by: Zildjian
email: zildjianstories.blogspot.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/
Ito na po ang Chapter 7 ng 9 mornings na delayed lang ako nang isang araw kasi medyo na busy lang. Sana po ay magustuhan nyo ang Chapter na ito at sana hindi kayo mabitin. Ingatz tayo lagi. Zildjian
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno,
Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III, Kristoffshaun,
Allure, Ice, Rue, Billygard, Andy at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at
Silent Readers sa walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.
Anonymous – Updated pa rin po ang blog ko at same schedule pa rin po ako nang posting kaso nga lang medyo naging busy sa nakaraang mga araw kaya na dedelay ako nang konte pero isang araw lang naman..
Andy - Tulad po nang request mo na lagyan ng line ang past at present para hindi po kayo malito ay ginawa ko na po sana ay maging maayus ang iyong pagbabasa at WELCOME sa blog ko.
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works
are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and
requests that in any use of this material that my rights are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Nasa loob na ako nang aking bahay hindi pa rin maintindihan
ang patuloy na pagbabalik ng mga ala-ala nang nakaraan. Kahit ilang taon na ang
lumipas ay heto’t parang video pa ring umaandar sa aking utak ang mga nangyari.
Para bang sinasadya ko itong maalala na hindi naman talaga dahil kusa nalang
itong bumabalik sa akin.
Pabagsak akong naupo sa sofa walang lakas at napatingala sa
kisame nang aking bahay. Ano ba itong
nangyayari sa akin? Ang naitanong ko nang pabulong sa aking sarili.
Gulong-gulo ang aking isip sa mga nangyayari kung bakit hindi ko pa rin matakasan
ang nakaraan. Totoo, may pananabik akong makitang muli si Claude, ito ba ang
dahilan kung bakit kusang bumabalik ang mga ala-ala ko sa nakaraan? Hindi pa ba
nakakalimutan ng puso ko ang pagmamahal ko noon sa kanya, hindi pa ba ako
nadala?
Mabigat ang katawang tinungo ko ang kusina at nag timpla
nang kape. Inaantok ang katawan ko pero ang isip ko ay ayaw pang matulog. Nang
matapos makapagtimpla ay muli akong bumalik sa sofa at nag patugtog. In-on ang
component ko gusto kong mag relax para ma ibsan ang bigat na nararamdaman ko sa
di malamang dahilan.
Past
“Laurence! Laurence!” Napabalikwas ako
sa malakas na pagkatok ni mama sa pintuan ng aking kwarto. Pupungas-pungas
akong tumayo.
“Bakit ma? Sabado ngayon ah!” Ang asik
ko sa pagkairita dahil sabado at lingo na nga lang ako nakakapag pahinga
gagambalain pa nya.
“Alam kong sabado ngayon” Ang
mahinahon nitong tugon. “Kaya kita ginising dahil may bisita ka.” Ang sabi pa
nito na ikinapagtaka ko. Maliban kasi kay Ralf wala nang ibang tao ang
nangangahas na dumalaw sa akin sa bahay tuwing ganitong walang pasok.
“Sino?” Bahagya akong napakunot, wala
naman kaming usapan ngayon ni Ralf na magkikita.
“Kaibigan mo.” Ang maikli naman nitong
tugon na nagpaasar sa akin.
“Sino ngang kaibigan ma?” May halong
yamot na pangungulit ko sa kanya.
“Ang dami mong tanong! Bumaba ka na nga
lang nang masagot ang mga yan.” Pikon rin nitong sabi na ikinakamot ko nalang
sa aking ulo.
Magulo ang buhok na sumunod ako kay mama
pababa para tingnan kong sino ang taong sinasabi ni mama na kaibigan ko pero
bago pa man ako maka baba nang tuluyan ay napapanganga nalang ako nang makita ko
si Claude na naka tayo malapit sa hagdanan at nakatingalang nakangiti sa akin.
“Good morning.” Magiliw nitong bati.
