Friday, November 4, 2011

After All Chapter 20

Ito na po ang chapter 20 ng AFTER ALL sana magustuhan nyo. Maraming salamat sa mga taong patuloy na nagbigay ng kanilang komento na sina –


Rover, Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko na), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf), Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Doormouse (ang cute nang pangalan), SF GIANTS, Jayson13, Jhe Ehm, Zenkie, Xndr, Beucharist, Rheinne, Robert_mendoza94@yahoo.com, rstjr029, J.V,  Tam, Fayeng, Dave17, kianTT, Rei, Sherwin, Louie@DXB, Coffee Prince, Cugertz, Jefofotz (jeffrey Paloma, Ram, Cedric, kokey (Ayan ah di ko na nakalimutan isama ka :D), jekxaranza@gmail.com, XNDER, Vinz24, jasper.escamillan, Ian, Ernes aka jun, Isaac, Kuya Nitro (salamat po sa pagcocomment kahit wala na ako sa BOL.), Lance, Gel, Jey, Dark_Nurse, Russ, Vin, Single4life, Gerald, Clyde, Pilyong popoy, CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa mga Anonymous at Silent Readers salamat guys.

Jefofotz – Nagustohan ni kuya nitro ang binigay mo sa aking theme salamat ah.. hihihihi galingan mo sa breakwater mo! :D


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.






Dorwin




Dalawang lingo na ang nakakaraan mula nang umalis si Red sa bahay. Dalawang lingo na rin akong tulala at hindi makapagisip ng matino. Puno nang pagsisisi ang aking nararamdaman sa mga nagawa ko kay Red.


Alam kong sobra kong nasaktan si Red sa pambabaliwala ko sa kanya sa nakalipas na dalawang buwan. Gulong gulo ang aking isip dahil pareho ko silang mahal ni Niel, pareho din nila akong kailangan. Napaka hirap mamili sa dalawang taong nagmamahal sayo. Si Niel na iniwan ang kanyang nobya para lang mapatunayan sa akin na ako pa rin ang mahal nya at si Red na inalay ang buo nyang pagmamahal at pagintindi sa akin.


Hindi parin mawala sa aking isip ang mga huling katagang sinabi nya sa akin. Doon ko lang na realize ang mga sakripisyo nito sa aming relasyon. Oo, aminado ako hindi ko masyadong na appreciate si Red, kahit na hayagan nitong pinapakita ang kanyang damdamin para sa akin sa loob ng isang taon naming pagsasama dahil nangingibabaw parin ang pangungulila ko kay Niel. Pero hindi ko rin maikakailang minahal ko na rin si Red, hindi ko nga lang masiguro kung sapat ba ang pagmamahal na iyon para maging masaya kaming pareho.


Kinabukasan matapos umalis si Red sa bahay ay pinuntahan ako ni Ace at Rome. Galit na galit si Ace sa akin. Naiintindihan ko naman sya matalik nyang kaibigan si Red, ito ang laging tumutulong sa kanila ni Rome tuwing magkakaproblema ang mga ito. Lahat ng mura at paninisi ay tinangap ko alam ko namang bagay lang sa akin iyon. Unang beses kong makita ang galit ni Ace, kung pwedi lang ako nitong patayin ay siguro ginawa na nya.


Humingi ako nang tawad at tulong sa kanya para makausap ko si Red, pero sinabi lang nito na magisip-isip muna ako kung ano ba talaga ang gusto ko at kung ano ba talaga sa akin si Red. Wala akong magawa, malakas ang paninindigan ni Ace na hindi nya hahayaang masaktan ulit ang kaibigan nya.


Dalawang lingo na rin akong hindi nakikipag kita kay Niel. Noong mawala si Red sa bahay ay doon ko napagtanto na mas mahal ko na pala sya kesa kay Niel. Doon ko rin na realize na mali lahat ng naging desisyon ko. Oo, aaminin ko na tukso ako ulit kay Niel at hindi ko naisip na may dalawang tao pala akong masasaktan si Red at si Paulin, ang dalawang taong parehong nagmamahal sa amin ni Niel. Naging selfish ako, hindi ko inalala ang mga kabutihang ginawa ni Red sa akin. Hindi ko na appreciate ang pagmamahal nito sa akin. Nagsisisi ako sobra, napakalaking tanga ko para hayaang masira ang isang taon naming pagsasama.


Totoo pala ang kasabihan. Malalaman mo lang ang halaga nang isang tao kung wala na ito. Lubos akong nangungulila kay Red, ang mga masasarap na luto nito at higit sa lahat ang pakiramdam na may naghihintay sayo paguwi mo nang bahay para salubungin ka nang isang matamis na ngiti. Ang kanyang amoy na nakasanayan ko na tuwing magtatabi kami sa pagtulog. Hindi ako makatulog sa sobrang pangungulila.


Napukaw ang aking malalim na pagiisip nang marinig ko ang malakas na tunog ng aking cellphone. Nang makita ko ang pangalan ng taong tumatawag ngayon sa akin ay napabuntong hininga ako. I guess this is the time for me to make things right. Ang nasabi ko nalang sa aking isip at sinagot ko na ang tawag.


“Hello?” Malungkot kong sabi.


“Hindi naman Niel, busy lang talaga ako.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Dahil ang totoo ginugol ko ang dalawang lingo para makapagisip sinadya kong hindi makipagkita sa kanya.


“Sige, may sasabihin din kasi ako.” Pagsang-ayon ko sa gusto nya.


“Okey, bye.” At agad kong ibinaba ang linya.


Katatapos lang nang huling kaso na hinahawakan ko. Hindi naman ito mahirap kailangan lang ma grant ang annulment ng aking kleyente sa kanyang walang kwentang asawa. Thirty years of being married ay na uwi rin sila sa hiwalayan. Halos kapareho lang ang storya namin, nagsisisi ang babae dahil mali ang napili nyang pakasalan. Tulad ko ay may dalawang tao rin syang minahal ngunit ang pinili nyang pakasalan ay ang taong inakala nyang magpapasaya sa kanya.


“Lor.” Tawag ko sa aking assistant gamit ang telepeno.


Agad itong pumasok sa aking silid.


“Yes, Attorney?”


“Hindi muna ako tatangap ng kleyente. If ever may pumunta o magpaapointment sa akin sabihin mong out of town ako.” Ang bilin ko sa kanya.


“For how long po kayo on leave?” Tanong nito sa akin na halatang nagtataka.


“1 month or two. May aayusin ako at kailangan ko nang sapat na panahon.” Seryoso kong sabi.


“I’m wishing you luck Dorbs. It’s good that finally nakapag desisyon kana.” Nakangiti nitong sabi.


Si Lor o Lorein Cortabista isang matalik kong kaibigan nung high school na ngayon ay sa akin nag tratrabaho bilang assistant dahil sa kawalan ng ma mapapasukan.  Ako ang mismong nagalok sa kanya nang trabaho dahil kailangan nito nang pera para sa kanyang nagiisang anak hindi daw ito pinanagutan ng kanyang boyfriend. Alam nito ang tungkol kay Red at Niel dahil nung minsang maginuman kami ay sa kanya ko naibuhos lahat ng problema ko.


“Thanks lor.” Nakangiti ko nang sabi.


Ngayong natapos ko na ang mga dapat kong tapusin ay sisimulan ko nang ayusin ang lahat. Sapat na ang dalawang lingo para makapag desisyon ako.


Agad kong inayos lahat ng mga gamit ko para makauwi. Gusto kong maligo ulit. I will definitely win him back no matter what it takes. Ang nakangiti kong sabi sabay labas ng opisina.


Nakarating ako sa bahay at agad na tinungo ang banyo. Nang matapos ay tinext ko si Niel na on the way na ako sa resto na napili nito. Nagreply naman ito agad at sinabing nan doon na daw sya.


Dumating ako sa resto at agad kong nakita si Niel na nakaupo sa isang panadalawahang mesa na malayo sa mga tao. Lumapit agad ako rito. Nang makita ako nito ay napatayo ito sa pagkakaupo.


“Buti naman at dumating ka.” Nakangiti nitong wika sa akin.


Akmang bibigyan nya ako nang halik, pero mabilis akong umiwas.


“Niel maraming tao.” Ang sabi ko sa kanya at umupo na. Wala itong nagawa kung hindi ang umupo na rin.


“Nag order na ako nang pagkain, yung mga paborito natin nung college.” Nakangiti nitong sabi. “I’ve heard what happened to you and Red. Tama lang ang ginawa mo now were both single at pwedi na nating ipagpatuloy ang naudlot nating relasyon.” Dagdag wika pa nito na bakas sa mukha ang kaligayahan.


“Niel, h-hindi t-tama ito.” Ang nauutal kong sabi. Hindi ko kasi alam kong paano ko sasabihin ang binabalak kong pagputol sa anumang ugnayan namin noon.


“Ano ang hindi tama Dorbs?” Takang tanong nito.


“Ito, lahat nang ito Niel hindi tama. Akala ko mahal pa rin kita pero nagkamali ako mas mahal ko si Red at sya ang gusto kung makasama habang buhay.” Pagpapaintindi ko sa kanya.


Bumakas ang lungkot sa mga mata nito. Inabot nya ang aking dalawang kamay na nakapatong sa mesa at pinisil-pisil ito.


