Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Okay! Sa wakas natapos ko rin ang Chapter na ito. Ma-enjoy niyo sana siya guys at ang mga susunod pang chapter ng kwentong ito.
Salamat rin pala sa mga taong nag-iwan ng komento sa chapter 22 ko! Dumarami na ulit kayo mga paps at ikinatutuwa ko `yon! Keep it up!
Bobby Evasco (Kunyari siya si Eros), Reymond Lee, Russ (Ever supportive), Migz (Isa rin na hindi ako binibitawan), Beucharist (Simula umpisa reader ko na to!) Ivarro Man-Eater (Kumakain ka talaga ng tao? hihi) Cryrill Delatorre, Tzekai, BruneIyuki214 (I lab u 2!), Jco, Ryge Stan, JayJay (SupahMinion), ManilaActor, Luilao, Racs, Pancookie (Move On!), Jayvin, Makboy (Heyow pow!), Chie, BaguioWithLove, MigiL, Monty, Jec, Allen RN, TheLegazpiCity, Roan (You’re back!!), DeeJay21 (Welcome Aboard!), Mhimhiko, RobertMendoza, and Santi.
Pati na rin sa mga Anonymous at Silent Readers! Maraming salamat guys!
Special mention kay Jason Umali! Salamat sa suporta! Kaway!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Eros
Tatlong
sunod-sunod na katok ang ginawa ni Eros sa pintuan ng tinutuluyang hotel ng
kanyang kaibigang si Russel. Hindi nito alam na pupuntahan niya ito ngayon kaya
naman hindi na kataka-taka nang mangunot ang noo nito nang pagbuksan siya.
“Wala `ata akong maalala na may usapan tayo ngayong araw?”
Wika nito saka linuwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Iyon na siguro ang paraan
nito ng pagsasabing ‘Pasok ka.’
“Kailangan ko ng kausap.” Walang paligoy-ligoy naman niyang
tugon saka niya ito linampasan. “Ang kalat naman dito.” Dagdag pa niya nang
mapansin ang nagkalat na bote ng beer at mga damit nito sa kung saan-saan.
Kahit kailan talaga napakaburara nitong kaibigan niyang ito.
Russel just shrug in response saka nito tinungo ang coffee
maker. Mukhang kagigising lang nito. Kung sabagay, matakaw talaga itong matulog
kapag nagkakaroon ng pagkakataon.
“Asan ang boyfriend mong basagulero?” Tanong nito nang muli
itong humarap sa kanya.
Doon lang niya napansin na wala itong suot na pangitaas. At
ayaw man niyang aminin, isa rin itong kaibigan niya sa mga taong biniyayaan ng
magandang katawan at hitsura. No wonder na ayaw na itong pakawalan ng mga
nakakarelasyon nito.
“Huwag mong pagnasaan ang katawan ko, Eros Drake. Wala akong
balak na sumunod na mabugbog ng boyfriend mo.”
Binato niya ito ng napulot niyang damit nito na nasa may
coach.
“Isang katawan lang ang pinagnanasaan ko kaya wag kang
ambisyoso.”
Ngumisi lang ito ng nang-aasar bilang pagtugon. Saka isinuot
ang damit na ibinato niya rito.
“So ano ang pinag-awayan ninyo ng jowa mo?”
Nangunot ang noo niya. Wala pa nga siyang sinasabi pero
nalaman na agad nito ang nangyaring tampuhan sa pagitan nila ni Brian. Mukhang
madali nga talaga siyang basahin.
“Nakita at nakausap namin kanina sa mall si Abigail.”
Pagsisimula niya.
“Abigail? `Yong high school sweetheart niya na inahas ng
pinsan niyang matalas ang dila?”
Tumango siya bilang pagkumperma.
“So ano’ng nangyari? Huwag mong sabihin na biglang
na-realize ng boyfriend mo na mahal pa pala niya ang babaeng `yon kaya kayo
nag-away.”
“Kabaliktaran sa sinabi mo ang nangyari, Russ.”
Nagsalubong ang kilay nito halatang hindi siya naintindihan.