“Claude?” Ang di ko makapaniwalang
naisambit na bigla ako sa di inaasahang pagbisita nya sa bahay. Ang gwapo nito
sa suot na t-shirt na puti na may nakasulat na hang ten at board short na black
na may disenyo naman na tribal at naka tsinelas lang ito. Ang cool nitong
tingnan sa pambahay na porma nya.
Para akong namamalikmata na di ko
mawari napapikit-pikit pa ako nang ilang ulit bago tuluyang makapanilwala na
totoo ang nakikita ko sa mga oras na iyon..
“A-Ano ang ginagawa mo rito, di ba may
klase ka?” Ang naitanong ko nalang nang makabawi sa pagkabigla.
“Nag absent ang prof namin dahil kasal
ng anak nya ngayon eh sya lang naman ang klase namin sa araw na ito.” Nakangiti
nitong tugon na labas ang nagiisang beloy nito sa kanang pisngi.
“Oh, iho siguraduhin mong uuwi kayo
bukas ah.” Pagsabat naman ni mama sa usapan namin. Napalingon ako sa kanya na
may nagtatanong na tingin at nang wala akong makuhang sagot ay bumaling naman
ako kay Claude.
“Bukas? Tayo?” Ang sunod sunod kong
tanong gamit ang di makapaniwalang tinig.
“Tutal satuday naman ngayon at lingo
bukas naisipan namin nina Ralf at Mike na mag beach.” Simple at nakangiti
nitong tugon bakas sa mukha ang excitement.
Napalingon ako ulit kay mama at nakuha
naman agad nito ang nasaisip ko.
“Sumama kana sa kanila para naman
paminsan-minsan makagala ka baka sabihin mong kinukulong kita dito sa bahay.”
Sabi nito sa akin. “Basta Claude iho, siguraduhin mong buo mong ibabalik yang
anak ko sa akin ha.” May pagbabanta nitong baling kay Claude.
“Opo tita don’t worry safe naman po
ang resort na pupuntahan namin.” May galang nitong pagninigurado kay mama.
Nasa kwarto na ako at nag hahanda nang
mga gamit na dadalhin ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinayagan ako ni
mama na mag over night at sa beach pa. Si mama ang tipong hindi basta-basta papayag
hanggat hindi nito nakikita mismo nang sarili nyang mga mata ang lugar na safe
iyon para sa akin. Ganun ka stage mother ang mama ko.
Matapos makakuha nang tatlong damit at
shorts ay bumaba na ako nang hagdan para tunguin ang sala kung saan naghihintay
si Claude. Nag aatubili man ay may konting excitement akong nararamdaman
matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakakita nang dagat isama mo pa na ito
ang first time kong mag over night sa ibang lugar.
“Sigurado ka bang kasama natin sina
Mike at Ralf?” May pagsusupetsya kong tanong sa kanya.
“Yep, dadaanan natin sila sa bahay
nina Mike doon sila maghihintay sa atin. So, you ready?” Magiliw nitong sabi
may kung ano sa mga mata nito na ngayon ko palang nakita.
Tango ang naging tugon ko sa kanya.
“Ma, aalis na po kami.” Pagpapaalam ko
sa aking ina.
“Magiingat kayo doon ha.”
“Wag po kayong magalala tita ako po
ang bahala kay Lance.” Tugon naman ni gago na sa akin pa talaga naka tingin.
Habang nasa daan ay naka full volume
ang player ng kotse ni Claude. Sinasabay-sabayan naman ni loko ang nakakabingig
tugtog mahilig kasi ito sa mga metal na kanta yung tipong masakit na sa tenga.
Inabot ko ang player at hininaan ang volume nito. Napatingin naman sya sa akin.
“Ayaw mo sa mga kanta ko?”
“Masyadong malakas at masakit sa
tenga.” Sagot ko naman. Di ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para
pakialaman sya noong una kasi takot na takot ako sa kanya na halos every time
na magtatagpo ang aming landas ay gusto ko nalang mawala na parang bula.
