DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Chapter 12
Matapos kong makita si Rome na may kasamang babae sa kama at kapwa hubo't hubad, hindi ko na mapigilan ang sarili kong malungkot at magtanim ng hinanakit sa kanya. Lahat ng pag-asa kong magkaayos pa kami ay nawalang parang bula.
Dali-dali akong lumabas ng bahay nila at hindi na nagawa pang magpaalam kay tita. Narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko ngunit hindi ko na inalintana pa. Masyado nang mabigat ang nasaksihan ko, hindi ko na kaya pang humarap kay tita.
Bakit ganun? Kung kailan ako handa para kausapin siya at ayusin ang kung ano mang gusot mayroon kami, saka ko naman natuklasan na hindi pa pala ito ang right time. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse at agad itong pinasibad. Tuliro ang isip ko. Bahala na kung saan ako dalhin ng sasakyan ko, ang gusto ko lang ay makalayo ako sa lugar na iyon.
Namalayan ko na lang ang sarili ko sa harap ng isang bar. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na ako.
"Johnny Walker please!" Sabi ko sa barista.
Maya-maya pa ay inaabot na nang barista yung alak. Pagka-abot ay agad ko na itong tinungga. Um-order pa ako nang isa pa at ng isa pa hanggang sa maramdaman ko na medyo nahihilo na ako.
Hindi ko na napansin ang paglapit ng isang lalaki. Um-order ito nang alak at tumabi nang upo sa akin.
“Hi dude!” Sabi nito sa akin.
Tiningnan ko lang siya.
“May hinihintay ka ba?” Tanong niya sabay inom ng alak.
Hindi pa rin ako nagsasalita.
“Mind if I join you?” Medyo naiirita na ako sa isang to. “I’m having a bad time sa bahay. Everyone’s been watching over me. I want my liberty back.” Paglalabas nito nang hinanakit. Hindi ko alam bakit ako ang napili nitong pagkuwentuhan.
I remained still and ipinagpatuloy ang pag-inom mag-isa. I didn’t paid much attention sa mga pinagsasasabi niya.
“You know what, you look familiar.” Bigla nitong sabi. Napatingin ako rito.
“Yeah I know you! Ikaw yung nasa kumakalat na picture when I was in high school. I never thought na makikita kita rito. God, mas masarap ka na ngayon!” Walang pigil na sabi nito sa akin siguro dala nang kalasingan.
Medyo nag-init ang tenga ko sa narinig. Tumayo ako at itinulak siya.
Dahil sa ginawa ko ay medyo nakakuha kami nang attention. Para silang nanunuod lang ng isang showdown na pumalibot sa aming dalawa. Rinig na rinig ko naman ang pagsigaw nila nang ‘fight’.
“Ano bang problema mo!” Sabi nito na nag-aamba na nang away.
“Fuck you! Ikaw ang may problema hindi ako!”
Napamaang ito sa sinabi ko.
“Did you know the concept of privacy?” Sabi ko pa rito.
“In the first place wala ka nang privacy. Nagawa mo ngang makipaghalikan sa campus with the school’s heartthrob.” Panunumbat nito.
“Damn you!” At sinugod ko na siya. Nakailag siya sa suntok ko.
Patuloy lang ako sa pagsugod sa kanya ngunit palagi naman siyang nakakaiwas.
“Kala mo hindi kita matatamaan?” Pang-aasar ko sa kanya dahil napuruhan ko rin siya.
Hindi ko naman inaasahan na gaganti ito na magiging sanhi nang pagkatumba ko. Putok-labi ako na nakahiga sa sahig. Hindi na ako makatayo dahil sa pagkahilo.
Hiyawan naman ang mga nakapanuod sa laban naming iyon. Halos lahat sila ay tuwang-tuwa sa kinahinatnan ko.
“Urghh!” Inis na sabi ko habang pilit na tumatayo.
Malinaw naman sa pandinig ko ang halakhak niya na pilit na nagpapalawig sa kalungkutang nararamdaman ko. If only he was here.
Pinilit ko talagang tumayo at lumayo sa lugar na iyon. Awa, yan ang tangi kong nararamdaman sa tuwing kikirot ang sugat ko sa labi kasabay ng patuloy na pagdurugo nang aking puso.
Sumakay ako sa kotse ko at nag-drive. Sumasabay sa lumbay ko ang hagip ng mga ilaw sa daan. Wari mong sinasabi nila kung gaano ako kaawa-awa. Nakakainis! Hindi ko na napansin na nadiinan ko ang accelerator ng sasakyan. Naging mabilis ang pagbaybay ko sa daan hanggang sa…
“Isa kang nakakaawang nilalang Ace!” Sabi ko sa sarili ko bago tuluyang pumikit.
Init mula sa labas ang nakapagpagising sa akin kinabukasan. Pagmulat ko ay sumabay ang grabeng sakit sa ulo ko. Napahawak ako sa parteng iyon at napaungol.