“He treated Abigail with so much arrogance lalo na nang
ipagsigawan nitong babawiin siya nito sa akin kaya napagsabihan ko siya. Ginawa
ko lang naman `yon dahil naawa ako kay Abigail at ayaw ko rin na masyado siyang
ma-consume ng galit niya. Nakita mo naman ang nangyari sa bar di ba? Pero
hayon, nagtampo siya sa akin. Hindi ko man lang daw ma-appreciate ang ginagawa
niyang pagtatanggol sa kung ano ang meron kami.” Pagkukuwento niya.
“Kung ako nga ang nasa katayuan niya, talagang magtatampo
ako sa kaartehan mo.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin.
“Hindi ako nag-iinarte.”
“Then bakit mo siya kailangan kondenahin sa ipinakita niyang
ka-arogantehan sa babaeng `yon? Hindi ba dapat nga matuwa ka pa?”
“Dahil pwede naman niyang kausapin si Abigail na hindi niya
kailangang magpaka-arogante.”
“Alam mo, minsan talaga hindi ko na alam kung dapat pa bang
tawaging isang napagandang katangian iyang kabaitan mo sa katawan.
Ipinagsigawan na nga ng babaeng `yon na aagawin niya sa’yo si Brian, nagawa mo
pa siyang depensahan. Kulang pa ba ang mga pinagdaanan mo noon para malaman mo
na sa mundong ito, walang mangyayari sa’yo kung puro kabaitan lang ang
paiiralin mo?”
Alam niyang may pinaghuhugutan itong kaibigan niya sa mga
sinabi nito. Dahil tulad niya, hindi rin naging madali ang buhay nito.
“Kailan mo matutohan ang lumaban? Kung mawala na sa’yo ang
bagay na pinahahalagahan mo?” Dagdag pa nito.
“Alam mong hindi ko papayagang mangyari `yan.”
“Brian is doing everything to protect you from people na
walang ibang gusto kung hindi ang sirain ang meron kayo despite sa katotohanang
bago sa kanya ang lahat. The least you can do is to be strong at suportahan
siya sa laban. Bawal ang mahina ang loob sa uri ng buhay na pinili natin, Eros.
Hindi iyon nakakatulong.”
“Ayaw ko lang naman na may mga nasasaktang tao sa paligid
ko, Russ.” Depensa niya sa sarili.
Napapatalak ito.
“Think Eros. Ang mga taong `yon ay handang gawin ang lahat
para makapanakit hindi lang sa’yo kung hindi pati na rin sa taong mahal mo. They
will even use that kindness you have against the two of you. Huwag mo silang
bigyan ng pagkakataon. Mas lalo mo lang ginagawang komplikado para kay Brian
ang lahat dahil diyan sa pagiging mahina ng loob mo.”
Ginising siya sa mga sinabing iyon ng kaibigan lalo na ang
huling binitiwan nitong mga salita. Tama ito, mahina ang loob niya. Paano,
hindi naman kasi siya sanay sa ganito kakomplikadong mundo. But he needs to
blend in tutal ginusto niya naman ito. Kailangan niyang magpakatatag hindi
lamang para sa sarili kung hindi para na rin sa taong mahal niya lalo pa’t
nariyan ang mga taong gustong pabagsakin ito.
“Ano pa ang tinutunganga mo riyan? Puntahan mo na siya.”
Untag nito sa kanya.
“H-Ha? Eh, nagtatampo nga sa akin, eh.”
“Eh, di suyuin mo. Kung magmatigas, luhuran mo.”
“Ang bastos mo!” Namumula niyang sabi.
“Sus! Kunawari ka pa.” Nang-aasar nitong balik.
“Huwag mo nga akong igaya sa’yo!”
Sa `di malamang dahilan ay bigla na lang itong lumapit sa
kanya at hinapit siya sa bewang.
“Igaya sa akin na ano?” Wika nito sa nang-aakit na boses na
nilakipan pa nito ng isang nakakatunaw na tingin na dahilan para maitulak niya
ito ng may kalakasan. Hindi naman kasi siya santo para hindi ma-attract sa
kaibigan niyang ito.
