by: Zephiel
email: zildjianstories@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com
Ginawa ko ang kwentong ito hindi lang dahil na miss ko ang mga dati kong character kung hindi dahil na din sa demand ng mga readers ko. Sana po magustohan nyo ang storyang ito tulad ng pagkagusto nyo sa TRT, AA, at 9 Mornings ko.
Tungkol naman sa 9 Mornings bukas ko na po ipopost ang Chapter 19 since na maaga ang naging update
ko sa chapter 18 hehehe. Peace sa mga nag hihintay!!
Inihahandog ko po sa inyo ang pang-apat na gawa ko ang
storyang Chances ni Renzell Dave
Nivera. Samahan natin si Dave sa kanyang pakikibaka sa mundo ng mga alien este
sa relasyon na sinasabi nilang masalimuot at kumplikado. Papatunayan ni Dave sa
inyo na being a risk taker sometimes has the advantage in life not only to
obtain happiness but also to learn the things that our eyes and heart can’t see
by being alone and empty.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“I’m sorry sweety! Hindi ako
makakarating sa anniversary natin. May show pa kasi kami dito sa manila eh.
Kung gusto mo, ikaw nalang magpunta dito.” Ang may himig niyang pagpapaumanhin namay
landing wika ng girlfriend kong si Sonja, pronounced as Sonia.
1st anniversary namin at hindi sya makakapunta
dahil sa lintik na show niyang yon. Bilang isang modelo, kapirangot lang ang
time na naibibigay niya sa akin sa sobrang dami ng kung anu-anong kabalbalan
niya sa Manila. Well, girls are girls, mahilig sa fame lalo na ang girlfriend
kong misyon na ata sa buhay ang maging isa sa pinaka-sikat na modelo sa bansa.
Syempre proud ako sa katayuan niya, sino ba ang hindi? Halos
lahat ata ng katangian na hinahanap ng isang lalaki sa isang babae ay nakay
Sonja na. Sexy, malaki ang umbok ng dibdib, maganda, galing sa may kayang
pamilya, at higit sa lahat magaling sa kama kaya siguro tumagal ako sa kanya
kahit once in a blue moon lang kaming magkita.
Taga-Manila si Sonja at doon ko sya nakilala nung nagtratrabaho
pa ako sa aming pribadong kumpanya na nagdidisenyo ng mga condo. Ang lola at
lolo ko ang original na may ari ng kumpanyang iyon at ipinamana sa kanilang mga
anak nang mag retiro ang papa ko. Ako ang humalili sa kanya sa pamamahala doon.
Pero nung maging magkaayos si Papa at ang dakilang kambal ko, iniwan ko ang kumpanya
para mas lalo kong mabigyan ng panahon ang dalawang tao namahalaga sa akin.
“You promised na ikaw naman ngayon ang dadalaw sa kaharian
namin. Pero since busy ka tulad ng sabi mo, let’s just move the celebration sa
araw na free ka. Just give me a call kung nasa airport ka nadito sa amin.”At
pinutol ko ang linya.
Hindi ko ugali ang maghabol sa mga babae. Siya ang hindi
tumupad sa pangako niya kaya dapat siya ang maghabol sa akin. Kung hindi man niya
ako habulin, problema na niya yon. Hindi na siya makakakita ng kasing gwapo at
kasing galing ko sa kama.
I don’t believe that relationships last forever. Naniniwala
ako na walang contentment ang isang tao. Hindi tayo ma satisfy sa isang bagay.
Ang papa and kambal ko lang ang mga taong binibigyan ko ng halaga dahil sila
lang ang alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Ang iba, kung hindi dahil sa
personal na interes ay trip lang nilang magpakita ng pagpapahalaga. Para sa
akin dalawa lang ang uri ng tao; mapag-panggap at mapang-husga.
“Dave, dalhin mo to sa opisina ni Dorwin. Kailangan daw nya
itong mga papeles ngayon.” Wika ni papa.
Tingnan mo nga naman, mas naging masayahin na ito ngayon
kumpara noong una - na itinuring siya ng kambal ko bilang isang mortal na
kaaway dahil sa pakikialam sa relasyon niya kay Niel. Masyado kasi kaming mahal
ng papa namin at ayaw na ayaw nitong nasasaktan ang kambal ko. Ang mali lang
nya noon ay ang hindi agad na pagsabi ng totoong dahilan niya sa ginawa dahil
sa takot na masaktan ng husto si Dorwin.
