Ito na ulit ang isa sa mga kagagohan ko guys ang CHAPTER 12 ng 9 Mornings. Di ko alam kong anong pumasok sa 2MB kong utak at naisipan kong mag English English ngayon. HAHAHA Pag tyagaan nyo nalang ang grammars ko dahil due to the incorrect dialing code sabog na ako. ^_^
Pasasalamatan ko nga pala ang mga ka chat ko lagi sac hatbox
ko. Nangako kasi ako sa kanila na babatiin ko sila sa chapter na ito. Mahirap
na matampuhin pa naman ang mga yon kaya ito na. HOY MGA KABAYAN SAY PRESENT
WHEN UR NAME IS CALLED!
Katanashi no Rue
(Rue), Jay!:) at ang kanyang
doppelganger na si Jay, si Redlion, si Tristfire, si Beucharist,
si Edrich na kaninalang nakachat ko.
Si Rovi Yuno ang dyosa nang mga
dyosa (Walang kokontra ang kumontra pangit!), si Allure a.k.a Louisa ang babaeng walang pahinga. Si Jojiemae ang babaeng posporo, si Cedric na minsan nalang magparamdam, si
Kuya Nitro na broken hearted ngayon
at looking for SOP este partner (ibibigay ko number nya pag nag react sya sa
sinabi ko.), si Chucky ang
chocolatety buddy na hubby ni jojiemae, si Eusethadeus
na kanina lang nagawi sa chatbox ko, ang mga anons na laging nagtatanong kong may update na, hmmmm sino paba? Teka iisip isip pa ako…….
Ayon! Si Ice na may sarili na ding
blog, si white_pal na kumanta pa
talaga nang ala Mariah Carey, si Ram
na busy ngayon sa kanyang studies ayiiee!! Si Bluecho rin pala ang matalinhagang nilalang. Hanggang doon lang ang
kaya ng 2MB kong utak better luck next time. Wahihihihihi Yeah boi! Sa nga di ko na banggit next batch kayo di kayo kasali sa group 1 kaya wag kayong magtampo.
Special Mention si Jefofotz
ang aking dakilang misis ang wag kayong magalala ako lang nakakaalam na misis
ko sya kaya pagbigyan nyo na ako. Ang kumontra ulit pangit!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“So,
how did you know each other?” Ang tanong ni Chad nang makaupo kami ni Claude sa
pangdalawahang mesa malayo sa mga tao. Sineryoso talaga nito ang sinabi nang
kanyang asawa na hanapan kami nang magandang puwesto.
Medyo umaambon sa mga oras na iyon ngunit hindi ito naging
dahilan para mapigilan ang mga taong abala sa pamimili nang kung anu-ano para
sa darating na pasko. Heavy traffic at puno nang mamimili ang mga gilid ng
kalsada syempre dahil may Christmas bunos kaya sinasagad ang pamimili.
Tiningnan lang ito ni Claude gamit ang mga mata nito na
walang ekspresyon na makikita. Even so, sya pa rin ang Claude na nakilala ko
six years ago. Makisig parin ito kahit walang makikitang kong anu sa maamo
nitong mukha.
“Laurence, Laurence right?” Baling ni Chad sa akin nang
hindi ito makakuha nang sagot mula sa kanyang antipatikong pinsan. Tinanguan ko
naman ito at ibinaling sa kanya ang aking tingin. Mas mabuti na iyon kesa mag
ka stiff neck ako sa dahilang hindi ko magawang tumingin ng deretso sa mukha ni
Claude na nakaupo sa harapan ko.
“Would you be okey if I leave you both alone?” Ewan ko kung
anu ang pumasok sa kokote nito at naitanong nya iyon sa akin. Bago pa man ako
makasagot sa kanya ay si Claude ang sumunod na nagsalita.
“You don’t have to act polite in front of us Chad. Wala
akong balak na bumalik pa ulit sa lugar na ito. Hindi ka namin kailangan kaya
bumalik kana sa asawa mo.” May bahid ng galit nitong wika na bahagya pang
nakakunot ang noo.
