by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Ito na po ang Chapter 9 ng The Right Time sana po magustuhan ninyo. Muli ay gusto kong pasalamatan sina:
Dave17, Dada, Zekie, jay! :), Mcfrancis, J.V, Wastedpup, R3b3l^+ion, R.J, Ram, David Thaddeus, Ernes aka jun, Marclestermanila, Rue, jayfina, Pink 5ive,Nate, Marc, Ron-Ron,fhavhulhuz, kokey, mat_dxb at sa mga Anoymous.
Maring salamat sa inyo guys sa patuloy na pag suporta sa storya ni Supah Ace at Rome at sa patuloy nyong pag cocomment every chapter.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Nakapasok na kami sa bahay nila Rome na may matinding pag-aalala sa aking sarili sa mga mang yayari. Dumiretso kami sa dining area nila. Tinawag naman ng Mommy ni Rome ang dalawang katulong para initin at simulang ihanda na ang pag-kain. Pag kaupo ko agad akong binanatan ng tanong ng Mommy nya.
“So Anu ang natapos mo?” walang emosyon nitong tanong sa akin.
“Co- computer Science po Maam.” Kinakabahan kung sagot sa kanya.
“Ikaw pala ang Ace na KAIBIGAN ng anak ko way back in High School.” Pag bibigay diin nya sa salitang kaibigan.
Di ko alam ang isasagot ko. Ramdam ko na pinag papawisan na ako. Tumingin ako kay Rome para sana mag patulong pero naka yuko lang ito.
“Opo.. ako nga po yon.” Ang pabulong kung sagot pinilit hindi mag stammer ang boses ko.
“So dati na ba kayong may SPECIAL na pag tingin sa isat isa?” sabi ulit nito “Alam ba ng parents mo na ganyan ka?” dagdag pang sabi nito.
Gusto ko nang mag walk out dahil feeling ko minamata na ng Mommy ni Rome ang aking pagka tao. Hindi ko rin alam kung anung tanong ang sasagutin ko.
“O-opo.” Ang pilit kung sagot sa huling tanong nito.
“San ka nag aral nung collge? Don ka rin ba sa Cebu nag aral?” ang may halong galit na nyang sabi. “I didn’t expect this honestly. I was expecting na babae ang dadalhin ng anak ko but it turns out na lalake pala.” Dagdag pa nito sa parehong tono.
“Mommy Stop it. Wag nyo..” ang sabat ni Rome na pinutol agad ng Mommy nya.
“Stop what? Nag tatanong lang naman ako. Wala naba akung karapatang mag tanong sa SPECIAL someone ng nag iisa kung anak?” sarkastikong sagot agad ng Mommy ni Rome.
“Mom..”
“Shut up Ervin im not finish talking to Ace.” May diin nitong pag papa tigil kay Rome.
“Sa Manila po ako nag-aral” ang sagot ko nalang para di ma bulyawan si Rome ng Mommy nya.
“So kelan pa ito? How did this happened Ace? How about your parents okey lang ba sa kanila ang relasyon nyo ng anak ko?” sunod sunod na tanong nito.
Nag desisyon na akong tumingin sa kanya. Nag buntong hininga muna ako bago sumagot.
“Hindi pa po kami ni Rome wala pang namamagitan sa amin. Way back in high school Best friends talaga kami wala po yun halong malisya.” Ang sagot ko sa Mommy ni Rome habang nakatingin ako sa mata nito.
“Walang namamagitan pero special ang tingin ng anak ko sayo? Where did it start then?” balik nanaman ito sa walang emosyong mukha.
“Honestly Mrs. Ruales I also don’t know where it started. Wala naman kasi ito sa plano ko.” Medyo nanginginig na ako sa kaba buti nalang di ako nag stammer.
“I want to meet your parents.” Ang sabi nya na may ngiti na sa labi.
Hindi ko alam kung bakit biglang nag iba ang expression ng mukha ng Mommy ni Rome. Kanina lang kasi parang gusto ako nitong sakalin ng sabihin ni Rome na ako ang special someone nito. Isama pa ang mga tanong nito sa akin.
“Oh bakit ganyan ang mukha mo iho? Effective ba ang pag tataray ko?” ang wika nito sabay tumawa ng nakakaloka. Napa nganga talaga ako sa biglaang pag babago nito ng mood.