“Gising ka na pala.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. “Kamusta ka na?”
Sa totoo lang, hindi ko magawang makuha sa sarili ko na sumagot sa tanong niya.
“Masakit pa ba ulo mo?”
Halata siguro sa mukha ko ang pagkalito.
“Nasaan ako? Paano ako nakarating dito? At sino nagpapasok sa’yo?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Sa halip na sumagot siya ay iniba niya ang topic.
“Gutom ka na ba? Here ginawan kita nang lugaw.” Magiliw niyang sabi.
“Hindi ako gutom.” Sagot ko. “Nasaan ako?” Ulit kong tanong sa kanya.
“Sa kuwarto mo.”
“Anong nangyari?”
“Nabunggo ka sa downtown kagabi. Dinala ka nang mga bystanders sa hospital at agad na tinawagan si tita.
Buti na lang wala masyadong nangyaring masama sa’yo. Agad ka naman pinalabas ng doctor ng makapagpahinga ka na kaya naman inuwi ka na namin.”
Naalala ko nga na may mga nakaputing nakapalibot sa akin at may tinutusok sila sa akin. After ng ilang minuto, ramdam ko na lang na tumatagtag katawan ko iyon pala ay dahil nakasakay ako sa kotse at pauwi na.
“Ano gusto mong gawin? Gusto mo ba manuod?” Sunod-sunod niyang sabi.
“Hindi.”
“Hmmm, okay.” Kita ko naman sa kanya ang pag-aatubili. “Gusto mo ba…”
“Gusto kong magpahinga.” Pagputol ko sa gusto niyang sabihin.
Ibayo kasing lungkot at pagkahabag ang naramdaman ko sa kinasapitan ko.
“Ah ganun ba? Sige, pahinga ka na.”
Pansin ko na gusto niya akong bantayan dahil sa ginawa nitong paghila sa upuan at umupo.
“Iwan mo na muna ako. Gusto kong mapag-isa.” Malamig kong sabi sa kanya.
“Ah okay, balik na lang ako mamaya.” May pagkadismaya nitong tugon.
“Kahit huwag na.”
“Pero Ace?”
“Red, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko.”
“Babalik ako mamaya.” May diin nitong sabi.
“Sinabi ko nang huwag na! Naaksidente lang ako.”
“Hindi mo pwedeng sabihing ‘naaksidente ka lang’ dahil muntik ka nang mamatay! Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinag-alala Ace.” Sumbat nito.
“You’re acting as if boyfriend kita. Red baka nakakalimutan mo, kaibigan lang kita.”
Natauhan naman siya.
“Siguro nga kaibigan mo lang ako pero sana naman naisip mo na marami pang nagmamahal sa’yo.”
At tuluyan na itong lumabas. Kasabay ng paglisan niya ay ang pag-agos ng mga luha ko. Dinadamdam ko pa rin ang nasaksihan ko kagabi. Mas masakit pa iyon sa kalagayan ko ngayon. Sana na nga lang natuluyan na ako para hindi ko na nararanasan pa ang ganito.
Ilang araw na akong nagkukulong sa kuwarto ko. Ni hindi rin madalas lumabas para kumain. Hindi na rin ako madalas makihalubilo kina mama at papa.. Pansin nila ang biglaang pagbabago ko kaya maya’t maya ang pag-check nila sa akin. Maging ang mga kaibigan ko ay hindi ko na rin kinakausap.
Isang araw pagkagising ko, humarap ako sa salamin. Kitang kita ko ang malaking pagbabago sa pisikal kong anyo. Natapyasan ang mukha ko at nakulayan ng madilim na aura ang pagkatao ko. Nakakaawa ako. Hindi naman ako dapat naging ganito kung hindi ako nagmahal.
Sa sobrang inis ko ay sinuntok ko ang salamin. Nagkasira-sira ito at nagkalat. Masagana naman na kumawala sa kamao ko ang dugong siyang resulta nang panggagago sa akin ni Rome. Nakita ko ang isang malaking piraso nang bubog sa sahig. Pinulot ko ito.
Matama kong pinagmamasdan ang itsura nito. Dahan-dahan ko itong inilalapit sa nakahain ko nang pulso.
Napapikit ako sa paglapat ng matulis nitong katawan sa akin. Biglang bumuhos sa akin ang mga masasayang alaala naming dalawa ni Rome. Bawat ngiti at halakhakan hanggang sa lambingan at asaran.
‘Bakit mo ginawa sa akin ito?’ Sambit ko sa aking sarili.
Dala nang kalituhan, binato ko ang kapiraso nang bubog at napasigaw ng malakas. Napahagulgol akong tuluyan dahil sa sobrang pagkahabag sa sarili. Nakarinig naman ako nang malalakas na katok sa labas.
“Ace anak, anong nangyayari sa’yo?” Boses ni mama.
Tanging pagtangis lang ang sinagot ko sa kanya. Maya-maya pa ay naramdaman ko na may mga bisig na lumukob sa akin. Umiiyak din ito, nasasaktan. Sinabayan niya ang salmong sinasambit ko.
