Sunday, September 11, 2011

The Right Time Chapter 07





Ito nap o ang Chapter 7 ng The Right Time ang bagong simula
Nais ko po sanang pasalamatan sina:
Dave17, Dada, Zekie, jay! :), Mcfrancis, J.V, Wastedpup, R3b3l^+ion, R.J, Ram, David Thaddeus, Ernes aka jun, Marclestermanila, Rue, jayfina, Pink 5ive,Nate, Marc, Ron-Ron,fhavhulhuz at sa mga Anoymous.
Sa patuloy na pag bibigay komento sa bawat chapter ng The Right Time. Salmat guys ingat tayo lagi.. Zildjian


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Alas 3 ng hapon at kagigising lang. Open agad ng fb para mag laro nang naadikan kung laro na ninja saga. Pag-open ko sa fb ko nakita kung may bagong friend request nanaman ako. Chenik ko pero di ko maalala ang mukha. Hinayaan ko nalang at nag laro na.
Habang nag papaka-busy ako sa pag-lalaro ng ninja saga bigla nalang may nag appear na notification na may nag message sa akin. Agad ko naman itong binasa.


SUBJECT: O.O


Message:
“Musta na?”


Nang i-check ko ang profile ng taong nag sent sakin ng message na yon, napag-alaman ko na ito pala ang taong nag sent sakin kanina ng friend request.. agad kung pinindot ang accept button sa profile nya at nag reply agad ako sa message nya.


AKO:
“Woi! Okey lang naman ako hehe.. dapat talaga ganyan ang subject mo parang naninilip lang lol!hmmm familiar ang mukha mo ah pero yung name mo kakaiba hahaha!”
Hinihintay ko na mag reply s’ya sa message ko pero nakapag palitan nalang kami ng batian sa chat ng mga ka kabarkada ko eh d pa rin na reply. Chenik ko nalang ang profile info nya kasi familiar talaga sakin ang mukha ni kolokoy.


Habang chenichek ko ang profile nya bigla nalang s’ya nag pm.


SIMPATIKO AKO: cnxa na dc hehe


AKO: walang problema. :P hu u ba?


SIMPATIKO AKO: iba ka na talaga lol! D mo na aq kilala huh.. Rome to.


AKO: rome? Dami ko kakilalang rome lol cnung rome at bakit iba pangalan mo sa fb? Adik kaba?


SIMPATIKO AKO: wahahahaha!!! Ervin Rome Ruales bestbud mo…yay!!!


AKO: waaat daaaaaa Eyfffff!!! Tangina ang puti mo na hayup ka! Long time no see!! Musta kana? jan kapa sa cebu?


SIMPATIKO AKO: HAHAHAH! Adik ka! Uu pero uwi ako jan sa susunod na month para sa birthday ni mama. Maputi ba? Mas pogi noh? ahhaha Okey naman ako. Kaw ba musta na?


AKO: Ayus ahh! Yabang mong animal ka! Okey naman din ako ganun pa din.. :D ayus yan!! Nang makapag kita naman taU at makapag lasing ulet bwahahaha!


SIMPATIKO AKO: wahaha ganun talaga! Uu ba!! Baka jan na muna ako, nag stop kc ako sa trabaho ko d2. Oi out na muna ako liligo lang may date eh. Hahaha anu number mo nang ma txt kita..


AKO: may pumapatol napala saU ngayon? WAHAHAH cge cge ito number ko!0917****** geh ingatz!


Habang isa-isa kung tinitingnan ang mga pictures ni Rome sa kanyang FB natapos ang pag babalik tanaw ko sa mga nang yari nung high school ako. Marami ang naganap sa buhay ko dahil lang sa isang transferee. Halos hindi ko na makilala pa si Rome ang laki talaga ng pinag bago nya mas maputi sya ngayon at talagang nag mature na ang hitchura nito. Siguro dahil sa bagong gising at sobrang excitement makapag laro hindi ko masyadong binigyan ng pansin ang hitchura nya kaya di ko sya agad na kilala.


Hindi ko rin mapigilang mag selos nung sabihin nya na may ka date sya. Kahit di ko pinahalata sa kanya kanina nung mag ka chat kami. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Hindi ko alam kung anu mang yayari sa napipintong pag-kikita naming muli. Kung sya paba ang dating Rome na kilala ko apat na taon na ang nakakalipas.


