen na bandang mag aalas onse ng may bumangga sa sasakyan dala ni Ryan. Nabasa ang wallet nya at nasira ang mga calling card doon kaya hindi ka natawagan. Nagkataon naman na water proof ang kanya kaya sya ang natawagan. Pero paano nangyari yun? Tumawag pa akin si Ryan nung sumalubong ang monthsary namin.

Naririnig ko na tinatawag ako nila Andoy at nila Karen. Pilit nila ako pinapakalma sa pagkakaiyak ko. Nakikita ko ilang nagsasalita pero tila ay wala akong marinig. Basta nasa utak ko lang ay si Ryan. Ang mga ngiti nya habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

“Andre!!!”, biglang sampal ni Karen.

“Hah..!”, bigla naman ako parang nagising. Nakakarinig ako muli. Napansin ko na umiiyak na din si Karen pala.

“Hindi lang ikaw ang nahihirapan! Umayos ka!”, galit na sabi ni Karen.

Unang pumasok sa isip ko ay makita si Ryan. Pero pinagbawalan pa kami dahil nasa Emergency Room pa ito at kasalukuyang ginagamot.

“Sila Tita…”, mahinang usal ko.

“Natawagan ko na sila.”

“Kami na ang susundo.”, narinig kong sabi nila Andoy at Melai.

Nakiusap ako na tawagan na rin ang mga magulang ko. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko o ang mga paa ko. Manhid na manhid ako at di ko alam ang gagawin. Ang kaninang kinakatakutan ko ay ngayoy nagkakatotoo.

Napaupo ang lahat at naghintay. Ramdam ko ang panginginig ng laman at pagkataranta ng utak ko. Walang matinong paksa na lumalabas sa utak ko. Gusto ko manisi ng kung sino dahil sa nangyari.

Napansin kong biglang tumayo si Karen at narinig ko na lang nagsisigaw ito.

“Anong ginagawa mo dito?!”, narinig kong sigaw nya. Nakita ko itong galit nag alit sa isang lalake. Hindi ko napansin kung sino agad dahil nakasuot ito ng hood. Nang tanggalin naming ni Karen ang hood ay nakita ko na si Larc pala.

“I came as soon as I heard…”, rinig kong sagot ni Larc.

“Hindi ka kailangan dito.”, matigas na sabi ni Karen.

“Alam ko. Pero Karen, bestfriend ko pa rin si Ryan. May karapatan ako malaman ang nangyari.”, matigas ding sagot ni Larc.

“Oh, now you call yourself a bestfriend?! Ang kapal naman ng mukha mo!”, galit na sabi ni Karen. Tumayo na ako at lumapit kay Karen at pinigilan ito. Hindi ito ang lugar para magiskandalo.

“Tama na Karen. Hayaan mo na lang sya.”, tuliro kong sabi sabay hila kay Karen. Nakita kong sinundan ng masamang tingin ni Karen si Larc.

“Don’t you dare.”, pahabol ni Karen.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naghintay. Ang isang munto ay parang isang oras sa akin. I was anxious to know kung anon a bang balita kay Ryan. Maya maya ay lumabas na rin ang doctor. Seryoso ang dating nito. Hinahanap kung sino ang kamag anak, since I consider myself na family nya. Ako at si Karen ang humarap.

“Masyadong maraming dugong nawala sa pasyente. Kinakailangan nya ng blood donor as soon as possible.”, maaatigaaas naaa sssabi ng doctor.

“Ako.”, rinig kong sabi ng boses. Napalingon ang lahat. Si Larc. Tumaas ang kilay ni Karen ulit. Susugod n asana ito ng…

“What?! Uunahin nyo pa ang galit nyo sa akin kaso sa buhay ni Ryan?! Parehas kami ng blood type at sigurado ako dun, at alam ko yun dahil lumaki kami ng sabay. At once na syang nagdonate ng dugo sa akin noon ng maaksidente ako nung highschool kami. Kung iisa isahin pa natin para malaman kung sino ang compatible o hintayin ang pagdating ng mga magulang nya, baka mahuli na ang lahat!”, galit na sabi ni Larc. Napatango ang lahat. May point sya.