Maya-maya pa tumayo ako na parang walang nangyari. Tiningnan ko lang yung babaeng yumakap sa akin kanina at dumiretso na sa higaan ko. Bakas sa mukha niya ang awa sa akin kaya mas lalo kong naramdaman na nakakaawa ako.
Tumayo na siya at inayos ang mga ikinalat ko samantalang ako naman ay nakatingin sa kawalan. Puro alaala ni Rome ang sumasagi sa isip ko kaya naman hindi ko napigilan ang pagreact ng mga mata ko. Iniyak ko lang ng iniyak hanggang sa tuluyan na akong ginupo nang pagod.
Pagkagising ko ay namulatan ko ang barkada sa loob ng kuwarto ko. Lahat sila ay nakatunghay sa akin. Sinisipat ko naman kung naroroon din ba si Rome ngunit bigo ako.
“Anong ginagawa niyo rito?” Nasambit ko na lang.
“Ah eh Ace, pinapunta kami ni tita rito kasi ilang araw ka na raw hindi lumalabas.” May pag-aalalang tugon ni Carlo.
“I’m okay. Pwede na kayong umalis.” Pagtataboy ko sa kanila.
“Nag-aalala na kami sa’yo Ace.” Sumbat naman ni Tonet na walang balak umalis.
“Oo nga naman Ace.” Sang-ayon ni Mina. Napatango na lang si Angela.
“Hindi niyo ba ako narinig? I said I’m okay!” May kalakasan ko nang sabi sa kanila.
Nagulat sila sa reactiong ibinigay ko sa kanila.
“Bumabalik ka na naman sa dating ikaw Ace! Hindi namin alam kung bakit ka nagkakaganyan pero malakas ang kutob naming lahat na may kinalaman si Rome dito.” Litanya ni Red.
Matulis ang tinging ipinukol ko rito.
“Wala kayong alam sa nararamdaman ko! Hindi niyo ako naiintindihan!” Pasigaw kong tugon.
“Hindi ka talaga namin maiintindihan dahil hindi ka naman nagsasabi sa amin kung anong problema!” Galit na tugon ni Red.
“Ah Red, labas muna tayo. Hindi tayo makakatulong kay Ace kapag ganito.” Pagpigil ni Tonet.
Tumingin muna ulit to sa akin at lumabas na. Sumunod naman ang iba pa sa kanya. Humingi pa nang sorry sa akin si Carlo.
Bakit ganun, hindi ako makaramdam ng remorse sa ginawa ko? Masyado na ba akong nabulag sa sobrang galit ko kay Rome?
Pinili kong mag-stay pa sa kuwarto ko at magmuni-muni. Tama si Red, nanunumbalik ako sa dating ako.
Lahat ng mga taong malapit sa akin ay itinataboy ko. Muli kasing nabuhay ang alaala ni Chad sa ginawang pangloloko sa akin ni Rome.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nagkukulong sa kuwarto dahil pagtingin ko sa oras ay alas-nuwebe na nang gabi. Nakaramdam na rin ako nang gutom. Pumasok ako nang banyo at naligo. Matapos magbihis ay walang paalam akong lumabas ng bahay at bumalik sa downtown.
“Johnny Walker please.” Sabi ko sa bartender.
Agad naman nitong inabot sa akin ang alak. Gumuhit ang init at pait ng inumin sa lalamunan ko. Um-order pa ako ulit at muli kong nilunod ang sarili sa alak.
"What's your problem?" Pambungad ni Red pagkakita sa akin.
Bahagya akong nagulat dahil hindi ko ine-expect na andito rin siya sa bar.
"Wala naman." Mahina kong tugon dito sabay baba nang baso.
"Bakit hindi mo ako pagkatiwalaan?" Sumbat nito.
“May magagawa ka ba pag sinabi ko?” Ni hindi ko man lang siya tinitingnan.
“Siguro nga wala pero alam kong makakatulong ako in some ways.”
“Hindi mo ako matutulungan.” At ininom ko na ulit yung alak na hawak ko.
“Paano ka nakakasiguro?”
Sa halip na magsalita ay um-order pa ako nang inumin. Akmang tutunggain ko na ito nang bigla niyang agawin yung baso.
"Ano ba Red!" May inis na sabi ko rito. "Ibalik mo nga sa akin iyan!"
"No! Uuwi na tayo." Utos niya sa akin.
Ayoko pang umuwi kaya naman hindi ko pinansin yung sinabi niya sa akin.
"I said we're going home!" Napalakas na sabi nito.
Napatingin ako rito. Kita ko sa mukha nito ang galit. Hindi ko alam kung para saan iyong galit na iyon.
Napatayo na ako dahil sa ginawang paghablot ni Red sa braso ko. Siya na rin ang nagbayad sa mga nainom kong alak.