Tinupad ko ang pangako ko kay Rome. Hindi ako nag hanap ng iba kahit na marami ang nag paparamdam sa akin nung college ako. May mga naging bago akong kaibigan sa Manila pero hindi kagaya ng mga kaibigan ko nung High School iba pa rin sila. Ni isa sa mga kaibigan ko sa Manila walang nakakaalam sa mga nang yari sa akin. Namimiss ko na rin ang ibang barkada ko sina Tonet, Angela, Mina, Carlo, at Red. Kahit pa minsan minsan nag kakatext, nag tatawagan at nag kakausap kami sa facebook iba parin ang personal ko silang makikita.


Apat na taon ang lumipas at ito na ang sinasabi ni Tonet noon nung nasa Island kami nila Carlo.


“Guys Cheers para sa ating pito! Sana kahit hiwa- hiwalay na tayo sa college patuloy parin ang ating samahan and when time comes na pare-pareho na tayong successful sa mga careers na pinili natin, sana magkita kita ulit tayo at ipag patuloy ang samahan nating ito! Cheers!!”


Ito na ang araw na mag kikita kita ulit kami. “Makikita ko na ulit sila.” Sabi ko ng pabulong habang may ngiti sa mga labi.


Biglang nag ring ang cell phone ko. Agad ko naman itong nakita at sinagot.


“Hello?”


“Aatend kaba ng Alumni?” sabi nya..


“Siguro.. Punta muna ako sa beach, family day namin ngayon eh minsan lang ma kompleto ang pamilya namin.”


“Ah ganun ba? Easter Sunday pala ngayon noh nakalimutan ko. Ahaha” sabi ng kausap ko sa kabilang linya.


“Ayan kasi puro ka babae. Text nalang ako sayo, mamayang gabi pa naman ang Alumni.”


“Babae ka dyan. Ikaw lang kaya ang nasaisip ko.” Ang tumatawa nyang banat.


“Tado! Pati ba naman ako papatusin mo?” sabay tawa ko rin


“Bakit di ba pwedi? Single ako at single ka rin naman.” Seryoso na nyang sabi.


“Red tumigil ka! Anu nanaman hinithit mong animal ka. Sige na maliligo na ako kita kits nalang tayo maya.” Ang natatawang pag iwas ko sa kalokohan nya.


“Pangit ba ako? bakit ayaw mo sa akin sa gwapo kung to bina-busted mo ko. Mapapasaakin ka rin Ace.” Sabay tawa nya ng malakas.


“Drama mo boy! GOOD BYE NA!” sabay baba ng tawag nya.


Nasanay na ako sa mga banat ni Red sa akin. Simula nung mag college kami eh todo banat sya lagi na pinag tatawanan ko lang.


Agad akong pumasok sa banyo para maligo. Hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari. Kay bilis lumipas ang panahon. “kumusta kaya sya? Ganun pa rin ba sya? Naaalala pa kaya nya ang mga pangako namin sa isat isa?” Habang nasa banyo ako at preoccupied ang utak ko sa mga nabubuong katanungan sa aking isip naririnig kung may tumatawag sa cellphone ko. Di ko ito pinansin at baka si Red nanaman yon. “wala siguro magawa ang bangag na yon” sabi ko sa aking sarili at napa iling.


Pag labas ko ng banyo kinuha ko muna ang cell phone ko para itext si Mama para mag tanong kung saang beach sila. 4 missed calls na puro number lang ang bumungad sa akin sa main screen. “sino naman kaya ito?” Tinext ko muna ang nag miss call sa akin.


Ako:Hu u?


Agad naman itong nag reply.


Unknown: Aba nakakadalawang Hu u kana ngayon sa akin Supah Ace nakakatampo kana.”


Bakit kaya nag text tong loko na to. Akala ko ba may date sya. Sabi ko sa aking sarili.


Calling Unknown


“hello?”


“bakit tagal mo mag reply? May ka txt kabang iba? Di ko makakalimutan ang boses na to ganun parin ang boses nya lalaking lalaki pa rin.


“Nag bibihis ako bakit ba?” ang naiirita kung sagot sa kanya. Parang na yabangan ako sa inasta nya.


“oh bakit ka naiinis? Nag tatanong lang naman ako ah! san ka pupunta bakit nagbibihis ka?”
Abat! Kung makapag tanong to parang NBI lang ahh!


“kung makapag tanong ka kasi para kang NBI. Pupunta ako sa beach dahil family day namin sa side ni Mama. Anu may tatanong kapa?” nairita talaga ako sa inasta nya hindi ako sanay na ganun sya.


“Meron pa anung oras ka uuwi? Aatend kaba sa Alumni mamaya?” maangas na tanong nya. Parang boyfriend kung mag tanong.


