Guys tulad nang ipinangako ko. Ito ang Christmas gift ko sa inyong lahat pasasalamat ko rin poi to sa suportang ibinigay nyo sa akin sa dalawang obrang ginawa ko. Hindi ko man mapagbibigayan ang hiling nyong gawan ko nang storya si Niel at Dave may surpresa ako sa inyo next week.. hehehehe Sana magustohan nyo ang kwentong ito.
Para sa ating lahat na nagmamahal at gustong mahalin!
Inihahandog ko sa inyo 9 MORNINGS!
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Kring! Kring! Kring!!
Ang malakas na tunog ng aking alarm clock inabot ko ito para
patayin at dahan-dahang bumangon. Ito
pala ang unang simbang gabi. Ang nasabi ko sa aking sarili habang
pupungas-pungas. Nang buksan ko ang bintana ay agad na sumalobong sa akin ang
lamig ng gabi dala nang hanging amihan.
Pumasok ako sa banyo para maligo. Tiniis ko ang lamig dahil
ayaw ko namang mangamoy laway ako sa loob ng simbahan.
Matagal ko nang nakalimutan ang magsimba ngunit dahil na rin
sa panunudyo ni mama ay pinilit kong muling subukan. Gusto ko rin kasing
magpasalamat sa mga blessings na natanggap ko sa mga nag daang taon.
Matapos makapag bihis ay agad ko nang tinungo ang simbahan para
makahanap nang mauupuan. Alam ko kasing maraming magsisimba kaya paunahan
nalang.
May nakasalubong din akong pamilya, magkakaibigan,
magkarelasyon at magkakapatid na pareho na magsisimba rin tulad ko. Napangiti
ako, iba pa rin ang epekto nang pasko sa mga pinoy ito ang buwan kung saan
kumpleto ang pamilya. Umuuwi ang mga nagaaral sa malayong lugar. Ang mga
nagtratrabaho sa ibang bansa ay umuuwi rin para makasama nila ang kanilang mga
pamilya. Ako, ito magisa nalang sa buhay.
Hindi nga ako nag kamali sa aking naging desisyon na agahan
ang pagpunta dahil kahit 30 minutes pa bago mag simula ang misa ay halos puno
na nang tao ang simban.
Nagpalinga-linga ako para maghanap nang mauupuan sakto naman
na bakante ang upuan na naging malaking bahagi na nang buhay ko. Ang upuan na
naging dahilan nang malaking pagbabago sa buhay ko.
Nang makapwesto ay deritso ang aking tingin sa altar. Muli
nanamang nanariwa sa akin ang mga nangyari anim na taon na ang nakakaraan.
“Laurence anak,
gumising kana dyan malalate kana.” Ang naranig kong sigaw ng aking ina sa likod
ng pintuan na sinabayan pa nito nang sunod-sunod na pagkatok.
Pupungas-pungas akong
bumangon para pagbuksan sya. Alam ko kasing hindi ito titigil hanggat hindi nya
ako nakikitang nakabangon.
“Anak naman, malalate
ka nyan.” Bungad nito sa akin nang mapagbuksan ko sya.
“Ito na nga po
nakatayo na.” Tugon ko naman rito.
“Maligo kana, ipinag
init na kita nang tubig para di ka lamigin.”
Ito ang mama ko sobrang
maalaga na parang grade one lang ang inaalagaan nito. Alam kong para lang naman
sa kapakanan ko ang ginagawa nya pero minsan hindi ko na mapigilang mainis sa
pagtrato nito sa akin na parang bata.
Kinuha ko muna ang
cellphone ko para tingnan kong may message ako galing sa pinsan ko at di nga
ako nag kamali, naka tatlong text na ito sa akin na pare-pareho lang ang laman.
“Bukas ko na ibibigay
ang allowance mo for this week, hindi pa kasi nag babayad ng upa ang tenant
natin.” Wika nito.
“Sige po, may natitira
pa naman akong pera dito.” Tugon ko naman sa kanya.
“Ang swerter ko talaga
sayo anak, hindi ka katulad ng pinsan mong si Ralf na sabi nang tita mo eh puro
lakwatsa at pagaaksya lang ng pera ang alam. Alam kong proud na proud ang papa
mo kung nabubuhay lang ito.” May lungkot nitong sabi.
Gusto ko mang
makisimpatya kay mama ay hindi ko magawa dahil hindi ko naman nakasama ang
aking ama. Seaman ito at simula nung magkaisip ako ay hindi ko pa ito nakikita
o nakakausap manlang hangang sa malunod ang barkong sinasakyan nito. Maraming
nagsasabi na kamukha ko raw ang papa ko at sa kanya ko raw namana ang pagiging
tahimik ko iyon siguro ang dahilan kong bakit sobra kung makapagalaga sa akin
si mama.
“Nag dra-drama ka na naman
ma, ang aga-aga pa. Alis na po ako marami pa kaming gagawin sa school.” Ang
sabi ko para makaiwas sa dramahan na maaring maganap.
“Ang bilis mo namang
kumain.”
Itinuro ko nalang ang
aking relo para hindi ko na ulitin ang salitang ‘late’,
Tinext ko si Ralf na
on da way na ako para magkita nalang kami sa gate nang university. Nakagawian
na kasi namin na lagi kaming magkasamang papasok, simula pa nung mag simula
kami sa koleheyo hanggang ngayon na 2rd year na kami.
“Mabuti naman at
dumating kana. Kanina pa kaya ako rito.” Bungad nito sa akin nang makalapit ako
sa kanya.
“Sorry naman.”
Pagpapaumanhin ko sa kanya.
“Oh sya, tara na.”
Ang rason kong bakit
si Ralf ang nakasundo ko ay dahil pareho kaming may sekreto. Tama, pareho
kaming may itinatagong kabaklaan kaya naman sobrang fit kami nito. Hindi man
kami ang tipo nang bakla na ladlad pero alam naming pareho kung ano ang gusto
namin at yon ay hindi babae.
Natigil ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ng magsimula na
ang misa. Ako nalang pala ang nakaupo habang ang iba ay nakatayo na para sa
unang dasal. Tumayo na rin ako.
Nang maibaling ko ang aking tingin sa bandang kaliwa ay may
naaninag akong pamilyar na tao. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Tinutukan
ko ito para ikumperma kong sya ba talaga iyon o namamalik mata lang ako, ngunit
nang humarap ito sa akin doon ko lang napagtanto na hini pala sya ang taong
iniisip kong sya.
Umupo na ulit ako. Hindi ko parin maalis sa aking isipan ang
taong hanggang ngayon ay hinahanap-hanap ko parin at muli nanaman akong dinala
sa aking nakaraan.
“Sya nga pala pinsan
invited tayo sa birthday party ni Anna sa Byernes dapat sumama ka dahil sasama
kami ni Mike.” Excited nitong pahayag sa akin hindi ko alam kung dahil sa
birthday o kung dahil makakasama na naman nya ang boyfriend nya.
“Ano naman ang gagawin
ko don eh hindi naman ako umiinum.” Pagdadahilan ko rito.
“Alam mo KJ ka talaga.
minsan lang to kaya dapat sumama ka tsaka wala namang sinabi si Anna na dapat
ang umiinum lang ang pweding sumama” Pamimilit nito sa akin.
“Tingnan nalang
natin.” Ang naisagot ko nalang para tumigil na ito sa pangungulit. Si Ralf ang
tipo na mahirap mahindian o mas matamang sabihin na hindi tumatanggap ng
salitang hindi pwedi.
Nasa covered walk na
kami para tunguin ang room kung saan gaganapin ang una naming klase nang
harangin kami nang boyfriend nito kasama ang pesting kaibigan nya. Mula sa
pagkakangiti ay umasim ang mukha ko nang magsalubong ang tingin namin ni Claude.
Ito na naman si hangin boy. Ang nasambit ko nalang sa aking sarili.
“Good morning baby
ko.” Bati nito sa pinsan ko.
“Morning din baby.” At
ayon na nga lumabas na ang kalandian ni Ralf.
“Pinsan, Mauna na ako
sayo sa room.” Pagpapaalam ko para makaiwas sa kanilang dalawa na ngayon ay
pinagtitinginan na nang ibang estudyante. Hindi ko naman sila masisisi sino ba
naman ang hindi titingin kung may nakabalandrang dalawang lalaki na
naglalampungan sa coverd walk.
“Ay, Laurence nan dyan
ka pala?” Simula nang pangaasar sa akin ni Claude. Ito ang dahilan kung bakit
kumukulo ang dugo ko sa tarantadong ito.
Ngiting pilit lang ang
ibinalik ko sa kanya. Ayaw kong bigyan sya nang pleasure na sirain ang araw ko.
“Sabay sabay nalang tayo
pinsan tutal malapit rin lang naman ang building nina Mike sa room natin.” Sabi
naman ni Ralf.
Wala na akong nagawa
kung hindi tumago nalang at manahimik habang ang dalawa ay busy sa
paglalampungan habang si Claude ay sa akin tumabi.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin
matakasan ang aking nakaraan. Kung tutuusin dapat matagal ko na itong linimot,
ngunit bakit ngayon muli nanamang bumabalik ito sa akin na parang video lang sa
aking utak.
Kahit anong pilit kong iwaksi ang mga ala-ala nang nakaraan
ay hindi ko pa rin matakasan mga ala-ala na nagbigay nang pait at saya sa akin.
Mga ala-ala na dahilan kung bakit narating ko ang ganitong estado ngayon.
Gusto ko mang ituon ang aking atensyon sa sermon nang pari
ay hindi ko magawa. Sobra nang pre-occupied ang utak ko sa mga ala-ala nang
nakaraan.
“Sigurado ka bang okey
lang na sumama ako?” Bulong ko sa aking pinsan. Hindi ko maiwasang magaalala
dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong klaseng party.
“Oo naman ano ka ba. 2nd
year college na tayo and it’s about time na makatikim ka naman ng ganitong
klase nang party.”
“Para kasing hindi ata
ako bagay rito pinsan uwi nalang kaya ako?” Ang hindi ko maiwasang maisatinig
sa sobrang pagkabalisa. Hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng party halos
lahat ay umiinum at naninigarilyo mga bagay na hindi ko nasubukang gawin at
ayaw kong gawin.
“Babes! Buti at
dumating kana.” Biglang sulpot ni Mike kasama na naman nito si Claude. Hindi ko
tuloy maiwasang mag taka kung okey lang ba sa isang straight na tulad ni Claude
ang dumikit kay Mike na lalake ang trip.
“Ipinag paalam ko pa
kasi itong pinsan ko sa mama nya.” Tugon naman ni Ralf bakas sa mukha ang kilig
at pagkahumaling nang makita nito ang porma nang syota nya.
Tiningnan naman ako
nang dalawa. Na conscious ako sa ibinigay na tingin sa akin ni Claude para
kasing nang iinsulto ito na ewan.
“Tao ka pala kung
nabibihisan ng tama noh?” Sabi nito sa nanunudyong tinig.
“Ano naman ang
pakialam mo?” Asik ko sa kanya.
“Claude wag mo namang
pagtripan ang pinsan ko kanina pa yan hindi mapakali baka mag walkout yan.”
Saway ni Ralf rito.
“Oo nga pare, bakit mo
laging pinagtritripan si Laurence sige ka baka mag katuluyan kayo.” Biro naman
ni Mike na sinamahan pa nang nakakagagong tawa.
“Yuck!” Ang magkasabay
naming sabi.
“Hey! Buti naman at
nakarating kayo Ralf, Laurence.” Ang hindi namin napansin na paglapit ni Anna.
“Happy birthday.” Ang
bati namin sa kanya.
“Thank you. Saglit
lang ha hihiramin ko lang si Claude gusto kasi syang makilala nang mga friend
ko nung high school.” Malandi nitong turan sabay pulupot ng kamay nito sa braso
ni Claude.
Kung tutuusin bagay
naman talaga silang dalawa. Maganda si Anna at gwapo si Claude ang kaso lang ay
sobrang yabang nito dahilan para hindi ko mapansin iyon.
Lumalalim na ang gabi
at mas lalong nagiging wild na ang mga tao sa kakasayaw may mga tama na rin ang
mga ka klase namin pati si Ralf at Mike. Ako ay medyo tinamaan na rin nang
konte dahil napilit ako nang mga ito na subukang ubusin ang laman ng san mig
light. Hindi na ako nakahindi sa kanila dahil ayaw kong sabihan ako na KJ.
Si Claude ay halatang
may tama na rin kita ko ito sa kabilang lamesa kung saan ito nakaupo kasama ang
mga kaibigan at kabarkada ni Anna. Paminsan minsan ay nagtatama ang tingin
namin pero agad akong bumabawi nang tingin.
“Oh pinsan bakit ang
tahimik mo?” Pagpansin sa akin ni Ralf.
“Nahihilo lang ako
pinsan. Labas muna ako para makapag pahingin puro kasi usok ang nasasagap ko
rito.” Ang sabi ko sa kanya at agad ng tumayo para hindi na ako nito mapigilan
pa.
Lumabas ako sa gate
nang bahay para makaiwas sa ingay at usok na mas lalong dumaragtag sa aking
pagkahilo. Ilang minuto rin akong nakasalampak sa gilid nang kalsada ipinatong
ko ang dalawa kung kamay sa aking tuhod para gawing unan.
“Bakit dito ka sa labas?” Wika nang isang pamilyar na
boses sa akin. Agad akong napamulat at napatingin sa kanya.
Nangunot bigla ang
mukha ko at muling umapaw ang pagkainis.
“Ano ba pakialam mo?”
Pabalang kong sagot kay Claude.
Imbes na sagutin ako
nito ay tumabi ito sa akin nang upo. Umisod naman ako dahil nung magtama a g aming
mga braso ay nakaramdam ako nang kakaibang kiliti. Nakakahumaling ang amoy ni
Claude kaya siguro hindi na nagawa pang humiwalay sa kanya ni Anna.
Muli itong dumikit sa
akin. “Bakit ka lumayo? Ayaw mo ba sa akin?” Nanunukso nitong sabi. Sa boses
palang nito ay halata nang may tama na ito.
Hindi ko alam kong ano
ang mararamdaman ko wala akong maisip na isasagot. Naramdaman ko nalang ang
paglapat nang labi nito sa labi ko. Sa gulat ay naitulak ko sya nang malakas
dahilan para mapahiga ito mula sa pagkakaupo.
Agad akong tumayo at
mabilis na pumasok sa loob para magpaalam sa pinsan ko na mauuna na akong umuwi
sa kanya. Nagtaka man ito ay wala na rin itong nagawa sapagkat busy ito sa
pakikipaglampungan sa boyfriend nya.
Sa mga ala-alang iyon ay napangiti ako. Hindi ko namalayan
na nakatingin pala sa akin ang babaeng katabi ko. Halata sa mukha nito ang
pagkakataka marahil ay na wewerduhan ito sa akin dahil wala naman talagang nakakatawa
sa sermon ng pari.
Nang mapansin nito na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti ito
sa akin at agad na ibinalik ang tingin sa pari.
Itutuloy:
20 comments:
ganda ng story... thanks zildjian...
rstjr029
This is too early for the yuletide season pero somehow sige pagbibigyan ko na kasi papalapit na rin naman. Ahahah. Anyway, the story's plot is interesting. Mukhang another new for kuya Zild itong offering niya na ito. I wanna see more (and read more) sa development ng mga characters. Prove me wrong sa nakikita kong ending ng story mo. :) God bless sa bagong akda idol.
yey!!...
new story to foLLow...
1st chapter paLang, maganda nah...
good job mr author, as aLways... :)
-edrich
Salamat naman po at nagustohan nyo ang sunod kong kwento.. ahihihihi
Z...nice format...hindi nakakahilo ang mga flashback.
expecting twists and turns here...pwede mo rin i-try ang "not so happy" ending. pero kung happy ang ending, ok pa rin hehehe.
wish you the best and goodluck sa new story.
regards,
R3b3l^+ion
Ang ganda ng pangalan ng bida. Laurence...Mukhang demure and very discreet ang dating...
Claude...hmm..mukhang maulap...puro ulap ang nasa utak nito...heaven...ahhh...parang narcissistic ang ugali nito parang lutang lagi sa langit at mukhang laging gustong makatikim ng "langit"...hehe
Ralf...aso ang unang pumasok sa utak ko...maybe a little bit bitchy and always ready to mingle...hehe.
Another story na susubaybayan ko...
R3b3l - na miss talaga kita :( sana magustohan mo rin ang storyang to..
Ross Magno - hahaha at talagang kinuha mo sa mga pangalan nila ang characteristic ng bawat character ah... Tingnan natin :)
haha,,may panibago na naman akung aabangan,,,hehe,, kahit hindi poh akuh naniniwala sa Christmas ay pagtyatyagaan ko muna kasi yung essence naman ng kwento muh ang gusto kuh,,,maganda talaga mga Obra Maestra muh Mr.Author,,,,,,,
Beucharist
Beucharist - nakakatuwa ka talaga hindi ka nawawala sa mga nagcocomment ko.. :) sana magustohan mo ang kakaibang atake nang kwentong ito :)
Interesting..
Kakaiba nga ang paggawa nito. May aabangan nanaman ako. :)
- Tam
Yay! Christmas gift talaga? Like! Kinda busy these past few days kaya di ako nakapag-comment sa After All which had a great ending. Kilig much!
-icy-
Hmmm...mukhang sad ending ang isang to kahit na Christmas ang katapusan. Pero okay lang naman sa tingin ko, kasi ganun naman talaga ang buhay e :)
Sa kwento naman, magandang simula :D hehe nakaka-intrigue dahil nga sa flashback lang yung kay Laurence at Claude. Gusto kong malaman kung bakit ganun yung mga iniisip ni Laurence sa kasalukuyan.
Kainggit ka Z haha! Ambilis mo sumulat. :D
Ingat, keep it up! :)
Icy - okey lang po yon.. Naiintindihan ko naman na may mga pasok kayo.. :)
R.J - Nyay! Sa bawat chapter po ang pag reveal ko sa nakaraan ni Laurence at Claude maaga pa po para sabihin ko ang mga mangyayari pero pipilitin kong mapasaya kayo sa storyang to kahit na medyo kakaiba ito dahil flashback ang laman :D
Another story from Z...
Nc start poh author, tama yung sinabi ng isang nagcomment na hnd nakakahilo yung mga flashback parts m hehe....
Feeling ko happy ending naman toh kasi db this story is all about xmas and xmas is all about LOVE...
Hmm ang naiizip ko n lang n magiging ibang atake ng story eh si girl n nakakatitig kay laurence s church ang makakatuluyan nya ahahaha nanghuhula lang....
Love u Z! Job well done!
Dada - wahahaha! baka nga yung babaeng yon ang makatuluyan ni laurence.. wat the eyyff? :)) ahihihihih
nakz nice one..maganda xa ha...in all fairness...tsk..good job..
-ram
Ay ngayon ko lang to nabasa. nahuli na ako Idol. marathon ako nito. hehehe. Galing ang chapter 1. Saludo nanaman ako...
ang cute ng start!lakas mang-asar ni claude ha!?haha
so eto pla ang karugtong ng After All!:)
-monty
ang barko po hindi nalulunod. pakiayos naman po. maganda naman ang takbo ng istorya at kaabang-abang.
rhon
Natawa ako sa "hangin boy" hahaha!
Post a Comment