Tuesday, November 22, 2011

9 Mornings Chapter 05




By: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno, Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III, Rue (Katanashi), Louie@DXB, Marc, Jefofotz (Jeffrey Paloma), M.V, Billygar, Kristoffshaun, at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers sa walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.


Drich – Nareceive ko ko ang text mo kaso wala po akong load ngayon hehe.. Kalalabas ko lang kasi sa hospital di pa ako nakakapagpaload ulit.


Jefofotz – Hoy! Pinoy ako! Lakas ng trip natin sa blog mo. HAHAHAHA


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Para akong tinuklaw ng ahas nang makita ko ang oras sa wall clock. Sampong minuto nalang at mag aalas dyes na sobrang late na ako. Napa balikwas ako sa aking kama at mabilisang tinungo ang palikuran.


“Hindi ka na ba magaalmusal muna nak?” Ang sabi ni mama nang makita akong parang hangin na nagmamadaling bumababa nang hagdan.


Late na akong nakatulog sa sobrang pag-iisip sa mga nangyari kahapon sa amin ni Claude. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nito sa akin.


“Hindi na ma, masyado na po akong late, bakit kasi hindi nyo ako ginising?” Paninisi ko sa kanya.


“Dahil namalengke ako at bakit ba, dapat pa ba kitang gisingin? Malaki kana Laurence dapat alam mo na ang mga obligasyon mo.” Tugon naman nito habang abala sa paghahanda nang almusal.


Hindi na ako sumagot sa kanya para hindi na humaba pa ang usapan. Agad kong tinungo ang pintuan at nagmamadaling nag hanap nang masasakyan.


Kung mamalasin ka nga naman late na nga ang kupad pa nang jeep na nasakyan ko na mas lalong nagpainit ng ulo ko sa araw na iyon. Nang sa wakas ay marating ko ang eskwelahan namin ay sya namang pagkadismaya ko dahil 30 minutes na akong late. Bawal na akong pumasok sa nag iisang subject ko sa umagang iyon. Dalawang meetings pa naman ang katumbas nun dahil isang beses lang kaming mag klase sa isang lingo.


Ipinasya kong maghanap ng lugar para pagkatambayan wala na rin akong balak pang bumalik sa bahay dahil paniguradong sermon ang aabutin ko kay mama. Naisipan kong doon nalang sa bench tumambay since alam ko namang walang tatambay dun ngayon dahil hapon pa ang klase nina Mike at si Ralf naman ay paniguradong nasa klase na namin ngayon.


Hindi pa man ako nakakaisang hakbang mula sa pagkakatayo sa covered walk nang may tumawag na pamilyar na boses sa akin. Nakaramdam agad ako nang pagkabalisa’t parang gusto kung maglaho bigla o kumaripas nang takbo.


“Lance?” Ang wika pa ulit nito pero sa mas malapit nang tinig. Dahan-dahan akong lumingon para humarap sa kanya at di nga ako nagkamali tumambad sa akin ang nakangiting si Claude.


“Ba’t nan dito ka sa labas, di ba may klase na kayo?” Sabi nito. Ito ata ang unang pagkakataon na kausapin ako ni Claude nang matino na walang halong pangiinsulto o pangiinis sa kanyang tinig.


“A-Ah ka-kasi..” Ang nahihirapan kung sabi. Huminga muna ako nang malalim para ma i-relax ang aking sarili. “Kasi na late ako kaya di nalang ako pumasok.” Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.


“Ang galing pala nang timing ko.” Sabi nito na dahilan para maibalik ko sa kanya ang aking tingin. “Balak kasi kitang puntahan sa room nyo’t hintaying matapos ang klase mo para ayain kitang mag lunch.


Napakunot naman ang noo ko.


 ‘Ako, aayain nyang mag lunch? Mukhang seryoso ang gago sa mga sinabi nya kahapon ah.’ Sabi ko sa aking sarili.