“Si Mommy talaga syado mo namang pinahirapan ang future wife ko.” Ang naka ngisi nitong sabi habang naka tingin sa akin.
Napakunot ako ng nuo. Hindi ko na alam ang mga nang yayari naguguluhan ako kung bakit biglang nag iba ang atmosphere sa loob ng bahay nawala ang tensyon na kanina lang ay ramdam ko.
“Sorry Supah Ace. Kinuntsaba ko si Mommy na pahirapan ka ng konte para naman may thrill.” Ang nakangisi nyang sabi.
“Anung ibig mong sabihin?” hindi magawang iprocess ng utak ko ang sinabi ni Rome dahil sa sobrang takot ko kanina sa Mommy nya.
“Bago paman kita dinala dito alam na ni Mommy ang lahat. Pero sinabi ko sa kanya kanina bago ako umalis na iinterogate ka nya para lumabas ang natural na ikaw.” Ang naka ngisi nyang sabi sa akin.
Lang ya!! Pinag tripan lang pala ako ng mag inang to! Halos mamatay ako sa kaba tapos trip lang pala nila!!natural na ako? sang banda naman kaya yon? manda ka sa akin mamayang ulol ka. Ang sabi ko sa aking sarili at binigyan ng matalim na tingin si Rome.
“Sorry iho ha. Kailangan ko rin kasing itanong yan para marinig ng tao sa kabila ang mga isasagot mo.” At ngumiti sa akin ng ubod ng tamis.
“Sinong tao Mommy? Kanino palang kotche ang nasa labas?” ang nag tatakang tanong ni Rome.
Agad lumabas ang isang lalaki na nasa early 50’s. Maputi ito at kahit matanda na halata pa rin ang gwapo nitong hitchura.
Napatayo si Rome sa inuupuan ng makita nya ang taong lumabas.
“Da-dad?” Napalingon ako kay Rome sa sinabi nito akala ko kasi wala na ang Daddy nya. Kita ko sa mukha ni Rome ang pag kabigla nung makita ang kanyang ama.
“Anak..” Ang nasambit lang ng kanyang ama. Halata sa mga mata nito ang pag-kasabik ng makita ang anak nya.
Nakita ko ang galit sa mukha ni Rome. Pero halata parin sa mga mata nya ang pananabik nang makita nya ang kanyang Daddy.
“Bakit kapa nag balik?” ang may galit na sabi ni Rome.
“Im sorry anak. Can you let me explain?” sabi naman ng Daddy nya. May pag susumamo sa mga mata at tinig nito.
“For eight years di ka nag pakita tapos ngayon darating ka to explain? Para san pa?” may galit pa ring sabi ni Rome.
Lalapit na sana ang Daddy ni Rome sa kanya Pero nang humakbang ito papalapit ay sya namang pag atras ni Rome.
“Anak let your Daddy explain. Kung ako nga napatawad ko na sya, ikaw pa kaya?” Ang sabi ng Mommy ni Rome.”
Hindi nakasagot si Rome. Alam ko ang ibig sabihin ng Mommy nya. Mahal na mahal ni Rome ang Daddy nya di man nya sinasabi sa akin nung high school pero alam ko nung makita ko sya sa kwarto ko na nag guiguitara ng tinuro sa kanya ng Daddy nya nasa mata nya ang pangungulila dito.
Tumingin si Rome sa akin na para bang nag tatanong ng dapat nyang gawin. Tumango lang ako sa kanya na ang ibig sabihin ay hayaan nyang mag explain ang Daddy nya. Nakita ko nalang na umupo yung Daddy ni Rome sa tabi ng Mommy nya kasabay ng pagupo nito.
“Bakit mo kami tiniis ni Mommy ng walong taon.” May galit na tono nitong tanong sa kanyang ama.
“Im sorry. Hindi ko namang ginusto na malayo sa inyo lalo na sayo anak mahal na mahal kita.” Simula ng Daddy ni Rome.
“Mahal? Kung mahal mo kami ni Mommy di mo kami iiwan at hahayaang mag hirap.” May panunumbat na sabi ni Rome.
