by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or
written works are purely coincidental. The author retains all rights to the
work, and requests that in any use of this material that my rights are
respected. Please do not copy or use this story in any manner without my
permission.
Dumating
kami sa bahay ni Rome mga 6:30pm na.
“Wow
ganda naman nang bahay n’yo Ace.”Amaze na ewan lang na sabi ni Rome
“Sus!
Maganda nga wala naman laging tao sa loob. Ala rin kwenta yan.” Ang sabi ko
naman na halatang nagmamaktol ang boses.
“Bakit,
asan ba parents mo Ace?” Tanong naman nya na nakakunot ang mukha.
“Papa
ko at mama ko busy sa trabaho. Laging out of nowhere.” Sabi ko.
“Tara
pasok na tayo dami mo kasing tanong di tuloy tayo nakapasok agad.hehe” Sabi ko
ulet para maiba ang usapan.
“Good
evening Sir Ace nan dito na pala kayo, himala ang aga niyo atang umuwi ngayon." Si
manang Leth ang mayor doma ng bahay namin.
“Si
manang Leth talaga kung makapang inis wagas! S’ya pala si Rome ka klase ko.” Pag papakilala
ko kay Rome sa aming mayor doma.
“Rome
sya naman si manang Leth mayor doma namin.” Pag-papakilala ko naman kay manang Leth.
“Ay
good evening sir Rome pasinsya na po kayo kung di ko kayo agad napansin. Matanda
na kasi ako kaya mahina na rin ang aking mata.” Bati naman ni manang kay Rome.
“Okey
lang po nanay wala pong problema doon.” Ang nakangiting wika ni Rome.
“Ka
bait naman na bata ang galang pa. Tara pasok kayo at sir Ace dito n’yo nalang
din pakainin ng dinner ang kaibigan nyo para makilala nia ang mama at papa mo.
“Sige
manang akyat lang kami sa kwarto para makita nitong si Rome ang kwarto ko.”
Sabay hila kay Rome para di na humaba pa ang usapan.
Umakyat
na kami sa kwarto ko.
“Wow
ang galing! Lahat superman! Astig!” Ang amaze naman na sabi ni Rome at lumaki
pa ang dalawang singkiting mata nito.
“Naku!! Kung
ma shock ka jan parang wagas lang ah. Bata pa ako mahilig na ako sa superman at
nung mag highschool nga ako nakapag decide ako na gawan ng theme ang kwarto ko.
Kaya puro superman ang display.” Ang sabi ko naman sa kanya na may pag-mamalaki
ang tono.
“Na
amazed talaga ako. Mula sa paint mo red at blue, may collection kapa ng
magazine at isama mo pa ang bed cover mo at throw pillows at ang action figures
na di mo talaga inalis sa box lol. Ang adik naman nito Ace, Ang ganda talaga!” Si
Rome habang paikot-ikot ang mga mata sa buong room ko.
“Para
kang sira tingnan mo itchura mo sa salamin oh para kang bata!” Humahalakhak kong
tawa sa kanya.
“How
I wish na meron din ako ganitong collection. Palagi kasi kami nalipat ng bahay
dahil sa trabaho ni mama kaya puro apartment lang kami.” Halata sa mukha niya
ang kalungkutan nung banggitin niya ang mga salitang iyon.
“Ngeks!!
Wag kana mag emote jan. di ba bestfriends na tayo?” Tumango lang siya. “So
meaning to say ang room ko ay room mo narin kasi di naman maiiwasan na minsan
dito ka mag-sleep over di ba?” Bigla namang nagliwanag ang mga mata nya at bigla
din nya akong niyakap.
“Salamat
Supah Ace, ah.” Nabigla man ako sa ginawa nya at natawa sa bagong tawag nya sa
akin.
“Supah
Ace? Anu yon ang baho naman nun!” Tumawa sya ng ubod ng lakas ang tawa na
gustong gusto ko sa kanya. Yung tawang nakakahawa, nakakawala ng problema.
“Simula
ngayon Supah Ace na tawag ko sayo, kasi mahilig ka sa superman. Hahahahah ayus
diba?” Binatukan ko sya sa ulo at tumawa na rin ako.
“Aray
bayolente ka pala! Supah Ace wag ka naman mang batok ang sakit kaya!” pag
tatampu-tampohan nyang sabi.
“Ikaw
kasi!!! Ang dami mong alam! Hahaha” Nag katawanan ulit kami.
“Uhmmm
Rome. Bitaw na kaya tayo sa yakapan natin.” Namula naman bigla ang mukha nya
sabay bitiw.
“So-sorry.”
OK lang Rome
kinikilig nga ako eh!! Ayiieee!
