Friday, September 30, 2011

King Of Hearts










Stressed na naman. Buwisit kasing mga customer
ko walang ginawa kundi magalit. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko
itinuloy ang Architecture. Architecture ang kinuha ko sa kolehiyo
subalit matapos ng 2 taon ay huminto ako, sa dahilang wala ang puso ko
sa kursong iyon. Mataas naman ang grades ko pero tinatamad talaga ako.
Anyway, ayun na nga, dahil sa di ko tinapos yung kurso ko eh sa Call
Center ang bagsak ko.







Pagkalabas
sa trabaho ay dumeretso ako sa crossing upang magrent at maglaro ng
Ragnarok upang duon ilabas ang stress ko. High Wizard ang character ko
at masayang pumatay ng maramihang monster gamit ito sa kabila ng marupok
na buhay nito. ~Qu33nOVh3@rts~
ang name ng char ko. Oo, isang babae ang character ko, chixilog o chix
na may itlog kung tawagin. Dahil nga marupok ang buhay ay kailangan ko
ng kaparty. Nagpunta ako sa tambayan ng mga naghahanap ng kaparty at may
nakita akong naka-pub “NPM>Devotion type here.” KingOfHearts™
ang name ng char nya, pumasok ako sa pub nya at nalaman kong Paladin
pala siya (Devoton ay skill ng Crusader na kung saan pinoprotektahan
niya ang ka-party at siya ang sasalo ng lahat ng damage. Paladin ang
advanced class ng Crusader, mas malakas kung baga.) Perfect na kaparty
ito para sakin. So hayun nga nag-party kami at nagpunta sa Magma
Dungeon. Usap-usap kami habang nagpapalevel. Tinanong nya kung babae
talaga ako, sinabi kong hindi, gusto ko lang ng babaeng character kasi
sexy mga female mage class. Natawa siya at sumang-ayon. Matapos ng 2
oras ay nagpaalam na ako, nagpalitan kami ng number para magkausap kung
kailan kami magpaparty ulit. Umuwi na ako pagkatapos nun.








Toot toot!








Tumunog ang cp ko a tinignan ang dumating na mensahe. Galing kay KingOfHearts™.





Tnx nga pla s pt ha? Nkauwi knb?





ok lng, tnx dn ha? yep! kakauwi q lang. kw b?





Sa bhy lang me play.





waw yaman my pc!





D nman po :) Ano pla ril nme mo?





nat short 4 nathaniel. kw?





Garry short 4 garry :P





adik!








At
hayun palitan ng text, pero kung kanina sa game ay puro sa in-game mga
usapan namin, sa text ay iba, puro mga personal. Panatag naman ako, as
long as huwag niya itatanong ATM PIN ko diba? Hehe.








Ganun
ang naging routine ko, pagtakatapos sa work maglalaro kami ng Ragnarok,
pagkauwi magtetext kami hanggang makatulog ako. Tuwing pagkagising ko
ay laging nandiyan ang “Good Morning” niya kahit na gabi na.
Hindi ako mahilig magtext dati dahil sa mga walang kwenta katext mga
nakakatext ko, inis na inis ako lalo na kapag magrereply sila ng “hehe…” o kaya ay “ok” at lalu na kung smiley lang. bat nagtext pa sila diba? Pero iba si Garry, laging may sense kausap.








Minsan,
dayoff ko ay tumawag siya. Maliit ang boses nya, parang sa bata.
Tinawanan ko siya kasi naman matanda siya ng isang taon sakin, 21 ako at
22 na siya pero ang boses nya parang sa elementary. Sa kakatawa ko eh
nainis yata, bigla siyang kumanta ng ilang lines sa “Maybe”
ni Jimmy Bondoc. Napatulala ako pagkarinig sa singing voice nya,
malamig na parang hinehele ka, pero at the same time ay mainit na parang
isang yakap na nakakarelax.








Grabe ka! Ganda ng boses mo! Choir ka ba?





Hindi, mahilig lang talaga ako kumanta.





Ahh.. Minsan kita tayo, kantahan moko sa Quantum.





Ayoko, nahihiya ako.





Sa cubicle lang, para ako lang makarinig.





O sige.





Ngayon na, pwede ka ba?





Oo, wala din ako gagawin eh.








So
hayun, naligo ako, nagbihis, nagpabango at lumarga na ako papunta sa
mall na napag-uasapan. Nakaupo lang ako sa stairs sa harap habang
nagyoyosi. May kumalabit sakin at napalingon ako, ilang beses ako
kumurap pagkakita sa kanya.





Garry?





Oo, ikaw si Nat?





Oo ako nga. Grabe, 22 ka na ba talaga?





Oo naman. Bakit?





Muka kang high school!








At
nagtawanan nalang kami. Di siya gwapo pero sobrang cute nya. Makinis,
maputi, medyo payat at mas maliit sakin. 5’5” lang siguro sya
samantalang ako 5’8”. Pakiramdam ko eh ibinigay talaga siya ng langit
sakin kasi naman perfect sya para sakin. Ayoko kasi ng bato-bato, gusto
ko yung katulad ni Garry, parang babaeng walang boobs ang katawan pero
hindi babakla-bakla kumilos. Kabaligtaran ng character nya sa game na
macho at tigasin. Haha..








Hayun pumunta kami ng Quantum at kinantahan nya ako. Pinaka fave ko sa mga kinanta nya eh “This I Promise You”
ng NSYNC, bagay na bagay ang boses nya sa kanta. Matapos nun eh
nagpunta kami ng Netopia para maglaro. Naging masaya ang dayoff ko dahil
sa kanya.








Lumipas
pa ang mga araw eh naging lalo kaming malapit, lagi rin kami nagkikita
hanggang sa niligawan ko siya. Sa una eh ayaw nya, pero dahil na din sa
pursigido ako eh napapayag at napasagot ko siya. Ipinakilala nya ako sa
mommy nya bilang bestfriend nya.








Nagpasya
kaming sa apartment ko siya tumuloy tutal malapit lang din sa work nya
ang apartment ko. Naging masaya ang pagsasama namin at tumagal kami ng 3
buwan. Lagi akong nasa tabi niya, nakaakbay at ipinaparamdam sa kanya
na safe siya basta kasama ako, kabaligtaran sa game na siya ang
pumoprotekta sa akin. Malambing siya, lagi siyang nakayakap at lagi
kaming nagnanakawan ng halik kahit ba nasa public place kami. Sa kabila
nito ay isa lang ang ‘di namin ginagawa, ang magtalik.








Ilang beses ko na siyang inaya subalit lagi nyang sagot eh “Hindi pa ako handa.”
Isang araw ay niyakap ko siya habang naghuhugas siya ng pinagkainan
namin, inaya ko siyang muli, at as expected eh yun pa rin ang linya
niya. Nagtampo ako, “Kung ganyan ka lagi baka humanap ako ng iba nyan.” sabi ko sabay umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.





Tahimik.





“Kung gusto mo talagang magparaos, sige humanap ka ng iba. Hindi ako magagalit.” Pagbasag niya sa katahimikan subalit hindi man lang ako nilingon. Naroon pa rin ang lambing ng boses nya.





Nainis ako sa narinig, “Ipinamimigay mo na nga ako?”
pasigaw kong tanong. Hindi siya sumagot. Pinatay ko ang tv at
ibinalibag ang remote sa sofa at padabog na nagtungo sa kuwarto. Nahiga
ako sa kama ng masama ang loob.








Ilang sandali lang ay pumasok na siya at humiga sa tabi ko, niyakap niya ako, “Sorry kung hindi pa ako handa. Kung kailangan mo talaga magparaos, pwede kang maghanap ng iba, di ako magagalit.” pag-amo nya sakin.








Lalu
akong nabuwisit sa mga narinig ko. Ang nais kong marinig eh mag-sorry
sya sa sinabi nyang pwede akong maghanap ng iba, pero kaysa magsorry eh
inulit pa niya. Nakakainis! Pininamimigay na nga nya ako.








Bumangon
ako at lumabas ng kuwarto, tuloy-tuloy hanggang makalabas ng bahay.
Naglakad-lakad ako hanggang makarating sa isang park. Naupo ako duon at
inaliw ang sariling masdan ang mga taong naglalakad. Biglang may tumabi
sakin, nakangiti sakin. Malakas nag kutob ko na katulad ko siyang bi
sapagkat madalas niyang iangat ang tshirt nya, ipinapakita ang abs nya
habang hinihimas ito. Nawirduhan ako sa taong ito, akala naman niya
maaakit ako sa abs nya eh payat nga ang type ko. Sa wakas ay huminto ito
sa ginagawa niya, napansin nya siguro na walang epekto sa akin..








Hi.





Hello.





Mag-isa ka lang?





Oo.





Anong pangalan mo?




Nat.





I’m Marvin.








At
nagkamay kami. Nag-usap kami ng kung ano-ano hanggang sa magpag-usapan
namin ang problema ko. Naintindihan naman niya ako. Nagpalitan kami ng
number at nagpaalamanan na. Umuwi ako ng di ko pinapansin si Garry.








Lumipas
pa ang mga araw ay lagi kong naririnig sa kanya yung mga linya nyang
kinainisan ko, lalung lumamig ang pakikitungo ko sa kanya, na
kabaligtaran naman kay Marvin. Naging malapit kami hanggang sa nagkaroon
kami ng lihim na relasyon.


Isang araw habang nagdedate kami ni Marvin ay di ko inaasahang makita kami ni Garry.


Lumapit siya na may blangkong mukha, di ko alam kung galit sya o kung ano. Pinatalikod iya ako at niyakap ako. “Mahal na mahal kita, maiintindihan mo rin ako pagdating ng panahon.” Yan ang mga katagang binitawan niya bago niya ako hinalikan sa pisngi at tuluyang pinakawalan ako sa yakap niya.








Gusto
ko siyang habulin subalit mas nanaig ang pride ko. Ito ang gusto niya
diba? Bahala siya sa buhay nya. Hinawakan ko ang kamay ni Marvin,
hingpitan naman niya ang pagkakahawak ng mga kamay namin.Naging panatag
ako sa ginawa nya.








Umuwi
ako pagkatapos ng date namin ni Marvin. ‘Di ko dinatnan si Garry,
malamang ay nageemote yun sa kung saan at ‘di pa umuwi. Maliligo na sana
ako para makatulog na, binuksan ko ang cabinet at nakitang kalahati
nalang ang mga damit na nandoon. Tinignan ko ang maleta ni Garry sa
ilalim ng kama subalit wala na ito. Bigla akong binalutan ng takot.,
takot na iniwan na ako ni Garry. Tinignan ko ang buong silid at wala na
akong makitang gamit niya. Tinawagan ko ang CP nya subalit hindi niya
sinagot. Sinubukan ko uli, ganun pa rin. Sa ikatlo ay out of coverage
area na.








Tinawagan
ko ang CP ng mommy nya subalit katulong ang sumagot. Malamang ay
nakadivert sa bahay ang incoming calls nya. Sinabi ng katulong na
nagpunta ang mag-ina sa airport at malamang daw ay nakalipad na ang
eroplano.








Nanginig
ang buong katawan ko sa mga sandaling iyon, sa sobrang galit at lungkot
ay ibinato ko ang CP ko sa pader, ang fragments naman ng nawasak na CP
ay tumama sa LCD screen ng PC na dahilan ipang mabasag din ito. Nagulat
ako, angmahal nun! Bakit ko ba yun ginawa? Nataranta na ako. Sinisisi ko
si Garry kung bakit nangyari ito, kung hindi sa pag-iinarte nya eh
hindi mangyayari ang lahat ng ito.








Iyak
lang ako ng iyak nang maalala ko ang luma kong CP. Kinuha ko yung SIM
ko sa sumambulat na CP at knuha ko ang luma kong CP sa cabinet. Nakatali
ito ng goma dahil sa kalumaan. Isinaksak ko sa charger at tinawagan si
Marvin.








After 20 mins dumating na si Marvin. “Anong nangyari?” tanong nya. Sa halip na sumagot ay siniil ko sya ng mariing halik habang umiiyak. Itinulak niya ako pero di ako bumitaw. “Itataboy mo rin ba ako?” tanong ko. Mula sa gulat ay nabakas sa mukha ni Marvin ang awa. Siya na ang humalik sa akin.





Pinunit
ko ang t-shirt nya at ibinaba ko ang pantalon at brief nya. Naghubad na
rin ako at walang sabi-sabi’y pumatong ako sa kanya ay ipinasok ang
aking alaga sa likuran nya. Walang pampadulas at bakas sa mukha nya ang
sakit subalit tiniis nya ito. Dito ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko.








Matapos ng ginawa namin ay tulala pa rin ako. Niyakap nya ako at sinabing “Hayaan mo na siya, malaya ka na. nandito naman ako para sa’yo.”








Itinulak ko sya at sinigawan, “Mahal ko siya, parausan lang kita!”








Bigla nya akong sinapak at sinikmuraan. Matapos nito ay dinuraan pa ako at sinipa. “Mamamatay ka rin!”
sigaw niya bago lumabas ng silid. Naiwan akong nangungulila sa mga
haplos at lambing ni Garry. Sising sisi ako sa mga ginawa ko. Pero huli
na.








Ipinagpatuloy
ko ang buhay kahit mahirap. Pansin din ng mga kaibigan ko na lagi akong
malungkot kaya pinilit nila akong mapasaya. Gimik dito, inom dun, party
dito, one night stand dun. Lahat ng pagpapakasasa upang makalimutan si
Garry ay ginawa ko. Ngunit sa kabila ng mga halakhak ay nanatili ang
pangungulila ko sa kanya.








Tatlong
taon ang lumipas, papasok na ako sa trabaho. Dumaan ako sa kalsadang
araw-araw kong dinadaanan. Napansin ko ang isang lalaki roon na
naninigarilyo. Pamilyar ang mukha niya sa akin. Pumasok siya sa loob ng
chapel. Di ko alam subalit parang may puwersang nagtulak sa aking mga
paa upang pumasok sa chapel.








Pagpasok
ko ay napansin kong may nakaburol doon. Iginala ko ang aking paningin
at nakita kong muli yung lalaki na nakaupo sa harap, lumingon siya sa
akin na bakas ang pagtataka sa mukha. Binulungan niya ang babaeng katabi
na nakaitim, marahil ay itinanong kung sino ako.








Paalis
na sana ako nang marinig kong tinawag ang aking pangalan. Luminon ako
at nakita ang babaeng nakaitim na papalapit sa akin. Nakilala ko ang
babae, siya ang mommy ni Garry! At yung lalaki kanina ay kahawig ni
Garry!








“Mabuti naman at nadalaw ka. Paano mo nalamang dito siya ibinurol?” tanong ng mommy ni garry sa akin. Hindi ko naman siya maintindihan kung kaya “Po?” lang ang naisagot ko.








Nilingon
ko ang kabaong at doon ko lang napansin ang letrato na nakapatong dito,
letrato ni Garry. Nanginig ang katawan ko sa mga sandaling yon.
Maraming katanungan ang gumulo sa isip ko.








Ano pong ikinamatay niya?





Tigdas.





Tigdas? Paanong nangyaring ikamamatay niya ang tigdas? At kung tigdas lang eh bakit kailangan pa nilang umalis ng bansa?





“Paano pong tigdas ang ikinamatay niya?”





“Hindi mo pa nga pala alam.”





“Ang alin po?”





“Kilala
mo naman ang kaibigan mo, gagala yan kahit mag-isa. Minsang nanood siya
ng sine ay may naramdaman siyang masakit na tumusok sa tagiliran nya.
Nang lingunin niya ang nasa tabi niya ay napansin niyang isang syringe
ang itinusok ng katabi nya sa kanya. Sinuntok nya yung lalaki na umalis
naman kaagad. Di na niya pinansin pa iyon matapos ng pangyayari. Pero
minsang napansin naming ang simpleng sipon ay tumatagal ng ilang linggo
ay nag-alala na kami kaya pina checkup namin sya. Duon namin
napag-alamang HIV positive siya.





Naging
malungkutin na siya mula noon. Laging nagkukulong sa kuwarto at di na
gumagala kahit may mag-aya sa kanya. Nagbago lang ito nang makilala ka
niya, dahil sayo bumalik ang dating ugali ng anak ko. Masayahin at
punong puno ng pag-asa.





Di
ko alam kung anong nangyari sa inyo pero bigla siyang umuwi tatlong
taon na ang nakakaraan at ipinakiusap sa akin na magpunta kami ng
London. Duon nagpatingin siya sa iba’t ibang doktor, umaasang may nakita
ng gamot sa sakit nya subalit wala. Dinapuan siya ng iba’t ibang sakit,
at ang pinakamalala ay ang tigdas.”








Tumayo ako mula sa kinauupuan at nilapitan ang kabaong ni Garry. Napaluhod ako at nagsisigaw ng “Patawad Garry.. Hindi ko alam… Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Mahal na mahal kita… Paano na ako ngayon?” habang yakap-yakap ang kabaong ng aking mahal.








Nilapitan ako ng kahawin ni Garry, “Hiniling ni kuya na dito siya iburol upang malapit daw sayo. Mahal na mahal ka ni kuya.” Inalalayan niya akong tumayo at muling nagsalita. “Tahan na, hindi matutuwa si kuya kapag nakita ka niyang ganyan. Magpakatatag ka.”





Pinilit kong magpakatatag. Inayos ko ang aking sarili at umupo sa tabi ng mommy at kapatid ni Garry.








“Alam
ko ang namagitan sa inyo ng anak ko. Labag man sa loob ko’y hinayaan ko
nalang kayo, dahil nakita kong masaya siya sayo. Sana kung ano man
pinag-awayan nyo dati ay mapatawad mo ang anak ko. Mahal na mahal ka
niya.”
sabi ng mommy ni Garry habang halos maiiyak uli.








Nawalan
na ako ng ganang pumasok, napagpasyahan kong umuwi muna upang magbihis
at para iuwi na rin ang aking gamit. Sa aking paglalakad ay napadaan ako
sa mga nagtotong-its sa kanto. Sa di malamang dahilan ay lumakas ang
hangin ay nilipad ang mga barahang nakapatong sa mesa nila. Nilapad ang
ilan sa mga baraha sa aking harapan na lahat ay nakataob, maliban sa
isang baraha… ang King of Hearts








Sa
kabila ng pagpapakita kong astig ako, na pinoproteksiyunan ko siya
noon, ay kabaligtaran pala ang nangyari. Tulad ng character niyang si KingOfHearts™
ay ininda niya ang lahat ng pahirap, huwag ko lang pagdaanan ang mga
pahirap na yun. Sa kabila ng pangungulit kong makipagtalik siya sa akin
ay pinili pa rin niyang maghanap ako ng iba kaysa mahawa ako sa sakit
niya, kahit masakit sa kanyang makita ako sa piling ng iba. Ganun nya
ako kamahal…








Pinulot ko ang baraha at itinapat sa aking dibdib…







“Mahal din kita… Garry…”

















WAKAS











*Note: ang kuwentong ito ay bunga lamang ng isang bangungot :D

*Image: Ragnarok Crusader




15 comments:

Zildjian said...

Ito na ata ang storya na nagpaiyak sa akin. At first akala ko pambata ito dahil sa picture sa taas. When i started reading it sabi ko (ah! pambata kasi online game ang issue." but i was wrong. This story is very nice and u will learn a lot from it. simple but yet lakas ng impact!

lilee said...

omg...ang ganda ng story....dami ko iyak...

Unknown said...

Hehehe..ang ganda naman ng kwento na ito.Hanga ako.

Kudos sa otor!

Lawfer said...

zild: yaan m na kht sa image sa taas lng eh magng bata aq xD

lilee: ui punas po muna hehe..salamat^^

jayfinpa: aw, mraming slamat po... it’s such an honor to hear that from u :)

Zildjian said...

Hahahaha sige ikaw na ang bata ako na ang matanda LOL... :D ayan naayus ko na post mo :)

Lawfer said...

waw hanep sa spacing lol
mamats zild :)

khief blue said...

sinipon ako doon.....

revive....... hehehe

randolf said...

ahaha an tyut ng avatar kua zid :p.. My favorate pokem0n ehe..:p

Zildjian said...

Oi randolf kamusta? dito kana pala :D heheheh salamat at nagustohan mo ang avatar ko :D ang kyut noh? :D welcome aboard! :))

readmymouth said...

zek ikaw ba ung author nito? kudos sau..walang nakalagay na author eh ksi may ice din na writer dito..hehehe..pero ang galing ng story parang may nabasa dina kong kahawig nitong story...hehehehe...buti at di ako umiyak hehehehe...si kuya mikle pa lang ung nagpapaiyak sakin...ehheheh God bless!

Anonymous said...

WOW!

--ANDY

Anonymous said...

nakakalungkot ung story,, huhuhu



Beucharist.......

Anonymous said...

Ang ganda ng story. Maikli siya pero tagos sa puso ang damdamin.

Natutuwa ako dun sa picture sa taas. Online game ang simula kaya at first, akala ko light ang story pero drama pala siya.

I felt sad for Garry. Ang hirap ng ganun ang mangyari sayo. It's scary that people would want others to carry the same misfortunes that they have.

Dahil sa kagustuhan ni Garry na itago ang kalagayan niya at para narin hindi mag-alala at malungkot si Nat para sa kanya, eh ayun naging resulta. Nagkalayo sila. At least naranasan niya ang tunay na pagmamahal galing kay Nat. It didn't last till his end but its worth it.

As for Nat, I don't think I blame him for his faults. Tao lang din siya at nagkakamali. Malungkot kasi hindi niya sinubukang alamin ang tunay na dahilan sa problema nila ni Garry. Nadala din siya ng sama ng loob kaya lumandi siya kay Marvin.

These are just my opinions.

Thanks author for your inspiring story ^^

-RP

Anonymous said...

HINDI ME NAGBIBIGY NG comments sa lahat ng blog na browse ko pero sa blog i really love your stories nakakarelate ako sana madami pang kasunod. keep up kasi it makes me feel that welcome pala ang tulad ko sa society natin. hirap kasi magtago

Lawfer said...

my ngbsa pa pla nito :)

mraming salamat po dhl hnayaan ninyong ma-touch q ang mga damdamin ninyo sa pamamagitan ng kwentong ito :)

salamat dn ky ampalaya sa pgbgay skn ng karapatang mgpost d2, though i2 lng ang nacontribute q lolz

Post a Comment