“I have no choice. Na tanggal ako sa trabaho dahil sa recession. Kung hindi ako aalis san tayo kukuha ng kakainin natin?” may mga luha nang namumuo sa mata nito.
“Ayaw ko man kayo iwan pero kailangan. Maganda ang offer sa akin sa states at yon lang ang nakikita kung paraan para makaangat tayo. Nahihiya ako sa Mommy mo dahil ako ang nasunod na hindi sya mag trabaho dahil ang gusto ko ako mismo ang bubuhay sa pamilya natin. I just want the best for you and your mom.” at dumaloy na ang luha nitong pilit pinipigilan.
“Ang sabihin mo dahil sa pride mo kaya mo kami iniwan at inihabilin kay lola!”
“Rome” ang pag pigil ng Mommy ni Rome sa kanyang anak.
“No Mommy! Hindi bat nagalit ka rin kay Daddy noon kaya tayo nagpakalayo!”
Bigla namang natahimik ang Mommy ni Rome sa sinabi ng kanyang anak.
“Hindi mo kasi alam kung anu pinag daan ni Mommy noon.” Ang sabi ulit ni Rome sa Daddy nia.
“Hindi maganda ang turing ni lola dahil ginawa syang katulong. Ang sakit na nakikita ko si Mommy na inaalila ng sarili kung lola habang ikaw nag papakasarap sa states.” Ang may diin na sabi ni Rome batid ko ang galit nito sa bawat pag bitiw nya ng mga kataga.
“Hindi ko naman alam yon dahil...” Hindi na natapos ang sasabihin ng Daddy ni Rome dahil pinutol nya ito agad.
“Pano mo malalaman hindi ka nga naka alalang tumawag diba?” may sarcasm na sagot nito.
“Palagi akong tumatawag tuwing may pagkakataon pero sa tuwing tatawag ako ang laging sinasabi ng lola mo nasa skwelahan ka at ang Mommy mo naman ay minsan lang daw umuwi dahil busy daw ito sa trabaho.
Nagalit ako noon sa Mommy mo dahil napag usapan na namin na ako ang mag tratrabaho at sya naman ang bahala sa pag aalaga sayo.” ang daddy ni Rome.
Hindi na lang sumagot si Rome. Ngunit basa na rin ang mga pisngi nito dahil sa luha. Ganyon paman bakas pa rin sa mga mata nito ang galit sa kanyang ama.
“Nung umalis kayo doon sa puder ng lola mo mas lalo akong nagalit sa Mommy mo.Dahil sa mga pinag sasasabi ni Mama, nagatungan ang nararamdaman ko kay Nancy at tuluyan na akong nag patangay sa mga kasinungalan nito.” Malungkot pa rin ang mukha ng Daddy ni Rome. Maski man ako dama ko sa sarili ko na totoo ang sinasabi nito.
“Paano mo kami na tunton?” Pambabaliwalang tanong ni Rome sa sinabi ng kanyang ama.
Nakita ko ang pag buntong hininga ng Daddy nya bago nag salita.
“Nag hire ako ng tao para hanapin kayo. Sya ang nag sabi sa akin na dito kayo napadpad ng iwan nyo ang Surigao. Nalaman ko rin sa kanya ang totoo na mag isa ka nyang pinalaki at inalagaan ng Mommy mo matapos nyong umalis sa bahay nina Mama. Sobra akong na guilty sa kinalabasan sa pag papaimbestiga ko.”
Ang umiiyak na nitong sabi. Unang beses ko palang makakita ng isang lalaking umiiyak, sobra akong naawa sa kanya.
Lumingon ako kay Rome at nakita ko sa mga mata nito na nabawasan kahit papaano ang hinanakit nya sa ama nya. Bigla itong tumayo sa kanyang kinauupuan at mabilis na lumabas ng bahay. Agad ko naman itong sinundan at Nakita ko syang nakaupo sa may swing. Naramdaman nya ang pag lapit ko.
“Bakit hindi ko pa rin sya lubusang mapatawad sa kabila ng lahat ng mga sinabi nya?”
Hindi ako nakapag salita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya sa halip na mag bitaw ako ng salita ay hinagod ko nalang ang likod nya.
“Alam mo ba, nung una kung makilala ang parents mo sobra akong na inggit sayo. Kasi you have your Daddy to support you.” Hinayaan ko muna syang ilabas lahat ng hinanakit nya.
“Alam mo ba, naisip ko paano kaya kung hindi umalis ng bansa si Daddy? Paano kaya kung nakita nya ang pag laki ko? Mararamdaman ko rin kaya ang naramdaman mo habang kasama mo ang Daddy mo?” Ramdam ko ang pangungulila sa mga sinabi nya.
“Diba matagal mo nang hinihintay ang pag kakataong ito? Why don’t you give him a chance na gampanan nya ang role nya as your father? Ang daming taon nyo nang nasayang na sana mag kasama kayo bakit mo pa dadagdagan. Why do you have to prolong your agony? Wag mong hintayin na huli na ang lahat.” Hindi ko maiwasang mag komento.
Napatahimik ito matapos kung mag salita.
“Mahal mo ba ang Daddy mo?” ang deretso kung tanong sa kanya.
“Mahal na mahal..” halos pabolong nitong sabi sa akin.
“Oh bakit para kang nahihiya pero kung sakin mo yan sinasabi noon halos ipangalandakan mo pa.” ang nakangisi kong sabi sa kanya.
Napatahimik ko ulit si Rome. Naka two points ako ngayon kay gago! Sabi ng loko kung isip.
“Oh anu pa ang hinihintay mo pasko? Tumayo kana dyan at kausapin mo na ang Daddy mo!”
Atubili paring tumayo Rome.
“Ah ganun ayaw mo paring tumayo? Pag di ka tumayo dyan kalimutan mo na kontrata natin uuwi nalang ako.” pananakot ko sa kanya at akmang tatalikod na ako sa kanya ng pigilan nya ako at sabay sabing.
“Ito na nga tatayo na dapat talaga na nanakot ka?” ang asar nyang sabi sa akin.
Napangiti nalang ako sa reaction ni Rome.
Tumayo na ito at nag lakad pabalik sa loob ng bahay. Huminto muna ito sa harapan ng pintuan at huminga ng malalim bago pinihit ang seradura. Abat! Iniwan ako bigla! Sabi ko sa aking sarili.
Agad naman akong sumunod sa kanya pabalik sa loob. Pag pasok ko parang tuod sa pag kakatayo si Rome. Siniko ko ito at binigyan ng masamang tingin. Agad naman natauhan.
“i-Im sorry dad.” Ang nauutal nyang sabi.
Agad na nag liwanag ang mga Mukha ng Mommy at Daddy nya pati ako ay nakaramdam ng ginhawa ng marinig ko ang sinabi ni nya. Dahil sa sinabi ni Rome ay hangos na napatakbo ang Daddy ni Rome papunta sa kanya at napayakap dito.
“im sorry dad.” Ang ulit nitong pag hingi ng tawad at di na nito napigilan ang sarili na mapayakap rin sa kanyang ama.
“Im sorry din anak babawi ako sayo pati na rin sa Mommy mo.” At hindi napigilan ng Daddy nya ang mapaluha sa sobrang kaligayahan nito.
“I miss you dad sobra.”
“ I miss you more anak. Ang laki mo na at mas gumwapo kapa.” Wika ng Daddy nya habang humihikbi.
“Kay tagal kung hinintay ang pag kakataon na ito anak ang mayakap kang muli.”
Nanunuod lang ako sa drama nilang dalawa. May ngiti sa aking labi dahil alam kung Masaya ngayon si Rome at kompleto na ang kanyang pamilya. Who would have thought na ang simpleng dinner na magaganap sa bahay nila ay magiging ganito ka drama.
“Lalamig na ang pagkain, kumain na muna tayo.” Ang pag putol ng Mommy nya sa eksena sabay pahid ng kanyang mga luha. “Mamaya nyo na ituloy yang ka dramahan nyung mag ama.”
“Sus eh kung maka iyak ka nga walastik lang.” Pang aasar ni Rome sa Mommy nya.
Natawa kami sa huling sinabi ni Rome. At hayun nga nag simula na kaming lumamon.
“Ipakilala mo naman ako sa kasama mo anak.” Ang pag lalambing ng Daddy nya.
“Ay Oo nga pala. Dad This is Ace my future wife.” At ngumiti ito ng sobrang tamis sa akin.
Ramdam ko ang pag init ng mga pisngi ko sa sinabi ni Rome.
“Nice to meet you iho. Welcome to the family.” Ang nakangiti nyang sabi sa akin.
“P-po? wag po kayong maniniwala dyan sa anak nyo.” Ang naisagot ko sa sobrang hiya.
“You don’t have to worry. Sa tinagal tagal ng panahon na di ko nakasama si Rome ngayon ko lang sya nakitang ganyan ka saya at ayaw kung maging hadlang sa sayang nararamdaman nya.” At tumingin kay Rome at kumindat.
“I-deny ba ako.” sabi naman ni Rome sa akin at nag sad face.
“Kung anu anu kasi pinag sasabi mo.” Ang nahihiya ko pa ring sabi.
“Tigilan nyo na muna yang pang gigisa nyo sa future wife ni Rome.” Sabi ng Mommy nya at ngumiti ito sa akin.
Panay naman ang kwentohan ng mag ama. Minsan sumasabat naman ang Mommy ni Rome habang ako naman ay tahimik nakikinig sa kanilang usapan. Para syang bata kung umasta sa harap ng Daddy nya habang pinag uusapan nila ang huli nilang pag bobonding mag ama.
“Ace iho bakit tahimik ka?” Pag pansin ng Daddy ni Rome sa pananahimik ko. “Mag kwento ka naman sa akin ng tungkol sayo para naman makilala ko ang future wife ng anak ko.” Sa kanya pala namana ni Rome ang dimples nya pati ang mata at ang ilong sabi ko sa aking sarili ng makita ko ang ngiti ng ama ni Rome.
“Po?” Di ko pa rin maiwasang hindi mahiya.
“Wag kanang mahiya iho sabi ko naman sayo tanggap namin ng asawa ko ang relasyon nyo.” Sabi ng Daddy ni Rome.
“Naku po wala pa kaming relasyon. Sa ngayon magkaibigan parin kami.” ang defensive kung sagot.
“Don din naman ang punta nun.” Ang sabi naman ng Mommy ni Rome.
“Tama ka dyan Mommy kasi nakontrata na sya sa akin.” Sabay ngisi. Pakingshet naman oh! Baka pati ang ginawa naming kontrata na kwento na nitong lokong to sa Mommy nya.
“Ace iho, pwedi mo bang ma kwento sa akin kung panu kayo nag kakilala ng anak ko? Gusto ko kasing malaman lahat ng detalye nung nawala ako.” sabi ng Daddy ni Rome.
“Oo nga naman iho gusto ko ring malaman kung panu kayo nag kakilala ng anak ko.” Ang sabat naman ng Mommy nya.
Sa umipasa ay nahihiya pa akong mag kwento sa kanila. Ngunit dahil sa nakikita kung eagerness nilang malaman kung paano kami nag kakilala ng anak nila ay napilitan akong sabihin lahat. Na ikwento ko rin sa kanila ang barkada namin pati ang pag punta namin ng Kuting at Cebu. Habang nag kwekwento sa akin nakatingin si Rome. Minsan sumasabat ito kung may mga detalye akong nakalimutan o pilit na hindi sinasama sa kwento tulad ng pag tatapat nya sa akin nung nasa Cebu kami. Natatawa naman ang mga magulang nya kung sinisita o pinipigilan ko si Rome.
“Im very grateful na lumaking matino ang anak ko kahit wala ako para gabayan sya. Nagawa nya pa ring maging isang mabuting tao at makapag tapos pag aaral. Proud na proud din ako sa asawa ko sa pag gabay nya kay Rome.” Sabay hawak nya sa kamay ng kanyang asawa.
“Ace…” Ang sabi ng Daddy ni Rome.
Itutuloy:
4 comments:
syet umiyak ako dito zekiel... galing mo!
akala ko may maghihiwalay! sheeeettttttttt.......galing naman! thumbs up sau zek!
hahaha.. mali ang hula ko. siguro magkakilala lang mga magulang nila. ganda ng storya. s sobrang nagandahan ako, diko na pinapansin yung nega. tulad ng 10am nagising. tas dumating s ate claire nya n 10am parin dumating. hehe.
nali nmn ang hula ko. siguro magkakilala mga parents nila.
Post a Comment