“Papa naman, bakit ako ang magdadala niyan? Pakuha mo nalang
yan kay Red dito. Tinatamad ako eh.” Maktol kong sagot. Sa dalawang tao ko lang
nalalabas ang soft side ko; kay papa at kay Dorwin.
“Umayos ka Dave! Ang laki mong tao para kang bata. Sige,
tatawagan ko si Dorwin at isusumbong ko na ayaw mong ihatid ang papeles na
kailangan niya.” Agad itong nag-dial sa hawak niyang wireless na telepono.
“Hep! Biro lang!” Ang agad ko namang sabi sa kanya ng maagaw
ko ang telepono. “Hindi mo talaga ako love noh? Kasi gusto mo akong bitayin ni
Dorwin.” Tampu-tampuhan ko sinabi.
Magkaibang-magkaiba kami sa ugali ng kambal ko. Kung si
Dorwin ay ang tipong seryoso, ako naman ang tipong gago. Sa mga barkada namin,
si Dorwin ang anghel at ako ang demonyo.
“Araykup….” Ang daing
ko nang tamaan ng sapok ang aking ulo.
“Kay Dorwin takot ka, pero sa akin hindi.” Sabi nito na may
himig ng pagtatampo.
Ngumisi naman ako sa kanya na nang-aasar.
“Kasi paps,matanda ka na. Mahina na ang buto mo kaya di ako
takot sayo.” Sabi ko na sinabayan pa ng nakakagagong tawa.
“Ah ganun?” Tinanggal nito ang suot na tsineslas. “Eh kung
hambalusin kaya kita nitong tsinelas ko para makita mo kung sino ang matanda.”
Tumakbo ako patungong pintuan at bago makalabas ay dumila
ako na siya namang kanyang tinawanan. Ganun kami ka-mahal ng papa namin simula ng
mamatay si mama. Siya na ang mag-isang nagpalaki sa amin. Kaya naman, hindi
kami masyadong nangulila kay mama nang bawiin ito sa amin dahil hindi ipinaramdam
sa amin ni papa na nawalan kami, bagkus ay binusog kami nito ni Dorwin ng
pagmamahal.
“Sir Dave, kayo po pala.Kanina pa po kayo hinihintay ng
kambal nyo.” Bati sa akin ng secretary ni Dorbs.
Kung wala lang anak ‘tong isang ‘to matagal ko na ‘tong
pinatos. Hindi mo masasabing may anak na siya dahil maalaga siya sa katawan. Isama
mo pa ang ganda at kutis nito, naku ulam na ulam.
“Salamat Lor, dinner naman tayo minsan.” Biro ko sa kanya na
sinabayan ko ng isang napakagandang ngiti.
“Hindi ka parin nagbabago Dave, babaero ka parin.” Sabay
tawa nito at muling itinuon ang atensyon sa mga nagkalat na papel sa kanyang
mesa.
“I’ll take that as a ‘No’.” Nakangising wika ko at tinungo
na ang silid ni Dorwin.
“Hindi ka talaga marunong kumatok kumag ka.” Agad nitong
bungad sa akin nang makita ako.
“Ikaw pa ngayon ang may ganang magalit dyan? Ginawa mo na
nga akong delivery boy eh!” Sagot ko sabay ngising aso.
“Kelan pa kita binigyan ng karapatang magreklamo? Bagay lang
sa’yo ‘yan dahil ginawa mo akong chef buong lingo.” Balik namang sabi nito sa
akin.
Hindi naman talaga ganun ka galing magluto si kambal. Talagang
gusto ko lang siyang lambingin; isa sa mga paglalambing ko sa kanya ang
ipagluto niya ako.
“Ganon talaga, kasi mahal mo ako. Napupurga na kasi ako sa
luto ni nanay eh.” Tukoy ko sa matandang naging ina na sa amin ni Dorbs.
“Isusumbong kita para hindi ka na niya pakainin.” Natatawa
narin nitong sabi.
“Dorbs?” Sabay bigay ko nang aking pamatay na move sa kanya.
