Monday, May 19, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 22



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Chapter 22 guys! Akalain niyong aabutin ako ng ala-sais matapos lang ang chapter na ito. Pinapahirapan na talaga ako ng kwentong `to at hindi na nakakatuwa. Anyway, pasasalamatan ko na naman ang mga taong walang sawang nag-iiwan ng kanilang komento sa kwentong ito.


Reymond Lee, Migz (Na hindi talaga nakakalimot na suportahan ako), Cyril Delatorre, Mark Kymn Flores, Russ (Isa rin sa ever supportive reader ko), Bobby Evasco (Siya daw si Eros), Patryckjr, Ryge Stan, JC, BruneIyuki214 (Ngayon lang kita nakita), Jec, JayJay (Minion), Robert Mendoza, Migil, Jorge Canlas, Lance Abella, Nikko Ramos (Pancookie), Luilao, BaguioWithLove (Request Granted), Chie, JPL, and Jayvin

Syempre sa mga Anonymous din at Silent Reader maraming salamat guys!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission. 



“Pasensiya na sa abala, Dobs. At maraming salamat sa pagpunta.” Senserong wika ni Brian sa kaibigang abogado na si Dorwin nang ihatid niya ito sa sasakyan nito.


Matapos ang nangyaring pambubogbog niya kay Xander ay sa isang presinto malapit sa downtown area sila bumagsak. Kaya naman agad niyang tinawagan ito para humarap bilang abogado niya. At tulad ng inaasahan ay hindi siya binigo ni Dorwin. Inasikaso nito ang gulong kinasangkutan niya.


“Sabihin mo nga sa akin, Brian. Ano ba ang pumasok diyan sa kokote mo at pinatulan mo si Xander? Hindi mo ba naisip nab aka intensyon niyang i-provoke ka para mangyari ito?” Panenermon naman nito sa kanya.


“Binastos niya sa harap ng maraming tao si Eros, Dorbs. Ano ang gusto mong gawin ko? Hayaan na lang siya?”


Posible ngang intensyon talaga ni Xander na galitin siya. Pero ano ang magagawa niya? Tuluyan ng naputol ang pisi niya rito sa sobrang dami ng atraso nito sa kanya.


Napabuntong hininga ito at napatingin sa kanina pa walang kibong si Eros na nasa may di kalayuan kasama ang kaibigang si Russel.


“Ngayong nakahanap na naman si Xander ng bagong kahinaan mo, paniguradong gagamitin niya iyon laban sa’yo.”


 “`Yan ang hindi ko hahayaan, Dorbs. Hindi ko hahayaang gamitin niya laban sa akin si Eros.”


“You just did. That moment na kumagat ka sa pangpo-provoke niya, ay hinayaan mo na siyang gamitin si Eros laban sa’yo.”


“What do you mean?” Kunot-nuo niyang naitanong.


“You just affirmed it to everyone na nasa loob ng bar na `yon na may relasyon nga kayo ni Eros kaya ka nag-react ng ganoon.  At dahil doon, magiging sentro kayo ng uusap-usapan hanggang sa kumalat ito sa lahat pati na kompanyang hinahawakan mo. Masasangkot ka na naman sa panibagong eskandalo.”


Nabusalan siya. Mahirap mang aminin pero mukhang tama itong kaibigan niya. Hindi niya tuloy naiwasang mapahawak sa kanyang batok nang ma-realize ang malaking pagkakamali. Hindi nga siya nag-iisip.


“Shit!”


“See? You just make things worse for you and Eros, Brian. At ang masama pa nito, hindi natin ngayon alam kung ano ang mga susunod na magiging hakbang ni Xander. Alam nating lahat that he will do everything para pabagsakin ka and you just open an opportunity for him.”


“Then fine! Bring it on!” Ang tuluyan na niyang napikong sabi. “Nangyari na ang nangyari. Gawin niya ang gusto niyang gawin. Wala na akong pakialam.”


Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay sa kanya ni Dorwin. Marahil ay hindi nito inaasahan na iyon ang sasabihin niya.


“What? Wala na rin naman akong magagawa di ba? Pero ito ang itaga niya sa kokote niya. Hindi niya masisisira ang meron kami ni Eros. Ngayon lang ako naging ganito kasaya at nagkaroon ng matatawag kong akin, kaya ipaglalaban ko siya even if it means na pwedeng mawala sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko.”


“Sige, sabihin na nating handa ka na ngang makipagpatayan kay Xander. Eh, si Eros? Handa na rin ba siya?”


“Proprotektahan ko siya.” Matatag niyang tugon.


“Sa papaanong paraan?” Ang naghahamong wika ni Dorwin.



“Bahala na. Basta hindi ko siya bibitawan.”


Napabuntong hininga ito.


“Let’s just hope that you will do it right, Brian. Dahil baka sa bandang huli, walang matira sa’yo. Mauna na ako.”





Tahimik sa loob ng sasakyan habang binabagtas nina Brian at Eros ang daan papunta sa bahay huli. Simula pa kanina ay wala na itong imik. Iwas rin itong salubungin siya ng tingin.


“Kanina ka pa tahimik. Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa mga sinabi ni Xander. Hindi mo kasalanan ang mga nangyari sa Maynila. Alam ko dahil naikuwento na sa akin ni Russel ang lahat.”


“Sinabi niya sa’yo?


Tumango siya bilang pagkumperma.


“Hindi ako natahimik matapos kong makita ang naging rekasyon mo nang subukan mong ikuwento sa akin ang mga nangyari kaya sinadya ko si Russel para magtanong. Doon ko nalaman ang lahat-lahat kasama na rin ang tungkol sa kanya.”


“Hindi masamang tao si Russel, Brian.”


“Alam kong hindi siya masamang tao, Eros. Pareho niyong hindi alam na pamilyadong tao ang lalaking `yon. Kaya dapat tanggapin mo na sa sarili mo ang lahat na siya mismo ang sumira sa pamilya niya at hindi kayo.”


“Hindi ko alam, Bry. `Yan sana ang gusto kong paniwalaan pero ––”


“Pero sa tuwing maalala mo na kaya nangyari ang lahat ng iyon ay dahil sa kagustohan ni Russel na matulungan ka ay kinakain ka ulit ng konsensiya mo. `Yon ba iyon?”


“Ako naman talaga ang dapat sisihin. Hindi sana kami masasangkot sa gulong iyon kung hindi dahil sa pagiging makasarili ko. Sa kagustohan kong maipakilala ang sarili ko sa’yo.”


Medyo nakaramdam siya ng kirot sa sinabi nito. Kulang na lang kasi ay sabihin nito na isang pagkakamali na ginusto siya nitong makilala. Pero hindi siya dapat nagpapaka-sensitive ngayon.


“Wala kang kasalanan, okay? Sariling desisyon ni Russel na tulungan ka. So stop blaming yourself.”


“Pero ––”


“Nagtitiwala ka ba sa akin?” Putol niya rito.


Tumango ito.


“Then trust me when I say na hindi niyo kasalanan ang nangyari.”


Hindi agad ito tumugon tila ba nag-isip muna ito pero makalipas ang ilang saglit ay tumango na rin ito kasabay ng pagpapakawala ng isang matamis na ngiti.


“Iyang ngiti na `yan ang gusto kong palaging makita sa’yo.”


Ilang sandali pa ang dumaan ay narating na nila ang bahay nito.


“After nating magsimba mamaya at makapag-almusal pwede mo ba akong samahan sa mall? Hindi pa kasi ako nakakabili ng mga ipangreregalo ko sa mga kurimaw kong kaibigan at sa mga inaanak ko.” Nakangiti niyang sabi.