“Di ba alas 11:30 ang out nyo ngayon?” Sabi pa nito nang di ako sumagot sa kanya. Napatango nalang ako.


“So, tara?” Sabi pa nito.


“Anong tara?” Naguguluhan kong tanong masyado kasing ginulo nang presensya nya ang utak ko.


“Sa lunch.” Nakangiti nitong sabi sa akin.


Lalo akong naguluhan sa inaasta nito. Ewan ko ba, hindi ako sanay na nagbabait-baitan sya sa akin mas sanay ako sa bruskong Claude, yung mahangin at mayabang na Claude. Noon kasi pag hindi ako agad nakakasabay sa usapan ay agad ako nitong iinsultuhin na kesyo tanga ako, wala sa sarili at kung anu-ano pang mga salitang masasakit.


Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang dahil hinila na ako nito ngunit ngayon may pagiingat na sya sa akin. Tinungo namin ang parking area nang campus at sumakay na sa sasakyan nya.


Habang nasa byahe pareho lang kaming tahimik. Alam kong gusto nitong magbukas nang usapin dahil sa paminsan-minsan pagtingin sa akin. Ako naman ay hindi ko magawang magsalita sapagkat hanggang ngayon ay hindi parin ako kumportable na kasama sya lalo’t kaming dalawa lang.


Narating namin ang Jollibee at doon na sya nakapagsalita.


“Okey ba sayo dito?” Sabi nito nang makaupo kami.


“O-okey lang.” Nagaalangan ko namang tugon.


“Ano ba ang gusto mong kainin?”


Sa totoo lang gusto kong kumain ng kanin dahil nakaramdam na rin ako nang gutom sa di ko pagaalmusal kanina kaso nahihiya akong sabihin sa kanya.


“Ako na bahala.” Sabi nito sabay tayo para um-order na nang pagkain siguro nahalata nito ang pagaalinlangan ko.


Nakatingin lang ako sa kanya habang abala ito sa pag-order para sa aming dalawa. Iniisip ko kung dapat ko ba syang pagkatiwalaan at hayaan sa ginagawa nyang pakikipaglapit sa akin.


“Ubusin mo lahat nang yan ah para tumaba ka.” Nakangiti nitong wika.


“Hindi ako patay gutom.” Inis kung tugon.


“Don’t get me wrong Lance, wala akong ibig sabihin sa sinabi ko.” Depensa naman nito sa kanya sarili. Hindi na ako sumagot pa sa kanya sinimulan ko nalang lantakan ang mga binili nito bago pa mawala ang gana ko.


“Lance, about sa mga sinabi ko kahapon…”


“Okey lang yon alam kung high kalang nun.” Putol ko sa iba pa nyang sasabihin.


“Hindi. Gusto kong sabihin na totoo lahat yon at sisimulan ko na ngayon ang panliligaw ko sayo.” Seryoso nitong sabi na dahilan para masamid ako.


“Naka drugs ka ba?” Sabi ko nang makabawi at makainum ng softdrink.


“I’m serious.” Bakas sa boses nito ang paninindigan sa sinabi nya.


Literal akong napanganga nang mapagtanto kong hindi sya nagbibiro o nagtritrip na naman. Muli, wala na naman akong mahapuhap na salita.


“Nakapag desisyon na ako at yon ay ang ligawan ka.” Sabi pa nito.


“Claude…”


“Sabi ko naman sayo di ba? Hindi mo kailangang pumayag basta hayaan mo lang akong ipakita sayo na hindi ako nagbibiro.” Pagputol nito sa sasabihin ko. Alam kung determinado na sya sa kanyang desisyon kaya hindi na ako nagsalita pa.


Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mapaisip sa mga nangyayari. Totoo, inasam ko nung una at pinagpantasyahan ko ang araw na ito. Ang araw na makakausap ko si Claude nang normal, pero mukhang sobra ata ang binigay ng dyos.