Yung nagpapaawang mukha dahil alam kong hinding-hindi ako nito matatanggihan
kapag inilabas ko na ang alas kong iyon sa kanya.
“Wag mo nga akong bigyan ng ganyang tingin! Ano na naman ba
ang kailangan mo?”
Hihihihi epektib parin
talaga ang pamatay kong alas.
Tumayo ako’t agad na lumapit sa kanyayumakap mula sa kanyang
likuran. Dahil sa nakaupo sya sa kanyang swivel chair at ako ay nakatayo, sa
kanyang balikat ko ipinatong ang aking baba. Napabuntong hininga nalang si
kambal tanda ng pagsuko nito.
“Sabihin mo na ang kailangan mo at makalayas kana dito.” May
bahid ng pagsukong wika nito na lihim kong ikinatuwa. Kapag ganun kasi ang tono
nito, paniguradong hindi na ito tatanggi pa.
“Pwedeng sa bahay ka nalang mag-dinner? Pagluto mo ako ng
pagkain. Sad kasi ako ngayon eh.” Ang parang bata kong wika sa kanya. Kahit na
mag ka-edad kami ni Dorwin itinuturing parin ako nitong nakakabatang kapatid.
“Sad?” Ang may bahid ng di pagkapaniwala nitong sabi. “Utuin
mo ang nalang ang iba ‘wag lang ako. Kelan ka pa naging sad kumag ka?”
“Basta! Sad ako at dapat ipagluto mo ako ng pagkain.”
“Oo na! Doon na kami magdi-dinner ni Red mamaya, satisfied?”
Wika nitong at muling ibinaling ang atensyon sa mga papeles na dala ko.
“Muuuuaaaah!” Ang may pangigil kong paghalik sa kanyang pisngi.
“Salamat kambal sasabihin ko agad kay papa, sure akong matutuwa yon.”
“Dapat talaga may halik pa?” May pandidiring wika nito sabay
pahid ng kamay sa bandang pisnging aking hinalikan.
“Bakit may angal? Lagi naman kitang hinahalikan ah! kaw nga
rin eh.”
“Meron! Dahil ang asawa ko nalang ngayon ang may karapatang
humalik sa akin. Lumayas kana nga at marami pa akong trabaho!”
“Sus! Pagbuhulin ko pa kayo ng asawa mo eh.” Pang-aasar ko sa
kanya. Isang bagay na tuwang-tuwa akong gawin kay Dorwin dahil sobrang pikunin
nito.
“Eh kung patayin nalang kaya kita ngayon ng mawalan na ako
nang problema sa buhay?” Sabay tayo nito senyales para umalis na ako sa lugar
na iyon. Si Dorwin kasi ang tipong hindi mangingiming gawin ang sinabi nito.
“Next time nalang kambal sayang ang lahi ko kung papatayin
mo ako.” Nakangisi kong wika at agad na lumabas nang makita kong may hawak
itong ballpen at umambang ibabato sa akin.
Tumatawa akong dumaan sa table ni Lor.
“Sinira mo na naman ang araw ng kambal mo noh?” Sita niya sa
akin.
Ngisi lang ang itinugon ko sa kanya.
“Ang sama mo talaga.” Napapailing nalang nitong sinabi.
“Mabait kaya ako. Try mo kasing makipag-date sa akin minsan
para makilala mo pa akong lalo.” Banat ko naman sa kanya.
“Oo, sa sobrang bait mo hindi ko na ma-appreciate.”
Tumawa na lang ako’t tuluyang lumabas sa opisina ni kambal.
Hindi ko na kailangang pagluksaan ang hindi pagtupad ng pangako sa akin ni
Sonja dahil dito naman ang kambal ko na kahit busy at masungit laging handa
akong pagbigyan. Hihintayin ko na lang itong tumawag sa akin at magsabing handa
na siyang magpakita. Bago sya bumalik ng Manila hihiwalayan ko sya. Siyempre
kailangan ko munang umi-score noh para hindi ako malugi sa mga ginastos at
gagastusin ko pa sa mga dates namin. Hanap nalang ulit ako nang bagong
prospect.
Agad kong ibinalita kay papa ang pagpunta sa dinner plan
namin ni Dorwin. Tulad ng inaaasan, bumakas ang saya sa mukha nito. Iyon lang
naman ang kasiyahan ni papa; ang laging makasama ang kambal niya kaya lang,
yung kambal ko may ibinahay na kaya bihira na lang dumalaw. Minsan kami pa ni
papa ang sasadya sa bahay nito para lang makasama at makita siya.
Inubos ko nalang ang buong araw ko sa loob ng kwarto at naglaro
ng online game, napagtripan kong mangasar ng ibang player para mabawasan ang
boredom ko sa mga araw na iyon. Simula nung highschool, mahilig na talaga ako
sa mga online games na kabaliktaran naman ni Dorwin na inubos ang kanyang
panahon sa mga libro. Halos pareho lang naman kaming binigyan ng talino ni
Dorwin masyado lang akong maligalig sa buhay at tamad akong magbasa.
Nang matapos kumain ng lunch ay ibinaling ko naman ang aking
atensyon sa mga planong hindi ko pa nabibigyan ng pansin. Matagal nang
hinihingi ito sa akin ng opisina namin sa Manila dahil kahit nag-resign na ako
ay sa akin parin ang bagsak ng mga plano para I supervise ang mga bagong
electrical engineers namin.
Magaling ka kasi kaya ‘wag
kanang umanga. Tutal, sumesweldo ka naman. Nakangisi kong wika sa sarili.
Dahil na rin sa na-focus ang atensyon ko sa mga plano at
kung anu-anong kalokohang pwede kong gawin, hindi ko namalayang ala sais na
pala ng gabi kung hindi pa ako kinatok ni Dorwin.
“Lumabas kana dyan sa lungga mo senyorito at tulungan mo si
Red magluto sa baba!” Asik nito agad sa akin.
“Ayaw ko nga! Gusto ko tayong dalawa lang ang magluluto. Pauwiin
mo na ‘yang asawa mong hilaw.” Minsan talaga normal nalang na lumalabas sa
bibig ko ang mga salitang ayaw na ayaw ni Dorbs marinig. Nakita kong biglang
nagdilim ang paningin nito na animoy handa na akong lamunin ng buo.
“Biro lang kambal! Easy!” Ang agad kong wika na sinabayan ko
pa ng pagtaas ng dalawa kong kamay na animoy sumusuko.
“Ulitin mo pang asarin sa harap ko si Red at may paglalagyan
ka talaga sa akin Renzell Dave.”
Sa pagtawag nito ng aking buong pangala’y masasabi kong isa
na lang at siguradong tutuluyan ako nito.
“Hehehe! Biro lang yon! Ito naman!Alam mo namang bestfriends
kami ng asawa mo di ba?”
“Si Carlo ang best friend niya.Huwag mo akong gaguhin kung
ayaw mong hindi na masikatan ng araw. Ngayon tumayo kana diyan kung ayaw mong
ihampas ko ang monitor mo sa pagmumukha mo.” Galit pa rin nitong wika.
“Opo! Tatayo na po! Sorry n, wag kana magalit. Biro lang
naman talaga yon eh.” Sabay bigay ng pamatay kong alas.
At ayun nga, napalitan na ang galit na mga mata nito at muli
kong nakita ang anghel kong kambal.
May anghel bang
handang patayin ang kanyang kapatid? Cain the 1st murderer ata ang
idol nitong kambal ko. Naku!
Hindi na ako nito sinagot at lumabas na lang muli sa aking
kwarto. Wala talagang kupas ang weapon ko sa kanya. Ngingiti-ngiti kong in-off
ang computer at tuluyan ng bumababa para tulungan ang bayaw kong hilaw na
magluto.
Itutuloy:
29 comments:
This story is very interesting. Paano kaya babaguhin si Dave na isang player at mapagmahal na kapatid at anak ng magiging kaganapan sa mga susunod na yugto ng kwentong ito? I'm very interested on how will Dave play with Sonia at ang magiging epekto nito kay Sonja at kanya. Tingin ko sa mentality ni Dave, he's really self-centered and would care less for anything else.
Very interesting start. :)
ang ganda ng simula.... interesting basahin...ang gulo mo talaga dave...
ramy from qatar
Wow! Hahaha! Wala na akong masabi kundi SOBRANG GANDA nya! Hahaha! Great job, kuya! Can't wait sa next update! :)) ung 9 mornings, kailan po ang update? Hehehe XD!
another great start for another great story...gusto ko ung palaging ganito...ung palaging nakangisi ka habang nagbabasa tapos di mo namamalayan...masakit na pala panga mo sa kakatawa...parang ganito lang personality ko kay dave...pasaway at alaskador...hehehe diba zeke. good job zeke!
kakabasa ko lang knina nung teaser tapos eto na pla first part..bilis haha
kuliit tlga ni dave..how i wish i hve a friend like him..saya cguro nun haha
nxt chap na po
-john el-
Another interesting story..kaabang abang ang mangyayari kay Dave..sino kaya ang magpapabago kay Dave?
More Power to you & God bless!
hehehe this is cute... gusto ko ang personality ni dave since umapir siya sa story ni red & dorwin & niel...
koya ganda. :D
-ichigoXD
yey!!...
great opening chapter kuya Z!!...
im aLready Liking dave's character...
he's carefree, kaLog, funny, babaero nd everything eLse...
hehehe...
not the usuaL type of person nah mging bida sah isang story...
nd i aLso Lyk how the twins treat each other...
you can see nah they reaLLy Love each other...
naku, new story to foLLow...
thank you kuya Z for this wonderfuL gift...
hehehe...
aabangan ko ang nxt chapter...
- edrich
haha masaya ang kwentong to. Kalog ang bida. Galing mo zild.
--ANDY
huhu wala na akong time magbasa....
naglipana na talga tayo sa mundo hehehe another interesting story author..
Very Nice!! ang ligalig tlg ni Dave pero npka lambing >_<
Thankz kuya zep for this new beautiful story!!
nice:p ang kulit ni dave, galing mo talaga. para daw akong engot habang binabasa ko to, sabi ng kapatid ko hehe pano ba naman nakangisi ako habang nagbabasa.@dereck@
heeeeeeeeey :D bilis ah!
ang masasabi ko lang sa ngayon, syempre susuportahan ko rin tong kwento mo. well-written naman siya, at maganda rin ang simula. hindi ko lang talaga alam kung san mo kinukuha ang oras mo sa pagsulat haha :D
keep it up Z :)
now now... wla aqng mairereklamo ngaun :o daya,anung hmala ang ngyari? o.o
anyway anyhow anywho! cool start! as in gs2ng gs2 q xa (obvious naman dhl napacoment aq) jst let things soar and let d worms feed in the earth below lolz
Ang galing. Simula pa lang, alam mO na na magaling at pulido ang pagkakagawa. Ingatz Z. Keep it up and God bless... :)
kulit umarte ni dave kay dorwin..naiinggit ako sa mga yakap niya sa kambal niya..feeling ko,kapag ako niyakap ng ganun,manlalambot ako sa mga bisig niyang yun..
nice work kuya zeke..another inspiring story..hehe
-Jay
salamat sa mga comments nyo guys! Sana suportahan nyo ang bago kong kwentong ito..hkhkhk
Parang ako si Dorwin tas iyung kapatid ko si Dave kasi parehas silang tough tignan pag nasa public tapos kwela pagdating sa bahay. Ako si Dorwin kasi gusto ko mag-abugado.
Oh may gad! Oras n ni dave! Sa online game kaya mkakita ng alias na maldita si dave? Haha exciting!
Mukhang riot ito.
Next napo please...
nice...may pagkakaabalahan na naman ako basahin.....
at ako'y naloka dahil pati ang kambal ni Dorwin na si Dave ay magiging isang dalaginding din! :3 kaloka ever!!!hahahaha
Happy New Year Zeke at sa inyong lahat! :)
-tristfire
hala. meron na pala nito. late na ako. basa mode muna.
hahaha....baliw si Dave..lol parang si Kuya Zild lang talaga..whahahaha
grabi kinilig ako.. hahahaha
hahaha..maaga akong tatanda kung c dave ang makakasama q araw-araw!:D
napakapilyo nya ha!?haha...
Infairness,,napangiti aq sa excitement kc alam q mkksama s story ni dave ang fave kong c dorwin at red!!!!haha..fave q tlaga sila eh.^^
oki,nxt chap na.:)
-monty
nice story, interesting to ah.
rhon
Post a Comment