Ito na po ang sunod na storya ng The Right Time sana magustohan nyo at sana hindi nyo makalimutang mag comment dahil ang mga comments nyo ang nagbibigay saya at gana sa akin para ipagpatuloy ang paggawa ng storya.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Nagising ako sa lakas na tunog ng alarm clock ko. Sakit parin ng ulo ko kung hindi sana napasarap ang inuman namin kagabi ng barkada hindi ko sana nararamdaman to ngayon. Pilit akong tumayo para maligo kailangan kasi naming puntahan ngayon si Rome para mamaya. Iyon ang surpresa namin kay Ace. Kahit masakit para sa akin kailangan kong gawin dahil nangako ako kay Ace na hindi ako hahadlang sa relasyon nila.
Ramdam ko ang bigat ng aking damdamin. Sobra akong nagsisisi kung sana nasabi ko kay Ace ang tunay kong nararamdaman noon pa ako sana ngayon ang taong mahal nya. Pero huli na sa akin ang lahat ang magagawa ko nalang ay tulungan si Rome para tuluyang maging masaya ang taong mahal ko.
Pagkalabas ko ng banyo. Agad akong nakatangap ng tawag mula kay Tonet.
“Oh bakit?” wala kong ganang sagot sa kanya.
“Buti naman at gising kana. Kala ko uulanin pa kita ng tawag bago mo sagutin. Ready kana?” Masigla nitong sabi.
“Magbibihis nalang. San tayo magkikita-kita?”
“Sa bahay nalang nila Rome.” Sagot naman nito. “Red.” ang wika pa nito.
“oh bakit?”
“Alam ko ang pinag dadaanan mo ngayon. Are you sure na gusto mo itong gawin?” ramdam ko ang pag aalala sa boses nya.
“Yeah, para kay Ace.” Malungkot kong sagot.
“Pwedi naman kami nalang ang pumunta kay Rome para kausapin sya eh.”
“Hindi, sasama ako.” gamit ang siguradong tono.
“Ikaw ang bahala Red. Pinapahirapan mo lang lalo ang sarili mo.”
“Hayaan mo na ako Tonet ito ang gusto kong gawin. Kita nalang tayo sa bahay nila Rome mga 10am.” Sagot ko sa kanya sabay pindot ng end call
Ito ba talaga ang gusto ko ang pahirapan ang sarili ko? Hindi ko mapigilang maitanong sa sarili ko. Kaya ko namang agawin si Ace kay Rome ngayon pat nagkakalaboan sila pero bakit hindi ko magawa? Sobra akong naguguluhan dahil first time kong makaramdam ng ganito. Fist time ko ding ma busted at sa kapwa ko pa lalaki. Muli, napabuntong hinginga ako.
Agad kong tinungo ang cabinet para kumuha ng damit at walking short. Ganun lang naman ako pumorma kahit nung nasa manila pa ako. Mas comportable ako pag ganun ang suot ko.
“Good morning ma.” Ang bati ko sa aking ina.
“Good morning. San punta mo?”
“Sa bahay nila Rome may aasikasuhin lang.”
“Alas 4 kana umuwi tapos ngayon lalakad kananaman? Di ba mamaya na ang opening ng business nyo?”
“Yep mamaya na nga. Kaya ko nga pupuntahan si Rome eh. Sige ma alis na ako.” At binigyan ko sya ng halik sa pisngi sabay tinungo ang garahe para kunin ang motor ko.
“Mag iingat ka.” ang narinig ko pa nitong sabi.
Agad ko namang pinaharorot ang motor ko at tinungo ang daan papunta sa village nila Rome. Katabing village lang namin ang village nila. Habang nasa daan iniisip ko parin kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos nito. Malamang magkakabati na ulit ang dalawa at mawawala nanaman ulit ako sa buhay ni Ace. Pero pilit ko nalang binaliwala ang mga yon ang importante masaya na ulit ang mahal ko.
Dumating ako sa kanila at kita ko na nakapark na ang sasakyan ni Tonet sa labas. Agad ko namang pinark ang motor ko at tinungo ang door bell nila. Pinag buksan naman ako nang katulong at sinabing nasa kusina ang barkada nag aalmusal daw.