Nakita
ko na nahiya sya kaya para pagaanin ang sitwasyon eh sinabi ko nalang na. “Ok
lang yon anu kaba. Teka lang papalit lang ako ng damit para ready na ako pag
dumating na sila mommy” Sabay bitiw ng isang matamis na ngiti at punta sa cabinet
ko para kumuha ng pampalit.
Lalakad
na sana ako papuntang CR sa loob ng room ko ng bigla syang nag salita.
“Supah
Ace san ka pupunta?” Seryoso nyang tanong na nakakunot pa ang noo
“Magbibihis,
eh san pa?” Na weweirdohan ko namang tanong.
“Pwedi
ka naman dito mag bihis ah.. pareho naman tayong lalaki bakit sa CR pa?” Kita
ko sa mga mata nya ang pigil na pag tawa.
Napa
isip naman ako. Uu nga pala noh pareho naman kaming lalaki. Pero alam ko naman
sa sarili ko na lalaki man ako sa paningin nila iba parin ang gusto ko sa mga
gusto ng normal na lalaki.
“Gusto
ko lang sa CR mag-palit! Ano ba masama doon?” Ang naiinis kung sabi sa kanya
dahil maluha luha na sya sa pag-pipigil ng halakhak niya. Grrrrrrrrr!! Nakakainis tong lalaking to ah.. pag-tawanan daw ba ang
pag-bibihis ko sa cr. Nahahalata na kaya nya kung anu talaga ako? Hmmm iiwan
din ako nito pag-nalaman nya ang tunay kong pag katao..
“Oh!
Relax kalang na hihigh blood ka nanaman eh. Sige na bihis kana.” Naka taas pa
nyang kamay na sabi parang sumusuko sa
di pa na uumpisahang argumento.
Di
na lang ako sumagot at dumeretso na ako sa banyo para mag-palit ng damit. Baka
ma asar pa ako lalo at awayin ko sya. Nag sisimula palang kaming maging
magkaibigan, sayang naman kung masisira agad dahil lang sa topak ko. Habang
nasa banyo ako na rinig ko naman ang pag strum nya sa guitar ko. Marunong din pala syang mag-guitara. May
talent rin pala si kolokoy.
“Marunong
ka palang mag guitara? Naks!! Mag kakasunod taU nean.” Ang bungad ko agad sa
kanya pag-kalabas ko ng banyo. Lumingon sya sa akin at ngumiti yung ngiting
alam mong pilit at alam mong may tinatagong sakit.
“Meron
na ako masasabi sa report natin sa English tungkol syo. Sigurado mas
mahuhumaling mga girls sayo nyan. Hehehe” ang sabi ko ulit para maiba ang
atmosphere sa kwarto. “Ito lang ang alam kung kantang tugtugin. Tinuro ito sa
akin ng papa ko.” Nakita ko nanaman sa mata nya ang kalungkutan ng sabihin nya
ang salitang papa.
“Wag
kang mag-alala ako bahala jan. Tuturuan kita para dumami pa ang alam mong
tugtugin gamit ang guitara” ang nakangiti kung sabi sa kanya sabay kindat. Ewan
ko ba ayaw kung nakikita syang malungkot dahil napagdaanan ko na iyon. Alam ko
kung anu ang feeling nang nag-iisa kaya as much as possible gagawin ko lahat
para pasayahin sya. Magaan ang loob ko kay Rome sa di ko alam na dahilan.
“Ang
ganda naman ng guitara mo. Pati guitara mo superman din adik ka.” Nakangiti na nyang
sabi na halata pa rin na pilit lang.
“Syempre
naman tingnan mo pati brief ko superman din.hahaha” ang biro ko sa kanya.
“Weh,
Di nga? Patingin nga?” sumakay naman si kolokoy.
“Adik
ka! Naniwala ka naman na superman brief ko.. hahaha” tatawa tawa kung sabi.
“Sige
lokohin mo pa ako para sa susunod na mag sabi ka na ng totoo di na talaga ako
maniniwala sa iyo.” Ang nag tatampo nyang banat.“
“To
naman di kana mabiro. Wag kana tatampo tampo besplend”pag baby talk ko sa
kanya.
Sakto
naman kumatok si manang leth at sinabing deretso na daw kami sa hapag para
kumain. Nag hihintay na daw ang mama at papa ko.
“Rome
this is my mom Evette Alberto and my dad Arnold Alberto”ang pag-papakilala ko
kina mommy at daddy.
“Mom,
dad, this is Ervin Rome Ruales my new classmate from Surigao and also my new
bestbud.”
“Good
evening Mr. and Mrs. Alberto. Ervin Rome Ruales po” nakipag share hands siya
kay daddy at nag beso naman sila ni mommy.
“Good
Evening din naman sayo iho. Tita evette at tito Arnold nalang since bestfriend
mo naman tong anak ko.”si mommy
“Iho
your from Surigao right. I have a friend in Surigao a fellow business man.”si
daddy
“Yes
tito I am from Surigao.” Ang nahihiya pa nitong sabi.
“Sige
kain na tayo. Minsan lang mangyari na makasama namin yang si Ace sa hapag. He
always came late. And this is his second time na may pinakilala siyang kaibigan
sa amin.”si mama na kausap si Rome pero sakin nakatingin. Di lang ako umiimik
at hinahayaan ko lang sila ang mag-usap.
“Talaga
po tita? Oo nga eh pansin ko nga na hindi siya friendly pag di ikaw ang unang
nag approach sa kanya. At siguro natatakot mga ka klase naming sa kanya dahil
kanina naka simangot siya habang lumalapit ako sa kanya kasi katabi nya ang
vacant seat” ang madaldal na sagot ni mokong.WHAT?!! napansin pala niya na naka kunot noo ko kanina? Teka kanina pa
yon ah nung time na nagpapakilala palang siya. Does it mean ako tinititigan
niya kanina while he was in front of us?
“Naku
iho, ako na mag sosorry para sa kanya.. may son is really so reserved. Maski sa
amin ng daddy niya ayaw niya makipag usap. Kakausapin lang kami niyan kung may
hihingin at kung may bibilhin.”si mama.
“Siguro
nag tatampo yan sa amin dahil lagi kaming wala sa mga special events sa buhay
niya. Pareho kasi kami ng daddy niya na work aholic. Kaya lumaki si Ace sa
piling ni manang leth.”si mama ulet.
“Im
sorry to hear that tita. Pero im sure di naman ata galit sa inyo tong si supah
Ace. Baka may tampo lang po pero im sure di yan magagalit sa inyo. Para sa
kanya rin naman po yung ginagawa nyo eh.” Si Rome sabay kindat sa akin. Abat! Adik to ah! Bakit kailangan pa niyang
sabihin yon at bakit may pakindat kindat pang nalalaman? Si mommy ang kausap,
sa akin nakaharap! Amf!!
“Thank
you iho, it seems Ace found a good friends this time. Yung dati niya kasing mga
barkada ay iniwan siya after malaman nila na..” “MA! Lets eat” ang pag-putol ko
sa sasabihin ni mama dahil na tatakot ako nab aka itong si Rome eh mawala rin
sa akin.
“Don’t
worry po tita, I will take good care of him. Bestbud ko to eh.” Si Rome na
nakangiti kay mommy na parang inaassure na safe ako sa kanya.
“I
can take good care of myself with or without friend.” ang matigas kung sabi na
nakayuko.
“Pag-pasensyahan
mo na itong anak ko Rome. Ganyan lang yan pero mabait yan. Siguro kasalanin din
naming pero bumabawi naman kami pag-free kami gaya ngayon.” Si daddy na sumabat
na sa usapan.
“Okey
lang po yon tito. Don’t worry naiintindihan ko po. Sanayan lang yan sa
kasungitan nitong bestbud ko. Papa amuhin ko po ito promise.” Ang nakangising
sagot nia.
Aba!? Tama
bang narinig ko? Anu daw? Papaamuhin niya ako? Anu ako aso? Abat loko tong
kolokoy na to ah.. tinapakan ko ang paa niya sa ilalim ng mesa.
“Aray!”
si kolokoy na napa sigaw sa pag-tapak ko sa paa niya.
“Oh
iho! Anu nang yari sayo? Bakit bigla kang napa sigaw diyan?” si mama na takang
taka ang mukha.
“Ahh..ehhh…hehe
nangawit lang bigla ang binti ko tita sorry po.” Sabi ni kolokoy at nakatingin
sakin ng makahulugan, parang nagsasabi na humanda ka mamaya. Dinilaan ko naman
siya para lalong mainis.
After
nang dinner with my family pumunta ulet kami ni Rome sa kwarto para mag bonding
at para masimulan na naming ang getting to know 101.
Itutuloy:
6 comments:
ang daldal at ang kulit pala ni Rome. kinilig ako sa buong chatper.
wahahaha ang kulit nang pagkakasulat ko sa chapter na ito jeff :D maski ako natatawa sa mga kalokohan ko :)
jeffy tama ka nga maganda din story ni zek....thanks at nirecommend mo to sakin...more chapters pa...hehhe...saya talaga batang bata...di ko naranasan to nung high school ako...bahay school bahay lng kasi ako...hahahaha...kaya the best expreience ko ay nung college na ako! ahahahah
readmymouth - nyay! salamat po sa comment mo sana mas lalo mo pang ma enjoy ang storya ko :)
sang lugar ung setting ng story?
Binabasa ko lang ulit. Replay ba ika nga...Wala na kasing mababasang bago. It still has spunk...hehehe
Post a Comment