Nang matapos kumain ay nag order pa si Claude nang deserts para sa aming dalawa simpleng kwentohan ang naganap sa amin. Sya ang nagtatanong habang ako naman ay panay lang ang sagot. Kung ayaw ko naman sa tanong nya ay tumatahimik lang ako at agad nyang iniiba ang tanong.


“Alfie?” Tawag ko sa taong naka sandal sa may pasilyo. Tumingin naman ito sa gawi ko at ngumiti nang pilit siguro dahil kasama ko si Claude.


Lumapit kami sa kanya.


“Mag-isa ka ata.” Sabi ko sa kanya bilang pagbati.


Tumingin muna ito kay Cluade bago sumagot sa akin.


“Akala ko kasi magsasabay ulit tayong mag lunch ngayon.” Mahinahon nitong tugon, pero bakas sa kanyang mga mata ang lungkot.


“Hindi ka pa nag lunch? Naku, pasensya na nakalimutan kong mag text na nauna na ako.” Paghingi ko nang paumanhin medyo na guilty ako sa hindi ko pagsasabi sa kanya. Nakasanayan na kasi namin mula nang humiwalay ako kina pinsan ang laging mag sabay.


“Ehem!” Agaw pansin ni Claude.


“Ah sya nga pala Alfie, si Claude ka…” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad sumingit ang gago.


“Manliligaw nya.” May angas nitong sabi.


Pareho kaming napatingin ni Alfie sa kanya na may pagkabigla. Nang makabawi si Alfie ay tumingin ito sa akin na may pagtatanong sa kanyang mga mata.


“Ah..eh… Ano kasi Alfie kuan..”Wala akong makapang sasabihin sa kanya dala nang pagkabigla halos pagpawisan pa ako nang malamig.


Nanatili lang itong nakatingin sa akin hindi parin nagpapalit ang expresyon nag mukha nito.


“Claude! Hoy Claude pare!” Pasigaw na tawag ni Mike na sinamahan pa nang pagkaway-kaway nito. Kasama nito ang pinsan ko siguro katatapos lang din mag lunch ng dalawa.


Nang makalapit sila sa amin pareho silang nagtaka.


“Ano ang meron? Okey na kayo ni Laurence?” Tanong ni Mike kay Claude sa masayang tono.


Ngumiti naman ang gago nang ubod ng tamis.


“Yep! Sa katunayan nga liligawan ko na sya.” Sabay akbay nito sa akin.


Mula sa pagkakangiti ay napanganga ang dalawa sa narinig. Ako naman ay napayuko sa sobrang hiya’t pinagpawisan nang malamig. ‘Ano kaya ang nahithit ng gagong to. Dyos ko!’ Ang nasabi ko nalang sa aking sarili.


“Pinsan?” Pagtawag ng pansin sa akin ni Ralf. Bakas sa mukha nito na naguguluhan sya.


“Excuse me.” Ang wika nang isang babae na nagpabalik sa akin mula sa malalim na pagiisip. Kababalik lang nito mula sa pangungumunyon.


Umayos ako nang pagkakaupo para makadaan ang babae na pabalik na sa kanyang pwesto. Bahagya pa itong ngumiti sa akin sinuklitan ko naman sya nang isang matipid na ngiti.


Pangalawang simbang gabi na at habang tumatagal ay nadadagdagan ang mga taong nagsisimba. Nagpalinga-linga ako para tingnan ang ilan na tulad nang babae kanina’y pabalik narin sa kanilang upuan. Muli ko nanamang nakita ang babae na katabi ko sa unang araw ng simbang gabi nakapila pa ito para sa kumunyon at napalingon sa akin.


Iniwas ko ang aking tingin at ibinaling nalang ito sa ibang dereksyon baka iba pa ang isipin nito. Alam kong halata sa mukha ko ang matinding puyat, hindi ako pinatulog sa pagkikita namin ni Anna. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na narito na ulit si Clyde. Natatakot ako, ayaw kong masira ulit ang buhay ko lalo na ang mga pinaghirapan ko sa nakaraang anim na taon.


