DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Epilouge
Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin. Ang araw ay nakangiti habang isinasalubong nito sa akin ang isang mapagpalang liwanag.
Isang taon na pala ang lumipas. Isang taon na puno nang malulungkot at masasayang mga sandali sa buhay namin ni Rome. Masaya ako sa takbo nang relasyon namin. Mahinang sambit ng isip ko.
“Good morning sunshine!” Bati ko sa kanya.
Sumagot naman ito kasabay ang pagkampay ng hangin sa aking pisngi. Iwinawagayway naman ng mga puno ang kanilang mga sanga na wari mo’y magiliw na nagsasayaw. Ito naman ay sinabayan pa nang awitan ng mga ibong kumakampay sa paligid.
Napakagandang pagmasdan ang mga gawi nila. Nahahawa ako sa kaligayang dulot nila. Napapangiti ako nang sobra.
“Ace, anak. Ang tagal mo naman diyan. Kanina pa naghihintay sila Rome sa simbahan.” Boses ni mama sa likod ng pintuan.
Lumapit ako rito para buksan ang pinto. Gulat na gulat ito nang makitang hindi pa ako naghahanda.
“My God Ace! Hindi ka pa nakakaligo?” Sinipat na rin niya ang susuotin ko ngunit nadismaya siya dahil wala pa akong naihahanda. “Kahit kailan ka talaga. Hala maligo ka na. Ako na mag-asikaso nang susuotin mo. Mga bata nga naman.”
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ni mama kasi dumiretso na ako sa banyo dala-dala ang tuwalya ko. Naghubad na ako at tumapat sa dutsa. Malamig sa pakiramdam ang hated ng tubig na nagmumula rito, lalong nakakabuhay. Muli pa ay narinig ko ang paalala ni mama.
“Dalian mo riyan anak. Nakakahiya na sa kanila.”
Hindi ako nagmadali dahil gusto ko mukha akong presentable sa harapan ng taong mahal ko. ayokong ma-disappoint siya sa makikita niya. Gusto ko na mas lalo niya pa akong mahalin. Napangiti ako sa isiping iyon.
Matapos kong magbabad pa nang ilang saglit ay nagpatuyo na ako at lumabas na nang banyo. Nakalatag na sa aking higaan ang susuotin ko. Sinipat ko ang mga iyon. Black slacks, white shirt, underwear, medyas, panyo at barong. Sa ibaba naman ay ang sapatos kong ubod ng kintab. Binabad kaya ito sa kiwi? Sabi ko sa sarili. Napangiti ako.
Dali-dali na akong nagbihis. Naglagay ng wax sa buhok, nag-spray ng paborito kong pabango at tuluyan ng bumaba para harapin ang isang panibagong umaga.
“Ang gwapo naman ng only daughter ko.” Bati sa akin ni papa.
“Daddy ikaw talaga.” Sabi ko naman ng may ngiti.
“I’m happy and so proud of you son. Hindi ko man natupad yung gusto ko para sa’yo pero hindi ibig sabihin nun eh hindi kita susuportahan sa desisyon mo.” Wika pa niya at binigyan ako nang isang mahigpit na yakap..
“Daddy ang drama mo. Mas ma-drama ka pa sa akin ah. Epekto ba yan ng panunuod mo nang mga teleserye sa gabi?” Pang-aasar ko sa kanya.
“Anong magagawa ko eh yun ang gusto nang mommy mo panuorin. Wala akong choice.”
“Eh di bumilii ka nang sarili mong tv at magpakabit ng sarili mong cable.” Entrada ni mama na nakangiti.
Lumapit ito sa amin.
“Ace, matanda na kami nang daddy mo. Gusto naming makita kang Masaya sa piling ng taong lubos na nagmamahal sa’yo. Kaya nga lang hindi mo maiaalis sa amin na humiling na bigyan mo kami nang apo.”
Medyo lumungkot ang aura ni mama sa sinabi niya.
“Mapapag-usapan naman po nang maigi ang tungkol sa pagkakaroon ng anak mom eh. Pwede kami mag-adopt pero mas gusto ko na dugo ko mismo ang tatawagin niyong apo.”
“Gusto ko babae.” Sambit ni mama na ngayon ay lumiwanag na ang mukha.
Natawa kami pareho ni papa.
“O siya tara na. Anong oras na. Kanina pa nila tayo hinihintay.” Pagputol ni papa sa usapan.
Tumulak na nga kami papunta sa simbahan. Habang nasa daan ay nagbabaybay din ang isip ko sa kung ano ang pwedeng mangyari sa amin ni Rome pag nagsasama na kami sa isang bubong. Masaya ako sa suporta nang buong angkan sa desisyon ko lalo na sa ginawa nilang pagtanggap kay Rome.
“Anak, andito na tayo. Ready ka na ba?” Sabi ni mama na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Tumango ako rito. Bumaba na kami nang sasakyan at tama nga na kami na lang ang hinihintay bago umpisahan ang seremonya.
“Ang tagal mo naman. Siguro ikaw na naman ang dahilan ng pagkakahuli niyo.” Pambungad ni ate Claire sa akin.
“Ganun talaga ate.”
“Hay naku, kanina pa naghihintay yung mapapangasawa mo.” Pambubuska pa niya.
“Shut up!” Sabi ko rito na nagpatawa sa kaniya at sa mga nakarinig.
“Okay guys, let us start the entourage. The music will play in a minute so please cooperate…” Tuloy-tuloy na sabi nang organizer ng kasalang iyon.
Kita ko sa lahat ang mga ngiti nila. Nagagalak ang buong angkan sa gagawing pag-iisang dibdib. Nakakatuwa ang suportang ibinibigay nila. Napangiti ako.
Maya-maya pa ay nag-umpisa nang tumugtog ang musika na umaalingawngaw sa bawat sulok ng simbahan. Isa-isa na ring naglalakad ang mga tauhang gaganap sa kasalang iyon. Bakas ang kasiyahan sa mga mukha nang mga taong sumasaksi sa celebration na iyon lalo na ang aking mga magulang.
Unti-unti ko nang ginagalaw ang mga paa ko papunta sa taong naghihintay sa akin sa harapan. Ubod tamis itong nakangiti sa akin. Halos pumutok na ang ligayang nararamdaman ko sa aking dibdib. Kita ko naman ang pagsuporta nang mga kamag-anak ko dahil present sila sa okasyong iyon.
Natutuwa rin ako sa naging takbo nang buhay ni Red. Hindi ko akalain na ang isang matipuno at makisig na si Red ay iibig sa akin. Kung tutuusin, nakakapanghinayang lalo na sa part ng mga babae at nakakapanlumo sa mga kabadingan pero wala tayong magagawa dahil sa tumibok ang puso niya sa akin. Ngunit dati pa iyon dahil sa ngayon may iba nang nagmamay-ari sa kanya at maligaya ako dahil hindi ito malayo sa akin.
Sobrang sweet ng dalawa na bumabakas sa aura nila. Panay ang lambingan nila. Nang makita nilang nakatunghay ako sa kanila ay ngumiti ang mga ito sa akin at kumaway pa. Gumanti ako nang ngiti.
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad hanggang sa tuluyan ko nang makatabi ang taong isinisigaw ng puso ko. Ginagap nito ang kamay ko at hinalikan. Hindi ko inalis ang pagkakahawak niyang iyon sa akin bagkus ay mas hinigpitan ko pa.
Inumpisahan na nang pari ang seremonya. Matama kaming nakikinig sa mga salitang namumutawi sa mga labi niya. Sunud-sunod na ang mga pangyayari hanggang sa marinig na namin ang matagal na naming hinihintay.
“I do.”
Naniniwala ako sa sinabi nang mga magulang ko sa akin. Hindi lahat ng bagay ay dapat madaliin. Kailangan munang masiguro na dadaan ito sa isang proseso para mas maging matibay ang pundasyon. Kung minadali ko ang lahat sa amin ni Rome maaaring noon pa lang ay hindi na kami nagtagal. Buti na lang at nakinig ako.
We will all fall in love for the right reasons, to the right person. When that time comes, that love will be worth the long wait, the tears and the pain. Right then we will forget we ever cried.
Ever since I was a child, I never felt na pinabayaan ako nila mama at papa. They were there kahit na nagbago ako. I also remembered how mama begs me to change. Kitang kita ko ang pain na lumarawan sa maamo nitong mukha but I refused to dahil hindi ganun kahirap i-let go ang nangyaring kahihiyan sa akin. Hindi sila bumitaw at umasa na minsan isang araw magbabago ako at babalik sa dati. That was the moment when Rome came. He loved me unconditionally in which I doubted at first.
Naghirap si Rome para makuha ang loob ko and when he finally succeeded nagtuloy-tuloy na. Funny thing here is hirap pa rin akong magpakita nang totoong saloobin ko. I decided to try him using the test of time. After four years, ganun pa rin siya, hindi nagbago. That’s the moment that I realized what kind of love he has on me. Sa totoo lang, natuwa ako nang sobra dahil bibihira ang nakakapaghintay ng ganun katagal, considering pa na lalaki siya.
Honestly, nahihiya na ako sa kanya kasi sa tinagal-tagal ba naman ng panahong pinaghintay ko siya hindi ko pa rin naipaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko nang buo. Pinagsisihan ko iyon ngunit sa tingin ko ay tama lang na nangyari iyon. Dahil sa mga pangyayari sa pagitan namin, mas naputanayan kong hindi ko na kayang mabuhay ng wala si Rome sa tabi ko.
Rome saw me at my weakest and have me lifted through my strongest. Hindi niya ako sinuko kahit na noon sobrang babaw ng tingin nya sa akin. But beyond that, kahit anong pilit kong tanggi, still Rome will be Rome, the Rome who caught my heart, the Rome that whenever we are together made me feel that I was loved, the Rome who held my hand when I almost loose my grip.
Look at me now, I feel so blessed and contented having the man I truly love (not I even have to change my religion), the man who once got away but decided to come back and the man who loves me more than I love myself. He came unexpectedly at the wrong place at the wrong time. But he never stopped loving me until THE RIGHT TIME.
Maaga akong nagising ngayon agad akong bumababa at pumasok sa banyo. Napaka sarap ng pakiramdam ko isang taon na ang nakakalipas pero kami parin ni Ace. Kung hindi ako nag pursige na makuha sya malamang naagaw na sya sa akin ng mga taong lihim na may pagtingin sa kanya. ‘Buti nalang may pagkatanga ang asawa ko’. Napangiti ako sa kapilyohang pumasok sa isip ko.
“Rome anak bilisan mo baka ma late ka sa kasal nakakahiya sa mga byenan mo.” Pasigaw na sabi ni Daddy mula sa kusina.
“Malapit na ako matapos Deh!” sagot ko naman dito. Agad kong tinapos ang aking paliligo para makapag bihis. Si Daddy ang nag hanap ng masusuot ko para sa kasal. Slacks, Puting T-shirt para sa panloob at syempre di mawawala ang barong sa mga ganung okasyon.
“Ano ba yan bakit gusot na ang dami mo?” Si Mommy sabay lapit nito sa akin at tinulungan akong ayusin ang sarili ko.
“Hay naku mommy umandar na naman pagka-stage mother mo.” Sabi ko dito.
“Anak kelan nyo kami bibigyan ng apo ni Ace?” biglang tanong nito habang inaayos ang barong ko. Napangiti ako dahil halos sa araw-araw na lang ata na ginawa nang dyos ito ang lagi nyang sinasabi sa akin.
“Mommy, diba nasabi ko na sayo na napag usapan na namin yan ni Ace gusto nya na mula mismo sa dugo namin ang magiging anak namin. Wait mo lang kami ng konte mommy kakasimula ko palang sa trabaho ko nag aadjust pa ako.” sagot ko dito sabay halik sa pisngi nya.
“Promise nyo yan ah. Lagi na kasi ako kinukulit nitong Daddy mo.” Sabay punta nito sa cabinet ko para kunin ang pabangong binigay sa akin ni Daddy. Nakangiti lang si Daddy sa amin habang pinapanood kami.
“Ito gamitin mo para mas lalong ma inlove sayo ang asawa mo.” Ngiti lang at halik ang sinagot ko dito sabay bigay nang yakap.
“mommy salamat sa lahat ng suporta. Napakaswerte ko dahil kayo ang mga naging magulang ko.”
“You deserve to be happy anak. Oh sya tama na ang drama malalate na tayo.”
Agad naming tinahak ang daan papunta sa simbahan. Kita ko ang magandang sikat ng araw na parang sumasabay sa kasiyahan na mang yayari ngayon. A perfect day for a perfect wedding pabolong kong sabi.
Dumating kami sa simbahan na may excitement na nararamdaman. Agad lumapit si Ate Claire sa akin.
“Late nanaman ang asawa mo.” Bungad nitong sabi.
“Di kana na sanay doon ate.” Sagot ko dito na nakangiti.
“Nandyan na rin si Red kasama si Dorwin.”
“Sige po ate puntahan ko muna.”
Si Red ang taong kahit alam kong may relasyon na sila nang pinsan ni Ace kita ko parin sa mga mata nito ang lungkot kahit sa mga ngiti nya halata ko pa rin na hindi pa sya ganap na nakakapag move on. Dinig ko lahat ng pinag usapan nila ni Ace nung gabi ng birthday ni mommy. Doon ko napagtanto na tama ang hinala ko na may pagtingin talaga sya kay ace noon paman. Kaya ko inaya si Ace na magpunta ng Cebu at kaya ko rin hindi sila sinama. Pero kahit na ganun hindi ko magawang magalit sa kanya dahil alam kong inalagaan nya si Ace sa mga panahon na wala ako.
Alam kong selfish ang dating pero kita ko noon paman na may kakaiba nang pagtingin si Red sa kanya. Iyon din ang rason ko kung bakit nung muli kaming magkita ay minadali ko ang lahat. Naging mababaw ang tingin ko kay Ace noon hindi dahil kung ano sya, kung hindi dahil natatakot ako na mawala sya sa akin.
Mga ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na ang aking pinakamamahal. Ang gwapo nito sa suot na barong bagay na bagay sa kanya. Agad syang sinalubong ni Ate Claire at sinita sa pagiging late.
Rinig kong nag salita ang organizer at sinimulan nang luminya ang mga abay at naglakad. Habang papalapit sa akin si Ace doon ko narealize how lucky I am to have him as my other half. Hindi importante ang tinatawag nilang normal relasyonship para sa akin. Ang importante ay masaya ka dahil kapiling mo ang taong mahal mo at minamahal ka kaya nga tayo nagmamahal diba para sumaya. Nangmakalapit ito sa akin, Agad kong gi-nap ang kamay nito at hinalikan na sinuklian naman nya nang mahigpit na hawak at ngiti.
“It’s NOT destiny that determines love. It is a CHOICE." Out so-called destiny is a lie. Relationships last long not because they're destined to last long. Relationships last long because two brave people made a choice - to keep it, to fight for it and to work for it.”
Yon ang mga salitang tumatak sa akin na sinabi ng pari. Napangiti ako tama ang sinabi ni father. Kung hindi ko pinanindigan ang nararamdaman ko kay ace, kung natakot akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko hindi ko mararamdaman saya na nararamdaman ko ngayon.
When the call for decision making arrives, it has to become a choice whether the decision made was right or wrong. Minsan mali ang nagiging desisyon natin pero kailangan tayong manindigan. Every wrong decisions made must be corrected. Even if it’s Favorable or the other way around on my part Im obliged to do it because that’s my way to satisfy and make him happy ganun ko sya kamahal. At the end of the day i can be contended, fulfilled, and complete without any trace of regrets. And when you reach that point that’s the time that you can say it’s worth the risk and sacrifice. Ganun ang nararamdaman ko kay Ace I can feel the contentment sa relasyon namin ito na siguro ang tinawag nilang THE RIGHT TIME.
“Daniel Carlos De La Torre, do you take Elizabeth Natividad for your lawful wedded wife will you love, honour, comfort, and cherish her from this day forward, forsaking all others, keeping only unto her for as long as you both shall live?” Narinig kong pagpapatuloy nang pari.
“I do” Ang pareho naming hinihintay na sagot ni Ace. Napatingin ako kay Ace kita ko sa mukha nito ang sobrang kasiyahan para sa kuya Dan nya. Darating din ang araw na pareho naming sasambitin ang salating iyon sa isa’t isa.
“Sa susunod tayo naman ang ikakasal.” Bulong ko sa kanya na ginantihan nya nang matamis na ngiti.
WAKAS
51 comments:
ganda kala mo sila ace at rome ang ikakasal yun pala si carlos hahaha... nice....
kakakilig....
kakainlove....
i feel in love again....
wagas...
ok yung sunod na....
Uto!! hindi si Carlos ang kinasal noh! si kuya dan yung kapatid ni Claire. hahahahahahaha di halatang di mo binasa ang ibang chapter bunso. :))
daniel carlos dela torre do you take duh!!!!
at binasa ko every words kaya. magpaexam ka tingnan mo. hahaha
kala ko si carlo, pero bat elizabeth? kala ko kay tonet siya? hehehehe, at bakit naging pinsan nya??? yun pala.. di pala si carlo.. LOL
ZILDJIAN! nabasa ko sa chatbox mo na comp sci grad ka... naku2x kaya pala gaan ng loob ko sa yo eh.. yan din ang kinacareer ko ngayon! hehehe
pero di ako comp sci grad or kahit IT man lang.. basta malayo ang course ko sa mga ito pero napadpad naman ako sa IT industry.. chat naman tayo minsan oh para makapagshare tayo ng ideas about programming, etc etc etc.. LOL
-rover :D
Wahahaha si kuya Dan yon hindi si carlo LOL... Wow talaga pareho tayo ng field of work? sige bah! bakit kasi di ka sumali sa amin kanina sa chatbox.. minsan tambay ka. lageh naman ako online dyan pag wala ako ginagawa.. :) salamat Rover sana nagustohan mo ang ending nila.. :)
huwat?! bitin ako Z..next chapter na please! haha jowk. :D
actually hindi naman talaga ko kontra, parang pakiramdam ko lang talaga ambilis nagpatawad ni Ace. pero ayos lang yun. sabi ko nga diba masgusto ko yung kwentong may lalim kaysa sa kwentong puro gusto ko lang yung nangyayari.
anyway..congrats! natapos mo na yung una mong kwento :D masasabi ko lang, e ang ganda talaga ng kwento mo SIR. kasi buhay na buhay yung mga character, pati yung mga supporting casts, ramdam sa buong kwento. sa totoo lang, ngayong alam ko na may pinagbasehan tong kwento parang gusto ko ma-meet si Red wahaha! pero hihintayin ko na lang yung RIGHT TIME. ;)
nice one Z. pramis, susuportahan ko yung next story mo. :)
gustong2x ko ang ending ZILDJIAN! simple, pero makahulugan... lalo na sa part ni rome.. hmmmm... hehehe
add mo kasi ako sa ym/gtalk! hahaha... at cge, promise ko na rin na gabi2x akong magtambay sa chatbox mo..
nice chatting with you pala RJ!
-rover:D
Dear Kuya Zildjian, Salamat sa message mo sa akin. Salamat rin 'sayo dahil kapupulutan rin ng aral ang istorya mong ito. Again, MARAMING SALAMAT po!
At first, I thought it was actually Rome and Supah Ace who were going to be married until I read the last part where Rome said that it was Supah Ace's Kuya Dan who was going to get married. By the looks of the first statements, it seemed as though they were the one's who were going to get married. The mentioning of the names of the priest even left me wondering until I read the following statements after that. hahaha!
A lesson to be taken from this is that: Read EVERYTHING and don't just jump into conclusions based on the first statements. Read everything so that everything will be understood and a correct conclusions can be made. (A hidden lesson right, Kuya Zildjian? hahaha!)
The progression of the story was definitely great. Though it had some twists though not as much as other stories, there are lessons and values taken from this especially here at the epilogue of "The Right Time" where the lessons were summarized in the form of thoughts from the characters.
It is true, people have to wait until the right time to know if a person loves you and as exemplified by Rome, if you really love someone, you will never let go, you will stay beside him always and you will be his companion in his journey, never leaving his side no matter what as well as showing how much care you have for him, the affection you have to show.
A great and happy way to end the story, Kuya Zildjian!
Though, sad to say, Red was also a person who exemplified waiting for the right time, he should have said it earlier to Supah Ace. If you love somebody, you will never let him go and I believe that Red will never ever let go of his love for Supah Ace no matter what at any place at any time.
If this were to have a book 2 or continuation, no doubt Kuya Zildjian, It will be welcomed by many.
I'm looking forward to your next works, Kuya Zildjian!
Keep on going and do what you do and at the same time, don't forget to be yourself!
Stay cheerful! Have fortitude! and Be yourself because that is what makes us smile.
Go! lang ng Go! Kuya Zildjian!
Until your next work! See you later Kuya Zildjiian! :)
- Jay!:)
wahahaha yan ang hinahanap kong comment jay!:) hindi ako nagkamali sa sinabi ko na matalino ka talaga. nakuha mo kung anu ang gusto kong ipahiwatig sa last chapter kaya may part ng pag nanarate si Rome it is for you guys to understand that before making any assumptions make sure na u gathered enough information.. thank you jay!:) for a very inspiring comment from you.. kita tayo ulet :)
sa blog mo q mgccoment frm nw on haha
sbi q na ndi cla ung ikakasal eh...haha peo btin na btin aq! dali na next story na! lol
gratz zildjian for a job well done!
Rue - ahahaha alam ko naman na mabibitin ka pero gusto ko marinig ang side mo sa ending Rue.. it would help me to do better sa next book :) hope im not asking for too much :)
haven't read the epilogue yet but i chose to comment kasi first time kong nagawi dito sa blog mo... from here on, i will read your stories here instead of BOL... :-)
congratulations for finishing the story...and most especially for the regular updates.
cge, sa BOL muna aku mag comment about how i think the entire story went hehehe... pero future stories mo dito na ah...
thank you zildjian for sharing your talent with us.
regards,
R3b3L^+ion
ano yung nabasa ko sa chatbox kagabi huh?
hahaha kala ko naman sila rome at ace na ang ikinasal. good job author. looking forward for the next story. thanks you.
hmm... anu nga ba masasabi ko sa ending?
bukod sa alam kong hindi sila ung ikakasal (lol), may mga tanong na nabubuo na nasagot sa side ni rome...
habang bnabasa ko to napapangiti ako kasi nakukuha ko ung feeling nung karakter na nagkukuwento...
ung title na-apply sa chapter 16, pero for me ndi dito sa ending kc nga hindi sila kinasal, so ndi pa un ung "right time" para ikasal sila...pero alam naman nating lahat na ang pagwawakas ng isang kwento eh pagbubukas naman ng isang panibago... masaya ung ending at sa kabuuan ng kwento, napagana mo ang guni-guni ko haha
Khief - anu ngaba ang nabasa mo sa chatbox ko kagabi? lol
Rue - natawa naman ako sa "bukod sa alam kong hindi sila yung ikakasal" hahahah tama ka ang pagwawakas ng isang kwento eh pagbubukas naman ng isa pa kaya ko sya ginawang open ending. :D hkhkhkhk mas madami ata ako comment dito kesa sa BOL LOL :)
Dito na ako magcocomment.
Well it's a very nice ending for me. Nagustuhan ko talaga. Siyempre ako kasi yung taong gusto lagi ay maganda ang ending.
Well regarding sa destiny and choice. Choice natin na pumili ng taong mamahalin natin.Kaya tayo binigyan ng free will ni God. Pero di ba si God din ang magbibigay ng destiny natin. Minsan iniisip mo na siya na kaya minsan nabibigo tayo kasi umaasa tayo na balang araw darating yung time na tama ang pinili natin pero mali pala.Dahil may nakalaan pala talaga sa atin. Pinagtagpo tayo ng tadhana dahil alam niya ng magiging masaya ka sa piling niya ganundin din siya. Kasi minsan pinipilit natin ang gusto natin kahit na alam natin wala ng patutunguhan.
Oo maganda naman na pinaglaban natin yung pagmamahal natin. Hindi nga lang natin masasabi kung maganda ang kinalabasan.Pero ang alam ko dito tayo lagi nakakaramdam na masaktan.Kaya nga para akin tama lang yung title ng kwento mo. Gusto niya in right time (choice) and then pag dumating na yung time na yun (destiny). Hehehe..Yun ay para sa akin lang.hehehe..
Congratulation sa pagbabahagi mo ng magandang kwento. Salamat at may natutunan kaming mga readers mo.
Abangan ko yung sunod mong kwento.
salamat dil jayfinpa :) buti at napa dalaw ka na rin dito... it is a choice tama ka.. kung tutuusin simple lang ang buhay pero pinapahirap natin dahil sa mga maling desisyon. Kung matututo tayong tanggapin ang mga simpleng bagay im sure makakamit natin ang tunay na saya.. :D
Hindi ko kasi alam na may blog ka pala.Dun ako kaya lagi nagcocomment.Hehehe..
Anyway abangan ko sunod mong kwento.
popost ko na sya mamaya :D yung chapter 1 :D hahaha
i love the story.....ang ganda ng plot...at nakakatuwa ang ending....hehehehe....CONGRATULATIONS BABY BEAR! keep it up! mama bears is so proud of you!
kakabigla ka naman mama bear :)) natapos mo na pala? :D ang galing ah :D
By the way Kuya Zildjian, when I read the epilogue, that was the first time I came here to your blog when I saw the link going to your blog here. (Sharing lang... hahaha!)
And also, belive it or not, the comment I wrote for your story here in the epilogue is, I think, by far the longest comment I have written or one of the longest comments I have written so far! hahaha!
I can't wait for your next story/work! YEAH!
- Jay! :)
Thank you so much jay!:) it really means a lot to me.. sobrang haba ng mga comments nyo maski sila sa BOL :D
I don't like anything on my mind missed out in my comments, that's why my comments are long... though not as long as this one.. hahaha! :D
- Jay! :)
haha by the way Jay!:) na post ko na ang chapter 1 ng After All. gusto ko sana marinig ang komento mo sa chapter 1 para naman malaman ko kung meron ba ako dapat baguhin o wala habang maaga pa.
Wonderful and well-written! Finally, there is a writer who brings out the meaning of love whilst incorporating family into the dynamics. More power Zildjian!!!
-Ethan
thank you ethan for the comment.. And thank you so much guys sa lahat ng mga response nyo sa storya ko.. Di ko iniexpect na ganito ang mang yayari lol sobrang saya ko ngayon.. :)
hahahahaha okay ah!!!!!
sumagot pa talaga sa tanong sa Miss Philippines sa Miss Universe 2011!!!!
tuloy tuloy mo lang Ziljian....
dito lang ako lagi to support you!!!!
sa sunod na story gusto ko kay red at kay dorwin na
Guess what?...
.
.
.
.
..
.thumbs up for you zildjan ... pinarealize mo sa'kin ang dapat kong marealize... thank you!! si kian toh. if you could still remember me..:))) job well done keep it up..
Xmpre naman naalala pa kita Kian salamat sa pag comment at mabuti naman at may nakuha po kayong aral sa kwento ko :)
hay... has happy ending pals! and ganda naman ng promise ni Rome kay Ace :) nakakainggit :)
Shet! Natapos ko ang series within 3 hours, and I must SAY PERFEEECCCT!
Nainggut ako hehe. Sana may Rome din na dumating sa buhay ko. Ang gwapo pa man din ng Rome sa isip ko hehe. Pero Mr. Zildjian, I really adore this story. Thank you for posting this. Nga pala, una ko tong nabasa sa angbuhaynidhenxo blogspot. Thank you din kay Kuya Dhen.
~Sige, tulog muna ako haha. Next day naman ang kasunod na story, may pasok na ko mamaya. God bless!
-MasterMind27
galing!!! kala ko si Ace na at si Rome na ikakasal...hahahaha
nice story! september pa pala ito, matatapos na ang november...nakita ko lang kasi sa MSOB at na-click ko ang link mo hehe at presto matagal na pala itong tapos kaya nag-marathon na rin ako, aun 1:3oAM na haha!
Almondz - ayay nandito kanarin pala :)) glad na naenjoy mo ang stoya sana ma enjoy mo naman ang storya ni Red. :)
yes Zild, mamarathon ko rin yung iba mo pang akda... :)
Thank You so much for a very wonderful story.
thank you for this wonderful story.. sobrang kaka-inspire.. at ang dami ko natutunan na pwede ko i-apply sa relationship namin ng huswife ko.. one of my fave stories.. ang galing mopo na author.. keep up the good job!! ;)
Erson - Im glad na nagustohan mo ang gawa ko at sana makatulong din ito para mas lalo pang maging maganda ang pasasama nyo nang huswife mo :D
After All po ang sunod nitong Right Time ko ito po ay sequel at ang storya naman ni Red :D sana ma enjoy mo rin iyon tulad ng pag-enjoy mo sa TRT ko.. Salamat :)
wow zildjian, dag2 nakita sa list of idol authors ko. 2 days ko lng binasa ung whole story. napakaganda Outstanding naka2iyak. CONGRATULATIONS! aftr all nmn :-)
The best ka tlga Mr.Author
I've learned a lot of lessons in this story!!
kpg wla ako mgwa at wla mabasa
uultin ko ito hehehe!!worth it eh!!
I will now read the next book (After all)
I'm sure magugustuhan ko din ang next book
dhl s npka gandang story netong TRT
at lalo na ang 9 mornings na itnigil ko muna
ang pagbabasa non(kht sabik na kong basahin >_< )
at inumpisahan d2 sa 1st story mo!!
So many quotes in this story na
ngbigay sken ng leksyon..
lalo na ang main theme ng story about sa
right time when u love someone!!
every chapter ng TRT lge kong binabasa un quote
sa cover neto..I really love it!!
Thanks ult Mr.Author!!
bharbzz,,
ang cute ng ending.. very inspiring..
.
ang cute lahat ng character.. ops!
wag na kumontra bilang isang amature writer lang ako.. masasabi kong maganda ang kwento at ang flow ng kwento.. how i wish ma post kurin ung ginagawa ko ngayon.. 2 thumbs up
di bale pag malapit na matapos tong kwento ko guguluhin ko kayo lalo kana mr. Zildjian
jonny of sicret
wooh... ganda ng kwento... natapos ko na rin basahin from the start..
ang saya magkaron ng barkadang tulad nila.. nakakainggit...
swerte ni ace...
napakaganda!! bravo. :) naininis nga lang ako kung bakit mas nauna ko nabasa ang 9 mornings na isa ring maganda:) pero atleast nakita ko yung right sequence after ko ng 9 mornings.. hehe.. whoooooh! ang galing mo sir author zildjian.. :) im a big fan!
johnjamesjohn
haha..grabe zildjian bago ko lng to nabasa..anga ganda una ko kasi nabasa ung after all eh...ang ganda pala nang naganap sa isla ha..grabe sobrang sweet tlga ni rome..tsaka si rome din pala ang rason kung bakit nabuo ang barkada...galit pa naman ako kay rome dati kasi lagi na lng nya pinapaiyak si papa ace..hahahaha..pero ngaun nabasa ko ng buo ang cute tlaga ng kwento nila sobrang ganda haha..ikaw na din tlga ang galing mo na magkwento hehe
grabe ikaw na tlaga sobrang ganda nitong series na to...bago ko lng to nabasa nauna ko nang nabasa ung love story nung kambal..haha..ang laki pa naman ng galit ko ky rome dati kasi lagi nyang pinapaiyak si papa ace..pero nung nabasa ko to love ko na rin si rome...siya pala ang rason kung pano nabuo ang barkada at ang sweet pla nya bago ko lng nabasa ung kaganapan sa isla..di ko tlaga tinigilan kanina mula sa chapter 1 kanina..hehe
it was indeed a great story, kudos to you Zildjian!
ngaun lng ako napadpad sa blog mo, and this was the first story na nabasa ko, can't wait to read the rest of your creations...
Keep it up!
- arthas
Nice one kuya zildjian! XD indeed a great story ang great ending!
Post a Comment