Thursday, May 15, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 21



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Heto na ang Chapter 21 ng 9 Mornings ko! Ahihihi! Hindi na ako hihingi ng sorry sa inyo sa pagkaka-delay nito at masyado na iyong gasgas. Pasasalamatan ko na lang ang mga taong walang sawang sinuportahan ang kwentong ito kahit sa kabila ng matagal kong update.


Migil, Beucharist, Russ, Reymond Lee, Axel Alzona, Baguio With Love, Lance Abella, Pancookie (Na sobra kung makapang-pressure.), Philip Zamora, Mark Kym Flores, Monty, Luilao, Cyril Dela Torre, SlusheLove, Migz (OP CORS!), Bobby Evasco, ManilaActor, KJ(Na hindi ko nabanggit), Ivan D., JhayAr, Pangz (Ang haba ng comment mo shet!), Ryge Stan, Jecko, Jayvin, Eros Roma, TheLegazpiCity, JC, King, at kay Kenneth Go.


Syempre salamat din sa mga Anonymous na hindi nagbigay ng pen-name at sa mga Silent Readers na nagbibigay ng kanilang oras na magbasa. Sana magsilabasan na kayo para masaya.


9 Mornings is now reaching its Climax pero hindi pa dito nagtatapos ang mga pasabog at mga kalokohan ko sa kwentong ito kaya sana subaybayan niyo pa rin hanggang sa huli ang pakikibaka ni Brian sa kamay ni pareng kupido!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission. 




Napapailing si Brian sa kanyang mga natuklasan sa ginawa niyang pagbisita sa matalik na kaibigan ni Eros. Minamaneho na niya ngayon ang daan pabalik sa kanyang bahay at hindi pa rin niya magawang mapaniwalaan ang lahat. Isang napakalaking pasabog para sa kanya ang malaman na isang taong naglalako ng katawan ang matalik na kaibigan ni Eros at may gusto rin ito sa kanyang kasintahan.


Kanina, ay pinili niyang hindi kumpermahin ang nakita niya sa mga mata ni Russel. Subalit nasisiguro niyang selos iyon. Ilang beses na niya iyong nakita sa mga mata ng kanyang mga kaibigan sa tuwing may aali-aligid sa mga kasintahan at asawa ng mga ito.


"Hindi nga ako nagkamali. That moment sa airport noong unang sumayad ang tingin niya kay Eros, hindi `yon tingin ng isang kaibigan." Pagkakausap niya sa sarili nang bumalik sa kanya ang tagpo kung saan palabas pa lamang si Russel ng airport.


"But can I blame him? Kung ako nga, ay na bihag ng isang `yon sa kabila ng mga pagtanggi ko, siya pa kaya? Tama si Dave, there's something special with Eros. He's a natural charmer at hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa `yon. Dahil ibig sabihin niyon, marami akong pwedeng maging karibal. But there's no way in hell na hahayaan kong may makakuha sa kanyang iba. Ngayon pa't masaya na ako."


Hindi niya sukat akalain na magiging ganito siya ka secured sa piling ng isang kapwa niya lalaki. All his life he was longing for a relationship that will last for a life time.  Isang klase ng relasyon na magpapasaya sa kanya and at the same time makakapagparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.  And he thought na ang may kakayahan lang na magbigay sa kanya niyon ay isang babae, but he was wrong. Hindi niya dapat linilimitahan ang sarili niya dahil pagdating sa pag-ibig, walang imposible.






"Bakit?"


"Anong bakit?" Nakangiti namang balik tanong ni Brian kay Eros habang binabagtas nila ang daan papuntang simbahan.


"Kanina kapa panay tingin sa akin. May problema ba? Tungkol pa rin ba iyan sa pagkakatanggal--"


"No. Hindi na tungkol sa bagay na `yon." Nakangiti niyang pagputol rito. "I just love seeing you wearing my shirt. It's as if you really belongs to me at walang pwedeng makaagaw sa'yo sa akin."


Nang magising ito gawa ng pag-alingaw-ngaw ng kampana at ma-realize nitong nasa bahay niya ito ay natataranta itong bumangon at namuroblema sa isusuot nito. Dala siguro ng kapaguran sa nagdaang araw ay nawala sa isip nito ang simbang gabi. Kaya damit niya ang ipinasuot rito na gustong-gusto naman niya. `Coz it satisfy him. Pakiramdam niya ay sa kanya lang talaga ito.


Pinamulhan naman ito at biglang napayuko.


Inabot niya ang kamay nito at marahan iyong pinisil. Hindi na niya talaga pwedeng i-deny pa na mahal na nga talaga niya ito. At ang pagmamahal na `yon ang rason kung bakit pinili niyang huwag na munang sabihin rito na alam na niya ang buong kwento sa likod ng pagkakatanggal nito sa trabaho sapagkat alam niyang hindi iyon makakabuti rito sa ngayon. Iyon din ang bilin niya kay Russel at hindi naman nito iyon tinutulan.


"Tinapos ko na ang lahat ng trabaho ko sa opisina. Kaya pagkatapos ng party na magaganap mamaya, mas marami na akong oras para sa'yo."


Kita niya ang pagkinang ng mga mata nito nang salubungin nito ang tingin niya.


"Talaga?" Halatang na-excite ito. Kung sabagay, kahit siya ay excited sa ideyang magkakaroon na sila ng maraming oras na magkasama.  Isa ito sa mga napagdesisyunan niya sa nagdaang gabi –ang bigyan ng sapat na atensyon ang relasyong meron sila para magkaroon na iyon ng tamang pundasyon. Pundasyon na tutulong sa kanila para mapatagal pa ang kung ano mang meron sila ngayon.


Malapad ang ngiti siyang tumango na dahilan para lalong magliwanag ang mukha nito.


 "Anu-ano naman ang mga gagawin natin?"


"Marami. Kaya dapat ihanda mo ang sarili mo." Nakangiti naman niyang sagot.


"Paano si Russel?"


"We can tag him along. Wala namang problema sa akin `yon. I'm even thinking of bringing him with us sa Christmas party naming magkakaibigan sa makalawa."


"Seryoso? Naku! Matutuwa `yon!"


Alam niyang hindi niya kayang ihiwalay ito sa kaibigan nito. At wala rin siyang balak na gawin iyon kahit pa man sa kabila ng kanyang mga natuklasan. Walang ginawang masama sa kanya si Russel, bagkus, gumawa pa ito ng paraan para magkadaupang palad sila ni Eros kaya walang rason para pakitaan niya ito ng hindi maganda at lalong wala siyang karapatang kondenahin ito sa kung ano mang ginawa nito.


"Nakangiti lang ako pero hindi ako nagbibiro."


"Yes! Sasabihan ko agad siya mamaya! Ang bait-bait mo talaga!" Ang parang bata nitong sabi sabay yakap nito sa kanya at pinaulanan siya ng halik sa pisngi. "At ang bango-bango mo pa!"


"Minomolistya mo na naman ako!" Humahagikhik niyang kunyaring parereklamo habang sa loob-loob niya ay ang nag-uumapaw na saya. Ito ang pakiramdam na matagal na niyang inaasam -ang maging totoong masaya.





Natapos ang pangatlong simbang gabi at tulad ng mga naunang pagsisimba nila, nakasama nina Brian ang ilan sa kanyang mga makukulit at nagkukunyaring mga santohing kaibigan. Pagkatapos ng misa ay dumeretso rin sila sa bahay nina Lance at Claude para doon naman mag-almusal.


Naging sentro ng usapan nila ang nalalapit na Christmas party ng kanilang grupo. Halatang excited na ang mga ito. Maski man siya ay excited na rin na muling maka-bonding ang mga ito. Sino ba naman ang hindi, iyon lamang ang nag-iisang okasyon sa bawat taon na kompleto silang lahat na magsasaya.


Matapos ang makapag-almusal at kwentohan, ay inihatid naman ni Brian si Eros sa bahay nito. Malaki ang pasasalamat niya na sa wakas ay bumalik na ulit ang kagiliwan nito.


"Advance Merry Christmas, Boromeo."


Napangiti si Brian nang malingunan niya ang dakilang tigress na si Melba. Ang ganda nito sa suot nitong pulang semi-gown na lalong nagpatingkad sa kaputian nito.


"Wow! I never imagine that you can be this sexy Melbs."


"Tigilan mo ako sa mga pambobola mo. The program is about to start. Ihanda mo na ang opening speech mo."


"Magsisimula na? Finally!" Tila na excite niyang sabi.


Tinaasan siya nito ng kilay.


"What?"


"Binabalak mo bang agad na umalis, Boromeo? Baka nakakalimutan mong ilan sa mga prospect investors natin ay naimbitahan rito ngayon. This is a good opportunity to do business with them."


"This is our company's Christmas party, Melbs. And this kind of party is meant to enjoy not doing business." Nakangiti niyang tugon.


"If that's the case, bakit ka lalayas agad? Hindi ba dapat kasama ka namin ini-enjoy ang party na ito?"


Ngumiti siya. Iyong klase ng ngiti na sasagot sa tanong nito.


"I see. Sana dinala mo na lang siya rito." Matalino talagang tao itong si Melba.


"Let's just say that this is not the right time para gawin `yan."


"Kung sabagay. Pero hindi naman siguro masama if you stay for a while and enjoy this party."


Napangiti siya. Ilang araw na niyang napapansin na iba na ang pakikitungo sa kanya ni Melba. As if finally, he earns her respect and her friendship at nag-umpisa iyon noong magkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap.


"Sa ganda mo ngayon? I doubt na matatanggihan kita." Nakangisi niyang tugon.


Melba rolled her eyes in response na ikinatawa naman niya. Minsan talaga ay natural na lang na lumalabas rito ang katarayan nito.


“You’re really not that fond of hearing compliments, are you?”


Nginisihan siya nito ng nakakaloko.


“Not if it comes from you, Boromeo. Wala akong balak na mapasama sa listahan ng mga nauto mo with your flattering compliments. Umakyat kana sa stage and start this damn party.”


Humahalakhak niya itong iniwan at tinungo na nga ang stage para sa kanyang opening speech. Sanadya niya iyong hindi habaan para tuluyan ng mag-umpisa ang party na iyon. In-acknowledge lang niya ang presensiya ng ilang investors at prospect investors nila na nagpunta sa party na iyon at pinasalamatan naman niya ang kanyang mga empleyado sa kasipagang ipinakita nito sa nagdaang mga buwan at syempre, ini-welcome rin niya sa party na `yon ang mga special na tao sa mga ito na kasama nilang magpa-party.


Everyone is enjoying the party. Iyon ang nasiguro ni Brian nang ilibot niya ang kanyang tingin sa pinagdadausan ngayon ng party nila. With an over flowing drinks and foods sino ba ang hindi mag-i-enjoy? Isama mo pang kasamang nag-i-enjoy ng kanyang mga empleyado ang mga special na tao sa mga ito. Doon niya ulit naalala si Eros. He excuse himself sa kanyang mga kausap at naghanap ng lugar na hindi na masyadong naaabot ng ingay mula sa mga speakers. Saka niya tinawagan ito.


“Kamusta ang party?” Magiliw nitong bungad sa kanya.


“Masaya. Pero mas sasaya pa sana kung kasama kita.” Paglalambing naman niya rito.


He heard him chuckled. At alam niyang napakilig na naman niya ito. Isa sa mga rason kung bakit siya lalong nahumaling sa half-half na ito. Hindi ito mahirap pasayahin at i-please.


“Mukhang napaparami kana `ata ng inum. Nagiging kasing tamis na ng chocolate ang mga lumalabas diyan sa bibig mo.” Tugon nito at nagpakawala ng nakakahawa nitong tawa.


“Kung tama ang pagkaka-alala ko, hindi kita idinaan sa matatamis kong salita noong huling beses na naparami ako ng inum.” May panunukso niyang tugon na dahilan para mapatigil ito sa pagtawa sa kabilang linya. Pustahan, namumula ito ngayon sa hiya. `Yon naman palagi ang nagiging reaksyon nito sa tuwing ipapa-alala niya ang nangyari sa kanila sa kuwarto niya na hindi pa ulit nasusundan.


“Nakakainis ka naman.” Mahiya-hiya nitong alma. “Siya nga pala, Bry. Lalabas kami ni Russel ngayon.” Biglang pag-iiba ng usapan nitong dagdag.


“Saan kayo pupunta?”


“Nagyayayang mag-bar. Kagabi pa nga ito nagyayaya kaso di ko naman napagbigyan kasi nga di ba may plano na tayong sabay na mag-dinner sa inyo.”


Mukhang tumupad nga si Russel sa napagkasunduan nila na hindi sabihin kay Eros ang tungkol sa pagdayo niya kagabi rito.


“Gaanon ba? Sige, i-text mo sa akin kung saang bar kayo. Susunod agad ako.”



“Iiwan mo ang party niyo? Mag-enjoy ka lang muna kaya diyan.”


“Mas mag-i-enjoy ako kung kasama kita. Besides, kanina ko pa talaga balak umalis rito para puntahan ka. Pinigilan lang ako ni Melba.”


“Sino si Melba?”


Napangiti siya. Bihira rito ang bigyan ng pansin ang mga taong binabanggit niya. Ganoon kalaki ang tiwalang ibinigay nito sa kanya at na-a-appreciate niya `yon. Pero misan, gusto rin niyang maramdaman dito na takot itong mawala siya rito. Iyon bang tipong binabakuran siya nito.


“She’s my.. Uhmmmm… How do I say this?” Malapad ang ngiting panunudyo niya.


“It’s okay. It doesn’t matter. Paano, aalis na kami.”


`Di niya napigilan ang lihim na mapahagikhik. Paano ba naman, halatang napikon ito kahit pa man pinipilit nitong magpaka-natural. How he wish na kaharap niya ito ngayon. Hindi pa kasi niya nakikita sa hindi marunong magsinungaling na mga mata nito ang magpamalas ng napipikon na ekspresyon.


“Sandali lang. Ito naman, binibiro lang kita. Melba is my colleague and also my friend.” Pagsasabi niya ng totoo. Mahirap na at baka mapikon niya ito ng todo at hiwalayan siya nito ng wala sa oras.


“Ikaw talaga. Sige na aalis na raw kami. Text na lang kita kung saang bar kami.”


“Alright! I love you, Spidy!”


“I love you too.”


Ngingiti-ngiti niyang pinutol ang linya. Sinong mag-aakalang kakainin niya lahat ng kanyang mga sinasabi noon na hindi siya papatol at mahuhulog sa kapwa niya lalaki. Na hindi siya tutulad sa ilan niyang mga kaibigan.


‘Well, I was a fool that time. Fool enough not believe na walang pinipiling seksuwalidad ang pag-ibig. Dahil kahit kailan ay hindi magiging mali ang totoong pagmamahal. Sapagkat kung ako ang tatanungin ngayon? Wala akong makitang mali sa nararamdaman ko.’ Ngingiti-ngiti niyang naiwika sa sarili.





Tulad ng pangako ni Eros kay Brian ay sinabi nga nito sa kanya kung saang bar ito naroon. Kaya naman wala na siyang sinayang pang oras at pinuntahan na ito. At dahil iyon ang Lingo kung saan kabi-kabila ang mga Christmas party, ay marami ang tao sa downtown area. Lahat ng bar na nadaanan niya ay puno ng mga tao.



Narating ni Brian ang bar kung saan naroon sina Eros. Nasa sentro ito ng downtown area at iyon din isa sa dinadayong gimikan sa lugar nila. It is a U shape two storey establishment that is designed para sa mga taong gustong magpakasaya. It consists of bars na iba-iba ang gimik para humakot ng tao. Ang pinaka-outstanding sa mga ito ay ang nasa sentro niyon. A disco bar na nakatayo sa gitna ng isang square shape fountain. At naroon sa loob niyon ang kanyang pakay.


Nagsimula na siyang makipagsiksikan papunta sa entrance ng naturang bar. Some recognized him. Dito din kasi sila noon malimit gumimik ng kanyang mga kaibigan noong mga panahon na hindi pa na i-introduce sa kanila ang Seventh bar. Infact, suki sila ni Dave sa bar na ito. Pero hindi pa ito ganito ka-crowded noon.


“Long time no see boss.” Bati kay Brian ng bouncer nang makilala siya nito.


“Akalain mong ikaw pa rin ang bouncer nila rito?” Biro naman niya rito.


Akmang huhugot na sana siya ng kanyang wallet para sa ipambabayad niya sa entrance nang pigilan siya nito.


“Hindi na kailangan `yan, boss. Deretso na kayo sa loob.”


“Malakas pa rin pala ako sa’yo kahit dekada na nang huling mapunta ako rito.” Nakangisi niyang sabi. “Salamat, ha?”


“Basta ikaw bossing! Pasok na ho kayo.”


Hindi na nga niya pinalampas ang pagkakataong makalibre ng entrance. Agad siyang pumasok nang pagbuksan siya nito ng pinto pero agad rin siyang napahinto nang sumalubong sa kanya ang napakaraming tao sa loob at ang masakit sa matang usok na nagmumula sa mga sigarilyo. Mukhang hindi na siya sanay sa ganitong lugar.


Nang makapag-adjust ay agad niyang inilibot ang kanyang tingin para hanapin sa kumpol ng mga tao ang kanyang pakay. Pero hindi iyon naging madali sa kanya sa sobrang dami ng tao sa loob.


“Ano ba ang pumasok sa dalawang `yon at sa ganitong lugar pa ang napili nilang puntahan?” He’s worried. Hindi naninigarilyo si Eros kaya naman nasisiguro niyang mababangang ito sa usok ng mga naninigarilyo sa loob ng bar na `yon.


Nang subukan niya ulit igala ang kanyang paningin ay isang pamilyar na bulto ang kanyang nahagip. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay pero bigla rin siyang nagimbal nang makita niya kung sino ang kinakausap nito.


“Oh, Shit!” Ang napamura niyang sabi at dali-daling lumapit sa mga ito.


Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay napansin agad siya ni Xander. Awtomatikong gumuhit ang nakakagago nitong ngisi.


“Look what we have here! Ang akala ko ay hindi mo na trip ang ganitong klaseng bar, pinsan?” Patutsada nito agad sa kanya.


Hindi niya ito pinansin sa halip ay agad niyang hinila papalapit sa kanya si Eros.


“Bakit kasama niyo siya? Ano’ng ginawa niya sa’yo?”


“Whoah! How sweet!” Punong-puno ng pang-uuyam na wika ni Xander. “Wala akong ginagawa sa kanya. It is pure coincidence na makita ko sila ng kaibigan niya rito. And since we’ve been acquainted before, linapitan ko sila.”


“Let’s get out of here.” Aya niya kay Eros na hindi pa rin pinapansin si Xander. Hindi ito ang tamang lugar para patulan niya ito.


“Aalis na kayo agad? Kadarating mo lang, ah? And it’s been a while na napadpad ka sa lugar kung saan mo kinukuha ang mga babaeng ikinakama mo. Di ba nga’t dito mo rin nakilala sa mismong bar na ito si Cassandra?”


“Shut up, Xander.” May diin at may pagbabanta niyang wika.


“Sa totoo lang, nang malaman ko ang relasyon mo sa isang `yan, hindi ko agad nagawang mapaniwalaan. You can’t blame me. Ang dakilang pinsan ko na si Brian Ramirez na kilala sa pagiging matinik sa babae ay pumatol sa isang lalaki –kung lalaki nga bang maituturing ang isang `yan. But since na mga immoral rin ang mga kaibigan mo, hindi nalalayo na matulad ka rin sa kanila. Ika nga nila ‘Tell me who your friends are and I will tell you who you are.’”


Nag-tense ang muscles niya. Nauubos na ang pasensiya niya subalit naramdaman iyon ni Eros at maagap siyang hinawakan sa braso para pigilan.


“`Wag mo siyang papatulan, Bry. He’s not worth it. Umalis na lang tayo rito.”


“Wow!  So, are you saying that you’re worthy kaya ka niya pinatulan?” Tumawa ito ng pagak.  “Nakakatawa `yon, ah! Ano ba ang worthy sa isang baklang tulad mo na natanggal sa trabaho dahil naging kakontsaba ng isa ring bakla na inilako ang katawan sa isang pamilyadong lalaki na dahilan para masira ang pamilya nito?” Dagdag pa nito.


Kita niya kung papaano takasan ng dugo ang mukha ni Eros ng walang pakundangang isaliwat ni Xander sa lahat ng taong naroon at nakikinig sa kanila ang bagay na pilit nitong iniiwasang mabunyag.


“Oh? Bat namutla ka?”


“Tama na, Xander.”


Bumaling ito sa kanya.


“You gotta be kidding me, Bry. Alam kung tatanga-tanga ka kung minsan pero hindi ko akalain na aabot sa ganito ang katangahan mo. Pumatol ka sa isang tulad niyan?” Sabay turo nito kay Eros at na may nang-iinsultong tingin. “Masarap ka sigurong chumu ––”


Hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil dumapo na ang kamao niya sa mukha nito. Minsan na niya itong hinayaan noon na gawin siyang katawa-tawa. Pero ang gawin iyon kay Eros sa harap niya at ng ibang tao ay hindi na niya mapapalampas pa.


Napasigaw ang ilan sa kababaehan sa loob ng bar na `yon nang bumagsak si Xander sa sahig. Pero hindi doon natapos ang lahat. Tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin kaya naman pinaulanan pa niya ito ng ilan pang suntok.


“Putang-ina ka! Hindi ka na nakontento sa pang-aahas mo sa akin ng dalawang beses at sa mga paninira niyo ng ama mo sa akin sa mama ko. Ngayon pati pa si Eros idadamay mo!” At muli niya itong pinaulanan ng suntok.  Ang lakas ng bawat isa niyon ay hinugot niya mula sa mga atrasong nagawa nito sa kanya.


Tila naman na-estatuwa sa pagkagulat ang mga taong naroon at hindi nakagalaw para awatin siya kaya naman tuloy lang siya sa pagpapa-ulan ng suntok dito. Ni hindi na nga niya napansin ang mga dugong dumidikit sa kanyang mga kamao  at damit mula sa bibig ni Xander.


“Brian, tama na.” It was Eros. Sinalo nito ang isa pa sanang suntok na ibibigay niya kay Xander. “Baka mapatay mo siya.”


“Pare, awat na.” Wika naman ni Russel at umawat na rin sa kanya sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila niyang braso at pilit siyang inilalayo sa nakahandusay na si Xander.


Doon lang muling bumalik ang kanyang katinuan kasabay ng pagdating ng dalawang bouncer marahil ay tinawag ng ilang taong naroon para awatin siya.






Itutuloy:

27 comments:

Reymond Lee said...

MAHABA HABA PA ITO SA TINGIN KO.BUT EXCITING STILL.THANKS ZEKE!

Migz said...

Wow Zeke, the effects of true love.. Super thrilled with this chapter and happy with this update.. You really never fail to amaze with your twists and turns.. Great Job Zeke.. Looking forward to the coming chapters.. Huwag mo lang paghiwalayin si Borromeo at Eros ha.. please..

Unknown said...

waaahhhhhhh, anyareeee, nako nako.... gandan na netttooo....thanks sa pag update kuyaaaaa...

Unknown said...

nice chapter.. bitin ule! Ahahaha Thanks kuya Zeke!!!

russ said...

Post agad2 na z. Heheh

Unknown said...

Thanks zeke sa update, exciting na ang mga sususnod na chapter, hopefully zeke maupdate ng maaga hindi sa pagdedemand pero I understand kung bakit slow update anyway, super wow as in wow kaso bitin kaya pasensiyahN na lang kung kakalampagin ka nnaman nila Nikko sa next chapter mo malKing good luck at mapressure ka nnman hahahA.... Na miss ko na ang ibang chapter alam ko namn na may reunion sa christmas party nila.... Ito na ang pinaka epic sa long waiting na story mo zeke.... Ang tagal kasi ng story namin ni brian, thanks sa pag acknowledge mo na ako si Eros before zeke... MwAh!!!! Alam mo dito lang kami sau na sususporthahan ka....

patryckjr said...

mystery pa rin para sa akin si Eros......want to know him more.....hehehe

Ryge Stan said...

and the war has began.

thanks zake for an exciting chapter mukha malayo pa nga ang tatakbuhin ng story ni Brian but I'm still glad for that anyways hehehe

Anonymous said...

ang ganda pa rin grabe



jc

Anonymous said...

Thank you sa pag update...

Bruneiyuki214

Anonymous said...

ayos.. gusto ko toh.. ma aksyon na eksena.. buti nga sa mayabang na un.. dapat lang sa kanya yun.. well.. isa lang ang problema.. baka bumalik kay bry ung gnawa nyang un.. aabanga ko pa ang mga susunod na kabanata.. JOB WELL DONE.. love it.. :)


-Jec :D

Anonymous said...

so nagsimula na nga ang totoong kwento...hehehe...ang galing..this time swabe talaga ang sequence ng events... i love it..but i'm looking forward sa light moments sa christmas party ng barkada....sana present ang favorite kung si angela at toni...

Jace said...

yung Feeling na sobrang nabitin ka kasi gustong gusto mo yung nangyayari pero end na nung chapter... pfft!!! :P

Simula na ba? o di lang nacontrol ni Brian yung nararamdaman nya kaya nya nagawa yun?? isang palpak na move nanaman ba yan o parte ng plano nya?? kakaexcite lang!! go lang ng go idol!! :D

-SupahMinion

robert_mendoza94@yahoo.com said...

nice one again! he he he. tnx Zekie.

MigiL said...

Exciting talaga! kainis talaga si xander! buti nga sa kanya na bugbog...hahahahaha! thank you sa update kuya zeke! great chapter! ^____^

Unknown said...

Lumelevel up na ang mga pangyayari! thanks sa update mr.author! :]

Anonymous said...

go lang ng go! nakakabitin pero ganun talaga ang buhay!

Lance Abella said...

Sigurado malalaman ng nanay ni brian ang tungkol sa relasyon nila ni eros at sigurado tutol ito dahil siniraan siya ni xander pero sana magkagusto din si xander kay eros para maging exciting ang twist. Thanks zeke update agad ah..hehe

Unknown said...

Uhmmmmm.. Just red it again boss.
Sorry now lang nakapagcomment, dami ko gawa kahapon eh. Nyahahahah.
Moving on, mas nagiging exciting lahat ng nangyayari I just do hope walang patayan or mamatay. hahaha. Kakasad eh/

Post na yan agad! ^_^
-Pancookie

Unknown said...

Good Diyab boss! Hahahaha. Dagdagan mo ba bugbog nyan para matauhan. LOL
Sana lang wala pong patayan or mamamatay. Sad kc pag ganun. wahahaha/

^_^
-Pancookie

Wait na nmn ako another 48 years sa update? joke. hahahaha

luilao said...

Yes!!!!! Action pack.. Tumbling na nmn sa ending di ko mahulaan ang susunod na kabanata.. Ang galing2 mo talaga author mag paikot ng imagination namin.. Haaayz d ko talaga ma gets kung ano pang pakulo ang mangyayari....

Anonymous said...

Master bitin!!! Sana me update agad. Request ko lang pwedeng balik 1 chapter a week hihihi. From: Baguio with love

chie said...

Ayan nag-comment na ulit ako. Hmm...parang ang dami ko pa ding gustong malaman kay Eros. Parang kulang pa yung info at excited na ako pag lumabas na ang lahat lahat kay Eros at kung may magiging conflict pa ba kay Brian at Eros. :)

MigiL said...

Kainis si Xander! buti nga sa kanya nabugbog hahahaha naku lalong mas malaking paghihigante yan >_< exciting at nakakatakot ang mga pangyayari

Thnx sa update kuya zeke :D

JPL said...

yan yaaaaan mas lalong umiinit na ang pangyayari o_o ty sa update :)

Anonymous said...

tell me who your friends are and i'll tell who you are -Zander! akalain mong nagsasalita si zander ng gantong words. the nerve! kala mo banal. pagnainlove ka kay eros ewan ko nalang! haha

~JAYVIN

Anonymous said...

cool....\



pangz..

Post a Comment