By: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno,
Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III, Rue
(Katanashi), Louie@DXB, Marc, Jefofotz (Jeffrey Paloma), M.V, Billygar,
Kristoffshaun, at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers sa walang
sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.
Drich – Nareceive ko ko ang text mo kaso wala po akong load
ngayon hehe.. Kalalabas ko lang kasi sa hospital di pa ako nakakapagpaload
ulit.
Jefofotz – Hoy! Pinoy ako! Lakas ng trip natin sa blog mo.
HAHAHAHA
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works
are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and
requests that in any use of this material that my rights are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Para akong tinuklaw ng ahas nang makita ko ang oras sa wall
clock. Sampong minuto nalang at mag aalas dyes na sobrang late na ako. Napa
balikwas ako sa aking kama at mabilisang tinungo ang palikuran.
“Hindi ka na ba
magaalmusal muna nak?” Ang sabi ni mama nang makita akong parang hangin na
nagmamadaling bumababa nang hagdan.
Late na akong
nakatulog sa sobrang pag-iisip sa mga nangyari kahapon sa amin ni Claude. Hindi
pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nito sa akin.
“Hindi na ma, masyado
na po akong late, bakit kasi hindi nyo ako ginising?” Paninisi ko sa kanya.
“Dahil namalengke ako
at bakit ba, dapat pa ba kitang gisingin? Malaki kana Laurence dapat alam mo na
ang mga obligasyon mo.” Tugon naman nito habang abala sa paghahanda nang
almusal.
Hindi na ako sumagot
sa kanya para hindi na humaba pa ang usapan. Agad kong tinungo ang pintuan at
nagmamadaling nag hanap nang masasakyan.
Kung mamalasin ka nga
naman late na nga ang kupad pa nang jeep na nasakyan ko na mas lalong nagpainit
ng ulo ko sa araw na iyon. Nang sa wakas ay marating ko ang eskwelahan namin ay
sya namang pagkadismaya ko dahil 30 minutes na akong late. Bawal na akong
pumasok sa nag iisang subject ko sa umagang iyon. Dalawang meetings pa naman
ang katumbas nun dahil isang beses lang kaming mag klase sa isang lingo.
Ipinasya kong maghanap
ng lugar para pagkatambayan wala na rin akong balak pang bumalik sa bahay dahil
paniguradong sermon ang aabutin ko kay mama. Naisipan kong doon nalang sa bench
tumambay since alam ko namang walang tatambay dun ngayon dahil hapon pa ang
klase nina Mike at si Ralf naman ay paniguradong nasa klase na namin ngayon.
Hindi pa man ako
nakakaisang hakbang mula sa pagkakatayo sa covered walk nang may tumawag na
pamilyar na boses sa akin. Nakaramdam agad ako nang pagkabalisa’t parang gusto
kung maglaho bigla o kumaripas nang takbo.
“Lance?” Ang wika pa
ulit nito pero sa mas malapit nang tinig. Dahan-dahan akong lumingon para
humarap sa kanya at di nga ako nagkamali tumambad sa akin ang nakangiting si Claude.
“Ba’t nan dito ka sa
labas, di ba may klase na kayo?” Sabi nito. Ito ata ang unang pagkakataon na
kausapin ako ni Claude nang matino na walang halong pangiinsulto o pangiinis sa
kanyang tinig.
“A-Ah ka-kasi..” Ang
nahihirapan kung sabi. Huminga muna ako nang malalim para ma i-relax ang aking
sarili. “Kasi na late ako kaya di nalang ako pumasok.” Sabi ko sabay iwas ng
tingin sa kanya.
“Ang galing pala nang
timing ko.” Sabi nito na dahilan para maibalik ko sa kanya ang aking tingin.
“Balak kasi kitang puntahan sa room nyo’t hintaying matapos ang klase mo para
ayain kitang mag lunch.
Napakunot naman ang
noo ko.
