Saturday, January 11, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 12



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Heto na naman ako at ang mga katarantaduhan ko. Pasensiya na guys kung matagal nasundan ang k'wentong ito. Alam niyo naman siguro na isa kami sa tinamaan ng lintik na bagyong Yolanda na `yon. Hindi lang ang bahay namin ang sinira niya, pati na rin ang pinakamamahal kong laptop na siyang palaging kasangga ko sa pakikipaghuntahan sa mga k'wentong nababasa niyo.


Anyway, gusto ko ring sabihin na hindi man tulad dati na every other day ang post ko, sisiguraduhin ko naman na sa bawat Linggo ay may maibibigay ako sa inyong chapter so `wag na kayong magtampo. Ang hirap naman kasing magsulat gamit ang tab mga paps. Pramis pa!


Pinapasalamatan ko na rin ang mga taong tumulong sa akin noong kasagsagan ng kahirapan. LOL! Oo! Kahirapan talaga. Pero gano'n talaga `ata ang buhay kaya kibit-balikat na lang. LOL HAPPY READING GUYS!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





Umiikot pa rin ang mundo ni Brian kahit pa nakapikit na siya. Pilit niyang pinapakiramdaman ang nangyayari. Lalo na't alam niyang nasa loob rin ng kanyang kwarto ang taong kanina lang ay nangakong hindi siya iiwan.



Oo. Inaamin niyang hindi pa rin humuhupa ang sobrang sama ng loob na nararamdaman niya sa kanyang ina. But knowing that there's someone like Eros who's willing to stay just for him, tinutunaw niyon ang galit niya. Never in his life na nagmakaawa siyang huwag iwan ng isang tao kay Eros lang at aaminin niyang sobra niyang ikinatuwa na hindi siya tinanggihan nito.



"Ngayon ko lang siya nakitang umuwing ganito kalasing sa ilang taon kong paninilbihan sa kanya. At mukhang alam ko na ang dahilan."



Kahit halos gulay na siya sa sobrang kalasingan ay hindi naman naging sapat iyon para pahintuin ang kanyang mga senses. Ramdam niya ang lungkot sa boses na iyon ni manang Delia.



"Nagpapasalamat na lang ako at hindi mo sinabayan ang paglalasing niya, Eros. Dahil kung nagkataon, baka hindi na kayo nakauwi pa rito ng ligtas sapagkat alam kong ipagpipilitan nitog batang 'to na siya ang magmamaneho."



"Dahil alam ko naman po na hindi kainuman ang kailangan niya nang tawagan niya ako kanina at papuntahin sa bar kung hindi makakausap, eh."



"Habang tumatagal, lalong lumalala ang away nila ng kanyang ina." Ang narinig niyang mas lalong lumungkot na wika ni manang Delia. "Ewan ko ba naman kasi kung bakit mas pinapanigan pa ni maam ang Xander na 'yon na wala na 'atang ibang alam gawin kung hindi saktan itong alaga ko."



Hinintay niya ang magiging komento ni Eros sa sinabing iyon ni manang Delia subalit wala siyang narinig dito. Tuloy, napilitan siyang idilat ang kanyang mga mata para lamang mahuli niya itong matamang nakatitig sa kanya.



He was taken aback. Parang biglang huminto ang literal na pag-ikot ng mundo niya dala ng pagkahilo nang magtama ang kanilang mga mata. Naroon na naman kasi ang kakaibang ekspresyon sa mga mata nito na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya.



"Nahihilo ka pa ba?" Tanog nito na siyang nagpabalik sa kanya sa totoong mundo. Punong-puno ng pag-aalala iyon. Hindi tuloy niya maiwasang ma pantastikohan kung papaanong ang isang tulad nito na halos ilang araw pa lamang niyang nakikilala ay nagpapakita ng pagpahalaga sa kanya samantalang ang kanyang ina na siyang nagluwal sa kanya ay hayon at wala ng ibang ginawa kung hindi ang husgayan ang mga ginagawa niyang pagtatanggol sa sarili.



Mariin siyang pumikit para iwaksi sa kanyang isipan ang issue niya sa kanyang ina. He had enough of disappointment for this day. Gusto na lang muna niyang pansamantalang makalimot. Hindi nga ba't iyon naman ang dahilan niya kung bakit siya nagpakalango?



Tila naman isang pagtugon para kay Eros ang ginawa niyang pagpikit dahil ang sumunod na nangyari ay ang paglapat ng malamig na bagay sa kanyang noo dahilan para muli siyang mapamulat.



"Mababawasan nito ang pagkahilong nararamdaman mo." Ani nito na ang tinutukoy ay ang inilapat nitong bimpo sa kanyang noo.



"Mas makakatulong siguro sa kanya kung huhubarin mo ang pangitaas niya, Eros." Biglang suhistyon ni manang Delia.



"H-Ho?" Tila naman natilihang wika ni Eros.



"Para mas lalo pa siyang mapreskohan. Tingnan mo naman at naka long sleeve pa 'yan." Tugon naman ni manang Delia dito saka ito bumaling sa kanya. "Bata ka. Sana man lang, bago mo naisipang maglasing, umuwi ka muna rito at nagpalit tulad ng palagi mong ginagawa."



Hindi na niya pinansin pa ang panenermon nito dahil nakatuon na ang buo niyang atensyon sa halatang biglang nailang na si Eros. Mukhang hindi ito naging kumportable sa ideyang iyon ni manang Delia.



"Sige na, Eros. Makakatulong iyon para tuluyan na siyang makatulog. Paniguradong nakakadagdag ngayon ng pagkahilo niya ang init na dala ng tama ng alaksa kanyang buong katawan." Sulsul pa ni manang Delia.



Bumaling ito sa kanya at kahit nahihilo ay hindi nakatakas sa kanya ang pag-aatubili at humihingi ng permisong ekspresyon sa mga mata nito. Oo nga pala. Kaharap nga pala niya ngayon ang taong ibang-iba sa mga nakasalamuha na niya. Hindi nga pala ito kabilang sa mga taong ituturing na isang napakagandang pagkakataon para maka-isa ang suhestyon ni manang Delia.



Kaya naman bilang pagtugon ay inabot niya ang batones ng kanyang long sleeve polo at tinanggal iyon. Nakuha naman agad nito na sangayon siya sa ideya ni manang Delia at tinulugan na siya nitong i-unbotton ang iba pa. Iyon nga lang, hindi nakatakas sa kanya ang panginginig ng kamay nito.



Kung kaya lamang niya sa mga oras na iyon, ay siya na lang sana ang nagtanggal ng batones sa kanyang polo. Para kasing binigyan pa niya ng matinding surilanin si Eros base sa ekspresyon ng mukha nito at sa panginginig ng mga kamay nito. Pero dala ng tama ng alak ay hindi siya gaanong makagalaw at kung pipilitin naman niya ay lalo siyang nahihilo.



Nang sa wakas ay mapagtagumpayan na nitong matanggal lahat ang pagkakabatones ng kanyang polo ay siya namang parang bato itong natigilan.



"Ang mabalahibong dibdib na 'yan ang isa sa mga dahilan kung bakit halos sambahin ng kababaihan iyang alaga ko," Bumubungisngis na biglang wika ni manang Delia sa natigilang si Eros.



"Ah.. Eh.."



"Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagawa pa siyang lokohin ng taong pinili niyang pakasalan, eh. Halos lahat na 'ata ng hihilingin ng isang babae sa isang lalake ay nasa alaga ko na. Mayaman, maabilidad, responsable at higit sa lahat gwapo. Hay naku! Ewan ko ba sa kababaihan dito sa syudad, masyado ng nabulag sa kanya-kanyang ambisyon."



Hindi ito nagbigay ng komento sa sinabing iyon ni manang Delia kaya naman since na alam niyang hindi marunong mag sinungaling ang mga mata nito ay doon siya kumuha ng kasagutan. Hindi naman siya na bigo sapagkat nakita niya sa mga mata nito ang pagsangayon sa mga sinabi ng matanda habang nakapako pa rin ang tingin nito sa kanyang dibdib.



Nang maramdaman nito na nakatingin siya rito ay tila ba natilihan ito at agad itong nagbawi ng tingin at sa bimpo na nasa loob ng palanggana ang siyang binigyan nito ng pansin. Subalit huli na ito. Nakita na niya kanina sa mga mata nito ang paghanggang pilit nito ngayong ikinukubli pero wala siyang balak na supalpalin ito.



"Thank you for staying by my side, Eros." Sahalip ay punong-puno ng sensiridad na wika niya rito.



Dahil sa sinabi niyang iyon ay muli nitong sinalubong ang tingin niya giving him the most beautiful smile he had ever seen dahilan para siya naman ang matigilan. It was an incomparrable smile. Isang klase ng ngiti na hindi lamang nagpatigil sa kanya kung hindi nagparamdam din ng isang pakiramdam na inakala niyang nakalimutan na niya sa loob ng anim na buwan.



"Paano, maiwan ko na kayong dalawa rito, Eros. Kung sakaling may kailangan ka, nasa may kusina lang ang kwarto ko. Huwag mo na ring masyadong alalahanin iyang alaga ko. Maya-maya lang ay makakatulog na 'yan kaya dapat magpahinga ka na rin." Muling wika ni manang Delia.



KANINA pa nakalabas ng kwarto si manang Delia subalit ang ginising na pakiramdam ni Eros kay Brian ay hindi pa rin humuhupa bagkus, para pa itong lalong lumala sa kaalamang silang dalawa na lamang nito ang nasa loob ng kanyang kwarto.



Batid niyang isang malaking kalokohan ang nagsusumiksi sa kanyang isipan ngayon lalo pa't nakatuon ito sa taong alam niyang kabaliktaran sa kanyang standards. At ang tao ring hayagang nagsabi sa kanya na gusto siya nito



'Lasing lang ako.' Piping naiwika niya habang mariing napapikit. 'Tama. Lasing lang ako.'



Hindi niya alam kung sa tama ba ng alak kung kayat biglaan siyang nakaramdam ng ganoon. Alam naman niyang walang ibang malisya ang ngiting iyon ni Eros kanina. Subalit, ang naging dating niyon sa kanya ay sobrang tindi.



'Mali ito.' Paulit-ulit niyang sabi sa sarili habang pilit na iwinawaksi ang nagsusumiksik na bagay na gusto niyang gawin at sumisira sa natitira niyang katinuan. 'God dammit! Sobrang mali ito!'



Ngunit ang mga piping pagtanggi niya sa kanyang isipan ay walang naging silbi sapagkat tinatalo iyon ng imahe ng ngiti ni Eros kanina na siyang lalong nagpapatindi ng kanyang nararamdaman, hanggang sa samot saring imahe na ang rumirehistro sa kanyang isipan. Mga klase ng imahe na hindi niya alam kung saan niya kinuha.



"Brian?" Pagtawag sa kanya ng taong simula't sapol ginugulo na talaga ang kanyang buong sistema. "Lumalala ba ang pagkahilo mo?"



Nagkunyari siyang hindi niya ito narinig. Na nakatulog na siya subalit ang hindi niya alam ay tinatraydor na pala siya ng kanyang mismong katawan. Pinagpapawisan siya sa mga tumatakbo sa kanyang isipan!



"Bry? Naiinitan ka ba? Pinagpapawisan ka ng husto. Lalakasan ko ba ang air-con?" Nag-aalalang wika nito kasabay ng paglapat ng malamig na bimpo sa kanyang leeg.



Pipi siyang napamura dahil sa naging reaksyon ng katawan niya. Paanong nagawa nitong traydorin ang kanyang pagtanggi? At bakit tila lalo yatang sinisindihan ng boses ni Eros ang kanyang nararamdaman?



'I need to get away from him! I need to compose myself.' Ang nagpa-panic na niyang sigaw sa kanyang sarili.



Agad siyang nagmulat ng mata na isa namang malaking pagkakamali nang tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng taong gumugulo ngayon ng husto sa kanyang isipan. Biglang nagrigodon ang kanyang puso.



Natilihan siyang nag-iwas ng tingin at pilit na ibinangon ang sarili mula sa pagkakahiga. Kailangan na talaga niyang mailayo ang sarili rito.



"Bakit ka bumangon, Bry? Nasusuka ka ba? Pigilan mo muna. Kukunin ko lang ang palanggana." Walang kaalam-alam naman na wika ni Eros sa mga nangyayari sa kanyansaka ito nagkumahog na kunin ang palanggana na nasa di kalayuan.



"G-Gusto kong maligo."



Natigilan itoo at napalingon sa kanya na animoy hindi naintindihan ang kanyang sinabi.



Sa halip na ulitin ang sinabi rito ay minabuti na lamang niyang tumayo. Subalit hindi pa man niya naitutuwid ang sarili nang mabuwal siya. Mabuti na lamang at maagap siyang naalalayan ni Eros.



"Hindi mo na kayang tumayo, Bry. Huwag mo ng pilitin ang sarili mo. Mahiga ka na lang ulit."



"Kailangan kong mahimasmasan." Pagpupumilit pa rin niya.



Oo. Kailangang-kailangan niyang mahimasmasan at pansamantalang makalayo rito dahil nauubos na ang natitirang katinuan sa kanyang katawan lalo pa't heto't masyadong magkadikit ang kanilang mga katawan. At ramdam niya ang init ng mga kamay nito na naka pulupot sa kanyang bewang para suportahan siya dala ng wala siyang suot na pangitaas.



'Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito.'



"Pero baka madis--."



"I can manage." Agad niyang pagputol sa pagtanggi pa sana nito. Saka siya kumawala rito para tunguhin ang banyo na nasa loob ng kanyang kwarto. Disidido na talaga siyang pansamantalang makalayo rito. Nagpapasalamat na lamang siya na hindi na siya pinigilan pa ni Eros.



NAKAPASOK na sa loob ng banyo si Brian. Nagmamadali niyang hinubad ang suot na itim na Khaki pants saka siya tumapat sa dutsa at pinalagaslas ang tubig na tanging brief na lang ang suot.



Oo. May pagkahilo pa siyang nararamdaman subalit tinatalo iyon ng kaninang ginising na pakiramdam sa kanya ni Eros nang ngitian siya nito. Ngayon, mas nangingibabaw ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at ang kaninang biglang pumasok sa kanyang isipan.



"Dammit!" Naasar niyang wika sabay nakakuyom na sinuntok ang kaharap niyang dingding.



Naaasar siya sa sarili dahil kahit anong pilit niyang iwaksi ang imahe ng nakangiting si Eros sa kanyang isipan at ang tila nangaanyayang mga labi nito ay hindi niya magawa. Hell yeah! Nang bigyan siya ng ngiti nito kanina ay napako ang kanyang tingin sa mga labi nito na nasisiguro niyang sobrang lambot. At iisang bagay ang agad na naisip niya at 'yon ay ang halikan ito.



Pero agad din siyang natauhan. Agad niyang na-realize na hindi iyon tama. Na lalake ang pinagbabalakan niyang halikan at ang malala pa doon ay ito rin ang lalaking walang pag-aatubiling inaming may paghanga sa kanya.



Subalit kung anong pigil naman niya sa kanyang sarili ay siya namang paglikot ng kanyang utak. Ibat-ibang imahe nilang dalawa ni Eros ang pinapakita niyon sa kanya. Mga imahe kung saan marubdub silang naghahalikan sa ibabaw ng kanyang kama na dahilan para bigla siyang makaramdam ng matinding pag-iinit at pagkagustong totohanin ang mga imahe nilang 'yon.



'He's not your type! Lasing ka lang, Brian. At wala lang sa lugar ang pagsulpot ng libog sa katawan mo.' Mariin niyang sulsul sa sarili.



Akala niya ay kontrolado na niya ang kanyang katawan pagdating sa ganoong klase ng pakiramdam. Hindi nga ba't iyon ang ginawa niya sa loob ng anim na buwan? Ang magpaka-celibate at lumayo sa tukso? Bakit bigla na lang nawala ang kakayahan niyang mag-control?At dahil lang iyon sa isang ngiti?



'Alalahanin mo ang pustahan niyong magkakaibigan, Brian. Alalahanin mo ang mga pinanindigan mo sa kanila. Isang napakalaking gulo ang papasukin mo pagnagkataon.' Dagdag pagpapa-alala pa niya sa sarili.



Mas lalo niyang linakasan ang pagdaloy ng tubig sa dutsa. Tama. Hindi siya pwedeng madala. Lasing lang siya. Mawawala rin ang nararamdaman niya ngayon kapag nahimasmasan na siya.



Humuhupa na ang tama ng alak sa katawan ni Brian. Hindi na rin siya gaanong nahihilo sa ilang minutong pagbababad niya sa tapat ng dutsa ngunit ang kaninang inaasahang paghupa ng kanyang nararamdaman kapag na-preskohan na siya ay hindi nangyari. Patuloy pa rin ang pagtakbo ng nakangiting imahe ni Eros sa kanyang isipan. At dahil hindi na siya nahihilo ay malinaw na niyang nararamdaman ang anxiety at matinding kaba kasama ang pilit na nagsusumigaw na excitement.



"Pambihira! Ano ba itong ginawa mo sa akin, Eros?" Magkahalong frustration at disbelief niyag sabi. Frustration dahil hindi na niya alam ang gagawin at disbelief sapagkat unti-unti na siyang bumibigay. Hindi siya makapaniwalang magkakaganito siya at iyon ay dahil sa taong ilang araw pa lamang niyang nakilala at lalake pa.



"Brian?"



Aaminin niyang muntik na siyang mapatalon sa gulat sa pagtawag na iyon ni Eros sa kanyang pangalan mula sa likod ng pintuan ng banyo. Kung hindi pa nga siya nakahawak sa dingding ay baka natumba pa siya.



"Ayos ka lang ba diyan, Brian?" Hindi nakatakas sa kanya ang pag-aalala sa boses nito. Agad na rumehestro sa kanyang isipan ang hitsura nito kapag nababahala.



"P-Palabas na ako." At hayon. Wala sa sarili siyang napatugon saka dali-daling inabot ang tuwalya mula sa kinasasampayan nito.



Napapailing na lang siya sa kanyang sarili. Kanina lang ay halos gustohin na lang niya na manatili sa loob ng banyo para makalayo rito pero heto't nabosesan niya lang itong nag-aalala ay bigla na naman niyang inisangtabi ang naunang desisyon.



Agad na tinungo ni Brian ang pintuan matapos niyang tuyuin ang sarili at magtapis ng tuwalya. Pagkabukas na pagkabukas na niyon ay tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng taong kanina pa laman ng kanyang isipan.



"Feeling better?" Tanong nito.



'No. It's the other way around.' Ang gusto niya sanang sabihin rito pero sinarili na lamang niya iyon. Sa halip, ay marahan siyang tumango.



"Mabuti naman kong ganoon. Akala ko kung napaano kana, eh. Ang tagal mo kasi sa loob."At sa muling pagkakataon sa gabing iyon ay sumilay na naman ang ngiting umuubos ng kanyang katinuan sa mukha nito and this time, he totally lost it. Nalusaw na lang bigla ang pagpipigil niya sa sarili. Walang seri-serimonya niyang inangkin ang mga labi nito.



Batid niyang hindi lamang siya ang nagulat sa ginawa niya dahil naramdaman niya ang pag-tense ng katawan ni Eros. Pero lalo pa siyang nawala sa sarili ng maramdaman ng mga labi niya ang malambot na labi nito dahilan para tuluyan na niyang makalimutan ang mga pagtanggi niya pati ang kanyang pinaniniwalaan. Mas lalo siyang naging mapangahas na animoy biglang bumuhos na parang dam ang kanina'y pagpipigil niya.



Kusang gumalaw ang kanyang kanang kamay at yumakap iyon sa bewang ni Eros saka niya ito pinihit para lalo pa silang magkalapit. Animoy para siyang uhaw na uhaw sa mga labi nito na walang tigil niyang sinisibasib ng halik. Ni ang huminga ay nakalimutan na rin niya.



Naramdaman niya ang tila maharang pagtulak sa kanya ni Eros pero dahil masyado na siyang nalunod sa mga malambot nitong labi ay hindi niya ito binigyan ng pagkakataon. Tuluyan na siyang tinupok ng sarili niyang apoy.



Inakala ni Brian na ang paglapat ng kanyang labi sa malalambot na labi ni Eros ang pinakamasarap na bagay na kanyang matitikman sa gabing iyon, hindi pa pala. Dahil makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niya ang pagganti ng halik ni Eros na dahilan para makapagpakawala siya ng isang malalim na ungol. Ungol na sumasalamin kung gaano siya nabaliw sa uri ng paghalik nito. Banayad lang iyon pero bawat galaw ng mga labi nito ay pulido at puno ng emosyon dahilan para wala sa sariling mapasunod siya sa ritmo nito ng walang kahirap-hirap.



Inabot na rin ng mga palad ni Eros ang kanyang mukha saka dahan-dahang naglakbay patungo sa kanyan dibdib. Napasinghap siya. No one touches him the way Eros do na para bang napaka espesyal niya. Hindi niya tuloy maiwasang maiyakap rito ang isa pa niyang kamay.



Hindi na namalayan ni Brian kung papaano niya nadala si Eros sa ibabaw ng kanyang kama na hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Nakapatong siya rito habang patuloy pa rin ang palitan nila ng malalalim na halik tulad ng mga ipinakitang imahe sa kanya ng kanyang utak kani-kanina lang.



Ramdam niya ang marahang paghaplos ng mga palad nito sa kanyang likod. Bawat galaw ng mga ito ay siya namang pagdagdag ng kanyang nararamdaman. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang katinuan subalit mas nangibabaw sa kanya ang masarap na mga halik ni Eros. At ang mga haplos nito na siyang lalong nagsindi ng apoy sa kanyang katawan. The next thing he know, kusa na ring naglalakbay ang kanyang mga kamay sa katawan nito.



KINABUKASAN natagpuan ni Brian ang kanyang sarili sa bahay ng isa sa kanyang mga malalapit na kaibigan - ang bahay nina Dorwin. Nasa harapan niya ngayon ang mga ito na animoy takang-taka kung bakit ipinatawag niya ang mga ito doon. Maliban kay Dave na tila hindi ma-drawing ang mukha at masamang masama ang tingin sa kanya.



"Ano? Tutunganga na lang tayo ritong lahat at magtititigan? Akala ko ba may sasabihin ka? Bakit hindi ka magsalita?" Basag nito na puno ng iritasyon ang tono.



"Renzell Dave!" Saway naman ng kambal nito.



"What is it this time pare? Huwag mong sabihin na kaya mo kami ipinatawag rito dahil may pakakasalan ka na naman?" Ani naman ng ngingisi-ngising si Niel.



Sa halip na pukulin ito ng masamang tingin na siyang lagi niyang ginagawa sa tuwing hihirit ito ng mga hindi nakakatawang biro ay napayuko na lamang siya.



"Oh, shit! Wag mong sabihing nauto ka ulit ni Cassandra? Pambihira ka naman pare!" Tila naman 'di makapaniwalang wika ni Vincent.



"It's not that." Mahina niyang pagtanggi.



"Kung ganoon, ano ang pag-uusapan nating importante para ipatawag mo kaming lahat? Hindi mo naman ugaling i-summon kami ng wala sa oras, ah." Mahinahong wika naman ni Chuckie.



"Siguradohin mong importante ito Boromeo. Wala pa akong saktong tulog dahil kadarating lang namin ni Alex mula sa probinsiya at inaway pa ako ng malditang 'yon."



"I-It's about Eros." Pambabaliwala niya sa sinusumpong na namang si Dave.



Naghintay siya sa magiging reaksyon ng mga ito pero hindi nangyari iyon kaya naman napilitan na siyang iangat ang tingin at sumalubong sa kanya ang ngising nakakagago sa mga mukha ng mga kaibigan.



'Sinasabi ko na nga ba't isang napakalaking pagkakamali na sila ang nilapitan ko.'



"So what about Eros?" Ang nanunukso ng wika ni Dave hindi pa rin mawala-wala ang pagkangisi nito. "Huwag mong sabihing in-love kana sa isang 'yon?"



"O-Of course not!" May pagka-defensive niyang naibulalas.



"Hinayaan lang namin kayong dalawa ng ilang araw, tapos heto't bigla mo na kaming ipapatawag dahil sa kanya. Siguro magpapaturo ka sa aming manligaw, 'no?" Nang-aalaska ring wika ni Vincent.



"Magpapaturo kang manligaw? Bakit hindi mo sinabi agad para nagawan agad kita ng listahan ng magagandang taktika." Ngingisi-ngising wika rin ni Niel sabay high-five nito sa mga katabing sina Chuckie at Red.



"Pambihira! Kaya ko kayo pinatawag hindi para makipag inisan sa inyo, kung hindi para humingi ng tulong!" Napipikon na siya.Masyado na nga siyang naguguluhan, pinagkakaisahan pa siya ng mga kaibigan.



"Iyon nga. Kailangan mo ng tulong kung papaano manligaw." Si Vincent.



Pinukol niya ito ng nakakamatay na tingin. Agad naman itong nagtaas ng kamay bilang pagsuko.



"Ano bang klaseng tulong ang kailangan mo, Bry?" Finally it was Dorwin. Ang nag-iisang matinong tao sa loob ng bahay na iyon.



Agad siyang napayuko. Hindi niya kasi kayang tumingin ng deretso sa gagawin niyang pangungumpisal.



"M-May nangyari sa aming dalawa ni Eros."



Biglang natahimik ang buong bahay at dahil doon ay muli siyang napaangat ng tingin at sumalubong sa kanya ang gulat na gulat na ekspresyon ng mga kaibigan. Literal na nakakanganga ang mga ito.



Agad siyang nag-panic. Tila ba may nagsabi sa kaniya na kailangan niyang depensahan ang sarili.



"Wala naman talaga sa intensyon ko na ikama siya. Di ba dapat kakaibiganin ko lang siya tulad ng napagkasunduan natin? Pero nalasing ako at hindi ko na na-kontrol ang sarili ko. I've been celibate for this past six months. Ni ang magkamay nga ay 'di ko ginagawa kaya hayon nawalan ako ng kontrol sa sarili."



"S-Sino ang unang nag-initiate sa inyo?" Ang tila hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat na tanong sa kanya ni Chuckie.



"M-Me." Mahina niyang pag-amin.



Rinig niyang napasinghap ang mga ito.



"Pero hindi ko talaga ginus--"



"You're the one who initiated it, Brian. Ibig sabihin, ginusto mo 'yon." Putol sa kanya ni Dorwin.



Natameme siya dahil tama ito. Iyon nga ang rason kung bakit naguguluhan siya ngayon, eh. Dahil kahit anong pagtanggi niya sa sarili, ginusto at nagustohan niya ang nangyari sa kanila ni Eros. At hindi niya iyon matanggap. Hindi iyon matanggap ng pride at ego niya.



"Asan ngayon si Eros?" Tanong sa kanya ni Chuckie.



"Inihatid ko na sa kanila."



"Napag-usapan niyo ba ang nangyari?" Muling tanong nito.



Umiling siya.



Oo. Pagkagising na pagkagising niya kanina ay doon lamang tuluyang nag-sink-in sa kanya ang nangyari sa kanila ni Eros sa nagdaang gabi. Agad siyang nataranta dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito kung sakaling magsimula itong magtanong patungkol sa ginawa nila kaya naman isang napakalamig na pagtrato ang ginawa niya rito at alam niyang nasaktan ito. Hindi ito nagtangkang kausapin siya.



"So, ano 'yon? Pagkatapos mo siyang kabayuhin, basta mo na lang siyang in-itsapwera? Ayos, ah." Komento ni Dave. Hindi nakatakas sa kanya ang sarkasmo sa boses nito.



"Dahil hindi dapat nangyari 'yon, Dave. Dapat tumanggi siya. Nag protesta pero hinayaan niya ako."



"Wait! Are you blaming Eros for what had happened? You can't be that serious right?" Tila naman napikon na wika ni Dorwin. "It was you and your involuntary action that you should blame not Eros. Dahil sabi mo pa nga, ikaw itong nag-initiate. So, don't make it sound na pinilit ka niya o pinagsamantalahan."



"Ah..." Tila naman may biglang nasantop na wika ni Dave. "This is the kind of help that you want from us. Ang tulungan ka naming ma-justify diyan sa sarili mo na si Eros ang may kasalanan sa biglaang pag-atake ng libog mo. Ayos ka rin, no?"



Napamaang siya. Bakit galit na galit sa kanya ang magkambal na 'to? At bakit tila mas kampi ito kay Eros? Di nga ba't siya ang kaibigan ng mga ito?



"Dahil hindi ko naman talaga kasalanan 'yon." Depensa parin niya sa sarili pilit itinatanggi ang katotohanan. "Lasing ako. Hindi ko kontrolado ang sarili ko. Kung matino siyang tao, dapat pinigilan niya ako. But what do we expect from him? Baka nga matagal na niyang hinihintay ang ganoong pagkakataon para makaisa siya sa akin. After all, pinagnanasaan niya ako noon pa man."



Kita niya kung papaano rumistro ang gulat sa mga mata ng iba niyang kaibigan at galit naman sa ,mata ni Dave.



"I'm out of here." Biglang wika ni Dave na tila nagtitimpi saka ito tumayo't tinungo ang pintuan. Pero bago ito tuluyang makalabas ay muli itong bumaling sa kanya. "Kahit kailan ay hinding hindi ko gagawin kay Alex ang pambabastos at pangiinsulto mo sa pagkatao ni Eros. At magpasalamat ka na kaibigan kita dahil kung hindi, nagbugbog na kita." Saka ito tuluyang lumabas at pabalang na isinara ang pinto.



"Doon na muna ako sa kwarto namin. Red, ikaw na muna ang bahala sa kanila." Malamig namang wika ni Dorwin na hindi man lang siya sinulyapan.



"Nice one, Bry." Sarkastikong wika sa kanya ni Niel habang napapailing. "What a great way to show your assholeness."



Naguluhan siya at nagtaka. Ano ba ang ginawa niya?



"Bad-mouthing Eros like that is like bad-mouthing Alex, Dorwin and all the half-half in this world you know. Para mong pinalabas na ang mga tulad nila ay mapagsamantala at hindi kailangang pahalagahan at i-respeto." Wika ni Chuckie.



Napanganga siya dala ng pagkagulat nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ni Chuckie. Nang makabawi ay agad siyang tinamaan ng matinding pagsisisi.



"I know what you're trying to do, pare." Mahinahong wika sa kanya ni Red. "Gusto mong isisisi kay Eros ang nangyari dahil hindi mo matanggap o mas tamang sabihin na hindi mo mapaniwalaan na ginusto mo ang nangyari sa inyo. 'Wag mong gawing security blanket ang isisi sa iba ang isang bagay na hindi mo kayang harapin dahil lang hindi maganda sa pride at sa ego mo at kabaliktaran ng mga inakala mong pinaniniwalaan mo."







Itutuloy:

38 comments:

TheLegazpiCity said...

what the!!!! super big comeback otor!!!!
love it super <3 <3 <3

James Chill said...

Can't wait for the next chapter! Mr. Author! Request ko hah! Pakibalian ng hinliliit si bryan! Ty! Hahhaa...

James Chill said...

Can't wait for the next chapter! Mr. Author request ko hah! Pakibalian ng hinliliit si bryan sa next chapter! Hahaha

Unknown said...

Thanks dito kuya zeke!!! Lavit :)

Unknown said...

Wow! Ayos karin bri ah! Thx.. author sa updated. .

Anonymous said...

thanks, meron na din update. hehe.

bharu

Anonymous said...

<3 it ^,...,^

Anonymous said...

Im so glad ur back mr Z! Muahh muahhh chup chup :)

robert_mendoza94@yahoo.com said...

nahihirapan syang aminin sa sarili na mahal na nya c EROS! holy shit! KAKAININ DIN NYA LAHAT PAG ITO AY MAWALA SA KANYA. HE HE HE. NICE AND WORTH ANG MATAGAL NA PAGAANTAY . TNX ZEKIE!

patryckjr said...

ay grabeeeee....... kapanapanabik..... ang mga susunod na eksena

Anonymous said...

Thank you so much for writing this chapter. I know na medyo mahirap ang sitwasyon nyo dyan kasi mukhang magiging ganoon din ang sitwasyon namin dito sa mindanao (God forbid) and sana magiging maayos din ang lahat. Please continue writing dahil sa mga akda mo may na-iinspire ka at isa na ako dun. Again thank you!

Unknown said...

grabeh pumintig tlga tinga ko sa walang kwentang dahilan ni bryan. kung ako sinabihan nya, nasampal ko na sya.. KAPAL NG MUKHA GRABEH! haiz..

Nice one Zek. puno ng emotion at nakakadala ang chapter na to. uminit tlga ulo ko. hehe. your doing great at wla naman ako nakitang mali. very great job kuya. waiting for the next chapter.

Unknown said...

NICE!!!!!!! nag init ako bigla nung sinabi ni Manang Delia na MABALAHIBONG DIBDIB,hahaha,,,


ganda ng pagbabalik... hehehe.ingat pooooooo

Anonymous said...

Thankyou for this kuya! Ramdam ko ang pinanghuhugutan ng galit ni dave! Sympre alex and his loving kambal is always in his 1st listahan na walang mang-aapi dun. At besides ako din ay nagalit kay boromeo dito. Sya ung ng fist move tas sasabihin nyang kasalanan ni Eros! The nerve! Kung nandyan lang ako Boromeo, bubunutin ko yung buhok mo sa dibdib! Pramis! Partida walang gamit na pambunot kamay lang! Haha tapos pagnarining kapa ni Papa Claude oh Rome dun malamang nasapak kana.

~JAYVIN

Reymond Lee said...

Anga ganda! Grabe! wala akong masabi! DINILIGAN MO ANG TIGANG NA LUPA! Tinighaw mo ang uhaw naming hindot ka! hahahahahaha!

Anonymous said...

hmmmmmmm. Well, denial stage nga. weeeee!!

Thanks for the update boss! ilang linggo mo po kc ako striness. Lels.
Happy that you're back and ur doing good na.

Keep it up boss!
- PanCookie

Anonymous said...

ty dear author...... kay tagal ka namin hinintay ang chapter na ito...hoping na tuloy tuloy na ang next chapter ....

ramy from qatar

Yhad S. Beucharist said...

scape goat ba tawag dun sa attitude na ipinamalas ni bryan? What do you think? but by the way, nice chapter what I'm looking for and looking to find out is, the insight of Eros towrad this unpleasant happening? tsk!tsk!tsk!

Anonymous said...

climax agad hehehe

speechless,,,, grabe ang ganDA

jubert :)

Anonymous said...

Halla! Namiss ko si boromeo! But i hate what he did in this chapter. Poor eros! Sana author tuloy tuloy pa din because your my favorite author and you do great stories! Well be waiting for the next chap! Thanks :$

Lexin said...

Nangyari na ang nangyari! Pero mali! Maling mali! Booom!
Parang magppasko palang ngaung january..
Welcome back supah ace!

Jace said...

hala ka Bryan!!! Magpaliwanag ka sa Kambal... lalo na kay Eros... Denial kasi eh... tss!!

excited na sa next Chapter!! :D

-SupahMinion

Unknown said...

And your finally back hehe at last the long wait is over. .. ait ang bad ni bry kawawa naman si eros he doesn't deserve auch thing na ganyan mukhang mahabang paliwanagan ang mangayayri hahaha can't waitbsa susunod pasaway kasi ayan nakasakit kapa pagkatapos masarapan ee sisisihin mo yung nangyari so immature.anyways buti naman sir nakakarecover nakayo dami talaga nangyari sian praying for all of you guys na makarecover thou di madali kaya mo yan aja!

Hintay kami sa susunod na chapter, take care

slushe.love said...

nakakaloka! di ko ma take. kawawa naman si Eros. haha :) next chapter na po. excited na ako. :D

salamisim said...

HOLY MOLLY!!!!!!!!!! Mr Z, nice to see you back….i would rather read the novel when its done, nakalimutan ko na kasi kung ano ang kuwentong ito. i don't mind reading it from the start……………..ciao

rheinne said...

worth the looonnnnggg wait Z grabe pasabog na chapter

Anonymous said...

update na bwahahahahahahahhaahhahaahhahahahaa..... -- makboy

Anonymous said...

Wrong move for Bry. Tsk tsk. Sana may someone na magparamdam kay eros para mag selos yang si boromeo!

Mickey

Anonymous said...

- kuya z.... salmat po... thank you sooo ,much.. dahill sa mga stories mo kaya nakakaya ko pa po... nakakaya ko pa pong itago.. na ganito ako.. na katulad ako ni dorwin. alex and other half-half... Stories mo po talgaang nagbibigay ng pag-asa sa mga taong katulad ko po na paRANG WALANG MAPAGLALAGYAN ng sarili.... Im loosing myself..... MY mother and father and all my family members are homophobic... kunting galaw ko lang at mabubuking na talaga ako... minsan gusto ko na talagang magtago.. o magkulong sa kwarto.. its funny nga na minsan iniisip ko na sana malunod nalang ako or something... i know thats bad ... pero what can i do..??? minsan its realy trying to come out... pero at the same time.. i dont want my parents to be hurt and worse despise me.. your stories really gives me comfort and hope that maybe, miraculously , they can accept me..... sorry po at medyo madrama po ako.. but you're really my inspiration in terms of this .. in my life... THANK YOU SO MUCH!!! ARIGATO!!!

-TO BRYAN: YOU'RE AN ASSHOLE!!! porque di mo maaccept ang katotohanan, ibi-blame mo si eros??? how could you.... eros .. pahirapan mo sya... ok??? he deserves it...

- KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKJJJJJJJJ

Anonymous said...

Napangiti ako sobra s Big Comeback na ito!!! Nice one idol! Arc

Migz said...

WOW.. Simply the best come back ever.. Great Job Zildjian.. Great Story too..

Anonymous said...

welcome back poy...

_iamronald

Ryge Stan said...

Wow thank God Zildjian is back yehey.... simple amazing ang chapter nato I like the last message ni Red kay Brian hehehe.

Hope your doing good and sana tuloy tuloy na to hehehehe Have a great day and Keep it up

Anonymous said...

sorry guys.. late ako.. im on a trip last christmas so d ako nakapag update.. grabeh na miss ko to.. salamat po for the great story.. :)

-jec

luilao said...

Yes!!!!! Salamat nakabalik kana!!!! Ang tgal kung hinintay ko.. At timing nmn ang pagsilip ko at me update na.. Thank you idol!!!!

Unknown said...

Thanks Zeke, ito na ang inaabangan ko... ang love stiory namin ni Borromeo... kakarelate kasi ako kay EROS... kainis naman ang Mother ni Borromeo, I think may reason kung bakit ganyan ang Mommy ni Brian... Malalaman din natin yan kung Itatackle ni Zeke sa Story niya...

Anonymous said...

welcome back Mr author!!^^
this is a good sign na mas ok na sitwasyon mo?:)

well,nkakadisappoint c brian!nkakainis ung ginawa nya sa last part..

Anyways,nkakakilig prn nmn ung chap neto!!^^

-monty

Anonymous said...

welcome back Mr author!!^^
this is a good sign na mas ok na sitwasyon mo?:)

well,nkakadisappoint c brian!nkakainis ung ginawa nya sa last part..

Anyways,nkakakilig prn nmn ung chap neto!!^^

-monty

Post a Comment