“Stop teasing me! Isusumbong kita kay Brian!”
Pinuno ng halakhak nito ang kabuohan ang penthouse na iyon.
“Tama nga ako. Attracted ka sa kaguwapohan ko at sa napakaganda
kong katawan.”
“Asa ka! Makaalis na nga!” At nagmartsa na nga siya papunta
sa pintuan pero bago pa siya tuluyang makalabas ay narinig pa niya ang
pagbulong nito.
“Sa akin ka sana napunta kong ako ang una mong nakilala.”
“Ano kamo?” Alam na niya matagal na ang totoong damdamin
nito para sa kanya pero alam din niyang wala itong aasahan sa kanya kaya pinili
niyang magkunwaring walang kaalam-alam tulad na lang ngayon. Para sa kanya mas
mabuti na `yon dahil hindi niya maatim na sabihin dito ng harapan na wala itong
aasahan sa kanya.
“Wala! Ang sabi ko, galingan mo ang panunuyo sa irog mo.”
Nakangiti nitong sabi pilit ikinukubli ang totoo nitong nararamdaman.
‘Pasasaan ba’t
makakakita ka rin ng taong kayang maibalik ang nararamdaman mo, Russ.’ Wika
niya sa kanyang isipan saka ito nginitian.
“Salamat. By the way, sama ka sa amin bukas.”
“Saan?”
“Sa isang resort. Christmas party ng mga kaibigan ni Brian.”
“Dito na lang ako. Panigurado namang hindi rin kita
makakausap kahit naroon ka rin dahil hindi ka hihiwalayan ng boyfriend mong
possesive. Matutuyuan lang ako ng laway doon.” Pagtanggi nito.
“Wala akong maalalang binigyan kita ng karapatang tumanggi.
Tsaka, don’t worry mukha namang maganda ang naging resulta ng pagdaldal mo kay
Brian sa totoong nangyari sa atin Maynila. Mukhang kahit papaano ay naging
komportable na siya sa’yo.”
Napasimangot ito at sa puntong iyon alam na niyang napapayag
na niya ito.
Hindi muna dumeretso si Eros sa bahay nina Brian. Sa halip,
ay umuwi siya sa kanila para kumuha ng damit at para magpaalam. Naisipan niya
kasing doon ulit makitulog sa bahay ng irog niya. Panigurado kasing matutuwa
ito sa ganoong ideya dahil gustong-gusto nito na doon siya natutulog.
Matapos makakuha ng damit ay sunod naman niyang pinuntahan
ang kanyang ina na sa mga oras na iyon ay nasa kusina.
“Saan na naman ang punta mo? Kadarating mo lang dito pero
heto’t mukhang paalis ka na naman. Sabihin mo nga sa akin? Kami ba talaga ang
rason ng pag-uwi mo ngayon dito o si Brian?” Sita agad nito sa kanya.
“Si mama naman. Syempre kayo.” Napapakamot niya sa ulong
wika. Hindi pa niya nasasabi sa mga ito na matagal-tagal pa siyang makakasama
ng mga ito dahil wala na siyang trabahong babalikan sa Maynila. Nakapag
desisyon na rin siya na hindi na tumuloy sa naunang balak nila ng kaibigang si
Russel na mangibang bansa. Sa halip, maghahanap ulit siya ng panibagong trabaho
pero this time, sa lugar na nila.
“Boyfriend mo na ba ang Brian na `yon, ha, Eros?”
“H-Ho?” Ang nagulat niyang sagot.
“Ba’t bigla kang nabingi? Tinatanong kita kung boyfriend mo
na ba ang Brian na `yon.”
“B-Bakit mo naman naitanong `yan, ma?”
Binigyan siya nito ng uri ng tingin na para bang nagsasabi
na huwag na siyang magtangka pang ilihis ang tanong kaya naman wala na siyang
nagawa kung hindi ang mapayuko na lang at mapatango.
“Alam mo ba kung ano ang pinasok mo?” Muling tanong nito.
“Oo naman, ma.” Nakayuko pa rin niyang sabi. Hindi niya
magawang salubungin ang tingin nito sa takot na baka galit ito sa kanya. Oo
nga’t alam niyang may ideya na ang kanyang mga magulang sa tunay niyang
pagkatao at `yon ay dahil sa panunukso sa kanya ng mga magagaling niyang
kapatid.
“Salubungin mo ang tingin ko, Eros Drake.” Utos nito sa
kanya at `yon nga ang ginawa niya and to his surprise wala siyang nakitang
galit rito bagkus ay pag-aalala. “Isang komplikado ng bagay ang makipag
relasyon sa kapwa mo lalaki anak. Ano pa kaya kung hindi natin kaantas?”
“Hindi namin iniisip `yan ni Brian.” Pagsasabi niya ng
totoo.
“Nariyan na tayo. Pero paano ang ibang tao anak? Kaya mo
bang harapin ang mga magiging komento nila? Masasama iyon, masasakit. Hindi nga
ba’t ang mga iyan ang dahilan kung bakit mo inilayo ang sarili mo sa mga tao
noon?”
“Noon iyon, ma. Noong mga panahon na mahina pa ako.”
Sandali itong natahimik at nauwi sa malalim na pag-iisip.
“Kung pipigilan ba kita, ay magpapapigil ka?” Kapagkuwan ay
wika nito.
Umiling siya bilang pagtugon.
“Kung ganoon, ang magagawa ko na lang pala ay ang ipagdasal
na hindi ka masaktan sa pinasok mong ito. Nagmana talaga kayong magkakapatid sa
Ama ninyo. Pare-pareho kayong matitigas ang ulo.”
Sa puntong iyon ay hindi niya naiwasang mapangiti lalo na ng
makita niya ang napapailing niyang ina. Hindi man nito deretsong sinabi pero
alam niyang pinagkakatiwalaan nito ang pinasok niyang relasyon. Lalo lamang
tuloy lumalakas ang paninindigan niyang tuluyan ng magpakatatag.
“So, saan ka na naman pupunta? At ano iyang dala mo?”
“Damit pamalit.” Malapad na ang ngiti niyang tugon. “Kina
Brian ulit kasi ako makikitulog kaya nagdala na ako ng damit para sa pagsimba
namin bukas.”
“At paano mo naman nasabing papayagan kita, aber?”
“Alam kong papayag kayo dahil mahal niyo ako.” Pambobola
niya.
“Ewan ko sa’yong bata ka. Siguradohin mo lang talaga na alam
mo `yang pinasok mo at kaya mong panindigan `yan. Dahil oras na makita kitang
umiiyak o nasasaktan, hindi ako mangingiming gerahin iyang Brian na `yan.”
“Hayaan mo’t sasabihin ko `yan sa kanya.” Nakangisi niyang
tugon.
“Sige. Mabuti ngang sabihin mo sa kanya ang sinabi ko. Siya!
Lumakad kana sa pupuntahan mo.” Pagtataboy nito sa kanya.
Yinakap niya ito at hinalikan sa pisngi saka nagpasalamat
bago niya ito tuluyang iniwan. Kung anong bigat kanina ng kanyang pakiramdam sa
nangyaring tampuhan sa kanila ni Brian ay pinagaan iyon sa mga sinabi ng
kanyang kaibigan at ng kanyang ina kaya naman ngayon ay abot tenga na ang
kanyang ngiti.
Nakagawian na niyang lakarin mula sa kanila hanggang sa may
sakayan ng jeep. Hindi naman kasi gaanong malayo iyon. Subalit paliko pa lang
siya sa may kanto nang may pumarang asul na kotse sa tabi niya.
“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Hindi ko na pala
kailangang magpakahirap na hanapin kung nasaan ang bahay mo.”
“X-Xander?” Ang medyo nagulat pa niyang wika nang mapalingon
siya at makita ang taong nasa loob ng asul na sasakyan.
“Surprised? Saan ang punta mo? Siguro sa bahay ng pinsan
kong magaling `no?”
“Wala akong makitang rason para sabihin sa’yo kung saan ako
pupunta. At ano ang kailangan mo sa
akin?” Hindi naitago ng mga pasa nito sa mukha ang angas nito na ikinairita
naman niya. Lalo na ang nakakagagong ngisi nito.
“Woah! May itinatago ka pa lang katarayan. Never thought
that you have it in you. Kung sabagay, hindi pa tayo masyadong nagkakakilanlan.
In that case, why don’t we grab a coffee para naman makilala natin ang isa’t
isa.”
“What do you want from me?” Deretsahan niyang tanong.
“I want us to be friend.” Nakangiti naman nitong tugon.
Friend? Gusto nitong makipagkaibigan sa kanya? Naapektohan
ba ang utak nito nang paulanan ito ng suntok ng kanyang irog at biglaan nitong
naisipang makipagkaibigan? Kung tama kasi ang pagkaka-alala niya, samot saring
malulutong na insulto sa pagkatao niya ang pinakawalan nito kagabi.
“Do you think that I will buy that? Wala sa bokabularyo mo
ang kaibiganin ang mga taong malalapit kay Brian. Unless, gusto mo silang
gamitin laban sa kanya. Tulad ng ginawa mo kay Abigail at Cassandra.”
“Hmmm… Mukhang hindi ko na magagamit ang taktikang `yon
sa’yo. Kung sabagay, dalawang beses ko ng nagamit `yon, masyado ng obvious.”
Nakangisi nitong tugon.
“Again, what do you want from me?” Gusto na niyang tapusin
ang usapang iyon dahil sa totoo lang, hindi niya na matagalan ang kasamaan ng
ugali nito. Hindi tuloy niya maiwasang itanong sa sarili kung kadugo nga ba
talaga ito ng taong mahal niya.
“You.” Sagot nito na nagpakunot ng noo niya. “Kasiping lang
naman talaga ang gusto mo di ba? Kaya kong ibigay sa’yo `yon higit pa kay
Brian. Hinding hindi ka magsisisi sa akin, Eros. Mas bihasa akong magpaligaya
sa kama kumpara kay Brian.”
“You’re crazy.” Ang napapailing niyang sabi. “Ganoon na ba
katindi ang kagustohan mong agawin ang lahat kay Brian at pasakitan siya for
you to go this far? Ano ba ang kasalanan ni Brian sa’yo para maging ganyan ka
kasama sa kanya?”
Xander give him a crooked smile at lalo lang tuloy itong
nagmukhang demonyo sa harap niya.
“Marami, Eros. At kung iisa-isahin ko `yon, baka abutin tayo
ng bagong taon. So, do you accept my offer?”
“No.” Mabilis niyang sagot. “Hindi ako papayag na gamitin mo
ako laban sa kanya.”
“So predictable. Paano kung sabihin ko sa’yo na handa akong
magsampa ng kaso sa ginawa sa akin kagabi ni Brian? I have all the medical
records to support me at ilang mga saksi sa bar. Sa tingin mo, ano kaya ang
mangyayari kay Brian?”
Natahimik siya. Paniguradong mahihirapan si Brian na ilaban
ang sarili lalo pa’t marami ang nakakita sa ginawang pananapak nito sa hindi
lumalabang si Xander.
“Matalino kang tao hindi ba? So, alam mo na malalagay sa
alanganin si Brian oras na magsampa ako ng kaso sa ginawa niya sa akin. Kahit
ang magaling na abogado niyang kaibigan ay mahihirapang matulungan siyang
lusutan ito dahil kaya ko itong gawing isang komplikadong kaso. Pero madali
akong kausap Eros. Pumayag ka sa gusto kong mangyari at hindi ko itutuloy ang
binabalak ko.”
Bigla ay hindi niya alam ang gagawin. Literal siyang nauwi
sa malalim na pag-iisip dahil sa mga sinabi nito. Kung tinatakot man siya nito
ay masasabi niyang nagtagumpay ito dahil talagang nakaramdam siya ng takot para
kay Brian.
“So alin sa dalawa ang gusto mong mangyari, Eros? Ang
makitang tuluyang mawala kay Brian ang lahat ng pinaghirapan niya na nasisiguro
kong mangyayari oras na ituloy ko ang balak ko
o saktan siya sa pamamagitan ng pagpayag mo sa gusto kong mangyari sa
ating dalawa? Hindi ka naman siguro ganoon ka importante sa kanya para masaktan
talaga siya. Kung may masasaktan man, iyon ay ang ego lang niya.”
“So, paano? Party-party na mamaya!” Magiliw na wika ni Claude
nang matapos ang ika-limang araw ng mesa de gallo. Magkakasabay nilang tinungo
ang parking area kung saan naroon ang mga sasakyan ng mga ito.
“Yeah! Sabi nina Tonet, dapat alas-singko raw ay naroon na
tayong lahat. Bawal ang late at lalong bawal ang pangit doon.” Tugon naman ni
Renzell Dave na may malapad na ngisi habang nakatingin sa kanyang kasamang
kanina pa nakasimangot.
“Bakit sakin ka nakatingin?” Sita naman ng kanyang kasama sa
kaibigan nito. “Si Ace at Rome dapat ang pinagsasabihan mo niyan.”
“Eros, aasahan ka namin mamaya.” Nakangiting baling sa kanya
ni Attorney Dorwin Nievera.
Ngiming ngiti ang ibinigay niyang pagtugon rito. Hanggang
ngayon kasi ay hindi pa rin siya sanay sa kagiliwang ipinapakita ng mga
kaibigan ni Brian sa kanya.
“Pool party ang tema. Tamang-tama maipapakita ko sa madla ang kagandahang taglay ng katawan ko. `Di ba misis?” Wika ni Claude.
“Oo na lang.” Ngingiti-ngiting wika naman ng asawa nitong si
Lance saka ito bumaling sa kanya. “Eros, bakit nakasimangot iyang kasama mo?
May tampuhan ba kayo?”
“Tama na ang tsismisang ito, baka maubusan tayo ng
pagkukwentohan mamaya.” Pa-iwas na tugon naman ng kanyang kasama saka siya nito
iginaya palayo sa mga ito. “Tara na.”
Nang makapasok sila sa sasakyan nito ay doon na siya nagdesisyong
kausapin ito. Hindi niya alam kong ano ang ikinagaganito nito ngayon. Naayos na
nila kahapon pa ang naging problema nila. Sa katunayan nga, nang puntahan niya
ito sa bahay nito ay sakto namang paalis rin ito para puntahan siya. Ayon dito
ay hindi raw talaga nito kayang magtampo sa kanya kaya makikipagbati na ito.
“Bry, what’s wrong? Simula pagising natin masama na ang mood
mo. May nagawa ba akong mali?” Nagtataka talaga siya sa biglaang pagkasira ng
mood nito. Kagabi kasi bago sila matulog ay napakalambing pa nito.
Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga.
“Hindi ko maiwasang maalala ang mga sinabi sa’yo ng Xander
na `yon. At sa tuwing pumapasok `yon sa isip ko, gusto ko ulit siyang bugbogin ––Hindi.
gusto ko na talaga siyang patayin.”
Ikinuwento niya rito ang nangyaring pag-uusap nila ng pinsan
nito. Ang pagbabalak nitong gamitin siya para pasakitan ito na hindi niya
kinagat. Oo, aaminin niyang muntikan na siyang madala kung hindi lang niya
naalala ang pangakong binitawan niya na magpapakatatag at lalaban sa tabi ni
Brian. Na hindi na siya magiging mahina emotionally.
Demonyo. Iyon ang salitang bagay sa taong iyon. Gagawin
talaga nito ang lahat para pasakitan ang taong mahal niya. And it’s obvious
that Xander is trying get through to his emotion dahil akala nito magagamit
nito iyon para mapasunod siya sa gusto nito.
“But it doesn’t mean na hindi ko na na-appreciate ang ginawa
mo. Ginawa mo ang isang bagay na hindi nagawa ng mga taong panigtuunan ko noon
ng pansin. Lalo mo lang pinatunayan sa akin na hindi isang pagkakamali na
minahal kita. Naasar lang talaga ako na ininsulto niya ang kakayahan ko sa
harap mo. Sa tingin mo ba talaga mas magaling siya sa akin sa kama?” Dagdag pa
nito.
So iyon pala ang dahilan kung bakit masama ang mood nito.
Naapektohan na naman ng demonyitong Xander na iyon ang ego nito. Kung bakit
naman kasi pati pa `yon ang ikinuwento niya rito. Pero kailangan ba talaga
niyang sagutin ito? Siguro nga dapat siyang sumagot para maging at ease ito at
maibalik ang kompyansa nito sarili.
“P-Para sa akin, m-magaling ka.” Ang hindi niya maituwid na
tugon. Ang awkward naman kasi na pag-usapan nila ang tungkol sa bagay na `yon,
eh, heto nga’t kalalabas lang nila ng simbahan.
“Talaga? Bakit iwas kang masundan ang nangyari sa atin noon?
Did I disappoint you that night?”
Umiling siya.
“Kung ganoon bakit umiiwas ka?” Pangungulit pa nito. Mukhang
hindi matatapos ang usapang ito.
“Hindi ako umiiwas at papatunayan ko `yan sa’yo.”
“Paano?” Excitement is visible in his eyes. The pair of
charismatic eyes na una na niyang nagustohan rito.
“Why do I have this feeling that you intentionally brought
this up para ma-corner ako?”
“Huh? Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Pagtanggi nito pero
nakaguhit na ang malapad na ngiti sa mukha nito. “But a promise is a promise. May
papatunayan ka sa akin ngayon. Tamang-tama mamayang hapon pa tayo aaalis.”
Dagdag pa nito saka in-start na ang makina ng sasakyan.
Itutuloy:
26 comments:
Yessssss ako ang una bwahahahaha.. thanks author!!!! More more more!!! Akala ko papayag na si Eros.. salamat author at di mo pinayagan weeeeeehh!!! Sarap ma inlove!!!
Ai ..ganun maka score lang heheh nice one..
Kname q pa talaga c russel huh
Grabe yung kaba ko dun part na nagusap si Xander at Eros ha..hahaha especially nung naputol yung scene...parang di ako makahinga habang nagpapatuloy ako sa pagbabasa hahaha..buti nalang talaga at yun ung nangyari!! Im so happy sa nangyari in this chapter! yan ang masaya laban ng laban lng sila Brian at Eros vs the kontrabidas..masaya din yung part na narealize ni eros na magpakatatag na sya..thank you sa update kuya zeke :3
tsk tsk
kainis kang xander ka
pati si eros gagamitin mu laban kay bry
buti hindi yun ang nanyari
.... kuya zeke sana si eros ulit yung maG POV
sa next part
- mhimhiko of pangasinan
Hahaha.. Naughty Brian.. Bitin lang Zeke.. I like how you built the character of Eros, honest and at the same time strong.. I also like the suspense you did in this chapter only to get the answer towards the end.. So efficiently and effectively done.. Great storytelling Zeke..
hhahahahaha sa wakas nakapag comment din! matagal ko ng gusto magcomment dahil.nahihiya ako.kay kuya zeke. opera kasi gamit ko dati kaya sguro ayaw,ngayon ucbrowser na :)
ayon thanks dito kuya zeke medyo.kinabahan ako sa confrontation.nina Zander at Eros. buti n lang may paninindigansi eros. at ewan ko ba kay brian kung bakit ang hilig? hahaa! thanks po dito kuya zeke ;)
Zekoy!!! Sabi ko sa'yo babasahin ko to bago matulog eh. Hay I really like Eros' character. Hindi talaga niya ginagawang kumplikado ang mga bagay bagay and I admire his honesty. Nagawa niyang sabihin kay Brian ang sinabi sa kanya ni Xander kahit pa pwede itong makapag-dulot ng panibagong gulo. Pero grabe si Brian! Sa lahat ng pwedeng ika-apekto niya eh yung kakayahan niya talaga sa kama. Kung kasing gwapo naman ni Brian eh okay lang kahit di magaling. Natututunan naman yun. Hehehe. :D
Bat ang iksi..next na plss..pag papatunayan na I..hehe
Napakagandang pagtatapos ng buong linggong pakikibaka sa kusina lalo na pag ganitong may update...thank you very much my darling zeke di na aku nagugulat ngayon sa mga pambibitin, eh chapter 23 na kaya. Mas exciting lalo....sarap ng feeling. God bless you and i love you more na,,,grabeeeeee!!!
Bruneiyuki214
naku naman, heto na naman tayo..... kung ako kay Bryan, magiging good boy na lang ako.
Basa Mode bakit hindi ako na inform na may post sino ang una... Thanks zeke sa update...
Obviously Brian brought up that issue in purpose tsk tsk paramaka score kay Eros hahahahaha kawawa nmn si ako. thanks Zeke sa update mwah... Cant wait sa party reunion ng Barkada...
nice
one zeke! excited na ako sa party.marami kasing mangyayari.andyan lahat
ang mga kurimaw.parang mini prologue din ito ng kuwento ni russel at
popoy.dalawang barakong malibog.isang tisoy at isang moreno.zeke! yung
next chapter, langhiya, HABAAN MO NAMAN!
wow so exciting
jco
Natakot ako dun sa paguusap ni xander at eros! Kudog2x my heart..hahahaha buti nlng talaga at un ang nangyari! saludo na ako kay eros..natawa ako dun sa ending ng chapter na to hahahahaha para-paraan ni brian hahaha...thank you nang marami sa update na to nasiyahan tlga ako sa chapter na to..
nakakakaba yung paghaharap ni Zander at Eros ha... buti na lang hindi pumayag si Eros.. XD
eto namang si Brian ayaw talagang magpatalo eh.. pati ba naman sa bagay na yun.. ahahaha.. Big Deal eh.. XD
next na!! party na eh... thanks sa update Idol!! :D
-SupahMinion
wow!
he he he, kakaasar tlaga ang demonyon Zander na yan , buti at nkakakilig aman ung part ni Brian atEros! galeng mo talaga Zekie! the more i like it! ha ha ha.
Diperado na talaga si xander na saktan kahit sa anong paraan! hahay!
Paraparaan din itong si bryan eh. haha
~JAYVIN
ay ulalam na!!! hehehe, go zeke...!!!
sana sa nxt story c russel nmn bida tz c xander partner nya!!hihihi..
Ntwa nmn aq sa dahilan ng pagiinarte ni boromeo,un pala 2ngkol sa pagalingan sa kama nila ni xander!haha..
Akala q bumigay c ate eros sa panunukso ni xander eh!haha..sayang dn un!hekhek
-monty
Yes! Nabasa ko din ang chapter na to. Pero author pwedeng habaan mo pag kakakwento kasi daming shortcut sakin okay lang na matagalan matapos to kasi delayed naman na din so bakit mo bibilisan di ba? Anweis thankful pa din kasi hindi na umaabot ng buwan ang update hihihi
From: Baguio With Love
seriously Xander, mind your own freaking business..kalurks!!
kakatawa naman tong si Boromeo, cute ng dahilan kung bakit nag-iinarte.. hahaha
laban laban din Eros pag may time ha.. hehehe
super love you sir Z.. hugsies..!!
God bless.. -- Roan ^^,
Ayun oh! Kampai!! Maraming salamat sa NAPAKASPECIAL MENTION mo sakin :D
Maraming salamat sa update idol.
very nice chapter kuya zeke :D ty sa update
holy guacamole baket hindi ko nakita na may update na pala? this a very nice chapter zake and tama na matuto rin si Eros na lumaban kasi kung hindi malamang sya pa ang humili kay Brian pababa.
Have agreat day Zeke and keep it up.
Post a Comment