“Oh dito na pala si Red.” Ang magiliw na sabi ni Angela. Ang babaeng ubod ng dal-dal.
“Kamusta na pare?” tanong sakin ni Rome. Kita ko sa mata nya ang pag aalangan sa akin siguro dahil sa mga sinabi ni Tonet nung gabing mag walkout si Ace.
“Lika almusal muna tayo. Bago natin pagusapan ang plano mamaya.” Dagdag pa nitong sabi.
“Sige, tapos na ako.” Hindi ko man pinapakita pero naiingit ako kay Rome. Bakit sya pa ang pinili ni Ace. Ano ba ang meron sya na wala ako.
“Hay naku Red alam kong di kapa nag aalmusal kaya wag kana umarteng di ka gutom.” Sabat ni Tonet.
“Oo nga naman tol. Pag uusapan pa natin ang plano para sa pagkidnap kay Ace just incase hindi gumana ang plano ni pareng Rome.” Wika ni Carlo. Napakunot ako nang noo sa narinig.
“Kidnap? Bakit sya kikidnapin?” Ang naguguluhan kong tanong sa kanila.
“Umupo ka kasi muna dito para mapagusapan natin. Ang dami mong tanong!” Singit ulit ng bungangerang si Angela. Kaya siguro hindi ko nagustohan tong babaeng to kahit maganda kasi ang bunganga parang machine gun.
Wala na akong nagawa ayaw ko mang magalmusal dahil hindi talaga ako sanay na nag aalmusal umupo nalang ako. Gusto kong malaman kong ano ang binabalak nila kay Ace.
“Suggestion ko yon kay Rome.” Pag uumpisa ni Tonet ipaliwanag sa akin. “Alam naman natin na may pagka maarte si Ace diba?” Tango lang ang naisagot ko dahil totoo naman na may pagkapakipot si Ace. “So may possibility na magpapakipot si Ace. Kaya sinabi ko kay Rome na pag nang yari yon. Kidnapin nalang si Ace at dalhin sa Isla nila Carlo.” Mahabang paliwanag nito
“Baka magalit yon sa atin.” Ang simpleng pagtotol ko. Hindi ko gusto ang idea pano kung matulad ng nangyari sa amin ni Ace sa kwarto nya pagsinolo sya ni Rome. Alam kong may pagkamahilig din itong lokong to.
“Hindi yan ako ang bahala. Mas maganda yon para hindi maka takas si Ace kay Rome at para na din magkaron sila ng privacy na makapag usap.”
“At para makapag sapakan sila nang walang nakakakita.” Singit nanaman ni Angela sabay tawa nito nang nakakaloko.
“Sigurado ba kayo na handa na syang kausapin ako?” Nag aalalang tanong ni Rome. Hindi ako sumagot hinayaan ko na iba ang sumagot sa tanong nya dahil gusto sumagot ako ako lang din ang masasaktan dahil alam ko namang “Oo” ang isasagot ko.
“Napatawad na nya si Chad. Alam kong mapapatawad ka na rin nya Rome.” Ang sagot ni Mina. Napa tango nalang si Rome.
“So here’s the plan. Di ka muna mag papakita agad kay Ace. Papasabikin natin sya sayo para mas lumalim ang pagnanasa nya na makita ka. Tapos may special number kang gagawin diba yon ang plano mo?” Tango lang ulit ang sagot ni Rome. Habang ako naman ay nakikinig lang sa ginagawa nilang plano. “Don kana sa special number mo magpapakita.” Pag tatapos ni Tonet.
“Pano kung hindi umepek yon?” tanong naman ni Angela.
“Don na natin gagawin ang plan B. Pag hindi pa talaga nakipag usap sayo si Ace lalagyan natin ng pampatulog ang iinumin nya tapos dalhin mo sya sa resort nila Carlo.” Sabay ngisi nito. Bilib talaga ako dito kay Tonet sobrang galing mag plano.
“Eh pano naman ang Bangka.” Si Mina.
“Don’t worry kami na ang bahala ng baby ko dyan.” Sabay kindat sa amin.
Kita ko naman ang excitement sa mga mata ni Rome. Kung ako man ang nasa katayuan nya maeexcite din ako dahil makakasama ko ang taong mahal ko sa isang lugar na kami lang. Swerte talaga. Pabolong kong sabi.
“Ano yon Red may sinasabi ka?” lakas pala nang pandinig nitong bungangerang to.
“Huh!? Sinasabi wala naman gutom lang yan.” Pagaalaska ko sa kanya.
Natapos ang meeting namin sa bahay nila Rome halos malapit nang mag lunch kaya doon nalang din kami kumain pagkatapos ay agad kaming umalis. Nasabi na din namin kung anong oras sya pupunta. Bago kami nakalabas nang bahay nila muling pinaalala sa kanya ni Tonet na dapat di sya makita ni Ace.
“Next stop sa bahay nila Ace. Bulabugin natin para patas.” Sabi ni Tonet sabay tawa ng nakakaloka.
“Bakit pa kailangan tayo pumunta don?” Tanong ko dito.
“Para pagusapan kong sinu ang hahawak ng bar.” simpleng sagot nito bago sumakay sa kotse.
“Convoy nalang tayo pare.” Sabi naman ni Carlo sabay start ng makina. Tango nalang ang sinagot ko sa kanya.
Tinahak na nga namin ang papunta sa bahay nila Ace. Alam ko sa mga oras na ito tulog na tulog pa si loko. Muli bumalik nanaman sa akin ang nang yari nung gabing naglasing sya sa isang bar.
“What’s your problem?” ang may diin kong sabi sa kanya.
Kita ko sa mga na nabigla sya dahil siguro hindi nya ine-expect na nandoon din ako sa bar.
“Wala naman.” Ang sagot nya sa akin. Agad akong nakaramdam ng matinding awa kay Ace.
“Bakit hindi mo ako pagkatiwalaan.” Ang agad kong sumbat sa kanya. Dahil nadudurog din ang puso ko pagnakikita ko syang mesirable.
“May magagawa kaba kapag sinabi ko?” Nasaktan ako sa sinabi nya. Dahil totoo anu nga ba ang magagawa ko para matulungan sya.
“Siguro nga wala pero alam kong makakatulong ako in some ways.” Di ko alam kong bakit yon ang nasabi ko para kasing inconsistent ako.
“Hindi mo ako matutulungan.” Sabay lagok nito ng alak.
“Paano ka nakakasiguro?” Alam kong makulit na ang dating ko pero hindi ko kaya na hayaan nalang sya.
Sa halip na sumagot sya sa akin ay um-order pa sya nang alak na at akmang lalagukin nanaman nya ito ng pinigilan ko sya at inagaw ang baso sa kanya.
“Anu ba Red!” alang kong nainis sya sa ginawa ko. “Ibalik mo nga sa akin iyan!”
Pero hindi ako nagpapigil sa kanya.
“NO! Uuwi na tayo.” May himig nang naguutos kong sabi sa kanya.
Hindi sya gumalaw kaya naman tumaas na talaga ang dugo ko at nasigawan sya.
“I said we’re going home!” bigla ko syang hinablot na dahilan para mapatayo sya agad kong binayaran ang mga ininum nya at kinalad kad ko sya papasok sa kotshe nya.
Tuwing maalala ko ang panahon na naging ganun si Ace bumabalik ang sakit sa puso ko. Ang hindi ko maiwasang magsisi dahil sa kaduwagan ko nawala ang taong totoo kong minahal. Sana ako nalang ang minahal nya para hindi na sya na saktan ng ganun.
Hindi ko namalayan na lumampas pala ako sa bahay nila Rome dahil sa pagiisip.
“Pare! Bakit ka lumampas?” ang natatawang sita sa akin ni Carlo.
“Ah.. eh.. wala trip ko lang” pag aalibi ko. Pero agad na binara ni Angela.
“lumilipad nanaman ang isip.”
Imbes na sagutin ang patama nya ay agad kong tinungo ang gate nila Ace para mag door bell. Pinagbuksan naman kami ng katulong nila at pinapasok.
“Hello guys ang aga nyo naman ata. Kala ko ba mamayang gabi pa ang opening nyo.” Ang bati sa amin ng Daddy ni Ace. Sobrang bait talaga ng parents nya at sobrang cool pa.
“Hello din po tito. Si Ace po?” Si tonet na ginamit nanaman ang charm nito.
“Naku tulog pa iha, Alas 4 na daw kasi kayo natapos maginuman kanina. Kung gusto nyo gisingin nyo nalang.” Ang nakangiti nitong sabi.
“Sige po tito maya maya nalang po.” Ang singit ko naman. Ayaw kong gisingin nila si Ace alam kong pagud pa yon. Bigla namang napaangat ng kilay si Tonet sa akin.
“Kayo ang bahala. So pano maiwan ko muna kayo kailangan ko pang magpunta sa opisina para i-cancel ang mga meetings namin ng tita mo. Narinig kasi naming kakanta si Ace mamaya sa opening nyo.”
“Sige po. Ingat po kayo.” Ang halos sabay sabay namin sabi.
Nang makaalis na nga ang Daddy ni Ace ay sinimulan na namin ang usapan tungkol sa hahawak ng bar. Si Mina at Angela ay hindi pwedi dahil malapit na silang umalis para mag review. Pareho kasi silang Nursing graduate. Si Tonet naman daw ay hindi pwedi sa kadahilanang sya ang nag mamanage nang family business nila. Lalo naman si Carlo na wala na atang gustong gawin kung hindi dumikit kay Tonet. Pinipilit nila na ako nalang daw ang humawak since wala naman akong masyadong gagawin pero ayaw ko dahil natatakot ako na baka malugi lang ito at ako pa ang masisisi.
Nasaganun kaming usapan nang biglang bumaba si Ace na nakakunot ang noo.
“Mabuti naman at gising kana.” Agad na sabi ni Tonet.
Kita ko naman na biglang nagbago ang tila inis na expression nito nang makita kami. Lakas talaga ng tama ko kay Ace napakaamo talaga nang mukha nito. Hindi ko ito naramdaman sa mga babaeng nakarelasyon ko. Kakaiba talaga si Ace.
Sinabi naman ni Tonet ang dahilan kung bakit kami nan doon. Sinabi rin nito na tumatangi ako sa desisyon nila na ako ang humawak sa bar. Halos mapahagalpak naman ako sa tawa dahil tila iniinis ni Ace si Tonet. Ang kulit! Ang nasabi ko nalang habang nakangitin sa kanya at nakangisi. Muntik pang ma dulas si Tonet sa plano namin mabuti nalang at sinaway ito ni Carlo. Pero nahalata parin nya.
“May tinatago ba kayo sa akin? Sabihin nyo na at baka di ako pumunta mamaya sa opening” may pananakot nitong sabi.
“Wala noh!” defensive kong sagot dahil kung magkataon papalpak kami.
Tumingin naman ito sa akin na may pananakot sa mga mata nito. Agad naman ako natakot kasi baka mapilit nya akong magsabi ng totoo kaya agad akong sumagot.
“Promise!”
“Talaga lang ha? So bakit ayaw mo na ikaw ang mag manage nang bar natin?”
“Natatakot kasi ako. Baka malugi pag ako ang humawak, ako pa masisi nyo.” Depensa ko naman sa sarili ko.
Napangisi sya na agad akong kinabahan dahil alam kong may binabalak ito. Lumapit sya sa akin at binulungan ako. “Ikaw na ang mag manage. Pag ikaw ang nagmanage may gift ako sa’yo.”
Agad akong namula dahil naramdaman ko nanaman ang init ng kanyang hininga para makalusot agad akong nag salita. “Walang ganyanan naman! Lugi ako dyan eh!” hindi ko alam kong bakit ganun ang lumabas sa bibig ko. Napatawa naman silang lahat.
At yon na nga wala na akong nagawa dahil hindi ko talaga kayang tumanggi pag si Ace ang humihingi ng pabor. Matapos ang usapan ay agad naming linisan ang lugar para makapag handa na kami dahil kailangan pa naming tawagan ang mga taong close sa amin para sa opening mamaya at kailangan ko pang ihanda ang mga gagamitin namin para sa pagtugtog.
Itutuloy:
15 comments:
wooohoooo!!!
at ito na ang RIGHT TIME ng mga MARTYR!!!
LOLS!
ewan ba't mas excited ako sa takbo ng kuwento ngayon.. ngayong si RED na ang bida! kasi tiyak mas complicated at mas exciting ang mga susunod na kabanata... pa'no, martyr eh.. kaya magiging masalimuot ito! hahahaha..
wish ko lang sana may parts pa rin erpat at ermat ni supah ace.. at di mawala yung pangaalaska nila! bwahahaha >:D
-nakakarelate kay RED... rover :D
Hmm... ayos naman Z. :) So far kasi, wala pa namang nangyayari na hindi pa namin alam. Pero ngayon, sa POV ni Red na namin to nababasa.
Nga pala sir, nagkamali ka na ng pangalan na nilagay sa part na to:
"Hindi ko namalayan na lumampas pala ako sa bahay nila Rome dahil sa pagiisip."
Bahay po ni Ace dapat hehe. :D
At mukhang si Dorwin na nga talaga ang makakatuluyan ni Red. (Bat hindi na lang ako? Hahaha!) Next part na kasi yung opening night kung san sila magkakakilala e.
Hintay ko na lang po yung next part Z :D
wow....so malalaman na dito ang real score about red? exciting naman....lalo na siguradong may part ang pinsan ni ace sa buhay ni red....pano kaya nya na divert ang feelings nya?
ay hanep yan, backtrack pla peo side na ni red... haha! so far wla pa naman aqng nkktang event na mgttrigger ng violent reaction (toikz!)
peo kakalungkot ung ganyan...hay, martir kung martir, mauntog ka sna! lol
wahahaha ang sama mo talaga Rue.. pero salamat sa comment.. okey lang ba sayo ang idea na backtrack muna tayo ng konte :D mga 2 chapters lang naman LOL
ok na ok lng skn, just as long as ndi ung side nung pari ang nkalagay lol
hahaha pilosopo ka rin eh noh? hahaha salamat sa comment sana ang iba mag comment din T_T
waaaaaah! anu nangyari. ang alam ko nagcomment na ko kagabi e huhuhu! andami ko pa naman sinabi. :( di ko na maalala kainis. >_< haist.
hintayin ko na lang yung next chapter sir. :( pramis siguraduhin ko na mapost comment ko, asar kasi talaga.
parang midnight sun lang ha.
ibang perspective but i like it....
malay natin gawing twist ni kuya si rome at red ang magkatuluyan hahahaha
hahahaha
parang The Right Time lang....
aabangan ko na lang ang next chapter
nakulangan ako sa chapter 1, iba kc ang ini-expect ko na mangyayari sa chapter 1 ng After All...
good luck Ziljian....
I feel so much pity for Red. If only he had said his feelings to Supah Ace sooner. (Yeah... I'll still call him Supah Ace.. hahaha!)
With this story, It's like I really feel that Red is more deserving. He didn't hurt Supah Ace in any way in fact, he helped Supah Ace and what he did for Supah Ace was really magnanimous. It's like you're showing happiness from the outside but in the inside, it hurts.
I really feel for Red. Though at the last part of "The Right Time", I really don't feel that the cousin of Supah Ace is really right for him. In fact, I think Red will never let go of what he found special in Supah Ace like his attitudes, actions, etc... which made him unique or 'extraordinary' in the good sense.
Though this is a like a flashback though told by another character, it really gives new meaning when you look back. It gives an importance to the actions done by Red.
Go Red!
Sometimes, you must be assertive and fight for what you think would make you happy rather than regret not fighting for it and then end up analyzing the situation over and over and thinking that you should have fought for your happiness.
Red + Supah Ace = right choice.
Go! lang ng Go! Kuya Zildjian!
Can't wait for the next chapter! :))
- Jay! :)
ang haba naman jay!:) hahaha thank you sa comment alast nag comment kana din. By the way posted na ang chapter 2 :) ingatz
"Kung Ako Na Lang Sana" ang theme ng chapter na ito ha? :) Nawalan ng internet kinuha ko pa sa utol ko broadband dongle ko sabay saksak ng sim sa phone lol. Ninakawan nanaman pala ng cable ang PLDT ng mga squats. :)
hahaha naaalala ko tuloy ang TRT...weeew! ganada :)
ohh...so eto pla ang story ni Red!haha...nice,,,i just finished reading The Right Time and it was soooo nice!^^
buti nakita q toh..hehe
-monty
Post a Comment