Iniwaksi ko muna ang aking mga alalahanin at lumuhod para magdasal. Alam kong sa loob ng anim na taon nawalan ako nang tiwala sa panginoon. Pero ngayon gusto kong ibalik ang aking pananampalataya hindi lang dahil ito ang huling hiling ng aking ina kung hindi dahil gusto ko rin.


Panginoon humihingi po ako nang tawad sa ginawa kong paglimot sa inyo sana po ay naiintindihan nyo ako. Alam kong marami akong naging pagkakamili sa nakaraan at gusto kong kalimutan lahat ng iyon, pero bakit, kahit anong pilit ko na tuluyang kalimutan ang lahat ay bumabalik parin. Ano ba talaga ang plano nyo sa akin? Tulungan nyo po ako.” Ang taimtim kong pakikipagusap sa kanya alam  kung sya lang ang nagiisang makakatulong sa akin.


Nang matapos ang misa ay hinintay ko munang makalabas ang mga tao ayaw kong makipagsiksikan tutal hindi naman ako nagmamadali. Nakaupo lang ako at nakatingin sa altar nang may biglang kumalabit sa akin nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin ang babae kanina.


“Hi.” Nakangiti nitong bati. “Hindi ka pa ba lalabas?” Tanong pa nito.


Medyo nagtaka ako kung bakit ako nito linapitan bigla. Pero ayaw ko namang lumabas na bastos kaya agad akong bumawi at binigyan sya nang isang ngiti.


“Marami pa kasing tao.” Tugon ko sa kanya. May kahawig ang mukha nya ngunit di ko maalala kung sino.


“Ganun ba? By the way Louisa” At ini lahad nito ang kanyang kamay sa akin.


Atubili ko itong tinanggap at nagpakilala rin sa kanya. Matapos maghiwalay ang aming kamay ay nakatingin parin ito sa akin at nakangiti nakaramdam naman agad ako nang hiya.


“B-Bakit?”


“Wala naman.” Tugon nito na sa akin na hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha nito. “It was really nice meeting you Laurence see you soon.” Ang sabi nito at agad nang tumalikod na hindi manlang ako hinintay na makasagot.


Kunot noo ko syang pinagmamasdang papalabas ng simbahan. Hindi ko mawari, pero iba ang dating sa akin sa mga huling sinabi nya para bang nakaplano na ang susunod naming pagkikita.


Sino sya? Ang pabulong ko nalang naisatining at sumunod na ring lumabas.


Medyo marami-rami pang tao sa labas ng simbahan may mga bumibili nang popcorn, may magkakaibigang nagkukwentohan at ang magkakapamilyang nagtatawanan. Bigla nalang akong nalungkot habang binagmamasdan silang masaya. Ako kaya kelan kaya ako makakatawa nang ganun? Pabulong kong sabi.


Dumating ako sa eskwelahan 20 minutes before nang 1st subject ko wala naman akong masyadong gagawin since na examination week at bukas na nag huling araw since 19 ang Christmas party ng mga studyante. Nakaupo lang ako sa lamesa ko sa loob ng faculty room at nag che-check ng mga papel ng mga section na tapos nang magexam sa akin ng pumasok si Chatty.


“Wow early na naman. Balita ko magkasabay kayong umuwi ni papa Pat.” Bungad nito sa akin.


“Sino naman ang nagsabi sayo?” Walang gana kong tugon nakakaramdam ako nang pagkahilo marahil dahil wala pa akong tulog.


“Si Pa’t.” Proud na proud nitong sabi.


“Nag text sya sayo? Bago yan ah.” Pangaasar ko sa kanya.


“Syempre ako ang unang nagtext  sa kanya.”


Tumawa nalang ako at napailing sa pagiging sa kanya. Kakaibang babae talaga itong si Chatty sya na talaga ang nanliligaw sa lalake.


