Saturday, December 10, 2011

9 Mornings Chapter 13



by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/


Ito na ang chapter 13 at sana ay masagot nito kahit papaano ang mga katanungan na meron kayo. Pero hindi pa dito nagtatapos ang mga rebelasyon ng storyang ito. I still have plenty inside my pocket wahahahaha. English??


Batiin ko naman ngayon ang mga bagong dating sa blog ko para masaya di ba? Wahahaha


Wastedpup, Andy, Si Russ (hindi ko sya kasi nabati hehehe kaya ito babawi ako.. Say present when your name is called.), Ramy From Qatar, VinZ, LightRundel, si jay (doppelganger ni Jay!:)), Darren, Juss, NLX, -john el-, @dereck@, M.V, Saimy, Eusethadeus, CHIPPY, ___ Welcome Aboard Guys!!!


Next time naman ang iba. Hihihihi masyado nang masakit ang headgear ko.


Special mention ulit si Jefofotz ang aking dakilang misis na ako lamang ang nakakaalam. Ayaw nya na tinatawag ko syang misis, pero wala akong pakealam. Hard headed ako eh! Angal?


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


Walang Louisa akong nakita sa pang apat na simbang gabing iyon. Mabuti na rin siguro para makaiwas sa kung ano mang pweding mapagusapan tungkol kay Claude. Nakapag desisyon na akong tuluyang kalimutan ang damdamin ko para sa kapatid nya. Alam ko rin na may nalalaman si Louisa sa aking nakaraan base na rin sa ekspresyon ng mukha nito nang ipakilala nya kami ni Claude.


Natapos ang simbang gabi na iyon na tulad ng dati ay wala akong ni isa manlang na naintindihan sa mga sinabi nang pari. Wala rin akong makapang dahilan kong bakit kailangan ko pang magsimba gayong wala rin lang naman sa misa ang isip ko lalo lang akong nagkakasala sa panginoon sa ginagawa ko.


Gaya nang dati ay linakad ko lang mula sa simbahan papunta sa bahay ko tutal malapit lang naman iyon. Lutang ang isip na naglalakad ako, hindi parin makalimutan ang mga nangyari sa muling paghaharap namin ni Claude. Ang galit nito ay lalong nag papatindi nang aking pighati. The person I loved up until now becomes a person whom I don’t even recognize anymore. Masyadong linamon si Claude nang kanyang galit.


Gusto ko mang iwaksi sa aking isipan ang mga alaala nang mga panahon na nagmamahalan pa kami ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung nang hihinayang lang ba ako o talagang hinahanap hanap ko lang ang taong iyon. Ang taong minahal ko nang lubos.




Past




“Good morning misis.” Na gulat ako nang makita ko si Claude sa loob ng aking kwarto. Literal na napatalon ako sa aking kama sa sobrang gulat.


“ANONG GINAGAWA MO RITO?!” Di ko maiwasang mapasigaw sa kanya. Simula nang maging kami ni Claude ay ito ang unang pagkakataon na pumasok sya sa loob ng kwarto ko. Kapag pumupunta kasi ito sa bahay para sunduin ako ay sa sala lang sya nag hihintay sa akin.


Humagikhik lang si kolokoy. Tuwang-tuwa ito sa reaksyon ko dahilan para mahampas ko sya nang may kalakasan sa kanyang braso.


“Aray! Masakit yon ah.” Tampu-tapohan nitong sabi na sinamahan pa nang pag-pout nang kanyang pang ibabang labi. Lalo lang tuloy itong nag mukhang cute sa paningin ko. There goes may yummy mister. Ang nasabi ko nalang sa aking sarili at napahagikhik.


“Sorry naman.” Hinimas himas ko ang nasaktan nitong braso para aluin sya. “Ikaw kasi, dapat hindi mo ako binibigla nang ganun.” Hinalik-halian ko pa ito dahil nakita kong bahagyang namula ang kanyang braso. Maputing tao kasi si Claude kaya easy lang makita ang pamumula ng nasaktan nitong braso.


“Ako pa sinisi. Gusto lang naman kitang gisingin eh.” Hindi pa rin nawawala ang pag-pout nito. “Sabi kasi ni Tita akyatin nalang kita dito eh.


Sa loob ng isang buwan nyang pagbisita sa bahay ay tuluyan na nitong nakuha ang loob ng aking butihing ina. Claude used all his charm maging panatag lang sa kanya si mama. Balak na rin kasi naming aminin ang aming relasyon sa kanya. Yon ang hiling ni Claude sa akin.


“Tigilan mo na nga yang pag-pout mo lalo kang nagiging cute eh.” Pambobola ko sa kanya para mawala na ang tampo nito sa akin.


Mukhang effective naman dahil muli kong nasilayan ang maganda nitong ngiti. Ang ngiting nagpapawala lahat ng agam-agam ko sa buhay.


“Tara na sa baba misis, may dala akong pagkain para sa atin.” This is what I love most kay Claude ang pagiging sweet nito. Talagang tinutoo na nito ang kanyang misyon sa buhay na patabain ako. Kapag kasi pumunta ito sa bahay at bibisita lagi itong may dalang kung anu-ano.


“Maya na. Higa muna ako napagod ako sa paglalaba kanina eh.” At muli na naman akong sumampa sa aking kama. Ang totoo gusto ko lang syang asarin ulit ganun ang paglalambing ko kay Claude.


Halos maihi ako sa pangingiliti nito sa akin para lang muli akong mapatayo. Malakas na tawanan ang bumalot sa apat na sulok ng aking kwarto dahil sa harutan namin ni Claude. Nakagawian na kasi nitong tumuloy sa bahay namin pagkatapos nang kanyang pang sabadong klase.


“Laurence, Claude tama na yan! Hindi na kayo mga bata para mag kulitan bumababa na kayo rito.” Narinig kong pagtawag sa amin ni mama. Tinigilan na nga ni Claude ang pangingiliti nya sa akin at inalalayan na akong tumayo. Pero bago pa kami makalabas sa kwarto ay ginawaran na ako nito nang halik.


“Na miss kita misis. Hindi ko nga naintindihan ang tinuro nang professor namin ikaw lang kasi tumatakbo sa isip ko.” Nakangisi nitong wika nang maghiwalay ang aming labi.


Isang batok ang isinagot ko sa kanya at patakbong bumaba nang hagdanan para tunguin ang kusina. Hinabol naman ako nito’t nagsimula na namang mangiliti. Alam kong may ideya na si mama tungkol sa relasyon namin ni Claude, pero tulad ng mga ibang magulang hinahayaan nalang nya ito marahil ay nakikita nyang si Claude ang syang taong nagpapasya sa akin.


“Misis, sa susunod na sabado sa bahay naman tayo. Gusto na kitang ipakilala kay mommy at sa kapatid ko. Matagal na kasi nilang tinatanong kong sino ang taong nagpapasaya sa akin ngayon eh.” Parang ang dali-dali lang para sa kanyang ipakilala ako sa kanyang mga magulang. Sa katayuan ng relasyon namin ni Claude hindi na ako mabibigla kong mag hurimintado ang mommy nya kung malaman nitong lalaki ang karelasyon ng kanyang anak.


Nakaramdam ako nang kaba na hindi naman nakaligtas kay Claude.


“Wag kang mag-alala ako ang bahala sayo. Ipaglalaban ko ang relasyon natin mamatay man kapit bahay namin.” Natawa ako sa kalbong patawa nito. Masyadong mababaw pero effective naman.


“Sigurado ka na ba tungkol dyan? Di pa nga natin nasabi kay mama ang tungkol sa atin di ba?” May bahid ng pagaalangan kong sabi.


“Siguradong sigurado na ako. Gusto ko na rin kasing maranasan natin ang relasyon na hindi natin kailangang magtago tulad ngayon.” Tama ito. Kanina matapos naming mag dinner sa bahay ay ipinag-paalam ako nito kay mama para lang makapagusap kami ng pribado.


“Unahin muna natin sina mommy misis. Para kapag pinalayas ka nang mommy mo pwedi na kitang iuwi sa bahay.” Wika pa nito na sinabayan nya nang nakakalokong ngisi. Matalinong tao talaga tong mokong na to magaling mag anticipate.


“Puro ka talaga kalokohan. Pero sige ikaw ang bahala. Sana nga lang matanggap nila kung ano ang meron tayo.” Hindi umaasa ang puso kong matanggap ng pamilya namin ang aming relasyon yon ang dahilan kong bakit nalungkot ako bigla. Inaalala ko kasi ang mangyayari pagkatapos naming kausapin ang parents nya. Natatakot ako na baka paglayuin kami ni Claude.


“Wag ka na magalala misis promise ko sayo magiging okey ang lahat.” Nanunuyo nitong sabi. “Basta magtiwala kalang sa akin at hayaan mo akong dumiskarte, okey?”


Tango nalang ang naging sagot ko sa kanya. Siguro nga tama sya dapat pagkatiwalaan ko ang pagmamahal nya sa akin.


Marami pa kaming napagusapan ni Claude. Ang mga plano nya sa aming dalawa kapag nakatapos kami ng college, ang pag develop nya nang Resort na ipinangalan na sa kanya nang mommy nya at kung anu-ano pang mga pangarap naming dalawa. Napakasarap pala sa pandinig kung kasama ka sa mga plano nang taong espesyal sayo. Mas lalo ko lang minahal si Claude dahil doon.


Ang akala ko ay magiging tuloy-tuloy na ang kasiyahan namin pero totoo nga talaga ata ang sabi nila. ‘Some good things never last.’


Araw nang lunes at excited na akong makita ulit si Claude dahil hindi kami nakapag kita noong linggo my importante daw syang lalakarin.


Naglalakad ako sa Covered walk para puntahan ang unang klase ko sa araw na iyon. Hindi ko alam, pero parang may mali. Mula sa mga tingin sa akin ng ibang estudyante hanggang sa mga bulong-bulongan nila. Masyadong maganda ang araw ko para pansinin iyon kaya ipinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad.


Nang malampit na ako sa room namin ay agad naman akong sinalubong ni Ralf. Bakas sa mukha nito ang matinding pagaalala. Binati ko pa ito, pero agad ako nitong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa bench na tambayan namin. May pagtataka man ay sumunod nalang ako.


“Pinsan, hindi mo ba na tanggap ang text ko sayo?” Wika nito nang marating naming ang bench.


“Hindi eh. Nagmamadali kasi ako kanina alam mo naman excited akong makita ang mister ko.” May bahid ng katutuhanan kong biro sa kanya.


“Pinsan may problema.” Halata na ang pagkabalisa nito na ikinakunot ko naman ng noo.


“Problema?”


Pero bago pa man makapagsalita si Ralf ay narinig ko na ang pamilyar boses ni Claude na tumawag sa akin. Napalingon ako sa gawi nya at bumungad sa akin ang galit na galit nitong mukha. Medyo nakaramdam ako nang takot ito ang unang beses na nakita ko ito sa ganung hitchura.


“Claude, easy lang hayaan muna nating makapag paliwanag si…” Hindi na natapos ni Ralf ang kanyang sasabihin nang singhalan sya ni Claude.


“Wag kang makialam Ralf!”


Naguguluhan na talaga ako kung ano ang nangyayari pero tila ba nawalan ako nang lakas na makapagsalita. Nakatanga lang ako sa galit na mukha ni Claude.


“Pare, wag mo namang sigawan si Ralf.” Ang narinig kong wika ni Mike nakasunod pala ito kay Claude.


Nang makalapit na ito sa akin ay marahas ako nitong hinawakan sa aking braso. Dama ko ang sakit ng pagkakahawak nyang iyon pero hindi pa rin ako nakaimik sa pagkabigla.


“Ano ang ibig sabihin nito?!” Halos ipag-duldulan na nya sa mukha ko ang cellphone nya. Wala sa sarili ko itong kinuha sa kamay nya at tiningnan kung anu ang meron sa cellphone na iyon.


Isang video nang dalawang lalaking nagtatalik. Tanging likod lang nang lalaki ang nakita ko sa una na abalang umiindayog sa katalik nito. At nang medyo magkaroon ng pagkakataon magiba nang posisyon ang lalaki ay doon na nagsimulang manginig ang aking kamay. It was me. Mukha ko ang katalik ng lalaking hindi ko manlang makita ang ulo dahil katawan lang nito ang nakikita ko sa video.


 Isa-isang umagos ang aking luha sa magkabila kong pisngi. Of course hindi ako iyon wala akong na aalala na may nakatalik akong ibang lalaki except kay Claude.


“Claude….”


“Ano?! Sabihin mong hindi ikaw yan! Sabihin mo!” Dumadaloy na rin ang mga luha nito sa kanyang pisngi. Marahil dahil sa pagpipigil ng sobrang galit.


“Wala kang kwentang tao! Ginago mo lang ako! To think na ipinaglaban kita sa pamilya ko. To think na tiniis ko lahat ng panunukso sa akin ng mga kaibigan at pinsan ko!” Tuluyan nang umapaw ang galit nito.


“H-Hindi ako yan Claude maniwala ka.” Ang pagdedepensa ko sa sarili ko habang humihikbi.


“Sinungaling! Paano mo maipapaliwanag ito ha?” Idunuldul na talaga nito sa mukha ko ang cellphone nya.Wala na itong pakialam kong masaktan man ako. “Wala kang pinagkaiba sa ibang mga bakla! Ang akala ko iba ka, pero tulad ka rin pala nila! Ang babaw mo!” Masakit para sa akin ang mga salita nyang iyon idagdag mo pa ang mga estudyanteng nanunuod sa amin sa oras na iyon.


“Claude maniwala ka sa akin hindi ako…”


“Shut up! Wala akong panahon para pakinggan ang mga kasinungalingan mo! Ano ba ang kulang sa akin Laurence? Minahal naman kita di ba? Trinato kitang tao bakit nagawa mo akong gaguhin? Kulang pa ba ang titi ko? Naliliitan kaba ha?”


Hindi ko na alam sa mga oras na iyon kung anu ang gagawin ko para lang magkapag paliwanag sa kanya at para pakinggan nya ako. Iyak lang ako nang iyak sa masasakit na salitang binitiwan ni Claude sa akin. Maski sina Ralf at Mike ay hindi nagawang makapag react.


“Claude makinig ka naman sa akin.” May pagmamakaawa ko nang sabi sa kanya hinawakan ko ang kanyang polo. Wala na akong pakealam sa mga oras na iyon kung magmumukha man akong tanga sa harap ng maraming estudyante. “Hindi ako yan. Hinding hindi ko magagawa yan.”


Ngunit marahas lang nyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. At muli, gamit ang nanlilisik nyang tingin.


“Wala kang kwentang tao! Mag sama kayo nang lalaki mo!” At walang anu-anong umalis na ito.


Napaupo ako sa bench dahil sa sobrang bigat nang nararamdaman ko. Nung Sabado lang okey pa kami at masaya tapos ngayon halos patayin na ako nito. Napahagulhol nalang ako sa sobrang pighati inalo naman ako ni Ralf at si Mike naman ay agad na sinundan si Claude. Rinig ko pa ang mga bulong-bulongan ng mga estudyanteng hindi parin umaalis kahit tapos na ang palabas na iyon.


“Pinsan, tara umuwi nalang muna tayo hindi makakatulong kung papasok kapa ngayon. Palipasin muna natin ang galit ni Claude saka ka magpaliwanag.” Pag-alu sa akin ni Ralf. Inalalayan ako nitong tumayo at tuluyan na nga kaming umalis sa eskwelahan naming iyon.


Narating namin ni Ralf ang bahay namin. Tulad ng inaasahan na bigla si mama nang makita ang hitchura ko, pero kahit na anong pilit nitong tanungin kami sa nangyari ay wala ni isa man sa amin ni Ralf ang nagkwento hanggang si mama na mismo ang nag bigay ng kanyang sariling ideya. Tama nga ang sabi nila ang ina ang tunay na nakakaalam ng lahat ng pinagdaraan ng kanilang mga anak. Ang maganda lang sa mama ko ay hindi nito ikinagalit ang tungkol sa relasyon namin ni Claude bagkus ay naawa pa sya sa akin at sinabi pa nitong tutulungan nya akong magpaliwanag kay Claude.


Wala akong ginawa buong araw kung hindi ang umiyak. Dinamayan naman ako ni mama sa aking pighati. Lahat ay na ikwento ko sa kanya mula nang unang magtapat sa akin si Claude hanggang sa naging kami. Ma swerte pa rin ako dahil inintindi ako nang aking ina ngunit imbes na galak ang aking maramdaman sa mga oras na iyon ay matinding pighati para sa amin ni Claude.’


Ilang araw din akong hindi pumasok sa kagustohan na rin ni mama. Sabi nito sa akin na baka hindi ko kayanin ang kung anu mang maririnig ko sa mga kapwa ko estudyante. Umaasa akong pupuntahan manlang ako ni Claude para kausapin ngunit walang Claude na dumating.


Araw nang sabado nasa loob lang ako nang aking kwarto at nagkukulong. Kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin magawang tanggapin ang lahat. Halos patayin ko na ang sarili ko kung hindi lang kay mama na naging sandigan at lakas ko sa mga nag daang araw. Para sa akin ay walang silbi ang buhay ko ni hindi ko nga magawang makipagusap manlang kay Ralf at kay mama. Nanatili lang akong nakatanga at nagkukulong sa sarili kong kwarto. Sabi ni Ralf ay sinubukan daw nila ni Mike na kumbinsihin si Claude ngunit lagi lang itong nagmamatigas. Nawalan na ako nang pag-asa na magkakaayos pa kami.


“Nak?” Ang mahinang katok ni mama sa pintuan ng aking kwarto. Alam kong maski sya ay nahihirapan na rin sa kalagayan ko. “Nak, nasa baba si Alfie gusto ko raw nyang makausap.”


“Paki sabing tulog po ako.” Ang sagot ko naman. Wala akong ganang makipagusap kahit kanino gusto ko lang mapagisa. Gusto kong solohin lahat.


Hindi ko na narinig pang nagsalita si mama marahil ay naintindihan nito ang gusto kong mangyari ngunit ilang minuto lang ay muling may kumatok sa aking pinto.


“Lance, pwedi ba tayong magusap si Alfie to.”


Hindi ako sumagot nanatili lang akong nakahiga sa aking kama. Hindi pa rin napapagud sa pagtangis.


“Magusap tayo Lance.” Batid ko sa boses nito ang pagmamakaawa. Ewan ko pero parang may nagsasabi sa akin na pagbuksan sya. “Please Lance kahit saglit lang.” Sabi pa ulit nito.


Wala na akong nagawa kunghindi ang pagbuksan sya. Walang kasalanan si Alfie sa akin kaya walang dahilan para iwasan ko sya. Yon ang pangungumbinsi ko sa utak ko.


Nang mapagbuksan ko sya at makita nya ang hitchura ko ay agad bumakas sa mukha ni Alfie ang pagkahabag sa akin. Wala itong salitang pumasok sa aking kwarto at naupo sa aking kama habang ako ay bumalik lang sa pagkakahiga patalikod sa kanya.


“Lance?” Mahina pero sapat na para marinig ko iyon. Nanatili lang akong tahimik habang humihikbi. Napakasakit makita na ang mga kaibigan mo ay awang awa sayo. Hindi matanggap ng sarili kong pride iyon.


“Lance nandito ako para humingi nang tawad.” Hindi ko alam kong ano ang ibig nyang sabihin hinintay ko nalang ulit syang magsalita. “Napakalaki nang kasalanan ko sayo Lance at nagsisisi ako na nagawa ko iyon sa taong mahal ko.”


 Sa aking mga narinig ay napabalikwas ako nang higa.


“Anong ibig mong sabihin?” May pagtataka kong sabi.


“Sorry kung minahal kita. Noon pa man ay mahal na kita kaso hindi ko magawang sabihin sayo. Sana patawarin mo ako sa nagawa ko Lance hindi ko sinasadya.” Mas lalo akong nagtaka sa mga pinagsasasabi ni Alfie idagdag mo pa ang pamumuo nang mga luha nito sa kanyang mga mata.


“Patawin mo ako Lance, hindi ko talaga sinasadya masyado lang kitang minahal.” Doon nagsimulang bumalik ang mga alaala sa akin. Literal pa akong napatakip sa aking bibig nang maalala ang isang pangyayari.


“A-Alfie?” Ang naisambit ko sa sobrang pagkabigla. Hindi ito kumibo bagkus ay nanatili lang itong nakayuko. “Nung…. Nung birthday mo?” Ang hindi ko makapaniwalang sabi.


Bahagya itong tumango. Doon ko napagtanto na tama ang hinahala ko tuluyang umapaw ang galit sa aking buong katawan.


“Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa akin?!” Hindi ko mapigilang kwelyuhan ito sa sobrang galit. “Bakit mo nagawa sa akin iyon Alfie, bakit?!” Hinawakan nito ang dalawa kong kamay para pigilan ako sa ginagawa kong paghampas sa kanyang mukha at dibdib. Tuluyang umapaw ang sobrang galit sa aking pagkatao.



“Hindi ko sinasadya Lance. Hindi ko intension ang gawin iyon. Mahal kita.”


Lalo akong napahaguhol. Ako pala talaga ang nasa video na yon at ang katalik ko sa mga oras na iyon ay si Alfie at sa boarding house nila iyon nangyari.


“Bakit mo nagawa sa akin iyon Alfie? Anong naging kasalanan ko sayo para babuyin mo ako? Akala ko ba magkaibigan tayo, bakit?” Hindi ko na mapigilang tumangis sa sobrang pagkahabag sa sarili ko.


“Dahil natatakot ako, natatakot ako na tuluyan kang mawala sa akin Lance patawarin mo ako.” Sa puntong iyon ay tuluyan na nya akong yinakap nang mahigpit, siguro para mapigilan ako sa aking pagwawala. “Patawarin mo ako Lance.” Ang paulit-ulit nitong wika, pero tuluyan na akong inangkin ng aking galit.


 Nagpumiglas ako para makawala sa kanyang pagkakayakap sa akin.


“LUMAYAS KA! SINIRA MO ANG BUHAY KO!” Para na akong nasapian sa sobrang galit ko sa kanya. “Kahit kailan ay hinding hindi kita mapapatawad Alfie! Kahit kailan ay hinding hindi ko mapapatawad ang taong sumira sa buhay ko ang taong sumira nang relasyon namin ni Claude!”


Pareho kaming napahagulhol hanggang sa umakyat si mama sa kwarto ko.


“Anong nangyayari?” Wika ni mama nang makapasok ito sa aking kwato.


“Palayasin nyo sya sa harapan ko! PALAYASIN NYO!” Ang huhurimintado kong sabi.


Agad namang tumalima si mama at inalalayang lumabas ng aking silid si Alfie. Nang tuluyan na itong mawala sa aking paningin ay doon na ako nag wala nang tuluyan. Lahat ng bagay na mahahawakan ko ay sinisira ko habang sumisigaw dahil sa sobrang galit at pagkabigo.


Simula noon ay tuluyan ng nasira ang buhay ko. Hindi ko na rin nagawang harapin si Claude sinisi ko ang sarili ko. Naging mahina ako kung hindi sana ako uminum nung araw na iyon ay hindi mangyayari ang lahat. Sobrang galit ako sa mundo dahil sa mga nangyari pati sina Ralf at Mike ay nadamay wala ni isa sa kanila ang pinayagan kong makalapit sa akin.


Huminto ako sa pag-aaral at nag transfer sa ibang eskwelahan. Nalaman ko rin na umalis ng bansa si Claude kasama ang kanyang pamilya. Mas lalong naging empyerno ang buhay ko. Nawala ang dating Laurence na masayahin. Nawalan ako nang tiwala sa sarili at sa mga taong nakapaligid sa akin.


Pati si mama ay sobrang na apektuhan sa mga pangyayari sa akin. Pinilit nitong maibalik ang dating Laurence ngunit bigo lang sya. Lagi nitong sinasabi na magsimba ako para mabawasan ang mga dinadala ko ngunit hindi ko sya pinakinggan hanggang sa bawian ito nang buhay sa sobrang pagaalala nito sa akin. Lalo ko tuloy sinisi ang aking sarili.




Present




Napaluha ako sa mga mapapait na alaala na iyon. Kay tagal kong pinilit limutin ang pangyayaring iyon sa buhay ko. Marahas kong pinahid ang aking luha.


Hinding hindi na ako iiyak muli para sayo Claude. Kung hindi mo ako kayang pakinggan wala na akong pakialam. Masyado na akong maraming sinakripisyo para sa pagmamahal ko sa iyo.


Nang malapit na ako sa bahay ko ay may naaninag akong pamilyar na taong nakasandal ng kanyang sasakyan sa labas ng gate nang bahay ko. Agad kong namukhaan ang taong iyon dahil narin bahagya nang lumiliwanag ang kalangitan. Napahinto ako nang mapatingin ito sa akin.







Itutuloy:

47 comments:

Anonymous said...

haha,, Yes,alam ko na rin sa wakas ang puno't dulo ng mga pangyayari.. Pero alam ko hindi pa dyan nagtatapos ang mga rebelasyon sa kwentong itoh,, mag-aabang pa kami sa mga susunod na chapter go lang ng go sa pagsusulat hahahaha,,

Beucharist.....

Anonymous said...

what a heart wrenching morning! this made my day sad :( literal na sumikip dibdib ko :( and i can't really imagine! of all people...alfie?! just plain selfish and advantageous act...but never ever make love an excuse to your criminal acts! love is never an excuse and it will never justify our lustful acts! for love begets love and hate begets hate!

-tristfire 6 days to go before the 9mornings begin :) hope we could all complete it ;)

Zildjian said...

Beucharist: kung maka Yes ka naman wagas lang eh.. heheheh tama hindi pa po tapos ang rebelasyon dahil hindi pa na kwento ang buong pangyayari. Patikim lang yon.. baka mag iba ang tingin nyo kay Alfie sa susunod na rebelasyon hihihi.. (Spoiler)



Tristfire: Amen!! very well said! beget and bagets :)) joke lang para bibo masyado akong nadala sa chapter 13 kaya ito umi-epal na naman ang kawalanghiyaan ko. But i honestly agree with you. Wag lang natin i-judge muna si Alfie since hindi pa tapos ang storya. Who knows aparador! :D

Anonymous said...

Feeling ko wala ring choice so Alfie kaya niya nagawa yun. Baka may nag threat sa kanya na and i am thinking yung babae na unang ka-meet ni lance. I love this!

Anonymous said...

nakakainis talaga ang mga taong masyadong matataas ang pride..hay naku...
First comment ko ito sa 9 mornings...
-cugertz

-ShalnarK- said...

Nyemas! Sbi q n nga ba may kinalaman ung panaginip ni lance s umpisa ng chapter ee! Damn! I like this chapter! Nkakaawa si lance xa na ung na rape xa pa ung iniwan. XD

Anonymous said...

weeeeeeeeeeeee! nalaman ko rin ung dahilan! hehehe! anu kea dahilan ni alfie? cnu kaya ung tao sa bahay nila? next chapter na!!! :))

~edu

Gerald said...

Iyon na eh! Kaya lang panira ka ng momemt, bigla ba namang ITUTULOY... At masakit mabitin...Dapat juicy next chapter huh! Malapit na Pasko at matatapos na ang 9mornings. kaya pls next na

Zildjian said...

All: Wahihihihi maraming salamat sa mga comments nyo guys. Alamin naman natin ngayon kung bakit yon ginawa ni Alfie...Di pa ako natutulog!!!! wew!

Anonymous said...

kaawawa naman talaga si laurence... pero sino naman kaya ang taong nghihintay sa kanya? sa tingin ko ay si Alfie ito...

saimy

juss said...

grabe nmn... xa pla talaga un.. khit cnu nmn talagang partner mgagalit pg nkita un... d ko alam kng dapat bng cchin c laurence.. hayyysss... sakit nmn s puso nito... feeling ko kasama ako s cast.. pti ako naiiyak s sakit... sna in the end maging masaya cla pareho... atat n kong mabasa ulit un kasunod... super ganda ng story

Chris said...

AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!! Yun pala ang nangyari :)) hahaha!! at least nasagot na din ung mga katanungan ko lalo na ung tungkol kay Alfie :)) thank you po sa mabilis na update :]

Migz said...

wow... sensya na author if now lang ako nagcomment ulit sa story, but to be honest with you, i just really waited na makita reason bakit ganoon ang galit ni claude. however, napaka unreasonable pa rin ni claude for not listening first to laurence bago siya nagalit nang ganun.. sayang naman ang kanilang love for each other if nag end lang na ganun, wawa naman bida natin.. huhu.. anyway, nice story author... in fact, the superlatives will not be enough to describe your story.. basta, ang galing galing mo.. keep up the good work...

Billygar said...

ayon pala eh...Tama yan Laurence dapat wag ka ng iiyak. Lumaban ka kasi. Labanan mo silang lahat. hahaha...Next chapter na Z. Galing!!!!

Anonymous said...

so yun pala ang ngyari!! Grabe naman yun. Ang bigat. Hay....

@zephiel, thanks sa greet.

Ask ko lng, hindi q na tanda eh, kelan ngyari yung nginoman sila ni alfie? Saang chapter yun? Sino ba naka-una? Si alfie or si claude?

--ANDY

kristoff shaun said...

and finally pinag umaga ko nalang haha!! so since the story is not yet finished i can't blame no one, well siguro there is something with alfie kaya nag push through syang gawin yun, a lil bit of selfishness kung baga because laurence can't love him back, deep in my heart naawa talaga ako kay laurence i mean six is huge para dalhin mo yung ganung feeling NKKLK!!


lord linggo na ba bukas im pretty sure na late yung update pustahan pa haha.. love you zild!

Unknown said...

Yun pala yun..pero para nga mababaw siguro may dahilan si Alfie..abangan ko iyon? Bakit kailangan niyang videohan pa iyon? Sino ang nagutos? hmmpp mukha may ideya na ako..mukha lang naman..hehehe..

Abangan ko next update mo.

CHIPPY said...

MIXED EMOTIONS
MASAYA dahil may bagong update
NAIINIS dahil sa bagong revelations
EXCITED sa next chapter
MALUNGKOT kasi mukhang matatagalan pa ang next chapter

Keep it up po :D
I super love it! :D

-ShalnarK- said...

Z wag ka muna matulog haha tapusin muna ang chapter 14 pls! Hahaha.

Dahil sa chapter na to nagmamaktol ako naun dto sa work ko wahahaha! Super affected ako wahaha!

RJ said...

grabe grabe GRABEEEEH!!! :D hay naku..ang hirap talaga mabuhay sa mundo lalo na kung hindi pala katiwa-tiwala yung pinagkakatiwalaan mo. :( kawawa naman si Laurence. kinalat pa talaga ni Alfie yung video. wew.

ang gusto ko, maging masaya si Laurence. :)

salamat Z. ganda talaga nitong kwento mo na to. keep it up! :)

LightRundel said...

hyy naku papansin ka masyado,kang mambitin send mo nlng sa yahoo ko ung story oh..plss huhu!sad to say malpit na kming putulan ng internet due to finacial something..haha!gudbye bol..wag naman..hyy kklungkot..pati ako nalulungkot ke lance..

LightRundel said...

hyy naku papansin ka masyado,kang mambitin send mo nlng sa yahoo ko ung story oh..plss huhu!sad to say malpit na kming putulan ng internet due to finacial something..haha!gudbye bol..wag naman..hyy kklungkot..pati ako nalulungkot ke lance..

Anonymous said...

ganun pala un.... na solve na rin ang puzzle sa buhay ni lance....maskitnga talaga ang ginawa ni alfie... si alfie pala ang may sala... sobrang pag mamahal kaya nagawa nya.... dapat lang lance na mag move on... wag mo nang ipilit ang sarili mo kay claude kung ayaw pakinggan ang mga sides mo...dapat maging matapang ka na ngayun na handang harapin ang mga gusot mo sa kanya.... wag mong pakita sa kanya na mahina ka... remember na may sinabi sya na gusto ka nyang makitang meserable ang buhay mo na ayaw ka nyang maging maligaya...dapat tutukan mo ng husto yan,,, ihanda ang sarili sa ano mang plano nya laban sa yu... wag mag patalo.... baka si sir pat ang dumalaw sa u...

ramy from qatar

Ross Magno said...

Wala akong masabi sa chapter na to...

next...hehe

Zildjian said...

Andy: Para po sa katanungan mo kung kelan nagkainuman sina Laurence at Alfie hindi pa yan na banggit dahil sa continuation po yan ng rebelasyon ng storya. Nauna syempre si Claude at sa span ng isang buwan na naration ni Lance sa chapter 13 doon nangyari iyon... wait nyo lang po dahil magiging specific tayo sa isang chapter.

Erwin F. said...

Kakauwi ko lang galing work at katatapos ko lang ito basahin.

Hay Laurence na frame up ka....

Z wawa naman laurence....
Nga pala may imessage ako sa inyong mga kapwa writer need ko help sa upcoming na project na handle ko.

Unknown said...

aww ang ganda tlga ! next chapter na kuya ziljan ! :D

Zildjian said...

Erwin F: Sure sure send mo nalang po at tingnan ko kung anu ang magagawa ko. :D


Daren: Salamat Daren at na enjoy mo ang kwento. Ingat lagi.

Anonymous said...

ganun pLa ang nangyari... :(

i riLy feeL sori for Lance...
waLang kasaLanan si Lance dahiL biktima Lng cya...
nd i sumhow dnt bLame aLfie for wat he did coz aLL he did was jst to Love Lance...
but it was too much Lyk wat he said...
as the saying goes, "too much Love wiLL kiLL you"...
Lyk am i making sense here??...
hehehe...
hay naku!!...
hindi pLa saying un, song pLa un!!...
hahaha!!...
nd on the Last part, im guessing its aLfie...
another reveLation nah nman...
hehehe...

excited nah ako sah nxt chapter...
good work kuya Z, as aLways...


-edrich

Anonymous said...

nagiging maganda na ang story author.


taga_cebu

russ said...

tama ka lance move on na poh..dont stay to the man that hated you for so long..tama ba english ko? hehe
author..pare! (magkumpare na agad) hehehe..tnx sa pagmention sa name ko sana mention ulit hehe
tanong lang im russ but sino si juss? ako pa rin ba yan?

Anonymous said...

grabee..ang sama ni alfie..bkit my mga taong gnun..mkasrili? tapos sasabhin dhil sa pagmmhl kya nila ngawa..haist buhay nga nmn

ow well.gnda tlga..nococonect ko na mga pngyayari but stil curious about pat and his reaction dati..bka affiliated sya ky claude? haha..sna bumalik na rin c alfie at ng msapak ulit..haha

ganda author..galing tlga

-john el-

Anonymous said...

una sa lahat salamat sa pagbati. Ganun pala ang nangyari kaya pala galit na galit si claude kay laurence. sino kaya yung nasa labas ng bahay ni laurence???@dereck@

Pink 5ive said...

Ah yun pala.. (teka, may video na mga cellphones nun? haha)

Anong chapter yung birthday ni Alfie? Hehe hindi ko na maalala :-)

Anonymous said...

chapter 14 na po...


im begging kua author..


next chapter na po

IAN said...

NEXT NA PO PLS...SUPER DUPER NAINIS AKO KAY CLAUDE NA YAN! ... T*NG *NA NYA! .,, HAYSS! ,,, NAINIS DIN AKO SAYO LAURENCE ,,, DAPAT NAGLAKAS LOOB KANG SABIHIN ANG TOTOO! .. WAG KANG MATAKOT SA CLAUDE NA YAN! .PUNYETA SYA! .. HAYZ!... ANG DAPAT DYAN PALAMON SA MGA ZOMBADINGS! GRRR....

HAHAHA... XD BTW.. SOBRANG GANDA TALAGA NG STORY.,
NAINIS LANG TALAGA AKO... PATI DIN PALA SA SELFISH NA ALFIE NA YAN! .. GO LAURENCE ! IPAGLABAN MO ANG SARILI MO! :D!..

NEXT NA PO AUTHOR !

A MILLION THUMBS UP SA CHAPTER NA TOH ! :D!

(IAN)

Anonymous said...

Ang sakit naman sa puso ng chapter 12 and 13. Ilang calls ang ni-release ko para lang di masira ang momentum ko. Haha!! Whew! Am just hoping that Lance's hardship and hurting will be over.
-icy-

Zildjian said...

Great Pink: Oo naman uso na kaya ang Nokia nun hahaha.. Kala mo oldes sila noh :)) year 2000 span time time wahahahah


IAN: Wahihihi puro caps hindi ka galit sa lagay na yan noh?


Icy: Wahahaha pwedi kang ma terminate dyan sa ginawa mo naku naku!! bad yan.. hehehehe pero salamat sa pagbabasa..



Abangan mamayang gabi ang chapter 14 (kung sisipagin nga lang ako!) Wahahahaha

Anonymous said...

Ipagdadasal ko ang kasipagan mo.. Hihi..
-icy-

Arl said...

Pacomment po baka sakaling sipagin po kayo magsulat ng next Chapter hehehe. Ngayon lang po ako nagcomment dito. wait ko po ung update.

Thanks

M.V. said...

Present... hahaha

Ayun... unti unti nang lumilinaw... pero as usual.. common cause ng problema ay ang pagiging close sa explanation ng isang tao... ayaw muna makinig... hehehe... parang ako lang... hahaha

i rily rily like this...

Anonymous said...

ABSENT!

Nagpunta ng hospital para magpa HEART transplant... Will be back after the surgery at after the full recovery... Papadala na lang yung doctor's certificate para maging legal yung pag absent...


KN.

wastedpup said...

Loving the story very very very much. Salamat po sa pag bati at sa pag welcome sa site mo Z. Nauna pa name ko. Feeling ko, espesyal ako. Hehehe. Salamat po ulet. Keep this up po. Sarap makiiyak sa istorya. Matawa at makilig na din in the process...

M.V. said...

kaka-kilig... kaka-inis...

alam na ba ni claude ang totoo kaya balik sya sa dati... napaka-weak naman ni laurence, simpleng blackmail papatalo... dapat sya naman ang kumontrol sa sitwasyon.. hahaha... kaasar lang...

Anonymous said...

kyut nung light rundel..pwede mahingi and number?kaw b tlga yng nsa pic how kyut..hy..dreamin of u..nc story huh..

isolation23

Unknown said...

kaya pala... di ko nasisisi si Claude kung ganun ang naging reaksyon nya sa mga nakita nya sa video, ang taong mahal nya, ang taong nagpasaya sa kanya, ang taong pinag palit ang lahat para sa kanya, ang taong handa niyang ipaglaban sa kabila ng lahat, ang taong iyon na may katalik na iba. haiyst!
Ang dami nga naman talaga nangyayari sa ngalan ng pag-ibig. Sana naging leksyon ito para kay Alfie na hindi porket gusto nya ay makukuha nya. Ayun tuloy, yung taong minahal nya (at pinagsamantalahan) ngayon ay kinamumuhian sya.
sana mag kaayos na sila :)

Anonymous said...

grabe!ito pala dahilan ng conflict nila ni claude...kawawa nmn c lance!T_T
mauunawaan q nmn si claude,,,kung kahit pano pinagpaliwanag muna niya c lance...pero mahirap dn talaga un sa part niya...pero mas naaawa ako ke lance..ang daming nawala sa kanya...

-monty

Post a Comment