Friday, May 2, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 20



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:


Pasensiya na talaga sa napakatagal na paghihintay niyo mga paps. Masyado na talagang pinapasakit ng ulo ko nitong kuwentong ito isama mo pang wala akong magamit na laptop.


Pasasalamatan ko nga pala ang mga taong walang sawang sumuporta sa kwentong ito kahit pa man, halos napag-iwanan na ito ng panahon. Sabi pa nga ng ilan, nagkabukingan na lang daw sa legal wife at nanganak na si Maya pero ang kwentong ito ay hindi pa rin natatapos. HAHAHA


Pancookie, Axel Alzona, Beucharist, TheLegazpiCity, Bobby Evasco, Robert Mendoza, Xzykiel Padilla, Jemyro, Russ, Mark Kym, Migil, Randzmesia, Racs, Jec, ManilaActor, Migz, JC, Pen, Luilao, JhayAR, Lance Abella, Josh, Monty, Slushe.Love, Jayvin, Ryge Stan, Pangz, Alexeis Victorino, Eros Rama and to all Anonymous and Silent readers. Maraming salamat guys!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission. 




Matapos ang nangyaring pag-uusap ni Brian at Dave ay natagpuan niya ang sarili sa Yolandas restaurant. Gulong-gulo pa rin ang kanyang isipan sa pinagsasabi ng kanyang kaibigang si Dave. Hindi niya maunawaan kung ano tinutumbok nito.

“At kung bakit siya nawalan ng trabaho.”


Umalingaw-ngaw sa kanyang isipan ang mga salita nito na masasabi niyang siya talagang kumuha ng pansin niya at dahilan para mabuo sa kanyang isipan ang maraming katanungan. Bakit hindi nasabi sa kanya ni Eros na wala na pala itong trabahong babalikan sa Maynila? At Bakit nawalan ito ng trabaho?


Kung ang pagbabasehan ay pag-uugali nito, si Eros ang tipo ng taong masasabi niyang masipag, hindi gagawa ng kalokohan at higit sa lahat matalino. Wala siyang makitang dahilan para matanggal ito sa trabaho. Hindi naman siguro nalugi ang kompanyang pinapasukan nito. At base sa tono ng pananalita ng kanyang kaibigan, nasisiguro niyang may malaking rason kung bakit nawalan ng trabaho si Eros.


“Sir, heto na ho ang order niyo.” Binasag ang kanyang malalim na pag-iisip nang ibigay sa kanya ng isa sa mga waiter  ng Yolandas ang mga in-oder niyang pagkain.


Agad niyang binawi ang sarili at nagpakawala ng nagpapasalamat na ngiti ngunit agad din siyang napakunot-nuo nang may mapansin.


“I don’t think this is mine. Hindi ganito karami ang in-order ko.” Ani niya.


“Sinadya kung damihan `yan.” Biglang sulpot naman ng isa sa maituturing niyang kaibigan, si Lance. “Sabi sa akin ni Claude na ganadong-ganado raw si Eros sa putaheng `yan. At kung hindi ako nagkakamali, para sa kanya ang take-out na `yan.”


Napangiti siya. Hindi niya alam kung papaano but he think that Eros manage to easily charm his friends. Halata kasi ang pagkagiliw ng kanyang mga kaibigan dito.


“Thanks Lance. Gustong-gusto nga niya itong luto mo.” Wika niya.


“Hayaan mo’t isa iyan sa mga putaheng ihahanda ko sa Christmas party natin.”


“Aasahan ko `yan.” Nakangiti niyang wika saka siya tumayo mula sa mesang kanyang pinaghihintayan. “Paano, mauna na muna ako at kailangan ko pang pakainin ang isang `yon.”


Nakangiti itong tumango bilang pagtugon sa kanya. Wala na talaga siyang masabi sa mga kapareha ng kanyang mga kaibigan. Iba-iba man ang pinanggalingan ng mga ito ay pare-pareho naman itong biniyayaan ng angking kabaitan. No wonder  na handang gawin ng kanyang mga kaibigan ang lahat para lamang sa mga ito  kahit pa ang ibaba ang pride ng mga ito. –A total surrender.


Siya kaya, kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong kanyang minamahal? Hanggang saan kaya ang kaya niyang gawin para sa bagong uri ng relasyon na kanyang pinasok? At hanggang saan ang kaya niyang maibigay?


Napailing siya sa mga katanungang nabuo sa kanyang isipan. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Kailan pa niya natotonan ang pagdudahan ang sariling kakayahan? At para saan ang takot na nararamdaman niya? Kay Eros? Ganoon na ba kalalim ang nararamdaman niya para rito?


“Brian.” Napalingon siya sa pagtawag na iyon sa kanya ni Lance. “Kung may alam man ako na pwede mong maibigay sa isang tao na hindi kayang tumbasan ng kahit na anong materyal na bagay at hindi kayang sukatin ng kahit na sino man, iyon ay ang makinig at umunawa.”


Napakunot-nuo siya sa sinabi nito sapagkat hindi iyon agad kinayang i-absorb ng utak niya at nang makuha niya ang gusto nitong iparating ay siya namang pagguhit ng ngiti sa kanyang mukha.


“Hindi ko alam na may kaibigan pala akong kalahi ni Madam Auring.” He said while grinning na ikinatawa naman nito. Ngayon, alam na niya kung bakit sa taong ito tumibok ang puso ng isang Claude Samaniego. “Thanks Lance.”


“Anytime, Bry. Paki kamusta ako kay Eros.”





Sa Albertos hotel sinundo ni Brian si Eros. Isa sa mga rason kung bakit niya ikinuha ng driver si Russel ay para malaman niya kung saan nagpupunta ang mga ito at ma-monitor niya ang ginagawa ng mga ito. Possessive na kung possessive basta  wala talaga siyang gaanong tiwala sa kaibigan ng kasintahan. Ibang-iba ang aura nito kay Eros at pansin niyang may mga tinatagong lihim ang mga mata nito.


“Sobra talaga kaming nag-enjoy ni Russel sa paglilibot. Dinala ko siya doon sa pinagdalhan mo sa aking pizza house at nagustohan niya .” Magiliw nitong pagkukwento habang tinatahak nila ang daan papunta sa bahay niya.


“Kaya ba hindi mo nagawang i-text ako na nakabalik na pala kayo sa hotel?” He tried his best to sound normal kahit pa man medyo may nararamdaman siyang tampo rito sa ginawa nitong paglilihim patungkol sa pagkawala ng trabaho nito. Para sa kanya kasi, karapatan niyang malaman ang patungkol sa bagay na iyon dahil kasintahan niya ito.


“Nawili pa kasi kami sa kwentohan. But I was about to text you kaso naunahan ako ng pagdating mo.” Nakangiti naman nitong tugon. “Bakit nga pala doon pa tayo sa bahay niyo magdi-dinner? Eh di, ihahatid mo na naman ako niyan mamaya pauwi?”


Pansamantala niyang iniwan ang binabaybay na kalsada at bumaling dito.


“`Coz I want us to talk. I want to get to know you more. Na-realize ko kasi na parang kokonte pa lang ang alam ko tungkol sa boyfriend ko.”


Hindi niya alam kung tama ba ang nakita niyang pagrehistro ng pag-aalinlangan sa mga mata nito. Nataon kasi na malayo ang gap ng sumunod na street light. Pero ang biglang hindi nito pagsagot ay nagpatotoo sa kanyang nakita.


“Why?” Untag niya rito. “Ayaw mo bang mas kilalanin ko pa ang taong mala-Spider  na kumuha ng husto sa interes at puso ko?”


“H-Hindi naman sa ganoon.” May pag-aatubili nitong sagot. When it comes to lying, hindi talaga ito marunong. Lalo lang tuloy siyang nakukumbinsi na may malaki ngang dahilan kung bakit nawalan ito ng trabaho.


“Good. Pwede na ba nating simulan? What happened to your job? Bakit hindi mo nakuwento sa akin na wala kana palang babalikang trabaho sa Maynila?” Walang pag-aatubili niyang tanong.


Pansamantalang namayani ang katahimikan sa loob ng kanyang sasakyan. Ramdam niya ang biglaang hindi pagiging komportable nito. Totoong sinadya niyang deretsahan itong komprontahin sapagkat umaasa siyang magugulat niya ito. Ngunit siya pa ang nagulat sa naging tugon nito.


“Nasabi na pala sa’yo ni Dave ang tungkol sa bagay na `yan.”


Literal lang siyang napatingin rito na puno ng pagtataka. Kabaliktaran kasi sa kanyang inaasahang magiging reaksyon nito ang nangyari. Akala niya ay magdi-deny ito. Na magpapalusot ito at iiwas na sagutin siya. Bakit parang inaasahan na nito na malalaman niya ang patungkol sa bagay na `yon?


“The moment na kinuha ko ang mga personal na emails ng mga kaibigan mo, para ko na ring pinasok ang mga pribadong buhay nila. Kaya inaasahan ko ng gagawa sila ng paraan para kilalanin ako.”


“So is it safe to assume na ako na lang pala ang walang ka-alam-alam? ” Hindi niya maiwasang maging sarcastic nang makabawi siya. Ang pinakaayaw niya ay ang nahuhuli sa lahat lalo na ang nagmumukhang tanga.


“Kagustohan ko `yon, Bry.”


Sa muling pagkakaton ay natigilaan siya at nakaramdam ng pagka-insulto. May relasyon sila pero pinili nitong itago sa kanya ang tungkol doon? Napakasimpleng bagay pero ipinagkait nito sa kanyang ipaalam? Hindi ba dapat open sila sa isa’t isa tulad ng ginagawa ng ibang taong nasa relasyon? Ano ba talaga siya rito? At ano ba para rito ang relasyong meron sila?


Dala ng mga katanungang nabuo sa kanyang isipan ay hindi niya naiwasang ikumpara ito sa mga nakarelasyon niya.  Hindi rin pala ito naiiba. Makasarili rin pala ito at  hindi rin nalalayo na gawin nito ang ginawa sa kanya ng mga dati niyang nakarelasyon – ang pagmukhain siyang tanga sa huli. And because of that thought, umusbong ang galit sa kanya dahilan para mapahigpit ang kapit niya sa manibela.


“To think na naging open ako sa’yo sa lahat ng bagay dahil ang akala ko–No. Umasa pala ako na ganoon din ang gagawin mo. Pero mukhang tulad ka rin pala nila Cassandra at Abigail.” Puno ng panunumbat niyang sabi. Kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na kakalimutan na ang masasamang karanasan sa kamay ni kupido ay hindi pa rin pala siya nagtagumpay. Apektado pa rin siya.


“Hindi mo ako naiitindihan, Bry.” Ang nagsusumamo nitong depensa.


“At ako pa talaga ang hindi nakakaintindi?” He said sarcastically saka biglang kinabig ang manibela para mag-u-turn.. “ Ihahatid na kita pauwi.”


Halatang nagulat ito. Hindi nga lang niya alam kung saan ba ito nagulat. Sa biglaan niyang pag-u-turn o pag-iiba ng plano nila sa gabing `yon.


“What are you doing, Bry?” Wika nito nang makabawi. “Bakit mo ako i-uuwi? Pag-usapan natin `to.”Nasa boses nito ang pakikiusap habang nakahawak ito sa braso niya.


Sinalubong niya ang tingin nito.


“Ikaw na rin ang nagsabi na kagustohan mong hindi ipaalam sa akin ang lahat. So, wala ng rason para dumeretso pa tayo sa bahay.” Hindi niya ugaling mamilit. Kung desisyon nitong maglihim sa kanya, be it. Sawang-sawa na siyang makipaglokohan at lalong lalo na, sawa na siyang magmukhang gago at tanga.


Yes, he’s over reacting. Pero masisisi ba niya ang sarili? Sa mga taong pinag-ukulan niya ng atensyon at panahon, ang tanging napala niya ay sakit ng ulo at matinding kahihiyan. Natural lang naman siguro na madala na siya.


Akala niya ay tatahimik na lamang ito nang tuluyan nitong bitawan ang kanyang braso kaya hindi na niya inabala pa ang sariling muling balingan ito.


“I got myself involve to a very complicated situation dahilan para mapag-initan ako at matanggal sa trabaho.”


Gusto niyang ignorahin na lamang ito. But the sound of bitterness in Eros voice caught his attention kaya naman muli siyang napabaling rito. Blanko ang ekspresyon ng mga mata nitong nakapako sa binabaybay nilang kalsada.


“I was just trying to help. Hindi ko inaasahan ang komplikasyon na kaakibat ng ginawa ko.” Muling pagsasalaysay nito and this time, sinalubong na nito ang kanyang tingin kasabay ng pagrehistro ng samot saring ekspresyon sa mga mata nito.


“Hindi ko naman kasi alam na may asawa’t anak pala siya. Kung alam ko lang, hindi na sana ako nakisali, Bry.”


He was taken aback sa nakikita niya rito. It is as if ibang tao ang kaharap niya at panic at guilt na nakikita niya sa mga mata nito ay hindi normal.


“Hindi namin sinasadya. Pareho kaming walang kasalanan. Pareho naming hindi alam na pamilyado siyang tao. Wala kaming alam. Huli na nang malaman namin ang lahat.”


Gusto niyang ibuka ang bibig para magtanong dahil sa totoo lang, naguguluhan siya. Naguguluhaan siya sa lahat. Subalit hindi niya iyon magawa sapagkat mas nangingibabaw ang pag-alala niya sa taong kaharap. Nanginginig ang mga mga kamay nito.


“Relax. Take it easy.” Ang wika niya matapos itong ikulong sa kanyang mga braso. Binura ng nakikita niya ngayon rito ang galit niya lalo na nang maramdaman niya ang mahigpit nitong pagyakap sa kanya as if he’s too afraid.


‘Ano ba ang nangyayari?’





Katatapos lang kausapin ni Brian ang ina ni Eros sa telepono. Tinawagan niya ito para ipaalam na nasa bahay niya ang huli at hindi na ito makaka-uwi dahil nakatulog na ito dala ng kapaguran sa paglilibot nito kasama ang kaibigan. Mabuti na lang at nakuha na niya ang kiliti at tiwala nito kaya hindi na ito nagtatanong pa.


Muli siyang bumalik sa kanyang kuwarto para silipin ang mahimbing pa ring natutulog na si Eros. Totoong gustong-gusto niyang malaman ang lahat patungkol sa mga sinabi nito sa kanya kanina. Pero hindi naman niya magawang maipilit ang gusto sapagkat hindi na ito nabalik sa normal hanggang sa makatulog ito. Ni ang binili nga niyang pagkain ay hindi nito gaanong nagalaw. Gaanon katindi ang epekto rito ng mga pangyayari. Lalo lang tuloy lumalaki ang pagkagusto niyang malaman ang lahat.


“Kilalanin mo ng husto si Eros dahil kailangan mo `yon kung isasabak mo siya sa gulo ng buhay mo.”


Ngayon, naiitindihan na niya ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan ng kanyang kaibigang si Dave. Kailangan niyang kilalanin ang buong pagkatao ni Eros upang ma-protektahan niya ito ng tama laban sa mga taong gagawin ang lahat masira lamang siya. Pero papaano? Saan niya aalamin ang lahat?


Realization hits him. Agad niyang kinuha mula sa ibabaw ng cabinet ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Kung may tao mang tunay na nakakaalam ng lahat, iyon ay walang iba kung hindi ang matalik na kaibigan ng kanyang kasintahan.


Subalit hindi pa man siya nakakarating sa main door nang bigla siyang napahinto nang maalala niya si Eros. Bumalik siya sa kanyang kuwarto at sinigurong nasa tamang temperatura ang kanyang aircon at inayos ang kumot nito making sure na komportableng-komportable ito para hindi ito magising habang wala siya. Matapos iyon ay dumeretso na siya sa kanyang sasakyan.





Medyo nagulat pa si Russel nang mapagbuksan siya nito ng pinto. Pero agad ring nagsalubong ang kilay nito nang mapansin na hindi niya kasama si Eros.


“Asan si Eros?”


“Natutulog na. Pwedeng pumasok?”


May pagtataka man ay tumango na rin ito bilang pagtugon at nagpasingtabi para makadaan siya. Nabungaran niya ang ilang bote ng beer sa mesang malapit sa may bintana ng kuwarto nito.


“Gusto ko sanang lumabas at mag-bar. Pero naawa naman ako sa driver na kinuha mo kaya pinauwi ko na at pinili na lang na dito mag-inum. Gusto mo ba? May tatlong bote pa ako sa ref.”


“Hindi na. Di rin naman ako magtatagal.” Tugon naman niya rito.


“Ganoon ba?” As usual kaswal ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito feeling close at hindi rin ito nagpapaka-arogante. “Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na maganda ang naging bunga ng pagtatsaga ng kaibigan ko.”


Napakunot-noo siya.


“What do you mean?”


“Na matapos ang ilang taong paghihintay, sa wakas, nakadaupang palad na rin niya ang isang Boromero Ramirez.”


Kung ganoon, tama nga siya. Maraming alam ang taong ito patungkol sa kanyang kasintahan. At hindi na rin siya mabibigla kung may mga nalalaman na rin ito patungkol sa kanya. After all, matalik itong kaibigan ng kanyang kasintahan.


“So bakit ka napasugod rito?” Tanong nito nang hindi siya magbigay ng komento sa sinabi nito.


“May mga gusto akong itanong sa’yo.” Walang paligoy-ligoy niyang sagot.


“Tulad ng?”


 “Ano ang mga nangyari kay Eros sa Maynila para matanggal siya sa kompanyang pareho ninyong pinapasukan?”


Tinungo nito ang mesa at kinuha roon ang bote ng beer saka inisang lagok ang natitirang laman niyon.


“So, nabuksan na pala ni Eros sa’yo ang patungkol diyan.”


“It was my friend who gave me the idea na wala ng trabahong babalikan si Eros sa Maynila.” Pagtatama niya.

“At sinubukan mong komprontahin si Eros?”


Tumango siya.


“I see.” Tatango-tango nitong wika.


Nanatili lamang nakapako ang tingin niya rito naghihintay sa mga susunod nitong sasabihin subalit tila ba nauwi ito sa isang malalim na pag-iisip at bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig para muling magtanong ay muli itong nagsalita.


“Sa kompanyang iyon, si Eros lang ang bukod tanging naging malapit sa akin. Partners in crime kami kung ituring ng mga ka-opisina namin. Tinutulungan ko siya sa pangungulekta niya ng impormasyon patungkol sa’yo, habang tinutulungan naman niya akong lusutan ang mga problemang napapasukan ko.”


“You were about to get married that time to Cassandra nang aksidente namin silang makasalubong sa mall ni Eros. Kinutuban agad si Eros na may ginagawang milagro ang pinsan at fiancé mo behind your back and it turns out that he was right. He was desperate to help kaya kung sinu-sino ang mga pinakiusapan niya para makalikum ng mga larawan bilang ibedensiya. Pero hindi naging madali sa kanya ang makuha ang mga personal emails ng mga kaibigan mo.”


So ito ang sinasabi sa kanya noon ni Dave. Noong mga panahon na inakala niyang isang kaaway si Eros. Pero saan papunta ang mga sinasabi nito? Ano ang kinalaman niyon sa pagkakatanggal ni Eros sa trabaho at sa kinasangkutan nitong gulo?


“Doon ako pumasok.” Pagpapatuloy ni Russel. “Gusto kong makatulong kay Eros kaya ginawa ko ang isang bagay na pilit ko ng iniiwasan. I whore myself  pero hindi na para sa pansarili kong interes kung hindi para makatulong sa kaibigan ko. Kaya ko nakuha ang mga personal na emails ng mga kaibigan mo.”


Literal siyang napanganga sa mga narinig. Hindi makapaniwala na ang taong kaharap niya ngayon at matalik na kaibigan ng kanyang kasintahan ay ang klase ng  taong inilalako ang sarili. Oo nga’t may ideya na siya sa ganoong klaseng kalakaran sa Maynila. Na may mga taong gumagawa niyon sa iba’t ibang rason subalit ang malaman na isa ito sa mga iyon ay talagang nakakagulat.


“Dalawang buwan matapos mong i-anunsiyo na hindi na matutuloy ang kasal mo ay sinubukan ko ng kumawala sa kamay ng taong iyon. Natulungan ko na si Eros kaya wala ng rason para dumikit pa ako sa kanya. Pero hindi naging madali iyon o mas tamang sabihin na hindi niya pinayagan na maging madali sa akin ang lahat.”


“Isa-isang nagsilabasan ang mga sekreto ko hindi lang sa buong kompanya kung hindi pati na rin sa pamilya ko. Naging sentro ako ng kontrabirsiya. Pero ang mas malala doon, ay nadamay ko ang taong naging kasangga ko.”


“Si Eros?” Sabat niya.


Tumango ito.


“Ginamit niya si Eros para hindi ko siya hiwalayan. Pinagbantaan niya ako na oras na humiwalay ako sa kanya, ipapatanggal niya si Eros sa trabaho. Pero nang malaman iyon ni Eros ay walang takot na pinuntahan niya ito para komprontahin na isa namang malaking pagkakamali dahil lumikha iyon ng isang malaking eskandalo dahilan para kumalat ang pinakatatago-tago nitong pakikipag-relasyon sa kapwa nito lalake.”


“At may asawa’t anak ang taong `yon?” Hindi niya maiwasang maitanong.


Mapait na ngiti ang ibinigay nito.


“Unfortunately, yes. Huli na nang malaman namin na pamilyado pala siyang tao. At nangyari lang iyon nang puntahan ako ng asawa niya para pagsasampalin at sisihin sa pagsira namin sa pamilya niya. Masyadong naapektohan si Eros sa katotohanang isa siya sa naging rason ng pagkasira ng isang pamilya ng taong iyon isama mo pang sa kanya ibinunton ng sisi ng taong iyon ang lahat were in, ako naman talaga ang dapat na sisisihin sa mga nangyari.”


Sangayon sa sa mga huling sinabi nito. Ito naman talaga ang dapat sisisihin sa mga nangyari pero tama nga ba na pati rin siya ay kondenahin ito? Malinaw naman kung saan nag-umpisa ang gulong kinasangkutan ng mga ito at `yon ay dahil sa kagustohan nitong makatulong sa kanyang kasintahan.


“Ang plano namin ni Eros ay magsisimula kami ng bagong buhay sa ibang bansa. Actually, na proseso na namin sa Maynila pa ang mga kakailanganin naming papeles.” Tinungo nito ang ref at muling kumuha doon ng bote ng beer.


“Kaya ba siya napaagang umuwi rito sa amin?” Tanong naman niya. Medyo nakaramdam siya ng lungkot sa kaalamang mawawala rin pala sa kanya si Eros.


“Yeah. Coz he wants to spend time with his family dahil matagal-tagal rin kami roon. Pero I don’t think na sasama pa siya sa akin.”


“P-Paano mo nasabi?”


“Handang kalimutan ni Eros ang mga naunang plano namin para sa’yo. Gaanon ka niya kamahal.”


Gumuhit ang isang napakalapad na ngiti sa kanyang mukha sa narinig subalit agad rin iyong nabura nang magsalubong ang tingin nila at makita niya ang ekspresyon ng mga mata nito. Hindi siya pwedeng magkamili, selos iyon.





Itutuloy:

35 comments:

MigiL said...

1st! hehehe woooh! daming nabunyag! exciting talaga! hahahahaha :D thank you kuya zeke sa update! ^_^

Yhad S. Beucharist said...

Nice one after a very very long weeks of waiting....

russ said...

Yan.na ngae eh..selos agad...

Reymond Lee said...

seamless tweak.worth the wait! thumbs up!

Anonymous said...


Ayyyieeh !
Super like q 2 . Kya
lng hnd aq updated tsamba lng kc, nka mobile lng aq. At hirap p s pgkoment . Tgal kc mg uplod teh !
Nxt chap npo pls...... Cant wait. ! :*

Unknown said...

This is getting more exciting zeke!… already looking forward for the next chapters

Unknown said...

The twist and turns of events haha... looking forward for the next chapters zeke!

Anonymous said...

In is ka bit in nmn author. Huhu next please update aged tnx ka excite n man. Two thumbs up


Nauna ako lolz

Anonymous said...

Bakit bitin? Tapos tagal pa ng update? Anweis as always kudos sayo.

- from baguio with love

Lance Abella said...

May gusto nga si Russel kay eros sana next chapter ang ganda..tnx author

Anonymous said...

At ayon na nga! HAHAHAHAHA.

Thanks Boss Zeke for the the update. Bilisan nyu po sa susunod ah, kaka inip mag antay eh. Lels. Thanks thanks po ulit. nyahahahaha.

Cant wait for the remaining chapters, everything is getting intense. woot!

-PanCookie

Unknown said...

Nice revelation.

Unknown said...

Yun oh! basa mode. Thanks kuya Z!

Anonymous said...

grabe!grabe!grabe!;D

at dq talaga nakuhang tumingala sa pagbasa netong chap neto! Ganun aq nagconcentrate pra wlang mamiss!haha..

Npaisip lang aq,,di kya ung tito ni bry ung echuserang loleng na nakabangga nila eros at russel??haba ng hair ni tita??!!haha..

Ayeeeee,,, c russel dalaga na!inlababo ke eros ang lolengs!haha..

-monty

luilao said...

Ito na, pina pa bleed na ni author ang utak natin mag isip sa susunod na kabanata, ano pa kayang pasabog ang lalabas.... Sino kaya ang naka relasyon ni russel? malamang malaking tao ito na binangga nila..

luilao said...

Grabe, dudugo na namn ang utak ko n2, iba talaga magpa ikot ng story si Author! haaayzzz sunod na kabanata na po! hehehe

Unknown said...

waaaaahhhhh, kahit na panghul kaong nag comment, CUTE PARIN AKO, TEKA ANONG CONNECT? HAHAHA, any ways, BAKIT BA ANG GANDA NA NG STORYA???? HAYIZT, SWERTE NI erossss, makahanap nga nga BOROMEO ng buhay ko, ahehehehe,, kya zeke? remember me? helllo,, pooo

slushe.love said...

Sino naman kaya ung lalake na nakarelasyon ni Russel para makahagilap ng information? Hmmm, interesting! NExt chapter pls :)

Migz said...

Wow.. the suspense.. really interesting Zeke.. Can't wait for the next chapter.. The best Zeke..

Unknown said...

Huh sinomung may asawa na kinabitan ni Russel whoohhh Zeke update agad2 nakakabitin.... Ito na talaga malapit na tayo sa highlights ng story.... Grabeh nasa teleserye ako... Bekiserye nga pala,ito hahahahaha thanks Zeke mwah!!!

manila_sex_actor said...

Nakakabitin!!!!

Post n agad ang susunod n episode kung hindi kukulitin kita s bbm...

Anonymous said...

Kuya Z... matagal ka pong nawala lagi dati tinitingnan tong site mo po kung may updates.. Hinihintay talaga po kita tapos di mo man lang po ako babatiin.. hmmp.. nakakatampo kapo...
well anyway..............



















AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!
REVEALed na ang lahat lahat and must to say ANg ganda ng story .. I love this the most hahaha.... ngayon panu kaya papatunayan ni Bryan ang pagmamahal nya kay EROS???? Cause Definitely Eros can sacrifice himself just for Him....

-KJ

Anonymous said...

Boom panes! Next please kuya author :)

Ivan D.

Anonymous said...

Thanks sa update Zeke! Lalong gumaganda takbo ng story! Yey!

-jhayar

Anonymous said...

hmmmmm


pangz

Ryge Stan said...

good heavens mukhang may hidden feelings si Russel kay Eros and now everything will be revealed mukhang malapit ng matapos ang lahat ng ito Zake but I promise na I will always read your stories again and again. The reason is you are agreat writer and noone can deny you that. Kung matapos man ito promise nandun pa rin ako sa next story mo.

God bless and keep it up.

Anonymous said...

wew.. d pla pumasok ung comment ko.. hahaha

well ganda talaga ng bawat update.. haha.. aabangan nanaman ung susunod.. :)


-jec

Anonymous said...

~Sabi na eh! Gusto din sya ni Russ! Lagot ka bry! Haha

~Lakas makaLEGAL WIFE ah! Haha

~Nasagot na ang mga katanungang nabuo sa aking isipan! Grabe ka kuya! PRO. Kana talaga pagdating sa pagsusulat.

~JAYVIN

Anonymous said...

~Sabi na eh! Gusto din sya ni Russ! Lagot ka bry! Haha

~Lakas makaLEGAL WIFE ah! Haha

~Nasagot na ang mga katanungang nabuo sa aking isipan! Grabe ka kuya! PRO. Kana talaga pagdating sa pagsusulat.

~JAYVIN

Unknown said...

ganda talaga..galing mo talaga idol..eros roma hir..nakapag comment din..

TheLegazpiCity said...

Kaloka ang update ni Zeke...hahaha

Sumasabay sa Legal Wife Effect...hahaha

Unknown said...

update na po agad..hehe

Anonymous said...

ang ganda

jc

King said...

excited na ako sa next chapter hehehe ^^

Unknown said...

ganda

Post a Comment