Cover Created by: REYMOND LEE
Story Written by: ZILDJIAN
Authors Note:
This will be my next project guys. Dito ko ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Hahaha! Biro lang! Syempre ibang kalokohan na naman ito mga paps. Hindi mawawala ang light approach na nakasanayan niyo na sa mga likha ko. But this time, madrama at mas malapit sa reyalidad na approach. Dahil sinisigurado ko sa inyong hindi lang kalokohan ang matutotonan niyo sa kwentong ito.
Gusto niyang paniwalaan na ang rason kung bakit siya
nagsumikap sa buhay, ay para maitaguyod ang pamilyang umaasa sa kanya. Subalit
alam niya sa kanyang sarili na hindi iyon ang totoo. Na may iba pa siyang mas
malalim na dahilan kung bakit pilit niyang iniahon ang sarili sa kahirapan at
iyon ay ang maging karapat-dapat sa taong pipiliin niyang mahalin.
“Kung may isang bagay man akong pinagsisishan sa buhay ko,
iyon ay ang makontento na lang ako sa buhay na kinasanayan ko. Dahil wala ng
mas sasakit pa sa tototohanang hindi mo nagawang maipaglaban ang taong gusto mo
sapagkat, wala kang ibang maipagmamalaki sa kanya, kung hindi ang pagmamahal mo.
At alam mong hindi sapat `yon.”
Dahil sa kagustohan niyang maranasan ang magandang buhay,
pinasok niya ang isang bagay na siyang naging rason para hindi siya maging
karapatdapat sa pagmamahal ng taong masasabi niyang una niyang minahal.
Sinubukan niyang magbago sa pag-aakalang sa pamamagitan niyon, ay mabubura niya
ang dumi sa kanyang nakaraan at para maging karapatdapat na rin sa taong
kanyang minamahal subalit hindi niya sukat akalain, na ang nararamdaman pa niya
mismo ang muling magtutulak sa kanya para balikan ang buhay na pilit na niyang
iniiwasan.
“Masyado akong nabulag sa kagustohan kong maranasan ang
marangyang buhay. And that was the most stupid mistake I did. Dahil ngayon,
wala na akong maipagmamalaki pa sa sarili ko, pati sa taong mahal ko.”
Papaano kung pagtagpuin ang dalawang taong magkasalungat man
ang paraang pinili ay pareho namang hinubog ang mga sarili para may
mapatunayan. Will it be a stumbling block or thick wall to separate their
lives, or will it become a bridge that will connect the gap between them?
23 comments:
Teaser pa lang kaabang-abang na.. ahahaha.. magkikita na sila dba? dba? dba?? :D
-SupahMinion
bongga....may bago namang obra ang darling ko....
HAHA! Darling talaga, eh, no? I-push mo `yan.
yun oh
BoomPaexcite ang susunOd na Obra Maestra mo kuya zeke...
Teaser pa lang ang ganda hahaha...
Ito na kaya yung kay popoy hahaha...
- mhimhiko of pangasinan
nice cover monde..naks!
abangan ko to.
Another story to look forward to Zeke.. It seems really interesting..
excited nko dito kuya zeke :) ang misteryoso ng teaser :)
Exciting! :3 aabangan ko to...
I'm so excited with this project. Good luck to all of us!
Hehehe...never pa kasi akung may tinatawag na darling kaya ikaw na lng....
Si Popoy yung una at si Rus! nakakaexcite naman!!! haha
~JAYVIN
Wow...
Taray...
Excited na ako dito Zekoy dahil pahapyaw lang yung sinabi mo sa akin tungkol dito. :D
Itutuloy nio pa rin po ba yung skyband?? :))
yeheey, salamat naman kuya at hindi mo kami binibigo sa mga istorya mo. hahaha
wow, i can't wait to read this...
Exciting. Teaser pa lang yan ha. We are waiting with full of anticipation.
parang c russel ng 9mornings2 ung isa!??;)
sana c xander ung isa pa!!haha..
-monty
This..... hahahahahaha.
Another oh! ^_^
-PanCookie
hmmmm, mukhang mas kaabang abang ito ah Zekie?
hooowow teaser palang pero exciting na when will be the first chapter be published?
Have a great day...
Curious ako ano nnman gagawin ni Xander?... Siguro inlove kay Brian sa pinsan niya or isa sa
Barkada niya... Hahahahaha wala lang naisip
Lang
Omg teaser palang interesting my godddddd di ko to palalampasin❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
Post a Comment