Tuesday, December 20, 2011

Chances Chapter 01




by: Zephiel
email: zildjianstories@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com


Ginawa ko ang kwentong ito hindi lang dahil na miss ko ang mga dati kong character kung hindi dahil na din sa demand ng mga readers ko. Sana po magustohan nyo ang storyang ito tulad ng pagkagusto nyo sa TRT, AA, at 9 Mornings ko.


Tungkol naman sa 9 Mornings bukas ko na po ipopost ang  Chapter 19 since na maaga ang naging update ko sa chapter 18 hehehe. Peace sa mga nag hihintay!!


Inihahandog ko po sa inyo ang pang-apat na gawa ko ang storyang Chances ni Renzell Dave Nivera. Samahan natin si Dave sa kanyang pakikibaka sa mundo ng mga alien este sa relasyon na sinasabi nilang masalimuot at kumplikado. Papatunayan ni Dave sa inyo na being a risk taker sometimes has the advantage in life not only to obtain happiness but also to learn the things that our eyes and heart can’t see by being alone and empty.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



“I’m sorry sweety! Hindi ako makakarating sa anniversary natin. May show pa kasi kami dito sa manila eh. Kung gusto mo, ikaw nalang magpunta dito.” Ang may himig niyang pagpapaumanhin namay landing wika ng girlfriend kong si Sonja, pronounced as Sonia.


1st anniversary namin at hindi sya makakapunta dahil sa lintik na show niyang yon. Bilang isang modelo, kapirangot lang ang time na naibibigay niya sa akin sa sobrang dami ng kung anu-anong kabalbalan niya sa Manila. Well, girls are girls, mahilig sa fame lalo na ang girlfriend kong misyon na ata sa buhay ang maging isa sa pinaka-sikat na modelo sa bansa.


Syempre proud ako sa katayuan niya, sino ba ang hindi? Halos lahat ata ng katangian na hinahanap ng isang lalaki sa isang babae ay nakay Sonja na. Sexy, malaki ang umbok ng dibdib, maganda, galing sa may kayang pamilya, at higit sa lahat magaling sa kama kaya siguro tumagal ako sa kanya kahit once in a blue moon lang kaming magkita.


Taga-Manila si Sonja at doon ko sya nakilala nung nagtratrabaho pa ako sa aming pribadong kumpanya na nagdidisenyo ng mga condo. Ang lola at lolo ko ang original na may ari ng kumpanyang iyon at ipinamana sa kanilang mga anak nang mag retiro ang papa ko. Ako ang humalili sa kanya sa pamamahala doon. Pero nung maging magkaayos si Papa at ang dakilang kambal ko, iniwan ko ang kumpanya para mas lalo kong mabigyan ng panahon ang dalawang tao namahalaga sa akin.


“You promised na ikaw naman ngayon ang dadalaw sa kaharian namin. Pero since busy ka tulad ng sabi mo, let’s just move the celebration sa araw na free ka. Just give me a call kung nasa airport ka nadito sa amin.”At pinutol ko ang linya.


Hindi ko ugali ang maghabol sa mga babae. Siya ang hindi tumupad sa pangako niya kaya dapat siya ang maghabol sa akin. Kung hindi man niya ako habulin, problema na niya yon. Hindi na siya makakakita ng kasing gwapo at kasing galing ko sa kama.


I don’t believe that relationships last forever. Naniniwala ako na walang contentment ang isang tao. Hindi tayo ma satisfy sa isang bagay. Ang papa and kambal ko lang ang mga taong binibigyan ko ng halaga dahil sila lang ang alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Ang iba, kung hindi dahil sa personal na interes ay trip lang nilang magpakita ng pagpapahalaga. Para sa akin dalawa lang ang uri ng tao; mapag-panggap at mapang-husga.


“Dave, dalhin mo to sa opisina ni Dorwin. Kailangan daw nya itong mga papeles ngayon.” Wika ni papa.


Tingnan mo nga naman, mas naging masayahin na ito ngayon kumpara noong una - na itinuring siya ng kambal ko bilang isang mortal na kaaway dahil sa pakikialam sa relasyon niya kay Niel. Masyado kasi kaming mahal ng papa namin at ayaw na ayaw nitong nasasaktan ang kambal ko. Ang mali lang nya noon ay ang hindi agad na pagsabi ng totoong dahilan niya sa ginawa dahil sa takot na masaktan ng husto si Dorwin.


“Papa naman, bakit ako ang magdadala niyan? Pakuha mo nalang yan kay Red dito. Tinatamad ako eh.” Maktol kong sagot. Sa dalawang tao ko lang nalalabas ang soft side ko; kay papa at kay Dorwin.


“Umayos ka Dave! Ang laki mong tao para kang bata. Sige, tatawagan ko si Dorwin at isusumbong ko na ayaw mong ihatid ang papeles na kailangan niya.” Agad itong nag-dial sa hawak niyang wireless na telepono.


“Hep! Biro lang!” Ang agad ko namang sabi sa kanya ng maagaw ko ang telepono. “Hindi mo talaga ako love noh? Kasi gusto mo akong bitayin ni Dorwin.” Tampu-tampuhan ko sinabi.


Magkaibang-magkaiba kami sa ugali ng kambal ko. Kung si Dorwin ay ang tipong seryoso, ako naman ang tipong gago. Sa mga barkada namin, si Dorwin ang anghel at ako ang demonyo.


“Araykup….”  Ang daing ko nang tamaan ng sapok ang aking ulo.


“Kay Dorwin takot ka, pero sa akin hindi.” Sabi nito na may himig ng pagtatampo.


Ngumisi naman ako sa kanya na nang-aasar.


“Kasi paps,matanda ka na. Mahina na ang buto mo kaya di ako takot sayo.” Sabi ko na sinabayan pa ng nakakagagong tawa.


“Ah ganun?” Tinanggal nito ang suot na tsineslas. “Eh kung hambalusin kaya kita nitong tsinelas ko para makita mo kung sino ang matanda.”


Tumakbo ako patungong pintuan at bago makalabas ay dumila ako na siya namang kanyang tinawanan. Ganun kami ka-mahal ng papa namin simula ng mamatay si mama. Siya na ang mag-isang nagpalaki sa amin. Kaya naman, hindi kami masyadong nangulila kay mama nang bawiin ito sa amin dahil hindi ipinaramdam sa amin ni papa na nawalan kami, bagkus ay binusog kami nito ni Dorwin ng pagmamahal.


“Sir Dave, kayo po pala.Kanina pa po kayo hinihintay ng kambal nyo.” Bati sa akin ng secretary ni Dorbs.


Kung wala lang anak ‘tong isang ‘to matagal ko na ‘tong pinatos. Hindi mo masasabing may anak na siya dahil maalaga siya sa katawan. Isama mo pa ang ganda at kutis nito, naku ulam na ulam.


“Salamat Lor, dinner naman tayo minsan.” Biro ko sa kanya na sinabayan ko ng isang napakagandang ngiti.


“Hindi ka parin nagbabago Dave, babaero ka parin.” Sabay tawa nito at muling itinuon ang atensyon sa mga nagkalat na papel sa kanyang mesa.


“I’ll take that as a ‘No’.” Nakangising wika ko at tinungo na ang silid ni Dorwin.


“Hindi ka talaga marunong kumatok kumag ka.” Agad nitong bungad sa akin nang makita ako.


“Ikaw pa ngayon ang may ganang magalit dyan? Ginawa mo na nga akong delivery boy eh!” Sagot ko sabay ngising aso.


“Kelan pa kita binigyan ng karapatang magreklamo? Bagay lang sa’yo ‘yan dahil ginawa mo akong chef buong lingo.” Balik namang sabi nito sa akin.


Hindi naman talaga ganun ka galing magluto si kambal. Talagang gusto ko lang siyang lambingin; isa sa mga paglalambing ko sa kanya ang ipagluto niya ako.


“Ganon talaga, kasi mahal mo ako. Napupurga na kasi ako sa luto ni nanay eh.” Tukoy ko sa matandang naging ina na sa amin ni Dorbs.


“Isusumbong kita para hindi ka na niya pakainin.” Natatawa narin nitong sabi.


“Dorbs?” Sabay bigay ko nang aking pamatay na move sa kanya. Yung nagpapaawang mukha dahil alam kong hinding-hindi ako nito matatanggihan kapag inilabas ko na ang alas kong iyon sa kanya.


“Wag mo nga akong bigyan ng ganyang tingin! Ano na naman ba ang kailangan mo?”


Hihihihi epektib parin talaga ang pamatay kong alas.


Tumayo ako’t agad na lumapit sa kanyayumakap mula sa kanyang likuran. Dahil sa nakaupo sya sa kanyang swivel chair at ako ay nakatayo, sa kanyang balikat ko ipinatong ang aking baba. Napabuntong hininga nalang si kambal tanda ng pagsuko nito.


“Sabihin mo na ang kailangan mo at makalayas kana dito.” May bahid ng pagsukong wika nito na lihim kong ikinatuwa. Kapag ganun kasi ang tono nito, paniguradong hindi na ito tatanggi pa.


“Pwedeng sa bahay ka nalang mag-dinner? Pagluto mo ako ng pagkain. Sad kasi ako ngayon eh.” Ang parang bata kong wika sa kanya. Kahit na mag ka-edad kami ni Dorwin itinuturing parin ako nitong nakakabatang kapatid.


“Sad?” Ang may bahid ng di pagkapaniwala nitong sabi. “Utuin mo ang nalang ang iba ‘wag lang ako. Kelan ka pa naging sad kumag ka?”


“Basta! Sad ako at dapat ipagluto mo ako ng pagkain.”


“Oo na! Doon na kami magdi-dinner ni Red mamaya, satisfied?” Wika nitong at muling ibinaling ang atensyon sa mga papeles na dala ko.


“Muuuuaaaah!” Ang may pangigil kong paghalik sa kanyang pisngi. “Salamat kambal sasabihin ko agad kay papa, sure akong matutuwa yon.”


“Dapat talaga may halik pa?” May pandidiring wika nito sabay pahid ng kamay sa bandang pisnging aking hinalikan.


“Bakit may angal? Lagi naman kitang hinahalikan ah! kaw nga rin eh.”


“Meron! Dahil ang asawa ko nalang ngayon ang may karapatang humalik sa akin. Lumayas kana nga at marami pa akong trabaho!”


“Sus! Pagbuhulin ko pa kayo ng asawa mo eh.” Pang-aasar ko sa kanya. Isang bagay na tuwang-tuwa akong gawin kay Dorwin dahil sobrang pikunin nito.


“Eh kung patayin nalang kaya kita ngayon ng mawalan na ako nang problema sa buhay?” Sabay tayo nito senyales para umalis na ako sa lugar na iyon. Si Dorwin kasi ang tipong hindi mangingiming gawin ang sinabi nito.


“Next time nalang kambal sayang ang lahi ko kung papatayin mo ako.” Nakangisi kong wika at agad na lumabas nang makita kong may hawak itong ballpen at umambang ibabato sa akin.


Tumatawa akong dumaan sa table ni Lor.


“Sinira mo na naman ang araw ng kambal mo noh?” Sita niya sa akin.


Ngisi lang ang itinugon ko sa kanya.


“Ang sama mo talaga.” Napapailing nalang nitong sinabi.


“Mabait kaya ako. Try mo kasing makipag-date sa akin minsan para makilala mo pa akong lalo.” Banat ko naman sa kanya.


“Oo, sa sobrang bait mo hindi ko na ma-appreciate.”


Tumawa na lang ako’t tuluyang lumabas sa opisina ni kambal. Hindi ko na kailangang pagluksaan ang hindi pagtupad ng pangako sa akin ni Sonja dahil dito naman ang kambal ko na kahit busy at masungit laging handa akong pagbigyan. Hihintayin ko na lang itong tumawag sa akin at magsabing handa na siyang magpakita. Bago sya bumalik ng Manila hihiwalayan ko sya. Siyempre kailangan ko munang umi-score noh para hindi ako malugi sa mga ginastos at gagastusin ko pa sa mga dates namin. Hanap nalang ulit ako nang bagong prospect.


Agad kong ibinalita kay papa ang pagpunta sa dinner plan namin ni Dorwin. Tulad ng inaaasan, bumakas ang saya sa mukha nito. Iyon lang naman ang kasiyahan ni papa; ang laging makasama ang kambal niya kaya lang, yung kambal ko may ibinahay na kaya bihira na lang dumalaw. Minsan kami pa ni papa ang sasadya sa bahay nito para lang makasama at makita siya.


Inubos ko nalang ang buong araw ko sa loob ng kwarto at naglaro ng online game, napagtripan kong mangasar ng ibang player para mabawasan ang boredom ko sa mga araw na iyon. Simula nung highschool, mahilig na talaga ako sa mga online games na kabaliktaran naman ni Dorwin na inubos ang kanyang panahon sa mga libro. Halos pareho lang naman kaming binigyan ng talino ni Dorwin masyado lang akong maligalig sa buhay at tamad akong magbasa.


Nang matapos kumain ng lunch ay ibinaling ko naman ang aking atensyon sa mga planong hindi ko pa nabibigyan ng pansin. Matagal nang hinihingi ito sa akin ng opisina namin sa Manila dahil kahit nag-resign na ako ay sa akin parin ang bagsak ng mga plano para I supervise ang mga bagong electrical engineers namin.


Magaling ka kasi kaya ‘wag kanang umanga. Tutal, sumesweldo ka naman. Nakangisi kong wika sa sarili.


Dahil na rin sa na-focus ang atensyon ko sa mga plano at kung anu-anong kalokohang pwede kong gawin, hindi ko namalayang ala sais na pala ng gabi kung hindi pa ako kinatok ni Dorwin.


“Lumabas kana dyan sa lungga mo senyorito at tulungan mo si Red magluto sa baba!” Asik nito agad sa akin.


“Ayaw ko nga! Gusto ko tayong dalawa lang ang magluluto. Pauwiin mo na ‘yang asawa mong hilaw.” Minsan talaga normal nalang na lumalabas sa bibig ko ang mga salitang ayaw na ayaw ni Dorbs marinig. Nakita kong biglang nagdilim ang paningin nito na animoy handa na akong lamunin ng buo.


“Biro lang kambal! Easy!” Ang agad kong wika na sinabayan ko pa ng pagtaas ng dalawa kong kamay na animoy sumusuko.


“Ulitin mo pang asarin sa harap ko si Red at may paglalagyan ka talaga sa akin Renzell Dave.”


Sa pagtawag nito ng aking buong pangala’y masasabi kong isa na lang at siguradong tutuluyan ako nito.


“Hehehe! Biro lang yon! Ito naman!Alam mo namang bestfriends kami ng asawa mo di ba?”


“Si Carlo ang best friend niya.Huwag mo akong gaguhin kung ayaw mong hindi na masikatan ng araw. Ngayon tumayo kana diyan kung ayaw mong ihampas ko ang monitor mo sa pagmumukha mo.” Galit pa rin nitong wika.


“Opo! Tatayo na po! Sorry n, wag kana magalit. Biro lang naman talaga yon eh.” Sabay bigay ng pamatay kong alas.


At ayun nga, napalitan na ang galit na mga mata nito at muli kong nakita ang anghel kong kambal.


May anghel bang handang patayin ang kanyang kapatid? Cain the 1st murderer ata ang idol nitong kambal ko. Naku!


Hindi na ako nito sinagot at lumabas na lang muli sa aking kwarto. Wala talagang kupas ang weapon ko sa kanya. Ngingiti-ngiti kong in-off ang computer at tuluyan ng bumababa para tulungan ang bayaw kong hilaw na magluto.







Itutuloy:


29 comments:

wizlovezchiz said...

This story is very interesting. Paano kaya babaguhin si Dave na isang player at mapagmahal na kapatid at anak ng magiging kaganapan sa mga susunod na yugto ng kwentong ito? I'm very interested on how will Dave play with Sonia at ang magiging epekto nito kay Sonja at kanya. Tingin ko sa mentality ni Dave, he's really self-centered and would care less for anything else.

Very interesting start. :)

Anonymous said...

ang ganda ng simula.... interesting basahin...ang gulo mo talaga dave...

ramy from qatar

Chris said...

Wow! Hahaha! Wala na akong masabi kundi SOBRANG GANDA nya! Hahaha! Great job, kuya! Can't wait sa next update! :)) ung 9 mornings, kailan po ang update? Hehehe XD!

Philip2001 said...

another great start for another great story...gusto ko ung palaging ganito...ung palaging nakangisi ka habang nagbabasa tapos di mo namamalayan...masakit na pala panga mo sa kakatawa...parang ganito lang personality ko kay dave...pasaway at alaskador...hehehe diba zeke. good job zeke!

Anonymous said...

kakabasa ko lang knina nung teaser tapos eto na pla first part..bilis haha

kuliit tlga ni dave..how i wish i hve a friend like him..saya cguro nun haha

nxt chap na po

-john el-

Unknown said...

Another interesting story..kaabang abang ang mangyayari kay Dave..sino kaya ang magpapabago kay Dave?

More Power to you & God bless!

M.V. said...

hehehe this is cute... gusto ko ang personality ni dave since umapir siya sa story ni red & dorwin & niel...

Anonymous said...

koya ganda. :D

-ichigoXD

Anonymous said...

yey!!...
great opening chapter kuya Z!!...

im aLready Liking dave's character...
he's carefree, kaLog, funny, babaero nd everything eLse...
hehehe...
not the usuaL type of person nah mging bida sah isang story...
nd i aLso Lyk how the twins treat each other...
you can see nah they reaLLy Love each other...

naku, new story to foLLow...
thank you kuya Z for this wonderfuL gift...
hehehe...
aabangan ko ang nxt chapter...


- edrich

Anonymous said...

haha masaya ang kwentong to. Kalog ang bida. Galing mo zild.

--ANDY

Dormouse said...

huhu wala na akong time magbasa....

russ said...

naglipana na talga tayo sa mundo hehehe another interesting story author..

Bharbzz said...

Very Nice!! ang ligalig tlg ni Dave pero npka lambing >_<

Thankz kuya zep for this new beautiful story!!

Anonymous said...

nice:p ang kulit ni dave, galing mo talaga. para daw akong engot habang binabasa ko to, sabi ng kapatid ko hehe pano ba naman nakangisi ako habang nagbabasa.@dereck@

RJ said...

heeeeeeeeey :D bilis ah!

ang masasabi ko lang sa ngayon, syempre susuportahan ko rin tong kwento mo. well-written naman siya, at maganda rin ang simula. hindi ko lang talaga alam kung san mo kinukuha ang oras mo sa pagsulat haha :D

keep it up Z :)

Lawfer said...

now now... wla aqng mairereklamo ngaun :o daya,anung hmala ang ngyari? o.o

anyway anyhow anywho! cool start! as in gs2ng gs2 q xa (obvious naman dhl napacoment aq) jst let things soar and let d worms feed in the earth below lolz

wastedpup said...

Ang galing. Simula pa lang, alam mO na na magaling at pulido ang pagkakagawa. Ingatz Z. Keep it up and God bless... :)

Anonymous said...

kulit umarte ni dave kay dorwin..naiinggit ako sa mga yakap niya sa kambal niya..feeling ko,kapag ako niyakap ng ganun,manlalambot ako sa mga bisig niyang yun..

nice work kuya zeke..another inspiring story..hehe

-Jay

Zildjian said...

salamat sa mga comments nyo guys! Sana suportahan nyo ang bago kong kwentong ito..hkhkhk

Anonymous said...

Parang ako si Dorwin tas iyung kapatid ko si Dave kasi parehas silang tough tignan pag nasa public tapos kwela pagdating sa bahay. Ako si Dorwin kasi gusto ko mag-abugado.

-ShalnarK- said...

Oh may gad! Oras n ni dave! Sa online game kaya mkakita ng alias na maldita si dave? Haha exciting!

Midnytdanzer said...

Mukhang riot ito.

Next napo please...

rheinne said...

nice...may pagkakaabalahan na naman ako basahin.....

Anonymous said...

at ako'y naloka dahil pati ang kambal ni Dorwin na si Dave ay magiging isang dalaginding din! :3 kaloka ever!!!hahahaha

Happy New Year Zeke at sa inyong lahat! :)

-tristfire

Billygar said...

hala. meron na pala nito. late na ako. basa mode muna.

Unknown said...

hahaha....baliw si Dave..lol parang si Kuya Zild lang talaga..whahahaha

Jm_virgin2009 said...

grabi kinilig ako.. hahahaha

Anonymous said...

hahaha..maaga akong tatanda kung c dave ang makakasama q araw-araw!:D
napakapilyo nya ha!?haha...

Infairness,,napangiti aq sa excitement kc alam q mkksama s story ni dave ang fave kong c dorwin at red!!!!haha..fave q tlaga sila eh.^^

oki,nxt chap na.:)

-monty

Anonymous said...

nice story, interesting to ah.

rhon

Post a Comment