“No Dorbs, ako ang mahal mo. Kaya kong burahin ang lahat nang ala-ala ni Red. Kaya kitang mahalin higit pa sa pagmamahal nya sayo. Please, all I need is a chance.” Bakas sa mga mata nito ang pagsusumamo.


Natigilan ako. Nawalan ako nang sasabihin siguro dahil kahit papaano ay minahal ko sya.


“Nagmamakaawa ako Dorbs.” Sabi pa nito at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pilit nyang pinipigilan.


“N-Niel..” Hindi ko natapos ang sasabihin ko muli itong nagsalita.


“Just give me one month. Ibabalik ko ang nararamdaman mo sa akin.” Humihikbi nitong sabi.


Muling nagulo ang aking isip. Ang hirap pala pagkaharap mo na ang sitwasyon napaka komplekado, napakagulo. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya ito ang kahinaan ko madali akong maawa at alam kong sira na lahat ng mga plano ko. Namalayan ko nalang na napatango na ako sa kanya.


Bumakas sa mukha nito ang pagasa at galak sa aking naging pagtugon. Muli itong tumayo at yinakap ako nang napakahigpit.


“Maraming salamat Dorbs. Hindi mo pagsisisihan ito pinapangako ko sayo.” Sabi nito sa likod nang paghikbi at hindi pa rin humihiwalay sa pagkakayakap sa akin.


Naramdaman ko nalang na umaagos na rin pala ang luha ko. Luha nang panghihinayang, luha nang pagsisisi at kasawian. Patawarin mo ako Red. Sabi ko sa aking isip.


Natapos kami mag dinner ni Niel na bakas sa mukha nito ang saya. Habang ko ay nasa malalim na pagiisip. Ano na naman ba itong pinasok ko? Naitanong ko sa aking sarili habang papauwi na nang bahay.


__________


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog nang door bell. Hapo ang ulo ay tumayo ako para pagbuksan kong sino mang  asungot na yon na sumira sa wala pang tatlong oras kong tulog. Magdamag akong hindi pinatulog dahil sa kakaisip sa mga susunod na mangyayari. Nadala ako sa aking damdamin at kahit taliwas sa akin ay napilitan akong pagbigyan ang pagkakataong hinihiling ni Niel.


Literal akong napanganga nang mapagbuksan ko ang taong makulit mag-door bell. Nakangiti ito sa akin. Naka shades ito at may dala-dalang malaking backpack na nakasabit sa kanyang kaliwang braso.


“Good morning sweetheart!” Magiliw nitong bati sa akin.


“A-ano ang ginagawa mo dito?” Ang nauutal kong sabi sa kanya sa pagkabigla.


“Ano pa eh di sisimulan ko na ang plano ko na burahin sa puso mo si Red.” Nakangiti nitong sabi.


“Anong ibig mong sabihin?” Nakakunot nuo kong nasambit dahil sa pagkalito.


“Dito na ako titira mula ngayon.” Sabay pasok nito nang bahay. Napasunod nalang ako sa kanya.


Nagpalinga-linga ito animoy sinusuri ang buong lugar.


“Sweetheart bahay ba talaga to? Bakit ang gulo?” Natatawa nitong sabi.


Muling bumalik ang mga ala-ala ni Red sa akin. Dahil si Red naman talaga ang matyagang naglilinis ng bahay tuwing sabado. Ang mga ngiti nito sa akin habang pinapanuod ko syang pakanta kantang nagwawalis, ang mga ka pilyuhan nito tuwing mababaling ang tingin ko sa mga butil butil na pawis nito sa kanyang dibdib.


“Sweetheart bakit natahimik ka bigla?” Pagbasag ni Niel sa aking biglang pananahimik.


“W-wala. A-ano kasi… uhmm.. Pasensya na kung magulo ang bahay wala akong time maglinis.” Sabi ko rito na pilit binuo ang mga salita.


“Kumuha nalang tayo nang katulong, ako bahala magbayad.” Tugon nito habang inilalagay ang malaking backpack sa sofa.


“Ayaw ko nang may katulong. Ako nalang maglilinis mamaya.” Ang aking sabi at tinungo kusina para mag mumog.


Sumunod naman ito sa akin.


“Bakit ayaw mo?” Talagang makulit itong si Niel tulad ni Red, pero si Red pagsinabi kong ayaw ko hindi na ito nagtatanong pa.


“Ayaw ko lang.” Sagot ko sa kanya matapos makapaghilamos at makapag mumog.


Kinalikot ko ang laman ng ref para maghanap ng pweding lutuin para sa agahan namin ni Niel. Habang hinahintay ma defrost ang tocino ay gumawa naman ako nang kape sa coffee maker.


“Alam mo na palang magluto ngayon?” Ang sabi nito.


“Tinuruan ako ni Red magluto.” Simpleng tugon ko sa kanya.


Naramdaman ko nalang ang pagbalot nito nang kanyang mga kamay sa aking bewang mula sa aking likuran.


“Thank you for the second chance.” Ang pabulong nitong sabi sa aking tenga at hinalik-halikan ang aking batok.


Humarap ako sa kanya at bahagyang lumayo binigyan ko sya ng isang ngiti. Hindi ko alam pero parang kulang, iba ang hinahanap na yakap at halik ng katawan ko.


“Manuod ka nalang muna nang t.v sa sala habang naghahanda ako nang breakfast natin.” Simpleng pagtaboy ko sa kanya. Ayaw kong mauwi pa sa kung saan ang mga damping halik nyang yon. Sumunod naman ito sa akin.


Natapos kaming kumain ni Niel na walang masyadong naganap na usapan. Hindi tulad ni Red na puno kami nang harutan tuwing kumakain ng agahan bago sya matulog. Naglinis ako nang bahay at naglaba tulad ng ginagawa ni Red noon. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano pala kahirap ang mga ginagawa ni Red pero nakukuha nya paring pagsabay-sabayin ang paglalaba at paglilinis nang buong bahay.


Si Niel naman ay nang matapos makapag breakfast ay nagpaalam na sasaglit muna sya sa kanyang clinic dahil may nakaschedule sya ngayong pasyente. Babalik daw sya before dinner at sabay kaming kakain.


Nang matapos makapaglinis at makapag laba ay tinungo ko naman ang kwarto para magpahinga. Ang bigat ng pakiramdam ko hindi pa rin mawala sa aking isipan si Red. Kahit saang sulok ako tumingin ay lagi ko syang naaalala. Nakadapa akong nakahiga sa kama pilit binabalikan ang masasayang ala-ala namin ni Red.


Life is so ironic nung una gustong gusto kong marinig ang mga salitang mahal kita kay Niel na dahilan para panabikan ko iyon kaya naman ipinagdamot ko kay Red ang mga salitang iyon kahit alam ko sa puso ko na mahal ko na rin sya. Bakit ngayon kung kelan lagi na itong sinasabi sa akin ni Niel ay hindi ko magawang maging masaya? Bakit ngayon na kasama ko na sya hindi ko magawang ngumiti nang totoo tulad nang mga ngiti ko tuwing nakikita ko si Red sa pagising ko na mahimbing nanatutulog at bakas sa mukha ang kapanatagan kahit itinakwil ito nang kanyang ina? Nagkamali ba ako nang nararamdaman ko noon kay Niel? Minahal ko ba talaga sya?


Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dala nang pagod. Nagising nalang ako nang maramdaman ko ang isang halik sa aking labi.


“Red?” Ang pupungas-pungas ko pang sabi.


Nang masanay ang mata ko sa liwanag ay nakaramdam ako nang pagkadismaya nang makita ko si Niel. Nakasando na ito at boxer halatang nakapag palit na. Malungkot ang mga mata nito na nakatingin sa akin.


“Sorry.” Ang nasabi ko nalang.


Ngumiti ito nang pilit.


“Okey lang yon. Pasasaan bat makakalimutan mo rin sya.” Ang wika nito sa mahinang boses kasabay nang paghaplos nito sa mukha ko.


“Anong oras na ba? Kumain kana?” Ang pagiiba ko nang usapan at dahan-dahang tumayo para makapaghanda.


“7pm. Mukhang napagod ka sa paglilinis ah.” Nakangiti nitong sabi.


“Oo nga eh. Teka maghahanda lang ako nang makakain natin. Kanina ka pa ba?” Ang sabi ko at tinungo ang banyo para makapaghilamos ulit.


“Mga 5:30 ang dami kasing naka scheduled kanina. Wag kanang magabalang magluto bumili ako nang pizza at maraming coke para sa dinner natin.”


“Hala, bakit di mo ko ginising?”


“Wala lang. Masarap ka kasing tingnan habang tulog.” At ngumiti ito nang ubod nang tamis.


Sa sinabi nya ay bigla akong natigilan. Lagi kasi iyon ang sinasabi ni Red sa akin tuwing mauuna itong magising. Agad kong kinuha ang tuwalya at ipinahid yon sa aking mukha hindi dahil basa ito kung hindi dahil may tumulong luha sa aking mata.


Naghapunan kami ni Niel. Marami itong ikinuwento sa akin noong umalis sya papuntang Canda. Ikinuwento rin nito sa akin kung gaano ka galit ang mga magulang nya sa ginawa nyang pagatras sa kasal nila ni Pauline. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya at sa tuwing kailangan ng pagtugon mula sa akin ay isang ngiti ang ibinibigay ko.


__________


“Nakikinig ka ba?” Pukaw ni Ate Claire sa akin. Hindi pa rin mawala sa aking isip si Red habang tumatagal ay tumitindi ang pangungulila ko sa kanya.


Magiisang lingo nang sa akin nakatira si Niel. Kahit hindi nya hayagang sinasabi na gusto nyang may mangyari sa amin ay nararamdaman ko naman ang panunukso nito. Nariyan ang tatabi ito sa akin na nakabrief lang o kung hindi man ay lalabas ito nang banyo na walang kahit anong saplot. Pero kahit maganda ang katawan at kahit malaki ang sandata nito hindi ko pa rin makuhang ma tukso sa kanya tulad nang pagkatukso ko kay Red kahit na nakadamit pa ito. Iba pa rin ang epekto ni Red sa katawan ko sa kanya ko lang naramdaman ang matinding libog at pagnanasa.


“A-ah pasensya na. Ano nga ulit yon?” Pagpapaumanhin ko sa aking pinsan na ngayon ay nakataas na ang isang kilay.


“Kaloka ka! ang haba haba na nang speech ko wala ka palang naintindihan?” Maarte nitong wika na sinamahan pa nang pagkampay-kampay ng kanyang dalawang kamay.


“Sorry.” Pagpapaumanhin ko sa kanya.


“Look Dorbs, It’s so obvious hindi mo na sya mahal. Why don’t you let it go hindi sya ang taong magpapasaya sayo. Yeah, yummy si Niel but mas yummy si papa Red at mahal ka pa. Ikaw lang naman tong maraming ka artehang nalalaman eh. Kesyo naawa ka sa tao, na ayaw mo syang saktan. BULLSHIT! Don’t you think na sobra kanang nagsasakripisyo? At kasama mo pang isinakripisyo si Red at si Ace.” Mahaba nitong sermon sa akin.


“Hindi ganun ka dali yon Ate.” Malungkot kong sabi sa kanya.


“Kasi ginawa mong kumplikado ang sitwasyon Dorbs. You have Red na tunay na nagmamahal sayo alam ko yon dahil nakita ko yon sa loob ng isang taon nyong pagsasama. Pero anong ginawa mo?” Pagpapatuloy nito sa pagngangaral sa akin.


“Ate kailangan ako ni Niel. Hindi ko sya pweding basta basta nalang iwan.” Bakas sa aking boses ang hirap.


“Kailangan ka rin ni Red tulad ng pangangailangan mo sa kanya noon.” Malalim nitong sabi.


Nakuha ko ang ibig sabihin ni Ate Claire. Tama sya, noon kinailangan ko si Red para may tao akong masandalan sa panahong nagiisa ako sa buhay. Si Red ang nagbigay kulay ng mundo ko pero anong ginawa ko? Ano bang nagawa ko?


“Ayusin mo na yan Dorbs wag mong hintayin na tuluyang mawala ang damdamin sayo ni Red.”


Sa sinabing iyon ni Ate Claire ay nakaramdam ako nang takot at pangangamba. Hindi man ma absorb masyado nang utak ko lahat ng sinabi ni Ate Claire ay alam kong may punto sya.






Itutuloy:


51 comments:

Light said...

Kabitin :))

Ross Magno said...

YES...Chapter 20 na...

Unknown said...

naku nakakainis din kay dorwin .. anu yun nasa state of shock pa sya.. naku .....
hahaha

Zildjian said...

Light - wow ang bilis mo namang mag basa lol.. :D


Ross Magno - hehehe happy reading :)


Mikimer Araneta - Oh bakit ka na iinis? Ang hirap din kaya nang kalagayan ni Dorbs..

Anonymous said...

omg. ang tanga naman ni dorwin. kawawa na naman si red. hays. akin ka na lang red. lol

rei

Ross Magno said...

Sadyang napagod na siguro ang puso ni Dorwin at nagsawa na sa paghihintay kay Neil.
Sana handa pa rin siyang tanggapin ni Red.

Billygar said...

Naiinis talaga ako kay Dorbs. Bakit ganon ka Dorbs.. Bakit sinasaktan mo si papa red.:) Akala ko aayusin mo na lahat ang iyong pagkakamali. haaayy. talaga naman. nadadala ako sa mga linya ni Author Z. Ang galing...Sana sana next chapter makapagisip na si dorwin kung sino talaga ang mahal nya.

RJ said...

awts bitin :( hehe

sa totoo lang Z, mas gusto ko mabasa yung POV ni Red hehehe..pero okay na rin to. mukhang transition chapter to e, ewan ko lang kung ano na gagawin ni dorwin ngayon

hehe naaawa talaga ko kay Red..sana POV na niya ulit yung next chapter :D

keep it up sir :) ingatz

Anonymous said...

how can you love someone out of pity? how can you let someone lets you swallow your pride because of pity? pity are for those people living in darfur, with nothing to eat and are dying. do not pity those who ask for it and are able, give pity to those who are in need! love is not love out of pity...it's just fooling ones self! Dorwin should take a dose of courage, he needs it, before its too late!

thanks zildjian...very nice chapter :) seems that After All is near its ending? sayang naman kung mag e-end na sya...ganda pa man din ng chemistry ni red at dorwin! hehe

-tristfire

roman ( roohmen ) said...

KULANG AKO KUNG WALA KA ! PAK NA PAK LANG TALAGA :)
SUS SANA, SANA WAG MANGYARI SA AKING 'TO. I MAKE SURE AND 5 YEARS NA NATITIRA SA 'KIN AY PURO FUN FUN LANG !

Anonymous said...

nabitin akoooooo... pero mahirap ung sitwasyon ni Dorbs.

ged

Zildjian said...

R.J - babalik din tayo dyan. hayaan muna natin si Dorbs mag kwento nang makabawi naman si Red.. nyahahaha


Tristfire - I strongly agree with you.. Pero minsan doon natin nalalaman kung ano ba talaga ang gusto natin pag nasa sitwasyon na tayo.

Roman - Ahihihihihi... :D pak na pak talaga eh noh.. :)

Ged - At muli kang nagbalik! welcome aboard!!!

Anonymous said...

Minsan akala natin, mahal pa rin natin ang taong nagpaluha, nang-iwan at hindi kailanman ipinaglaban ang pag-iibigan. tapos pag bumalik, at sabihin lang na mahal k nya at he needs you at this time, nawala agad sa puso at isip namin ang taong minsan umalalay at nagpasigla muli ng ating puso.... hate ko dito si dorwin sa chapter na to...

---------ISAAC------------------

Pink 5ive said...

Thanks Zild! :-)

Anonymous said...

,,,wala na akung masabi,,,sana hindi pa huli para sa kanilang dalawa,,,,(Red and Dorwin)....kakalungkot Mr.Author,,,alam ko naman na ramdam mo iyan,,,,I'm so very sad,,,this time,,,,Ingatzzzz

Beucharist

Ross Magno said...

Ang nararamdaman na lang ni Dorwin kay Neil ay awa.
But still Neil is a big part of Dorwin's life, mahalaga pa rin siya dahil minsan niya itong inibig.

He can't let go of Neil that easily because Neil still loves and need him.

Mahirap tanggihan ang pagmamahal ng isang tao kapag nakakaramdam ka ng awa dito.
Lalo na kung ang taong ito ay malapit sa'yo at minsan naging kasama mo sa pagbuo ng mga pangarap at naging parte na rin ng iyong buhay at pagkatao.

Sabi nga nila once umibig ang isang tao parang inaalay nila ang bahagi ng sarili nila...or they give a part of themselves to the person they love.

Para itong nagiging bahagi ng kanilang katawan.
Kaya lubhang masakit once nawala ang taong iniibig nila dahil kailangan nang tanggalin ang parte na ito sa kanilang katawan.

May tinatawag ding "Phantom limb", eto yung pakiramdam ng isang tao sa parte ng katawan nila na matagal ng nawala pero they can still feel the 'pain' from it and thought it is still part of them.
But the truth is, it was lost a long time ago.

I think Dorwin felt the same thing toward Neil. Neil is just a "Phantom limb".
he WAS once part of Dorwin's life.
And Dorwin's mistaken it for love.
There must be still love left but not that intense.
Maybe a love for a friend and that's all.

Malaking factor din ang awa...

I think tapos na si Dorwin sa "State of Shock" nasa "state of confusion" na siya at malapit na sa "State of Realization".




Go, go RedWin...hehe

Anonymous said...

ang boring ng chapter na to

Zildjian said...

Isaac - Hindi natin masisisi si Dorwin dahil ganyan naman tayong magmahal di ba? Sa sobrang attached natin sa past natin ay di na natin nakikita ang mga taong binibigay ang lahat para lang mapasaya tayo. It is a lesson for everybody. :D

Great Pink 5ive - kinabahan ako akala ko epic fail ang i-tatype mo. :D

Beucharist - Maski ako nalulungkot sa ginawa ko kaya okey lang yan.. HEHEHEHE

Ross Magno - I agree with you..kapag may awa tayong nararamdaman sa isang tao nasisira lahat ng plano natin. :D oh and i like the term "phantom limb" ichechek ko yan! :D

Anonymous said...

salamat zildjian sa update mo. wala kaong maisip na comment sa chapter 20 eh... anyway im looking forward in your next chapter...

rstjr029

Anonymous said...

kawawang Red...

kainis ka Z, 20 chapters na at lagi mo nalang ginawang kaawaawa si Red! LOL

pero thumbs up na thumbs up talaga ako sa story... type ko toh, yung sobrang martyr ng protagonist, pero napakastrong pa rin ng character niya.

kung may Red sa totoong buhay, dapat siyang makatanggap ng Nobel Peace Prize! hahahaha

-rover:D

SF GIANTS said...

yun ohhh...next chapter na.... ng bitin ka nnmn zi.... kawawa nmn si red...but i think wala ng mangyayari...ksi pinakawalan na ni red si dorbs with all his heart...pero i know one day magiging okay din sila ni dorbs maybe hindi as partners....but as friends....and one thing for dorbs....kik neil's ass paalisin mo sya sa haus mo...its not ryt...and ung mga damit ni red ehh nasa bahay mo pa ........ i was hoping that you will win him back......buti na lng fiction lng tong story na to...ksi kung real life toh...i will talk to neil face to face....and tell him to back off...nagalit na nga pamilya nya sa kanya dahil hindi nya tinuloy ang pag papakasal nya....and ang mas nakakaawa dto ehh si dorbs dahil pag nalaman ng pamilya ni neil un....ehh mag kakagulo sila..dorbs habang hindi pa naman siguro too late...kausapin mo na si neil and tell him na hindi mo na sya mahal...


wag ipangibabaw ang AWA....kung ano ang sinasabi ng puso mo un ang gawin mo...ksi ung utak lang naman natin ang nag sasabi na naaawa tayo sa tao..pero iba ang ang sinasabi ng puso natin...


to the author...galing mo talaga....ngbitin ka nanaman.....kainis..hehehee...so thanks again for a beautiful chapter kahit bitin...lolz...ingat..

Jayzon13 said...

wew.! ewan ko sau Dorwin. haha!

next chapter please. :)

j.v said...

Wahahaha ang dami na agad nag comment ah..

Hmmmmp ang hirap naman nun,, wala akong maipaliwanag o maipayo kay dorwin hysss ge ito nalang attorny kaya mo yan solve it na.. Hahahaha yan nlng. Gaya ng sinabi ni ate claire yun nlng...

Anonymous said...

clyde po


sabi ko na..andito na..papunta na ito sa paghahabol na gagawin ni dorbs kay red.kawawa si neil.balik nalang siya kay paulin.kawawa naman si neil kung magpapakamartyr ito.kuya zild gawan mo yan ng paraan.update ka agad

kuya moments ng ace at rome.gusto ko sila ulit yung may big twist na mangyayari sa kanilang lahat na after maresolve tung kay dorbs is kay ace ulit.wahahah..wala lang..i have this thing kasi about sa mga first and original characters na nagstistick talaga ang pagkawili ko sa kanila although maganda rin yung moments ng DOREDlove...haahhah

Anonymous said...

si Mr.Author,,,,puro kalokohan sa kanyang comment sa akin,,,hindi na naging seryoso,,,,huhuhu!!! kung sa bagay,,,,abangan ko ulit next chapter,,,,Monday ba ulit yun?

Beucharist

Zildjian said...

Salamat sa mga comment nyo guys ah.. Hayaan nyo sa susunod gagawin ko ang lahat di lang kayo mabitin.. hahaha

FAYENG said...

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa kabitin nga.... pero KUDOS pa rin sa author na masipag at may tyagang sumulat nito....... :D

Unknown said...

Ang galing ng POV ni Ross Magno.Hahaha..may tama ka.Hindi basta basta maaalis niya si Niel sa buhay niya. Kailangan niya lang na maintindihan na ang awa ay iba sa mahal.

Kung nagmamahal ka dahil lang sa awa hindi iyon sapat para masabi mong totoo kang nagmamahal.Gusto q rin naman malaman ang POV ni Red.Abangan ko na lang next update mo.

Anonymous said...

grabe nakakabitin :(

khief blue said...

Anong feeling ng minamahal? ;)

jey said...

grabe nangyayari sakin ngaun to... weird...

thanks zildjian sa update.

zenki said...

hunga naman dorbs mag isip isip ka na....

ano na kaya ang ginagawa ni red....

tnx mr. author

dada said...

Good morning "Z".....mwahugz na miss ko mag koment hehehe....sowi now lang uyt napadaan s blog m we dami kong na miss n chapters...mejo busy kc this past 2 weeks..wew...naaazar aq kay dorwin...red does'nt deserves those treatments!!!!!... God Bless!!!

Anonymous said...

Nice job Zildjz... Hindi ko alam kung matatawa ba ko nung binabasa ko ung Chapter 20 mo he.he.he parang pinagdaanan ko na yan ah...

oooppppsss.... silent reader mo na lang uli ako ha? basta alam mo naman na binibisita kita...


Kuya Nitro

Migz said...

I knew, Dorwin really is a confused man that he cannot even decide for what is best for him.. Lawyer pa man din siya yet he cannot fully rationalize the things happening in his life, too bad that he cannot even tell Niel that they need to go oseparate ways, or perhaps he does not really love Red kaya he cannot let go of Niel.. Whatever though,i still find him stupid (sorry for the language, but that is how i felt when i was reading the story) and coward for he cannot fight for what is right (if we try to believena he is in love nga kay Red).. Perhaps, di naman talaga siya in love kay Red, nanghihinayang lang siguro kaya hanggang doon lang ang kaya ng resistance over sa mga wishes ni Niel.. Anyway, i still pity Red.. Sana give him na lang a different love interest na para sa kanya talaga para naman maging masaya ang buhay niya..

Ernes_aka_jun said...

awts.... bitin na bitin... hahaha.. kasura si dorwin... paawa epek pa... haist,,, maya nakamove on na si red tsk... tragic na...

Anonymous said...

Kawawa nmn c dorbs ..
Nakakatakot magmahal hahahha ..

Mahal mo na pla pero d mo napapancn..
Hay buhay nga nmn parang status its so complicated ..

An kungkot ko tuloy mr author hehehe
Nakakahawa si dorbs hehehe

..vin..

Zildjian said...

Maraming salamat sa walang sawa niyong pagsuporta guys... malapit na tayo sa pagtatapos nito konti nalang.. :D

Anonymous said...

I just so hate Dorwin's wrong doing. Eventhough he has this tough exterior, he ain't got no balls to save his love story with Red. Hmpf!! Ambilis naman matapos ng story Z? =(
-icy-

Zildjian said...

Icy - sorry po hindi na kasi maganda kong masyado pa xang papahabain magiging dragging po ang dating.. yaan nyo babawi ako sa susunod na gagawin ko :)

Anonymous said...

awtz...nasa huli talaga ang pag sisisi...un ang summary ng chapter na to..hahaha

-ram

Anonymous said...

this chapter is full of stupidity! if dorwin really love red, he wouldn't prolong the agony of what's red been going through now! if pity is the basis of dorwin's decision...then why can't he give it to red! i don't believe that pity has a great role in a relationship...the more you pity your partner the more you lose your love for him-and that's what's happening bet dorwin and neil! why give a chance to a person you knew in the first place that you don't love anymore? and why can't that person accept the reality that the person he loves doesn't love him anymore? is dorwin still wishing to bring back what he and neil had before and that's why he gave him a another chance? and if that's the case...dorwin doesn't love red! dorwin only loves himself...he's such a lowly coward! at tama si migs, he said it all! naturingan pa man ding lawyer si dorwin! hindi nya kayang magdecide para sa sarili nya...isa syang attorney pulpol and at the same time a CHEATER who doesn't deserve a second chance! ituring ba namang fuck buddy lang si red for a year...hay nako, isang napakalaking LOOSER ni DORWIN at the same time again, USER!!!

Anonymous said...

nakakatuwa naman. parang may fan's club... "REDWIN". love it!!!! - ponsy

russ said...

di ba pwde unli nalang ito? kasi ang tipid hehehe bilis po author..sing bilis ng pagtype ko now..

Zildjian said...

Maybe Dorwin needs to be in the situation in order for him to realize what he wants. It's not that easy to decide if the situation is between ur past needing you and your present which is ur happeness.. Red suffers a lot but we haven't yet to know what Dorwin had gone through before.. Hintayin natin ang chapter 21 guys maybe maiiba ang tingin nyo sa kanya..

Anonymous said...

Dave17 x0brang inis at kbd3p c d0rwin
xna umalis n c neil,x0bra aq nxxktan 4Red
xna tlgang mtauhan n c d0rwin n c Red tlga mhal nya,bgo mahuli ang lhat,c Red n gnwa lhat 4Him haix,nxt n p0h

wizlovezchiz said...

naks! akala ko ba epic fail? Maganda maganda maganda pero yung side ni Dorwin ha? :)

mcfrancis said...

ayaw ko talaga kay Niel basta ayaw ko lang sa kanya

Anonymous said...

huhu... very nice author...kala ko wala ng iyakan..huhu

-jojie

Anonymous said...

alam kong mahirap din yun sa posisyon ni Neil na hindi magpakasal. . . and i admire him for that!!


pero hindi naman nakadepend dun na dapat piliin na sya ni Dorwin. . . dapat hindi na patagalin pa ni Dorwin kung ano mang meron sila ni Neil dahil tama si ate Claire "ayusin na bago pa mawala yung nararamdaman ni Red for HIM"

lance. . .

Anonymous said...

yey!!buti nlng c red pa rin ang nasa puso ni dorbs!!:)

haist,,cguro talagang ganun..minsan kailangan munang me masaktan para mas marealize natin ang mga bagay-bagay...go Dorbs!!please win red back again.^^

-monty

Post a Comment