by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/
Ito na ang chapter 13 at sana ay masagot nito kahit papaano ang mga katanungan na meron kayo. Pero hindi pa dito nagtatapos ang mga rebelasyon ng storyang ito. I still have plenty inside my pocket wahahahaha. English??
Batiin ko naman ngayon ang mga bagong dating sa blog ko para
masaya di ba? Wahahaha
Wastedpup, Andy, Si
Russ (hindi ko sya kasi nabati hehehe kaya ito babawi ako.. Say present when
your name is called.), Ramy From Qatar, VinZ, LightRundel, si jay (doppelganger
ni Jay!:)), Darren, Juss, NLX, -john el-, @dereck@, M.V, Saimy, Eusethadeus,
CHIPPY, ___ Welcome Aboard Guys!!!
Next time naman ang iba. Hihihihi masyado nang masakit ang
headgear ko.
Special mention ulit si Jefofotz
ang aking dakilang misis na ako lamang ang nakakaalam. Ayaw nya na tinatawag ko
syang misis, pero wala akong pakealam. Hard headed ako eh! Angal?
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Walang Louisa akong nakita sa pang apat na
simbang gabing iyon. Mabuti na rin siguro para makaiwas sa kung ano mang
pweding mapagusapan tungkol kay Claude. Nakapag desisyon na akong tuluyang
kalimutan ang damdamin ko para sa kapatid nya. Alam ko rin na may nalalaman si
Louisa sa aking nakaraan base na rin sa ekspresyon ng mukha nito nang ipakilala
nya kami ni Claude.
Natapos ang simbang gabi na iyon na tulad ng dati ay wala
akong ni isa manlang na naintindihan sa mga sinabi nang pari. Wala rin akong
makapang dahilan kong bakit kailangan ko pang magsimba gayong wala rin lang
naman sa misa ang isip ko lalo lang akong nagkakasala sa panginoon sa ginagawa
ko.
Gaya nang dati ay linakad ko lang mula sa simbahan papunta
sa bahay ko tutal malapit lang naman iyon. Lutang ang isip na naglalakad ako,
hindi parin makalimutan ang mga nangyari sa muling paghaharap namin ni Claude.
Ang galit nito ay lalong nag papatindi nang aking pighati. The person I loved
up until now becomes a person whom I don’t even recognize anymore. Masyadong
linamon si Claude nang kanyang galit.
Gusto ko mang iwaksi sa aking isipan ang mga alaala nang mga
panahon na nagmamahalan pa kami ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung nang
hihinayang lang ba ako o talagang hinahanap hanap ko lang ang taong iyon. Ang
taong minahal ko nang lubos.
Past
“Good morning misis.” Na gulat ako
nang makita ko si Claude sa loob ng aking kwarto. Literal na napatalon ako sa
aking kama sa sobrang gulat.
“ANONG GINAGAWA MO RITO?!” Di ko
maiwasang mapasigaw sa kanya. Simula nang maging kami ni Claude ay ito ang
unang pagkakataon na pumasok sya sa loob ng kwarto ko. Kapag pumupunta kasi ito
sa bahay para sunduin ako ay sa sala lang sya nag hihintay sa akin.
Humagikhik lang si kolokoy.
Tuwang-tuwa ito sa reaksyon ko dahilan para mahampas ko sya nang may kalakasan
sa kanyang braso.
“Aray! Masakit yon ah.” Tampu-tapohan
nitong sabi na sinamahan pa nang pag-pout nang kanyang pang ibabang labi. Lalo
lang tuloy itong nag mukhang cute sa paningin ko. There goes may yummy mister.
Ang nasabi ko nalang sa aking sarili at napahagikhik.
“Sorry naman.” Hinimas himas ko ang
nasaktan nitong braso para aluin sya. “Ikaw kasi, dapat hindi mo ako binibigla
nang ganun.” Hinalik-halian ko pa ito dahil nakita kong bahagyang namula ang
kanyang braso. Maputing tao kasi si Claude kaya easy lang makita ang pamumula
ng nasaktan nitong braso.
“Ako pa sinisi. Gusto lang naman
kitang gisingin eh.” Hindi pa rin nawawala ang pag-pout nito. “Sabi kasi ni
Tita akyatin nalang kita dito eh.
Sa loob ng isang buwan nyang pagbisita
sa bahay ay tuluyan na nitong nakuha ang loob ng aking butihing ina. Claude
used all his charm maging panatag lang sa kanya si mama. Balak na rin kasi
naming aminin ang aming relasyon sa kanya. Yon ang hiling ni Claude sa akin.
“Tigilan mo na nga yang pag-pout mo
lalo kang nagiging cute eh.” Pambobola ko sa kanya para mawala na ang tampo
nito sa akin.
Mukhang effective naman dahil muli
kong nasilayan ang maganda nitong ngiti. Ang ngiting nagpapawala lahat ng
agam-agam ko sa buhay.
“Tara na sa baba misis, may dala akong
pagkain para sa atin.” This is what I love most kay Claude ang pagiging sweet
nito. Talagang tinutoo na nito ang kanyang misyon sa buhay na patabain ako.
Kapag kasi pumunta ito sa bahay at bibisita lagi itong may dalang kung anu-ano.
“Maya na. Higa muna ako napagod ako sa
paglalaba kanina eh.” At muli na naman akong sumampa sa aking kama. Ang totoo
gusto ko lang syang asarin ulit ganun ang paglalambing ko kay Claude.
Halos maihi ako sa pangingiliti nito
sa akin para lang muli akong mapatayo. Malakas na tawanan ang bumalot sa apat
na sulok ng aking kwarto dahil sa harutan namin ni Claude. Nakagawian na kasi
nitong tumuloy sa bahay namin pagkatapos nang kanyang pang sabadong klase.
“Laurence, Claude tama na yan! Hindi
na kayo mga bata para mag kulitan bumababa na kayo rito.” Narinig kong pagtawag
sa amin ni mama. Tinigilan na nga ni Claude ang pangingiliti nya sa akin at inalalayan
na akong tumayo. Pero bago pa kami makalabas sa kwarto ay ginawaran na ako nito
nang halik.
“Na miss kita misis. Hindi ko nga
naintindihan ang tinuro nang professor namin ikaw lang kasi tumatakbo sa isip
ko.” Nakangisi nitong wika nang maghiwalay ang aming labi.
Isang batok ang isinagot ko sa kanya
at patakbong bumaba nang hagdanan para tunguin ang kusina. Hinabol naman ako
nito’t nagsimula na namang mangiliti. Alam kong may ideya na si mama tungkol sa
relasyon namin ni Claude, pero tulad ng mga ibang magulang hinahayaan nalang
nya ito marahil ay nakikita nyang si Claude ang syang taong nagpapasya sa akin.
“Misis, sa susunod na sabado sa bahay
naman tayo. Gusto na kitang ipakilala kay mommy at sa kapatid ko. Matagal na
kasi nilang tinatanong kong sino ang taong nagpapasaya sa akin ngayon eh.”
Parang ang dali-dali lang para sa kanyang ipakilala ako sa kanyang mga
magulang. Sa katayuan ng relasyon namin ni Claude hindi na ako mabibigla kong
mag hurimintado ang mommy nya kung malaman nitong lalaki ang karelasyon ng
kanyang anak.
Nakaramdam ako nang kaba na hindi
naman nakaligtas kay Claude.
“Wag kang mag-alala ako ang bahala
sayo. Ipaglalaban ko ang relasyon natin mamatay man kapit bahay namin.” Natawa
ako sa kalbong patawa nito. Masyadong mababaw pero effective naman.
“Sigurado ka na ba tungkol dyan? Di pa
nga natin nasabi kay mama ang tungkol sa atin di ba?” May bahid ng pagaalangan
kong sabi.
“Siguradong sigurado na ako. Gusto ko
na rin kasing maranasan natin ang relasyon na hindi natin kailangang magtago
tulad ngayon.” Tama ito. Kanina matapos naming mag dinner sa bahay ay
ipinag-paalam ako nito kay mama para lang makapagusap kami ng pribado.
“Unahin muna natin sina mommy misis. Para
kapag pinalayas ka nang mommy mo pwedi na kitang iuwi sa bahay.” Wika pa nito
na sinabayan nya nang nakakalokong ngisi. Matalinong tao talaga tong mokong na
to magaling mag anticipate.
“Puro ka talaga kalokohan. Pero sige
ikaw ang bahala. Sana nga lang matanggap nila kung ano ang meron tayo.” Hindi
umaasa ang puso kong matanggap ng pamilya namin ang aming relasyon yon ang
dahilan kong bakit nalungkot ako bigla. Inaalala ko kasi ang mangyayari
pagkatapos naming kausapin ang parents nya. Natatakot ako na baka paglayuin
kami ni Claude.
“Wag ka na magalala misis promise ko
sayo magiging okey ang lahat.” Nanunuyo nitong sabi. “Basta magtiwala kalang sa
akin at hayaan mo akong dumiskarte, okey?”
Tango nalang ang naging sagot ko sa
kanya. Siguro nga tama sya dapat pagkatiwalaan ko ang pagmamahal nya sa akin.
Marami pa kaming napagusapan ni
Claude. Ang mga plano nya sa aming dalawa kapag nakatapos kami ng college, ang
pag develop nya nang Resort na ipinangalan na sa kanya nang mommy nya at kung
anu-ano pang mga pangarap naming dalawa. Napakasarap pala sa pandinig kung
kasama ka sa mga plano nang taong espesyal sayo. Mas lalo ko lang minahal si
Claude dahil doon.
Ang akala ko ay magiging tuloy-tuloy
na ang kasiyahan namin pero totoo nga talaga ata ang sabi nila. ‘Some good
things never last.’
Araw nang lunes at excited na akong
makita ulit si Claude dahil hindi kami nakapag kita noong linggo my importante
daw syang lalakarin.
Naglalakad ako sa Covered walk para
puntahan ang unang klase ko sa araw na iyon. Hindi ko alam, pero parang may
mali. Mula sa mga tingin sa akin ng ibang estudyante hanggang sa mga
bulong-bulongan nila. Masyadong maganda ang araw ko para pansinin iyon kaya
ipinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad.
Nang malampit na ako sa room namin ay
agad naman akong sinalubong ni Ralf. Bakas sa mukha nito ang matinding
pagaalala. Binati ko pa ito, pero agad ako nitong hinawakan sa kamay at hinila
papunta sa bench na tambayan namin. May pagtataka man ay sumunod nalang ako.
“Pinsan, hindi mo ba na tanggap ang
text ko sayo?” Wika nito nang marating naming ang bench.
“Hindi eh. Nagmamadali kasi ako kanina
alam mo naman excited akong makita ang mister ko.” May bahid ng katutuhanan
kong biro sa kanya.
“Pinsan may problema.” Halata na ang
pagkabalisa nito na ikinakunot ko naman ng noo.
“Problema?”
Pero bago pa man makapagsalita si Ralf
ay narinig ko na ang pamilyar boses ni Claude na tumawag sa akin. Napalingon
ako sa gawi nya at bumungad sa akin ang galit na galit nitong mukha. Medyo
nakaramdam ako nang takot ito ang unang beses na nakita ko ito sa ganung
hitchura.
“Claude, easy lang hayaan muna nating
makapag paliwanag si…” Hindi na natapos ni Ralf ang kanyang sasabihin nang
singhalan sya ni Claude.
“Wag kang makialam Ralf!”
Naguguluhan na talaga ako kung ano ang
nangyayari pero tila ba nawalan ako nang lakas na makapagsalita. Nakatanga lang
ako sa galit na mukha ni Claude.
“Pare, wag mo namang sigawan si Ralf.”
Ang narinig kong wika ni Mike nakasunod pala ito kay Claude.
Nang makalapit na ito sa akin ay
marahas ako nitong hinawakan sa aking braso. Dama ko ang sakit ng pagkakahawak
nyang iyon pero hindi pa rin ako nakaimik sa pagkabigla.
“Ano ang ibig sabihin nito?!” Halos
ipag-duldulan na nya sa mukha ko ang cellphone nya. Wala sa sarili ko itong
kinuha sa kamay nya at tiningnan kung anu ang meron sa cellphone na iyon.
Isang video nang dalawang lalaking
nagtatalik. Tanging likod lang nang lalaki ang nakita ko sa una na abalang
umiindayog sa katalik nito. At nang medyo magkaroon ng pagkakataon magiba nang
posisyon ang lalaki ay doon na nagsimulang manginig ang aking kamay. It was me.
Mukha ko ang katalik ng lalaking hindi ko manlang makita ang ulo dahil katawan
lang nito ang nakikita ko sa video.
Isa-isang umagos ang aking luha sa magkabila
kong pisngi. Of course hindi ako iyon wala akong na aalala na may nakatalik
akong ibang lalaki except kay Claude.
“Claude….”
“Ano?! Sabihin mong hindi ikaw yan!
Sabihin mo!” Dumadaloy na rin ang mga luha nito sa kanyang pisngi. Marahil
dahil sa pagpipigil ng sobrang galit.
“Wala kang kwentang tao! Ginago mo
lang ako! To think na ipinaglaban kita sa pamilya ko. To think na tiniis ko
lahat ng panunukso sa akin ng mga kaibigan at pinsan ko!” Tuluyan nang umapaw
ang galit nito.
“H-Hindi ako yan Claude maniwala ka.”
Ang pagdedepensa ko sa sarili ko habang humihikbi.
“Sinungaling! Paano mo maipapaliwanag
ito ha?” Idunuldul na talaga nito sa mukha ko ang cellphone nya.Wala na itong
pakialam kong masaktan man ako. “Wala kang pinagkaiba sa ibang mga bakla! Ang
akala ko iba ka, pero tulad ka rin pala nila! Ang babaw mo!” Masakit para sa
akin ang mga salita nyang iyon idagdag mo pa ang mga estudyanteng nanunuod sa
amin sa oras na iyon.
“Claude maniwala ka sa akin hindi
ako…”
“Shut up! Wala akong panahon para
pakinggan ang mga kasinungalingan mo! Ano ba ang kulang sa akin Laurence?
Minahal naman kita di ba? Trinato kitang tao bakit nagawa mo akong gaguhin?
Kulang pa ba ang titi ko? Naliliitan kaba ha?”
Hindi ko na alam sa mga oras na iyon
kung anu ang gagawin ko para lang magkapag paliwanag sa kanya at para pakinggan
nya ako. Iyak lang ako nang iyak sa masasakit na salitang binitiwan ni Claude
sa akin. Maski sina Ralf at Mike ay hindi nagawang makapag react.
“Claude makinig ka naman sa akin.” May
pagmamakaawa ko nang sabi sa kanya hinawakan ko ang kanyang polo. Wala na akong
pakealam sa mga oras na iyon kung magmumukha man akong tanga sa harap ng
maraming estudyante. “Hindi ako yan. Hinding hindi ko magagawa yan.”
Ngunit marahas lang nyang tinanggal
ang pagkakahawak ko sa kanya. At muli, gamit ang nanlilisik nyang tingin.
“Wala kang kwentang tao! Mag sama kayo
nang lalaki mo!” At walang anu-anong umalis na ito.
Napaupo ako sa bench dahil sa sobrang
bigat nang nararamdaman ko. Nung Sabado lang okey pa kami at masaya tapos
ngayon halos patayin na ako nito. Napahagulhol nalang ako sa sobrang pighati
inalo naman ako ni Ralf at si Mike naman ay agad na sinundan si Claude. Rinig
ko pa ang mga bulong-bulongan ng mga estudyanteng hindi parin umaalis kahit
tapos na ang palabas na iyon.
“Pinsan, tara umuwi nalang muna tayo
hindi makakatulong kung papasok kapa ngayon. Palipasin muna natin ang galit ni
Claude saka ka magpaliwanag.” Pag-alu sa akin ni Ralf. Inalalayan ako nitong
tumayo at tuluyan na nga kaming umalis sa eskwelahan naming iyon.
Narating namin ni Ralf ang bahay
namin. Tulad ng inaasahan na bigla si mama nang makita ang hitchura ko, pero
kahit na anong pilit nitong tanungin kami sa nangyari ay wala ni isa man sa
amin ni Ralf ang nagkwento hanggang si mama na mismo ang nag bigay ng kanyang
sariling ideya. Tama nga ang sabi nila ang ina ang tunay na nakakaalam ng lahat
ng pinagdaraan ng kanilang mga anak. Ang maganda lang sa mama ko ay hindi nito
ikinagalit ang tungkol sa relasyon namin ni Claude bagkus ay naawa pa sya sa
akin at sinabi pa nitong tutulungan nya akong magpaliwanag kay Claude.
Wala akong ginawa buong araw kung
hindi ang umiyak. Dinamayan naman ako ni mama sa aking pighati. Lahat ay na
ikwento ko sa kanya mula nang unang magtapat sa akin si Claude hanggang sa
naging kami. Ma swerte pa rin ako dahil inintindi ako nang aking ina ngunit
imbes na galak ang aking maramdaman sa mga oras na iyon ay matinding pighati
para sa amin ni Claude.’
Ilang araw din akong hindi pumasok sa
kagustohan na rin ni mama. Sabi nito sa akin na baka hindi ko kayanin ang kung
anu mang maririnig ko sa mga kapwa ko estudyante. Umaasa akong pupuntahan manlang
ako ni Claude para kausapin ngunit walang Claude na dumating.
Araw nang sabado nasa loob lang ako
nang aking kwarto at nagkukulong. Kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi ko
pa rin magawang tanggapin ang lahat. Halos patayin ko na ang sarili ko kung
hindi lang kay mama na naging sandigan at lakas ko sa mga nag daang araw. Para
sa akin ay walang silbi ang buhay ko ni hindi ko nga magawang makipagusap
manlang kay Ralf at kay mama. Nanatili lang akong nakatanga at nagkukulong sa
sarili kong kwarto. Sabi ni Ralf ay sinubukan daw nila ni Mike na kumbinsihin
si Claude ngunit lagi lang itong nagmamatigas. Nawalan na ako nang pag-asa na magkakaayos
pa kami.
“Nak?” Ang mahinang katok ni mama sa
pintuan ng aking kwarto. Alam kong maski sya ay nahihirapan na rin sa kalagayan
ko. “Nak, nasa baba si Alfie gusto ko raw nyang makausap.”
“Paki sabing tulog po ako.” Ang sagot
ko naman. Wala akong ganang makipagusap kahit kanino gusto ko lang mapagisa.
Gusto kong solohin lahat.
Hindi ko na narinig pang nagsalita si
mama marahil ay naintindihan nito ang gusto kong mangyari ngunit ilang minuto
lang ay muling may kumatok sa aking pinto.
“Lance, pwedi ba tayong magusap si
Alfie to.”
Hindi ako sumagot nanatili lang akong
nakahiga sa aking kama. Hindi pa rin napapagud sa pagtangis.
“Magusap tayo Lance.” Batid ko sa
boses nito ang pagmamakaawa. Ewan ko pero parang may nagsasabi sa akin na
pagbuksan sya. “Please Lance kahit saglit lang.” Sabi pa ulit nito.
Wala na akong nagawa kunghindi ang
pagbuksan sya. Walang kasalanan si Alfie sa akin kaya walang dahilan para
iwasan ko sya. Yon ang pangungumbinsi ko sa utak ko.
Nang mapagbuksan ko sya at makita nya
ang hitchura ko ay agad bumakas sa mukha ni Alfie ang pagkahabag sa akin. Wala
itong salitang pumasok sa aking kwarto at naupo sa aking kama habang ako ay
bumalik lang sa pagkakahiga patalikod sa kanya.
“Lance?” Mahina pero sapat na para marinig
ko iyon. Nanatili lang akong tahimik habang humihikbi. Napakasakit makita na
ang mga kaibigan mo ay awang awa sayo. Hindi matanggap ng sarili kong pride
iyon.
“Lance nandito ako para humingi nang
tawad.” Hindi ko alam kong ano ang ibig nyang sabihin hinintay ko nalang ulit
syang magsalita. “Napakalaki nang kasalanan ko sayo Lance at nagsisisi ako na
nagawa ko iyon sa taong mahal ko.”
Sa aking mga narinig ay napabalikwas ako nang
higa.
“Anong ibig mong sabihin?” May
pagtataka kong sabi.
“Sorry kung minahal kita. Noon pa man
ay mahal na kita kaso hindi ko magawang sabihin sayo. Sana patawarin mo ako sa
nagawa ko Lance hindi ko sinasadya.” Mas lalo akong nagtaka sa mga
pinagsasasabi ni Alfie idagdag mo pa ang pamumuo nang mga luha nito sa kanyang
mga mata.
“Patawin mo ako Lance, hindi ko talaga
sinasadya masyado lang kitang minahal.” Doon nagsimulang bumalik ang mga alaala
sa akin. Literal pa akong napatakip sa aking bibig nang maalala ang isang
pangyayari.
“A-Alfie?” Ang naisambit ko sa sobrang
pagkabigla. Hindi ito kumibo bagkus ay nanatili lang itong nakayuko. “Nung….
Nung birthday mo?” Ang hindi ko makapaniwalang sabi.
Bahagya itong tumango. Doon ko
napagtanto na tama ang hinahala ko tuluyang umapaw ang galit sa aking buong
katawan.
“Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa
akin?!” Hindi ko mapigilang kwelyuhan ito sa sobrang galit. “Bakit mo nagawa sa
akin iyon Alfie, bakit?!” Hinawakan nito ang dalawa kong kamay para pigilan ako
sa ginagawa kong paghampas sa kanyang mukha at dibdib. Tuluyang umapaw ang
sobrang galit sa aking pagkatao.
“Hindi ko sinasadya Lance. Hindi ko
intension ang gawin iyon. Mahal kita.”
Lalo akong napahaguhol. Ako pala
talaga ang nasa video na yon at ang katalik ko sa mga oras na iyon ay si Alfie
at sa boarding house nila iyon nangyari.
“Bakit mo nagawa sa akin iyon Alfie?
Anong naging kasalanan ko sayo para babuyin mo ako? Akala ko ba magkaibigan
tayo, bakit?” Hindi ko na mapigilang tumangis sa sobrang pagkahabag sa sarili
ko.
“Dahil natatakot ako, natatakot ako na
tuluyan kang mawala sa akin Lance patawarin mo ako.” Sa puntong iyon ay tuluyan
na nya akong yinakap nang mahigpit, siguro para mapigilan ako sa aking
pagwawala. “Patawarin mo ako Lance.” Ang paulit-ulit nitong wika, pero tuluyan
na akong inangkin ng aking galit.
Nagpumiglas ako para makawala sa kanyang
pagkakayakap sa akin.
“LUMAYAS KA! SINIRA MO ANG BUHAY KO!”
Para na akong nasapian sa sobrang galit ko sa kanya. “Kahit kailan ay hinding
hindi kita mapapatawad Alfie! Kahit kailan ay hinding hindi ko mapapatawad ang
taong sumira sa buhay ko ang taong sumira nang relasyon namin ni Claude!”
Pareho kaming napahagulhol hanggang sa
umakyat si mama sa kwarto ko.
“Anong nangyayari?” Wika ni mama nang
makapasok ito sa aking kwato.
“Palayasin nyo sya sa harapan ko!
PALAYASIN NYO!” Ang huhurimintado kong sabi.
Agad namang tumalima si mama at
inalalayang lumabas ng aking silid si Alfie. Nang tuluyan na itong mawala sa
aking paningin ay doon na ako nag wala nang tuluyan. Lahat ng bagay na mahahawakan
ko ay sinisira ko habang sumisigaw dahil sa sobrang galit at pagkabigo.
Simula noon ay tuluyan ng nasira ang
buhay ko. Hindi ko na rin nagawang harapin si Claude sinisi ko ang sarili ko.
Naging mahina ako kung hindi sana ako uminum nung araw na iyon ay hindi
mangyayari ang lahat. Sobrang galit ako sa mundo dahil sa mga nangyari pati
sina Ralf at Mike ay nadamay wala ni isa sa kanila ang pinayagan kong makalapit
sa akin.
Huminto ako sa pag-aaral at nag
transfer sa ibang eskwelahan. Nalaman ko rin na umalis ng bansa si Claude
kasama ang kanyang pamilya. Mas lalong naging empyerno ang buhay ko. Nawala ang
dating Laurence na masayahin. Nawalan ako nang tiwala sa sarili at sa mga taong
nakapaligid sa akin.
Pati si mama ay sobrang na apektuhan sa
mga pangyayari sa akin. Pinilit nitong maibalik ang dating Laurence ngunit bigo
lang sya. Lagi nitong sinasabi na magsimba ako para mabawasan ang mga dinadala
ko ngunit hindi ko sya pinakinggan hanggang sa bawian ito nang buhay sa sobrang
pagaalala nito sa akin. Lalo ko tuloy sinisi ang aking sarili.
Present
Napaluha ako
sa mga mapapait na alaala na iyon. Kay tagal kong pinilit limutin ang
pangyayaring iyon sa buhay ko. Marahas kong pinahid ang aking luha.
Hinding hindi na ako iiyak muli para
sayo Claude. Kung hindi mo ako kayang pakinggan wala na akong pakialam. Masyado
na akong maraming sinakripisyo para sa pagmamahal ko sa iyo.
Nang malapit
na ako sa bahay ko ay may naaninag akong pamilyar na taong nakasandal ng
kanyang sasakyan sa labas ng gate nang bahay ko. Agad kong namukhaan ang taong
iyon dahil narin bahagya nang lumiliwanag ang kalangitan. Napahinto ako nang
mapatingin ito sa akin.
Itutuloy:
47 comments:
haha,, Yes,alam ko na rin sa wakas ang puno't dulo ng mga pangyayari.. Pero alam ko hindi pa dyan nagtatapos ang mga rebelasyon sa kwentong itoh,, mag-aabang pa kami sa mga susunod na chapter go lang ng go sa pagsusulat hahahaha,,
Beucharist.....
what a heart wrenching morning! this made my day sad :( literal na sumikip dibdib ko :( and i can't really imagine! of all people...alfie?! just plain selfish and advantageous act...but never ever make love an excuse to your criminal acts! love is never an excuse and it will never justify our lustful acts! for love begets love and hate begets hate!
-tristfire 6 days to go before the 9mornings begin :) hope we could all complete it ;)
Beucharist: kung maka Yes ka naman wagas lang eh.. heheheh tama hindi pa po tapos ang rebelasyon dahil hindi pa na kwento ang buong pangyayari. Patikim lang yon.. baka mag iba ang tingin nyo kay Alfie sa susunod na rebelasyon hihihi.. (Spoiler)
Tristfire: Amen!! very well said! beget and bagets :)) joke lang para bibo masyado akong nadala sa chapter 13 kaya ito umi-epal na naman ang kawalanghiyaan ko. But i honestly agree with you. Wag lang natin i-judge muna si Alfie since hindi pa tapos ang storya. Who knows aparador! :D
Feeling ko wala ring choice so Alfie kaya niya nagawa yun. Baka may nag threat sa kanya na and i am thinking yung babae na unang ka-meet ni lance. I love this!
nakakainis talaga ang mga taong masyadong matataas ang pride..hay naku...
First comment ko ito sa 9 mornings...
-cugertz
Nyemas! Sbi q n nga ba may kinalaman ung panaginip ni lance s umpisa ng chapter ee! Damn! I like this chapter! Nkakaawa si lance xa na ung na rape xa pa ung iniwan. XD
weeeeeeeeeeeee! nalaman ko rin ung dahilan! hehehe! anu kea dahilan ni alfie? cnu kaya ung tao sa bahay nila? next chapter na!!! :))
~edu
Iyon na eh! Kaya lang panira ka ng momemt, bigla ba namang ITUTULOY... At masakit mabitin...Dapat juicy next chapter huh! Malapit na Pasko at matatapos na ang 9mornings. kaya pls next na
All: Wahihihihi maraming salamat sa mga comments nyo guys. Alamin naman natin ngayon kung bakit yon ginawa ni Alfie...Di pa ako natutulog!!!! wew!
kaawawa naman talaga si laurence... pero sino naman kaya ang taong nghihintay sa kanya? sa tingin ko ay si Alfie ito...
saimy
grabe nmn... xa pla talaga un.. khit cnu nmn talagang partner mgagalit pg nkita un... d ko alam kng dapat bng cchin c laurence.. hayyysss... sakit nmn s puso nito... feeling ko kasama ako s cast.. pti ako naiiyak s sakit... sna in the end maging masaya cla pareho... atat n kong mabasa ulit un kasunod... super ganda ng story
AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!! Yun pala ang nangyari :)) hahaha!! at least nasagot na din ung mga katanungan ko lalo na ung tungkol kay Alfie :)) thank you po sa mabilis na update :]
wow... sensya na author if now lang ako nagcomment ulit sa story, but to be honest with you, i just really waited na makita reason bakit ganoon ang galit ni claude. however, napaka unreasonable pa rin ni claude for not listening first to laurence bago siya nagalit nang ganun.. sayang naman ang kanilang love for each other if nag end lang na ganun, wawa naman bida natin.. huhu.. anyway, nice story author... in fact, the superlatives will not be enough to describe your story.. basta, ang galing galing mo.. keep up the good work...
ayon pala eh...Tama yan Laurence dapat wag ka ng iiyak. Lumaban ka kasi. Labanan mo silang lahat. hahaha...Next chapter na Z. Galing!!!!
so yun pala ang ngyari!! Grabe naman yun. Ang bigat. Hay....
@zephiel, thanks sa greet.
Ask ko lng, hindi q na tanda eh, kelan ngyari yung nginoman sila ni alfie? Saang chapter yun? Sino ba naka-una? Si alfie or si claude?
--ANDY
and finally pinag umaga ko nalang haha!! so since the story is not yet finished i can't blame no one, well siguro there is something with alfie kaya nag push through syang gawin yun, a lil bit of selfishness kung baga because laurence can't love him back, deep in my heart naawa talaga ako kay laurence i mean six is huge para dalhin mo yung ganung feeling NKKLK!!
lord linggo na ba bukas im pretty sure na late yung update pustahan pa haha.. love you zild!
Yun pala yun..pero para nga mababaw siguro may dahilan si Alfie..abangan ko iyon? Bakit kailangan niyang videohan pa iyon? Sino ang nagutos? hmmpp mukha may ideya na ako..mukha lang naman..hehehe..
Abangan ko next update mo.
MIXED EMOTIONS
MASAYA dahil may bagong update
NAIINIS dahil sa bagong revelations
EXCITED sa next chapter
MALUNGKOT kasi mukhang matatagalan pa ang next chapter
Keep it up po :D
I super love it! :D
Z wag ka muna matulog haha tapusin muna ang chapter 14 pls! Hahaha.
Dahil sa chapter na to nagmamaktol ako naun dto sa work ko wahahaha! Super affected ako wahaha!
grabe grabe GRABEEEEH!!! :D hay naku..ang hirap talaga mabuhay sa mundo lalo na kung hindi pala katiwa-tiwala yung pinagkakatiwalaan mo. :( kawawa naman si Laurence. kinalat pa talaga ni Alfie yung video. wew.
ang gusto ko, maging masaya si Laurence. :)
salamat Z. ganda talaga nitong kwento mo na to. keep it up! :)
hyy naku papansin ka masyado,kang mambitin send mo nlng sa yahoo ko ung story oh..plss huhu!sad to say malpit na kming putulan ng internet due to finacial something..haha!gudbye bol..wag naman..hyy kklungkot..pati ako nalulungkot ke lance..
hyy naku papansin ka masyado,kang mambitin send mo nlng sa yahoo ko ung story oh..plss huhu!sad to say malpit na kming putulan ng internet due to finacial something..haha!gudbye bol..wag naman..hyy kklungkot..pati ako nalulungkot ke lance..
ganun pala un.... na solve na rin ang puzzle sa buhay ni lance....maskitnga talaga ang ginawa ni alfie... si alfie pala ang may sala... sobrang pag mamahal kaya nagawa nya.... dapat lang lance na mag move on... wag mo nang ipilit ang sarili mo kay claude kung ayaw pakinggan ang mga sides mo...dapat maging matapang ka na ngayun na handang harapin ang mga gusot mo sa kanya.... wag mong pakita sa kanya na mahina ka... remember na may sinabi sya na gusto ka nyang makitang meserable ang buhay mo na ayaw ka nyang maging maligaya...dapat tutukan mo ng husto yan,,, ihanda ang sarili sa ano mang plano nya laban sa yu... wag mag patalo.... baka si sir pat ang dumalaw sa u...
ramy from qatar
Wala akong masabi sa chapter na to...
next...hehe
Andy: Para po sa katanungan mo kung kelan nagkainuman sina Laurence at Alfie hindi pa yan na banggit dahil sa continuation po yan ng rebelasyon ng storya. Nauna syempre si Claude at sa span ng isang buwan na naration ni Lance sa chapter 13 doon nangyari iyon... wait nyo lang po dahil magiging specific tayo sa isang chapter.
Kakauwi ko lang galing work at katatapos ko lang ito basahin.
Hay Laurence na frame up ka....
Z wawa naman laurence....
Nga pala may imessage ako sa inyong mga kapwa writer need ko help sa upcoming na project na handle ko.
aww ang ganda tlga ! next chapter na kuya ziljan ! :D
Erwin F: Sure sure send mo nalang po at tingnan ko kung anu ang magagawa ko. :D
Daren: Salamat Daren at na enjoy mo ang kwento. Ingat lagi.
ganun pLa ang nangyari... :(
i riLy feeL sori for Lance...
waLang kasaLanan si Lance dahiL biktima Lng cya...
nd i sumhow dnt bLame aLfie for wat he did coz aLL he did was jst to Love Lance...
but it was too much Lyk wat he said...
as the saying goes, "too much Love wiLL kiLL you"...
Lyk am i making sense here??...
hehehe...
hay naku!!...
hindi pLa saying un, song pLa un!!...
hahaha!!...
nd on the Last part, im guessing its aLfie...
another reveLation nah nman...
hehehe...
excited nah ako sah nxt chapter...
good work kuya Z, as aLways...
-edrich
nagiging maganda na ang story author.
taga_cebu
tama ka lance move on na poh..dont stay to the man that hated you for so long..tama ba english ko? hehe
author..pare! (magkumpare na agad) hehehe..tnx sa pagmention sa name ko sana mention ulit hehe
tanong lang im russ but sino si juss? ako pa rin ba yan?
grabee..ang sama ni alfie..bkit my mga taong gnun..mkasrili? tapos sasabhin dhil sa pagmmhl kya nila ngawa..haist buhay nga nmn
ow well.gnda tlga..nococonect ko na mga pngyayari but stil curious about pat and his reaction dati..bka affiliated sya ky claude? haha..sna bumalik na rin c alfie at ng msapak ulit..haha
ganda author..galing tlga
-john el-
una sa lahat salamat sa pagbati. Ganun pala ang nangyari kaya pala galit na galit si claude kay laurence. sino kaya yung nasa labas ng bahay ni laurence???@dereck@
Ah yun pala.. (teka, may video na mga cellphones nun? haha)
Anong chapter yung birthday ni Alfie? Hehe hindi ko na maalala :-)
chapter 14 na po...
im begging kua author..
next chapter na po
NEXT NA PO PLS...SUPER DUPER NAINIS AKO KAY CLAUDE NA YAN! ... T*NG *NA NYA! .,, HAYSS! ,,, NAINIS DIN AKO SAYO LAURENCE ,,, DAPAT NAGLAKAS LOOB KANG SABIHIN ANG TOTOO! .. WAG KANG MATAKOT SA CLAUDE NA YAN! .PUNYETA SYA! .. HAYZ!... ANG DAPAT DYAN PALAMON SA MGA ZOMBADINGS! GRRR....
HAHAHA... XD BTW.. SOBRANG GANDA TALAGA NG STORY.,
NAINIS LANG TALAGA AKO... PATI DIN PALA SA SELFISH NA ALFIE NA YAN! .. GO LAURENCE ! IPAGLABAN MO ANG SARILI MO! :D!..
NEXT NA PO AUTHOR !
A MILLION THUMBS UP SA CHAPTER NA TOH ! :D!
(IAN)
Ang sakit naman sa puso ng chapter 12 and 13. Ilang calls ang ni-release ko para lang di masira ang momentum ko. Haha!! Whew! Am just hoping that Lance's hardship and hurting will be over.
-icy-
Great Pink: Oo naman uso na kaya ang Nokia nun hahaha.. Kala mo oldes sila noh :)) year 2000 span time time wahahahah
IAN: Wahihihi puro caps hindi ka galit sa lagay na yan noh?
Icy: Wahahaha pwedi kang ma terminate dyan sa ginawa mo naku naku!! bad yan.. hehehehe pero salamat sa pagbabasa..
Abangan mamayang gabi ang chapter 14 (kung sisipagin nga lang ako!) Wahahahaha
Ipagdadasal ko ang kasipagan mo.. Hihi..
-icy-
Pacomment po baka sakaling sipagin po kayo magsulat ng next Chapter hehehe. Ngayon lang po ako nagcomment dito. wait ko po ung update.
Thanks
Present... hahaha
Ayun... unti unti nang lumilinaw... pero as usual.. common cause ng problema ay ang pagiging close sa explanation ng isang tao... ayaw muna makinig... hehehe... parang ako lang... hahaha
i rily rily like this...
ABSENT!
Nagpunta ng hospital para magpa HEART transplant... Will be back after the surgery at after the full recovery... Papadala na lang yung doctor's certificate para maging legal yung pag absent...
KN.
Loving the story very very very much. Salamat po sa pag bati at sa pag welcome sa site mo Z. Nauna pa name ko. Feeling ko, espesyal ako. Hehehe. Salamat po ulet. Keep this up po. Sarap makiiyak sa istorya. Matawa at makilig na din in the process...
kaka-kilig... kaka-inis...
alam na ba ni claude ang totoo kaya balik sya sa dati... napaka-weak naman ni laurence, simpleng blackmail papatalo... dapat sya naman ang kumontrol sa sitwasyon.. hahaha... kaasar lang...
kyut nung light rundel..pwede mahingi and number?kaw b tlga yng nsa pic how kyut..hy..dreamin of u..nc story huh..
isolation23
kaya pala... di ko nasisisi si Claude kung ganun ang naging reaksyon nya sa mga nakita nya sa video, ang taong mahal nya, ang taong nagpasaya sa kanya, ang taong pinag palit ang lahat para sa kanya, ang taong handa niyang ipaglaban sa kabila ng lahat, ang taong iyon na may katalik na iba. haiyst!
Ang dami nga naman talaga nangyayari sa ngalan ng pag-ibig. Sana naging leksyon ito para kay Alfie na hindi porket gusto nya ay makukuha nya. Ayun tuloy, yung taong minahal nya (at pinagsamantalahan) ngayon ay kinamumuhian sya.
sana mag kaayos na sila :)
grabe!ito pala dahilan ng conflict nila ni claude...kawawa nmn c lance!T_T
mauunawaan q nmn si claude,,,kung kahit pano pinagpaliwanag muna niya c lance...pero mahirap dn talaga un sa part niya...pero mas naaawa ako ke lance..ang daming nawala sa kanya...
-monty
Post a Comment