Iginiya niya ako papunta sa labas. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang katawan kong nakasandal sa upuan at parang umaandar ang pakiramdam ko. Nakapikit lang ako. Bahala na si Red kung saan niya ako gustong ipunta. Hindi na rin ako makapag-isip ng maayos.
Hindi ko maalala kung gaano katagal ang ibinyahe namin, naramdaman ko na lang na huminto kami at muli akong inakbayan ni Red.
"Tita, iakyat ko na po siya." Narinig kong sabi niya. Pumasok kami sa isang bahay.
"Anong nangyari sa kanya Red?" Tanong naman ng kausap niya. Parang kilala ko yung boses na iyon. Si mama ba iyon?
"Naglasing po sa bar sa downtown."
"Sige iakyat mo na yan. Ikaw na bahala sa kaibigan mo."
Para akong puppet na sumusunod sa bawat galaw ng tali sa akin.
"Bakit mo nagawa sa akin ito?" Sabi ko sa kanya na hindi ko napigilang pagsusuntuk-suntukin ang dibdib nito pagkapasok namin sa isang kuwarto.
Hindi siya kumikilos. Tinatanggap niya lahat ng pananakit ko sa kanya.
"Paano mo nagawang gaguhin ako Rome!" Patuloy ko.
Hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng mga luha ko.
"Napaka-sinungaling mo! Ang daya mo!"
Pero hindi pa rin siya umiimik habang patuloy pa rin ako sa pagtangis. Nang medyo naramdaman niyang napagod na ako ay inihiga niya ako sa kama. Kumapit ako sa kanya at napatumba siya sa akin. Tiningnan ko siya sa mata. Napakaganda pala nang mga iyon. Napaka-expressive.
Akma na itong tatayo nang pigilan ko.
"Don't leave me." Pagsusumamo ko rito.
Bakas sa mukha nito ang alinlangan. Umalis ito sa ibabaw ko at tumabi nang higa sa akin. Alam kong tinitingnan niya ako kaya naman humarap ako sa kanya. Nahuli ko na lang ang sarili ko na hinahalikan siya.
Napakainit ng hiningang nanggagaling sa bunganga niya. His lips are the softest I ever kissed. Napakasarap niyang kahalikan. Ramdam ko ang pag-iingat niya sa akin. Dala nang kalasingan, naglakbay ang mga kamay ko sa katawan niya.
Unti-unti na akong naghuhubad. Pansin ko na hindi ito kumikilos kaya naman ako na ang nag-initiate na tanggalin suot niya.
"Ace stop it." Mahinang sabi nito. Pinigilan niya ako pero hinalikan ko lang ulit siya.
Dahil sa ginawa ko ay tuluyan ng nalusaw ang pagpipigil niya. Habang unti-unti kong tinatanggal ang mga suot niya ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa nakikita kong Adonis sa harap ko. Bakit hindi na lang si Red ang minahal ko? I know he's so perfect bakit di na lang siya?
Successful ako sa pagtalop sa kanya. Ngayon ay kapwa na kami hubo't hubad. Malaya na akong nasisilayan ang anyo niya sa kabila nang mga hapit niyang damit. Napakakinis at napakaputi. Halatang alagang-alaga.
Nakaramdam ako nang mas matibay na paghahangad na makaulayaw siya.
Agad akong pumatong sa kanya. Patuloy ko pa ring sinasamsam ang mga labi niya. Ramdam ko na tinamaan na rin siya gawa nang naging malikot na ang mga kamay niya. Kung saan-saan na nadapo ang mga iyon na wari mo'y kinakabisa ang bawat sulok ng katawan ko.
Ang mga kaselanan namin ay mistulang nag-aaway at nageespadahan. Iginigiling giling ko pa ang balakang ko dahil nakakaramdam ako nang kakaibang sensasyon sa tuwing magtatama ang mga pagkalalaki namin.
Kasabay ng pagbugha ko nang hangin ay ang pagtindi nang kagustuhan kong kalimutan si Rome.
Pinagapang ko na ang mga halik ko at sinunod ang leeg. Napakabango niya. Nagtagal ako sa parteng iyon bago ako bumaba pa at ninamnam ang mga utong niya. Panay naman ang ungol niya sa mga ginagawa ko. Sarap na sarap ito at pilit pang isinusubsob ang mukha ko. Pinagsawa ko ang bibig ko sa parteng iyon, palipat-lipat.
Matapos kong papagsawain ang sarili ay bumaba pa ako. Pinaglaruan ko ang pusod niya. Sa bawat dampi nang dila ko roon ay napapaliyad ito sa kiliti. Wari ko namang nililinis ang parteng iyon at nagtagal doon. Sandali kong inangat ang tingin ko para silayan ang bagay na kanina pa umaasam na bigyan ko nang pansin.
Gusto ko siyang pagbigyan sa gusto niyang i-entertain siya ngunit mas nanaig sa akin ang hiya.