Anu kaya ang trip ng lokong to? Kung makapag tanong lang aisst!


“bakit mo naman tinatanong? Ikaw nga di ka aattend eh. So anu pakialam mo?” sagot ko.


“Gumaganyan kana ngayon? At sino namang may sabi na di ako aatend?”


“eh diba nasa Cebu kapa at next month pa ang uwi mo? Paanu ka naman makaka attend? At dba may DATE ka?” sabi ko sa kanya na binigyang diin ang salitang date.


“Ayon!! Nag seselos ka pala sa ka date ko. Dito ako ngayon sa mall nag papa gwapo para sa muling pag kikita natin mamaya sa Alumni. Ikaw ang ka date ko kaya nga I want to make sure na aatend ka.” Ang malambing nyang sabi.


“hah!? Loko ka talaga.. ewan ko sayo.. kita nalang tayo mamaya kung totoo man yang sinasabi mo na aatend ka. Kailangan ko nang mag bihis. Buh-bye na.” hindi ko pinahalata ka kanya ang excitement na naramdaman ko ng malaman ko na mamaya na pala kami mag kikita ang akala ko kasi sa susunod na buwan pa sya uuwi.


“kinikilig?hahahah! Di ka parin marunong mag tago ng emosyon susunduin ba kita mamaya? Saang beach ba kayo?” ang sunod sunod nyang tanong ayaw pa rin tapusin ang aming usapan.


“kapal naman ng mukha mo.. Wag mo na ako sunduin dahil may sasakyan naman ako at hindi ko pa alam kung saang beach sina Mama. Ang sabi ko sa kanya.


“Tandaan mo Supah Ace ngayon na ang araw nang kontrata natin baka nakakalimutan mo. Kaya wag ka mag papalate.” Sabay baba nya ng phone.


Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Hindi pa pala nya nakakalimutan ang kontrata namin. Anu kaya ang mang yayari sa muli naming pag kikita? Ang tanong ko sa aking sarili.


Tinawagan ko si Mama at napag alaman kung nasa Albuera Resort pala sila. Agad akong bumaba at nag warm up ng kotche ko na regalo sa akin ni Mama at Papa nung mag graduate ako sa college. Fast and furious Style ang kailangan ko. Ang nakangiti kung naisip para di ma late mamaya sa reunion.


Alas kwatro na ng hapon at kailangang makauwi ako before 8. Alas otcho kasi ang simula ng Alumni namin sa High School.


Dumating ako sa Albuera mag aala singko na. Agad akong pumunta sa function hall kung saan nan don ang pamilya ko.


“Sa wakas! Late comer parin at di nag babago!” ang bati sakin ng pinsan kung si Claire.


“sorry 3pm na ako na gising eh.” Sagot ko naman..


“Sanay na kami. Anyway puntahan mo muna sina lolo at lola kanina pa nila hinahanap ang paborito nilang apo.” Biro ni Ate Claire sa akin.


“aysus! Selos ka naman! Kung gusto mo nga ikaw nalang maging paborito nila para maka iwas ako sa gisahan.” Ang natatawa kung sabi.


“hindi na! ikaw nalang. Wala akong balak mag pagisa ng isang oras sa mga yon.” at tumawa kaming dalawa.


“Hi Unchle Ace” at nag kiss sa aking pisngi.


“Hello baby Ram. Ang sarap naman ng kiss.”


“Uncle you promised to give me one of your action figure collection.” Sabi ni Ram


“Ayan ang namana sayo nang anak ko adik rin kay superman. Spoiled mo kasi.” Sabat naman ni Ate Claire.


“Yes baby Ram. But remember our deal? You have to earn 3 stars before I give you the action figure that I promised.” Sabay pisil sa pisngi nya.


“I already had 3 stars uncle. Right Mom? at lumingon sya sa mommy nya. Tumango naman si ate Claire


“alright. Then expect the Action figure tomorrow. Ang talino talaga ng pamangkin ko!” sabay pisil sa pisngi nya na nang gigigil.


“yehey! Thank you Uncle Ace I love you” sabay yakap nya sa akin.


“Your welcome baby ram.” At yumakap na rin ako sa kanya.


Si Ram ang pinaka paborito kung pamangkin sa lahat dahil sa pareho ang aming gusto at sobrang lambing na bata nito.


“Hoy! Mag pakita kana don sa kanila kanina kapa hinihintay ng Mama mo.” Pag putol ni Ate Claire sa lambingan namin ng anak nya.