“Hindi ba dapat umiwas muna tayong makitang magkasama sa mga ganoong lugar? Maraming nakarinig sa mga sinabi ni Xander kanina sa bar. Baka ––”


“Isa pa `yan.” Putol niya rito. “Gusto kong mangako ka sa akin na hindi mo hahayaan na masira ng mga sinabi at sasabihin pa ng walang hiyang `yon ang kung ano mang meron tayo.”


“Nag-aalala lang naman ako para sa’yo, Bry. Kapag kumalat ang tungkol sa atin, paniguradong masasangkot ka na naman sa eskandalo.”


Napangiti siya lalo na at nakikita niya sa mga mata nito kung gaano ito kasensero ang pag-aalala nito. This is what he loves about Eros, the genuine expression in his eyes. And every time na ipapamalas nito iyon ay hindi niya mapigilan ang kanyang pusong marigodon.


“I don’t care. Sanay na akong masangkot sa eskandalo at lalong sanay na akong maging sentro ng tsismis. Besides, pareho na tayong nag-invest ng sobra-sobra para lang magkaroon ng katuparan ang kung ano mang meron tayo ngayon. Ngayon pa ba tayo titigil? Dahil lang mga taong makikitid mag-isip? Ang suwerte naman nila.”


Ngumiti ito.


“Tama ka. I love you Bry. Mabuti na lang hindi ko binitawan ang kabaliwan ko sa’yo.”


Napatawa siya ng malakas sa tinuran nito. Hindi talaga ito nagmimintis na pasayahin siya sa mga simpleng hirit nito.


“So, kabaliwan pala ang tawag mo sa pagkahumaling mo sa akin? Kung sabagay, sa guwapo ko ba namang `to.”


“Wow! Ang lakas naman `ata ng self-confidence mo. Keep it up!”


At tuluyan na ngang nawala ang kanina lang ay binalot ng katahimikan at tensyon sa sasakyang iyon at napalitan ng malalakas nilang tawanan na animoy walang nangyaring hindi kanais-nais sa gabing iyon.





“Kamusta ang pakikipagbugbogan? Anong nangyari sa pagiging kalmado mo?” Tulad ng nakaraang simbang gabi ay heto’t kasabay ulit nila sa pang-apat na araw ng novena ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Kasalukuyang pumili ngayon ang kanilang mga kapareha para tumanggap ng katawan ni kristo.


“Imbes na maki-tsismis ka sa nangyari, bakit hindi ka na lang pumila at tanggapin ang katawan ni kristo. Baka sakaling mabawasan ang kademonyohan mo sa katawan.” Nakangising  balik niya sa kaibigang si Dave.


“Shhhh! `Wag nga kayong maingay. Din-i-disturbo niyo ang pagdarasal ko.” Sita naman sa kanila ng kaibigang si Claude.


“Sus! Ano ba ang ipinagdarasal mo? Ang yumaman ng husto?” Pang-aasar ni Dave dito.


“Ipinagdarasal ko ang mga kaluluwa niyo. Lalo na ang kaluluwa niyang katabi mo na basagulero.” Balik nito na ang tinutukoy ay siya.


“Ikaw na ang matino at santohin.” May panunuya niyang tugon saka binalingan ang ngingiti-ngiti lang na si Red. “Ano’ng nangyari sa’yo? Kinulang ka ba ng tulog o sadyang nababaliw ka lang? Kanina ka pa pangiti-ngiti, ah.”


“Wala naman. Natutuwa lang ako sa mga nangyayari. Imagine, inulan mo ng suntok si Xander dahil ininsulto niya si Eros sa harapan mo at ng maraming tao samantalang noon, nang may mangyaring karumaldumal sa inyo ay kung anu-ano ring kabulastugan ang mga lumabas diyan sa bibig mo. Sabi naman sa’yo, di ba? Iba pag ang pag-ibig na ang gumanap. Babaguhin ka niya para sa taong mahal mo.”


“Tulad ko.” Tila proud naman na pag sangayon ni Dave.


“Na isang dakilang under-de-saya?” Nang-aasar niyang buska.


“Ayaw ko lang na pagsisihan niya na ako ang pinili niyang mahalin kaya ko ginagawa ang lahat para mapasaya siya. At kung pagpapaka-under ang tawag doon, wala akong pake. Ang importante, masaya siya sa akin at masaya rin ako sa kanya.”


“Tumpak ka diyan pare!” Magkasabay na pagsangayon naman ng dalawang mangmang.


“Maiba ako, Brian. Ano na ngayon ang susunod na plano mo?” Kapag-kuwan ay tanong ni Red.


“Saan? Sa amin ni Eros? Magsasaya at susulitin ang break na ito. Susubukan rin naming gumawa ng baby baka palarin.” Nakangisi niyang tugon.


“Ugok! Hindi iyon ang ibig kung sabihin. Ano ang plano mo kay Xander. Paniguradong may bagong pakulong iniisip ang tinamaan ng magaling na pinsan mong `yon.”


“Hindi ko pa alam. Iisa lang naman ang naiisip kong gagawin niya at `yon ay sampahan ako ng kaso sa ginawa ko sa kanya. Siguro `yon ang dapat kong paghandaan.”


 “Mahirap `yan.” Komento ni Red.


“Kaya `yan. Nariyan si kambal. Matutulungan ka niyang lusutan ito.” Ani naman ni Dave.


“But it won’t be that easy.” Sabat naman ni Claude. “Paniguradong hahanap sila ng pantapat kay Dorwin.”


“Idinamay na rin lang naman tayo ng mangmang na Xander na `yon, we might as well join the fight. Wala pang sino man ang hinayaan kong tawagin akong immoral.”


“Gusto ko `yan. Matagal-tagal na rin akong nanahimik at nagpapakasanto.” Nakangising pagsangayon ni Claude.


“Pagsimba ang ipinunta niyo rito hindi magtsismisan.” Sita sa kanila ni Dorwin nang makabalik ito sa puwesto nila. Nasa likod rin nito sina Alex, Laurence at Eros.


“Group praying ang tawag sa ginagawa namin kambal. Di ba mga brothers?” Nakakalokong tugon rito ni Dave.


Pare-pareho silang napahagikhik nina Claude at Red habang ang mga ito naman ay napapa-iling na lang. Nagpapasalamat siya ng husto sa mga kaibigan niyang ito dahil sa walang humpay nitong pagpapakita ng suporta sa kanya. He is indeed lucky na napabilang siya sa grupo ng mga ito.





Tulad ng napagkasundan nina Brian at Eros magkasama ang dalawang nagpunta ng mall para maghanap ng mga ipangreregalo ng una sa mga kaibigan at inaanak nito. Pareho pa silang nalula sa sobrang dami ng taong tulad nila ang magsho-shopping rin.


“December 19 na nga. Sobrang dami ng shoppers kahit ang aga pa.” Ang wika ni Eros habang inililibot nito ang tingin sa kabuohan ng mall.


“Inisip kasi nila na makakatakas sila sa mahabang pila kung aagahan nila ang punta. Unfortunately mukhang marami silang nag-isip ng ganoon.” Nakangisi naman niyang tugon rito. “Let’s start sa second floor. Noroon ang section ng mga laruan.”


“Mga laruan?” Takang tanong nito.


“Yeah! Para sa mga anak ng mga kaibigan kong magagaling at sa dalawang pamangkin mo.” Nakangiti niyang tugon.


“Isasama mo ang dalawang pamangkin ko? Hindi ka lang talaga gwapo ang bait mo pa!”


“Sige ituloy mo lang `yang pagbibigay mo ng papuri sa kaguwapohan ko at baka pati mga anak mga kapitbahay niyo bilha ko rin ng regalo.” Nakangisi niyang wika.


“Gagawin mo `yon?”


There it goes again. The pure innocence in those eyes na kinababaliwan niya ng husto rito. Na para bang nagsasabi sa kanya na paniniwalaan nito ang kung ano mang ang isasagot niya tulad ng isang paslit. Gusto n asana niyang yakapin ito kaso naalala niyang nasa pampublikong lugar sila at ang kahuli-hulihang bagay na gusto niyang mangyari sa araw na `yon ay ang makahakot ng atensyon kaya nginitian na lang niya ito ng ubod ng tamis saka niya hinila ito papunta sa escalator.


“Tapusin natin agad ang pamimili para makauwi tayo agad at makapag kulong tayo sa kuwarto ko.” Wika niya.


“Gusto ko `yan.” Humahagikhik namang tugon nito.


Parang bumalik si Brian sa pagiging bata habang namimili ng mga laruang ipangreregalo. Bawat laruan kasi na nakakakuha ng pansin niya ay sinusubukan niya. Tulad na lang ngayon, tuwang-tuwa siyang minamaniobra ang di remote na helicopter.


“Pasubok rin ako.” Wika ni Eros.


Ibinigay nga niya rito ang controller pero nahirapan itong kontrolin sa paglipad ang laruan dahilan para bumaksak ito sa sahig.


“Buti na lang hindi ka naging piloto. Kawawa ang mga pasahero mo kung magkataon.” Humahagikhik niyang biro rito na kinatawa ng ibang nanunuod sa kakaibang trip nila.


“Bakit ikaw? Hindi ka naman piloto pero nagawa mo namang siyang mapalipad.”


“Dahil henyo ako. Tsaka bata pa lang ako, mahilig na ako sa mga ganitong klaseng laruan.” Nakangisi naman niyang tugon. “I think George and Matt will love this toy.” Dagdag pa niya na ang tinutukoy ay ang mga anak ng kaibigan niyang si Vincent at Chad.


“Panigurado `yan.” Sangayon naman niya.


“Eh, `yong mga pamangkin mo? Ano bang klaseng laruan ang mga gusto nila?”


“Naku walang pinipiling laruan ang dalawang `yon.” Isang lalaki at isang babae ang mga pamangkin niya.


“Ano ba ang mga gusto nilang makuha ngayong pasko?”


“Naku! Ang mamahal ng mga gusto ng dalawang `yon ngayong pasko.”


“It’s Christmas. Ang panahon kung saan lahat ay umaasahang matutupad ang kahit na ano mang hilingin nila. Lalo na ang mga kabataan. And I think that it will be great kung tayo ang makakapag bigay katuparan niyon.”


“Tulad ng ginagawa ni Santa Clause?”


What? Hindi ba nito alam na kathang isip lamang si Santa Clause?


‘Obviously hindi.’ Siya na mismo ang sumagot sa nabuong tanong na `yon saka niya ito nginitian ng ubod ng tamis.


“Yep! Tulad ni Santa Clause. Kasi sobrang dami na ng tao sa mundo kaya dapat tinutulungan natin siyang tuparin ang kahilingan ng iba.”


“Kung sabagay.” Tatangao-tango nitong wika na lalo lamang nagpangiti sa kanya ng husto. Marami talaga ang pinagkaibahan nito sa mga taong nakakasalamuha niya.


“So, pwede ko na bang malaman kung anong gustong regalo ng mga pamangkin mo ngayong pasko?”


“Si Marnie ay gustong magkaroon ng Doll house. Si Errol naman, ay PSP.”


“Then ibibigay natin `yon sa kanila.” Nakangiti niyang sabi.


At iyon na nga, binili nila ang mga dapat nilang bilhin sa Toy section at nang matapos sila doon ay sunod naman nilang pinuntahan ay ang tindahan ng mga PSP. Tamang tama lang kasi doon niya rin nakita ang ipangreregalo niya sa kaibigang si Ace na mahilig rin sa mga video games.


Patuloy lang sila sa pamimili ng mga ipangreregalo at sa kauna-unahang pagkakataon, na-enjoy niya ng husto ang pagsha-shopping. Kung anu-ano pa kasing nakakamanghang pag-uugali ang ipinamalas ni Eros sa kanya hanggang sa mapansin niya ang pagrehistro ng pagod sa mukha nito.


“Mukhang pagod kana, ah?”


Sinubukan niyang kunin rito ang ilan sa mga bitbit nitong pinamili nila pero maagap nito iyong naiiwas.


“Ako na `to. Ang gaan-gaan nga lang ng mga ito kumpara sa mga dala mo.”


“But you’re tired. Siguro dapat kumain na tayo.”


“Ayos lang ako pero siguro nga dapat kumain na tayo. Nagugutom na kasi ako, eh.” Napapakamot nito sa ulong sabi.


Napatawa siya. Basta talaga tungkol sa pagkain hindi ito pahuhuli.


“Ano ba ang gusto mong kainin?”


“Uhmmmm.” At nag-isip pa talaga muna ito. “Gusto ko ng manok at maraming gravy. Tapos gusto ko rin ng pizza at spag tapos sa dessert naman gusto ko ng banana split o di kaya naman halo-halo.”


“`Yon lang?” Nakangiti niyang tanong.


“Yup!” Magiliw nitong sagot.


“Brian?”


Napalingon siya dahil sa pagtawag na `yon mula sa kanyang likuran at agad nabura ang kanyang ngiti nang ang malingunan niya ay si Abigail at Monica.


“I told you it’s Brian” Wika naman ni Monica ng makumperma ng mga ito na siya nga iyon.


“It’s really you, Bry. What are you doing here?”


Kung mamalasin ka nga naman. Sa dami ng pwede nilang makasalubong sa mall na `yon, ang dalawang ito pa.


“Bakit ba nagpupunta sa mall ang isang tao? Hindi ba para mamili?” He answered bluntly.


Napangiti ito ng hilaw.


“You’re right. How silly of me to ask an obvious question.” Wika nito saka ibinaling ang tingin sa kanyang kasama. “You must be Eros?”


“Kilala mo ako?” Ang nagulat namang wika ng kanyang kasama.


“I have heard a lot about you at isa na doon ay ang relasyon niyo ni Brian.” Wika nito saka muling ibinalik ang tingin sa kanya. “Hindi mo `ata nasabi sa akin noon na intersado ka rin pala sa kapwa mo lalaki, Bry.”


Ramdam niya ang panunuya sa bawat katagang binitiwan nito na lalong sumira sa mood niya.


“Busy kana kasi noon sa pangangaliwa sa akin kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon.” Ganting panunuya niya rito.


Kita niya kung papaano rumehistro sa mukha nito ang pagkapahiya.


“How do you became this arrogant, Brian?”


“I’m only arrogant to those people who don’t deserve my kindness, Abigial.”


“And I don’t deserve your kindness? Bakit? Dahil lang ba sa isang pagkakamaling nagawa ko sa’yo noon o dahil iyan ang sulsul ng Eros na ito sa’yo?” Wika nito na tinuro pa si Eros.


“Walang patutunguhan ang usapang ito so, if you’ll excuse us nagugutom na ang kasama ko.” At hinila na nga niya si Eros palayo sa mga ito.


“I will win you back again, Brian. At gagawin ko ang lahat para mangyari iyon dahil hindi ako makakapayag na sa isang tulad ng Eros na `yan ka lang mapupunta.” Punong-puno ng kasiguradohang wika nito na dahilan para mapahinto siya at mapalingon uli rito.


“Then ang kailangan mo ay isang milagro, Abigail. Dahil `yon lang ang nakikita kong pwedeng maging dahilan para mangyari iyang mga sinasabi mo.”





Itutuloy: