Friday, September 30, 2011

King Of Hearts










Stressed na naman. Buwisit kasing mga customer
ko walang ginawa kundi magalit. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko
itinuloy ang Architecture. Architecture ang kinuha ko sa kolehiyo
subalit matapos ng 2 taon ay huminto ako, sa dahilang wala ang puso ko
sa kursong iyon. Mataas naman ang grades ko pero tinatamad talaga ako.
Anyway, ayun na nga, dahil sa di ko tinapos yung kurso ko eh sa Call
Center ang bagsak ko.







Pagkalabas
sa trabaho ay dumeretso ako sa crossing upang magrent at maglaro ng
Ragnarok upang duon ilabas ang stress ko. High Wizard ang character ko
at masayang pumatay ng maramihang monster gamit ito sa kabila ng marupok
na buhay nito. ~Qu33nOVh3@rts~
ang name ng char ko. Oo, isang babae ang character ko, chixilog o chix
na may itlog kung tawagin. Dahil nga marupok ang buhay ay kailangan ko
ng kaparty. Nagpunta ako sa tambayan ng mga naghahanap ng kaparty at may
nakita akong naka-pub “NPM>Devotion type here.” KingOfHearts™
ang name ng char nya, pumasok ako sa pub nya at nalaman kong Paladin
pala siya (Devoton ay skill ng Crusader na kung saan pinoprotektahan
niya ang ka-party at siya ang sasalo ng lahat ng damage. Paladin ang
advanced class ng Crusader, mas malakas kung baga.) Perfect na kaparty
ito para sakin. So hayun nga nag-party kami at nagpunta sa Magma
Dungeon. Usap-usap kami habang nagpapalevel. Tinanong nya kung babae
talaga ako, sinabi kong hindi, gusto ko lang ng babaeng character kasi
sexy mga female mage class. Natawa siya at sumang-ayon. Matapos ng 2
oras ay nagpaalam na ako, nagpalitan kami ng number para magkausap kung
kailan kami magpaparty ulit. Umuwi na ako pagkatapos nun.








Toot toot!








Tumunog ang cp ko a tinignan ang dumating na mensahe. Galing kay KingOfHearts™.





Tnx nga pla s pt ha? Nkauwi knb?





ok lng, tnx dn ha? yep! kakauwi q lang. kw b?





Sa bhy lang me play.





waw yaman my pc!





D nman po :) Ano pla ril nme mo?





nat short 4 nathaniel. kw?





Garry short 4 garry :P





adik!








At
hayun palitan ng text, pero kung kanina sa game ay puro sa in-game mga
usapan namin, sa text ay iba, puro mga personal. Panatag naman ako, as
long as huwag niya itatanong ATM PIN ko diba? Hehe.








Ganun
ang naging routine ko, pagtakatapos sa work maglalaro kami ng Ragnarok,
pagkauwi magtetext kami hanggang makatulog ako. Tuwing pagkagising ko
ay laging nandiyan ang “Good Morning” niya kahit na gabi na.
Hindi ako mahilig magtext dati dahil sa mga walang kwenta katext mga
nakakatext ko, inis na inis ako lalo na kapag magrereply sila ng “hehe…” o kaya ay “ok” at lalu na kung smiley lang. bat nagtext pa sila diba? Pero iba si Garry, laging may sense kausap.








Minsan,
dayoff ko ay tumawag siya. Maliit ang boses nya, parang sa bata.
Tinawanan ko siya kasi naman matanda siya ng isang taon sakin, 21 ako at
22 na siya pero ang boses nya parang sa elementary. Sa kakatawa ko eh
nainis yata, bigla siyang kumanta ng ilang lines sa “Maybe”
ni Jimmy Bondoc. Napatulala ako pagkarinig sa singing voice nya,
malamig na parang hinehele ka, pero at the same time ay mainit na parang
isang yakap na nakakarelax.








Grabe ka! Ganda ng boses mo! Choir ka ba?





Hindi, mahilig lang talaga ako kumanta.





Ahh.. Minsan kita tayo, kantahan moko sa Quantum.





Ayoko, nahihiya ako.





Sa cubicle lang, para ako lang makarinig.





O sige.





Ngayon na, pwede ka ba?





Oo, wala din ako gagawin eh.








So
hayun, naligo ako, nagbihis, nagpabango at lumarga na ako papunta sa
mall na napag-uasapan. Nakaupo lang ako sa stairs sa harap habang
nagyoyosi. May kumalabit sakin at napalingon ako, ilang beses ako
kumurap pagkakita sa kanya.





Garry?





Oo, ikaw si Nat?





Oo ako nga. Grabe, 22 ka na ba talaga?





Oo naman. Bakit?





Muka kang high school!








At
nagtawanan nalang kami. Di siya gwapo pero sobrang cute nya. Makinis,
maputi, medyo payat at mas maliit sakin. 5’5” lang siguro sya
samantalang ako 5’8”. Pakiramdam ko eh ibinigay talaga siya ng langit
sakin kasi naman perfect sya para sakin. Ayoko kasi ng bato-bato, gusto
ko yung katulad ni Garry, parang babaeng walang boobs ang katawan pero
hindi babakla-bakla kumilos. Kabaligtaran ng character nya sa game na
macho at tigasin. Haha..








Hayun pumunta kami ng Quantum at kinantahan nya ako. Pinaka fave ko sa mga kinanta nya eh “This I Promise You”
ng NSYNC, bagay na bagay ang boses nya sa kanta. Matapos nun eh
nagpunta kami ng Netopia para maglaro. Naging masaya ang dayoff ko dahil
sa kanya.








Lumipas
pa ang mga araw eh naging lalo kaming malapit, lagi rin kami nagkikita
hanggang sa niligawan ko siya. Sa una eh ayaw nya, pero dahil na din sa
pursigido ako eh napapayag at napasagot ko siya. Ipinakilala nya ako sa
mommy nya bilang bestfriend nya.








Nagpasya
kaming sa apartment ko siya tumuloy tutal malapit lang din sa work nya
ang apartment ko. Naging masaya ang pagsasama namin at tumagal kami ng 3
buwan. Lagi akong nasa tabi niya, nakaakbay at ipinaparamdam sa kanya
na safe siya basta kasama ako, kabaligtaran sa game na siya ang
pumoprotekta sa akin. Malambing siya, lagi siyang nakayakap at lagi
kaming nagnanakawan ng halik kahit ba nasa public place kami. Sa kabila
nito ay isa lang ang ‘di namin ginagawa, ang magtalik.








Ilang beses ko na siyang inaya subalit lagi nyang sagot eh “Hindi pa ako handa.”
Isang araw ay niyakap ko siya habang naghuhugas siya ng pinagkainan
namin, inaya ko siyang muli, at as expected eh yun pa rin ang linya
niya. Nagtampo ako, “Kung ganyan ka lagi baka humanap ako ng iba nyan.” sabi ko sabay umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.





Tahimik.





“Kung gusto mo talagang magparaos, sige humanap ka ng iba. Hindi ako magagalit.” Pagbasag niya sa katahimikan subalit hindi man lang ako nilingon. Naroon pa rin ang lambing ng boses nya.





Nainis ako sa narinig, “Ipinamimigay mo na nga ako?”
pasigaw kong tanong. Hindi siya sumagot. Pinatay ko ang tv at
ibinalibag ang remote sa sofa at padabog na nagtungo sa kuwarto. Nahiga
ako sa kama ng masama ang loob.








Ilang sandali lang ay pumasok na siya at humiga sa tabi ko, niyakap niya ako, “Sorry kung hindi pa ako handa. Kung kailangan mo talaga magparaos, pwede kang maghanap ng iba, di ako magagalit.” pag-amo nya sakin.








Lalu
akong nabuwisit sa mga narinig ko. Ang nais kong marinig eh mag-sorry
sya sa sinabi nyang pwede akong maghanap ng iba, pero kaysa magsorry eh
inulit pa niya. Nakakainis! Pininamimigay na nga nya ako.








Bumangon
ako at lumabas ng kuwarto, tuloy-tuloy hanggang makalabas ng bahay.
Naglakad-lakad ako hanggang makarating sa isang park. Naupo ako duon at
inaliw ang sariling masdan ang mga taong naglalakad. Biglang may tumabi
sakin, nakangiti sakin. Malakas nag kutob ko na katulad ko siyang bi
sapagkat madalas niyang iangat ang tshirt nya, ipinapakita ang abs nya
habang hinihimas ito. Nawirduhan ako sa taong ito, akala naman niya
maaakit ako sa abs nya eh payat nga ang type ko. Sa wakas ay huminto ito
sa ginagawa niya, napansin nya siguro na walang epekto sa akin..








Hi.





Hello.





Mag-isa ka lang?





Oo.





Anong pangalan mo?




Nat.





I’m Marvin.








At
nagkamay kami. Nag-usap kami ng kung ano-ano hanggang sa magpag-usapan
namin ang problema ko. Naintindihan naman niya ako. Nagpalitan kami ng
number at nagpaalamanan na. Umuwi ako ng di ko pinapansin si Garry.








Lumipas
pa ang mga araw ay lagi kong naririnig sa kanya yung mga linya nyang
kinainisan ko, lalung lumamig ang pakikitungo ko sa kanya, na
kabaligtaran naman kay Marvin. Naging malapit kami hanggang sa nagkaroon
kami ng lihim na relasyon.


Isang araw habang nagdedate kami ni Marvin ay di ko inaasahang makita kami ni Garry.


Lumapit siya na may blangkong mukha, di ko alam kung galit sya o kung ano. Pinatalikod iya ako at niyakap ako. “Mahal na mahal kita, maiintindihan mo rin ako pagdating ng panahon.” Yan ang mga katagang binitawan niya bago niya ako hinalikan sa pisngi at tuluyang pinakawalan ako sa yakap niya.








Gusto
ko siyang habulin subalit mas nanaig ang pride ko. Ito ang gusto niya
diba? Bahala siya sa buhay nya. Hinawakan ko ang kamay ni Marvin,
hingpitan naman niya ang pagkakahawak ng mga kamay namin.Naging panatag
ako sa ginawa nya.








Umuwi
ako pagkatapos ng date namin ni Marvin. ‘Di ko dinatnan si Garry,
malamang ay nageemote yun sa kung saan at ‘di pa umuwi. Maliligo na sana
ako para makatulog na, binuksan ko ang cabinet at nakitang kalahati
nalang ang mga damit na nandoon. Tinignan ko ang maleta ni Garry sa
ilalim ng kama subalit wala na ito. Bigla akong binalutan ng takot.,
takot na iniwan na ako ni Garry. Tinignan ko ang buong silid at wala na
akong makitang gamit niya. Tinawagan ko ang CP nya subalit hindi niya
sinagot. Sinubukan ko uli, ganun pa rin. Sa ikatlo ay out of coverage
area na.








Tinawagan
ko ang CP ng mommy nya subalit katulong ang sumagot. Malamang ay
nakadivert sa bahay ang incoming calls nya. Sinabi ng katulong na
nagpunta ang mag-ina sa airport at malamang daw ay nakalipad na ang
eroplano.








Nanginig
ang buong katawan ko sa mga sandaling iyon, sa sobrang galit at lungkot
ay ibinato ko ang CP ko sa pader, ang fragments naman ng nawasak na CP
ay tumama sa LCD screen ng PC na dahilan ipang mabasag din ito. Nagulat
ako, angmahal nun! Bakit ko ba yun ginawa? Nataranta na ako. Sinisisi ko
si Garry kung bakit nangyari ito, kung hindi sa pag-iinarte nya eh
hindi mangyayari ang lahat ng ito.








Iyak
lang ako ng iyak nang maalala ko ang luma kong CP. Kinuha ko yung SIM
ko sa sumambulat na CP at knuha ko ang luma kong CP sa cabinet. Nakatali
ito ng goma dahil sa kalumaan. Isinaksak ko sa charger at tinawagan si
Marvin.








After 20 mins dumating na si Marvin. “Anong nangyari?” tanong nya. Sa halip na sumagot ay siniil ko sya ng mariing halik habang umiiyak. Itinulak niya ako pero di ako bumitaw. “Itataboy mo rin ba ako?” tanong ko. Mula sa gulat ay nabakas sa mukha ni Marvin ang awa. Siya na ang humalik sa akin.





Pinunit
ko ang t-shirt nya at ibinaba ko ang pantalon at brief nya. Naghubad na
rin ako at walang sabi-sabi’y pumatong ako sa kanya ay ipinasok ang
aking alaga sa likuran nya. Walang pampadulas at bakas sa mukha nya ang
sakit subalit tiniis nya ito. Dito ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko.








Matapos ng ginawa namin ay tulala pa rin ako. Niyakap nya ako at sinabing “Hayaan mo na siya, malaya ka na. nandito naman ako para sa’yo.”








Itinulak ko sya at sinigawan, “Mahal ko siya, parausan lang kita!”








Bigla nya akong sinapak at sinikmuraan. Matapos nito ay dinuraan pa ako at sinipa. “Mamamatay ka rin!”
sigaw niya bago lumabas ng silid. Naiwan akong nangungulila sa mga
haplos at lambing ni Garry. Sising sisi ako sa mga ginawa ko. Pero huli
na.








Ipinagpatuloy
ko ang buhay kahit mahirap. Pansin din ng mga kaibigan ko na lagi akong
malungkot kaya pinilit nila akong mapasaya. Gimik dito, inom dun, party
dito, one night stand dun. Lahat ng pagpapakasasa upang makalimutan si
Garry ay ginawa ko. Ngunit sa kabila ng mga halakhak ay nanatili ang
pangungulila ko sa kanya.








Tatlong
taon ang lumipas, papasok na ako sa trabaho. Dumaan ako sa kalsadang
araw-araw kong dinadaanan. Napansin ko ang isang lalaki roon na
naninigarilyo. Pamilyar ang mukha niya sa akin. Pumasok siya sa loob ng
chapel. Di ko alam subalit parang may puwersang nagtulak sa aking mga
paa upang pumasok sa chapel.








Pagpasok
ko ay napansin kong may nakaburol doon. Iginala ko ang aking paningin
at nakita kong muli yung lalaki na nakaupo sa harap, lumingon siya sa
akin na bakas ang pagtataka sa mukha. Binulungan niya ang babaeng katabi
na nakaitim, marahil ay itinanong kung sino ako.








Paalis
na sana ako nang marinig kong tinawag ang aking pangalan. Luminon ako
at nakita ang babaeng nakaitim na papalapit sa akin. Nakilala ko ang
babae, siya ang mommy ni Garry! At yung lalaki kanina ay kahawig ni
Garry!








“Mabuti naman at nadalaw ka. Paano mo nalamang dito siya ibinurol?” tanong ng mommy ni garry sa akin. Hindi ko naman siya maintindihan kung kaya “Po?” lang ang naisagot ko.








Nilingon
ko ang kabaong at doon ko lang napansin ang letrato na nakapatong dito,
letrato ni Garry. Nanginig ang katawan ko sa mga sandaling yon.
Maraming katanungan ang gumulo sa isip ko.








Ano pong ikinamatay niya?





Tigdas.





Tigdas? Paanong nangyaring ikamamatay niya ang tigdas? At kung tigdas lang eh bakit kailangan pa nilang umalis ng bansa?





“Paano pong tigdas ang ikinamatay niya?”





“Hindi mo pa nga pala alam.”





“Ang alin po?”





“Kilala
mo naman ang kaibigan mo, gagala yan kahit mag-isa. Minsang nanood siya
ng sine ay may naramdaman siyang masakit na tumusok sa tagiliran nya.
Nang lingunin niya ang nasa tabi niya ay napansin niyang isang syringe
ang itinusok ng katabi nya sa kanya. Sinuntok nya yung lalaki na umalis
naman kaagad. Di na niya pinansin pa iyon matapos ng pangyayari. Pero
minsang napansin naming ang simpleng sipon ay tumatagal ng ilang linggo
ay nag-alala na kami kaya pina checkup namin sya. Duon namin
napag-alamang HIV positive siya.





Naging
malungkutin na siya mula noon. Laging nagkukulong sa kuwarto at di na
gumagala kahit may mag-aya sa kanya. Nagbago lang ito nang makilala ka
niya, dahil sayo bumalik ang dating ugali ng anak ko. Masayahin at
punong puno ng pag-asa.





Di
ko alam kung anong nangyari sa inyo pero bigla siyang umuwi tatlong
taon na ang nakakaraan at ipinakiusap sa akin na magpunta kami ng
London. Duon nagpatingin siya sa iba’t ibang doktor, umaasang may nakita
ng gamot sa sakit nya subalit wala. Dinapuan siya ng iba’t ibang sakit,
at ang pinakamalala ay ang tigdas.”








Tumayo ako mula sa kinauupuan at nilapitan ang kabaong ni Garry. Napaluhod ako at nagsisigaw ng “Patawad Garry.. Hindi ko alam… Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Mahal na mahal kita… Paano na ako ngayon?” habang yakap-yakap ang kabaong ng aking mahal.








Nilapitan ako ng kahawin ni Garry, “Hiniling ni kuya na dito siya iburol upang malapit daw sayo. Mahal na mahal ka ni kuya.” Inalalayan niya akong tumayo at muling nagsalita. “Tahan na, hindi matutuwa si kuya kapag nakita ka niyang ganyan. Magpakatatag ka.”





Pinilit kong magpakatatag. Inayos ko ang aking sarili at umupo sa tabi ng mommy at kapatid ni Garry.








“Alam
ko ang namagitan sa inyo ng anak ko. Labag man sa loob ko’y hinayaan ko
nalang kayo, dahil nakita kong masaya siya sayo. Sana kung ano man
pinag-awayan nyo dati ay mapatawad mo ang anak ko. Mahal na mahal ka
niya.”
sabi ng mommy ni Garry habang halos maiiyak uli.








Nawalan
na ako ng ganang pumasok, napagpasyahan kong umuwi muna upang magbihis
at para iuwi na rin ang aking gamit. Sa aking paglalakad ay napadaan ako
sa mga nagtotong-its sa kanto. Sa di malamang dahilan ay lumakas ang
hangin ay nilipad ang mga barahang nakapatong sa mesa nila. Nilapad ang
ilan sa mga baraha sa aking harapan na lahat ay nakataob, maliban sa
isang baraha… ang King of Hearts








Sa
kabila ng pagpapakita kong astig ako, na pinoproteksiyunan ko siya
noon, ay kabaligtaran pala ang nangyari. Tulad ng character niyang si KingOfHearts™
ay ininda niya ang lahat ng pahirap, huwag ko lang pagdaanan ang mga
pahirap na yun. Sa kabila ng pangungulit kong makipagtalik siya sa akin
ay pinili pa rin niyang maghanap ako ng iba kaysa mahawa ako sa sakit
niya, kahit masakit sa kanyang makita ako sa piling ng iba. Ganun nya
ako kamahal…








Pinulot ko ang baraha at itinapat sa aking dibdib…







“Mahal din kita… Garry…”

















WAKAS











*Note: ang kuwentong ito ay bunga lamang ng isang bangungot :D

*Image: Ragnarok Crusader




After All Chapter 02


Gusto ko pong pasalamatan sina
Rover, Lilee (Mama bear), Rue (Flame dragon ni Recca), R.J at khief Blue
Dahil sa walang sawang pagpapakita nila nang suporta sa akin sa pamamagitan ng comment nila.
Salamat din mga silent Reads sana mag comment din kayo para naman alam ko kung nagugustohan nyo ang gawa ko o hindi.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
****************************


Mga 6.30 palang nasa bar na kami para sa blessing. Sobrang busy na kami dahil marami nang tao sa loob. Mga kaibigan namin noon nung high school at mga ka pamilaya ng barkada ko na sinusuportahan sila. Ako, walang kapamilya na darating dahil ang mga magulang ko ay hindi mahilig sa mga ganito. Ang mama ko ay house wife lang na takot sa asawa nya kaya hindi makalabas ng bahay. Pagsinabi ng asawa nya na hindi pwedi hindi talaga pwedi. Bata palang ako nung namatay ang tunay kong ama dahil sa isang shootout. Makaraan ang dalawang taon nakapangasawa ulit ang mama ko nang isang business man na hindi ko makasundo. May dalawa silang anak.


“Red nasan naba si Ace?” Kita ko ang pagkainis ni Tonet.

“Malamang nag lalaro pa sa computer yon.”


Nasa ganun kaming usapan ni Tonet ng dumating ang parents ni Ace. Akala namin kasama na sya ngunit pagkababa nang mga magulang nya ng sasakyan na dismaya kami.

“Good evening po tita, tito.” bati namin ni Tonet sa mga ito.

“Good evening din. On the way na daw si Ace.” Ang sagot naman ng mama nya.
“Mabuti naman po nan dyan na kasi ang pari.” Sagot naman ni Tonet na halata sa mukha ang pagkainis kay Ace.
“Pag pasensyahan nyo na yon. Alam nyo namang mabagal kumilos ang batang yon.” Pag papaumanhin naman ng ama nito.
“Ok lang po yon.” wika naming dalawa ni Tonet.

“Si Rome nandito naba? Sigurado na ba kayo sa gagawin nyo mamaya?” Tanong naman ng mommy ni Ace sa amin.
Kinausap na ni Tonet at Rome ang parents ni Ace tungkol sa gagawin naming plano para magkaayus ang dalawa. Wala naman silang tutol ang gusto lang nila ay sumaya ulit ang anak nila. Ganun nila kamahal si Ace minsan di ko maiwasang maingit kay Ace for having such a good parents.
“Opo tita na sa loob na po sila kasama ang parents nya. Lets go po para makilala ninyo ang byenan ng anak nyo.” Sabay nito nang nakakagago na sinabayan naman ng daddy ni Ace.
Mag aalas otcho na nung dumating ang hinihintay namin na si Ace. Agad itong sinalubong ni Tonet at kita kong kinaladkad ito papasok. Natawa ang mga nakakita dahil parang bata na kinakaladkad nya si Ace.
“Father pwedi na po nating simulan.”
Agad na ngang nagsimula ang pari na alam kong inip na inip na rin sa kakahintay kanina pa. Nagsimulang magsitayuan ang mga tao sa loob. Habang sinisimulan ang pagbabasbas ay linapitan ako ni Tonet at binulungan. “Muntikan nang makita si Rome.”
Napatingin naman ako sa gawi kung saan pinaupo ni Tonet ang mga magulang at pinsan ni Ace. “Hindi yan.” Yon nalang ang naisagot ko sa kanya.
Nang matapos ang blessing ay isa-isang lumapit sa amin ang iba pa naming mga kabarkada na piniling sa mga kapamilya nila tumabi habang binibigyan ng basbas ang bagong negosyo namin.
Pagkatapos kumuha nang pagkain ang mga bisita ay kami naman ang sumunod. Di ko alam pero habang kumakain kami ay parang bumabalik nanaman ang bigat na pakiramdam sa akin. Siguro dahil malapit na ang pagkikita ulit ni Ace at Rome. Tumingin ako kay Ace at kita ko sa kanya na wala syang idea sa mga mangyayari.
Mga ilang minuto lang at tinapos na ni Tonet ang pagkain para simulan na ang program na gagawin. Tumayo ito sa mini stage na syempre sya ang nag decorate at sinimulang magsalita.
Habang kenukwento ni Tonet kung saan kami nagsimula ay napapangiti kami. Kita ko rin na matamang nakikinig si Ace alam kong binabalikan nito ang mga ala-ala namin noon. Nung panahon na masaya kami. Nung mga panahon na hindi ko masabi sabi sa kanya ang aking lihim na pagtingin. Alam kung tumingin sya sa amin ni Carlo na may mga ngiti sa kanyang labi. Wag kang mag-alala Ace malapit kanang sumaya nang tuluyan. Ang sabi ko nang pabulong.
“Now, I would like to call my business partners to be with me.” Ang narinig kong sabi ni Tonet nang matapos nito ang kwento nya. Agad kaming tumayo at hinawakan ko si Ace sabay binulungan.
“Ready kana?”
“Saan? Sa opening? Matagal na akong ready para dito.” Ang sagot nito sa akin. Binigyan ko lang sya nang isang ngiti. Ngiti na nagpapahiwatig na matatapos na din ang kalungkotan nya.
Nang makarating kami sa stage ay agad na tinawag ni Tonet ang waiter at binigyan kami ng tig-iisang shot glass. Kita ko na parang may hinahanap si Ace siguradong nagtataka ito kung bakit walang Rome na dumating. Kung ako kaya ang hindi magpakita hahanapin kaya nya ako? Ang naitanong ko sa aking sarili.
“Cheers!” At itinaas ni Tonet ang shot glass nya na sinabayan naman ng mga tao sa loob.
SInabihan kami ni Tonet na magpaiwan na sa stage para umpisanghang aliwin ang mga bisita sa gagawin naming performance. Nang marinig ito ni Ace nakita ko agad ang panginginig ng tuhod nya. Gusto kong matawa pero hindi ko ginawa baka mapatay nya ako. Sa halip ay binulungan ko nalang sya.
“Ace, relax.” Sabi ko sa kanya. “Just think na rehearsal lang ito at ang lahat ng mga ilaw na iyan at mga taong nanunuod sa atin ay dating ikaw. Kailangan mo silang ma-overcome.”
Napatingin ito sa akin na parang humihingi nang tulong na nagbigay sa akin ng ibayong saya. Masaya ako dahil nakikita ko na kailangan ako ni Ace.
“Tutulungan kita.” Ang wika ko sa kanya at sinimulan kong i-strum ang guitara.
Ginandahan ko talaga ang pag-plucking para mawala ang kaba na nararamdaman ni Ace. Ang tunog kasi ng gitara ay nakakatulong para mawala ang lahat ng mga alalahanin natin. Yon ang sabi ng namatay kong ama sa akin.
Unti unting gumaan ang pagkanta ni Ace. Nakikita ko na naeenjoy na nya ang pagkanta dahil sa nakapikit na ito na para bang ninanamnam ang bawat mensaheng namumutawi sa mga labi nya. Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang pinili ng puso ko para mahalin ko nang totoo. Sabi ko sa isip ko habang patuloy parin sa pag i-strum.
Nang matapos ang 1st set namin. Masigabong palak-pakan ang umalingawngaw sa buong bar. Napalingon ako kay Ace at nakita ko ang sobrang saya sa mga mata nya sa naging reaction ng mga tao.
“More!!” Sigaw pa nila sa amin.
“Mamaya ulit guys. Set break muna, don’t worry may dalawa pa kaming set.” Wika ko naman sa kanila.
Bumalik kami para makihalubilo sa mga bisita. Puro papuri sa amin ni Ace ang mga sinabi nila. Yung iba hindi makapaniwala na kaya palang kumanta ni Ace. Sobrang proud sa kanya ang mga magulang at mga pinsan nya.
“Cheers kay Ace at Red!” Ang magiliw na wika ni Tonet.
Nagsipagsunuran naman kami sa pag taas ng baso. Napatingin ako sa gawi ni Ace kita ko ang pagtataka sa mukha nya. Napansin naman ito ni Tonet kaya bigla syang tinanong.
“Any Problem?”
“No, actually I just saw someone and he looks familiar.”
Pareho kaming nagulat ni Tonet. Batid kong nagtaka si Ace sa reaksyon namin pero pinili nitong manahimik. Para mawala ang pagdududa kay Ace ay inaya ko na syang pumunta ulit sa stage para sa second set.

“Ace.” Bulong ko sa kanya habang paakyat kami nang stage. “Ako naman ang kakanta this time.” Humarap ito sa akin at ngumiti sabay tango.
Si Ace ang humalili sa akin. Nag palit kami ng posisyon kung kanina sya ang kumanta at ako ang nag gitara ngayon naman ako naman ang kakanta dahil isa sa mga kanta ko ay talagang pinili ko para sa kanya. Dito ko sasabihin lahat nang nararamdaman ko na hindi ko masabi o maipakita dahil natatakot ako na imbes na makatulong ay madagdagan ko pa ang paghihirap ni Ace.

videokeman mp3
The Man I Was With You – Jimmy Bondoc Song Lyrics

listen just hear me out
yes i know we agreed
when we break up we'd never give in to this need
to admit to each other
i miss you
listen just hear my cry
no i won't break my word
if i do say i miss you it would never be heard
let my heart whisper
all that it needs to
*how could you make me take a start?
then just leave me here hanging
can't even say how i'm feeling
how could you make them break my heart?
if i can't say that i miss you
let me say one last thing
#i miss him
and all the things he could do
yes/oh, i miss him
just as much as i miss you
oh, i miss him
i know you're wondering who
yes, i miss him
i miss the man i was with you
oh i would never be the same
listen just hear my voice
can you hear all the tears?
that i'm planning to hide
for the next thousand years
just as long as you know that
i love you
repeat *,#
except last line
how can a blind man find the light?
how can i find the kind of right?
how could you take away my sight?
how could you lose me in the night?
then you took away the heart in me
now i'm losing this fight
no i would never ever be the same
ooh.. ohh
oh, i miss him
and all the things he could do
yes, i miss him
just as much as i miss you
oh i miss him
i know by now you know who
yes, i miss him
i know by now you know who
i miss him
i miss the man i was with you
oh, i would never be the same
Gulat na gulat ang lahat pagkatapos nang huling kanta ko. Pati mga kabarkada namin ay napanganga sa ginawa ko. Hindi kasi nila alam na hilig ko rin ang pagkanta. Sawa na kasi ako na magpakita nang kalungkotan. Nung namatay ang papa ko sobra akong nasaktan at nangulila. Kaya simula nung mag high school ako pinilit kong ibahin ang image ko. Idinaan ko ang lahat ng problema sa biro. Ang iba ay nayayabangan sa akin habang ang iba naman ay napapahanga.
“Excuse me guys!” Nagsipag-tahimik naman ang mga tao sa loob. “Since we are all enjoying the night why not ituloy-tuloy na natin ang kasiyahan. I have a very special guest here and he’s willing to give us a song. He’s a very close person to me. Without further ado, I would like to present our guest, Mr. Supahman!” Ang rinig kong sabi ni Tonet na nagpabalik sa akin sa realidad. Ito na Ace. Pabulong kong sambit.
Bigla naman akong inakbayan ni Carlo at binulungan. “Kaya mo yan.” Napatingin nalang ako sa kanya.
Habang kumakanta si Rome sa stage. Di ko maalis ang tingin ko kay Ace gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nya. Kita ko na nung nasakalagitnaan na nang kanta nya si Rome unti unting pumatak ang mga luha sa mga mata ni Ace. Luha nang pananabik.
Matapos kumanta ni Rome dali-daling pinunasan ni Ace ang mga luhang parang tubig na dumadaloy sa mga mata nito.
“Hi guys!” Bati nito sa amin sabay upo sa tabi ni Ace.
“Welcome back Ervin!” Bati naman ng iba sa kanya. Hindi ko sya binati ewan ko ba kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko ako naman ang may gusto nito.
Napalingon kami sa gawi ni Ace. Katulad ko hindi rin nya binati si Rome.
“Welcome back Ervin.” Ang walang kuwenta nyang bati kay Rome. Unang besis kong marinig si Ace na tinawag si Rome sa unang pangalan nito.
“Ah eh guys, let’s toast to this! Kumpleto na tayo!” Ang sigaw ni Tonet. Naki-ayon na rin ako.
“Can we talk?” Ang pabulong na sabi ni Rome. Walang emosyon na tumingin si Ace dito.
“Please?” Pagsusumamo nito. Dinig namin ni Tonet ang mga sinasabi nito dahil napapagitnaan namin sila.
“Ace ayusin na natin ito.” Di mapigilang wika ni Tonet.
“Oo nga naman Ace.” Pag-sangayon ni Carlo.
“Bakit ano ang aayusin? Okay naman tayo diba?” habang nakatingin kay Rome na may pilit na ngiti. Kita ko ang pag buntong hininga ni Rome.
Alam kong nag pre-pretend lang si Ace. Alam kong pinipigilan lang nya ang sarili nya. Kami naman ay nakatingin lang sa kanila at mataman na nakikinig.
“Let me explain.” Nag susumamong sabi pa ni Rome.
Umiling lang sya. Nagtinginan kaming magkakabarkada kita ko sa mga mata nila na naguguluhan sila. Dahil pati ako ay naguguluhan din kong bakit pa pinapahirapan ni Ace ang sarili nya. Alam naman namin na sabik na sabik na syang makausap si Rome ulit.
“Ready kana?” Nabigla ako sa sinabi nya malayo kasi ang iniisip ko.
“Hi guys! Congratulation sa bagong business nyo.” Magiliw na nang pinsan ni Ace. Kasunod nito ang isang lalaki na maputi at matangkad.
“Hindi mo ba kami ipapakilala sa mga kasama mo insan?” Tanong ng lalaki habang sa akin nakatingin. Nailang ako kaya ako agad ang bumawi ng tingin.
“Ah, eh guys this is Ate Claire and Dorwin, mga pinsan ko.” Pagpapakilala ni Ace sa kanila. Pinsan din pala to ni Ace. Sabi ko sa isip ko.
“Dearest cousins, these are my friends Tonet, Carlo partner ni Tonet, Angela, Mina, her boyfriend Chad, and Red.”
“Nice to meet you guys.” Pagbati nila dito pero nanatili lang akong tahimik.
“That was a very nice story by the way. Kayo pala ang sinasabi nitong pinsan ko na mga high school friends nya.” Sabi ni ate Claire. “Handsome! Bakit ang tahimik mo ata.” Pagpansin nito kay Rome.
“Wala ate. Nahihiya lang ako.” Sagot naman nito.
“Nahihiya saan?” Tanong ni ate Claire.
Hindi na hinayaan pa ni Ace na matapos ang sasabihin ni Rome agad ako nitong hinablot sabay sabing.
“Red, tara na may last set pa tayo.”
Sumunod nalang ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit napatingin ako kay Dorwin. Nakangiti ito sa akin at kumindat pa. Para san naman kaya ang kindat na yon? Bakla ba yon? Mga tanong na nabuo sa isipan ko.
“Guys, thank you for coming! This will not be a successful event kung hindi dahil sa suportang ibinigay niyo sa amin. We owe this all to you! At dahil dyan, we’ll be giving you the most special songs, Red and I will sing them to your hearts.”
Muli na naman sinimulan kong i-strum ang gitara. Tig isang kanta ang binigay namin sa kanila at ang huling kanta ay sumisimbolo sa pagkakaibigan naming pito.
You just call out my name
And you know wherever I am
I’ll come running, to see you again.
Winter, spring, summer or fall
All you have to do is call
And I’ll be there, yes I will
You’ve got a friend.
“Enjoy the rest of the night guys!” Ang magiliw na sabi ni Ace bago kami bumaba nang stage.
“That song made me cry!” Sabi ni Angela.
“Kahit kailan, hindi talaga kayo nawawalan ng surpresa.” Sabat naman ni Mina.
“Congratulations!” Wika nang daddy ni Rome na kung saan ay biglang sumulpot.
“Salamat po.” Sabay-sabay naming sagot.
Binigyan ng mga papuri si Ace ng Daddy ni Rome. Habang kami ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang dalawa.
“If you’ll excuse us guys, hiramin ko muna si Ace sa inyo.” Pamamaalam ng Daddy ni Rome.
Nagulat man ay alam ko na kung ano ang sasabihin nang Daddy ni Rome. Talo na talaga ako si Rome may tatay na handang sumuporta sa kanya. Habang ako ay magisa lang sa mundo. May nanay man ako hindi naman nito magawang suportahan lahat ng ginagawa ko dahil sa takot ito sa asawa nya.
“Mukhang kikilatisin na nang daddy mo si Ace, Rome.” Walang kagatol-gatol na eksena ni Angela.
“Kakausapin lang yon ni Daddy.” Sagot naman ni Rome.
Tahimik lang ako habang sila ay busy sa paglalagay ng pampatulog sa baso ni Ace. Nagaaway ang kalooban ko sa gagawin nila.
“Pare salamat ha.” Biglang sabi ni Rome sa akin.
“Wala iyon pare.”
“Salamat sa pag babantay mo sa kanya. Laki na nang utang ko sayo.” Sabi pa nito. Imbes na sumagot sa kanya ay tango nalang ang ginawa ko sabay tunga ng iniinum ko. Kung alam lang nya na lahat ng ginagawa ko ay hindi para sa kanya kung hindi para kay Ace. Dahil gusto ko na masaya si Ace kahit katumbas pa nun ang kalungkutan ko.
Ilang minuto pa ang lumapas nang bumalik si Ace sa lamesa namin. Kita namin ang kasiyahan sa mga mata nya.
“Dali na, toast na!” Sabi ni Tonet sabay bigay kay Ace nang baso na may halong pampatulog.
Hinintay talaga naming ubusin nya ang tagay nya. Kwentohan at asaran ang sumunod na mga nang yari. Hinihintay naming umepekto ang gamot na linagay ni Tonet.
“Guys, lumilindol ba?” Tanong nito sa amin makalipas ang ilang minuto.
Napangisi ang iba naming kasama pati si Rome. Agad kong sinalo si Ace nang babagsak na ito sa kinauupuan nya.
“Ako na ang magdadala sa kanya sa kotse.” Sabi ko kay Rome na di naman nya tinutulan.
Takang taka ang mga tao nang makita akong buhat-buhat ko si Ace ang iba sa kanila ay di mapigilang mag tanong kung ano ang nangyari.
Ipinasok ko si Ace at pinaupo sa passenger seat.
“Salamat ulit Red. Pano byahe na kami medyo malayo layo pa pupuntahan namin baka magising to.” Sabi ni Rome nang makapasok ito sa kanyang sasakyan.
“Wala iyon.” At agad na nitong inistart ang makina at umalis na. There goes my happiness. Pabolong kong sabi at nag pakawala nang malalim na buntong hininga.
Itutuloy:















Thursday, September 29, 2011

After All Chapter 01




Ito na po ang sunod na storya ng The Right Time sana magustohan nyo at sana hindi nyo makalimutang mag comment dahil ang mga comments nyo ang nagbibigay saya at gana sa akin para ipagpatuloy ang paggawa ng storya.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


Nagising ako sa lakas na tunog ng alarm clock ko. Sakit parin ng ulo ko kung hindi sana napasarap ang inuman namin kagabi ng barkada hindi ko sana nararamdaman to ngayon. Pilit akong tumayo para maligo kailangan kasi naming puntahan ngayon si Rome para mamaya. Iyon ang surpresa namin kay Ace. Kahit masakit para sa akin kailangan kong gawin dahil nangako ako kay Ace na hindi ako hahadlang sa relasyon nila.


Ramdam ko ang bigat ng aking damdamin. Sobra akong nagsisisi kung sana nasabi ko kay Ace ang tunay kong nararamdaman noon pa ako sana ngayon ang taong mahal nya. Pero huli na sa akin ang lahat ang magagawa ko nalang ay tulungan si Rome para tuluyang maging masaya ang taong mahal ko.

Pagkalabas ko ng banyo. Agad akong nakatangap ng tawag mula kay Tonet.
“Oh bakit?” wala kong ganang sagot sa kanya.
“Buti naman at gising kana. Kala ko uulanin pa kita ng tawag bago mo sagutin. Ready kana?” Masigla nitong sabi.
“Magbibihis nalang. San tayo magkikita-kita?”
“Sa bahay nalang nila Rome.” Sagot naman nito. “Red.” ang wika pa nito.
“oh bakit?”
“Alam ko ang pinag dadaanan mo ngayon. Are you sure na gusto mo itong gawin?” ramdam ko ang pag aalala sa boses nya.
“Yeah, para kay Ace.” Malungkot kong sagot.
“Pwedi naman kami nalang ang pumunta kay Rome para kausapin sya eh.”
“Hindi, sasama ako.” gamit ang siguradong tono.
“Ikaw ang bahala Red. Pinapahirapan mo lang lalo ang sarili mo.”
“Hayaan mo na ako Tonet ito ang gusto kong gawin. Kita nalang tayo sa bahay nila Rome mga 10am.” Sagot ko sa kanya sabay pindot ng end call
Ito ba talaga ang gusto ko ang pahirapan ang sarili ko? Hindi ko mapigilang maitanong sa sarili ko. Kaya ko namang agawin si Ace kay Rome ngayon pat nagkakalaboan sila pero bakit hindi ko magawa? Sobra akong naguguluhan dahil first time kong makaramdam ng ganito. Fist time ko ding ma busted at sa kapwa ko pa lalaki. Muli, napabuntong hinginga ako.
Agad kong tinungo ang cabinet para kumuha ng damit at walking short. Ganun lang naman ako pumorma kahit nung nasa manila pa ako. Mas comportable ako pag ganun ang suot ko.
“Good morning ma.” Ang bati ko sa aking ina.
“Good morning. San punta mo?”
“Sa bahay nila Rome may aasikasuhin lang.”
“Alas 4 kana umuwi tapos ngayon lalakad kananaman? Di ba mamaya na ang opening ng business nyo?”
“Yep mamaya na nga. Kaya ko nga pupuntahan si Rome eh. Sige ma alis na ako.” At binigyan ko sya ng halik sa pisngi sabay tinungo ang garahe para kunin ang motor ko.
“Mag iingat ka.” ang narinig ko pa nitong sabi.

Agad ko namang pinaharorot ang motor ko at tinungo ang daan papunta sa village nila Rome. Katabing village lang namin ang village nila. Habang nasa daan iniisip ko parin kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos nito. Malamang magkakabati na ulit ang dalawa at mawawala nanaman ulit ako sa buhay ni Ace. Pero pilit ko nalang binaliwala ang mga yon ang importante masaya na ulit ang mahal ko.
Dumating ako sa kanila at kita ko na nakapark na ang sasakyan ni Tonet sa labas. Agad ko namang pinark ang motor ko at tinungo ang door bell nila. Pinag buksan naman ako nang katulong at sinabing nasa kusina ang barkada nag aalmusal daw.
“Oh dito na pala si Red.” Ang magiliw na sabi ni Angela. Ang babaeng ubod ng dal-dal.
“Kamusta na pare?” tanong sakin ni Rome. Kita ko sa mata nya ang pag aalangan sa akin siguro dahil sa mga sinabi ni Tonet nung gabing mag walkout si Ace.
“Lika almusal muna tayo. Bago natin pagusapan ang plano mamaya.” Dagdag pa nitong sabi.
“Sige, tapos na ako.” Hindi ko man pinapakita pero naiingit ako kay Rome. Bakit sya pa ang pinili ni Ace. Ano ba ang meron sya na wala ako.
“Hay naku Red alam kong di kapa nag aalmusal kaya wag kana umarteng di ka gutom.” Sabat ni Tonet.
“Oo nga naman tol. Pag uusapan pa natin ang plano para sa pagkidnap kay Ace just incase hindi gumana ang plano ni pareng Rome.” Wika ni Carlo. Napakunot ako nang noo sa narinig.
“Kidnap? Bakit sya kikidnapin?” Ang naguguluhan kong tanong sa kanila.
“Umupo ka kasi muna dito para mapagusapan natin. Ang dami mong tanong!” Singit ulit ng bungangerang si Angela. Kaya siguro hindi ko nagustohan tong babaeng to kahit maganda kasi ang bunganga parang machine gun.
Wala na akong nagawa ayaw ko mang magalmusal dahil hindi talaga ako sanay na nag aalmusal umupo nalang ako. Gusto kong malaman kong ano ang binabalak nila kay Ace.
“Suggestion ko yon kay Rome.” Pag uumpisa ni Tonet ipaliwanag sa akin. “Alam naman natin na may pagka maarte si Ace diba?” Tango lang ang naisagot ko dahil totoo naman na may pagkapakipot si Ace. “So may possibility na magpapakipot si Ace. Kaya sinabi ko kay Rome na pag nang yari yon. Kidnapin nalang si Ace at dalhin sa Isla nila Carlo.” Mahabang paliwanag nito
“Baka magalit yon sa atin.” Ang simpleng pagtotol ko. Hindi ko gusto ang idea pano kung matulad ng nangyari sa amin ni Ace sa kwarto nya pagsinolo sya ni Rome. Alam kong may pagkamahilig din itong lokong to.
“Hindi yan ako ang bahala. Mas maganda yon para hindi maka takas si Ace kay Rome at para na din magkaron sila ng privacy na makapag usap.”
“At para makapag sapakan sila nang walang nakakakita.” Singit nanaman ni Angela sabay tawa nito nang nakakaloko.
“Sigurado ba kayo na handa na syang kausapin ako?” Nag aalalang tanong ni Rome. Hindi ako sumagot hinayaan ko na iba ang sumagot sa tanong nya dahil gusto sumagot ako ako lang din ang masasaktan dahil alam ko namang “Oo” ang isasagot ko.
“Napatawad na nya si Chad. Alam kong mapapatawad ka na rin nya Rome.” Ang sagot ni Mina. Napa tango nalang si Rome.
“So here’s the plan. Di ka muna mag papakita agad kay Ace. Papasabikin natin sya sayo para mas lumalim ang pagnanasa nya na makita ka. Tapos may special number kang gagawin diba yon ang plano mo?” Tango lang ulit ang sagot ni Rome. Habang ako naman ay nakikinig lang sa ginagawa nilang plano. “Don kana sa special number mo magpapakita.” Pag tatapos ni Tonet.
“Pano kung hindi umepek yon?” tanong naman ni Angela.
“Don na natin gagawin ang plan B. Pag hindi pa talaga nakipag usap sayo si Ace lalagyan natin ng pampatulog ang iinumin nya tapos dalhin mo sya sa resort nila Carlo.” Sabay ngisi nito. Bilib talaga ako dito kay Tonet sobrang galing mag plano.
“Eh pano naman ang Bangka.” Si Mina.
“Don’t worry kami na ang bahala ng baby ko dyan.” Sabay kindat sa amin.
Kita ko naman ang excitement sa mga mata ni Rome. Kung ako man ang nasa katayuan nya maeexcite din ako dahil makakasama ko ang taong mahal ko sa isang lugar na kami lang. Swerte talaga. Pabolong kong sabi.
“Ano yon Red may sinasabi ka?” lakas pala nang pandinig nitong bungangerang to.
“Huh!? Sinasabi wala naman gutom lang yan.” Pagaalaska ko sa kanya.
Natapos ang meeting namin sa bahay nila Rome halos malapit nang mag lunch kaya doon nalang din kami kumain pagkatapos ay agad kaming umalis. Nasabi na din namin kung anong oras sya pupunta. Bago kami nakalabas nang bahay nila muling pinaalala sa kanya ni Tonet na dapat di sya makita ni Ace.
“Next stop sa bahay nila Ace. Bulabugin natin para patas.” Sabi ni Tonet sabay tawa ng nakakaloka.
“Bakit pa kailangan tayo pumunta don?” Tanong ko dito.
“Para pagusapan kong sinu ang hahawak ng bar.” simpleng sagot nito bago sumakay sa kotse.
“Convoy nalang tayo pare.” Sabi naman ni Carlo sabay start ng makina. Tango nalang ang sinagot ko sa kanya.
Tinahak na nga namin ang papunta sa bahay nila Ace. Alam ko sa mga oras na ito tulog na tulog pa si loko. Muli bumalik nanaman sa akin ang nang yari nung gabing naglasing sya sa isang bar.
“What’s your problem?” ang may diin kong sabi sa kanya.
Kita ko sa mga na nabigla sya dahil siguro hindi nya ine-expect na nandoon din ako sa bar.
“Wala naman.” Ang sagot nya sa akin. Agad akong nakaramdam ng matinding awa kay Ace.
“Bakit hindi mo ako pagkatiwalaan.” Ang agad kong sumbat sa kanya. Dahil nadudurog din ang puso ko pagnakikita ko syang mesirable.
“May magagawa kaba kapag sinabi ko?” Nasaktan ako sa sinabi nya. Dahil totoo anu nga ba ang magagawa ko para matulungan sya.
“Siguro nga wala pero alam kong makakatulong ako in some ways.” Di ko alam kong bakit yon ang nasabi ko para kasing inconsistent ako.
“Hindi mo ako matutulungan.” Sabay lagok nito ng alak.
“Paano ka nakakasiguro?” Alam kong makulit na ang dating ko pero hindi ko kaya na hayaan nalang sya.
Sa halip na sumagot sya sa akin ay um-order pa sya nang alak na at akmang lalagukin nanaman nya ito ng pinigilan ko sya at inagaw ang baso sa kanya.
“Anu ba Red!” alang kong nainis sya sa ginawa ko. “Ibalik mo nga sa akin iyan!”
Pero hindi ako nagpapigil sa kanya.
“NO! Uuwi na tayo.” May himig nang naguutos kong sabi sa kanya.
Hindi sya gumalaw kaya naman tumaas na talaga ang dugo ko at nasigawan sya.
“I said we’re going home!” bigla ko syang hinablot na dahilan para mapatayo sya agad kong binayaran ang mga ininum nya at kinalad kad ko sya papasok sa kotshe nya.
Tuwing maalala ko ang panahon na naging ganun si Ace bumabalik ang sakit sa puso ko. Ang hindi ko maiwasang magsisi dahil sa kaduwagan ko nawala ang taong totoo kong minahal. Sana ako nalang ang minahal nya para hindi na sya na saktan ng ganun.
Hindi ko namalayan na lumampas pala ako sa bahay nila Rome dahil sa pagiisip.
“Pare! Bakit ka lumampas?” ang natatawang sita sa akin ni Carlo.
“Ah.. eh.. wala trip ko lang” pag aalibi ko. Pero agad na binara ni Angela.
“lumilipad nanaman ang isip.”
Imbes na sagutin ang patama nya ay agad kong tinungo ang gate nila Ace para mag door bell. Pinagbuksan naman kami ng katulong nila at pinapasok.
“Hello guys ang aga nyo naman ata. Kala ko ba mamayang gabi pa ang opening nyo.” Ang bati sa amin ng Daddy ni Ace. Sobrang bait talaga ng parents nya at sobrang cool pa.
“Hello din po tito. Si Ace po?” Si tonet na ginamit nanaman ang charm nito.
“Naku tulog pa iha, Alas 4 na daw kasi kayo natapos maginuman kanina. Kung gusto nyo gisingin nyo nalang.” Ang nakangiti nitong sabi.
“Sige po tito maya maya nalang po.” Ang singit ko naman. Ayaw kong gisingin nila si Ace alam kong pagud pa yon. Bigla namang napaangat ng kilay si Tonet sa akin.
“Kayo ang bahala. So pano maiwan ko muna kayo kailangan ko pang magpunta sa opisina para i-cancel ang mga meetings namin ng tita mo. Narinig kasi naming kakanta si Ace mamaya sa opening nyo.”

“Sige po. Ingat po kayo.” Ang halos sabay sabay namin sabi.
Nang makaalis na nga ang Daddy ni Ace ay sinimulan na namin ang usapan tungkol sa hahawak ng bar. Si Mina at Angela ay hindi pwedi dahil malapit na silang umalis para mag review. Pareho kasi silang Nursing graduate. Si Tonet naman daw ay hindi pwedi sa kadahilanang sya ang nag mamanage nang family business nila. Lalo naman si Carlo na wala na atang gustong gawin kung hindi dumikit kay Tonet. Pinipilit nila na ako nalang daw ang humawak since wala naman akong masyadong gagawin pero ayaw ko dahil natatakot ako na baka malugi lang ito at ako pa ang masisisi.
Nasaganun kaming usapan nang biglang bumaba si Ace na nakakunot ang noo.
“Mabuti naman at gising kana.” Agad na sabi ni Tonet.
Kita ko naman na biglang nagbago ang tila inis na expression nito nang makita kami. Lakas talaga ng tama ko kay Ace napakaamo talaga nang mukha nito. Hindi ko ito naramdaman sa mga babaeng nakarelasyon ko. Kakaiba talaga si Ace.
Sinabi naman ni Tonet ang dahilan kung bakit kami nan doon. Sinabi rin nito na tumatangi ako sa desisyon nila na ako ang humawak sa bar. Halos mapahagalpak naman ako sa tawa dahil tila iniinis ni Ace si Tonet. Ang kulit! Ang nasabi ko nalang habang nakangitin sa kanya at nakangisi. Muntik pang ma dulas si Tonet sa plano namin mabuti nalang at sinaway ito ni Carlo. Pero nahalata parin nya.
“May tinatago ba kayo sa akin? Sabihin nyo na at baka di ako pumunta mamaya sa opening” may pananakot nitong sabi.
“Wala noh!” defensive kong sagot dahil kung magkataon papalpak kami.
Tumingin naman ito sa akin na may pananakot sa mga mata nito. Agad naman ako natakot kasi baka mapilit nya akong magsabi ng totoo kaya agad akong sumagot.
“Promise!”
“Talaga lang ha? So bakit ayaw mo na ikaw ang mag manage nang bar natin?”
“Natatakot kasi ako. Baka malugi pag ako ang humawak, ako pa masisi nyo.” Depensa ko naman sa sarili ko.
Napangisi sya na agad akong kinabahan dahil alam kong may binabalak ito. Lumapit sya sa akin at binulungan ako. “Ikaw na ang mag manage. Pag ikaw ang nagmanage may gift ako sa’yo.”
Agad akong namula dahil naramdaman ko nanaman ang init ng kanyang hininga para makalusot agad akong nag salita. “Walang ganyanan naman! Lugi ako dyan eh!” hindi ko alam kong bakit ganun ang lumabas sa bibig ko. Napatawa naman silang lahat.
At yon na nga wala na akong nagawa dahil hindi ko talaga kayang tumanggi pag si Ace ang humihingi ng pabor. Matapos ang usapan ay agad naming linisan ang lugar para makapag handa na kami dahil kailangan pa naming tawagan ang mga taong close sa amin para sa opening mamaya at kailangan ko pang ihanda ang mga gagamitin namin para sa pagtugtog.
Itutuloy: