by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
Aagahan ko ngayon ang pagpost sa chapter 18 na dapat bukas
pa naka schedule dahil po may dadaluhan akong party bukas at di ako
makakapagpost. Sana ay ma enjoy nyo ang chapter 18 kung saan isa sa mga
kontrabida ang puputulan natin ng sungay. HAHAHAHA
Gusto ko rin pong sabihin na bago ko i-post ang last chapter
ng 9 mornings ay i-popost ko muna ang bagong akdang gagawin ko ang book 3 ng
The Right Time at ito naman ay ang storya nang kamabal ni Dorwin na si Dave
hindi pa nga lang ako nakakapag decide kung anong title ang gagamitin ko basta
yon na iyon. Wahihihii
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Pasado ala-sais ng sunduin ako ni Claude.
Matapos naming magusap ng taong tumawag sa akin ay hindi na ako napakali. Takot
at pagkabigo ang naramdaman ko sa mga sinabi nito.
“Iniwan lang kita nang mahigit apat na oras nag iba na ang
aura mo. May problema ba misis?” Ang pagpansin sa akin ni Claude. Kasalukuyan
naming binabaybay ang daan papunta sa mall kung saan balak naming mamili. Sakto
namang ka rerelease lang ng Christmas bonus namin noong fifteen.
Gusto pa sana akong pigilan ng aking mga katrabaho na huwag
lang munang umalis mabuti nalang at tinulungan ako ni Pat. Hindi naman ako
nagsinungaling sa kanila na may balak akong mag shopping pero ang alam lang
nila ay ako lang mag-isa.
“W-Wala masakit lang ang ulo ko.” Ang Alibi ko naman dahil
nag aalangan ako kung dapat ko bang sabihin kay Claude ang tungkol sa mga
sinabi ni Anna sa akin kanina sa telepono.
Bigla namang inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng high
way. May pagtataka akong napatingin sa kanya.
“Kung ganyang masakit ang ulo mo wag nalang tayong tumuloy.
Uwi nalang tayo sa bahay mo.” May pagaalala nitong sabi.
Sa nakikita ko ngayon sa mukha ni Claude hindi ko lubos na
mapaniwalaan ang mga sinabi ni Anna sa akin.
“Hindi, deretso tayo baka dahil lang sa nainum ko to.” Ang
pagtutol ko naman at binigyan sya nang pilit na ngiti.
Lalo lang nangunot ang mukha ni Claude ang akala ko ay
magtatanong pa ito ngunit nagkamali ako. Pinaandar ng muli nito ang sasakyan at
walang amik na binaybay namin ang daan papunta sa mall.
Kung may katotohanan ang mga sinabi ni Anna sa akin kanina
dapat lang na hindi ako magsayang ng oras. Gusto ko na kahit manlang sa huling
pagkakataon ay makasama ko ito. Kumawala ang isang luha mula sa aking kaliwang
mata na pasimple ko namang pinahid.
Tulad ng inaasahan maraming tao sa mall na iyon halos mahirapan
kaming makapag hanap ng pweding ma park-i-ngan. Hindi pa rin nag salita si
Claude, pagkabukas nito nang kanyang pintuan ay mabilis itong umikot sa aking
gawi at pinagbuksan ako. Napangiti ako nang ilahad nito sa akin ang kanyang
kamay para alalayan akong bumaba.
Aminado akong mas minahal ko sya ngayon pero, ano ang
magagawa nang pagmamahal na iyon kung lahat ng ginagawa nya sa akin ngayon ay
pagpapanggap lang para makaganti sya sa akin. Martyr na kung martyr pero kahit na
lahat ng ipinapakita nya ay pagkukunwari lang sasakyan ko ito maramdaman
manlang kahit papaano na minahal nya ako.
Iniwaksi ko lahat ng takot na meron ako sa akin at sinulit
ang natitirang mga araw namin ni Claude. Ipinakita ko na sa kanya ang
nararadaman ko, ako pa mismo ang kumuha nang kamay nya para paghumpungin iyon.
