Friday, May 30, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 24



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Napag-isip-isip kung gawing dalawang bahagi ang special chapter na ito dahil hindi kakayanin ng utak kong isiksik lahat ng mga characters sa walong librong sinulat ko at syempre para na rin mas ma-enjoy niyo pa ng husto ang presensiya nila.


Pasasalamatan ko ulit ang mga taong nagbigay ng kanilang komento sa nakaraang chapter na sina –

Luilao, Russ, MigiL, MhiMhiko, Migz (Salamat sa papuri), Tzekai Balaso  (Grats at gumagana na ulit ang account mo), Chie (Mojaco), BruneIyuki24 (Darling niya ako), Beucharist, Bobby Evasco, Reymond Lee, Jco, Racs, Jayjay (Minion), Mark Kymn, RobetMendoza, Jayvin, TheLegazpiCity, Monty, BaguioWithLove, Roan, Jason Umali, and Charles (Welcome aboard).


Salamat din syempre sa mga Anonymous at Silent Readers sa patuloy na pagbabasa at pagtangkilik sa kwentong ito.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Batid ni Eros na wala na siyang takas sa binabalak ng kanyang magaling na kasintahan. Desidido talaga itong mapatunayan niya na hindi siya umiiwas na may mangyari ulit sa kanila. Kung bakit naman kasi huli na nang malaman niya ang tunay na intensyon ng pagda-drama nito. Napasubo tuloy siya ng wala sa oras.


But he can’t also deny the fact na excited rin siya sa mangyayari. Kaya nga hindi siya mapakali habang nakaupo sa gilid ng kama nito at hinihintay itong matapos sa paliligo. Kung tama kasi ang pagkaka-alala niya noong unang may mangyari sa kanila, kaya nitong patirikin ang mga mata niya. Oo, ganoon ito ka eksperto sa larangan ng kamunduhan na hindi na niya ikinataka pa dahil matagal na niyang alam na talentado ito masyado.


“I’m ready Spidy!”


Halos malaglag siya sa kinauupuan sa pagkataranta nang marinig ang boses nito mula sa loob ng banyo. Kasabay niyon ay naglaho ang tunog ng lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa. Lalo siyang nag-panic at pinagpawisan ng malamig. Kung iyon ay dahil sa kaba o sobrang excitement, ay hindi niya alam. Kung anu-ano na ring imahe nito ang naglalaro sa kanyang isipan.


Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan ng banyo na dahilan para mabaling doon ang kanyang tingin. Doon nagkaroon ng katotohanan ang mga imahe nito sa kanyang isipan. Mga imaheng dahilan kung bakit siya hindi mapakali.


Napalunok tuloy siya ng wala sa oras.


“Sexy ba?” Ang nang-aakit nitong tanong sabay himas nito sa batok na nilakipan pa nito ng pagkagat ng pang-ibabang labi. Inaakit talaga siya nito!


“Ah…” Seeing Brian exposing his well developed shoulder, bulging biceps and powerful chest na pinalamutian ng maninipis na bahok, shutdown his mind dahilan para hindi siya makapag-isip ng sasabihin. Hindi lang ito biniyayaan ng magandang mukha, binigyan rin ito ng katawan that can compete to a demigod.


Naglakad ito papalapit sa kanya dahilan para maglandas ang mga butil ng tubig mula sa dibdib nito pababa na siya namang awtomatikong sinundan ng kanyang mga mata.


“God! How can you be this sexy?” Ang wala sa sarili niyang paanas na sabi. Tuluyan na talaga siyang nawala sa katinuan. Ni hindi nga niya namalayan na nasa harap na pala niya ito.


Brian took his both hands at inilalayan siya nitong tumayo saka nito ipinatong ang kanyang mga palad sa dibdib nito at hinapit siya sa kanyang bewang.


“Sa lahat `ata ng papuring ibinigay mo sa akin, ang sinabi mo ngayon ang  pinakagusto ko.”  Wika nito sabay bigay sa kanya ng isang matamis na halik.


Muli siyang tinanggalan ng kakayahang makapagsalita. Ang tanging nagawa lamang niya sa mga oras na iyon ay mapatitig ng husto sa mga mata nito na nakatitig rin sa kanya na punong-puno ng pagmamahal. Aaminin niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na tuluyan na ngang ibinigay sa kanya ng may kapal ang taong ito.


Brian once again claim his lips and this time, nagawa na niyang tumugon. They exchange kisses at unti-unti siyang nare-relax. When Brian’s lips move to his neck, ay kusang gumalaw ang kanyang kaliwang kamay papunta sa batok nito at marahang napasabunot sa buhok nito doon.


Halatang nagustohan nito ang naging reaksyon niya nang magpakawala ito ng mahinang ungol at kasunod niyon ay naramdaman niya ang paggalaw ng mga kamay nito papunta sa laylayan ng kanyang suot na damit.


Pinutol nito ang kanilang halikan. Magtatanong na sana siya kung bakit ito tumigil nang itaas nito ang kanyang damit at mabilisan nito iyong tinanggal.


“There.” Parang kinakapos sa hangin nitong wika sabay haggis nito ng kanyang damit sa kung saan.


Akala niya ay muli nitong paghuhugpungin ang kanilang mga labi pero hindi iyon nangyari. Sa halip, pinadaanan nito ng tingin ang naka-expose na niyang katawan at nang salubungin nito ang kanyang mga mata ay doon niya nakita ang tila nag-aapoy na pagnanasa sa mga mata nito.


Minsan na niyang nakita sa mga mata nito ang ganoong ekspresyon. At iyon ay noong gabing may mangyari sa kanila. May kakaibang kinang lang na humahalo sa mga mata nito ngayon na nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso sa isang ritmo na gustong-gusto niya. Kaya naman hindi na niya hinintay pa ito. Siya na mismo ang kumabig sa batok nito para muling paghugpungin ang kanilang mga labi.


Mainit na halikan ang sumunod na nangyari. Kung saan-saan na rin dumadapo ang mga kamay nila hanggang sa hulihin nito ang mga kamay niya at igaya ang mga iyon sa tuwalyang ginamit nitong pantakip sa pang-ibaba nitong katawan. Nakuha niya agad ang gusto nitong mangyari. Nais nitong siya mismo ang mag-alis niyon na kanya namang walang pag-aatubiling sinunod.


Isang ungol ang pinakawalan nito at lalo nitong diniinan ang paghalik sa kanya nang bigyan niya ng pansin ang bagay na nasa sentro ng katawan nito. Hindi nga siya dinaya ng ala-ala niya rito, it’s really huge. No wonder ibayong hirap ang dinanas niya rito.


Kita niya ang pagtatanong sa mga mata ni Brian nang putulin niya ang halikan nila. Ibubuka na sana nito ang bibig para magprotesta when he silence him by nibbling his neck down to his hairy chest.


“Oh, God.” Naibulalas nito na lihim na nagpangiti sa kanya.


Pinaglaro niya ang ang kanyang ilong sa mga buhok na nasa dibdib nito at nang magsawa siya ay saka naman niya binigyan ng pansin ang magandang dibdib nito. Malalalim na paghinga at mga singhap ang nagiging reaksyon ni Brian sa kanyang ginagawa na lalong nagtutulak sa kanyang mas galingan pa. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na ibaba pa ang kanyang mga halik papunta sa pusod nito. When he’s about to bend his knees, Brian stop him dahilan para mapatingala siya rito na may pagtatanong sa kanyang mga mata.


“Not on your knees.” Wika nito saka siya muling iginaya patayo at kinantilan ng halik. “I won’t let the person I love go down on his knees for me.”


He was taken aback. Sa simpleng sinabi nito ay naramdaman niya ang respeto’t pagpapahalaga nito sa kanya at sa pagkatao niya. Napayakap tuloy siya rito at hindi napigilang mapaluha.


“You really just prove to me that you’re worth dreaming and waiting for.” Naiiyak niyang sabi. “I love you so much, Bry.”


“I love you too, Spidy.” At muli nitong pinagtagpo ang kanilang mga labi na tinugon naman niya.


Base sa uri ng halik at mga ungol ni Brian, alam na ni Eros na tuluyan ng naubos ang natitirang pagtitimpi nito kaya naman nang ihiga siya nito sa ibabaw ng kama ay agad niyang pinagpalit ang posisyon nila at pumaibabaw rito.


“Siguro naman pwede na dito?” He asked while giving him a sheepish smile.


“Pwedeng pwede na.” Nakangisi nitong tugon.


At iyon na nga. Wala na siyang sinayang na pagkakataon at bumaba para bigyan ng pansin ang bagay na kanina pa nangangailangan ng pansin. He felt Brian’s muscles flex when he start stroking him. When he bent to taste him, ay nagpakawala naman ito ng isang malalim na ungol.


Ang mga ungol, paminsanang pagsabay nito sa kanyang ritmo ang naging inspirasyon ni Eros para pag-igihan ang ginagawa. Naririnig na niya ang malalalim nitong paghinga  at ang pag flex ng muscles sa binti nito kasabay niyon ay ang paghila nito sa  kanya pero hindi siya nagpatinag. Itinutuloy pa rin niya ang ginagawa.


“Stop! ” Wika nito. Kung ipinaramdam nito sa kanya kanina kung gaano siya ka-importante rito at ka-espesyal, ay iyon din ang gagawin niya. He continued what he’s doing until Brian lost all his control and explode.


“You’re not supposed to do that!” Ang napa-upo nito sa kamang sabi pagkatapos, saka siya nito inalapit dito at parang tangang inimpeksyon ang kanyang bibig.


“Wala na.” Nakangiti niyang sabi.


“Hindi `yon pagkain para lunukin! And I didn’t ask you to do that.” Naghi-hysterical nitong balik.


“I know. But you’re worthy enough for me to do it.” Nakangiti pa rin niyang tugon.


Napabuntong hininga ito bilang pagsuko saka siya nito kinabig para yakapin.


“Dahil matigas ang ulo mo, humanda ka sa parusa ko.” Wika nito na dahilan para mailayo niya ang sarili rito at doon niya nakita ang nakaguhit nitong pilyong ngiti.


Oo nga pala. Muntik na niyang makalimutan kung gaano katibay ang tuhod ng kasintahan niyang ito. At laking gulat niya nang walang sabi-sabi siya nitong itulak siya pahiga. Tulad niya ay wala rin itong sinayang na pagkakataon. Mabilisan nitong tinanggal ang suot niyang pantalon.


“The original plan was to go easy on you.” Wika nito habang nakangisi. “Pero nagbago na ang isip ko.” Then he claim again his lips.


Hindi naman siya nagpatakot rito kaya tinatapatan niya ang halik nito. Pero mukhang seryoso talaga ito sa pagpaparusa nito sa kanya nang padapain siya nito sa kama. When Brian nibbled his nape, it took all the strength he have para lang hindi mapa-ungol. But when Brian moved his lips and traced his spine, ay hindi na niya naiwasang makapagpakawala ng malakas na ungol.


Habol ang hininga ni Eros sa ginagawang pagpapamalas ng ka-ekspertohan ni Brian sa larangan ng foreplay. Ito sinasabi niyang nagpapatirik ng kanyang mga mata. Ang nakakakilabot na kiliting hatid ng eskperto nitong mga labi, ay talagang nagpapabaliw sa kanya at sumisira sa kanyang katinuan.


“Bry…” Ang nakikiusap na niyang pagtawag sa pangalan nito. Suko na siya.


Rinig niyang napahagikhik ito pero pinakinggan naman nito ang kanyang pakiusap nang muli nitong pinagtagpo ang kanilang mga labi at mainit siyang hinalikan.


“Ready?” Tanong nito sa kanya na tinugon niya ng isang tango.  Brian move and he put his thing to his behind. Huminga siya ng malalim para ihanda ang sarili sa nalalapit na pag-iisa ng kanilang mga katawan.


Napahigpit ang kapit niya sa kobre kama nang maramdaman niya ang pag-galaw nito para pag-isahin ang kanilang katawan. But Brian manage to take the pain away by kissing him. Nang maramdaman nitong na-relax na ulit siya ay saka lang ito gumalaw in a slow rhythm. He could feel the overwhelming passion in every move he make. Ramdam rin niya ang pag-iingat nitong hindi siya masaktan hanggang sa nakapag-adjust na siya ng tuluyan at sinasalubong na niya ang ritmo nito.


Unti-unting bumibilis ang galaw nito sa kanyang likuran na sinasamahan ng ilang patak ng pawis nito. Brian also deepens his every thrust. At nang lalo pa itong bumilis ay hindi niya napigilan ang sariling mapa-ungol na siyang naging musika nila sa kwartong `yon hanggang sa bumagsak ito sa kanyang likuran na habol ang hininga.



Brian



“Bry, parang ang dami `atang tao? Akala ko ba party niyo lang itong magkakaibigan?” Ang halatang naging uncomfortable na wika ni Eros nang makapasok sila sa loob ng resort na pag-aari ng mga Alegre at mapansin niyon na halos mapuno ng sasakyan ang parking area ng resort at ang mga naglakad na tao.


“Paniguradong OP ako nito.” Pabulong namang komento rin ng kaibigan nitong si Russel mula sa likod ng sasakyan.


Siya man ay hindi rin inaasahan na ganoon pala karami ang naroon na ngayon ay nagkalat sa resort na iyon. Pero kung sabagay, ngayon ang kauna-unahang party nila kasama ang iba pang mga taong naging malapit na sa grupo nila. Isama mo pa ang mga guest sa resort na `yon.


Inabot niya ang kamay nito at kinantilan iyon ng halik para pakalmahin ito. Oo, alam naroon ang kaibigan nito at paniguradong nakita ang ginawa niya pero wala siyang pakialam. Magandang-maganda ang mood niya ngayon. Daig pa niya ang nanalo sa lotto at wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang lambingin ang kasintahan. Kung pwede nga lang na hindi na sila dumalo pa sa party na iyon ay ganiwa na niya at manatili na lang sila sa kuwarto niya kaso paniguradong babalatan siya ng buhay ng kanyang mga kaibigan.


“Nakaugalian na nila na isama ang ilan sa mga empleyado nila sa party na ito kaya siguro marami kami ngayon. Pero wala kang dapat ikailang sa kanila, Spidy.” Wika niya saka naman niya binalingan si Russel gamit ang rearview mirror. “Don’t worry, you won’t get bored. I can assure you that.”


Pagkatapos niyon ay bumaba na siya ng sasakyan at nagmamadaling umikot para pagbuksan ang kasintahan. Eros gave him a confused look na tinugon lang niya ng pinagpala niyang ngiti.


“Bukod pala sa pagiging basagulero, may itinatago ring ka-sweet-an `yang boyfriend mo.” Ang narinig niyang bulong ni Russel dito na hindi na lang niya pinansin.


According to his friends, sa may pool ang venue ng kanilang party. Doon din nanggagaling ang malakas na tugtog ng mga pang disco kaya naman ang daan papunta roon ang tinahak nila. He must say that Niccollo really manage to make this resort exceptional. Lalo na sa landscape nito na nabigyan ng high light ng mga Christmas lights at parol.


“Ang ganda rito.” Ang narinig niyang komento ni Eros habang palinga-linga sa kabuohan ng lugar.


“Malayong-malayo sa mga nakita ko ng resort.” Sangayon naman ni Russsel na tulad ng kanyang kasintahan ay namamangha rin sa ganda ng lugar.


“Niccollo, one of the owners of Keros café own this resort.” Nakangiti niyang pagbibigay ng impormasyon sa kasintahan.


Mas lalo pang namangha ang dalawa nang marating nila ang pool area. Maski nga siya ay namangha rin sa naging resulta ng ginawa ng kanyang mga kaibigang babae. Experto talaga ang mga ito sa pag-o-organize ng mga ganitong klaseng party.


Sa dulo ng pahabang pool ay naroon ang mini-stage  na nasisiguro niyang para sa bandang dinala ni Red doon. Napapagitnaan ito ng malalaking speaker. Sa isang dulo naman ay ang gazebo kung saan naroon ang buffet table na naglalaman ng iba’t ibang putahe na tinabihan naman ng mini-bar para sa mga inuming nakakalasing. Sa magkabilang side ng pool na iyon ay ang mga mesa at ang nagkalat na waiter. Habang sa sa ibabaw naman ng tubig ng pool ay ang nagsilutangan ang mga floating water lantern na tumutulong para magbigay liwanag sa dimmed style area na iyon.


Agad na napansin nang may karamihang tao na naroon ang kanilang presensiya dahilan para mabaling ang mga tingin ng mga ito sa kanila. Bigla tuloy nakaramdam ng hiya ang kanyang kasintahan at pasimple itong nagtago sa kanyang likuran na ikinahagikhik niya.


“Hindi ka dapat mahiya sa mga `yan.” Nangingiti niyang sabi. “Ayan na sila.” Dagdag pa niya nang mapansin ang papalapit na niyang mga kaibigan.


“Anong klaseng pagpapasikat ito Boromeo? Bakit late ka?” Buska agad sa kanya ng tinaman ng magaling na kaibigang si Dave.


“Hindi ko na kailangang magpasikat dahil matagal na akong sikat.” Balik naman niya rito. Wala siyang balak ibahagi ang dahilan kung bakit sila nahuli. Baka mainggit lang ito.


“Kung sabagay, sikat na sikat ka nga sa mga eskandalong kinasangkutan mo.” Nang-aasar naman nitong tugon.


“Buti at nakarating kayo, Eros.” Nakangiti namang bati ni Vincent sa kanyang kasintahan na sa mga oras na iyon ay hayon at nagtatago pa rin sa kanyang likuran saka ito bumaling sa isa pa nilang kasama. “And you must be Russel.”


Alanganing ngiti ang naging tugon ni Russel sa pagpansin na iyon rito ni Vincent.


“Russel, these are my friends. Vincent,  Chuckie, Niel,  Renzell Dave at ang kambal niyang si Dorwin. Si Red boyfriend ni Dorbs at si Francis boyfriend ni Niel. Mga pangit, si Russel kaibigan ni Eros ko.” Pagpapakilala niya sa mga ito. Naglahad naman ng kamay rito ang kanyang mga kaibigan na tinanggap naman nito.


“Akala ko ba ayaw mo sa sobrang kabaduyan namin? Bakit nakikisali kana rin ngayon?” Ngingisi-ngising buska sa kanya ni Red.


“ Mahal, tigilan mo muna si Brian sa pang-aasar mo. Lalong hindi magiging komportable si Eros niyan.” Saway dito ng kasintahan.


“Oo nga naman. Huwag muna nating babarahin si Brian at baka bigla `yang umiyak.” Gatong naman ng kaibigan niyang si Niel.


“Niel, Behave.” Saway rin dito ng kasintahan nitong si Francis.


“Buti nga sa’yo.” Ngingisi-ngisi niyang tugon saka niya inakbayan ang kasintahan. “Saan ba ang mesa natin?”


“Tara dito.” Sabi naman ni Chuckie at nagpatiuna na nga ang mga ito.


Tatlong mesang pinagdikit ang pwesto nilang magkakaibigan. Kasama nila sa mesang iyon ang mga kapareha ng mga ito na walang pakundagang inuulan ng tanong ang kanyang kasintahan. Tuwang-tuwa kasi ang mga ito sa mga walang paligoy-ligoy nitong mga sagot lalo na ang asawa ng kaibigan niyang si Vincent na si Angela.


Napapansin rin niya na dumarami na ang tao. Lalo pa’t nagsidatingan na ang ilan sa mga kaibigan at empleyado ng mga ito na naimbitahan sa party na `yon. Pati ang always late na sina Rome at Ace ay dumating na rin.


“Hindi pa ba magsisimula?” Kunyari ay naiinip na niyang tanong pero ang totoo, nag-aalala lang siya na baka nagugutom na ang kanyang kasama dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataong makapag-lunch kanina gawa ng kanilang ginawa.


Sakto naman sa tanong niyang iyon ay lumapit sa mesa nila si Antonet.


“Ange, Alexa, it’s time to start the party. Samahan niyo muna kami ni Mina sa stage.” Wika nito at binalingan ang kanyang kasintahan. “Hi! You must be Brian’s boyfriend, Eros.”


Umikot ito at nakipag-beso sa kanyang kasintahan.


“I’m Antonet but you can call me Tonet.”


“The all time muse, Antonet Garcia -Javier.” Pagkilala naman ng kanyang kasintahan dito na ikinagulat naman ng kausap nito.


“You know me?”


“Kilala na niya tayong lahat, girl. Pati ang mga ibinigay sa ating korona noong high school.” Sagot naman ni Angela.


“Now that’s interesting.” Ani nito na sa kanyang kasintahan nakatingin. “How did ––”


“Mamaya mo na siya i-interview.” Putol niya rito. “Simulan niyo na muna ang party na ito bago pa kami mamatay sa gutom.”


Agad na ngang tinungo ng mga ito ang mini-stage para simulan ang party na iyon sa pamamagitan ng pagbi-bleesing sa pagkaing pagsasaluhan nila sa gabing iyon.  Nang matapos ay isa-isa na ngang pumunta ang mga tao sa kinaroroonan ng mga pagkain kasabay ng muling pagilangaw-ngaw ng nakakaindak na tunog mula sa mga speaker.


“Konte na lang ang tao. Kukuha na ako ng pagkain namin ni Alex. Doon na rin muna ako sa mesa nila ng mga kaibigan niya.” Wika ni Dave saka ito tumayo.


“Sige. Kami rin ni Dobs ay sa mesa muna ng mga kaibigan ko.” Wika naman ni Red.


“Dito ka lang.” Wika niya kay Eros. “Ako na ang bahalang kumuha ng pagkain mo.”


“Sigurado ka?”


“Siguradong sigurado.” Nakangiti niyang wika rito saka tumayo’t binalingan ang kaibigan nito. “Tara Russel.”


“Magpakabusog tayong lahat dahil isang malaki at masayang inuman ang magaganap mamaya.” Ang wika ni Chuckie nang tumayo na rin ito.


“Panigurado `yan. Sa dami ba naman natin ngayon.” Ani naman ni Niel saka binalingan ang kasintahan. “Ano ang gusto mong kainin?”


“Ikaw na ang bahala.” Nakangiting tugon naman dito ng kasintahan.


Tinungo na nga nila ang buffet table at pumila. Hindi uso sa party na iyon ang special treatment. Kaya lahat ay makikigulo para kumuha ng pagkain. Paraan nila iyon para ipakita sa mga taong naroon na pantay-pantay sila sa party na iyon.


Nakasama nila sa pila ang ilan pa sa mga kaibigan nila na sina Rome, Carlo, Chad, Claude, ang pinsan nitong si Matt, ang ngayon ay kinikilala ng Doctor na si Nhad, ang may ari ng resort na si Nicollo, ang best friend ng kasintahan nitong si Popoy at syempre si Maki.


“Balita ko kasama mo raw ngayon ang boyfriend mo. Kailan mo kami ipapakilala sa kanya?” Nakangising tanong sa kanya ni Maki.


“Boyfriend siya ni Brian?” Magkasabay na wika nina Matt at Nhad at magkasabay pang tinuro si Russel.


“He’s not Brian’s boyfriend.” Pagbibigay impormasyon ni Nicollo. “He’s the best friend of Brian’s boyfriend, Eros.”


Hindi na siya nagtataka kung bakit kilala nito si Russel. After all, ito ang katu-katulong ni Dave sa pangangalap ng impormasyon sa kanyang kasintahan noon.


Ipinakilala niya sa mga ito si Russel. Ipinaliwanag rin niya kay Russel kung paano ito nakilala ni Nico na hindi naman nito masyadong binigyan ng pansin dahil masyado na itong abala sa pakikipagtitigan kay Popoy.


Nang matapos silang kumuha ng pagkain ay nagkanya-kanya na sila ng punta sa mga kapareha nila. Naabutan pa nila ang mga itong masayang nagkukwentohan. Masasabi talaga niyang madaling makagaanan ng loob ang kanyang kasintahan.


“Good evening everyone.” Pansamantalang natigil ang kainan nang magsalita sa ibabaw ng stage si Tonet. “Nakaugalian na naming magkakaibigan na maglaan ng isang gabi sa espesyal na buwang ito para magsaya kasama ang mga empleyado namin.”


“I love this part.” Ang nangingiting wika ni Alexa.


“Pero ang gabing ito ay naiiba sa lahat ng mga nagdaang Christmas party namin. Wanna know why?”


Inulan ito ng pagtugon mula sa kanila at sa iba pang taong naroon.


“Because this is the first time that we will be celebrating it with our extended friends and the people who are close them. We made sure na maging bongga ang gabing ito sa ating lahat by bringing here tonight the band that has been recently awarded as one of the best band in Asia, the Skyband.


Halos makulili ang tenga niya sa hiyawan ng mga tao.


“Narinig mo `yon Russ? Mapapanood natin ng personal ang Skyband.” Ang hindi makapaniwalang wika ni Eros.


“Mas gwapo pa rin ako sa kanila.” Pagyayabang naman niya.


“Ayaw patalo.” Napapailing na wika ni Chuckie. “Anyway, paano niyo sila napapayag na tumugtog dito?”


“Sila mismo ang nagpresenta.” Nakangiting tugon rito ng asawa nito. “Hindi madaling kalimutan ang kabaitan ng mga kaibigan niyo.”





Dahil sa presensiya ng Skyband ay lalong naging interesante sa mga taong naroon ang gabing iyon lalo na sa kanyang kasama. Halata kasi ang pagkawili nito ng husto sa banda na pati ang pagkain sa plato nito ay hindi na nito gaanong nagagalaw.


“Buong gabi mong makikita ang bandang `yan sa stage kaya ituloy mo na ang pagkain mo." Pabulong niyang wika rito.


“Kumakain naman ako.” Pagrarason naman nito sabay subo ulit.


“Oh, great.” Naibulalas niya ng makita kung sino ang papalapit sa mesa nila na siya ring dahilan para doon mapunta ang tingin ng kanyang kasintahan.


“Sino sila?” Takang tanong nito.


“The manipulative couple, Maki Delgado and Jay Iglesias.”


“Kamusta ang buhay-buhay mga kakosa?” Bungad agad ni Jay nang makalapit ang mga ito sa mesa nila saka siya nito binalingan na may nanunuksong tingin. “Bry! Long time no see. Balita ko may ipaapakilala ka raw sa amin ngayon.”


“Wala akong ipakikilala sa inyo.” Tugon naman niya.


“Sabi namin hintayin niyo kami para sabay-sabay nating kilalanin ang boyfriend ni Brian.” Biglang sulpot naman ng kapatid ng babaeng machine gun ang bibig na si Andy kasama ang kasintahan nitong si Nhad at ang magkasintahan ring Ken at Matt.


‘Pambihira! Mukhang gigisahin kami ng mga `to!’ Ang napapailing niyang naisambit sa sarili.





Itutuloy:




31 comments:

Jace said...

THANKS SA UPDATE IDOL!!! ahahaha!!

mamaya ko na lang babasahin at nanonood pa ko ng Once Upon A Time.. :)

-SupahMinion

Unknown said...

2nd... Si jay hindi natulog yan... Basa mode na ako... Thanks zeke...

Unknown said...

Oh yes the christmas party reunion is just began late kami nil brian kasi nagsomething pamkami hahahaha... Ui zeke nakakita na ng love team si Russel at si Popoy. Sounds interesting... Ano kaya mangyayari... Next chaptet na... Can't wait, masyado masaya to nandian na sila maki at jay,

Anonymous said...

HAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaays!! I miss the entire casting! sarap balikan at basahin ulit mula sa simula! hahaha


At bakit wala ako sa heading?? ahhh!???!!! Grrrr



-PanCookie

Anonymous said...

ayee!!sabi nnga ba weh,,me future c russel sa next story eh!^^
nice,,,russel and popoy!aabangan q un.:)

Grabe ang casts!!bongga!nakakatuwa kc magkakasama sila..kakamiss rn ung mga mokong na un eh.hehe..

-monty

Anonymous said...

lasing lasing na.... para happy happy ulit hihihihihih

makboy

Yhad S. Beucharist said...

ang ganda, sobra.

chie said...

Grabe Zekoy kahit pagod na pagod ako dahil sa agresibo kong customer kagabi eh hindi ko pa din talaga mapigilang hindi basahin ang update mo. Super nakakatuwa na makita/mabasa muli ang mga characters na napamahal na talaga sa akin, moja! Kahit pa nabitin ako eh masasabi kong super akong natuwa sa chapter na to. Update ka na ulit Zekoy!!! Mojamoja!!! :)

MigiL said...

Weeeee saya2x ng chapter na to.. :D gusto ko ulit basahin lahat ng sotries nila hahaha .. at may hint na din sa nxt story ha ahhaha ..thnx sa update kuya zeke! :3

manila_sex_actor said...

Nice

Very nice

Very very nice

Anonymous said...

wow halos lahat ng char.
andito sa chapter na to


namiss ko tuloy sila
kenotz at matt
andy at nhad
jayjay at maki maki


pero bat ala sila
lantis at pat pati na rin c jasper

Anonymous said...

Grabeh.. d tlga pedeng mamiss ang bawat update.. mahuhuli ka sa balita kung sakasakali.. iba tlga ang kwentong to.. d ka makakatiis na hndi basahin.. heheh.. thumbs up.. :)


-Jec

Anonymous said...

One word. "KILIG"

bruneiyuki214 said...

Thank you my darling zeke sa pagmention ulit sa akin sa heading...sobrang ganda ng chapter na toh lalo na sa first part...epiclly detailed ang pagkasulat ng eksena...nakakadala, namimiss ko tuloy si mary palmer.. basahin ko toh ulit mamya sa bahay...hahahahaha alam na..

Anonymous said...

From: Baguio With Love.

Dahil sa super kilig hindi nako nakapag lagay ng from hahaha

luilao said...

Kainis naman RATED SPG, di ko mabasa sa office ng tuloy2 hahahaha.. ano na kaya ang susunod??? hehehehe... giyera na I'm sure weeeee!! Thanks author sa special mention na naman hehehee

Migz said...

I enjoyed this chapter, no unnecessary incidents at panira ng moment.. Very light and stress relieving.. Thanks Zeke..

Anonymous said...

Kung makapag titigan naman si popoy at rus. haha

~JAYVIN

Anonymous said...

thnx sa update..


jco

Unknown said...

Good vibes na chapter..hahahaha thanks sa update kuya zeke :D

TheLegazpiCity said...

a big reunion indeed...ang syaa-saya naman...

wlaang kupas ung idea and pasabog mo zeke sa mga SPG moment...hehehe

Jace said...

late ko na nabasa... sorry busy lang sa Once Upon A Time.. ahaha.. :D

at nagsimula na ang Party... bakit walang nakapansin kay Popoy at Russel?? humihina na ang radar ni Angela sa mga ganyang titigan ah.. XD

wala pa 1st and 2nd series characters are Back!! sa chapter 25 pa siguro yung iba.. :D

thanks Idol!! :D

-SupahMinion

robert_mendoza94@yahoo.com said...

nice one! sexy sa umpisa at exciting sa bandang huli! mukhang matinding kulitan ang susunod ah? he he he. tnx zekie!

Anonymous said...

hmmmm.. nice


pangz

Anonymous said...

Boss Zeke you really never really fail to make me feel intense emotions sa mga chapters mo....you made me smile because of this update kahit I am on my lowest this past few days.....keep up the good work and kudos to you...

- Ivarro

Unknown said...

Haha ang astig ng chapter na to. Thanks kuya zeke :* kinikilig ako kay brian at eros pati popoy at russel.

Chants said...

I laveeeet!

slushe.love said...

Mukhang exciting at fun ang party ah. :) Excited na ako sa mang yayari :)

Anonymous said...

nice lahat ng characters ng mga nakaarang kwento ay andito. kakamiss sila. sana ituloy mo na zec ang skyband. :)

More power zec.

-Lance

Anonymous said...

Sino si alexa? Ngaun ko lng sya narinig

Zildjian said...

Si Alexa ang college girlfriend ni Chuckie na ngayon ay asawa niya. Sa kwento ng after all at Chances nabanggit siya.

Post a Comment