Pinuntahan ko nga ang lamesa ng mga parents ko. Kasama sa lamesa nila ang Uncles at Aunties ko pati ang lolo at lola ko. Apat na mag kakapatid sina Mommy at sya ang bunso.


“Hi lola and lolo.” At humalik sa pisngi nila.

“Late kananaman. San ka nanaman ba nang galing kagabi at late kanang nagising? Banat agad ni lola. Umpisa na ng gisahan 101. Sa isip ko.


“Hindi po ako lumabas kahapon. Nasa bahay lang ako nawili lang sa pag lalaro ng computer.” Sagot ko naman sa kanya sabay yakap para di na humaba ang usapan.


“Naku kayo talagang mga kabataan kayo puro computer ang nasa isip nyo.” Ang banat agad ng Auntie kung etchusera.


“But of course computer graduate ako kaya computer ang kaharap ko mag damag.” Di ko maiwasang sumagot dahil lagi talaga nya akong pinag iinitan.


“Eh bakit di kapa mag hahanap ng trabaho kung ganun? Why are you wasting your time playing such stupid games?” Ang sabi nya.

“Because im planning to start a business rather than WASTING my time to be employed in one of the stupid company here.”


“Oh really? And what business do you have in mind?” ang sarcastic na sabi ng mahadera kung Tita.


“Di ko pa alam Tita. But I promise you pag nakapag desisyon na ako ikaw ang pinaka unang taong makakaalam.” Sabay ngisi ko sa kanya.


Halatang napikon sa akin ang tita ko. Sina Mama naman tatawa-tawa lang.


“Sige na iho kumain kana.” Ang sabi ng lolo ko.


“Mabuti pa nga po lolo. By the way di ako pweding mag tagal I need to attend the Grand Alumini namin sa high school.” Ang pag bibigay impormasyon ko sa kanila.


“Minsan na nga lang tayong ma kompleto aalis kapa. Di ka manlang tumigil muna dito para maka bonding ang mga pinsan mo. Late ka na ngang dumating ikaw pa ang mauunang umalis.” Sabi ulit ng tita kung mahadera.


“Hayaan mo na si Ace Laura ganyan talaga ang mga bata. Ganyan ka rin naman nung dalaga kapa.” Sabi ni lola na tinawanan nilang lahat.


Buti nga sayo. Ang pabulong kung sabi at yumakap sa lola ko. “Thanks for understanding lola I love you!” at humalik ulit ako sa kanya. Yon kasi ang weakness ng lola ko.


Kumuha ako ng pagkain at umupo sa table nina Ate Claire na may ngiti sa labi.


“Panalo ka kay Tita Laura?” ang naka ngising tanong ni Claire.


“Hahaha syempre! Kelan pa ako nag patalo sa bruhang yon. Bakit ba ganun nalang ang init ng dugo nun sa akin?” ang tanong ko kay Ate Claire.


“Ikaw talaga. Ewan ko nga rin kung bakit ganun na lang ang galit nya sayo. Baka nag seselos sa Mommy mo.” Sabi naman ni Ate Claire.


“Si ate talaga. Issue maker talaga. Kung marinig ka nun lagot ka.” Sabat naman nang pinsan kung si Kuya Dan kapatid ni Ate Claire.


“Eh anu naman ngayon totoo naman. Yon ang narinig ko sa usapan nina Mama at Tito Ramon.” Sagot ni Ate Claire sa kapatid nya.


“Teka san na yung iba? Asan ang kambal?” tanong ko kay Ate Claire para maiba ang usapan hindi naman kasi ako intersado sa problema ng bruha kung tita.


“Nasa Pool naliligo kasama mga pamangkin nila kanina kapa hinihintay nun gustong makipag inuman.” Sagot naman ni kuya Dan.


“Sige puntahan ko para matawag ko. Di kasi ako mag tatagal ngayon aatend pa kasi ako sa Grand Alumni namin.” Ang sabi ko sa kanila.


“Naku ang KJ mo talaga. Minsan na nga lang tayo mag kita kita aalis ka agad.” Si Ate Claire


“Anung oras kaba aalis?” Sabi naman ni kuya Dan.


“Before 8 Kuya.” Ang naguiguilty kung sagot sa kanya.


“Late ka na ngang dumating tapos aalis ka agad” sabat naman ng tao sa likod ko.
Napalingon ako para tingnan kung sino ang nag salita at nakita ko si Dorwin na basa at naka Boxer brief lang. yummy naman ng pinsan kong to! Ang sabi ng malandi kung isip.


“Bakit ka natulala dyan?” nag tatakang tanong ni Dorwin sa akin. Lihim na napangisi si Ate Claire at bumulong sa akin.


“Pinsan natin yang pinag nanasaan mo.” Ang natatawa nyang bulong sa akin.


Agad akong nakaramdam ng hiya dahil nabasa pala ni Ate Claire ang iniisip ko.


“Anu yung binubulong bulong mo dyan Ate?” nag tatakang tanong ni Dorwin habang papalapit na sa amin para umupo.


“Nothing!” Ang defensive na sagot ni Ate Claire.


“Sus! Nakita ko kaya yon. Anyway hindi ako papayag na aalis ka before 8 pinsan. Mag iinuman pa tayo. Makakapag hintay yung Alumini nyo. Di naman agad mag sisimula yon.” Sabi ni Dorwin.


“Ahh… ehh.. Hindi Pwedi eh. Hinihintay ako ng mga ka batch ko at mga barkada ko insan.” Ang sagot ko sa kanya.


“Mas importante ba ang barkada mo kesa sa aming mga pinsan mo?” Nag dradrama nyang sabi.


“Ehh…” Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang sumabat si Ate Claire.


“Wag kanang mag attempt na mag rason. Di ka mananalo kay Dorwin para san pa't naging lawyer yan."


Wala na akong nagawa. After kung kumain kumuha agad si Dorwin ng Alak para masimulan na namin ang drinking session. Tinawag naman ni Kuya Dan ang iba pa naming pinsan para makisali rin sa amin. Masayang kausap ang aking mga pinsan. Puro may sense may matututunan talaga ako pag sila ang kausap ko.


Umabot ang point ng usapan namin sa love life since na ako ang bunso ako ang naging tampulan ng tanong. Puro tawa lang ang sinasagot ko sa kanila alanga namang sabihin ko sa kanila na hindi na ako pweding mag hanap ng iba dahil naka kontrata na ako sa isang lalaki baka mapa aga ang pag kamatay nina lola.
8.30pm habang busy kaming nag bobonding ng aking mga pinsan ay biglang nag ring ang phone ko..


“Ayan na may tumatawag na. Di ba sila makapag hintay?” komento agad ni Dorwin ng marinig nya ang ring ng aking cellphone.


“Sandali lang sagutin ko lang.” at saka lumayo ako sa aming umpukan.


“Hello?”


“Anung hello? Asan kana? Bakit wala kapa dito diba sabi ko sayo wag kang papalate?” ang bungad agad sa akin ng tumawag.


Dahil sa tama ng alak agad namang nag init ang aking ulo sa ma angas nyang tanong.


“Abat! Syempre nandito ako sa Family gathering namin san paba ako pupunta? Di kaba pweding makapag hintay?” ang may diin kung sagot sa kanya.


“Di pweding makapag hintay?! Halos apat na taon mo akong pinag hintay para sa susunod na pag kikita natin tapos ma lalate ka? Kulang paba ang apat na taon na pag hihintay ko?” galit din nyang sagot sa akin.


“You got my point!” ang sarcastic kung sagot.


“Nakuha mo ngang mag hintay ng apat na taon so bakit di mo kayang hintayin ako kahit isang oras lang? tsaka bakit ba ganyan kana ngayon? Ang angas mo na ah!” sabi ko ulit. Wala na akong paki kung magalit sya, naiinis na talaga ako sa pag iiba ng ugali nya.


Bigla naman syang natahimik at ng mag salita sya ulit iba na ang aura nya.


“Im sorry. Ikaw kasi eh… mukha na akong tanga dito kakahintay sayo. What time kaba kasi darating? Mababa na nyang tonong sabi.


“Ayon! Pwedi ka naman palang di sumigaw eh kailangan mo pa na sisigawan ka pabalik para matauhan. I’ll be there by 9.30pm dyan naba ang iba?” tanong ko sa kanya na ang tinutukoy ay sina Tonet at ang iba pa naming ka barkada.


“Yes dito na sila ikaw nalang ang kulang. Mag sisimula na kasi ang fireworks display gusto ko sana na kasama kang manuod yon lang naman.” Ang may himig ng lungkot nyang sagot.


Medyo na konsensya naman ako ng marinig ko ang malungkot nyang tinig. Agad akong nag isip ng pambawi. 
Kahit ngayon apektado parin ako pag malungkot si Rome.


“What do want me to bring for you para makabawi ako? sorry talaga yung mga pinsan ko kasi gustong makipag bonding, late na akong dumating kaya pinagbigyan ko na para makabawi.” ang paglalambing ko sa kanya gaya noon.


“I want your kiss when you get here.” Ang sagot nya na kinabigla ko.


“Sira kaba? Ang daming tao dyan. Gusto mong ma front page tayo sa dyaryo bukas? Agad kung pag tutul na kinatawa naman nya.


“Joke lang! ito naman di na mabiro. Your presence is enough kahit wala kang dala basta make sure lang na pupunta ka dito kasi ikaw ang dahilan ng pag uwi ko sayang naman ang effort kung mag papogi.” Nag lalambing na sabi ni mokong.


“Aysus! Banatero kanarin ngayon? Promise pupunta ako dyan. Tell the other guys to wait for me. Buh- bye!” at gad kong binaba ang tawag.


Napangiti ako sa mga banat ni Rome. Ibayong kilig ang aking naramdaman ng marinig ko ang mga sinabi nya. Lahat ng alalahanin ko ay nawala dahil kahit may pag ka arogante na sya ako pa rin ang boss. Agad akong bumalik sa table naming mag pipinsan para mag paalam. Kailangan ko pa kasing dumaan ulit sa bahay para maligo at mag palit ng damit gusto ko kasi fresh ako pag nagkita kami ni Rome.


Gusto mang tumutol ng mga pinsan ko pero napilit ko pa rin sila. Ang sabi ko nalang nag kakagulo na doon dahil kulang ang pagkain at kailangan ako doon.


Dumating ako sa dati naming skwelahan nung high school. Wala pa rin itong pinag bago ganun pa rin. Ang hallway na lagi naming dinaraan para makaiwas sa init ng araw. Ang malawak na field kung saan kami nag flaflag ceremony na ngayon ay puno ng mga tao galing sa ibat ibang batch. Nag tanong ako sa guard kung saan naka pwesto ang batch 2001. Napag alaman ko naman na nasa left side ito ng field sa may basketball court.


Tinahak ko ang daan papunta doon. Naririnig ko ang tawanan ng mga tao halatang nag kakasiyahan na ang mga ito. Hinahanap ng mata ko kung saang table na roon ang mga kabarkada ko. May halong kaba at excitement akong nararamdaman. Kaba dahil sa di ko alam ang magiging reaction ko pag nakita ko na ulit si Rome at excitement kasi sa wakas mag kikita kita na rin kami ulit ng mga kaibigan ko.


“OMG dito na si Ace!!!” ang tiling sigaw na sabi ng isang babae. Napa lingon ako sa gawi nya at nakita ko ang pag mumukha ni Angela. Di parin nag babago ang bruhang to ang hilig paring sumigaw. Nasabi ko nalang sa aking sarili habang nakangiti sa kanya at napapailing.


“Asan??!!” ang sabay sabay na reaction ng lima. At tinuro ako ni Angela habang papalapit sa kanila.


“Wow Ace ikaw ba talaga yan? Hanep ang laki ng pinag bago mo ah!” ang namamanghang bati sa akin ni Carlo.


“Tado! Feeling mo naman di tayo mag ka friend sa facebook. Nahahalata ka tuloy na di ka nag viview ng profile ko.” Ang natatawa kung sagot. Napakamot nalang sya ng ulo.


“Eeeeee! Ang pogi pogi mo na Ace! Mas naging pogi kapa ngayon isama mo na ang dagdag hight mo!” nang gigigil na sabi ni Angela habang naka hawak sa magkabila kong kamay.


“Teka baka mabali kamay ko sa higpit ng hawak mo. Ikaw nga eh ang taba taba mo na! di kana payatot ngayon.” Ang biro ko sa kanya na inismiran nya.


“Ace I miss you so much!” at yumakap sa akin si Tonet.


“Miss you too! Englatera kana ngayon ah.” ang patawa kung bati kay Tonet.


“Loka loka! Kanina kapa talaga namin hinihintay ayan tuloy tapos na ang fireworks display.” Si Tonet ulet.


“Sorry naman. Nag attend pa kasi ako ng family gathering namin at napa subo ako sa mga pinsan ko.” Ang sagot ko naman sa kanya sabay kuha ng upuan.






Itutuloy:

2 comments:

wizlovezchiz said...

nasaan si Rome?!? Nabitin ako dun hihihihi

readmymouth said...

ako din nabitin din..si rome asan? heheheh...kala ko si rome ang sasalubong sa knya...heeeh

Post a Comment