“Pasensya na.” Sabi nalang nito at
pinatay na nang tuluyan ang player.
Medyo nakaramdam naman ako nang guilt
sa ginawa ko kung tutuusin wala naman akong pakialam kung anong kanta ang
papatugtugin nya, sasakyan nya naman yon. Hindi nalang ako umimik at ibinalik
nalang muli ang aking tingin sa bintana.
Ilang minuto pa ang nakalipas at
narating na namin ang bahay nila Mike. Ito ang unang pagkakataon na makita ito.
Maganda, maaliwalas at mukhang alagang alaga ang mga bulaklak sa garden.
Bumusina si Claude ng dalawang beses at ilang segundo pa ay lumabas na ang
dalawang magkasintahan na parehong naka shades. Gaya namin ni Claude naka
t-shirt at shorts lang ito. Si mike ay may bitbit na malaking bag na hugis
hotdog at si Ralf naman ay naka backpack.
“Ano tol, nakahiram ka ba?” Bungad ni
Claude kay Mike.
“Oo tol, ito nga eh. Buti nalang
gising na pinsan ko.” Tugon nito. “Hi Lance morning.” Bati nito sa akin nang
makita ako sa front seat.
“Tol, tulungan mo naman ako sa iba
pang dadalhin.” Ang sabi ni Mike sabay lakad nito pabalik sa loob.
“Dito ka na muna okey? Tulungan ko
lang sa Mike.” Tango ang isinagot ko sa kanya.
Nang lumabas sila ay may bitbit na
silang cooler nakapatong doon ang isang kalan na parang ginagamit ng mga
fishball vendors. Tamang tama para sa isang over night.
“Marami tayong paguusapan later
pinsan.” Ang nakangiting sabi ni Ralf nang makapasok ito sa sasakyan. Ngiting
nahihiya ang tanging naging pagtugon ko sa kanya.
Akmang baba na sana ako para pumuwesto
sa likod dahil ang akala ko sila Mike at Claude ang magtatabi nang pigilan ako
ni Claude.
“San ka pupunta?”
“Tatabi kay Ralf.” Simpleng tugon ko
sa kanya.
“Dito ka lang si Ralf at Mike sa
likod.”
“Oo nga pinsan dyan ka lang, dito kami
ni babe sa likod para makapag labing labing pa kami.” Ang kinikilig naman na
wika ni Ralf.
“Tol, lagay mo na sa compartment yang
tent para magkasya kayong dalawa dyan.” Sabi ni Claude. Tumalima naman agad si
Mike at inilagay ang malaking bag na tent pala ang laman sa compartment ng
kotse.
Nang makabalik at makaupo na ito.
“Grocery time!” Ang wika nito.
Agad na ngang pinaandar ni Claude ang
makina nang sasakyan at tinungo ang daan sa isang malapit na grocery store.
Busy ang dalawang love birds sa paglalampungan para bang sabik na sabik ang
dalawa sa isa’t isa habang ako naman ay tamihik lang na nakatingin sa bintana
nakakahiya kasi kung mahuhuli nila akong nakatingin sa kanila baka ma kantyawan
pa akong naiingit.
Marami kaming binili para daw iyon sa
mga kakainin namin sa resort na pupuntahan namin. Nariyan ang mga delata,
malalaking finger foods, marshmallow, at kung anu-ano pa syempre dahil mga
sunog baga bumili rin sila nang limang
kahang Marlboro, dalawang kahang Red Horse at ice.
Medyo malayo-layo rin ang pupuntahan
naming resort mga isang oras at kalahati daw ang bubuuhin para marating ang
lugar. Libang na libang naman ako sa pagmamasid sa paligid dahil bago ito sa
aking paningin hindi kasi ako ang tipong gala.
“Tol, music naman dyan.” Ang sabi ni
Mike.
“Maiingay ang laman ng usb ko yung mp3
player ko nasa loob ng bag eh.” Tugon naman nito.
“Itong sa akin nalang.” Presenta naman
ni Ralf.
Agad na ikinabit naman ni Claude ang
mp3 ni Ralf gamit ang isa nyang kamay. Si Ralf na ang pumili nang playlist.
Doon na nagsimula ang harutan at tukaan ng dalawa sa likod namin. Napapailing
nalang ako sa kanila hindi dahil sa pandidiri kung hindi sa pagkainggit. Si
Claude naman ay panay ang ngiti at kindat sa akin tuwing magsasalobong ang aming
tingin. Dahil sa nakakaramdam ako nang pagiinit ng aking magkabilang pisngi ay
agad akong bumabawi nang tingin.
Nang lumiko kami pakaliwa at pumasok
sa isang hindi simentadong daan ay doon ko na nalaman na malapit na kami sa aming
destinasyon. Kita ko ang malalagong puno nang niyog sa magkabilang kalsada.
Bakas ang tuwa sa king mukha habang pinagmamasdan ito. Nagpaalam ako kay Claude
na kung pwedi buksan ko ang bintana sa gawi ko para malanghap ang preskong
hangin. Agad naman itong tumango sa akin na nakangiti.
Kita ko ang bahay na gawa sa kawayan,
ang mga batang masyang nalalaro na napatigil nang matanaw ang aming sasakyan
ang mga iba’t ibang kulay ng ibon na ngayon ko palang nakita.
“Na-enjoy mo ba ang lugar?” Tanong sa
akin ni Claude. Iniwan ko muna saglit ang mga magagandang tanawin na iyon,
ibinaling ko ang aking tingin kay Claude at binigyan sya nang isang napakatamis
na ngiti.
“Mabuti naman.” Ang nasabi nalang
nito.
Nang maibaling ko ang aking tingin sa
mga taong naka upo sa likod ay magkayakap itong natutulog. Bahagya akong natawa
pati si Claude ay napatingin sa kanila gamit ang rearview mirror.
“Mukhang napagud sa lambingan ang
dalawa ah.” Sabi nito.
“Oo nga.”
Sakto namang paghinto nang kanta sa
player ang pag kalam ng aking sikmura. Nagkatinginan kami ni Claude ay sabay na
napatawa dahilan para magising ang dalawang ungoy.
“Dito na ba tayo?” Pupungas-pungas na
wika ni Ralf.
“Malapit na mga 10 mins nalang.” Tugon
naman ni Claude.
Nagpalinga-linga ito para tingnan ang
paligid.
“Ang ganda pala nang lugar na nabilhan
nyo nang resort Claude.” Ang sabi nito nang mapansin ang kaninang tanawin na
nagpahanga sa akin.
“Resort nyo ang pupuntahan natin?” Di
ko makapaniwalang tanong.
“Yep, pero hindi pa sya na dedevelop
bago palang kasi.” Wika naman nito.
“Wow, ang yaman nyo talaga.” Ang
naisatinig ko nalang sa sobrang pagkamangha. Natawa naman silang tatlo sa
tinuran ko.
Narating namin ang resort nina Claude.
Totoo nga ang sabi nito, hindi pa developed ang lugar pero malinis ito halatang
may nag-aalaga. May Bahay rin doon na sadya daw pinagawa nang kanyang mommy
para kung magbabakasyon sila parang private resort ang dating. Napapalibutan
itong nang pader na gawa sa kawayan at kaakit-akit ang puting buhangin.
Sinalubong kami nang isang matandang babae katiwala daw ito nina Claude may
asawa’t mga anak nakatira ito malapit lang sa resort na iyon.
Nagtulungan kaming ipasok ang aming
mga gamit sa loob nang bahay. Maganda, native ang mga ginamit na appliances sa
loob lahat puro gawa sa nara.
“Magpahinga muna kayo sir Claude
habang inihahahanda ko ang pananghalian nya. Nagluto ang asawa ko nang paborito
nyong native na manok.” Ang sabi nang katiwala nina Claude na si Manang Linda.
“Sige po nay gutom na kasi ang kasama
ko.” Sagot naman ni Claude at tumingin ito sa akin sabay hagikhik. Pati ako ay
napahagikhik na rin.
“Wow, may progress.” Malokong sabi ni
Mike.
“Mukhang may pag-asa na si Claude.”
Dagdag pang-aalaska ni Ralf.
Napayuko nalang ako sa hiya, hindi ko
maikakailang tinamaan ako nang mga biro nila.
“So, ligo agad tayo after nating
kumain?” Pag-iiba nang usapan ni Claude marahil ay napansin nito ang pagkailang
ko sa biro nila.
“Masyado pa atang mainit, maya nalang
mga 2 tayo maligo at magtayo nang tent.” Wika naman ni Ralf na agad na
sinangayunan ni Mike.
“Okey kayo ang bahala.” Ang nasabi
nalang ni Claude at muli itong tumingin sa akin na nakangiti. Pilit na ngiti
ang ibinalik ko dito, hindi pa ako masyadong kumportable sa kanya. Siguro na trauma
ata ako sa kagagohan nya noon.
Ilang minuto pa ang kwentuhan nilang
tatlo habang ako ay nakikinig lang nang tawagin na kami ni Manang Linda para
kumain. Napa “Wow” talaga ako nang matikman ko ang paboritong ulam ni Claude, ginataang
manok na linagyan ng hilaw na papaya at iba pang rekados na lalong nagparasap
nito. Marami akong nakain sa sobrang sarap ng inihanda sa amin ng asawa ni
Manang Linda.
Matapos kumain ay nagpahinga muna kami
nang konte at hinintay na medyo kumulimlim bago namin magdesisyung maligo at
magtayo nang tent. Sapat naman para sa aming apat ang kwarto pero mas gusto
nila na mag tent kami para mas ma feel daw namin ang outing na iyon.
Kinuha ni Mike ang kanyang dalang bag
kanina at pati rin si Claude ay may bitbit. Nagtaka naman ako kung ano iyon
ngunit pinili ko nalang manahimik at alamin mamaya.
“Paano, simulan na natin ang
bahay-bahayan.” Malokong sabi ni Claude at binuksan na ang bag na ang laman rin
pala ay tent. Tumawa naman ang dalawang ungas at sinimulan na din nilang
pagtulungan itayo ang tent na dala ni Mike.
“Pinsan mag tabi tayo sa isang tent
ah.” Ang magiliw kong sabi kay Ralf habang tinutulugan ko si Claude sa
pagtatayo nang tent.
“Sure pinsan.” Ang tungon naman nito
sa akin at nagkatinginan sila ni Mike na parang may binabalak.
Nang matapos naming maitayo ang
dalawang tent ay nangulikta naman kami nang mga kahoy na gagamitin namin para
sa bonfire mamaya. Naging magaan na ang loob ko kay Claude sa mga oras na iyon
nagagawa ko nang sumabay sa mga biruan at harutan naming apat. Sobrang saya ko,
ito na ata ang pinaka masayang outdoor trip na nasamahan ko dahil kami-kami
lang na magkakaibigan lahat ay pwedi naming gawin.
Hindi ko maitatanging napanganga ako
nang alisin ni Claude ang kanyang T-shirt, ang ganda nang hubog nang katawan
nito masasabi kong alaga sa gym. Ito ang unang pagkakataon na makita syang
walang pangitaas. Ang buhok nito mula sa kanyang tyan pababa sa kanyang naka
uslit na puting garter ng kanyang brief ay bigay nang kakaibang init sa akin. Di
ko maiwasang mapalunok nang makitang bakat na bakat ang kanyang alaga.
Naligo kami’t nagpakasasa sa kulay
asul na tubig syempre hindi mawawala ang harutan namin. Nag laro rin kami, yung
pumapatong sa balikat ng kakampi at ang nakapatong ang makikipag buno sa isa
naman. Panalo ang team kapag napatumba nila ang kalaban. Syempre dahil
malalaking tao sina Mike at Claude sila ang kung baga poste namin. Nakasakay si
Ralf sa balikat ni Mike at ako naman sa balikat ni Cladue. Tawanan, asaran yan
ang mga nangyari sa buong hapon naming paliligo sa dagat.
Sumapit ang gabi. Nang matapos kaming
makapag hapunan ay sinimulan agad namin ang bonfire at inuman. Ipinuwisto namin
ang bonfire sa tapat mismo nang dalawang tent na magkaharap. Tinuhog ang mga
marshmallow na aming pinamili at itinapat ito sa apoy habang sila Mike, Ralf at
Claude ay nag sisimula nang tumagay.
“Pinsan shot ka.” Wika ni Ralf.
“Naku, alam mo namang hindi ako
umiinum. Pass ako dyan.” Ang tatawa-tawa kong pagtanggi.
“Sus, ang KJ mo naman minsan lang tong
mangyari pinsan kaya dapat sulitin natin.” Pamimilit pa nito na sinangayunan
naman ni Mike at Claude.
Atubili ko itong kinuha at inamoy napapikit
ako sa matapang na amoy nang Red Horse.
“Go Lance! Go Lance!” Parang cheering
squad pa nilang panunudyo sa akin.
Walang anu-ano ay biglaan kong linagok
ang laman ng baso. Napapikit ulit ako sa pait ng lasa nito agad akong kumagat
sa marshmallow na iniihaw ko.
“Hindi naman pala ganun ka sama ang
lasa.” Ang sabi ko sa kanila nang makabawi sa pait.
Nagpalakpakan naman ang mga hunghang
na ikinatawa ko.
“So, tutulungan mo na kaming ubusin
ang inumin natin?” Nakangiting tanong ni Claude.
“Baka malasing ako.” May bahid ng pagaalala
kong tugon.
“Okey lang kung malasing ka nandito
naman ako di kita papabayaan.” Sabi nito sabay akbay sa akin dahilan para
masubsob ako sa kanyang matitipunong dibdib.
Bumilis ang pintig ng aking puso sa
paglapat ng aking pisngi sa dibdib nito naramdaman ko pa ang kanyang nipple.
Para akong napaso na agad na umayos nang upo pero hindi pa rin nya tinanggal
ang pagkakaakbay sa akin. Patay malisya naman ako, inisip kong hindi nito
nahalata ang pagpapalit ng temperatura nang aking katawan. Amoy ko ang pabango
nya kahit na ba nabasa na kami nang tubig dagat hindi parin iyon nakatulong
para tuluyang alisin ang nakakapanginig tuhod na pabango ni Claude.
Nang malalim na ang gabi at medyo may
tama na ako ewan ko lang sa kanila alam ko namang mas sanay sila sa aking uminum
bigla naman akong napagtripan ni Ralf.
“Pinsan, kelan mo naman balak sagutin
si Claude?”
“Oo nga Lance kelan mo sasagutin ang
kaibigan ko?” Gatong pa ni Mike.
“H-Hindi ko alam.” Ang nahihiya’t
kinikilig kung sagot. Marahil ay dala narin nang tama nang alak ay nahirapan na
akong itago ang nararamdaman ko kay Claude. Noong una pa man talaga ay crush ko
na ito pilit ko lang itinago dahil na rin sa kagaspangan ng pakikitungo nito sa
akin.
“Naku pare mukhang aabutin kapa nang
apat na taon dyan kay Lance.” Ang biro ni Mike na ikinatawa namin.
“Ganun? Sa tingin ko pare bago tayo
umuwi bukas boyfriend ko na itong si Lance.” May angas at sigurado nitong sabi.
“At paano ka naman nakakasigurado?”
Ang sabi ko naman na naka taas ang kilay.
Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay
isang marubdob na halik ang ibinigay nya sa akin. Noong una ay nagpumiglas ako
sa hiya kina Mike at Ralf. Sinubukan ko syang itulak pero sadyang malakas ito
sa akin ilang sigundo lang ay naibaba na ni Claude ang depensa ko. Napakapit
ako sa batok nito’t gumanti na rin nang halikan sa kanya.
Nang maghiwalay ang aming labi ay
binigyan ako nito nang isang matamis na ngiti na kita ang kanyang nagiisang
dimple at muli, hinalikan nya ako ngunit hindi na tulad ng kanina na mapang-akin
at nag-dedemand ng pagtugon ngayon ay malumanay, malambing at puno nang
pagaalaga.
“Hindi ka manlang nagpakipot ng konte
pinsan!” Ang tatawa-tawang pangaalaska ni Ralf sa akin. Naputol ang halikan
namin ni Claude at parehong napatawa.
“This calls for celebration! Sa wakas pare
this time di ka na ulit binasted ni Lance.” Ang tumatawa ring sabi ni Mike.
“Oo nga pare eh, na duwag kasi ako sa
unang subok ko.” Sabay tawa nito.
May pagtataka naman akong napatingin
sa kanya.
“Inamin ko kay Mike ang nangyari nung
birthday ni Anna nung unang hinalikan kita.” Nakangiti nitong pagpapaliwanag.
“Tapos?” Di ko pa rin maintindihang
sabi.
“Inamin din nya na ikaw pala ang
tinutukoy nyang nang basted sa kanya. Idaan ba naman sa angas ang panliligaw.”
Sabi naman ni Mike sabay tawa nang malakas na sinabayan ni Ralf.
“Hah?” Parang tanga kong naisambit.
Hindi ko talaga makuha kung saan ko sya binasted.
“Naalala mo nung dinala kita doon sa
may beach. Dapat sana sasabihin ko na sayo ang nararamdaman ko kaso naunhan ako
nang hiya.”
“Ah.. yung nagyabang ka at sinabi mong
ayaw mong masira ang IMAGE mo?” Pagbibigay diin ko sa salitang image.
Napakamot nang ulo si loko. “Sorry na,
di ko naman sinasadya yon eh.” Ang nanunuyo nitong sabi sabay dampi ulit ng
halik sa aking labi.
“Ang sweet!” Tila kinikilig namang
hiyaw ni Ralf.
“So kumusta naman ang status nyo dyan?”
Malokong wika naman ni Mike.
Nagkatinginan kami ni Claude at kapwa
nag palitan ng matatamis na ngiti at humarap sa kanila sabay sabing. “In a relationship.”
Wala nang rason na itago ko pa ang
nararamdaman ko kay Claude dahil simula pa man may pagtingin na ako sa kanya
kung trip o totoo man ang pakay nito sa akin wala na akong pakialam.
Present
Hindi ko
maiwasang mapangiti sa mga ala-alang iyon. Iyon na siguro ang pinaka masayang
ala-ala meron ako simula nang mailuwal ako nang aking ina sa mundo. Napatingin
ako sa aking relo mag aalas dyes na pala. Agad akong tumayo at tinungo ang
lababo para maghimos at makapag sipilyo.
Nang nasa
kwarto na ako ay di ko mapigilang sambiting muli ang pangalan ni Claude. Ang
pangalan ng taong minahal ko dati at malamang hanggang ngayon ay mahal ko pa
rin. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at hinintay na lamunin ako nang
kawalan.
Itutuloy:
24 comments:
Ahaha!! Ang sweet naman :> hay!! Ano kaya ang nangyari sa kanila? :(
Ganda po ng flow!! Can't wait for the next one!
Letche ka nakakaamoy na talaga ako sa magiging inarte ng Laurence at landi ni Claude mo dito wag mo sagarin ha? Wag mo sagarin kundi tatamaan ka talaga sa akin. Honestly, kinilig ako sa chapter na ito. Maganda siya at marunong ka an talaga mambitin. Baliw baliw baliw
wow may update na...ang ;landi ni lance..in fairness..hoho
-ram
Sobrang cheezy..hehe
good morning a good starter for my sunday ha.. :)
haha nahalikan lng ni claude si lance, syota na agad. Wala ng pakipot effect. Haha!
@zildjian, waahh kakahiya. Thanks sa line ng past at present. LOL!
--ANDY
P.S
Next na! Haha!
Z!!!
the story is getting better and better! keep it up.
regards,
R3b3l^+ion
awts..bitin hehe :)
pero masaya nga yun, yung ganoong alaala. yun nga lang, as usual, misteryo pa rin kung bakit ganito yung kasalukuyan ni Laurence saka kung ano yung mangyayari sa hinaharap.
hay sana next chapter na. :D hehe buti na lang at may pasok na kami.
keep it up Z :D ingat!
ah pede bang mamaya may update na agad lakas maka atat eh hahaha!!!
grats! napahagalpak mq sa “beloy” “mangulikta” at “ipinuwisto” lol
anyway, last coment q na muna to, coment nlang aq uli pg my nhnap aqng dpat qng punahn...ung sa taas,wla lng,nambbsag lng aq lolz
Rue - waaahahah pacnxa naman pinagpuyatan ko yan tapos tatawanan mo lang.. pffft!!!
Yung ibang katanungan po sa next chapter nalang.. malapit na pong mag tagpo ang present at past.. :D
ang haba ng hair ni Lance dito. hahaha... kaso bitin ako. next chapter na...nahihiwagaan ako kung ano talaga ang nangyari sa pagiibigan nila Lance and Claude. Kaabang-abang!!!
ang super super sweet ng eksena..ai di pakipot epek heehhe
Billygar - haha uu nga noh ang haba nang hair ni Laurence.. malapit nyo na pong malaman ang nangyari sa kanila ni Claude konteng konti nalang :D
Russ - mabuti naman po at nagustohan mo ang chapter na ito :)
haha,,, malapit-lapit na rin ang pagtatagpo ng present at past dito sa kwento moh?,, paano kayang nangyari na nagkahiwalay ang dalawa? hindi ko lubos maisip na nagmamahalan pala talaga ang dalawang bida sa kwento moh,, hmmm,,,, hanggang sa susunod na ulit,,,,
Beucharist,,,
sorry ha di maganda ung me present at past na title kasiunang una alam mo naman kung ano ung past kapag naka italics siya past yun. hays. anyway no offensement sa nag request ha.. infairness gamda ng chapter kaso sa halik lang bumigay na... hahaha... kung ako hindi agad ako susuko at bibigyan ko muna siya ng test.... kaya siguro tagal ko ng single dahil sa ugali na ito hahaha...
rstjr029
After pondering for an hour after reading this chapter...
I came up with a conclusion...
Ang masasabi ko lang....
...coffee addict din pala si Laurence...
hehe...PEACE.
@rstjr029 haha ayos lang. Pasensya naman. Hindi ko kasi alam na nka italized, hindi kasi yun ngttake effect sa CP. :)
--ANDY
wow naman another amazing story by zildjian...you never fail to amazed your readers..ive been reading your stories since THE RIGHT TIME pa hanggang sa mga bago...di lang ako masyadong nag comment kasi nahihiya...hayhay...busog na ako sa kababasa ..dont stop writing..:D
naku laurence,,,, mahal m talaga si claude.... nasasabik k nang makita sya ulit.... pero mahal ka rin nya kaya...baka masaktan ka lang ulit... may naamoy ako baka si claude at pat ay magkapatid....naks pano yan...
ramy from qatar
nkakatuwa aman ang naging daloy ng kwento, at last nagkatuluyan na din. nice one frend! hope plage ng may upd8t! . . . demanding ba? tnx mr. author>
hmm. . . parang c claude ata ung half bro ni pat? . . he he he
kailan pa nagkaroon ng appliances na native? haha kaloko to
nakakakileeeeggggg!!haha..i love that part na nasa beach silang apat.haha...
i think c pat at claude ung mag half brother base sa epilogue na rin...hehe
time to sleep na,,at least di mawala ngiti ko sa chapter neto..^^
-monty
Post a Comment