“Tatawa-tawa mo dyan?” Nakataas ang kilay at nakapamewang nitong sabi sa akin.


“Wala!”


“Mukhang nagkakasiyahan kayo ah.” Bungad sa amin ni Pat.


“Pat!” Ang tila nabiglang pagtawag ni Chatty sa kanya. Agad naman iyong napalitan nang paghanga nang makita ang porma nito.


Hindi ko naman masisisi si Chatty sa naging reaksyon nito dahil sa lumabas talaga ang kakisigan ni Pat sa suot nitong  ¾ na kulay itim na long sleeve at itim din na pantalon na kita ang hubog ng hita nito.


“Good morning!” Magiliw nitong bati sa amin pero sa akin nakatingin. Napangiti nalang ako at tumango sa kanya.


Si Chatty naman ay parang ewan lang na nakatulala lang at paniguradong nag di-daydream bahagya pa itong nakanganga na lihim kong ikinatawa.


“Hoy!” Basag ko sa pananaginip nito. “Anong nangyari sayo, para kang nakakita nang multo ah.” Tatawa-tawa ko pang sabi. Agad naman itong bumawi at sinimangutan ako bago nag walkout malamang nahiya ang loka-loka dahil namula ito.


“Ano nangyari sa kanya?” Wika ni Pat na nagtataka.


“Dunno.” Nakangiti kong tugon.


Lalo namang nangunot ang mukha ito.


“What?”


“Wala!” Tugon nito sabay ngisi.


“Bakit ka nakangisi?”


“Anong nakangisi?” Maang-maangan nito.


“Ewan ko sayo. Punta na nga ako sa klase ko.” Ang wika ko sabay tayo at pulot ng mga gamit ko. Nang lalampasan ko na sana sya ay hinawakan ni ang kamay ko sabay hila sa akin.


“Kwentuhan mo ako mamaya kung ano nang yari sa dinner date mo kagabi ah.” Pabulong nitong sabi. Ramdam ko ang pagdampi nang mainit na hangin na nagmumula sa kanyang bibig sa aking tenga. Para akong napaso na lumayo rito. Nang ibalik ko sa kanya ang aking tingin ay nakangisi pa rin ito.


“O-Okey.” Ang naisatinig ko nalang at mabilis na lumabas sa faculty room. What the hell was that? Naitanong ko sa aking sarili.






Itutuloy:

20 comments:

Billygar said...

hala. ung babae ba ang makakatuluyan ni Lance? hahaha. ang tweettttt...hehehe. Next chapter na...hehehe. Thanks Mr. Z.

Anonymous said...

faculty Rome FTW :))

Zildjian said...

Anon - Wahahahaha! sorry! di pa ata ako nakaka move on kay Rome LOL... na edit ko na po :))


Billygar - ayay!!! buti naman po at na enjoy mo ang chapter 5 salamat sa comment :)) ahihihihi

Ross Magno said...

Sino kaya ung babae sa simbahan na laging nakikita ni Laurence?

Isang tao ba na mula sa kanyang nakalipas? Nagpasex-change ba kaya mukhang familiar sa kanya? hehe..weird pero eto ang pumasok sa aking isip...haha

Next...

Anonymous said...

nice chapter..next na :)

-ram

Zildjian said...

Ross M - lakas nang tawa ko sa sinabi mo lol.. Anong nagpasex-change? HAHAHAHAHA



Ram - aw thank you. Di ka nagparamdam sa chatbox ah.. :)

Lawfer said...

ejo nguluhan aq sa una lol d tlaga q snay sa mga time shifts xD

anyway anyhow anywho da hu ung bebot? o.o

c alfie kwawa, kung aq xa mbbtukan q tlaga yang c laurence...

Zildjian said...

Rue - baliw ka talaga katanashi anyway anyhow anywho! HAHAHAHA astig pahiram ako nyan sa mga upcoming chapters ko :))


Di ko na sasagutin yan dito sa kwento nalang alam kung ayaw mo na kinukwento ko ang lahat :))

Anonymous said...

thanks Zildjian at me update na yung story :)) kaso me mga typo pa rin kaso minimal lang like Claude naging Clyde hehehe... im willing to help u sa pagproofread ng stories mo.. just email me na lang if u want then message mo ako sa fb para bigay ko sa yo number ko...

rstjr029

RJ said...

haha buti naman sir at hindi na to cliffhanger :D

nga pala Z, gumagana naman yung italics sa mobile version (phone ang gamit ko ngayon).

anyway, pakiramdam ko yung babae sa simbahan connected sa isang tao sa past ni Laurence, ewan lang kung sino.

hehe dami ko pa gusto sabihin kaya lang pumipikit na mga mata ko sa antok e. basta keep it up lang!

Zildjian said...

rstjr029 - pacnxa na sa typos ko hehe di ko talaga maitama minsan hahaha.. sorry po :) nakakahiya naman po sayo kung aabalahin pa kita pero sige po susubukan ko mag reach out sau :)


R.J - Gumagana ba? sa akin kasi hindi.. hmffff


anyway, wala po munang clue about sa character ni louisa abangan nyo nalang po sa mga susunod na chapter hehe


okey lang din kahit maiklang naiintindihan ko naman na kailangan nyo rin pong magpahinga.. salamat sa time :) kita kits tayo sa susunod na chapter nito :) 7 mornings to go :)

M.V. said...

hmmm... medyo bitin ako dito... pero ayos lang... kilig na rin sa pagpapa obvious ni pat... isip-isip sa babae sa simbahan... pero hinihintay ko additional info o ung flashback na may kinalaman sa sinabi ni Anna... pero naintindihan kong baka matagal pa un kc mukhang un ang missing link ng misery ni laurence ngayon... hehehe

russ said...

i think si claude ay naging babae na...un ang gurl sa simbahan..teka si patrick may lihim din na pagtingin..beki rocks!

Ross Magno said...

@russ..dapat pala Claudia na ang name nung girl sa simbahan..hehe

Anonymous said...

zildjian no problem sa akin di naman ako busy saka talagang di mo na makikita ang mali masyado kapag ikaw ang gumawa hehehe.... wag kang mahiya sa akin free of charge ako hehehe....

rstjr029

Zildjian said...

hahahaha lol ginawa nyo namang bading masyado si Claude :)) masyado naman yan. :D abangan nyo nalang po ang susunod na chapter :))

Ross Magno said...

hehe..Baka si Alfie yun..Siya na ngayon si Louisa..haha

Anonymous said...

naku sir laurence.... may gusto yata sa u si sir pat..... he he he .... so paano yan at dumating na si claude... naku baka mag suntukan silang dalawa at ikaw ang may gawa he he he....teka sino si loisa????? bat parang kilala ka nya....

ramy from qatar

Anonymous said...

nakakatuwa nmn!^^
ang charot-charot ni claude nung nsa joby cla ni lance!kakakilig pa!haha...i really think pat has feelings for lance too..amoy na amoy eh!haha..

Cno b kc ung gerlalu na un sa simbang gabi??hihihi...

-monty

Anonymous said...

parang wala lang s mga nagbasa yung eksena ni lance at anna. me ganon bang eksena na may alitan pala e makikipagkita pa? tapos nung nagkita na, ininsulto pa si lance. o diba dapat umalis na sya. yung lang pla ssbihin na dumating na c claude. e ano nmn ang paks ni lance e matagal na wla silang communication. kahit ano pa yung nagdaaan s kanila. kung bumalik man c claude e hindi s ganung paraan. hindi n sna ina pagkatao mo, ayaw mopa umalis. yun lang nmn ang comment ko. so far maganda naman ang takbo ng kwento kahit paiba-iba ng eksena.

rhon

Post a Comment