‘Ako, aayain nyang mag lunch? Mukhang seryoso
ang gago sa mga sinabi nya kahapon ah.’ Sabi ko sa aking sarili.
“Di ba alas 11:30 ang
out nyo ngayon?” Sabi pa nito nang di ako sumagot sa kanya. Napatango nalang
ako.
“So, tara?” Sabi pa
nito.
“Anong tara?”
Naguguluhan kong tanong masyado kasing ginulo nang presensya nya ang utak ko.
“Sa lunch.” Nakangiti
nitong sabi sa akin.
Lalo akong naguluhan
sa inaasta nito. Ewan ko ba, hindi ako sanay na nagbabait-baitan sya sa akin
mas sanay ako sa bruskong Claude, yung mahangin at mayabang na Claude. Noon
kasi pag hindi ako agad nakakasabay sa usapan ay agad ako nitong iinsultuhin na
kesyo tanga ako, wala sa sarili at kung anu-ano pang mga salitang masasakit.
Wala na akong nagawa
kung hindi ang sumunod nalang dahil hinila na ako nito ngunit ngayon may
pagiingat na sya sa akin. Tinungo namin ang parking area nang campus at sumakay
na sa sasakyan nya.
Habang nasa byahe
pareho lang kaming tahimik. Alam kong gusto nitong magbukas nang usapin dahil sa
paminsan-minsan pagtingin sa akin. Ako naman ay hindi ko magawang magsalita
sapagkat hanggang ngayon ay hindi parin ako kumportable na kasama sya lalo’t kaming
dalawa lang.
Narating namin ang
Jollibee at doon na sya nakapagsalita.
“Okey ba sayo dito?”
Sabi nito nang makaupo kami.
“O-okey lang.”
Nagaalangan ko namang tugon.
“Ano ba ang gusto mong
kainin?”
Sa totoo lang gusto
kong kumain ng kanin dahil nakaramdam na rin ako nang gutom sa di ko
pagaalmusal kanina kaso nahihiya akong sabihin sa kanya.
“Ako na bahala.” Sabi
nito sabay tayo para um-order na nang pagkain siguro nahalata nito ang
pagaalinlangan ko.
Nakatingin lang ako sa
kanya habang abala ito sa pag-order para sa aming dalawa. Iniisip ko kung dapat
ko ba syang pagkatiwalaan at hayaan sa ginagawa nyang pakikipaglapit sa akin.
“Ubusin mo lahat nang
yan ah para tumaba ka.” Nakangiti nitong wika.
“Hindi ako patay
gutom.” Inis kung tugon.
“Don’t get me wrong
Lance, wala akong ibig sabihin sa sinabi ko.” Depensa naman nito sa kanya
sarili. Hindi na ako sumagot pa sa kanya sinimulan ko nalang lantakan ang mga
binili nito bago pa mawala ang gana ko.
“Lance, about sa mga
sinabi ko kahapon…”
“Okey lang yon alam
kung high kalang nun.” Putol ko sa iba pa nyang sasabihin.
“Hindi. Gusto kong
sabihin na totoo lahat yon at sisimulan ko na ngayon ang panliligaw ko sayo.”
Seryoso nitong sabi na dahilan para masamid ako.
“Naka drugs ka ba?”
Sabi ko nang makabawi at makainum ng softdrink.
“I’m serious.” Bakas
sa boses nito ang paninindigan sa sinabi nya.
Literal akong
napanganga nang mapagtanto kong hindi sya nagbibiro o nagtritrip na naman.
Muli, wala na naman akong mahapuhap na salita.
“Nakapag desisyon na
ako at yon ay ang ligawan ka.” Sabi pa nito.
“Claude…”
“Sabi ko naman sayo di
ba? Hindi mo kailangang pumayag basta hayaan mo lang akong ipakita sayo na
hindi ako nagbibiro.” Pagputol nito sa sasabihin ko. Alam kung determinado na
sya sa kanyang desisyon kaya hindi na ako nagsalita pa.
Habang kumakain kami
ay hindi ko mapigilang mapaisip sa mga nangyayari. Totoo, inasam ko nung una at
pinagpantasyahan ko ang araw na ito. Ang araw na makakausap ko si Claude nang
normal, pero mukhang sobra ata ang binigay ng dyos.
Nang matapos kumain ay
nag order pa si Claude nang deserts para sa aming dalawa simpleng kwentohan ang
naganap sa amin. Sya ang nagtatanong habang ako naman ay panay lang ang sagot.
Kung ayaw ko naman sa tanong nya ay tumatahimik lang ako at agad nyang iniiba ang
tanong.
“Alfie?” Tawag ko sa
taong naka sandal sa may pasilyo. Tumingin naman ito sa gawi ko at ngumiti nang
pilit siguro dahil kasama ko si Claude.
Lumapit kami sa kanya.
“Mag-isa ka ata.” Sabi
ko sa kanya bilang pagbati.
Tumingin muna ito kay Cluade
bago sumagot sa akin.
“Akala ko kasi
magsasabay ulit tayong mag lunch ngayon.” Mahinahon nitong tugon, pero bakas sa
kanyang mga mata ang lungkot.
“Hindi ka pa nag
lunch? Naku, pasensya na nakalimutan kong mag text na nauna na ako.” Paghingi
ko nang paumanhin medyo na guilty ako sa hindi ko pagsasabi sa kanya.
Nakasanayan na kasi namin mula nang humiwalay ako kina pinsan ang laging mag
sabay.
“Ehem!” Agaw pansin ni
Claude.
“Ah sya nga pala Alfie,
si Claude ka…” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad sumingit ang gago.
“Manliligaw nya.” May
angas nitong sabi.
Pareho kaming
napatingin ni Alfie sa kanya na may pagkabigla. Nang makabawi si Alfie ay
tumingin ito sa akin na may pagtatanong sa kanyang mga mata.
“Ah..eh… Ano kasi
Alfie kuan..”Wala akong makapang sasabihin sa kanya dala nang pagkabigla halos
pagpawisan pa ako nang malamig.
Nanatili lang itong
nakatingin sa akin hindi parin nagpapalit ang expresyon nag mukha nito.
“Claude! Hoy Claude
pare!” Pasigaw na tawag ni Mike na sinamahan pa nang pagkaway-kaway nito. Kasama
nito ang pinsan ko siguro katatapos lang din mag lunch ng dalawa.
Nang makalapit sila sa
amin pareho silang nagtaka.
“Ano ang meron? Okey
na kayo ni Laurence?” Tanong ni Mike kay Claude sa masayang tono.
Ngumiti naman ang gago
nang ubod ng tamis.
“Yep! Sa katunayan nga
liligawan ko na sya.” Sabay akbay nito sa akin.
Mula sa pagkakangiti
ay napanganga ang dalawa sa narinig. Ako naman ay napayuko sa sobrang hiya’t
pinagpawisan nang malamig. ‘Ano kaya ang nahithit ng gagong to. Dyos ko!’ Ang
nasabi ko nalang sa aking sarili.
“Pinsan?” Pagtawag ng
pansin sa akin ni Ralf. Bakas sa mukha nito na naguguluhan sya.
“Excuse me.” Ang wika nang isang babae na nagpabalik sa akin
mula sa malalim na pagiisip. Kababalik lang nito mula sa pangungumunyon.
Umayos ako nang pagkakaupo para makadaan ang babae na
pabalik na sa kanyang pwesto. Bahagya pa itong ngumiti sa akin sinuklitan ko
naman sya nang isang matipid na ngiti.
Pangalawang simbang gabi na at habang tumatagal ay
nadadagdagan ang mga taong nagsisimba. Nagpalinga-linga ako para tingnan ang
ilan na tulad nang babae kanina’y pabalik narin sa kanilang upuan. Muli ko
nanamang nakita ang babae na katabi ko sa unang araw ng simbang gabi nakapila
pa ito para sa kumunyon at napalingon sa akin.
Iniwas ko ang aking tingin at ibinaling nalang ito sa ibang
dereksyon baka iba pa ang isipin nito. Alam kong halata sa mukha ko ang
matinding puyat, hindi ako pinatulog sa pagkikita namin ni Anna. Hanggang
ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na narito na ulit si Clyde. Natatakot
ako, ayaw kong masira ulit ang buhay ko lalo na ang mga pinaghirapan ko sa
nakaraang anim na taon.
Iniwaksi ko muna ang aking mga alalahanin at lumuhod para
magdasal. Alam kong sa loob ng anim na taon nawalan ako nang tiwala sa
panginoon. Pero ngayon gusto kong ibalik ang aking pananampalataya hindi lang
dahil ito ang huling hiling ng aking ina kung hindi dahil gusto ko rin.
“Panginoon humihingi
po ako nang tawad sa ginawa kong paglimot sa inyo sana po ay naiintindihan nyo
ako. Alam kong marami akong naging pagkakamili sa nakaraan at gusto kong
kalimutan lahat ng iyon, pero bakit, kahit anong pilit ko na tuluyang kalimutan
ang lahat ay bumabalik parin. Ano ba talaga ang plano nyo sa akin? Tulungan nyo
po ako.” Ang taimtim kong pakikipagusap sa kanya alam kung sya lang ang nagiisang makakatulong sa
akin.
Nang matapos ang misa ay hinintay ko munang makalabas ang
mga tao ayaw kong makipagsiksikan tutal hindi naman ako nagmamadali. Nakaupo
lang ako at nakatingin sa altar nang may biglang kumalabit sa akin nang lingunin
ko ito ay bumungad sa akin ang babae kanina.
“Hi.” Nakangiti nitong bati. “Hindi ka pa ba lalabas?”
Tanong pa nito.
Medyo nagtaka ako kung bakit ako nito linapitan bigla. Pero
ayaw ko namang lumabas na bastos kaya agad akong bumawi at binigyan sya nang
isang ngiti.
“Marami pa kasing tao.” Tugon ko sa kanya. May kahawig ang
mukha nya ngunit di ko maalala kung sino.
“Ganun ba? By the way Louisa” At ini lahad nito ang kanyang
kamay sa akin.
Atubili ko itong tinanggap at nagpakilala rin sa kanya.
Matapos maghiwalay ang aming kamay ay nakatingin parin ito sa akin at nakangiti
nakaramdam naman agad ako nang hiya.
“B-Bakit?”
“Wala naman.” Tugon nito na sa akin na hindi parin nawawala
ang ngiti sa mukha nito. “It was really nice meeting you Laurence see you soon.”
Ang sabi nito at agad nang tumalikod na hindi manlang ako hinintay na
makasagot.
Kunot noo ko syang pinagmamasdang papalabas ng simbahan.
Hindi ko mawari, pero iba ang dating sa akin sa mga huling sinabi nya para bang
nakaplano na ang susunod naming pagkikita.
Sino sya? Ang
pabulong ko nalang naisatining at sumunod na ring lumabas.
Medyo marami-rami pang tao sa labas ng simbahan may mga
bumibili nang popcorn, may magkakaibigang nagkukwentohan at ang
magkakapamilyang nagtatawanan. Bigla nalang akong nalungkot habang
binagmamasdan silang masaya. Ako kaya
kelan kaya ako makakatawa nang ganun? Pabulong kong sabi.
Dumating ako sa eskwelahan 20 minutes before nang 1st
subject ko wala naman akong masyadong gagawin since na examination week at
bukas na nag huling araw since 19 ang Christmas party ng mga studyante. Nakaupo
lang ako sa lamesa ko sa loob ng faculty room at nag che-check ng mga papel ng
mga section na tapos nang magexam sa akin ng pumasok si Chatty.
“Wow early na naman. Balita ko magkasabay kayong umuwi ni
papa Pat.” Bungad nito sa akin.
“Sino naman ang nagsabi sayo?” Walang gana kong tugon
nakakaramdam ako nang pagkahilo marahil dahil wala pa akong tulog.
“Si Pa’t.” Proud na proud nitong sabi.
“Nag text sya sayo? Bago yan ah.” Pangaasar ko sa kanya.
“Syempre ako ang unang nagtext sa kanya.”
Tumawa nalang ako at napailing sa pagiging sa kanya.
Kakaibang babae talaga itong si Chatty sya na talaga ang nanliligaw sa lalake.
“Tatawa-tawa mo dyan?” Nakataas ang kilay at nakapamewang
nitong sabi sa akin.
“Wala!”
“Mukhang nagkakasiyahan kayo ah.” Bungad sa amin ni Pat.
“Pat!” Ang tila nabiglang pagtawag ni Chatty sa kanya. Agad
naman iyong napalitan nang paghanga nang makita ang porma nito.
Hindi ko naman masisisi si Chatty sa naging reaksyon nito
dahil sa lumabas talaga ang kakisigan ni Pat sa suot nitong ¾ na kulay itim na long sleeve at itim din na
pantalon na kita ang hubog ng hita nito.
“Good morning!” Magiliw nitong bati sa amin pero sa akin
nakatingin. Napangiti nalang ako at tumango sa kanya.
Si Chatty naman ay parang ewan lang na nakatulala lang at
paniguradong nag di-daydream bahagya pa itong nakanganga na lihim kong
ikinatawa.
“Hoy!” Basag ko sa pananaginip nito. “Anong nangyari sayo,
para kang nakakita nang multo ah.” Tatawa-tawa ko pang sabi. Agad naman itong
bumawi at sinimangutan ako bago nag walkout malamang nahiya ang loka-loka dahil
namula ito.
“Ano nangyari sa kanya?” Wika ni Pat na nagtataka.
“Dunno.” Nakangiti kong tugon.
Lalo namang nangunot ang mukha ito.
“What?”
“Wala!” Tugon nito sabay ngisi.
“Bakit ka nakangisi?”
“Anong nakangisi?” Maang-maangan nito.
“Ewan ko sayo. Punta na nga ako sa klase ko.” Ang wika ko
sabay tayo at pulot ng mga gamit ko. Nang lalampasan ko na sana sya ay
hinawakan ni ang kamay ko sabay hila sa akin.
“Kwentuhan mo ako mamaya kung ano nang yari sa dinner date
mo kagabi ah.” Pabulong nitong sabi. Ramdam ko ang pagdampi nang mainit na
hangin na nagmumula sa kanyang bibig sa aking tenga. Para akong napaso na
lumayo rito. Nang ibalik ko sa kanya ang aking tingin ay nakangisi pa rin ito.
“O-Okey.” Ang naisatinig ko nalang at mabilis na lumabas sa
faculty room. What the hell was that?
Naitanong ko sa aking sarili.
Itutuloy:
20 comments:
hala. ung babae ba ang makakatuluyan ni Lance? hahaha. ang tweettttt...hehehe. Next chapter na...hehehe. Thanks Mr. Z.
faculty Rome FTW :))
Anon - Wahahahaha! sorry! di pa ata ako nakaka move on kay Rome LOL... na edit ko na po :))
Billygar - ayay!!! buti naman po at na enjoy mo ang chapter 5 salamat sa comment :)) ahihihihi
Sino kaya ung babae sa simbahan na laging nakikita ni Laurence?
Isang tao ba na mula sa kanyang nakalipas? Nagpasex-change ba kaya mukhang familiar sa kanya? hehe..weird pero eto ang pumasok sa aking isip...haha
Next...
nice chapter..next na :)
-ram
Ross M - lakas nang tawa ko sa sinabi mo lol.. Anong nagpasex-change? HAHAHAHAHA
Ram - aw thank you. Di ka nagparamdam sa chatbox ah.. :)
ejo nguluhan aq sa una lol d tlaga q snay sa mga time shifts xD
anyway anyhow anywho da hu ung bebot? o.o
c alfie kwawa, kung aq xa mbbtukan q tlaga yang c laurence...
Rue - baliw ka talaga katanashi anyway anyhow anywho! HAHAHAHA astig pahiram ako nyan sa mga upcoming chapters ko :))
Di ko na sasagutin yan dito sa kwento nalang alam kung ayaw mo na kinukwento ko ang lahat :))
thanks Zildjian at me update na yung story :)) kaso me mga typo pa rin kaso minimal lang like Claude naging Clyde hehehe... im willing to help u sa pagproofread ng stories mo.. just email me na lang if u want then message mo ako sa fb para bigay ko sa yo number ko...
rstjr029
haha buti naman sir at hindi na to cliffhanger :D
nga pala Z, gumagana naman yung italics sa mobile version (phone ang gamit ko ngayon).
anyway, pakiramdam ko yung babae sa simbahan connected sa isang tao sa past ni Laurence, ewan lang kung sino.
hehe dami ko pa gusto sabihin kaya lang pumipikit na mga mata ko sa antok e. basta keep it up lang!
rstjr029 - pacnxa na sa typos ko hehe di ko talaga maitama minsan hahaha.. sorry po :) nakakahiya naman po sayo kung aabalahin pa kita pero sige po susubukan ko mag reach out sau :)
R.J - Gumagana ba? sa akin kasi hindi.. hmffff
anyway, wala po munang clue about sa character ni louisa abangan nyo nalang po sa mga susunod na chapter hehe
okey lang din kahit maiklang naiintindihan ko naman na kailangan nyo rin pong magpahinga.. salamat sa time :) kita kits tayo sa susunod na chapter nito :) 7 mornings to go :)
hmmm... medyo bitin ako dito... pero ayos lang... kilig na rin sa pagpapa obvious ni pat... isip-isip sa babae sa simbahan... pero hinihintay ko additional info o ung flashback na may kinalaman sa sinabi ni Anna... pero naintindihan kong baka matagal pa un kc mukhang un ang missing link ng misery ni laurence ngayon... hehehe
i think si claude ay naging babae na...un ang gurl sa simbahan..teka si patrick may lihim din na pagtingin..beki rocks!
@russ..dapat pala Claudia na ang name nung girl sa simbahan..hehe
zildjian no problem sa akin di naman ako busy saka talagang di mo na makikita ang mali masyado kapag ikaw ang gumawa hehehe.... wag kang mahiya sa akin free of charge ako hehehe....
rstjr029
hahahaha lol ginawa nyo namang bading masyado si Claude :)) masyado naman yan. :D abangan nyo nalang po ang susunod na chapter :))
hehe..Baka si Alfie yun..Siya na ngayon si Louisa..haha
naku sir laurence.... may gusto yata sa u si sir pat..... he he he .... so paano yan at dumating na si claude... naku baka mag suntukan silang dalawa at ikaw ang may gawa he he he....teka sino si loisa????? bat parang kilala ka nya....
ramy from qatar
nakakatuwa nmn!^^
ang charot-charot ni claude nung nsa joby cla ni lance!kakakilig pa!haha...i really think pat has feelings for lance too..amoy na amoy eh!haha..
Cno b kc ung gerlalu na un sa simbang gabi??hihihi...
-monty
parang wala lang s mga nagbasa yung eksena ni lance at anna. me ganon bang eksena na may alitan pala e makikipagkita pa? tapos nung nagkita na, ininsulto pa si lance. o diba dapat umalis na sya. yung lang pla ssbihin na dumating na c claude. e ano nmn ang paks ni lance e matagal na wla silang communication. kahit ano pa yung nagdaaan s kanila. kung bumalik man c claude e hindi s ganung paraan. hindi n sna ina pagkatao mo, ayaw mopa umalis. yun lang nmn ang comment ko. so far maganda naman ang takbo ng kwento kahit paiba-iba ng eksena.
rhon
Post a Comment