Napalingon sa akin si Claude at ang akala ko ay tatangihan nya dahil sa mga
taong pweding makakita ngunit sumilay ang napakagandang ngiti nito. Muling nag
liwanag ang kanyang mga mata at hinigpitan ang hawak nya sa aking kamay.
Halos pagtinginan kami nang lahat ng mga tao sa loob ng mall
na iyon lalo na ang mga grupo nang kababaihan na nakasalubong namin na hayagan
pa talagang nagbulongan ngunit hindi nagpaapekto si Claude. Ako man, kahit may
kaba na pweding may estudyanteng makakita sa amin ay hindi ko na inalintana.
Wala na akong pakialam kung anu ang sasabihin nila ang importante sa akin
ngayon ay maiparamdam ko kay Claude ang pagmamahal ko para sa kanya kahit manlang
sa simpleng hawak kamay naming iyon.
“Ang akala mo ba
talagang seryoso si Claude sa pakikipag-ayos sayo? Dream on Laurence, ginagawa
lang nya yan para makaganti dahil hindi makakalimutan ni Claude ang kataksilan
na ginawa mo sa kanya noon. And one more thing Laurence, engaged na kami ni
Claude at ikakasal na kami kaya wag kanang umasa pa.”
Hindi ko maiwasang maalala ang mga huling sinabi ni Anna
bago nito putulin ang linya kanina. Ayaw paniwalaan ng puso ko ang mga sinabi
nito ngunit ang utak ko ang nagsasabing hanggang dito nalang talaga kami at
gumaganti lang ito dahil nasaktan sya noon.
Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay na
ginantihan naman nya nang mabinig pagpisil na para bang nagustohan nito ang
ginawa ko. I will enjoy the last moment with him kahit pagkukunwari lang ito
kung ito lang ang tanging paraan para maramdaman kong mahal nya ako.
“Saan tayo unang pupunta?” Ang tanong ko sa kanya.
“Sa mga decorations muna tayo misis.” Nakangiti nitong sabi.
Kay sarap sa pandinig tuwing tatawagin nya akong misis. Kung
may hihilingin ako sa mga oras na iyon, yon ay sana totoo nalang lahat ng ito.
Sana hindi ko nalang alam na pagkukunwari lang ang lahat para mas ma enjoy ko
pa ang lahat nang ipinapakita nyang pagmamahal.
“Sige.” Ang pagsangyon ko sa kanya.
Pansamantala kong nakalimutan ang dinadala ko sa sobrang
kulit namin ni Claude sa pamimili. Pati ang mga sales lady sa parteng iyon ng
mall ay tuwang tuwa sa mga pinag-gagawa namin ni Claude. Asaran, lambingan,
harutan at kung anu-ano pang kalokohang maiisipan namin. Bumili kami nang mga
gagamitin naming decorations para sa Christmas tree, bumili rin kami nang mga Christmas
light at dahil sumasakit ang ulo ko sa mga gumagalaw na ilaw ang pinili ko ang
mga steady light lang.
Sabi ni Claude maganda kong may motif para mas ma emphasize
ang ganda kaya nag isip ako nang kulay na gagawing motif sa buong bahay ko.
Blue, yon ang napili ko dahil maraming ibig sabihin ang kulay na iyon. Pweding
masaya pwedi ring malungkot dependi sa tingin at nararamdaman ng taong
makakakita nun.
Lahat ng binili naming decorations ay may kulay blue. Mula
sa Christmas balls, Christmas light, artificial flowers para sa Christmas tree
pati ang isang malaking parol ay may blue rin. Ayaw ko sanang bilhin na ang
parol na iyon dahil sa may kamahalan ang presyo kaso mapilit si Claude kaya
wala na akong nagawa pa.
Ubos ang bonus ko nito
hindi pa man ako nakakapag grocery para sa Noche Buena.
“Oh bakit sapo mo ang ulo mo? Masakit parin ba?” Ang
pagpansin ni Claude sa akin. Mababakas ang tuwa sa mga mata nito habang abalang
tinitignan ang ibang mga decorations para kaming mag-asawa sa mga oras na iyon.
“Medyo.” Sabay bigay ng isang pilit na ngiti dahil ang totoo
sumasakit ang ulo ko sa babayaran ko mamaya.
Halos naman patayin sa kilig ang sales lady ng makita nitong
hinalikan ni Claude ang noo ko. Literal pa nitong pinang gigilan ang kwelyo
nang kanyang uniform at pumikit na animoy pinipigilan ang pagtili.
“Ayan. Masakit pa ba?” Ang nakangiting wika ni Claude
matapos nitong dampian ng halik ang aking noo.
Napangiti nalang ako at umiling. Ako rin ay sobrang kinilig
sa ginawa nito hindi nya alintana ang mga taong pinag pipyestahan na kami at
pinag tsitsismisan. May isang matandang babae pang lantarang tinuro kaming
dalawa habang may sinasabi sa kanyang kasama.
“Laurence?” Ang biglang pagtawag sa akin ng isang tao mula
sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nakangiting si Red kasama
nito ang partner nyang si Attonery Dorwin Nevira.
“Oi.” Ang nasabi ko nalang sa pagkabigla.
“Misis tingnan mo to ang ganda.” Singit ni Claude. “Oi, pare
dito pala kayo.”
Napatingin ang dalawa kay Claude at sa akin tapos sumilay
ang nangaasar na ngisi sa mukha ni Red.
“Mukhang effective ang naging plano ni Chad ah.” Sambit nito
na hindi parin nawawala ang nangaasar na ngiti sa mukha nito.
Nabaling ang tingin ko kay Claude na sa mga oras din palang
yon ay binigyan si Red nang nakakagagong ngisi.
“Walang duda. Salamat sa tulong nyo ah.” Wika naman nito sabay
akbay sa akin na parang iniingit nya si Red.
“Tingnan mo nga naman, ang bilis talagang baguhin ang taong
nagmamahal nung isang araw lang halos patayin mo na sya sa takot.” Sabay
hagikhik nito. “Paniguradong matutuwa ang barkada ko kung malaman nila ito di
ba mahal?” At itinaas nito ang magka-holding hands nilang kamay ni Attorney
gumanti sa pangiingit ang gago.
Parehong gwapo si Red at Claude, parehong matangkad at parehong
expressive ang mga mata pinoy na pinoy ang kulay ni Red habang si Claude naman
siguro dahil narin sa kakaibang klima sa US at sa lahi nito ay maputi.
Napakamot naman si Claude sa ulo halatang guilty ang mokong.
“Kamusta ka Laurence?” Ang wika naman ni Attorney na
nakangiti ang taong kinakatakutan ng sigang si Red.
“Ayos naman attorney.” Medyo nahihiya ko pang sagot sa kanya
dahil hindi naman talaga kami close at respeto narin sa pinakabata’t magaling na
attorney.
“Dorbs nalang at pag-inabuso
ka ulit nyang boyfriend mo puntahan mo lang ako sa opisina ko ipapakulong natin
yan.” Biro nitong sabi.
Tama nga ang naririnig kong tsismis lahat ng myembro nang
seventh bar kasama ang mga partners nila ay mababait. Kahit na mga anak mayaman
ay napaka humble nang mga ito hindi katulad ng katabi ko ngayon na pili lang
ang taong pinapakisamahan at napakayabang pa nito noon.
“Oh sige Dorbs nalang.” Ang nakangiti ko naring sabi.
“Mag shopping din kayo pare?” Singit ni Claude na ang
tinutukoy ay si Red.
“Yep, bibili rin kami nang regalo para sa mga kaibigan at
inaanak namin. Kayo, bakit kayo nandito?” Pero hindi na it okay Claude
nakatingin kung hindi sa akin. Bakas ang panunukso nito sa kanyang mukha.
“Mahal, umandar na naman ang pagiging bully mo.” Sita ni
Dorwin sa dito.