Sa halip na mabitin siya ay napagpasyahan kong muli ay umakyat patungo sa mga labi niya. Patuloy pa rin ang paglaban ng mga labi niya sa labi ko nang dahan-dahan niya akong inihiga. Hindi pa rin mapatid ang halikan namin. Lahat ng ginawa ko sa kanya ay ginawa niya rin sa akin. Naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang reaction niya kanina. Masarap pala ang dulot nitong sensasyon lalo pa nang ginupo nito ang pagkalalaki ko sa bibig niya. Sobrang sarap sa pakiramdam. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paglalakbay ng mga halik niya pabalik sa mga labi ko.
"I love you Ace!" Banggit niya nang maghiwalay mga labi namin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Natulak ko ito nang pagkalakas-lakas. Nalaglag siya sa kama. Rinig ko naman ang pag-ungol nito gawa nang pagkakabagsak ng pwet nito sa sahig.
"I can't do this! I'm sorry Red!" At napahagulgol na ulit ako.
Muling lumapit si Red sa akin at inalo ako sa likod.
"I'm sorry Ace. Nadala ako." Pagpapaumanhin nito sa akin.
Hindi ko magawang sumagot dito. Nahihiya ako sa kanya at the same time nagi-guilty dahil nagamit ko siya nang hindi sinasadya. Galit ako kay Rome pero hindi tamang madamay si Red. Napakasama ko. Napayakap na lang ako kay Red.
“Sige iiyak mo lang yan Ace hanggang sa wala nang tutulo pa.” Pag-alo nito sa akin.
“Mahal ko siya Red pero bakit niya nagawa sa akin ito?” Ang wala sa sarili kong pag-uumpisa.
Hindi ko rin alam kung bakit ako nakapag-open sa kanya pero siguro kailangan ko na talaga. Tahimik lang siya habang kinukuwento ko ang lahat ng mga nangyari.
“Kaya mo yan Ace. Andito pa naman kaming mga kaibigan mo, tutulungan namin kayong maayos yang gusot niyo.”
Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako nang paggaan ng dibdib ko. Naibuhos ko na sa kanya lahat ng sama nang loob ko. Nang mapagod ay nakatulog na ako sa mismong dibdib nito.
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Masakit ang ulo ko. Muli bumalik sa akin ang nangyari kagabi. Naramdaman ko ulit yung guilt. Tiningnan ko si Red na ngayo'y himbing na himbing sa pagtulog. Napaka-peaceful niyang tingnan. Napansin ko na lang na nakabihis na pala ako.
"Good morning!" Bati nito sa akin na nakangiti.
Medyo nailang ako sa ngiti niyang iyon pero nagawa ko ring gumanti nang ngiti. Umayos ito nang higa at sumandal sa headboard.
"Red?" Nahihiya kong banggit sa pangalan nito.
Naramdaman ko naman ang pagdampi nang kamay nito sa akin. Pansin niya ang pag-aalangan ko. Napatingin ako sa mukha niya na ngayo'y mas tumamis ang ngiti.
"I'm fine."
"Pero..."
"Huwag mo nang isipin kung ano man yung nangyari kagabi. Lasing ka kagabi at nadala ako sa mga halik mo. Ang sarap kasi eh." Andun pa rin yung mga ngiti niya. Hindi pa rin nagbabago.
"Kasi eh." Nahiya kong sabi.
Bigla ako nitong binatukan.
"Aray ko! Ang sakit nun ah." Reklamo ko rito.
"Huwag na kasi kung anong pinag-iisip pa. Okay lang sabi sa akin eh." Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti niya.
Dahil sa pansin ko naman sa ngiti niya na hindi siya nagbago, tuluyan ng nawala yung pag-aalinlangan ko, lalo na sa friendship namin. Mukha kaming tanga na nakangiti lang sa isa't isa, nahiya ang mga salitang mamutawi sa mga labi namin. Kung hindi pa kumatok si mama ay malamang para parin kaming istatwa na nakatitig sa isa't isa.
"Kaen na raw tayo." Sabi ko sa kanya.
"Oo nga. Medyo gutom na rin ako."
"Mukha nga. Naglalaway ka na kasi oh." Sabay turo ko sa bibig niyang may bakas ng natuyong laway.
Kinapa nito ang bibig niya kung totoo nga ngunit napasimangot ito nang malamang niloloko ko lang siya.
Akma ako nitong hahalikan ng pigilan ko.
"Red tumigil ka! Hindi ka pa nagmumog manghahalik ka na. Kadiri ka!" Sabi ko rito na bakas na sa akin na okay na ako.
Nagkatawanan kami. Para kaming mga bata na naghabulan sa loob ng kuwarto. Pilit kasing inilalapit ni Red yung labi niya sa akin. Hanggang sa mismong siya na ang tumigil dahil napagod ito. Dumiretso na ito sa banyo para maghilamos at magmumog. Pagkalabas niya ay muli ko na itong niyaya para dumulog sa hapag.
"Tita luto mo ito?" Masiglang tanong ni Red kay mama.
"Masarap ba?" Balik-tanong ni mama na hindi maiwasang mapangiti.
"Opo tita. Sobra!" Sagot niya.
"Oo nga eh. Kitang kita naman na nagustuhan mo." Sabad ko.
Kita ko kasi na halos Mt. Everest na nga ang kanin nito sa plato kanina pero ilang saglit lang gumagawa na ito nang panibagong bundok. Tatawa-tawa ako habang kumakain kasi naman wala siyang arte na nagkamay samantalang ako ay gumamit pa nang kubyertos.
Maligaya ako dahil andyan si Red para damayan ako. Hindi na lingid sa akin ang lihim na pagtatangi niya sa akin pero sa tingin ko hindi iyon magiging hadlang para itakwil ko siya. Mabuti siyang kaibigan saming lahat, he's worthy to be kept. Maski nga kay Rome ay nagawa nitong ipakita ang pagiging kaibigan niya kahit na ilang beses na niya itong pinagselosan.
Dahil sa naisip ay muli kong naalala si Rome at ang ginawa nito kagabi. Hindi ko maiwasang hindi malatayan ng lungkot ang aura ko na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Red. Hinawakan nito ang kamay ko.
Napatingin naman ako sa ginawa nito. Bigla kong nabawi yung kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Red kadiri ka talaga! Maghugas ka naman muna nang kamay bago mo ako hawakan." Sabi ko rito.
Agad akong kumuha nang table napkin at pinunasan kamay ko. Tatawa-tawa naman si gago na sinabayan pa ni mama. Ewan ko sa dalawang ito. Nagkakasundo sila ah.
Matapos namin mag-agahan ay lumabas muna kami para mag-yosi. Hithit-buga, hithit-buga. Wala pang gustong magsalita, tanging mga usok lang ang lumalabas sa mga bibig namin. Maya-maya pa ay may tumawag sa kanya. Base sa narinig ko ay pinapauwi siya dahil may aasikasuhin siya sa bahay nila.
"Ace, I'll always be here for you."
Napangiti ako sa sinabi nito. I felt sincerity kasi sa sinabi niya.
“Ayan mukhang okay ka na. Mission accomplished na ako.” Sabi nito na may kalakip na ngiti.
"Kung ano man yung nangyari sa inyo ni Rome, take time to find in your heart the desire na pakinggan yung side niya. Grow up. Walang patutunguhan yang pride na yan. Alam ko mahal na mahal mo siya kaya naman ganun na lang ang naramdaman mo."
Nakatitig lang ako rito. Siguro nga tama siya pero kailangan ko munang pababain yung galit ko kay Rome bago ko siya kausapin.
"Ace, I know this is hard for you pero naniniwala ako na malalagpasan mo rin ito. I know you, kakayanin mo ito."
"Salamat Red sa lahat. Hindi mo ako iniwan kahit na ipinagtabuyan ko na kayo nang ilang ulit."
"Lahat gagawin ko para sa'yo Ace kasi mahal na mahal kita."
Dahil sa huling sinabi nito ay bigla akong napaatras. Napansin niya naman iyon.
"Please huwag kang mailang sa akin. Tao lang akong nagmamahal."
"Pero Red." May pag-aalangang sabi nito.
"Shhh, I didn't say it kasi gusto kong mahalin mo rin ako. Ipinakita ko lang sa'yo ang sinasabi nang puso ko dahil karapatan mo iyong malaman."
"Hindi ko alam kung paano magre-react."
"Hindi mo kailangan mag-react Ace. Hayaan mo na lang akong mahalin ka sa paraang alam ko. Promise, hindi ako makaka-interfere sa inyo ni Rome." Sabay flash ng ngiti.
"Hay naku, kung anu-anong sinasabi mo riyan." Pagbabago ko nang usapan sabay iwas ng tingin kasi hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi sa hiya.
"Ahm, Ace?"
Napalingon ako sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigyan niya ako nang isang mariing halik sa labi.
"Ace I love you!" Sabi nito pagkahiwalay ng mga labi namin.
Matapos iyon ay tuluyan na itong nagpaalam at umalis. Ilang minuto na rin ang nakakaraan pero nanatili pa rin akong nakatayo sa may garden. Naguguluhan ako dahil sa ginawang paglalambing at pagtatapat ni Red sa akin. Sa halip na pagtuunan pa nang labis na pansin ang mga pangyayari, naisipan ko na lang na pumasok sa loob at mag-ayos.
Isang linggo na ang nakakaraan mula nang magtapat sa akin si Red. Hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin sa kabila nang nangyari. Andun pa rin ang sweetness at pag-aalaga niya sa akin. Kahit papaano natutulungan niya ako na makarecover mula sa masakit na sinapit ko sa kamay ni Rome.
Pansin ko rin na isang linggo na ring hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang sa amin si Rome. Hindi ko ito masyadong binigyang pansin dahil busy na kami sa pag-aayos ng bar. Malapit na kasi itong matapos at malapit na rin ang pagbubukas. Nauubos na nga ang oras namin para lang mapaganda yung business namin.
Masyado na akong pre-occupied at wala na akong oras para hanapin pa siya. Andyan naman si Red para mangulit sa akin. Pansin ko rin ang laging paglapit ni Tonet sa akin.
Lahat kami ay excited na sa grand opening. Since big day iyon para sa amin, naisipan ng barkada na pakantahin ako bilang regalo sa mga magiging customers namin. Pumayag ako pero sa isang dahilan. Hindi nila ako pagtatrabahuin sa may kusina or sa floor. Pumayag naman ang lahat. Nag-iisip na ako nang pwedeng kantahin ng biglang sumingit si Red.
"Ace, gusto mo bang ako na lang tutugtog tapos ikaw kakanta?" Sabi nito sa akin.
"Naku, kaya ko ito. Tatakas ka pa sa trabaho mo eh."
"Hindi rin. Gusto ko talaga mag-perform sa stage matagal na. Isa iyon sa mga pangarap ko."
"Talaga lang huh? Hindi halata." Pang-aasar ko rito.
"Uto mo! Seryoso nga, gusto ko tumugtog." Tiningnan ko muna siya.
"O sige payag na ako. Ano bang mga alam mong tugtugin bukod sa alternative?" Tanong ko rito.
"Marami pa. May mga collections ako nang chords sa bahay, gusto mo doon na lang tayo mag-practice?" Suhestyon nito.
"Pwede rin. Mamimili na lang tayo nang magandang kantahin doon."
"Sige, kelan mo ba gustong mag-umpisang mag-rehearse?" Tanong niya.
"Available ako mamaya." Sagot ko.
"Sige, diretso na tayo sa bahay after natin dito."
"Shoot!" Sagot ko rito.
Pinagpatuloy na namin ang aming mga ginagawa para sa opening. Dumiretso na nga kami ni Red sa bahay nila. Agad nitong kinuha ang collections niya at isa-isang pinakita sa akin.
"Ilang songs ba ang dapat nating i-perform?" Tanong ko rito.
"Mali ka naman eh. Ilang sets dapat." Sagot niya.
"Huh?"
"Kasi ganito yan, bawat performers sa bar eh may 2-3 sets na nakahanda. Set ang tawag sa series ng songs na kakantahin nila. Sa isang set, usually mga five songs ang dapat maperform. So meaning to say, 10-15 songs ang dapat mong makanta sa opening ng bar." Mahabang explanation ni Red.
"Hala, ang dami naman. Akala ko isa lang o kaya dalawa." Natawa naman ito sa reaction ko.
"Kakayanin mo yan. Kung hindi naman, sasaluhin ko yung natitirang set mo. Tsaka may break naman after each set eh kaya makakapahinga ka pa."
"Ahhhh." Tanging naisagot ko na lang.
"Kaya mo yan." Pagpapalakas nito nang loob ko.
Namili na nga ako nang mga kanta. Marami akong nagustuhan sa compilations niya pero may isang nag-standout. Saktong sakto iyon sa pinagdadaanan ko ngayon. Matagal akong nakatitig dito at para bang kinakabisa ko ang bawat lirikong bumabaybay sa paningin ko. Natigil lang ako nang sinimulan ni Red na mag-strum ng gitara niya.
Simula nang gabing iyon ay halos araw-araw na akong tumatambay kila Red o kaya naman ay minsan dito sa bahay para mag-rehearse. Akala ko mahihirapan talaga ako kasi ang dami nang dapat kong kantahin pero ginawa ni Red na madali lang para sa akin ang lahat.
Ilang araw na lang ang nalalabi sa amin kaya naman puspusan na ang ginagawa naming paghahanda. Para na kaming mga ewan na nagmamadali sa bawat kilos namin. Ayaw naming magahol sa oras lalo na ang ma-postpone ang opening date namin.
Habang abala ang lahat sa pagsasaayos ng mga kasangkapan, dahil bukas na ang big day, naisipan kong bigyan sila nang isang nakaka-relax na awitin. Kinalabit ko si Red at sinabihang ilabas yung gitara. Tumango naman ito. Umakyat kami sa stage, humarap sa mga nagkakagulong mga ka-barkada at inutusan na si Red na tumugtog.
Sa pagsisimula nang pagtugtog ni Red ay hindi pa nila kami napapansin pero nung kumanta na ako ay isa-isa silang napatigil sa kanilang mga pinagkakaabalahan. Lahat sila ay matamang nakikinig sa bawat salitang namumutawi sa mga bibig ko. Pagkamangha ang nakikita ko sa mga mukha nila. Ngayon na lang kasi nila ako narinig na kumanta after four years. Feel na feel ko ang samyo nang himig ng kanta sa aking pagkatao.
"Isa pa!" Sigaw ni Angela matapos kong baybayin ang awitin.
"Oo nga naman Ace." Pag-sang-ayon ni Mina.
"Tama na muna iyon." Sabi ko pero hindi pumayag ang barkada.
"Pagbigyan mo na kami Ace. Ngayon lang naman kami humirit sa'yo nang ganito eh." Sabi naman ni Carlo.
"Oo nga." Tugon ni Tonet. "Pwede bang mag-request Red?"
"Sige request lang." Sabi naman ni Red. Napatingin naman ako rito.
"Ahm pwede mo bang tugtugin yung song na pinakamalapit sa puso ni Ace?" Dagdag nito.
Kita ko naman ang pagngiti ni Red. Maya-maya pa ay ginalaw na nito ang strings ng gitara. Nagulat na lang ako dahil alam ko ang takbo nang musikang iyon. Nagtataka ako kung paano niya nalaman yung song na iyon. Pipigilan ko na sana siya nang tumango ito na waring nagsasabing kantahin ko na lang. Nag-aalangan ako pero this is a point of no return ika nga. Ayoko naman na magtampo sila sa akin at maapektuhan ang opening namin.
separated - usher MP3 Download |
Oh no, no, no, no
If love was a bird
Then we wouldn't have wings
If love was a sky
We'd be blue
If love was a choir
You and I could never sing
Cause love isn't for me and you
If love was an Oscar
You and I could never win
Cause we can never act out our parts
If love is the Bible
Then we are lost in sin
Because its not in our hearts
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
If love was a fire
Then we have lost the spark
Love never felt so cold
If love was a light
Then we're lost in the dark
Left with no one to hold
If love was a sport
We're not on the same team
You and I are destined to lose
If love was an ocean
Then we are just a stream
Cause love isn't for me and you
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
Girl I know we had some good times
It's sad but now we gotta say goodbye
Girl you know I love you, I can't deny
I can't say we didn't try to make it work for you and I
I know it hurts so much but it's best for us
Somewhere along this windy road we lost the trust
So I'll walk away so you don't have to see me cry
It's killing me so, why don't you go
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
If love was a bird
Then we wouldn't have wings
If love was a sky
We'd be blue
If love was a choir
You and I could never sing
Cause love isn't for me and you
If love was an Oscar
You and I could never win
Cause we can never act out our parts
If love is the Bible
Then we are lost in sin
Because its not in our hearts
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
If love was a fire
Then we have lost the spark
Love never felt so cold
If love was a light
Then we're lost in the dark
Left with no one to hold
If love was a sport
We're not on the same team
You and I are destined to lose
If love was an ocean
Then we are just a stream
Cause love isn't for me and you
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
Girl I know we had some good times
It's sad but now we gotta say goodbye
Girl you know I love you, I can't deny
I can't say we didn't try to make it work for you and I
I know it hurts so much but it's best for us
Somewhere along this windy road we lost the trust
So I'll walk away so you don't have to see me cry
It's killing me so, why don't you go
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
Lumuluha na pala ako nang matapos ko ang kanta. Ninamnam ko kasi ang pait at sakit na dulot ng mga pangyayari sa pagitan namin ni Rome. Nami-miss ko na siya sobra. Pagmulat ko ay may isang pamilyar na tao akong nai-spotan. Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat. Lahat sila ay napalingon sa tinitingnan ko.
Bigla ang pagsikdo nang galit sa dibdib ko.
Itutuloy:
9 comments:
ayan na ayan na! nabitin ako durog puso ko dito ha
SAD AKO.... BUT I CAN SENSE NA INSTEAD SI ROME ANG UNA LOVE NI ACE MABABALING KAY RED.... IM SO TOTALLY DEPRESSED KAY ACE... SOBRANG SAKIT ANG FEELIN NUN... ONLYB FOR A FEW DAYS HE DISCOVERED SUMTING KAY ROME....YAN TALAGA ANG LARO NG PAG IBIG
RAMY FROM QATAR
Ramy - hehehe mabuti naman po at napadalaw ka na sa blog ko.. it's nice to have you here ramy :)
Mapaglaro ang kapalaran..... So is Love... Base on my personal Experience.. Hhaayy :(
weeeew! nadala ako sa kanta huh..hehehe senerch ko pa talaga sya...ayaw may play sa blog mo ehh...bat kaya??hehehe
naku!!!yang "i'm fine!!" na linyang yan...gasgas na gasgas na sa mga taong halata naman di sila fine...weeew! sarap paguntugin ni Ace at Rome..hahaha kasi....kasi....hahaha
dapat nga mas magalit c ace kOng lalaki ung nakita nyang ksama ni rOme.. tsk3
For the nth time im reading our series wala na naman akong ginawa kundi umiyak... Di ko talaga pinagsasawaan... Sana gawing book... Please!!!!
-jemyro
super. lungkot akoo. sa ginawa ni ROME. keii ACE.
but thanks to RED. naka survive sya sa sakit na binigay nituu.
-----
super gondo ng storyy :)
puro galit ka nlang s dibdib. luwagan mo nmn ace.
Post a Comment