Sunday, November 27, 2011

9 Mornings Chapter 07





by: Zildjian
email: zildjianstories.blogspot.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/


Ito na po ang Chapter 7 ng 9 mornings na delayed lang ako nang isang araw kasi medyo na busy lang. Sana po ay magustuhan nyo ang Chapter na ito at sana hindi kayo mabitin. Ingatz tayo lagi. Zildjian


RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno, Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III, Kristoffshaun, Allure, Ice, Rue, Billygard, Andy at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers sa walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.



Anonymous – Updated pa rin po ang blog ko at same schedule pa rin po ako nang posting kaso nga lang medyo naging busy sa nakaraang mga araw kaya na dedelay ako nang konte pero isang araw lang naman..



Andy - Tulad po nang request mo na lagyan ng line ang past at present para hindi po kayo malito ay ginawa ko na po sana ay maging maayus ang iyong pagbabasa at WELCOME sa blog ko.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Nasa loob na ako nang aking bahay hindi pa rin maintindihan ang patuloy na pagbabalik ng mga ala-ala nang nakaraan. Kahit ilang taon na ang lumipas ay heto’t parang video pa ring umaandar sa aking utak ang mga nangyari. Para bang sinasadya ko itong maalala na hindi naman talaga dahil kusa nalang itong bumabalik sa akin.


Pabagsak akong naupo sa sofa walang lakas at napatingala sa kisame nang aking bahay. Ano ba itong nangyayari sa akin? Ang naitanong ko nang pabulong sa aking sarili. Gulong-gulo ang aking isip sa mga nangyayari kung bakit hindi ko pa rin matakasan ang nakaraan. Totoo, may pananabik akong makitang muli si Claude, ito ba ang dahilan kung bakit kusang bumabalik ang mga ala-ala ko sa nakaraan? Hindi pa ba nakakalimutan ng puso ko ang pagmamahal ko noon sa kanya, hindi pa ba ako nadala?


Mabigat ang katawang tinungo ko ang kusina at nag timpla nang kape. Inaantok ang katawan ko pero ang isip ko ay ayaw pang matulog. Nang matapos makapagtimpla ay muli akong bumalik sa sofa at nag patugtog. In-on ang component ko gusto kong mag relax para ma ibsan ang bigat na nararamdaman ko sa di malamang dahilan.



Past




“Laurence! Laurence!” Napabalikwas ako sa malakas na pagkatok ni mama sa pintuan ng aking kwarto. Pupungas-pungas akong tumayo.


“Bakit ma? Sabado ngayon ah!” Ang asik ko sa pagkairita dahil sabado at lingo na nga lang ako nakakapag pahinga gagambalain pa nya.


“Alam kong sabado ngayon” Ang mahinahon nitong tugon. “Kaya kita ginising dahil may bisita ka.” Ang sabi pa nito na ikinapagtaka ko. Maliban kasi kay Ralf wala nang ibang tao ang nangangahas na dumalaw sa akin sa bahay tuwing ganitong walang pasok.


“Sino?” Bahagya akong napakunot, wala naman kaming usapan ngayon ni Ralf na magkikita.


“Kaibigan mo.” Ang maikli naman nitong tugon na nagpaasar sa akin.


“Sino ngang kaibigan ma?” May halong yamot na pangungulit ko sa kanya.


“Ang dami mong tanong! Bumaba ka na nga lang nang masagot ang mga yan.” Pikon rin nitong sabi na ikinakamot ko nalang sa aking ulo.


Magulo ang buhok na sumunod ako kay mama pababa para tingnan kong sino ang taong sinasabi ni mama na kaibigan ko pero bago pa man ako maka baba nang tuluyan ay napapanganga nalang ako nang makita ko si Claude na naka tayo malapit sa hagdanan at nakatingalang nakangiti sa akin.


“Good morning.” Magiliw nitong bati.


“Claude?” Ang di ko makapaniwalang naisambit na bigla ako sa di inaasahang pagbisita nya sa bahay. Ang gwapo nito sa suot na t-shirt na puti na may nakasulat na hang ten at board short na black na may disenyo naman na tribal at naka tsinelas lang ito. Ang cool nitong tingnan sa pambahay na porma nya.


Para akong namamalikmata na di ko mawari napapikit-pikit pa ako nang ilang ulit bago tuluyang makapanilwala na totoo ang nakikita ko sa mga oras na iyon..


“A-Ano ang ginagawa mo rito, di ba may klase ka?” Ang naitanong ko nalang nang makabawi sa pagkabigla.


“Nag absent ang prof namin dahil kasal ng anak nya ngayon eh sya lang naman ang klase namin sa araw na ito.” Nakangiti nitong tugon na labas ang nagiisang beloy nito sa kanang pisngi.


“Oh, iho siguraduhin mong uuwi kayo bukas ah.” Pagsabat naman ni mama sa usapan namin. Napalingon ako sa kanya na may nagtatanong na tingin at nang wala akong makuhang sagot ay bumaling naman ako kay Claude.


“Bukas? Tayo?” Ang sunod sunod kong tanong gamit ang di makapaniwalang tinig.


“Tutal satuday naman ngayon at lingo bukas naisipan namin nina Ralf at Mike na mag beach.” Simple at nakangiti nitong tugon bakas sa mukha ang excitement.


Napalingon ako ulit kay mama at nakuha naman agad nito ang nasaisip ko.


“Sumama kana sa kanila para naman paminsan-minsan makagala ka baka sabihin mong kinukulong kita dito sa bahay.” Sabi nito sa akin. “Basta Claude iho, siguraduhin mong buo mong ibabalik yang anak ko sa akin ha.” May pagbabanta nitong baling kay Claude.


“Opo tita don’t worry safe naman po ang resort na pupuntahan namin.” May galang nitong pagninigurado kay mama.


Nasa kwarto na ako at nag hahanda nang mga gamit na dadalhin ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinayagan ako ni mama na mag over night at sa beach pa. Si mama ang tipong hindi basta-basta papayag hanggat hindi nito nakikita mismo nang sarili nyang mga mata ang lugar na safe iyon para sa akin. Ganun ka stage mother ang mama ko.


Matapos makakuha nang tatlong damit at shorts ay bumaba na ako nang hagdan para tunguin ang sala kung saan naghihintay si Claude. Nag aatubili man ay may konting excitement akong nararamdaman matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakakita nang dagat isama mo pa na ito ang first time kong mag over night sa ibang lugar.


“Sigurado ka bang kasama natin sina Mike at Ralf?” May pagsusupetsya kong tanong sa kanya.


“Yep, dadaanan natin sila sa bahay nina Mike doon sila maghihintay sa atin. So, you ready?” Magiliw nitong sabi may kung ano sa mga mata nito na ngayon ko palang nakita.


Tango ang naging tugon ko sa kanya.


“Ma, aalis na po kami.” Pagpapaalam ko sa aking ina.


“Magiingat kayo doon ha.”


“Wag po kayong magalala tita ako po ang bahala kay Lance.” Tugon naman ni gago na sa akin pa talaga naka tingin.


Habang nasa daan ay naka full volume ang player ng kotse ni Claude. Sinasabay-sabayan naman ni loko ang nakakabingig tugtog mahilig kasi ito sa mga metal na kanta yung tipong masakit na sa tenga. Inabot ko ang player at hininaan ang volume nito. Napatingin naman sya sa akin.


“Ayaw mo sa mga kanta ko?”


“Masyadong malakas at masakit sa tenga.” Sagot ko naman. Di ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para pakialaman sya noong una kasi takot na takot ako sa kanya na halos every time na magtatagpo ang aming landas ay gusto ko nalang mawala na parang bula.


“Pasensya na.” Sabi nalang nito at pinatay na nang tuluyan ang player.


Medyo nakaramdam naman ako nang guilt sa ginawa ko kung tutuusin wala naman akong pakialam kung anong kanta ang papatugtugin nya, sasakyan nya naman yon. Hindi nalang ako umimik at ibinalik nalang muli ang aking tingin sa bintana.


Ilang minuto pa ang nakalipas at narating na namin ang bahay nila Mike. Ito ang unang pagkakataon na makita ito. Maganda, maaliwalas at mukhang alagang alaga ang mga bulaklak sa garden. Bumusina si Claude ng dalawang beses at ilang segundo pa ay lumabas na ang dalawang magkasintahan na parehong naka shades. Gaya namin ni Claude naka t-shirt at shorts lang ito. Si mike ay may bitbit na malaking bag na hugis hotdog at si Ralf naman ay naka backpack.


“Ano tol, nakahiram ka ba?” Bungad ni Claude kay Mike.


“Oo tol, ito nga eh. Buti nalang gising na pinsan ko.” Tugon nito. “Hi Lance morning.” Bati nito sa akin nang makita ako sa front seat.


“Tol, tulungan mo naman ako sa iba pang dadalhin.” Ang sabi ni Mike sabay lakad nito pabalik sa loob.


“Dito ka na muna okey? Tulungan ko lang sa Mike.” Tango ang isinagot ko sa kanya.


Nang lumabas sila ay may bitbit na silang cooler nakapatong doon ang isang kalan na parang ginagamit ng mga fishball vendors. Tamang tama para sa isang over night.


“Marami tayong paguusapan later pinsan.” Ang nakangiting sabi ni Ralf nang makapasok ito sa sasakyan. Ngiting nahihiya ang tanging naging pagtugon ko sa kanya.


Akmang baba na sana ako para pumuwesto sa likod dahil ang akala ko sila Mike at Claude ang magtatabi nang pigilan ako ni Claude.


“San ka pupunta?”


“Tatabi kay Ralf.” Simpleng tugon ko sa kanya.


“Dito ka lang si Ralf at Mike sa likod.”


“Oo nga pinsan dyan ka lang, dito kami ni babe sa likod para makapag labing labing pa kami.” Ang kinikilig naman na wika ni Ralf.


“Tol, lagay mo na sa compartment yang tent para magkasya kayong dalawa dyan.” Sabi ni Claude. Tumalima naman agad si Mike at inilagay ang malaking bag na tent pala ang laman sa compartment ng kotse.


Nang makabalik at makaupo na ito.


“Grocery time!” Ang wika nito.


Agad na ngang pinaandar ni Claude ang makina nang sasakyan at tinungo ang daan sa isang malapit na grocery store. Busy ang dalawang love birds sa paglalampungan para bang sabik na sabik ang dalawa sa isa’t isa habang ako naman ay tamihik lang na nakatingin sa bintana nakakahiya kasi kung mahuhuli nila akong nakatingin sa kanila baka ma kantyawan pa akong naiingit.


Marami kaming binili para daw iyon sa mga kakainin namin sa resort na pupuntahan namin. Nariyan ang mga delata, malalaking finger foods, marshmallow, at kung anu-ano pa syempre dahil mga sunog baga  bumili rin sila nang limang kahang Marlboro, dalawang kahang Red Horse at ice.


Medyo malayo-layo rin ang pupuntahan naming resort mga isang oras at kalahati daw ang bubuuhin para marating ang lugar. Libang na libang naman ako sa pagmamasid sa paligid dahil bago ito sa aking paningin hindi kasi ako ang tipong gala.


“Tol, music naman dyan.” Ang sabi ni Mike.


“Maiingay ang laman ng usb ko yung mp3 player ko nasa loob ng bag eh.” Tugon naman nito.


“Itong sa akin nalang.” Presenta naman ni Ralf.


Agad na ikinabit naman ni Claude ang mp3 ni Ralf gamit ang isa nyang kamay. Si Ralf na ang pumili nang playlist. Doon na nagsimula ang harutan at tukaan ng dalawa sa likod namin. Napapailing nalang ako sa kanila hindi dahil sa pandidiri kung hindi sa pagkainggit. Si Claude naman ay panay ang ngiti at kindat sa akin tuwing magsasalobong ang aming tingin. Dahil sa nakakaramdam ako nang pagiinit ng aking magkabilang pisngi ay agad akong bumabawi nang tingin.


Nang lumiko kami pakaliwa at pumasok sa isang hindi simentadong daan ay doon ko na nalaman na malapit na kami sa aming destinasyon. Kita ko ang malalagong puno nang niyog sa magkabilang kalsada. Bakas ang tuwa sa king mukha habang pinagmamasdan ito. Nagpaalam ako kay Claude na kung pwedi buksan ko ang bintana sa gawi ko para malanghap ang preskong hangin. Agad naman itong tumango sa akin na nakangiti.


Kita ko ang bahay na gawa sa kawayan, ang mga batang masyang nalalaro na napatigil nang matanaw ang aming sasakyan ang mga iba’t ibang kulay ng ibon na ngayon ko palang nakita.


“Na-enjoy mo ba ang lugar?” Tanong sa akin ni Claude. Iniwan ko muna saglit ang mga magagandang tanawin na iyon, ibinaling ko ang aking tingin kay Claude at binigyan sya nang isang napakatamis na ngiti.


“Mabuti naman.” Ang nasabi nalang nito.


Nang maibaling ko ang aking tingin sa mga taong naka upo sa likod ay magkayakap itong natutulog. Bahagya akong natawa pati si Claude ay napatingin sa kanila gamit ang rearview mirror.


“Mukhang napagud sa lambingan ang dalawa ah.” Sabi nito.


“Oo nga.”


Sakto namang paghinto nang kanta sa player ang pag kalam ng aking sikmura. Nagkatinginan kami ni Claude ay sabay na napatawa dahilan para magising ang dalawang ungoy.


“Dito na ba tayo?” Pupungas-pungas na wika ni Ralf.


“Malapit na mga 10 mins nalang.” Tugon naman ni Claude.


Nagpalinga-linga ito para tingnan ang paligid.


“Ang ganda pala nang lugar na nabilhan nyo nang resort Claude.” Ang sabi nito nang mapansin ang kaninang tanawin na nagpahanga sa akin.


“Resort nyo ang pupuntahan natin?” Di ko makapaniwalang tanong.


“Yep, pero hindi pa sya na dedevelop bago palang kasi.” Wika naman nito.


“Wow, ang yaman nyo talaga.” Ang naisatinig ko nalang sa sobrang pagkamangha. Natawa naman silang tatlo sa tinuran ko.


Narating namin ang resort nina Claude. Totoo nga ang sabi nito, hindi pa developed ang lugar pero malinis ito halatang may nag-aalaga. May Bahay rin doon na sadya daw pinagawa nang kanyang mommy para kung magbabakasyon sila parang private resort ang dating. Napapalibutan itong nang pader na gawa sa kawayan at kaakit-akit ang puting buhangin. Sinalubong kami nang isang matandang babae katiwala daw ito nina Claude may asawa’t mga anak nakatira ito malapit lang sa resort na iyon.


Nagtulungan kaming ipasok ang aming mga gamit sa loob nang bahay. Maganda, native ang mga ginamit na appliances sa loob lahat puro gawa sa nara.


“Magpahinga muna kayo sir Claude habang inihahahanda ko ang pananghalian nya. Nagluto ang asawa ko nang paborito nyong native na manok.” Ang sabi nang katiwala nina Claude na si Manang Linda.


“Sige po nay gutom na kasi ang kasama ko.” Sagot naman ni Claude at tumingin ito sa akin sabay hagikhik. Pati ako ay napahagikhik na rin.


“Wow, may progress.” Malokong sabi ni Mike.


“Mukhang may pag-asa na si Claude.” Dagdag pang-aalaska ni Ralf.


Napayuko nalang ako sa hiya, hindi ko maikakailang tinamaan ako nang mga biro nila.


“So, ligo agad tayo after nating kumain?” Pag-iiba nang usapan ni Claude marahil ay napansin nito ang pagkailang ko sa biro nila.


“Masyado pa atang mainit, maya nalang mga 2 tayo maligo at magtayo nang tent.” Wika naman ni Ralf na agad na sinangayunan ni Mike.


“Okey kayo ang bahala.” Ang nasabi nalang ni Claude at muli itong tumingin sa akin na nakangiti. Pilit na ngiti ang ibinalik ko dito, hindi pa ako masyadong kumportable sa kanya. Siguro na trauma ata ako sa kagagohan nya noon.


Ilang minuto pa ang kwentuhan nilang tatlo habang ako ay nakikinig lang nang tawagin na kami ni Manang Linda para kumain. Napa “Wow” talaga ako nang matikman ko ang paboritong ulam ni Claude, ginataang manok na linagyan ng hilaw na papaya at iba pang rekados na lalong nagparasap nito. Marami akong nakain sa sobrang sarap ng inihanda sa amin ng asawa ni Manang Linda.


Matapos kumain ay nagpahinga muna kami nang konte at hinintay na medyo kumulimlim bago namin magdesisyung maligo at magtayo nang tent. Sapat naman para sa aming apat ang kwarto pero mas gusto nila na mag tent kami para mas ma feel daw namin ang outing na iyon.


Kinuha ni Mike ang kanyang dalang bag kanina at pati rin si Claude ay may bitbit. Nagtaka naman ako kung ano iyon ngunit pinili ko nalang manahimik at alamin mamaya.


“Paano, simulan na natin ang bahay-bahayan.” Malokong sabi ni Claude at binuksan na ang bag na ang laman rin pala ay tent. Tumawa naman ang dalawang ungas at sinimulan na din nilang pagtulungan itayo ang tent na dala ni Mike.


“Pinsan mag tabi tayo sa isang tent ah.” Ang magiliw kong sabi kay Ralf habang tinutulugan ko si Claude sa pagtatayo nang tent.


“Sure pinsan.” Ang tungon naman nito sa akin at nagkatinginan sila ni Mike na parang may binabalak.


Nang matapos naming maitayo ang dalawang tent ay nangulikta naman kami nang mga kahoy na gagamitin namin para sa bonfire mamaya. Naging magaan na ang loob ko kay Claude sa mga oras na iyon nagagawa ko nang sumabay sa mga biruan at harutan naming apat. Sobrang saya ko, ito na ata ang pinaka masayang outdoor trip na nasamahan ko dahil kami-kami lang na magkakaibigan lahat ay pwedi naming gawin.


Hindi ko maitatanging napanganga ako nang alisin ni Claude ang kanyang T-shirt, ang ganda nang hubog nang katawan nito masasabi kong alaga sa gym. Ito ang unang pagkakataon na makita syang walang pangitaas. Ang buhok nito mula sa kanyang tyan pababa sa kanyang naka uslit na puting garter ng kanyang brief ay bigay nang kakaibang init sa akin. Di ko maiwasang mapalunok nang makitang bakat na bakat ang kanyang alaga.  


Naligo kami’t nagpakasasa sa kulay asul na tubig syempre hindi mawawala ang harutan namin. Nag laro rin kami, yung pumapatong sa balikat ng kakampi at ang nakapatong ang makikipag buno sa isa naman. Panalo ang team kapag napatumba nila ang kalaban. Syempre dahil malalaking tao sina Mike at Claude sila ang kung baga poste namin. Nakasakay si Ralf sa balikat ni Mike at ako naman sa balikat ni Cladue. Tawanan, asaran yan ang mga nangyari sa buong hapon naming paliligo sa dagat.


Sumapit ang gabi. Nang matapos kaming makapag hapunan ay sinimulan agad namin ang bonfire at inuman. Ipinuwisto namin ang bonfire sa tapat mismo nang dalawang tent na magkaharap. Tinuhog ang mga marshmallow na aming pinamili at itinapat ito sa apoy habang sila Mike, Ralf at Claude ay nag sisimula nang tumagay.


“Pinsan shot ka.” Wika ni Ralf.


“Naku, alam mo namang hindi ako umiinum. Pass ako dyan.” Ang tatawa-tawa kong pagtanggi.


“Sus, ang KJ mo naman minsan lang tong mangyari pinsan kaya dapat sulitin natin.” Pamimilit pa nito na sinangayunan naman ni Mike at Claude.


Atubili ko itong kinuha at inamoy napapikit ako sa matapang na amoy nang Red Horse.


“Go Lance! Go Lance!” Parang cheering squad pa nilang panunudyo sa akin.


Walang anu-ano ay biglaan kong linagok ang laman ng baso. Napapikit ulit ako sa pait ng lasa nito agad akong kumagat sa marshmallow na iniihaw ko.


“Hindi naman pala ganun ka sama ang lasa.” Ang sabi ko sa kanila nang makabawi sa pait.


Nagpalakpakan naman ang mga hunghang na ikinatawa ko.


“So, tutulungan mo na kaming ubusin ang inumin natin?” Nakangiting tanong ni Claude.


“Baka malasing ako.” May bahid ng pagaalala kong tugon.


“Okey lang kung malasing ka nandito naman ako di kita papabayaan.” Sabi nito sabay akbay sa akin dahilan para masubsob ako sa kanyang matitipunong dibdib.


Bumilis ang pintig ng aking puso sa paglapat ng aking pisngi sa dibdib nito naramdaman ko pa ang kanyang nipple. Para akong napaso na agad na umayos nang upo pero hindi pa rin nya tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. Patay malisya naman ako, inisip kong hindi nito nahalata ang pagpapalit ng temperatura nang aking katawan. Amoy ko ang pabango nya kahit na ba nabasa na kami nang tubig dagat hindi parin iyon nakatulong para tuluyang alisin ang nakakapanginig tuhod na pabango ni Claude.


Nang malalim na ang gabi at medyo may tama na ako ewan ko lang sa kanila alam ko namang mas sanay sila sa aking uminum bigla naman akong napagtripan ni Ralf.


“Pinsan, kelan mo naman balak sagutin si Claude?”


“Oo nga Lance kelan mo sasagutin ang kaibigan ko?” Gatong pa ni Mike.


“H-Hindi ko alam.” Ang nahihiya’t kinikilig kung sagot. Marahil ay dala narin nang tama nang alak ay nahirapan na akong itago ang nararamdaman ko kay Claude. Noong una pa man talaga ay crush ko na ito pilit ko lang itinago dahil na rin sa kagaspangan ng pakikitungo nito sa akin.


“Naku pare mukhang aabutin kapa nang apat na taon dyan kay Lance.” Ang biro ni Mike na ikinatawa namin.


“Ganun? Sa tingin ko pare bago tayo umuwi bukas boyfriend ko na itong si Lance.” May angas at sigurado nitong sabi.


“At paano ka naman nakakasigurado?” Ang sabi ko naman na naka taas ang kilay.


Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay isang marubdob na halik ang ibinigay nya sa akin. Noong una ay nagpumiglas ako sa hiya kina Mike at Ralf. Sinubukan ko syang itulak pero sadyang malakas ito sa akin ilang sigundo lang ay naibaba na ni Claude ang depensa ko. Napakapit ako sa batok nito’t gumanti na rin nang halikan sa kanya.


Nang maghiwalay ang aming labi ay binigyan ako nito nang isang matamis na ngiti na kita ang kanyang nagiisang dimple at muli, hinalikan nya ako ngunit hindi na tulad ng kanina na mapang-akin at nag-dedemand ng pagtugon ngayon ay malumanay, malambing at puno nang pagaalaga.


“Hindi ka manlang nagpakipot ng konte pinsan!” Ang tatawa-tawang pangaalaska ni Ralf sa akin. Naputol ang halikan namin ni Claude at parehong napatawa.


“This calls for celebration! Sa wakas pare this time di ka na ulit binasted ni Lance.” Ang tumatawa ring sabi ni Mike.


“Oo nga pare eh, na duwag kasi ako sa unang subok ko.” Sabay tawa nito.


May pagtataka naman akong napatingin sa kanya.


“Inamin ko kay Mike ang nangyari nung birthday ni Anna nung unang hinalikan kita.” Nakangiti nitong pagpapaliwanag.


“Tapos?” Di ko pa rin maintindihang sabi.


“Inamin din nya na ikaw pala ang tinutukoy nyang nang basted sa kanya. Idaan ba naman sa angas ang panliligaw.” Sabi naman ni Mike sabay tawa nang malakas na sinabayan ni Ralf.


“Hah?” Parang tanga kong naisambit. Hindi ko talaga makuha kung saan ko sya binasted.


“Naalala mo nung dinala kita doon sa may beach. Dapat sana sasabihin ko na sayo ang nararamdaman ko kaso naunhan ako nang hiya.”


“Ah.. yung nagyabang ka at sinabi mong ayaw mong masira ang IMAGE mo?” Pagbibigay diin ko sa salitang image.


Napakamot nang ulo si loko. “Sorry na, di ko naman sinasadya yon eh.” Ang nanunuyo nitong sabi sabay dampi ulit ng halik sa aking labi.


“Ang sweet!” Tila kinikilig namang hiyaw ni Ralf.


“So kumusta naman ang status nyo dyan?” Malokong wika naman ni Mike.


Nagkatinginan kami ni Claude at kapwa nag palitan ng matatamis na ngiti at humarap sa kanila sabay  sabing. “In a relationship.”


Wala nang rason na itago ko pa ang nararamdaman ko kay Claude dahil simula pa man may pagtingin na ako sa kanya kung trip o totoo man ang pakay nito sa akin wala na akong pakialam.




Present




Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga ala-alang iyon. Iyon na siguro ang pinaka masayang ala-ala meron ako simula nang mailuwal ako nang aking ina sa mundo. Napatingin ako sa aking relo mag aalas dyes na pala. Agad akong tumayo at tinungo ang lababo para maghimos at makapag sipilyo.


Nang nasa kwarto na ako ay di ko mapigilang sambiting muli ang pangalan ni Claude. Ang pangalan ng taong minahal ko dati at malamang hanggang ngayon ay mahal ko pa rin. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at hinintay na lamunin ako nang kawalan.







Itutuloy:







24 comments:

Chris said...

Ahaha!! Ang sweet naman :> hay!! Ano kaya ang nangyari sa kanila? :(
Ganda po ng flow!! Can't wait for the next one!

wizlovezchiz said...

Letche ka nakakaamoy na talaga ako sa magiging inarte ng Laurence at landi ni Claude mo dito wag mo sagarin ha? Wag mo sagarin kundi tatamaan ka talaga sa akin. Honestly, kinilig ako sa chapter na ito. Maganda siya at marunong ka an talaga mambitin. Baliw baliw baliw

Anonymous said...

wow may update na...ang ;landi ni lance..in fairness..hoho

-ram

Ross Magno said...

Sobrang cheezy..hehe

kristoff shaun said...

good morning a good starter for my sunday ha.. :)

Anonymous said...

haha nahalikan lng ni claude si lance, syota na agad. Wala ng pakipot effect. Haha!

@zildjian, waahh kakahiya. Thanks sa line ng past at present. LOL!

--ANDY


P.S
Next na! Haha!

Anonymous said...

Z!!!

the story is getting better and better! keep it up.

regards,

R3b3l^+ion

RJ said...

awts..bitin hehe :)

pero masaya nga yun, yung ganoong alaala. yun nga lang, as usual, misteryo pa rin kung bakit ganito yung kasalukuyan ni Laurence saka kung ano yung mangyayari sa hinaharap.

hay sana next chapter na. :D hehe buti na lang at may pasok na kami.

keep it up Z :D ingat!

kristoff shaun said...

ah pede bang mamaya may update na agad lakas maka atat eh hahaha!!!

Lawfer said...

grats! napahagalpak mq sa “beloy” “mangulikta” at “ipinuwisto” lol


anyway, last coment q na muna to, coment nlang aq uli pg my nhnap aqng dpat qng punahn...ung sa taas,wla lng,nambbsag lng aq lolz

Zildjian said...

Rue - waaahahah pacnxa naman pinagpuyatan ko yan tapos tatawanan mo lang.. pffft!!!


Yung ibang katanungan po sa next chapter nalang.. malapit na pong mag tagpo ang present at past.. :D

Billygar said...

ang haba ng hair ni Lance dito. hahaha... kaso bitin ako. next chapter na...nahihiwagaan ako kung ano talaga ang nangyari sa pagiibigan nila Lance and Claude. Kaabang-abang!!!

russ said...

ang super super sweet ng eksena..ai di pakipot epek heehhe

Zildjian said...

Billygar - haha uu nga noh ang haba nang hair ni Laurence.. malapit nyo na pong malaman ang nangyari sa kanila ni Claude konteng konti nalang :D


Russ - mabuti naman po at nagustohan mo ang chapter na ito :)

Anonymous said...

haha,,, malapit-lapit na rin ang pagtatagpo ng present at past dito sa kwento moh?,, paano kayang nangyari na nagkahiwalay ang dalawa? hindi ko lubos maisip na nagmamahalan pala talaga ang dalawang bida sa kwento moh,, hmmm,,,, hanggang sa susunod na ulit,,,,

Beucharist,,,

Anonymous said...

sorry ha di maganda ung me present at past na title kasiunang una alam mo naman kung ano ung past kapag naka italics siya past yun. hays. anyway no offensement sa nag request ha.. infairness gamda ng chapter kaso sa halik lang bumigay na... hahaha... kung ako hindi agad ako susuko at bibigyan ko muna siya ng test.... kaya siguro tagal ko ng single dahil sa ugali na ito hahaha...

rstjr029

Ross Magno said...

After pondering for an hour after reading this chapter...
I came up with a conclusion...
Ang masasabi ko lang....













...coffee addict din pala si Laurence...

hehe...PEACE.

Anonymous said...

@rstjr029 haha ayos lang. Pasensya naman. Hindi ko kasi alam na nka italized, hindi kasi yun ngttake effect sa CP. :)

--ANDY

politotz said...

wow naman another amazing story by zildjian...you never fail to amazed your readers..ive been reading your stories since THE RIGHT TIME pa hanggang sa mga bago...di lang ako masyadong nag comment kasi nahihiya...hayhay...busog na ako sa kababasa ..dont stop writing..:D

Anonymous said...

naku laurence,,,, mahal m talaga si claude.... nasasabik k nang makita sya ulit.... pero mahal ka rin nya kaya...baka masaktan ka lang ulit... may naamoy ako baka si claude at pat ay magkapatid....naks pano yan...

ramy from qatar

robert_mendoza94@yahoo.com said...

nkakatuwa aman ang naging daloy ng kwento, at last nagkatuluyan na din. nice one frend! hope plage ng may upd8t! . . . demanding ba? tnx mr. author>

robert_mendoza94@yahoo.com said...

hmm. . . parang c claude ata ung half bro ni pat? . . he he he

Anonymous said...

kailan pa nagkaroon ng appliances na native? haha kaloko to

Anonymous said...

nakakakileeeeggggg!!haha..i love that part na nasa beach silang apat.haha...

i think c pat at claude ung mag half brother base sa epilogue na rin...hehe

time to sleep na,,at least di mawala ngiti ko sa chapter neto..^^

-monty

Post a Comment