Agad chineck nga ang dugo ni Ryan at status ng kalusugan nito at fit ito para magdonate. Medyo labag man sa iba, pero walang ibang choice. At hindi ko para i-compromise ang buhay ni Ryan para lang sa mga gantong bagay.

Pagtapos naman kuhanan niii Larc ng dugo ay nagpacheck na kami isa isa kung sino pa sa amin ang pwede. Sadly, hindi kami compatible ng dugo. Mas naramdaman ko tuloy na wala akong magawa para matulungan si Ryan.

After malaman kung ano ang blood type ni Ryan ay nagtawag kami sa mga kaibigan, nagpost sa mga social network sites naming kung sino ba ang may ganung blood type at sinabing kinakailangan ang tulong nila. Maya maya pa ay may dumating ng mga tawag. Yung iba, sinabing tutulong, yung iba naman ay nagtatanong kung saang hospital para makapunta, at yung iba naman ay nakikichismis lang.

After the long wait that seemed to take forever, lumabas na muli ang doctor at sinabing stable na naman ang lagay ni Ryan for now, pero kailangan pa din syang obserbahan. Kasalukuyan itong nilipat sa isang private room kung saan pwede na naman sya makita. Pinangunahan ng doctor ang daan at nagsi sunuran na kami.

Pagpasok ng kwarto kung nasaan si Ryan ay halos manlumo ako sa nakita. Marami sugat ito sa katawan at pasa kung saan saan. May benda din ito sa ulo at walang malay. Kasama ang doctor at isang nurse ay sinabi sa amin na walang malay si Ryan at baka matagalan ito magising dahil under comatose daw ito. Depende pa rin daw sa bilis ng pag galing at pagresponda ng katawan ni Ryan kung kelan ito magigising. Maaring sa susunod na lingo, bwan o taon. Hindi naman ako makapaniwala sa mga narinig. Muli, dumaloy ang luha sa mga luha ko. Naramdaman ko lang ang pagalalay sakin ni Karen at ni Kulas. Nararamdaman ko kasi nab aka anytime, ako naman ang himatayin dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko.

Paglabas naman ng doctor ay agad akong pumunta sa tabi ni Ryan. Nakahiga ito na tila natutulog lang. Bumuhos pa ang mga luha ko lalo. Sinisisi ang sarili ko sa mga nangyari.

“Mahal… Andito na ko. Gising ka, ha.. Naghihintay ako…”, umiiyak kong sabi.

“Gigising sya Andre.. Kailangan lang nya ng pahinga.”, rinig kong sabi ni Karen habang hinahaplos ako sa likod.

Nagiiyak lang ako at nakatingin sa sugat at pasang katawan ni Ryan.

“Kasalanan ko to… I should’ve been there. Dapat hinintay ko na lang sya at sabay na kaming umuwi.. Dapat andun ako…”, pagiyak ko.

“Pre, wag mo sisihin sarili mo.. Walang may gusto sa nangyari. Okay lang umiyak ka, pero wag mo sisihin sarili mo. Hindi din yan makakatulong sa pag galing ni Ryan. At kung naririnig ka man nya ngayon, baka mas lalo lang ito malungkot.”, pagpapakalma sakin ni Kulas.

Narinig na lang naming na may pumasok sa pinto. Si Larc. Nagtinginan ang lahat. Napansin ko naman na medyo hilo pa ito dahil sa pagdodonate ng dugo. Halatang grogy ito dahil dahan dahan ang paglakad nito. Umismid lang si Karen at hindi tinulungan ang dating kaibigan. Actually, walang gustong lumapit sakanya.

“Upo ka muna, pre.”, naiiyak kong sabi. Napatingin naman ang lahat sakin. Dahan dahan naglakad si Larc. Hindi ito naupo, sa halip, naglakad ito sa kabilang side ng kama at tumayo sa tabi ni Ryan. Agad nakita naming ang pagtulo ng luha nya.

“Pagaling ka, ha…”, mahinang usal nya. Hindi ko alam pero naiyak ako lalo sa nakita. Alam ko naman eh, mahal pa din ni Larc si Ryan. Kaya nga hindi na ito naghanap ng iba eh. Kahit pa alam nya na kami na ni Ryan, alam ko hanggang ngayon, hinihintay nya pa din ito. Alam ko yun..

“Salamat pala….”, pagpapasalamat k okay Larc. Tumango lang ito. Taos puso ang pagpapasalamat ko kahit pa may selos akong nararamdaman. Natural lang ang selos, pero mas nangibabaw ang pagpapasalamat ko. Kundi rin dahil sakanya ay baka di nasalinan agad ng dugo si Ryan at baka mas naging malala pa ang naging kondisyon nito.

Nagpaalam muna sandal ang iba naming kasama at sinabing bibili lang ng makakain, ang iba naman ay nagpaalam para umuwi upang maka ligo at magpalit ng damit. Paglabas ng iba ay may pumasok nanaman muli, ang mga magulang ko, kasama ang tatlo ko pang kapatid.

Napayakap ako agad kay Mommy pag pasok nito. Naramdaman ko naman ang kamay ni Daddy sa mga balikat ko.

“Huwag ka mag-alala. Hindi natin sya pababayaan.”, paninigurado ng Daddy. Hinaplos naman ng Mommy ang buhok ko at bahgyang ngumiti. Pinaupo muna namin ito. Napansin ko naman na medyo ilag ang kapatid kong si Aaron. Tumayo ito sa tabi ni Ryan at nagsimulang umiyak.

Agad kong nilapitan si Aaron na nagiiyak pa din.

“Bakit Aaron..?”, alalang tanong ko. Ngunit hindi ito nagsalita. Ni hindi man lang makatingin.

“Sige, sabihin mo sa Kuya…”, paghimas ko pa sa likod nito.

Paghimas ko sa likod nito ay agad yumakap ang kapatid ko sa akin at mas lalong nag-iiyak.

“S-sorry, K-kuya.. Kasalanan ko ito. Kung hindi.. Kung hindi sa-sana ako nagpasa…way at pi..pinaghintay pa si Ku-kuya Ryan, sana hi…..hi..ndi na ito nalate ng paguwi..”, umiiyak at utal utal na sabi ni Aaron. Napaluha ako, hindi ko din masisi ang kapatid ko kahit sya naman talaga ang rason bakit nga nahuli sa pag-uwi si Ryan.

“Huwag mo na intindihin yun. Alam ko, hindi ka din sinisisi ng Kuya mo…”, pilit kong pagpigil sa luha at pagpapatahan sa kapatid. Hindi ko sya pwede sabayan sa pag-iyak dahil baka pareho kaming mag break down.

“Sorry talaga, Kuya…”, pag-iyak pa din ni Aaron.

“Sssshhhh… Tama na… Tahan na…”

Kumuha ako ng upuan at tumabi ako sa nakahiga pa ring si Ryan. Hinawakan ko ang kamay nito at saka lumapit at hinalikan ito.

“Happy monthsary mahal ko… Gising na.. Aalis pa tayo bukas, di ba ikkwento mo pa sakin ulit kung paano tayo talaga nagkakilala?”, pilit kong pagpigil ng luhang sabi.

Nanitiling nakapikit si Ryan. Hindi ito kumikibo kahit pa anong sabihin naming. Kalunos lunos talaga ang ichura nito. Lalo na ang daming mga kableng nakadikit sakanya na mas lalong nakapag kawawa sa ichura nya.

“Napansin ko namang nakaupo lang din si Larc. Tahimik. Tulala lang na nakatingin kay Ryan. At minsan ay lumuluha luha. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Kung hayaan ko bas yang magstay o paalisin ko na sya.

“Andre…”, pagtawag sakin ni Karen. Agad akong lumingon.

“Magpahinga ka na muna. Umuwi ka muna.”, mahinahong sabi nito.

“Hindi. I’m okay. Kaya ko pa.”, pagtanggi ko.

“Pero Andre…”

“I said I’m ok..”, matigas kong sabi.

“Andre listen. Kailangan mong umuwi. Kailangan mo kumuha ng gamit na kailangan ni Ryan dito. Kung gusto mo dito matulog, walang problema, kaso magiging sobrang pagod ka na para magdrive pa.”, pagpapaliwanag ni Karen. May point sya, pero ayaw kong umalis sa tabi ni Ryan. Gusto ko lang dito.

“Sige na…”, pagkumbinsi ni Karen.

“Okay…”, alinlangang tugon ko.

“Ako na magddrive. Wala ka na sa kondisyon para magdrive.”, pagvolunteer ni Chelsea.

“Mabuti pa nga..”, sabi ni Karen.

Bago pa kaming tuluyang lumabas ng kwarto ay hinalikan ko si Ryan at hinawakan ang kamay nito. At bago tuluyang lumabas ay tiningnan ko si Karen.

“Ako nang bahala, dito…”, paninigurado ni Karen.



Si Karen.

Kanina lang, kausap ko pa sya. Kinekwento nya sa akin kung gaano sya kasaya na magmomonthsary na sila ulit ni Andre. Magkasama kami sa isang coffee shop. We were having coffee at kumakain ng cake. Masayang masaya na nagkkwentuhan.

This is my fault.

After sa usapin tungkol sa lovelife nya ay nagbalik tanaw naman kami bigla noong una kaming nagkakilala. Isang bagay na bihira naming gawin. Ayaw na ayaw ko kasi pinaguusapan ang highschool life naming dahil una, ang dami kong mga kagagahan, katangahan at mga kalokohan na si Ryan lamang ang tanging nakakaalam. At pangalawa, ayokong maipasok sa usapan si Larc. Malaki ang galit ko sakanya dahil sa paglapastangan nya kay Ryan. Kilala ko si Ryan, alam kong may galit pa din it okay Larc, pero konting pagpupursige pa ni Larc ay alam kong mapapatawad nya ito. Hindi ko alam, pero hindi ko kayang tanggapin ito. Hindi dahil sa nagseselos ako at sila nanaman ulit ang super bestfriends. They always have been anyway.. Pero ayaw ko dahil hindi ko matanggap ang ginawa nya kay Ryan. Bestfriend din ako, kaya masakit para sakin yun. Mahalaga sakin si Ryan dahil talagang kapatid na ang turing ko dito. Para nya na akong ate. Kaya naman ginagawa ko lang ang gagawin ng isang tunay na Ate para sa nakababatang kapatid.

This is my fault.

After ng kwentuhan tungkol sa aming dalawa ay napag-usapan naming ang iniiwasan kong topic, si Larc. Sinubukan kong ibahin ang topic pero alam kong napansin nya yun. Tiniis ko na lang, pero sobrang nakapagpabago ng mood ko.

This is all my fault.

Pagtapos ng mahabang kwentuhan at chikahan ay niyaya ako ni Ryan na sumama sakanya at samahan sya for the whole day. Pero dahil tinopak nga ako ng mapag-uapan naming si Larc ay hindi ko sya sinamahan. Kung alam ko lang sana. Kaya pala bigla nyang inopen ang topic sa una naming pagkakakilala. Kaya pala pasalamat sya ng pasalamat sakin sa mga tulong at pagkakaibigan na nabuo sa amin. Tumulo ang luha ko. Huwag naman sana pagpapaalam yun. Ryan, gumising ka. Please…

This is all but my fault…

Mula sa pagmumuni muni ko ay napatingin ako sa dahilan kung bakit nagbago ang mood ko at hindi sinamahan si Ryan, si Larc. Gusto kong magalit sakanya lalo dahil kung hindi sya pinasok ni Ryan sa usapan edi sana ay sinamahan ko ito. Pero alam ko naman eh, hindi kasalanan yun ni Larc.

Halata ang pagod at pagkahilo sa ichura ni Larc. Mukhang inaantok na rin ito. Kaya labag man sa loob ko ay nilapitan ko ito at kinausap.

“Umuwi ka na, hindi ka na kailangan dito.”, malamig kong sabi. Tumingin sakin si Larc.

“Please, Karen. Kahit hanggang magising lang sya. Alam ko galita ka pero..”, pero cinut ko si Larc.

“Umuwi ka na… Magpahinga ka. Bumalik ka na lang kung gusto mo bukas.”, malamig kong sabi.

“Papayagan nyo ba ako bumalik…?”, medyo paawang tanong ni Larc.

Nagbuntong hininga ako at hinila si Larc palabas ng kwarto.

“Yung totoo? Ayoko na sana bumalik ka. And we both know why. Pero kahit namang sabihin ko na huwag na, babalik ka pa din, diba?! At…. At sa ginawa mong tulong, that’s the least we can do.”, medyo mahinahon ko ng sagot.

“Karen….”, mahinang usal ni Larc.

“Hmmm?”

“Alam ko.. Kulang pa ang ginawa ko sa kasalanan ko. Kung pwede lang na ako na lang ang nakahiga dyan, gagawin ko kahit pa kulang pa din yun sa mga nagawa ko. Hindi ako pumunta dito para mastisfy ang sarili kong guilt, pumunta ako dito… para kay Ryan…”, seryosong sabi ni Larc.

“Yun nga ang kinakatakot ko eh.. Dahil parehas nating kilala si Ryan. He is TOO nice. At alam ko, konting kausap mo pa sakanya, mapapatawad ka nya. Kaya nga naiinis ako dahil ako, bilang bestfriend DIN nya, hindi ko lubos maisip na kaya mo gawin yun sakanya. Hindi ko mapapayagan na saktan mo pa sya ULIT”, medyo galit kong tonong sinabi.

“Karen.. Mali ang ginawa ko, alam ko. At naiintindihan ko ang mga kilos at damdamin mo. Pero sana hayaan mo akong bumalik dito. Kahit sa panahong ito lang. Pangako, hindi ako gagawa ng ikasasakit nya muli.”, seryosong sabi ni Larc. Ramdam ko ang sinceridad sa boses nya kaya tumango na lang ako.

“Sige na, magpahinga ka na. Bumalik ka na lang bukas. Andito na naman kami…”, mahinahon kong sabi.

Nagpaalam na nga si Larc at umalis. Bago naman ako pumasok ay tinawagan ko sila Melai at inalam kung nasaan na ang mga ito.

“Hello Melai?”

“Oh, Karen.”

“Oh, nasan na kayo?”

“Mga 1 hour siguro andyan na kami. Malakas pa din kasi ang ulan. Napaparanoid tuloy kaming lahat dahil baka kami naman ang maaksidente kaya talagang dinadahan dahan naming ang pagmamaneho.”

“Ok. Naiintindihan ko. Basta mag-ingat kayo.”

“Teka, kausapin ka daw ni Tita.”

“Okay.”

Agad na narinig ko ang pagiyak ni Tita.

“Karen anak, ano na ang balita?”, umiiyak ng sabi ng Inay ni Ryan.

“Tita, huwag ho kayong mag-alala. Sa ngayon ay maayos na po si Ryan. Andito naman po ang mga magulang ni Andre at ako.”

“Salamat anak. Susko po, sana maging maayos si Ryan.”

“Kaso Tita….”, malungkot kong tugon.

“Ano yun anak?”, kabado at umiiyak na tugon ni Tita.

“Comatose po si Ryan… Hindi alam kung kelan gigising.”, malungkot kong pagbalita. Agad ko namang rinig ang mas lakas na singhal at iyak ng mag-asawa.

“Dyosko po! Ang anak ko! Ryan…!”, iyak lang ng iyak na sabi ni Tita. Napaluha din ako agad.

“Karen, ang Tito ito. Salamat sa inyo, ha! Susko po sana magising din agad si Ryan.”, umiiyak na sabi ni Tito.

“Ipagdadasal natin yan Tito. Huwag po tayo mawalan ng pag-asa.”

“Dyosko, bat ang anak ko pa.”

“Im so sorry tito..”

Narinig ko na binalik ang telepono kay Melai.

“Karen… Ano nangyari…?”, alalang tanong ni Melai.

“Comatose…”, simpleng tugon ko habang nagiipit ng mga hikbi.

“Shit..”, ang tanging nasagot ni Melai.

I tried to compose myself at pinatahan ang sarili. Hindi ito ang panahon para magbreakdown ako. Bestfriend at Ate ako ni Ryan kaya lalo ko kailangang mas magpakatatag.

“Sige na, basta mag-iingat kayo.”, sabay baba ko ng telepono.

Pumasok ako muli ng kwarto at nagpaalam na ang Mommy at Daddy, si Arianne at si Anne. May mga aasikasuhin pa daw kasi sila. Nagpaiwan naman si Aaron na hanggang ngayon ay halata pa din ang pagkaguilty.

“K-Karen… yun  ba yung…?”, nahihiyang bungad na tanong ni Aaron pag upo ko sa tabi nya.

“Ang alin?”

“Si Larc…”

“Kilala mo sya?!”, gulat kong tanong.

“Hindi kilalana as in kilala. Pero minsan na syang nakwento ni Kuya Andre sakin nung naginuman kami ng nagkatampuhan sila ni Kuya Ryan…”, nahihiyang usal nito.

“Ganun ba… So, alam mo pala kung sino si Larc.”

“Oo eh. Pero yun nga ba yung…”

“Yung?”

“Sinasabi ni Kuya na karibal sa puso ng Kuya Ryan?”

“Dati yun.”

“Aah.. Pasensya na ang dami kong tanong. Naikwento kasi sakin ni Kuya ang lahat…”

“Huwag ka magalala. Kung napagkatiwalaan ka ng Kuya mo na sabihin sayo yun, kayak o din ibigay sayo ang tiwala ko sayo.”, mahinahong tugon ko.

“Pero K-karen… Kasalanan ko ito, eh. Kung hindi lang sana ako nagpasaway kay Kuya Ryan edi sana…”

“Look, hindi ka sinisisi ng Kuya Ryan mo. Kilala mo na naman siguro sya kahit papano. Napakabait at intindihin ni Ryan. Kaya alam kong hindi ka nya sinisisi. Wala syang sinisisi dahil wala namang may gusto na mangyari ito..”, pagcomfort k okay Aaron.

“Kaya nga mas nakakalungkot eh.. Bakit si Kuya Ryan pa na sobrang bait. Naawa tuloy ako sakanya at kay Kuya. Kitang kita k okay Kuya kanina ang sobrang lungkot at paghihirap.”

“Gagaling si Ryan. Alam ko yun. Lalaban si Ryan at isang araw gigising sya.”, paninigurado ko sabay tingin kay Ryan na nakahiga pa din.

“Gagaling ka Ryan….”, ang huli kong sinabi bago tuluyang bumagsak ang mga luha ko…






2 comments:

Anonymous said...

grabbe! naiyak ako dito sa chapter na to ;'( hope ryan eill be fine at sana author wag kong patayin karakter dito no Ryan ! uatng na loob !

Anonymous said...

huhuhuhhh....!
anu ba yan!
MUNTIK KO PANG IPAG PRAY SI RYAN!
huhuhuhh....,

nalulungkot ako! at nalilito!
naawa ako kay ryan ..
pero gustu ko si andre

<_-- demure

Post a Comment