Thursday, December 1, 2011

9 Mornings Chapter 09






by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/

Ito na naman ako sa kagaguhan ko. HAHAHAHA Salamat po sa walang sawa ninyong pagsuporta sa mga gawa ko. Ito na po ang Chapter 9 nang 9 mornings sana ma enjoy nyo ito tulad ko na sobrang nag enjoy sa chapter na ito. WAHAHA


RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno, Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III, Kristoffshaun, Allure, Ice, Rue, Billygard, Andy, Jayfinpa, Erwin F, Chris, Great Pink 5ive, Ramy from Quatar at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers sa walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.

Jefofotz – Wahahahaha!!! Nakaganti ako sayo :P

Erwin F – Hindi po sa akin ang king of heart hehehe sa kaibigan ko po iyon na si KATANASHI NO RUE inshort Rue :D

Andy – YOH! Ito na po ang kasunod..


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.







Past




Ngayon ko lang napagtantong matampuhin pala si Claude na iintindihan ko naman ito. Sino ba naman ang hindi magtatampo kong ang partner mo mismo ang nag-deny sayo. Akala ko kanina nang makalabas kami nang eskwelahan at makasakay sa kotse nito ay okey na ang lahat, pero nasa byahe na kami ay wala pa rin itong imik sa akin. Hindi ko naman magawang kausapin o magsimula nang usapan dahil na gi-guilty ako sa ginawa ko. Alam kong mali na i-deny ko sya sa harapan ng mga barkada nya kung saan lagi nyang ipinag yayabang ang pagiging mag on namin.


Naipagpaalam nga ako nito kay mama at tulad ng inaasahan madali nya itong napapayag. Kumuha lang ako nang damit para pamalit bago kami nag paalam na. Si mama lang ang kinausap nito ni hindi manlang ito nag abalang tumingin sa akin tulad nang lagi nitong ginagawa tuwing hihingi nang permiso kay mama. Batid kong malaki ang tampo nito naisip ko nalang na mamaya ko na sya susuyuin pag dating naming sa bahay nila Ralf.


Narating naming ang bahay nina Ralf nang walang namagitang usapan sa amin. Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip nito ang alam ko lang may tampo ito at halata na iyon sa mukha nya. Wala akong balak patulan o kulitin muna sya. Napagdesisyunan kong sa bahay nalang nila ito kausapin natatakot rin kasi ako na baka bigla na namang bumalik ang kasungitan nito.


“Tita Nimfa magandang gabi po.” Bati ko sa mama ni Ralf na kapatid nang aking mama.


“Laurence! Mabuti napadalaw ka.” Magiliw naman nitong pagtugon sa akin. Napansin nito si Claude sa likod ko at may pagtatakang ibinaling ang tingin sa akin.


“Tita, si Claude po.” May himig nang hiya kong sabi. Alam kasi nang mama ni Ralf ang tungkol sa sekreto naming dalawa in short alam nito ang tunay naming kulay. Open kasi si Ralf sa mama nya super close kung baga habang ang ama naman nito ay napilitan nalang tanggapin sya sa pagbabanta ni tita Nimfa mahal na mahal kasi nito ang asawa at nag iisang anak lang nila si Ralf.


“Good evening po.” Ramdam ko ang pananamlay ng boses nito parang walang buhay lang. Gusto ko sanang lingunin at tingnan ang ekspresyon ng mukha nito ngunit nahihiya naman ako kay tita Nimfa.


Ngumiti ito kay Claude at nang maibaling nito ang tingin sa akin ay nakangisi ito na parang nang-iinis lang. Kabaliktaran kasi nang mama ko ang mama ni Ralf kung si mama ay may pagkaseryoso si tita Nimfa ay sobrang kalog. Parang kabarkada lang namin ito kung kami’y ituring ng anak nya.


“B-Bakit po?” Maang-maangan kong tanong kahit alam ko na ang nasaisip nito.


“Wala.” At muling gumihit ang nang-iinis nitong ngiti at nag pabaling-baling sa amin ni Claude ang kanyang tingin. “Pasok kayo. Nasa kwarto si Ralf at nag papahinga na muntik na nga naming dalhin sa hospital akala kasi naming na dengue na ito.”


Pumasok na ito sa loob. Tahimik naman kaming sumunod ni Claude wala pa siguro ang papa nito dahil hindi ko ito nakita nang dumaan kami sa sala. Iyon kasi ang paborito nitong tambayan habang nanunuod ng sabong sa isang channel na di ko na matandaan.


“Si Mike po nandito pa?” Naitanong ko habang papanik na kami nang hagdanan para tunguin ang kwarto ni Ralf.


“Umuwi na. Pero babalik daw ito bukas.”


Nang nasa tapat na kami nang kwarto ni Ralf ay agad na binuksan ito ni tita.


“Ralf?” May kahinaan nitong pagtawag sa anak.


“Bakit ma?”