“Hindi ah, nagtatanong lang naman ako eh.” Depensa naman
nito sa sarili.
Natawa naman ako sa kanila halata kasing mahal na mahal nila
ang isa’t isa samantalang ako bilang lang ang mga araw ko sa piling ni Claude.
“Wag kanang lumusot.” Basag ni Dorwin sa boyfriend nya. “Nga
pala Claude, may lakad ba kayo bukas?”
Napalingon naman ito sa akin.
“May lakad ba tayo bukas misis?”
“Wala.” Sagot ko naman sa kanya.
“See, wala kaming lakad bukas ng misis ko. Bakit ano meron?”
Nakangiti nitong sabi.
“Good, Christmas party namin bukas magkakaibigan so, we’re
inviting you matutuwa sina Chad pag nakita nila kayong magkasama.”
“Talaga? Hindi ba nakakahiya? San ba ang party?” Tila excited
namang sagot ni Claude.
“Ngayon kapa mahihiya kung kelan natulungan kana namin.”
Sabat naman ni Red na sinamahan pa nang malokong ngisi. “Sa bahay namin ng
asawa ko gaganapin ang party.”
Nakanganga nalang ang sales lady na nakakarinig sa usapan
naming apat. Hindi siguro ito makapaniwala sa nakikitang dalawang pares ng
hunky at yummy na lalaki ang mga asawa.
“Sure, pupunta kami di ba misis?” Tango nalang ang isinagot
ko sa kanila syempre gusto ko ring makasama ang mga dati kong school mates
nakakadala kasi ang pagiging masayahin ng mga ito.
“Great! We will be expecting you guys then. Paano, una na kami
kita nalang tayo bukas.” Wika naman ni Dorwin.
“Sige ingat kayo kita kits nalang bukas.” Tugon naman ni
Claude.
Umalis na nga ang dalawa at muli naming ibinalik ni Claude
ang atensyon sa pamimili konteng harutan pa ang nangyari at nang matapos ay nag
dinner kami sa isang food chain sa loob ng mall.
Pasado alas nuebe na kami nakarating sa bahay. Pagod at
antok ang agad kong naramdaman nang sumalampak ako sa sofa. Nang umupo si Claude sa tabi ko ay
walang bakas ng kahit konte manlang na kapaguran sa gwapo nitong mukha kahit na
sya ang tagabitbit ng mga mabibigat na pinamili namin tulad nalang ng heganteng
Christmas tree na pinilit talaga nito na iyon ang bilhin ko. Todo tanggi ako
nung una dahil sa alam kong hindi na kakayanin ng pera ko ang presyo niyon
ngunit wala ni isang sentimo akong inilabas sa wallet ko. Lahat ng pinamili
namin ay si Claude ang nagbayad.
“Baka bukas mamulubi kana sa laki nang gastos mo sa mga
pinamili natin. Sabi ko naman sayo ako nalang ang magbabayad eh.” Ang wika ko
sa kanyan ng tumabi ito nang upo sa akin.
Inihilig ako nito sa kanyang balikat para doon sumandal.
“Hindi pa ako mamumulubi sa ginastos ko ngayon kaya wag kang
mag-alala.” Tugon naman nito na sinamahan pa nang mga damping halik sa aking
ulo.
“Ang yabang mo talaga.” Rinig kong humagikhik ito.
“Hindi ako mayabang noh nagsasabi lang ako nang totoo.”
“Ikaw na mayaman.” Ang nasambit ko nalang at iniyakap ko ang
mga kamay ko sa katawan nito. Gusto kong damhin sya habang may oras pa ako.
Katahimikan ang sumunod na nangyari.
“Lance, mahal mo ba ako?” Ang biglang pagbasag nito sa
katahimikang namayani sa amin.
Hindi agad ako nakapag-react sa tanong nyang yon.
“Sana maintindihan mo ako.” Ang pabolong nitong sabi na
hindi nakatakas sa aking pandinig.
Napamulat ako’t agad napatingin sa kanya. Bakas sa mukha
nito ang pagiging seryoso. Ito na ba? Iiwan na ba ulit nya akong luhaan.
“A-Anong ibig mong sabihin sa sinabi mong sana maintindihan
kita?” May pagtataka kong tanong sa kanya.
Hindi ito agad sumagot sa akin halatang pinag-iisipan nito
kung ipagpapatuloy nya ang dapat nyang sabihin. Ngunit mukhang wala na itong
balak pang ipagpatuloy iyon kaya naman agad akong nagsalita. Siguro nga game
over na kami masakit man ay tatanggapin ko nalang iyon dahil hindi ko naman
maikakailang kahit pakitang tao lang lahat ng ka sweetan at kabutihan nito sa
akin ay nag enjoy ako sa piling nya.
“Alam ko na.” Ang may himig nang lungkot kong sabi.
“A-Anong alam mo na?” Bakas sa mukha nito ang pagtataka.
“Sinabi sa akin ni Anna ang plano mo. Okey lang sa akin,
tanggap ko naman na may naging mali rin ako noon. Kung hindi sana ako dumalo sa
party na iyon ng walang paalam sayo hindi sana mangyayari ang eskandalo na
iyon. Akala ko kasi mabait na kaibigan si Alfie eh.”
Lalong bumakas ang pagtataka nito sa mukha at nag salubong
ang dalawang kilay nito.
“Kaya mo ginagawa ang lahat ng ito para mahulog ulit ako sa
iyo at kapag nangyari yon hihiwalayan mo ako para makaganti ka at maipamukha sa
akin kung gaano ako ka tanga di ba? Well, you win Claude, kasi hindi pa
nagbabago ang nararamdaman ko sayo kung may nagbago man iyon ay mas sobra
kitang mahal ngayon.” Agad akong tumayo para tunguhin ang kwarto ko. Sobrang
bigat ng pakiramdam ko sa mga oras na iyon wala akong gustong gawin kung hindi
ang umiyak.
Hindi pa man ako nakakaisang hakbang nang mahigpit nitong
hawakan ang aking kamay. Napalingon ako sa gawi nya at bakas ang matinding
galit sa kanyang mga mata.
“Si Anna ba ang nagsabi nang lahat ng katarantaduhan na yan
sayo?!” May galit nitong wika.
Hindi agad ako nakaimik bahagya akong natakot eskpresyon ng
mga mata nito.
“Kelan nya sinabi ang lahat ng yan?”
“K-Kanina tinawagan nya ako.” May himig ng takot kong sabi.
Agad nitong binunot ang kanyang cellphone, hindi pa rin nito
tinatangal ang pagkakahawak nya sa aking kamay. Rinig ko ang pag-ring nito
in-on nya ang speaker siguro para marinig ko.
“Hello sweety napatawag ka?” Kilala ko ang boses na yon si
Anna ang tinawagan nito.
“Ano ang mga sinabi mo kay Laurence?!” Singhal nito kay
Anna.
“Oh, that gay? Bakit natauhan na rin ba? I warned you sweety
di ako makakapayag na maaagaw kalang ng pulubing baklang yon.” At tumawa pa
talaga ito nang parang bruha lang. “Don’t get me wrong tinulungan lang kitang
magising sa kalokohan mo with that gay.”
“Bitch! Hinding hindi mo kami masisira ni Laurence wag
kanang umasa!” Galit na galit nitong singhal kay Anna.
“Talaga? Pano yan eh mukhang naniwala sya sa akin. Ngayon
iniisip na nyang pakana mo lang ang lahat para makaganti.” At muli itong tumawa
nang nangaasar.
“Yeah, for sure yon ang iniisip nya kanina pero ngayon I don’t
think so. Sapat na siguro ang mga narinig nya para hindi ka na nya
pagkatiwalaan pa.” Agad na nawala ang tawa ni Anna sa kabilang linya.
“Anong ibig mong sabihin?” Bakas sa boses ni Anna ang kaba.
“Narinig lang naman mismo ni Laurence ang katotohanan. By
the way bago ko nga pala makalimutan Anna, I’ve already talked to Attorney
Nivera about sa case na pwedi kong isampa ko sayo sa ginawa mong pag-forge sa
signature nang Daddy ko.” Ngayon si Claude naman ang tumawa nang nakakagago
kumindat pa ito sa akin at hinila ako palapit sa kanya at mabilisang yinakap
gamit ang kanyang kamay na nakahawak sa akin kanina.
“A-Anong pag forge ang pinagsasabi mo Claude?” Bakas sa boses
nito ang pagkataranta.
“C’mon bitch you can’t play innocent with me you know what
im talking about. Yung pinakita mo sa akin na pinirmahan “kuno” ng Daddy saying
that when I refused to marry you tatanggalan ako nang karapatan sa sariling companya
namin? Kahit anong gawin mo hinding hindi mo ako mapipilit na pakasalan ka kahit
sayo pa kumampi ang daddy. I don’t need the company anyway hindi ako mamumulubi
kung hindi mapupunta sa akin ang company namin sa US.” Ang nanunuyang wika ni
Claude.
“It was your Dad who saigned it! Galit sya dahil sa
nagkagusto ka sa bakla kaya nya ginawa ang kasulatan na yon! Hindi pweding
hindi mo ako pakasalan Claude papabagsakin ka nang daddy mo!” Ang galit na galit na wika ni Anna.
“Mukhang huli ka na sa balita ah. Nagkausap na kami ni Daddy
infact kasama sya ni Mommy na uuwi this coming 23 to celebrate Christmas with me,
Louisa and ofcourse Laurence as their future inlaw.”
Hindi naka imik si Anna sa kabilang linya halatang na bigla
ito.
“Kung ako sayo problemahin mo na ang paghahanap ng abogado
dahil hindi kita palalampasin ngayon. Dalawang beses mo na akong linuko una ang
malala kaya pagsisisihan mo ito.”
Hindi ko na maintindihan ang pinag-uusapan nila ang alam ko
lang hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Anna sa akin sinisiraan lang nya si
Claude.
“A-Anong ibig mong sabihin?
“About Alvin Uy and the little favor you asked him?”
“A-Alvin Uy?” Ang mahina at kinakabahang sabi ni Anna.
“Ang galing mo talagang umarte, kaya siguro napaniwala mo
ang daddy ko dati. The guy way back in college Anna, yung hiningan mo nang
pabor kapalit ng pagpapagamit mo sa katawan mo.” Wika ni Claude sabay halakhak
ng nakakagago. “I’m way smarter than you Anna at mas may kakayahan akong
malaman lahat sa tulong ng pera. I’ll see you in court next year.” Agad nitong
pinutol ang linya.
Iba talaga si Claude pag nagagalit lumalabas ang yabang,
angas at pagiging brutal nito kahit sino walang sinasanto pag umaandar ang
kabaliwan nya.
“Malinaw na ba ang lahat misis? Wag ka kasing magpapaniwala
agad sa mga taong sira ang ulo. Lahat ng pinakita ko sayo ay totoo dahil mahal
na mahal kita. Hindi ko pagsisisihan na minahal kita dahil ikaw lang ang taong
kinikilala ng puso ko wala nang iba.”
Sobra akong na antig sa sinabi mga sinabi ni Claude wala na
akong nagawa kung hindi ang higpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.
“I love you misis.” Ang wika nito nang muling magsalubong ang
aming mga mata.
“I love you too mister.” Tugon ko sa kanya. Hindi ko na
kailangan pang pigilan ang nararamdaman ko sapagkat ngayon hindi lang ang puso
ko ang nagsasabi kung gaano ko kamahal ang taong nakatayo sa harap ko sa mga
oras na iyon pati na rin ang utak ko.
Sumilay ang napakamamis na ngiti sa mga labi nito at ang
galit na meron kanina sa mga mata nito ay naglaho at napalitan ng saya naramdaman
ko nalang ang paglapat ng mga labi namin at muli kong nalasap ang matamis
nitong halik.
“Tara na sa kwarto matulog na tayo.” Wika nito na sinamahan
pa nang pilyong ngiti.
“Dito ka nanaman matutulog?”
“Yep, para sabay tayong mag sisimba mamaya and this time may
dala na akong damit.” At agad ako nitong binuhat patungo sa aking kwarto.
Umandar na naman ang kalibogan ng mister ko hanggang sa
makatulog kaming pareho. Hindi matatawaran ang saya ko sa mga oras na iyon noon
paman si Claude lang ang nagiisang taong nakakapag bigay sa akin nang ibayong
saya.
Pasado alas-dos ng
madaling araw nang gisingin ako ni Claude sa kanyang mga damping halik. Sabay
kaming naligo na parang mag-asawang bagong kasal lang, sabay na nag sipilyo at
sabay na nagbihis.
Tulad ng laging ginagawa ko tuwing nagsisimba iniwan ni
Claude ang kanyang sasakyan sa garahe at nag lakad kaming makahawak kamay
papuntang simbahan kasabay ang ibang tao.
“Tatlong simbang gabi nalang makukumpleto ko na rin ang 9
mornings.” May kayabangang sabi ni Claude.
“Lagi kang nagsisimba? Bakit di kita nakita?” Takang tanong ko
sa kanya.
“Syempre dakilang stalker kaya ako kaya kung na saan ka don
ako nakatago nga lang.” Nakangisi nitong sabi proud pa talaga si loko sa
pagiging stalker nya.
“Sira!” Ang tatawa-tawa ko nalang sabi.
Nakahanap agad kami ni Claude ng pwesto at swerte pa dahil
ang naupuan namin ang sya mismong upuan noong nagsisimba kami anim na taon ng
nakakaraan.
Pareho kaming taimtim na nakinig sa misa hanggang sa matapos
ito. Hindi ko mapigilan ang minsang lingunin sya para tingnan kung anu ang
ekspresyon ng mukha nito at nakikita ko talagang seryoso ito sa pagsimba. Hindi
ko alam kung anu ang mga tumatakbo sa isip nito sa mga oras na iyon ang alam ko
lang mahal ko ang taong kasama at kahawak kamay ko.
Itutuloy:
39 comments:
mega like
Ang bilis ng update ah...
May mangyayaring masama ba ka Claude?
Mukhang hinde papayag si Anna na hinde mabuwag ang dalawa...
whatta bitch! hehehe ♥ .. eh panoh nah ung about kay Alfie when will Lance tell Claude ..? akala koh si Anna may pakana nun di pla .. hehehe ^^ wait nah lng for the next chapter .. 0.o
x0x0
like na like koh to. hahayssss sarap tlgang umibig at iibigin ka rin in return. kailan kaya ang akin?:(
nice update author.
taga_cebu
haha kawawa naman si anna buti nga!
lahat gagawin talaga ni claude para kay lance:) excited nako sa pagtatapos nitong 9 mornings At syempre sa susunod mong likha...@dereck@
sarap naman ng ganung feeling na mahal na mahal ka ng taong mahal mo din...and d ka knakahiya sa lahat...hay..hanggang pangarap nlang ata ako hahahaha
@singledon .. gusto moh tayo nah lng ..? hehehe
Super saya at kilig. Grabe wala na ko masabi IKAW NA.
Mukhang anag huling alas ni anna ay palitawin si alfie ah. Cant wait for the next chapters... Super galing. Walang kasing galing... God bless po...
kuuuuyaaaa... SUPER LIKE. ganda talaga
God bless you po!
-ichigoXD.
5 stars! Next chapter na Zild :-)
Yey!! I have a very good feeling about it pero meron ding masama :)) thank you Kuya sa update!!
Ayos nadiligan na namn si Lance ...hehehe
from Jubail KSA
at ako'y naliwanagan sa chapter na ito.. ang gaing mo talaga! two thumbs up! :)
Damn GOOD!!! Ang galing mo author!!! Hindi ako nabitin!! Next na!!!!! Haha!
--ANDY
galiing author!! ganda!! kala ko.my twist pa..buti wla ng twist ky ana..haha..ganda..mttapos nba to? update na ang last..ang hapi ending nila..pero bkit wla pa c alfie? uhm..my buk two ba?
-john el-
IKAW NA!!!!!
Gusto kitang patumblingin sa galing mo.
panalo sa kilig! haha...
fan na mo na ako author! haha...
-jemyro
kuya Z!!...
ikaw nah!!...
ikaw nah ang the best!!...
kaka.inggit c Lance...
hay naku...
great job kuya Z... :)
- edrich
Wagas ang chapter na ito! Sana'y magpakita muli sila Mike at Ralf para masaya. hehe
Ang sarap talagang basahin ng kwentong ito, dito na lang ako nakukuntento sa kilig na hindi ko maramdaman sa tunay na buhay. haha
-jake of cebu-
Good job!! sana maganda ang ending...
Beucharist....
al last naging maayos na lahat kay lance.... galing mo talaga author
ramy from qatar
kilig much!- chase
That BITCH ain't got shit on you!
Congrats!
More power!!!
Malinis ang pagkakasulat infairness.. Anong pasabog ang susunod? Masyadong mabilis ang lahat eh. Hmm?
-icy-
Nice!. Love to red ur stories... Nakaka inspird.
Si Alfie na lang talaga!!
- Tam
ang ganda ng chapter na to sir! haha taob si Anna. pero ano kaya yung sinabi ni Claude na sana maintindihan ni Laurence?
hehe sabik na talaga kong mabasa ending nito, pakiramdam ko kasi matindi talaga ang twist na magaganap e.
basta masaya talaga na sa wakas, sumasaya na rin si Laurence. ibang-iba na yung atmosphere sa kwento ngayon, di tulad nung una, ramdam mo talaga na malungkot ang buhay ni Laurence.
keep it up Z! :)
wala akong masabi super ganda. thanks sa update
congratulations bb! napakagaganda ng mga likhang kwento mo....Nakakabuhay ng puso...Good luck and more power! take care always po! abangan ko ang susunod na kwento ni Dave....
next chapter pleae! haha... maganda, good job!
>>Down_d'Line
yeheeey. ang ganda ng chapter na ito. kilig to the bones..Thank you Z for the wonderful story like this. You are the best.
ayiee! kakilig namAn sana may update na mamaya .. haha xD ..
a zillion thumbs up sa chapter na toh! :D!
next na! :D!
(IAN)
i remember how my first love stand for me, and fight for what we have. hai. sayang lang, kasi, hindi kami destined, he is now married and has 2 kids.
"literal akong napa shit"!!
kung c lance eh lge nyan cnsb
ako rn mssbe ko sa chap na 2
kinabahan nmn ako ng sobra nun una
akala ko pa eh may sakit c claude or what
npaluha 2loi ako hbng ng shoshopong cla
na ng iicp c lance na onting oras nlng ang pgssma nla
at lalo akong kinabahan nun nsa sofa na cla..
buti nlng tnwgan nya kagad c anna..npka ganda ng scene na yon!!
I really like Claude's personality; mayabang brutal at gago..pero pag dating sa misis nya eh..nwwla ang sungay neto!!
pero sobrang kilig p rn ang chap na 2!!
npka galing mong mg pakilig >_<
NASAN NA YUN CHAP 19 KUYA ZEP Y_Y
AKALA KO BA GNGWA MO NA KNNA HUHUHUHU!!
pa POST na po ng UPDATES pls.. tnx u :))
super like sotry mo po.. as IN.. :))
buti nga sa Anna na yan.whahahaha...
bote nga ke anna!!napakabruha talaga nun!haha
napangiti nmn aq nung nagkita sila nina red at dorwin sa mall!hehe...
-monty
Post a Comment