Monday, May 26, 2014

Destiny Simulation (TEASER)



Cover Created by: REYMOND LEE
Story Written by: ZILDJIAN


Authors Note:

This will be my next project guys. Dito ko ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Hahaha! Biro lang! Syempre ibang kalokohan na naman ito mga paps. Hindi mawawala ang light approach na nakasanayan niyo na sa mga likha ko. But this time, madrama at mas malapit sa reyalidad na approach. Dahil sinisigurado ko sa inyong hindi lang kalokohan ang matutotonan niyo sa kwentong ito.




Gusto niyang paniwalaan na ang rason kung bakit siya nagsumikap sa buhay, ay para maitaguyod ang pamilyang umaasa sa kanya. Subalit alam niya sa kanyang sarili na hindi iyon ang totoo. Na may iba pa siyang mas malalim na dahilan kung bakit pilit niyang iniahon ang sarili sa kahirapan at iyon ay ang maging karapat-dapat sa taong pipiliin niyang mahalin.


“Kung may isang bagay man akong pinagsisishan sa buhay ko, iyon ay ang makontento na lang ako sa buhay na kinasanayan ko. Dahil wala ng mas sasakit pa sa tototohanang hindi mo nagawang maipaglaban ang taong gusto mo sapagkat, wala kang ibang maipagmamalaki sa kanya, kung hindi ang pagmamahal mo. At alam mong hindi sapat `yon.”





Dahil sa kagustohan niyang maranasan ang magandang buhay, pinasok niya ang isang bagay na siyang naging rason para hindi siya maging karapatdapat sa pagmamahal ng taong masasabi niyang una niyang minahal. Sinubukan niyang magbago sa pag-aakalang sa pamamagitan niyon, ay mabubura niya ang dumi sa kanyang nakaraan at para maging karapatdapat na rin sa taong kanyang minamahal subalit hindi niya sukat akalain, na ang nararamdaman pa niya mismo ang muling magtutulak sa kanya para balikan ang buhay na pilit na niyang iniiwasan.


“Masyado akong nabulag sa kagustohan kong maranasan ang marangyang buhay. And that was the most stupid mistake I did. Dahil ngayon, wala na akong maipagmamalaki pa sa sarili ko, pati sa taong mahal ko.”



Papaano kung pagtagpuin ang dalawang taong magkasalungat man ang paraang pinili ay pareho namang hinubog ang mga sarili para may mapatunayan. Will it be a stumbling block or thick wall to separate their lives, or will it become a bridge that will connect the gap between them?