“Dito pinsan mo at ang boyfriend nya.” Biglang naginit ang magkabila kong pisngi sa sinabing iyon ni tita Nimfa. Kahit kasi alam kong alam na nito ang mga pagkatao namin ng anak nya ay hindi ko parin magawang maging komportable sa tuwing may taong nakakaalam ng sekreto naming iyon. Kahit na ba sinasabi ni Ralf na wag akong magalala kasi di naman ako isusumbong nito kay mama ay nakakatakot parin.


“Musta pinsan?” Wika ko habang nakangiti nang hilaw sa kanya.


“Masyado kang namumula pinsan.” Pang-aalaska nito sa akin.


Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Claude ngunit ganun parin nakasimangot at di ma drawing ang mukha nito.


“Claude bakit ganyan ang mukha mo? Nagaway na naman kayo?” Pero hindi kay Claude ito nakatingin kung hindi sa akin.


Imbes na sagutin sya ay naupo ako sa gilid ng kama kung saan sya nakalatay este nakahiga at sinapo ang kanyang ulo para tingnan kung may lagnat pa ito.


“Wala ka na namang lagnat bakit nakahiga ka parin?” Pag-iiba ko nang usapan.


“Masakit pa kasi ang ulo ko.”


“Di ko alam na tinatablan ka pala nang sakit pinsan.” Pagbibiro ko sa kanya.


“Sira! Matagal ko na kayang hinihintay na magkasakit ako.” Ang sabi nito na ipinagtaka ko.


“Bakit, para maka absent? Pwedi ka namang mag absent kahit wala kang sakit.”


“Ulol hindi! Para maalagaan ako ni Mike. Nako insan ang sarap nyang magalaga.” Kilig na kilig na wika nito na sinamahan pa nang pagtatakip ng unan sa mukha nya.


Natawa ako sa kalokohan ni Ralf ito lang ata ang nagiisang taong kilala ko na ipinagdasal ang kanyang pagkakaroon ng sakit.


“Puro ka talaga kalokohan.”


Umupo ito sa kanyang kama at sumandal sa headboard nito.


“Claude, ano problema ang tahimik mo ah.” Pagpansin nito sa nakatayong si Claude.


“Wala naman.” Matipid nitong sagot. “Sa labas nalang muna ako yosi lang.” At walang anu-ano nga itong lumabas ng kwarto.


Nakatitigan kami ni Ralf sya na may nagtatanong na tingin at ako na nakakunot ang noo at bakas sa mukha ang pagkapikon sa inasta nito.


“Ano ang problema nun?” Tanong ni Ralf sa akin.


Nagbuntong hininga muna ako para kontrolin ang inis na nararamdaman ko bago sumagot sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na magkaroon kami nang tampuhan ni Claude simula noong maging kami hindi ako sanay.


“Ewan ko.” Pagsisinungaling ko.


“Yung totoo.” May bahid nang pagbabanta sa boses nito.


Wala na akong nagawa kung hindi isalaysay ang nangyari kanina matapos ang klase ko. Ang pag-deny ko kay Claude sa harap ng mga kaibigan nito at sa harap ni Anna. Sinabi ko rin sa kanya ang aking rason kung bakit nagawa ko iyon. Napapailing naman si Ralf habang nakikinig.


“Alam mong bago kay Claude ang relasyon nyo pinsan. Natural na magtampo yon sa ginawa mo. Eh halos ipagyabang nya sa mga kaibigan nya ang relasyon nyo habang ikaw naman pinapalabas mong nagsisinungaling sya. Walang matinong tao ang matutuwa sa ginawa mo.” Mahabang pangaral nito sa akin.


“Nahihiya at natatakot pa kasi ako pinsan.” Ang nasabi ko nalang habang nakayuko nakonsensya kasi ako sa ginawa kong pagpapahiya kay Claude sa mga kaibigan nito.


“Hindi ang mukha ni Claude ang dapat ikahiya pinsan. Dapat pa nga proud ka sa dami ng bakla at babaeng nahuhumaling dyan.”


“Proud naman talaga ako sa kanya. Ayaw ko lang na pagusapan kami nang buong campus hindi ko kasi namana ang kakapalan ng mukha mo.” Pabiro kong sagot.


“Eh kung ihulog kaya kita sa terrace?” Asar nitong tugon. “Seriously, ayusin mo yan pinsan walang masama kung aaminin mo sa sarili mo at sa mga tao ang tungkol sa inyo ni Claude. Be proud yummy balls ang syota mo.” Sabay tawa nito nang nakakagago.


“Yummy balls mo mukha mo.” At hinampas ko ito nang unan na ginamit nyang pantakip kanina sa kanyang mukha. “Doon ako matutulog sa kanila mamaya.” Wala sa sarili kong na sabi.


Ngumisi ito sa akin na para bang may ibig sabihin.


“Anong nginingisi-ngisi mo?”


Ngunit imbes na sagutin nito ang tanong ko ay nagtanong ulit ito sa akin.


“Insan malaki ba ang kay Claude?” Wika nito na sinamahan ng hagikhik.


Naginit bigla ang magkabila kong pisngi. Kahit minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang tungkol doon ni hindi ko naisip na makikita ko iyon.


“Uyyy! Namula sya. Ano pinsan malaki ba?” Pangungulit pa nito.


“Sira! Malay ko ba!”


“You mean hindi mo pa nahahawakan yung sa kanya at hindi pa kayo…”


“Ralf!” Ang saway ko sa mga sasabihin pa nya. “Ang bastos mo!” At muli ko na namang inihampas sa kanya ang unan na mabilis naman nitong naiwasan. Pareho kaming nagkatawanan sa mga kalokohang pumasok sa isip nito.


“Tingin ko pinsan malaki yung sa kanya ang taas kasi ni Claude at ang laki nang katawan.” Wika pa nito na para bang ine-imagine sa utak nya ang kahalyang naisip nya.


“HOY! Isusumbong kita kay Mike!” Tumawa lang ito nang malakas.


Na miss ko ang ganito sa amin ng pinsan ko ang mga biruan naming noon nung wala pa itong boyfriend. Mula kasi nang maging sila na ni Mike ay sa school nalang kami nito nakakapagbonding. Tuwing sabado at linggo kasi ay si Mike ang laging kasama nito. Siguro ganun talaga pag nasa relasyon na naiiba ang mga kinasanayan mong gawin.


Habang nasa ganun kaming usapan ay pumasok naman si tita Nimfa. Gusto nitong sumabay na kami sa kanilang mag dinner ngunit in-explain ko sa kanya na kailangan na naming umuwi ni Claude. Hindi na ito namilit at pinagpayuhan nalang akong magingat ng makapag paalam ako kay Ralf.


Nang makalabas ako kita ko si Claude na nakasandal sa kanyang sasakyan. Liningon ako nito bago pumasok sa sasakyan.


“May tampo nga.” Pabolong kong sabi.


Binaybay namin ang daan papunta sa kanila sa isang subdivision na hindi ko pa kailan man napuntahan. Halatang  mayayaman ang nakatira sa subdivision na iyon dahil lahat ng bahay ay magaganda may iba pa nga na American ang design ng bahay. Tahimik lang ito habang ako ay abala sa pagmasid sa mga magagandang kabahayan.


Huminto kami sa isang dalawang palapag na puting bahay. Gawa sa pebbles ito at may terrace sa taas. Hindi ko makita ito nang buo dahil natatakpan ang ibabang parte nito nang mataas na pader. Bumusina ito nang dalawang beses at ilang sandali lang ay pinagbuksan kami nang isang babae na sa tingin ko ay matanda lang sa amin ni Claude ng limang taon.


Doon ko lang nakita ang magandang garden ng bahay nila sa kaliwang bahagi at ang duyan na gawa sa kahoy sa kanan. May dalawang nipa house rin akong nakita marahil ay dito ang tambayan nila kung gusto nilang magpahangin.


“Tara na sa loob.” Wika nito at agad nang lumabas.


“Nakapagluto naba si manang ng dinner?” Tanong nito sa babae na katatapos lang magsara ng gate.


“Opo. Kanina pa nga po kayo hinihintay.” Tugon naman ng babae.


“Sabihin mong maghanda na.” Agad na ngang tumalima ang babae papasok nang bahay.


Pumasok na  kami sa loob nang bahay nila. Maganda ito pati na rin ang mga kasangkapan sa loob nito. Bakas ang pagkamangha sa mga mata ko sa mga mamahaling gamit. Hindi ko akalain na ganito pala kayaman sina Claude.


“Kumain na muna tayo bago tayo umakyat sa kwarto ko.” Wika nito sa akin.


“S-Sige.”


Naabutan pa namin ang dalawang babae na naghahanda nang pagkain. Ang isa ay ang kaninang nagbukas ng gate sa amin.


“Bata ka, san ka ba nang galing at ginabi ata kayo. Sya ba ang sinasabi mong..”


“Dumaan pa kasi kami sa pinsan nya.” Pagputol nito sa iba pang sasabihin ng matanda.


Napatingin naman sa gawi ko ang matanda at ngumiti.


“Magandang gabi po.” Alanganin kong bati.


“Magandang gabi rin sa’yo iho. Hala sige kumain na kayo. Rebecca, ipagtimpla mo sila nang juice.” Utos nito sa isang babae.


Magkatabi kaming kumain ni Claude walang imikan. Medyo nakakaramdam na ako nang inis sa inaasal nito kaya naman imbes na ma enjoy ang masarap na pagkain na nakahanda ay nawalan ako nang gana. Napansin naman agad ito ni Claude.


“Tapos kana?”


“Hindi ba obvious?” Asar kong tugon.


Napataas ang isang kilay nito sa inasta ko. Hindi siguro nito inaasahan ang pabalang kong pagsagot sa kanya. Aba hindi biro ang hindi pansinin ng hunghang na to.


“Sir Claude may tawag po kayo galing sa mommy nyo.” Bungad ni Rebecca nang bumalik ito sa kusina. Tango naman ang isinagot nito sa katulong. Ibinaling muna nito ang kanyang tingin sa akin bago tumayo.


Sinundan ko nalang ito nang tingin habang papunta ito nang sala para kausapin ang mommy nito. Nagsalubong ang tingin namin ni Rebecca. Ngumiti ito sa akin na tinugunan ko naman ng isa ring ngiti.


“Tapos na po ba kayong kumain sir?”


“O-oo.” Hindi ako sanay na tinatawag akong sir nang kahit na sino kahit katulong pa ito.


“Ang bilis nyo naman po atang kumain.”


“Hindi naman, busog na talaga ako.”


“Lance tara na sa kwarto ko.” Ang biglang pagsulpot ni Claude sa likod ng babae bahagya pang nagulat ito.


“Hindi pa ako inaantok.” Pabalang ko na namang sagot.


“Hindi ko sinabing matutulog na tayo.” Lumapit ito sa akin at hinila ako patayo. Gusto ko sanang mag reklamo kaso nahiya ako sa katulong nila. Sumunod nalang ako nang walang imik.


Hawak parin ako nito habang inaakyat namin ang hagdanan. May dalawang kwarto kaming dinadaan bago naming narating ang kwarto nya. Nang kapasok ay agad ako nitong hinarap.


“Bakit ka nag susungit?”


“Anong nagsusungit? Ikaw ang kanina pa nagsusungit.” Balik ko sa kanya.


“Hindi ako nagsusungit.”


“Ay oo nga di ka nga pala nagsusungit di kalang namamansin.” Sarkastikong sagot ko sa kanya.


Napabuntong hininga ito.


“Hindi ba dapat susuyuin mo ako ngayon imbes na sungitan?”


“Excuse me? At bakit naman kita susuyuin?”


Muli itong napa buntong hininga at umupo sa kanyang kama. Naghubad ng sapatos at medyas.


“Mula nang maging tayo ni hindi ko manlang naramdaman ang sweetness mo. You even deny me to my friends at kay Anna.”


Doon ako tinamaan sa sinabi nito. Tama nga naman sya nalang lagi ang nagpapakita nang affection sa aming dalawa. Na guilty ako at agad na nawala ang inis ko sa kanya.


“Bukal ba talaga sa loob mo ang pagsagot mo sa akin?” May bahid ng lungkot nitong sabi.


Lumapit ako at tumabi nang upo sa kanya.


“Sorry.” Ang  mahina kong sabi.


Bumakas ang matinding lungkot sa mukha nito.


“Okey lang naiintindihan ko naman na napilitan kalang.”


Iba ang pagkakaintindi nito sa sinabi ko. Nag panic ako at nangapa nang mga salitang gagamitin para makapag paliwanag sa kanya.


“Hindi iyon ang ibig kong sabihin Claude. Hindi sa napilitan ako sa relasyon natin in fact natutuwa nga ako dahil matagal na kitang crush. Sorry sa ginawa ko kanina.”


Hindi ito sumagot na natili lang itong nakayuko na para bang malalim ang iniisip.


“Hoy!” Untag ko sa kanya na sinamahan ko pa nang mahinang hampas sa kanyang braso. “Wag kana mag tampo babawi nalang ako.”


“At pano ka naman babawi?” Wika nito.


“Kakausapin ko ang mga kaibigan mo at sasabihin ko sa kanila ang totoo.”


“Gagawin mo yon?” Di makapaniwala nitong sabi.


“Yep sa isang kondisyon.”


“Bakit may kondisyon? Di ba babawi ka?” Natatawa na ito at bakas na sa mukha na wala na itong tampo sa akin.


“Basta.”


“Ok. Ano ang kondisyon mo?”


“Samahan mo ako sa kanila di ko kasi sila kilala lahat.” Ang nakangiti ko na ring wika.


Lalong lumuwag ang ngiti nito at napayakap sa akin. Gumanti na rin ako nang yakap sa kanya. Siguro dapat ko na ring panindigan ang relasyon namin ni Claude. Kung sya nga ay nagagawa nya bakit ako hindi.



“Promise babawi ako sayo.” Ang wika ko habang magkayakap pa rin kami.


“Simulan na natin ang pagbawi mo.” Sagot nito sa akin.


“Hah? Anong ibig mong sabihin?”


Humiwalay muna ito sa akin at ngumiti nang nakakagago sabay hubad nito nang damit nya. Pinamulhan ako nang mukha nang agad na pumasok sa isipan ko ang napagusapan naming ni Ralf kanina.


“Ang pilyo mo!” Ang nahihiya kong sabi na sinamahan ko pa nang mahinang paghampas sa kanyang matipunong dibdib. Tumawa ito nang malakas.


“Akala ko ba babawi ka?” Nanunukso nitong sabi. Napa “Shit” talaga ako nang masilayan ko ang magandang katawan nito. Nakaramdam ako nang kakaibang init sa aking katawan.


“Babawi nga ako pero..”


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil siniil na ako nito nang halik. Ramdam ko ang lambot nang mga labi nito sa aking labi. Ilang sigundo rin akong natigilan hanggang sa namalayan ko nalang ang kusang pag-galaw nang aking mga kamay at lumanding ito sa kanyang batok. Ang mga kamay naman nito ay naramdaman ko sa aking likod na mabining humahagod.


Naging malalim ang aming halikan. Mas lalong tumindi ang init na aking naramdaman kanina. Napunta ang mga labi nito sa aking tenga. Napakislot pa ako nang bahagya nang maramdaman ko ang pagdampi nang mainit nitong hininga. Napahigpit ang aking kapit sa kanya nang tuluyan nang dumampi ang labi nito sa aking tenga pababa sa aking leeg. Unang beses itong ginawa ni Claude sa akin at hindi ko maikakaila na nagugustohan ko ito.


Dahan- dahan ako nitong inihiga sa kanyang kama. Nag salubong ang aming mga tingin at binigyan ako nito nang napakagandang ngiti bago muling inangkin ang aking mga labi. Lumaban ako sa mga halik nito pati ang aking mga kamay ay kusang naging malikot at mapangahas sa naglakbay sa kanyang katawan. Ramdam ko ang pagtusok nang kanyang maselang bagay sa aking pusod.


Nang muling maghiwalay ang aming labi ay tinangal na nito ang pangitaas ko.


“Claude.”


“hmmmm?”


“I-lock mo ang pinto.”


Natawa ito sa aking sinabi at sumunod naman. Tinungo nito ang pinto nang kanyang kwarto at ine-lock. Nang matapos ay agad itong sumampa sa kama at pumaibabaw sa akin.


“Ready?” Ang tanong nito sa akin.


“Kinakabahan ako. Wala akong alam patungkol sa mga ganito.” Nahihiya kong pagamin sa kanya.


“Don’t worry ako bahala.” At muling nang hinang ang aming mga labi. Pero ngayon ay hindi na katulad nang kanina. Nag dedemand na ito nang pagtugon at naging mapusok na ito.


Nararamdaman ko na rin ang pagkabuhay ng aking alaga sa loob nang aking pantaloon. Lalo na nung bigyan ni Claude nang pansin ang aking pasas. Napapasinghap ako sa kiliting dulot nang mapaglarong dila nya.


Nang maibalik nito ang kanyang mga labi sa akin ay ako naman ang nagpaligaya sa kanya. Nagpalit kami nang posesyon. Kung kanina ay sya ang nakapatong sa akin ngayon ay ako na ang nakapatong sa kanya. Pinagsawa ko muna ang aking mga mata sa napakagandang tanawin na naka handa sa aking harapan bago ko gayahin ang mga ginawa nito sa akin. Rinig ko ang mga impit na ungol nito halatang nagugustohan ang ginagawa ko sa kanya. Lalo akong ginanahan hangang sa matumbok ko ang parte nang katawan nito kung saan malakas ang kanyang kiliti ang kanyang pusod. Halos sabunutan na ako nito habang napapaliyad ito sa ginagawa kong pagpapakasawa sa parteng iyon.


“Lance..” Anas nito na para bang nauubusan na nang hangin. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.


“May ipapakilala ako sayo.” Wika nito at gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. Ako namang si tanga ay nag tanong.


“Sino?”


Lumiyad ito at mabilisang tinanggal ang pagkakabatones ng kanyang pantalon. Nabigla ako nang ibaba nya ito kasama ang kanyang puting brief at tumambad sa akin ang malaking sawa nya.


“Sya.” Sabi nito na nakanguso pa sa kanyang sandata.


Nahampas ko nang malakas ang kanyang dibdib sa sobrang hiya. Napaungol naman ito at napaubo. Nagpanic naman ako sa takot na baka nabalian ko sya nang buto sa lakas nang paghampas ko sa kanya.


“Okey kalang? Ikaw naman kasi puro ka kalokohan ayan tuloy. Asan ang masakit?” Ang kinakabahan kong sabi na hinihiliot-hilot pa ang kanyang nasaktang dibdib.


“Masakit yon ha.” Tampu-tampohan nitong sabi.


“Sorry na hindi ko naman sina…”


Muli, hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil inangkin na naman nito ang aking labi. Kusa na akong bumabasa sa mga utong nito at muli iyong pinaglaruan. Narinig kong muli ang mga impit na ungol ni Claude hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagtulak nito sa akin pababa. Naintindihan ko naman ang ibig nitong sabihin. May kabang hinawakan ko ang kanyang malaking sandata na tayong-tayo na sa mga oras na iyon.


Tumingin ako sa kanya para humingi nang permiso sa gagawin ko. Tumango naman ito sa akin na sinamahan ng kanyang matamis na ngiti.


Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa hawak ko nang manhood nito. “Tama nga si Ralf ang laki nga nang kay Claude.” Ang nasabi ko nalang sa aking isip at napalunok.


“Di mo ba kayang gawin?” Ang narinig kong sabi ni Claude.


“Hah? Ah kuan.. Ano..” Wala akong mahapuhap na sasabihin.


“Kung hindi mo kaya okey lang.” Pero bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.


“Hindi!” May diin kong sabi. “Kaya ko wait lang dadasalan ko muna.” Biro ko na ikinatawa nya.


Walang anu-anong isinubo ko ang kahabaan nito. Napasinghap si Claude sa hindi inaasahang pagsubo ko sa kanya. Hindi ko mang magawang maibaon ito lahat ay ginawa ko pa rin ang lahat para magustohan nya ito. First time ko oo, pero hindi ko sinabing hindi pa ako nakapanood ng mga porn. Kaya pinilit kong alalahanin at i-apply lahat nang kay Claude.


Hindi naman ako nabigo dahil ramdam kong nagugustuhan nya ang ginagawa kong pakikipaglaro sa alaga nya. Hanggang sa hilahin ako nito pabalik sa kanyang mga labi at masuyong hinalikan.


“Lance?” Ang sambit nito nang maghiwalay ang aming mga labi. May bahid nang pagsusumamo sa kanyang boses at agad kong nahulaan ang gusto nitong mangyari. Gusto kong tumanggi dahil alam kong masakit iyon. Naikwento na kasi sa akin ni Ralf na ginawa na nila iyon ni Mike at halos mamatay daw sya sa ibayong sakit. Ano nalang kaya ako eh sa tingin ko hindi normal ang size nang alaga nito. Pero gusto ko ring paligayahin si Claude gusto kong maramdaman nito na espesyal sya sa akin.


Tumango ako sa kanya bumakas sa mukha nito ang matinding saya. Ako man ay napangiti na rin dahil sa wakas sa unang pagkakataon mapaparamdam ko kay Claude kong gaano ko sya ka mahal na hindi ako napilitan sa relasyon naming ito.


Muli nitong kinabig ang aking batok para halikan. Dahan-dahan na niyang tinangal ang natitirang saplot sa aking katawan. Nakaramdam ako nang hiya nang tutukan ni Claude ang kanina pang matigas kong alaga.


“Ang cute.” Wika nito na sa aking putotoy nakatingin.


“Hambalusin kaya kita nitong unan.” Asar kong sabi. Humagikhik lang ito at pinangigilan ang aking pisngi.


“Claude natatakot ako.” Ang naisambit ko.


“Wag kang magalala ako ang bahala.”


“At ako ang kawawa.” Tumawa lang ulit ito at siniil ako nang halik.


Ramdam ko ang mga kamay nitong humagod pababa sa aking sandata hanggang sa aking butas. Napasinghap ako nang maipasok nya ito nang konte. Siguro para makalimutan ko ang sakit ay pinagtuunan nya nang pansin ang aking utong. Hindi naman ito nabigo dahil nakalimutan ko ang sakit na dulot nang kanyang kamay.


“Mukhang ready kana.” Tumango lang ako sa kanya.


Linagyan nito nang unan ang aking likod at itinaas ang magkabila kong paa para ipatong sa kanyang mga balikat. Hindi pa man kami nag sisimula ay tagaktak na ang pawis nito gayon pa man gwapo pa rin ang mokong.


“Dahan-dahan lang ah.” Paalala ko sa kanya na tinugon naman nya nang halik.


Naramdaman ko ang unti-unting pagbaon nang kanyang sandata sa akin. Para akong hinihiwa sa sobrang sakit hindi ko mapigilan mapasabunot sa buhok nya. Kasabay nang pagbaon nito sa akin ay ang pagtulo naman ng aking mga luha sa ibayong sakit na aking nararamdaman.


“Masakit ba talaga?” Tango ang isinagot ko sa kanya. “Gusto mo tanggalin ko nalang?” Umiling naman ako. Sayang ang pagtitiis ko kong tatanggalin lang nya.


“Kaya ko to.” Paninigurado ko sa kanya. Muling nang hinang ang aming labi at naramdaman ko na ang dahan-dahan nyang pagayuda. Sa una ay masakit hagang sa unti-unti itong mabawasan. Sa akin bumabagsak ang mga pawis na galing sa maamo at sarap na sarap na mukha ni Claude. Mabagal ang ginagawa nito na para bang sinusulit ang lahat walang pagmamadali.


Musika sa aking tenga ang mga halinghing ni Claude ang mga impit nitong ungol tuwing sasagarin nya ang pagpasok. Alam kong sarap na sarap ito dahil maski man ako ay nakalimutan ko na ang sakit habang pinagmamasdan ko ang ekspresyon ng mukha nya. Ilang sandali pa at bumagsak na sa dibdib ko si Claude. Hingal kabayo ang loko na nakangiti.


“Ang sarap!”


“Manyak ka talaga.” Natatawa kong sabi.


“Hindi ah. Nagsasabi lang ako nang totoo.” Sabi nito at muli akong hinalikan. “Salamat sa pagtitiwala sa akin ha.”


“Basta para sayo.”


Nang kusa nang matanggal ang sanda nito sa loob ko ay nagulat pa sya nang kasabay na dumaloy sa katas nya ang mapulang likido.


“Dinugo ka.” Halata sa mukha nito ang pagaalala.


“Parang first time mong makakita nang dinugong tao ah.” Biro ko namang sagot. “Wag kang magalala okey lang ako medyo mahapdi nga lang.”


Ngumiti ito nang ubod ng tamis sa akin na ipinagtaka ko naman.


“Bakit?”


“Wala. Masayang-masaya lang ako ngayon. Simula ngayon hindi na love ang tawag ko sayo.” Nakangiti pa rin nitong sabi.


“Eh ano na?”


“Misis. Tama misis na ang tawag ko sayo.” Bakas sa mukha nito ang sobrang saya na ikinatuwa ko rin.


“Oh sige. Ako, ang tawag ko sayo mister.” Tumawa kaming dalawa at muling nag hinang ang aming labi.




Present




“Laurence?” Basag ni Louisa sa akin.


“Hah?”


“Ang weird mo talaga ngayon.”


“Bakit?”


“Anong bakit kanina ka pa nakangiti dyan ni hindi mo nga namalayan tapos na ang misa.” Wika nito na halata sa mukha ang pagpipigil na tumawa.


Nagpalinga-linga naman ako at doon ko nalaman na tapos na pala ang misa at konte nalang ang tao sa loob ng simbahan.


“Tapos na pala.” Wala sa sariling kong nasabi.


“Kanina pa. Hindi lang kita inistorbo dahil nakakatuwa kang tingnan.”


Bayagha akong namula sa sinabi nito.


“Mas lalo ka kasing pumupogi kong nakangiti ka.” Dagdag pa nitong sabi.


“Hah?”


“Anong hah? Ikaw talaga tara na nga at baka ma stroke ang kuya ko kakahintay sa akin.” Tumayo na nga ito ako rin ay napatayo na.


Hindi na nga kami nahirapang lumabas ni Louisa dahil konte nalang ang tao sa loob.


“Laurence, gusto mo sumama sa bahay para magkape?” Paanyaya nito sa akin.


“Naku, salamat nalang Louisa pero kailangan ko pang maghanda para sa trabaho eh. Siguro next time nalang.” Simpleng pagtangi ko sa kanya.


“Ah ganun ba? Oh sige promise mo yan ah.” Tango at ngiti ang isinagot ko sa kanya.


“Oh ayan na pala ang kuya ko eh.” Wika nito.


Napalingon ako sa gawi kung saan sya nakatingin at nabigla ako sa lalaking binabangit nyang kuya. Parang tinakasan ako nang dugo sa aking katawan at napahigpit ang hawak ko sa aking payong. Hindi ito maari. Ang nasabi ko sa aking isip.







Itutuloy:

32 comments:

kristoff shaun said...

katulad ng dati haha sana worth it ang pag aantay ko love you zild whatever happens!!

Anonymous said...

ang kuya ni louisa ay si claude... whaaa... kilig...


saimy

kristoff shaun said...

si claude si claude si claude!!!!!

Pink 5ive said...

Holy mother of God..

Nahaharass ako habang binabasa yung chapter na to :-) Nonetheless, kinilig ako ng sobra! Medyo disappointed nga lang kay Claude. Basta :)

Thanks zild! Next chapter na :-)

Chris said...

SABI KO NA NGA BA!! Hahaha!! Ito na kaya ang muli nilang pagkikita?? :>
Well, pwede rin naman na si Alfie ito :)) anyway, ano na kaya nangyari sa kanya??

Zildjian said...

Saimy - Welcome aboard po! hehehehe


Pink 5ive - nakapag reply na ako sa email mo nice name wahahahah


Chris - hmmm pano mo po na sabi na si Claude nga ang kapatid nya? Pwedi namang si Pat di ba? :D

Anonymous said...

OMG!!! sabi ko na nga ba...magkapatid si claude at louisa(sya yung hindi pa na mi-meet ni laurence na sister ni claude)!!! ang nice...very coincidental! or was it just fate? noh? whatever it may be...the story's progressing in such a good way :) and i super duper love it! (and i'm super duper assuming!!!lol)

-tristfire :3

Anonymous said...

Sino kaya iyun? Waaaaah. Malapit na maging klaro iyung storya! Nakaka-excite!

- Tam

Unknown said...

Nagsimula sa tampuhan natapos sa kalibugan. Nice chapter. Sino kaya ang kapatid ni Louisa? Si Claude ba o si Alfie? Nakakaexcite.

Abangan ko next update mo!

Zildjian said...

Tristfire - wahahahah lakas ng tawa ko sa comment mo.. :D hindi naman masyadong assuming ah :D may mga tama ka rin sa mga sinabi mo :))


Tam - welcome back hehe tagal mo di nakapag comment sir :D


Jayfinpa - Idol! ang ganda ng ending ng gawa mo. hkhkhk malalaman na po sa susunod na chapter abangan nyo nalang po sa darating na sabado :D

Anonymous said...

si claude nga ang kuya ni louisa.... laurence ito na ang tamang panahon... heto na ang hinihintay m...behave nasa loob pa kayo ng simbahan.... naku ano kaya ang sasabihin ni louisa im sure magugulat yun....

ramy from qatar

Anonymous said...

si claude ang kapatid ni louisa.... wahhhhh hala lagot ka laurence....


ramy from qatar

Lawfer said...

nga pla, nag-iicp ng love making hbng ngccmba? lol gnun kb? xD

Erwin F. said...

Ay shuta pahiya ako dun. Akala ko sa iyo yun King of Hearts....

Sorry.....

Naalala ko first time ko sa chapter na ito. Dugo kung dugo.

Sa next chapter ba mapapamura ba ako sa revelation? Hehehehe!

Zildjian said...

Rue - hahaha by accident lang yon di naman nya sinasadya maalala yon :D


Erwin F - Ay, wala pong kaso yon heheh natural lang sa tao ang magkamali. :D


Sana po magustohan nyo ang revelation na mangyayari sa next chapter :D

dada said...

Nakasanayan ko n magbasa ng blog habang kumakain ng brekfast... Hanep hotdog at egg p naman ang ulam ko..

Nc chap Z...bigla ko tuloy na miss intimate scene ng asawa ko lol...yayain ko nga mamaya...nainggit???...

Hehe ka adik ni laurence nagmimisa kung anu-ano naaalala ahahaha...hmm si claude nga kaya ang kafatid ni louisa?...hehe waiting for the next chap..

GOD BLESS Z!

NieL said...

Ahaha! Bnasa cou chapter 3 up to 9..haha! Aus,d2 na cou mag ba2sa!

Zildjian said...

Dada - hahaha dapat mo ngang ayain na ang boyfriend mo para ma enjoy mo ang feeling (Advice ng isang manyak na katulad ko.)


Niel - it was nice having u here. Welcome aboard!!!

Anonymous said...

z..ang ganda ng movie... hehehehe

regards,

R3b3l^+ion

Anonymous said...

fck sht!! Ang sweet ng dalawa! Haha! Ang ganda! Galing galing zildjian.

Thanks sa pgbold ng name ko. LOL!

Pero ang weird ni lance ha. Sa simbahan pa talaga nya inalala yung bed scene nila ni claude. Haha!

Sigurado si claude yun, kasi dba may sis si claude. Tapos si alfie palagay ko ay patay na.

--ANDY

ram said...

si claude ang kuya nya? panu ba sila nagkalayo dalawa? sana madugtungan ang kanilang love romance kung si lance nga iyon

Anonymous said...

hahaha... Kakatauwa naman ung love scene na nangyari sa pagitan ni Claude at Laurence,,, ang galing naman ng pagkakalikha mo sa chapter na itoh kapa pala,,, masyado kang nag-enjoy huh,,, wala ka talgang pinagka-iba pagdating jan,, well, masaya naman akuh dahil malapit ng magkita silang dalawa, Hanggang sa muli,,,,

Beucharist,,,,,

russ said...

at yan na ang simula hehehe...go zildian

Billygar said...

nabitin naman ako dito Z. kainis ka. hahaha... galing mo talaga. pinapasabik mo talaga ako kung sino ang kapatid ni Louisa. Ganda ng pagkagawa mo. Saludo ako sayo. ^___^

RJ said...

masyadong maraming posibilidad :D

gusto ko manghula pero wag na lang haha! pero yun nga, ang nakita ko sa kwento na to, maraming posibilidad at hindi mo talaga alam ang susunod na mangyayari. kudos sayo Z sa kwento mong to. :)

sobrang iba ito (para sakin) kaysa sa una mong dalawang kwento. hindi sa quality ha. i mean, quality naman lahat ng katha mo e, pero yung istilo nitong 9 Mornings, iba talaga.

keep it up lang sir :)

Anonymous said...

habaan mo naman minsan nkakbitin eh saka ang bagal ng istorya hahahaha... bilisan mo next tym. heheheh... love you zildjian...

rstjr029

Anonymous said...

kuya Z!!...
d story kips getting better nd better!!...
nd d sex scence was HOT!!...
whheewww!!...
hahahah!!...
feeLing ko c cLaude ung kuya ni Louisa...
feeLing ko Lng nman...
hehehe...

excited nah ako 4 d nxt chapter...
good job kuya Z!!...


-edrich

Ross Magno said...

...si Claude nga ang kuya niya....

or puede rin namang si Alfie...

popoy_iii said...

wah... nikakabahan ako kung si claude nga yun. :)

politotz said...

wow!! looking forward for the next chapter..hehehe

Anonymous said...

oo nga parang ang Kuya Ni Louisa ay si Claude..weeew! kakakilig...hahaha


ayan.. nag comment na ako..hahaha


-jojiemon

Anonymous said...

natawa nmn aq dun sa sinabi ni claude ke lance na me ipapakilala siya dito!haha..loko tlaga un!:)

oh my,,,cno nga kaya kuya ni louisa??nabitin aq!haha..hala,nxt chap agad!!^^

-monty

Post a Comment