For some strange reason na awa ako kay Chad. Kahit pinsan pa
nya ito ay hindi magandang ipahiya ito sa harapan ng costumer nito. To think na
pwedi nyang ipakaladkad si Claude sa gwardya nila. Pero hindi kinagat ni Chad ang
hayagang pambabastos ng kanyang pinsan. Instead he just chuckled.
“Hindi ka parin talaga nag babago pinsan masungit ka parin.”
Nakangiti nitong wika walang bakas nang pagkapikon ang gwapo nitong mukha. “Don’t
get me wrong, im just worried sa kaibigan ng asawa ko. Kilala ko ang kalibre
mo. Oh well, maiwan ko na kayo.” Ibinaling nito sa akin ang kanyang tingin. “Enjoy
the food Laurence and it was nice meeting you.” Sabay talikod nito.
Hindi pa man nakakailang hakbang si Chad nang tawagin ito ni
Claude. Huminto naman ito at lumingon muli sa kanyang pinsan na may ngiti pa
rin sa kanyang labi. Kakaiba talaga ang isang to ni hindi manlang mapikon kahit
konte.
“Tell your friends not to look on our way or else sisiraan
ko itong bagong tayong restaurant ng misis mo.” Doon ako napalingon sa mesa
nang mga dati kong ka klase at totoo nga ang sabi ni Claude dahil nakatingin
silang lahat sa amin.
Ngumisi lang si Chad sa kanya at muling tumalikod. Sinundan
ko lang ito nang tingin hanggang sa makalapit ulit ito sa mesa nang kanyang mga
kaibigan at asawa. The guys wave their hands na para bang nang aasar pa.
Marahil ay sinabi ni Chad sa mga ito ang bilin ng kanyang pinsan.
“Ano ang gusto mong kainin.” Pag-agaw nito nang atensyon ko.
Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko sa mga taong nasa labas bago sumagot.
Hindi ko talaga magawang makipag titigan sa kanya kasi hanggang ngayon sya
parin ang taong nakakapag pabilis ng tibok ng aking puso.
“B-Busog pa ako.” Wika ko na hindi manlang ibinaling ang
aking tingin sa kanya.
Kita ko sa gilid nang aking mata na sumenyas ito sa isang
waiter. Nang makalapit sa amin ito ay agad nitong sinabi ang kanyang oder.
“Two coffee.” Ramdam kong tumingin muna ito sa akin at
muling nagsalita. “And one slice blueberry cheesecake.” Sa aking narinig ay
muling nagrigodon ang aking puso. Hanggang ngayon pala ay hindi parin nito
nakakalimutan ang paborito kong dessert. Ibig bang sabihin nun ay pinatawad na
nya ako? Pero hindi ko rin magawang umasa sa tuwing maaalala ko ang masasakit
na salitang binitiwan sa akin nito noon bago kami mag hiwalay.
Nang makaalis ang waiter ay nag lakas loob na akong tingnan
sya. Gusto ko na ring matapos agad ang anumang paguusapan namin sa gabing iyon
nang makapagpahinga na ang lintik kong puso. Matagal na akong nagtatago sa
aking problema at siguro tama na ang anim na taon para harapin ang taong naging
dahilan ng ka misarablehan ng buhay ko.
“Anong kailangan mo sa akin at pinapunta mo ako rito?”
Walang kaabug-abog na tanong ko sa kanya. He looked at me and ayon nag simula
na namang mag wala ang aking puso. Kahit anong pigil ko ay hindi ko parin
maikakaila na ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang lalaking hanggang ngayon ay
nagmamayari parin ng aking puso. Inayos ko ang aking composure para hindi nito
mahalata iyon.
“Wala.” Matipid nitong sagot.
Napakunot noo ako sa sagot nito. Bakit kailangan pa nya
akong tawagan sa opisina kung wala rin manlang syang sasabihin sa akin? Ano ito
lokohan? Gumapang ang inis sa aking mga boto lalo na sa nakikita kong reaksyon
nito na parang wala lang sa kanya ang makita ako habang sa loob loob ko ay para
na akong bibitayin ano mang oras sa sobrang kaba.
“Wala? Pwedi ba yon? Pinapunta mo ako rito para lang makipag
kape? Nagpapatawa ka ba?” Hindi ko maiwasang mapataas ang aking boses sa
pagkapikon. Inis ang bumalot sa akin sa lalaking kaharap ko ngayon. Ang
lalaking hindi manlang nakuhang pakinggan ang paliwanag ko noon. Ang lalaking
hanggang ngayon ay mahal ko parin kahit na labis ako nitong sinaktan.
“Wag mo akong pagtaasan ng boses Laurence. Wala kana sa
posisyon.” Para akong binuhusan ng katutunaw lang na yelo. It strikes me.
Pinaalala nito sa akin na hindi ko na sya pagaari. Bubulyawan ko na sana ito kung
hindi lang dumating ang waiter na may dala nang in-order nya.
Nakakainis, kung bakit ba kasi kailangan ko pang umasa ulit
na magkakaayos pa kami. I should’ve learned my lesson. Ito nga pala ang taong
kasing tayog ng Mount Everest ang pride. Hindi ito makikinig sa kahit anong
sabihin ko. Hindi ba’t sya pa nga mismo ang nag sabi sa akin noon na hinding
hindi sya ulit maniniwala sa kasinungalingan ko?
Claude is now back to his old self. Mayabang, arogante,
walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bakit ko pa ba kasi naisipang
harapin ito. I already lived my life away from his shadow. Why the hell do I have
to torture myself over and over again? This man is a stone, a walking stone at
kahit kailan ay hindi na ito babalik sa dating Claude na minahal ko. Pak!
Magkahalong sama nang loob at pagkapahiya ang bumabalot sa
akin sa mga oras na iyon. Oo, aminado akong sapul ako sa sinabi nitong wala na
akong karapatan sa kanya. Dapat pa ba nyang uliting sabihin sa akin iyon. Hindi pa ba sya kontento sa mga
panlalait at kung anu-anong masasakit na salita nito sa akin bago kami nag
hiwalay. To think na wala akong kasalan sa kung anu mang nangyari noon. Kung
tutuusin pinagbayaran ko na ang kasalanang ibinato nito sa akin na hindi ko
naman talaga ginawa.
Binalot ko ang aking puso para maprotektahan ito sa
nalalapit na pagkikipagbuno sa taong may hawak nito. I need to do the only thing
na hindi ko nagawa noon. Kailangan kong magpaliwanag wala na akong pakialam
kong pakikinggan nito ang paliwanag ko o hindi basta ang importante na sabi ko
ang side ko sa kanya. Tama si Pat, this will also help me to move on and to let
go.
Huminga ako nang malalim to gather all my strength. Kong kailangan
kong mag monologue sa harap ng isang taong bato who cares. I’ve already lost
everything ano pa ang dapat kong ikatakot? Walang mangyayari kong mananahimik
ulit ako sa isang tabi. Nasubukan ko na ito noon at hindi iyon naging magandang
ideya. Times up! It’s time to be the real Laurence once again kahit panandalian
lang ay lalabas ako sa harang na ako mismo ang gumawa.
“About sa nangyari..”
“Drop it Laurence. Hindi pa rin ako interesado sa walang
kwenta mong paliwanag. Ubusin mo nalang yang pagkain mo so we can leave this
place.” Pagputol nito sa mga sasabihin ko. This is the reason why pinili kong
manahimik at kalimutan nalang ang lahat dahil muli na naman akong nasaktan sa
pangalawang pagkakataon. Sobrang sakit kapag ang taong mahal mo ay walang
panahong pakinggan ang paliwanag mo.
Dama ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata at hindi ko na
napigilan ang tuluyang pag bagsak nito. All these years hindi pa rin magawa ni
Claude na pakinggan ako. Masakit, sobrang sakit at parang hinihiwa ang puso ko.
Lalo na sa nakikita ko sa kanya ngayon na wala manlang ni katiting na emosyon
sa kanyang mukha.
“Masakit ba?” Nabigla ako sa sinabi nito. “Kulang pa yan sa
ginawa mong panggagago sa akin. Ginawa ko ang lahat para sayo Laurence. Isinuko
ko pati ang pride ko bilang lalaki nang mahalin kita pero anung ginawa mo?”
Doon na ako napahagulhol. Muli kong nasilayan sa mukha nito ang matinding galit
na halos saksakin ako nito gamit ang matatalim na tingin nyang yon. Nawala ang
mahinahon nyang aura at bakas ang panginginig ng kanyang mga kamay base sa
pag-galaw ng hawak nitong tasa nang kape.
“Gusto mong malaman kung bakit kita inimbitahan rito?”
Ngumiti ito sa akin na parang demonyo. “Dahil
gusto kong makita ang kamesarablehan mo. Matagal na kitang pinagmamasdan mula
sa malayo at hindi ko nagugustohan na tumatawa ka dahil wala kang karapatang
maging masaya!” May kalakasan na nitong sabi at alam kong sa amin na nakatingin
ang lahat ng tao sa loob ng restaurant na iyon.
“Nakaganti kana. Ngayon masaya kana ba?” Sinalubong ko ang
mga galit nyang mga mata. Patuloy parin ang pag-agos ng masaganang luha sa
aking magkabilang pisngi. “Kung tapos kanang mag diwang sa nakikita mo ngayon I
better go.”
I had enough. Sobrang sakit, kung pwedi ko lang kitlin ang
buhay ko sa harapan nya ay gagawin ko kung yon ang magpapasaya sa kanya. Ginawa
ko na lahat ng magagawa ko to explain myself to him but he rejected it again.
Hinayaan ko ang pag-agos nang aking mga luha sa harapan nya. Showing my vulnerability
to him hindi para mag paawa kung hindi para ipakita sa kanya sa huling pagkakataon
ang Laurence noon dahil mula sa oras na ito isasarado ko na permanente ang puso
ko sa kahit na sinong tao para maprotektahan sa mga taong mananakit rito.
Tatalikod na sana ako sa kanya para lumabas sa resto na iyon
dahil hindi ko na alam kung hanggang saan ang itatagal ko sa mga masasakit na
salita nito. He was not the Claude I used to love linamon na sya nang galit
nya.
“Hindi pa tayo tapos Laurence.” May diin nitong sabi. Ramdam
ko ang mahigpit nitong pagkakahawak sa aking kaliwang kamay halos madurog na
ito.
Sinubukan kong makawala pero sadyang mahigpit ang
pagkakahawak nito sa akin kulang nalang ay durugin nya ang kamay ko.
“Tama na yan Cladue.” Napalingon ako sa taong nagsalita. It
was Chad kasama nito ang iba sa mga lalaki sa grupo nila.
“Pare, hindi magandang manakit ng taong hindi lumalaban baka
gusto mo ako nalang ang labanan mo.” Si Rome bakas ang galit sa mga mata nito.
“Bitiwan mo ang kamay nya pare. Pagusapan nyo nang mabuti
yan.” Wika naman ni Red sa malumanay na boses.
“Anong pakialam nyo? Problema namin ito kaya wag kayong
makialam kung ayaw nyong masali sa gulo.” I can’t believe Claude could be this
evil. Tuluyan na syang inangkin ng galit at pride nya.
“Aba’t! Ang yabang ng hunghang na to ma sampolan nga.”
“Ervin Rome!” Tawag ni Ace sa kanyang partner. Nakaupo lang
ito sa mesa nila kanina kasama ang mga babae nitong kaibigan.
“Eh ito kasing…”
“Bumalik kana rito kung ayaw mong ikaw ang ma sampolan ko.”
Wala na nga itong nagawa kung hindi ang mapakamot nalang sa
kanyang ulo at tingnan ng masama si Claude bago tumalikod at bumalik sa
kanilang lamesa. Lahat ng costumer na nasa resto na iyon ay sa amin na
nakatingin. May mga bulong-bulongan pa akong naririnig pero hindi ko na iyon
nagawang maintindihan sa tinding sama nang loob.
“Bitiwan mo ang kamay nya Claude.” Muling wika ni Chad. “Kung
hindi mapipilitan kaming kaladkarin ka palabas kasama nang mga kaibigan ko.”
Ngunit hindi ito nag pasindak sa pinsan nya. Mas lalo lang
nitong hinigpitan ang paghawak nya sa aking kamay kung hawak pa ba ang
maitatawag doon.
“Tol, ayaw namin ng gulo lalo pa’t buntis ang asawa ko
makakasama iyon sa anak namin.” Malumanay nang wika ni Chad. “Pagusapan nalang
natin ito.”
Sa puntong iyon ay naramdaman ko na ang pagluwag nang
pagkakahawak nito sa akin hanggang tuluyan na nitong bitawan ang aking kamay.
Agad naman akong hinila ni Red palapit sa kanya.
“Mahal, dalhin mo sya sa lamesa natin.” Wika nito sa
kakatabi nayang si Dorwin na agad naman akong inalalayan papunta sa lamesa
nila.
“Magusap nga tayo.” Ang narinig ko pang wika ni Chad. “Pare,
sumunod nalang kayo. Magpaalam muna kayo sa mga asawa nyo.” Nakita ko nalang
itong lumabas kasama ang pinsan nya sa exit door.
Parang bangag akong inalalayan ni Dorwin na maupo. He
offered me a glass of water na tinanggihan ko lang. Masyadong pre-occupied ang
isip ko sa mga nangyari dahilan para mawalan ako nang kakayahang magisip ng
tama. Para akong timang na nakayuko at naka tutok lang sa tiles ng restaurant
na iyon.
“Sasamahan namin si Chad papunta nang seventh bar.” Wika ni
Red ng makalapit ulit ang mga ito sa amin. “Rome pare, sama ka? Pagkakataon mo
nang magulpi ang lalaking ungas na yon.”
“Red.” Saway ni Dorwin rito.
“Sama ako. Gusto kong malaman kong anu ang drama meron ang
kurimaw na yon.” Tugon naman ni Rome.
“H-Hindi nya kasalanan yon.” Mahina pero sapat na para
marinig nila iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ipinagtatanggol si Claude sa
kanila sa kabila nang mga ginawa nito kanina. Kusa nalang iyong lumabas sa
aking bibig.
Nagtatakang nabaling ang tingin nila sa akin.
“Hindi kasalanan? Eh muntik ka na ngang kainin ng buhay ng
taong yon tapos hindi kasalanan? Uy Ace may naka mana pala sa katangahan mo dati.”
Banat ni Angela pero hindi ako tinablan ng pangaasar nito.
“Angela shut up kung ayaw mong ihagis kita sa labas nitong
restaurant nyo.” Di ko alam kong asar ito o kung nagbibiro lang dahil hindi ko
makita ang ekspresyon ng mukha ni Ace.
“Red, sundan nyo si Chad kami na ang bahala kay Laurence dito.”
Utos ni Dorwin sa kasintahan nya. “Alamin mo kung ano ang problema nang isang
yon para mapigilan ko ang sarili kong ipakulong sya.” It was attorney Nivera’s commanding
voice. Walang bahid ng pagbibiro sa boses nito.
“It’s not his fault. I’m sorry to drag you guys into this. I
better go.” Walang sabi sabing tumayo ako at lumabas ng restaurant na iyon.
Mabuti nalang at wala ni isa sa kanila ang pumigil sa akin.
Iyak lang ako nang iyak sa loob ng aking kwarto. Ang sakit
nang muli kong masilayan ang galit sa mga mata ni Claude. Lalo na ang makita
itong walang kaamor-amor sa akin tuluyan na ngang nawala ang Claude na minahal ko
kaya dapat lang din na tuluyan ko na ring kalimutan ang nakaraan ko sa kanya.
Alam kong babalikan pa nya ako dahil ito mismo ang nagsabing hindi pa kami
tapos.
Kailangan kong bumangon muli kung kinakailangang kalimutan
ko nang tuluyan ang dating Laurence ay gagawin ko. Hindi na pweding pairalin ko
pa ang puso ko dahil paniguradong masasaktan lang ako. Hindi na ako umaasang maitatama
ko pa ang minsang pagkakamali na hindi ko ginawa. Iyon ang mga bagay na huli
kong itinatak sa aking isip bago tuluyang lamunin nang sobrang pagod at makatulog na.
Mabigat ang pakiramdam nang imulat ko ang aking mga mata.
Mukhang nakasanayan na nang aking katawan ang bumangon ng alas dos ng madaling
araw para magsimba. Ayaw kong bumangon, ayaw ko na ring magsimba pa. Wala nang
rason para gawin ko iyon, pero kahit anong gawin ko hindi ko magawang makatulog
ulit.
Napilitan akong umupo sa gilid na aking kama at nahagip agad
ng aking mga mata ang litrato nang aking ina. Ang taong hanggang sa
kahuli-hulihan ng kanyang paghinga ay inilagaan at prenotektahan ako. Sadya
yatang mababaw ang aking luha dahil muli na naman itong umagos.
“Ma, bakit kailangang mangyari sa akin ito? Nag mahal lang
naman ako di ba? Ito ba ang kapalit ng bawal na pagmamahal ko noon?
Pinarurusahan ba ako nang diyos ngayon? Bakit kailangan ko pang magsimba kung
sya mismo ang may gawa nito sa akin? Bakit kailangan ko pa syang sambahin ko
sya mismo ay gusto akong pasakitan?” Sunod-sunod ang pag-agos ng aking luha
pero hindi iyon nakatulong na maibsan ang bigat nang aking kalooban.
“Ma, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang mag-isa kunin nyo
na ako ni papa.” Doon na ako humagulhol. Alam kong pagtatawanan ako nang kahit
na sino mang makakita sa akin ngayon. Even my students would laugh at me seeing
how devastated I am. Anim na taon, anim na taon kong pinilit itago ang tunay
kong damdamin dahil ayaw ko nang masaktan pero bakit nagkaganito. Ano ba ang
malaking kasalanang nagawa ko sa mundo to deserve this kind of life. I don’t deserve
to be this miserable naging mabait akong anak, naging mabuting kaibigan at
mabuting lover. Why do I have to suffer this much?
Sa hindi malamang kadahilanan biglang may dumamping malamig
na hangin na parang lumukob sa buo kong katawan at ang unang pumasok sa aking
isip ay ang aking ina dahil sya lamang ang nagiisang tao noon na yumakap sa
akin nang mga panahon na nararamdaman ko ang ganitong pakiramdam. Ang
pakiramdam ng isang taong ayaw ng mabuhay.
Pinahid ko ang aking mga luha. Tumayo sa aking kama at wala
sa sariling pumasok sa banyo para maligo ni hindi ko nagawang tanggalin ang mga
saplot sa aking katawan. Kusa nalang pinihit ng aking kamay ang shower at tuluyan
ng dumampi ang malamig na tubig sa akin.
Tuluyan na akong lumabas ng bahay at nag simula nang
maglakad patungo sa simbahan. Napagdesisyunan kong tuparin ang huling hiling ni
mama sa akin, ang subukang kompletuhin ang simbang gabi. Hindi ko alam kong
bakit iyon ang inihiling nya sa akin bastat ang alam ko lang ang puso ko mismo
ang nagdidiktang pagbigyan sya.
Itutuloy: