Friday, January 24, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 15




Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

 Maraming salamat talaga guys sa suportang ibinigay niyo sa kwentong ito. Natutuwa ako na makita na marami pa ring nagko-comment sa mga chapters na pin-post ko kahit ilang buwan akong nawala. At tulad ng sabi ko, simula na para umikot ang totoong kwento ni Eros at Brian. Kung papaano naging book2 ang kwentong ito ng 9 Mornings.


Sa mga nag-comment sa chapter 14 - Maraming-maraming salamat sa ipinapakita niyong interes sa kwentong ito. `Yon ang pinanghahawakan ko para ipagpatuloy ito kahit sa kabila ng lahat. HAHAHA


Gusto ko ring batiin si PANCOOKIE  ng belated happy birthday. Sana ma-enjoy mo ang chapter na ito.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.






Nagsisimula ng mapikon si Brian. Hindi na rin ma-drawing ang kanyang mukha habang tila naman walang pakialam na patuloy pa ring dumadaldal ang tinamaan ng magalig niyang kaibigang si Claude.



'This is supose to be our date. Alam mo 'yon? 'Yong kayong dalawa lang habang pinag-uusapan ang mga bagay-bagay na pwede niyong mapagkasunduan. Pero bakit may asungot ngayon na kung dumaldal ay parang ngayon lang ito nakahanap ng kakwentohan?' Himutok niyang sabi sa kanyang isipan habang masamang-masama ang tingin kay Claude na wala pa ring patid sa pagdaldal.




"Wow! Grabe pala ang pinagdaanan niyo ni Laurence. Imagine, six years kayong naghiwalay tapos heto kayo ngayon at mag asawa na?"



Ayaw man niyang paniwalaan pero iyon ang totoo. Naidaldal na ng kanyang kaibigan ang buong love story nito sa halata namang wiling-wili na kanyang kasama. Pakiramdam niya tuloy siya ang asungot doon.



"Yup! It took us six years. Pero hindi ko rin maitatanggi na dahil sa anim na taong 'yon, mas lalo ko pang minahal si Lance. Kaya nga 'di ko na pinakawalan pa, eh." Tuwang-tuwa pa ring pagbibida ni Claude sa relasyon.



"Ang suwerte naman pala niya sayo." Komento ng tinamaan ng magaling niyang kasama. Hindi niya tuloy ngayon alam kung dapat pa ba niyang isama sa mga listahan ng pagiging kakaiba nito ang pagiging magiliw sa lahat ng tao.



"Nope. Ako ang masuwerte sa kanya." Wika ni Claude sabay taas -baba ng kilay.




Humagikhik na animoy batang kinikilig si Eros na lalong nagpasimangot kay Brian. Pinagsisisihan niya na ngayon ng husto kung bakit dito pa niya ito dinala sa dinami-rami ng pomosong restaurant sa lugar nila.



Bago pa tuluyang masira ang gabi niya - ang unang date nila na alam niyang malapit ng mangyari ay nagdesisyon na siyang sumabat. Hindi lang naman kasi niya ginawa iyon kanina bilang respeto kay Claude. Lalo pa't nakikita niya kung papaano unti-unting pakalmahin nito si Eros sa pagiging madaldal nito.



"Claude, pare." Pagkuha niya ng pansin nito. Hindi naman siya nabigo sapagkat bumaling ito sa kanya. "Baka naman pwede mo na kaming bigyan ng privacy nitong date ko, no? Kung ayos lang naman." 'Di niya napigilan ang pagiging sarkastiko.



"Pagpasensiyahan mo na 'yang mister ko, Brian. Wala lang talaga iyan makulit kaya kayo ang napagbalingan." Nakuha ang pansin nilang tatlo sa taong nagsalita. Iyon ay walang iba kung hindi si Lance.



"Misis! Sa wakas iniluwa ka rin ng kusina mo." Tuwang-tuwa na wika ni Claude saka nito nagmamadaling linapitan ang asawa na naka complete uniform ng isang chef.




"Bawal kasi siya sa kusina dahil hindi ako makapag-concentrate sa pagluluto kapag na roon siya. Kaya iyan ang kinalabasan. Kayo ang kinukulit niya." Wika pa ulit ni Lance. "How do you like the food, Eros?"



"Masarap." Tila bigla namang nakadama ng pag-aalinlangang tugon nito. "Sobrang sarap."



"Siya lang din ang nakaubos sa isang platter ng rice Misis, habang nagkukwentohan kami." Nanunudyong pagsabat ni Claude na ikinamula naman ng kanyang kasama.



"Ganyan lang talaga siya kaganang kumain. At kapag gusto niya ang pagkain." Pagdepensa naman niya sa kasama. Kahit kailan talaga palaging mali ang hirit nitong kupal niyang kaibigan na 'to.



"Mabuti naman at nagustohan niya." Ang nakangiti namang wika ni Lance na dahilan para muli ng mapangiti ang kanyang kasama.



"Yeah! The food were great, chef Laurence." Papuri naman dito ni Eros.



"Suwerte sa'yo ang baliw na 'yan." Komento naman niya patukoy sa kasintahan nito na hindi na mapuknat sa kakangiti habang tutok na tutok ang tingin sa asawa nito. Halatang kahit ilang taon na ang mga itong nagsasama ay malakas pa rin ang tama nito sa professor turned to be chief na asawa.



Mukhang nagustohan naman ni Laurence ang papuring iyon mula sa kanila nang ngumiti ito ng ubod ng tamis.



"Salamat. Muntik na nga akong masiraan ng bait kanina kakaisip kung ano ang magandang pagkain na ise-serve ko, eh. Lalo na't may mga pagkain na hindi pwede rito kay Eros."



Kay Lance niya ipinagkatiwala ang mga pagkain nila. Ito ang pinag-decide niya kung anong pagkain ang gusto nitong ipatikim sa kanilang dalawa ni Eros dahil malaki ang tiwala niya rito. Ibinilin niya lang rito na may pagkain na hindi pwede ang kanyang kasama tulad ng masyadong maalat at oily na pagkain. Hindi naman sila nito binigo nagustohan ng kasama niya ang mga luto nito.



"Wala ka kasing tiwala sa sarili mong kakayahan, Misis." Paglalambing naman dito ni Claude na simahan pa nito ng isang nakaw na halik.



Kita niya kung papaano kuminang ang mga mata ni Eros sa ipinakitang ka-sweet-an ng kanyang kaibigan. Kung hindi siya nagkakamali ay pinaghalong paghanga at inggit iyon.



Dahil doon ay bigla siyang may naisip.



"Pare, available ba ang floating cottage niyo?" Tanong niya kay Claude na ikinabaling naman ng tingin sa kanya ni Eros.



"Pinapa-repair ko dahil nasira noong nagdaang bagyo. At bakit mo naman biglaang naisipang mag floating cottage kung kailan patapos na kayo?"



"Patapos? Ni hindi pa nga kami nakakapag-usap ng matino dahil sa'yo. At hindi pa kami nag-order ng desserts." Simpleng tugon naman niya.



"Well, you can use our floating cottage." Nakangiting suhestyon ni Lance. "Nauna ng ipinagawa ni Claude iyon."



Kita niya kung papaano tapunan ni Claude ng tumututol na tingin ang asawa nito.



"Hayaan mo naman silang magkaroon ng privacy. Sinira mo na nga ang dinner nila sa pakikisawsaw mo, eh." Nakangiting wika ni Lance sa asawa nito saka ito bumaling sa kanya. "Sige, Brian. Ipapahanda ko na ang floating cottage."



"Thanks, Lance!" Malapad ang ngiti niyang pasasalamat rito.



Ipinahanda na nga ni Lance ang floating cottage na sinasabi nito. Ipinasunod na rin doon ang mga desserts nila at ang alak na in-order niya. Saka sila nito muling linapitan para sabihin na handa na ang lahat. Agad naman niyang inanyayahan si Eros doon.



"You really owe me big time for this, Brian. That floating cottage is exclusive only for me and Lance." Bulong sa kanya ni Claude mula sa kanyang likuran.



Pasimple niyang binagalan ang kanyang paglalakad para maabutan siya nito.



"You ruined our dinner by snatching Eros' attention from me kaya wala akong utang sayo." Pabulong din niyang sabi rito saka muling binilisan ang lakad para mahabol niya ulit si Eros.



Nang marating na nila ang kinaroroonan ng floating cottage ay muli na naman silang namangha. Iba ang design niyon sa tatlo pang floating cottage na nakahilira roon na halatang under repair nga tulad ng sabi ni Claude.



"Wow!" Wala sa sariling naibubulas ni Eros habang nanlalaki ang mata sa ibayong paghanga.



"Maganda di ba? Iyan ang sinaaabi ko kanina sa'yong floating cottage, Eros."



Bumaling naman dito ang kanyang kasama na bakas pa rin ang pagkamangha. Sino nga ba naman ang hindi mamangha sa eliganteng hitsura ng cottage na 'yon.



"Ito 'yong floating cottage sa kwento mo kung saan kayo unang nagka-ayos ni Laurence?"



"Yep! 'Yan nga."



"Pero akala ko ba simula noong gabing 'yon di niyo na pinapagamit ito sa mga costumer niyo?"



"Brian is not just a costumer to us. Isa rin siya sa mga itinuturing naming kaibigan. So, hindi na siya naiiba sa amin." Pagsali naman ni Lance.



"Pero--"



"Ito rin ang kauna-unahang beses na yayain niya ang ka-date niya sa isang floating cottage kesa mag-motel." Nakangiting pagputol rito ni Lance. "Ibig sabihin, he really wanted to have this first date of yours memorable and special."



Nakita niya kung papaano ito biglaang mamula at mapayuko na ikinahagikhik naman ni Claude.



"Hindi ko akalain na pwede pa lang mamula ng ganyan ang isang taong walang pag-aatubiling nagdeklara ng paghanga sa harap ng crush niya. Cute!"



"'Wag mong pansinin itong ugok na 'to, Eros." Ang halatang nagpipigil na ring mapangiting wika ni Lance saka siya nito binalingan. "You can use the cottage all you want, Brian. Just give me call kung magpapahila na kayo pabalik."



"Thanks, Lance." Nangingiti niyang tugon. Pati kasi siya ay na cute-an sa pamumulang iyon ni Eros. Though alam niya ang dahilan ng pamumula nito. Iyon ay dahil nauna na nilang gawin ang ginagawa ng mga pares sa motel kesa mag-date ng ganito.



PAGKAMANGHA ang nakikitang ekspresyon ni Brian sa mukha ng kasama habang inililibot nito ang paningin sa kabuohan ng floating cottage. Animoy hindi ito makapaniwala na nakasakay nga ito doon.



Sa di malamang dahilan ay nakadama siya bigla na tama ang ginawa niyang ipa-experience rito ang makasakay sa floating cottage. Aaminin niyang nangangapa siya ng husto sa kung anong klaseng date dapat ang ibibigay niya rito. Ito kasi ang kauna-unahang pakikipag date niya sa kapwa lalake kaya hindi niya maiwasang mangamba at mag-alinlangan kung tama ba na sa isang romantikong restaurant niya dinala si Eros.



"So, nagsisimula mo na bang magustohan ang restaurant na ito?" Pagkuha niya ng pansin nito.



Bumaling ito sa kanya at muling ipinamalas ang ngiting nagpapalambot ng kanyang mga tuhod at tumango.



"This is one of the best restaurant na napuntahan ko. At hindi ko in-expect na makakasakay ako sa isa sa mga floating cottage nila. At hindi lang basta floating cottage, ha? Ito rin ang floating cottage kung saan muling nagkaintindihan sina Claude at Laurence." Tuwang-tuwa nitong sabi.



Tumango-tango siya saka tinungo ang nag-iisang mesa kung saan nakapatong ang desserts na in-oder niya at ang alak. Inabot niya ang alak at nagsalin sa baso saka sumimim niyon.



"Napansin ko lang. Noong sinundo kita noon para dalhin sa seventh bar at mabanggit ko na ilan sa mga myembro niyon ay makikilala mo, bigla kang na-excite. Kanina naman, habang walang humpay na idinadaldal ni Claude ang buong kwento ng relasyon nila ni Lance ay sobrang wili ka namang nakikinig. What is it with them na tila ba sobra mo silang ina-idolize?"



Hindi naman sa hindi kahanga-hanga ang mga kaibigan niya. Medyo nagtataka lang talaga siya sa kakaibang interes na ipinapakita nito sa mga ito base sa obserbasyon niya.



"There love for their partners." Walang paligoy-ligoy nitong tugon sa kanya. "Ini-idolo ko ang pagmamahal nila sa mga taong pinili nilang mahalin. To the point na hindi nila 'yon ikinahihiya. Pero hindi ko rin maitatanggi na naiinggit ako sa kanila. I mean, it's very rare to see couples like them being happy and contented to each other."



So tama ang nakita niya kanina rito nang nakawan ng halik ni Claude ang kasintahan nito.



"Their relationships are not that perfect, Eros. Tulad ng ibang nasa relasyon, may mga pagkakataon rin na tinatamaan sila ng katupakan at sinusumpong ng mga immaturity nila. At suki roon sina Dave at Alex. Even Rome and Ace. Hindi mo sila dapat kainggitan."



Lumapit na rin ito sa mesa at nagsalin rin sa baso nito saka ito umupo malapit sa kanya.



"Alam ko naman 'yon. Sino ba sa mundong ito ay may perpektong relasyon? Pero iyon ang mas lalong hinangaan ko sa kanila. Kasi kahit sobrang cruel ng mundong ito para sa relasyon na tulad ng sakanila, ipinapakita naman nila na hindi sapat 'yon para mabura ang pagmamahal nila sa isa't isa. They also made me hope that someday, mararansan ko rin ang gaanong klaseng pagmamahal -'Yong totoo." Mahabang wika nito.



Hindi siya nakaimik. There's so much passion and emotion in each word na animoy kay lalim ng pinaghuhugutan niyon.



"That's why pilit kong binago ang sarili ko. Becuase your friends inspire me na pwede pa akong sumaya. Na may chance pa akong matikman ang buhay na gusto ko." Pagpapatuloy nito.



"Ano ba ang buhay na gusto mo?" Hindi niya napigilang maitanong.



Muli, ngumiti ito ng ubod ng tamis.



"Simple lang. Ang manatili sa tabi mo."



Nasamid siya bigla sa naging tugon nito. Akala niya ay sanay sanay na siya sa mga deklarasyon at hirit nito, hindi pa pala. Agad naman itong lumapit sa kanya para hagurin ang kanyang likod tulad ng unang ingkwentro niya rito. Ang pinagkaibahan lang ngayon, hindi na siya nag-panic dahil mas nangibabaw sa kanya ang hatid na sensasyon ng palad nito na humahagod sa kanyang likod.



"Ayos ka lang?" Nag-aalala nitong tanong sa kanya.



"Yeah. Hindi ko lang ulit napaghandaan ang mga deklarasyon mo." Pag-amin niya na ikinatawa nilang dalawa.



Ito ba ang pagmamahal na sinasabi ni Dave? Itong napakasarap na pakiramdam sa tuwing kasama niya si Eros at kapag nakikita niya itong tumatawa? Itong pakiramdam na tila ba nasa alapaap siya? Na halos hilingin na niya na wag na sanang mawala pa?



Hindi niya na pansin na napako na pala ang tingin niya kay Eros na ikinataka naman nito.



"B-Bakit?" Ang nakaramdam naman ng pagkailang nitong tanong.



Wala sa sariling gumalaw ang kanyang kanang kamay para haplusin ang mukha nito. Ang mukha ng taong hindi niya lubos maisip na makakapagparamdam sa kanya ng mga damdamin na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ang mukhang nagtataglay ng kakaibang epekto sa kanyang katawan at pagkatao.



"Mahal na nga 'ata talaga kita, Eros."



Nakita niya kung papaano magpalit ang ekspresyon ng mukha nito mula sa pagkailang sa pagkagulat.



"Gusto mo bang subukan natin?" Muli niyang wika nang hindi ito tumugon.



Pero taliwas sa kanyang inaaaahang reaksyon na babakas ang saya sa mga mata nito ay hindi nangyari iyon. Bagkus, takot ang nakita niya doon.



"B-Bakit? Isang salita at tanong na hindi niya nagawang maituwid sapagkat bigla siyang naguluhan at nangamba sa naging reaksyon nito. Hindi ba nito gusto ang ideyang maging sila? Ginulat niya ba ito ng husto? Tatanggihan ba siya nito?; Mga katanungan na na nabuo sa kanyang isipan.



Lalo pa siyang nangamba ng bahagyang ilayo ni Eros ang mukha nito sa kanyang kamay.



"Hindi ba't parang ang balis naman ng lahat? Kakakilala lang natin at ilang araw pa lang tayong naging malapit sa isa't isa. I don't want to take advantage to the confussion I have caused you. Dahil ayaw kong sa bandang huli, kapag natauhan kana, sa akin mo isisi ang lahat, Brian. At tuluyan ka ng lumayo sa akin. Ayaw kitang mawala."



Napakunot-nuo siya sa mga sinabi nito. Pero hindi naman niya maikakaila na ramdam niya ang takot nito. Ramdam niya na pagpapahalaga nito sa kung ano ang meron sila ngayon.



Oo nga't parang sobrang bilis ng lahat. Subalit masisisi niya ba ang kanyang sarili? Ito lang ang taong nagparamdam sa kanya ng mga kakaibang damdamin. Nagpakita at nagparamdam sa kanya ng pagpapahalaga. Nagpangiti sa kanya ng totoo at higit sa lahat, ang taong siyang dahilan kung bakit ganoon na lang kabilis ang tibok ng kanyang puso. Pakakawalan pa ba niya ito at pilit na itatanggi ang tunay na nararamdaman niya? Paano kung makuha ito ng iba? Paano kung maagawan na naman siya dahil nagpadala na naman siya sa takot. Takot na tuluyang aminin sa kanyan sarili na mahal na nga talaga ito.




Muli niyang inabot ang mukha nito para marahang haplusin ang pisngi nito. Hindi niya papayagan mawala ulit ang isang bagay na dapat ay sa kanya. Hindi na siya ulit papatalo sa takot. Susugal siya.



"I understand where you coming from. Na takot kang basta na lang akong mauntog at pagsisihan ang lahat. Dahil maski ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong mga kakaibang pakiramdam na ibinigay mo sa akin. Pero willing pa rin akong makipagsapalaran sa'yo. Sapagkat alam ko na 'yon talaga ang gusto kong mangyari." Mahaba niya ring sabi pilit ipinapaiintindi rito ang lahat.



"Pero--"



"This time, paninindigan ko ang gagawin ko." Pagputol niya rito. "Hindi ko ngayon isisisi sa iba o sayo ang desisyon kong 'to. May nararamdaman ka naman para sa akin, 'di ba? Hindi man 'yon kasing tindi ng nararamdaman mo sa taong isa rin sa mga dahilan ng pagbabago mo, at least give me a chance na iparamdam sa'yo ang damdamin ko. Just one chance, Eros."



Hindi agad ito tumugon dahilan para mangamba siya na baka tanggihan siya nito kaya bago pa mangyari iyon, inilapit na niya ang labi niya sa labi nito para gawaran ito ng halik na magpaparamdam rito kung gaano siya ka-sinsero sa gusto niyang mangyari sa kanila. Mukhang effective naman dahil gumanti ito ng halik sa kanya.



Nagtagpuan na lamang ni Brian ang sarili na nalulunod na sa halikan nila ni Eros. Walang gustong humiwalay. Nakaupo na ito ngayon sa kanyang kandungan habang ang mga kamay nito ay nakayakap sa kanyang leeg at paminsanang isinusuklay san kanyang buhok. Never in his life na may kinaadikan siyang labi. Malalambot na labi na tumutupok sa kanyang katinuan.



Kung hindi pa nagri-ring ang telepono ng kanyang kasama ay baka hindi na natapos ang halikang iyon. Tila wala sa sariling humiwalay si Eros at hinugot sa bulsa ang nag-iingay nitong telepono.



"H-Hello?" Ang kinakapos nito sa hanging bungad sa tumatawag habang nakapako pa rin ang sa kanya ang mga mata nitong wala ng mababasakan na takot. Bagkus, napalitan iyon ng kakaibang kinang. Kinang na nasisiguro niyang siya rin ngayong nakikita nito sa mga mata niya.



"Oh, Russel ikaw pala."



Napataas ang kilay niya nang banggitin nito ang pangalan ng tumawag rito.



"Akala ko ba may tinatapos ka pang trabaho?" Pagkakausap pa rin nito sa tumawag.



"Hindi naman sa gano'n. Syempre gusto kitang makita. Nagulat lang ako na biglaan kang nagdesisyon na sumunod."



Ngayon, napakunot-nuo na siya. Sino ang kausap nito at bakit tila nilalambing ito ng Eros niya? At ano raw? Balak nitong sumunod sa lugar nila?



"Sira! Ang drama mo. Sige, i-text mo sa akin kung anong oras ang dating mo para masundo kita." Patuloy pa rin nitong pagkakausap sa tumawag.



"Hindi lang ako sigurado pero don't worry ako ang bahala sa'yo. Grabe! Akala ko talaga hindi na matutuloy ang pagbakasyon mo dito sa lugar namin. Excited na ako!"



"Magugustohan mo rito. Tsaka, hindi rin naman pahuhuli ang lugar namin, 'no? Basta wala ng bawian. Hihintayin kita, ah? Bye!"



Ngingiti-ngiti nitong ibinalik sa bulsa ang telepono.



"Sino 'yon?" Tanong niya agad rito.



"Si Russel, 'yong best friend ko na sinasabi ko sa'yong nagturo sa aking mag-drive. Matutuloy ang bakasyon niya rito at sa sixteen ang dating niya." Magiliw nitong sagot.



"Best friend." Tatango-tango niyang sabi."Saan naman siya tutuloy kung sakali?"



"Sa hotel. Nagpapatulong na nga siyang magpa-reserve." Nakangiti pa rin nitong tugon.



"Best friend mo lang talaga siya?" Alam niyang hindi na dapat niya itinanong iyon pero kusa iyong namutawi aa kanyang bibig at huli na para bawiin pa.



Kita niya kung papaano bumakas ang pagtataka sa mukha nito pero agad rin namang nawala iyon at napalitan ng isang napakagandang ngiti nang tila ay may masantup ito.



"W-What?" biglang nakaramdam ng hiya niyang tanong.



"Ang cute mo pa lang mag-selos." Nanunuksong wika nito saka humagikhik.



"Hindi ako nag--"



Di na niya naituloy pa ang gagawin sanang pagtanggi nang mapagtanto niya na totoo ngang nakaramdam siya ng selos. Napailing na lamang siya't iniyakap ang mga kamay sa bewang nito habang ito naman ay napayakap na rin sa kanyang leeg.



"So, pumapayag ka na bang subukan natin?" Muling pagbabalik niya sa paksa.



Naramdaman niya ang pagpakawala nito ng buntong hininga bago sumagot.



"Sige. Sana lang hindi natin parehong pagsisihan ito, Brian."



Dahil sa narinig ay lalo niyang hinigpitan ang pagyakap rito.



"Naniniwala akong hindi." Tugon niya.



Nanatili silang magkayakap ng ganoon ng matagal. Walang gustong magsalita o humiwalay. Parehong ninanamnam ang masarap na pakiramdam ng pagkakadikit ng mga katawan nila habang inihahanda ang mga sarili sa bago nilang relasyon. Hindi pa rin makapaniwala si Brian na heto siya ngayon, nasa isang relasyon na ni sa hinagap ay hindi niya iniisip na posible niyang papasukin. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may pagsisisi ba siya sa naging desisyon pero wala. Doon niya tuluyang nakumbinsi ang sarili na ito talaga ang gusto niya - ang mahalin si Eros.



"Brian?" Kapagkuwan ay pagbasag nito sa katahimikang namayani aa kanilang dalawa.



"Hmmm?" Tugon naman niya na lalong isiniksik ito sa kanya. Gusto niya kasi ang pakiramdam ng init na hatid ng katawan nito sa kanya.



"Hindi ba awkward para sa'yo ang posisyon natin?"



"Awkward?" Medyo nagtaka rin siya kung ano ang tinutukoy nito kaya naman kahit ayaw niya ay napilitan siyang paghiwalayin ang kanilang mga katawan. Doon lang niya na-realize na hindi pa pala nagbabago ang posisyon nila. Magkaharap pa rin sila habang nakaupo ito sa kanyang kandungan.



"'D-Di ba ang awkward?" Namumula at bakas ng hiya nitong sabi.



Pilit niyang pinigilan ang sariling mapahagikhik. Medyo mahalay nga ang posisyon nila pero hindi naman siya makaramdam ng pagkailang.



Inabot niya ang batok nito saka niya marahang inilapit sa kanya ang mukha nito para bigyan ng halik.



"I don't find it awkward. Gusto ko ang pakiramdam na malapit ka sa akin." Wika niya nang muling maghiwalay ang kanilang mga labi na sinamahan pa niya ng pagkindat rito.



"B-Baka kasi may makakita sa atin."



"So? Boyfriend na kita di ba?"



Tila nahihiya naman itong tumango. Mukhang hindi pa ito sanay sa bagong relasyon nila.



"Ayon naman pala. It's normal for those who are in relationship to cuddle and be this close, Eros."



"I know. Pero hindi ko lang talaga mapigilang mailang. Hindi lang siguro ako sanay"



Sinubukan niyang salubungin ang mga mata para nito pero umiwas ito hanggang sa mapangisi siya ng may mapagtanto.



"Aha! Kaya ka siguro naiilang dahil naaalala mo 'yong ginawa natin sa kwarto ko, no?" May panunudyo niyang sabi. "Come to think of it. Hindi nga natin nasubukan ang posis--"



"Brian!" Tila naiskandalong wika nito saka nito binusalan ang bibig niya ng kamay nito para di niya maituloy ang sasabihin. Doon na siya tuluyang humagalpak ng tawa. Hindi talaga ito marunong magtago ng damdamin. Pero dahil ito ang taong nagpatibok ng kanyang puso at ang taong siya ngayong dahilan kung bakit siya sobrang masaya ay hindi na niya ito inasar pa tulad ng kanyang laging ginagawa sa mga kaibigan. Sa halip, ay muli niyang yinakap ito ng buong higpit.



"Thanks for coming into my life, Eros Drake."



 IBANG-IBA ang pakiramdam ni Brian kinabukasan pagising niya. Hindi lang siya nag-uumapaw sa saya, napakagaan rin ng pakiramdam niya. Dahilan para agad na gumuhit ang napakatamis na ngiti sa kanyang mukha.



Agad niyang inabot ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ng taong siyang dahilan kung bakit ganoon siya sa umagang iyon saka siya nag-type.



'Morning spidy! Nauna pa akong magising sa'yo.' Ito ang unang araw ng bagong relasyon nila ni Eros at ito agad ang unang pumasok sa kanyang isipan.



Matapos makapag-text dito ay agad naman niyang tinungo ang banyo. First time in the history of mamals na magising siya ng alas-sais. Paano ba naman sobrang 'atat siyang muling makausap at kulitin ang taong bumihag sa kanya ng todo kaya hayon, maaga siyang nagising.



Nang matapos sa paliligo ay deretso agad niyang binalikan ang kanyang cellphone umaasang gising na at sumagot na ito pero wala pa rin.



"Ang takaw talagang matulog ng isang 'yon. Sabi niya maaga siyang gigising ngayon." Nakangiti niyang wika saka ibinalik sa kinalalagyan ang kanyang cellphone.



Mahirap mang aminin pero talagang hinahanap-hanap niya ito. Iyong tipong gusto niya ay palagi itong kausap at kapalitan ng text na para bang kulang pa sa kanya ang buong gabi nilang pagsasama kagabi.



'I really can't get enough of him. Ganito rin kaya sila Dave?'



"Malamang!" Siya na rin mismo ang sumagot sa katanungan niyang iyon sa kanyang isipan nang maalala niya kung papaano parang asong buntot ng buntot ang kaibigan niya sa kasintahan nito at kung papaano ito magwala kung nahihiwalay kay Alex.



Nasa kasagsagan na siya ng pag-aalmusal nang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niya itong hinugot sa kanyang bulsa at nang makita kung kanino galing iyon ay 'di na niya napigilang mapangiti husto.



'Morning din! Wa epek ang pag-a-alarm ko di ako nagising. Hehe Buti na lng nag-rapping si mama.'



Agad niya itong tinawagan.



"Kailan pa naging rapper ang mama mo?' Magiliw niyang bungad rito.



"Simula nang magkaisip kami. Bawat umaga na siyang nagtatatalak sa amin." Humahagikhik nitong wika sa kabilang linya.



Napatawa na rin siya. Ito ang isa sa nakaadikan niya rito - ang mga patawang kalbo nito.



"Bumangon kana. Baka ikaw ang sunod na i-rapping niya." Nangigiti niyang sabi.



"Sige pero kailangan ko munang ibaba 'tong tawag. Panigurado kasing mara-rapping ako niyon pag nakita niyang nagtetelebabad na ako umagang-umaga pa lang."



"Ay, gano'n? Sige, 'wag kana muna pa lang bumangon. Usap lang muna tayo." Bawi niya agad sa sinabi niya.



"Adik ka. Gusto mo bang ma-late? Sayang naman ang ikinaaga ng gising mo kung late ka lang din namang papasok."



"Nag-aalala ka ba talagang ma-late ako o sadyang umandar na naman ang katakawan mo?"



"Pareho. Mukha kasing masarap ang almusal namin. Ang bango kasi, eh." Walang pag-aatubili nitong pag-amin saka humagikhik.



"Sinasabi ko na nga ba. Unang araw pa lang natin pero ipinagpalit mo na agad ako sa pagkain. Nakakasama ka ng loob." Kunyari ay nagtatampo niyang sabi.



"Nagtampo agad? Binibiro ka lang naman." Depensa naman nito at base sa tono nito, alam niyang nakangiti ito. Ganoon na niya agad kadaling namemorya kung anong facial expression ang nakaguhit sa mukha nito sa tuwing magsasalita ito. Gano'n ito kadaling basahin.



"Sus! Mas importante talaga sa'yo ang pagkain kesa sa akin. Hindi mo ba alam na mas masarap pa ako sa kahit na anong pagkain dito sa mundo?"



"Ah, 'yan ang hindi ko kokontrahin kasi totoo 'yan. Ngiti mo pa nga lang ulam na ulam na, eh." At sabay silang tumawa.



Ganito palagi ka walang kwenta ang usapan nila ang pinagkaibahan lang ay nagagawa na niyang haluan iyon ngayon ng paglalandi. Syempre, kasi hindi na niya kailangang mag-alagan.



"Oh, sige na nga bumangon kana riyan at mag-almusal kana. Pero dapat pagkarating ko ng office tapos kana, ah, para usap ulit tayo."



"Bakit, wala ka bang gagawin sa opisina?"



"I'm the boss remember?" Maangas niyang tugon.



"Boss ng mga tamad." Basag nito sabay tawa ng nangaasar. "Siya boss, humayo kana at ako naman ay mag-aalmusal na. Bye bye!"



"Teka muna! Anong bye bye? Kiss ko muna." Ngingiti-ngiti niyang wika. Hindi makapaniwalang pwede pala siyang maging ganoon ka corney.



"'Kailangan pa ba 'yon?"



"Syempre naman! Para good vibes ang umaga ko."



"Gano'n ba 'yon?" Hayon na naman ang kinagigiliwan niyang kainosentehan nito.



"Yep. Gano'n nga 'yon." Pangguguyo pa niya.



"Okay, sige. Mmmwaahhh!"



"Sarap naman!"



"'Wag kanang mambola. Siya, mag-iingat ka sa pagmamaneho, ah."



"Will do. Basta tatawagan kita pagdating ko sa office, okay? Mmmwaah!" At ngingiti-ngiti na niyang pinutol ang linya.



Agad na nga siyang naghanda at gumayak na papuntang opisina. Habang nasa daan ay pasipol-sipol pa niyang sinasabayan ang kanta sa kanyang car stereo. Naninibago siya sa kanyang sarili pero gusto naman niya ang pagbabagong nangyayari sa kanya.



Nang makapasok siya sa building ng kanyang kompanya at makasalubong ang ilan sa kanyang mga empleyado ay nagtaka siya. Tila kasi iwas ang mga ito sa kanya. Kahit binabati siya ng mga ito ay agad naman mag-iiwas ng tingin.



"Good Morning sir." Bati sa kanya ng kanyang sekretarya. Napansin rin niya ang pag-iwas nitong salubungin ang kanyang tingin.



"Good talaga ang morning ko. Infact, sobrang good nga, eh. Pero mukhang hindi kayo gano'n. Kanina ko pa napapansin sa iba na tila takot silang makaharap ako at ngayon, pati ikaw hindi rin ako matingnan ng deretso. Ano ba ang meron?"



Napayuko ito na siya namang lalong ikinataka niya.



"I demand you to tell me what's wrong, Enes." Wika niya gamit ang seryosong boses.



"Ka-Kasi sir nahihiya kaming lahat sa'yo."



Napataas ang kilay niya. Kailan pa nagkaroon ng hiya sa kanya itong sekretarya niyang tupakin?



"Nahihiya saan?"



"Dahil hinusgahan ka namin agad." Nakayuko pa rin nitong sabi.



"Ha? Anong pinagsasabi mo? Tsaka pwede bang itaas mo ang tingin mo." Naguguluhan naman niyang sabi.



Nagtaas nga ito ng tingin.



"Nagi-guilty kasi kaming lahat, sir. Dahil kung anu-ano ang naging komento namin sa'yo noong bigla kang umatras sa kasal mo. Iyon pala, kaya mo pala hindi itinuloy ang kasal mo ay dahil inahas ni Xander ang fiance mo."



Napakunot-nuo siya. Matagal na niyang alam na dahil sa pagtatago niya ng buong katotohanan ay naging masama ang tingin sa kanya ng iba niyang empleyado. Pero ni minsan ay hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito dahil kagagawan naman niya kung bakit lumabas siyang masama.



"I thought hindi ka naniniwala roon? Na alam mong may malalim akong dahilan kung bakit hindi ko itinuloy ang kasal ko?" Pagpapa-alala niya rito sa sinabi nito noon sa kanya.



"Hindi nga ako naniniwala sir pero hindi ko rin naman sinabi na hindi ako nakisali na pagtsismisan ka at bumuo ng mga ispekulasyon patungkol sa nangyari."



"I know. Ang isang dakilang tsismosang tulad mo, ay hindi palalampasin ang ganoong pagkakataon." Nakangisi na niyang wika rito. "You don't have to feel guilty, Enes. Sabihin mo rin 'yan sa iba. Natural lang na maging walang hiya ang tingin niyo sa akin dahil ni isang paliwanag sa totoong dahilan ng pag-atras ko sa kasal ay ipinagdamot ko."



"Bakit niyo nga ba itinago sa lahat ang katotohanan at hayaang pag-isipan nila kayo ng kung anu-ano?"



"It is because I value my ego and pride more than what people will think of me." Pagsasabi niya rito ng totoo.



Napataas ang kilay nito at halatang may sasabihin pa pero hindi na niya ito hinayaan pa.



"What time ang meeting ko sa mga department heads?"



Agad naman nitong nakuha na ayaw na niyang pahabain pa ang ganoong usapan.


"10am, sir."



"Good!" Iyon lang at nagmartsa na siya papunta sa pintuan g kanyang pribadong opisina. Pero bago pa man siya tuluyang makapasok ay muling nagsalita ang kanyang sekretarya.



"Am glad na tama ako na may matinding dahilan ka, sir pogi! I love you na talaga to the highest level!"



Muli siyang bumaling rito na nakangiti.



"Salamat rin sa tiwalang ibinigay mo sa akin, Enes. You really made me feel so good that day. Pero taken na ako kaya doon ka na lang sa jowa mo."



"Oh, God! Taken kana ulit?" Nagulat nitong sabi saka impit na namang nagtitili. Natatawa na lang siyang pumasok sa kanyang opisina.



Pagkapasok na pagpasok niya ay agad niyang hinugot ang kanyang cellphone sa bulsa. Alas-dyes pa ang meeting niya sa board members. Makakapag-usap pa sila ng matagal ng irog niya. Pero saktong pagkahugot niya ng lanyang cellphone ay siya namang pagdating ng isang mensahe. Isang mensahe na bumura ng ngiti niya.




Itutuloy:

41 comments:

James Chill said...

Mga pambitin mo mr. Author hah!! Sakit sa puson! Haha! Bravo! Napunit yung side ng lips ko kasi ang lapad ng ngiti ko! Haha kilig! Haha

Reymond Lee said...

akala
ko pekpek mo ang napunit, bruha! anyway, hong gondooo! kilig to the max
ako! kwidaw! seloso much ang lola bryan niyo! hahaha!

GIANCARLO said...

NEXT NEXT NEXT.........KAKABITIN AHHHHHHHH
WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

Anonymous said...

Waah! Kyaah! Kilig to the max tong chap nato kuya zeki! Grabe! Si boromeo narinig lang ung pangalan ni russel selos agad. Haha well lets see sa next chap. :)


~JAYVIN

Anonymous said...

salamat po sa update, kahit bitin ok lang hehe.

bharu

Anonymous said...

sa lahat ng characters kay eros ako pinaka-nakakarelate.. I can't help but think na may super secret si eros na pwedeng maglagay sa relasyon nila sa alanganin... medyo cloudy pa ang pagkatao ng eros eh.. pero shettt... enge ako ng brian ko...

TheLegazpiCity said...

Eros: "That's why pilit kong binago ang sarili ko. Because your friends inspire me na pwede pa akong sumaya. na may chance pa akong matikman ang buhay na gusto ko.

Brian: "Ano ba ang buhay na gusto mo?"

Eros: (Muli, ngumiti ng ubos ng tamis.)"Simple lang. Ang manatili sa tabi mo."

Ito ang like na like kong line dito sa chapter na ito...so excited sa mga mangyayari...

robert_mendoza94@yahoo.com said...

super nice one , kaya lng biglang binitin, he he he

MigiL said...

KILIG!!! napapangiti tlga ako :D

Unknown said...

Salamat sa update.. ayiiihhhh!, kilig mach talaga ong gondo gondo haba ng haor ni eros pak na pak sana maging masaya na talaga sila at bitiwan nalang ni brian yung pag ganti. Pero tama din yun para matutuan ng leksyon yung pinsan at tito nia.

Unknown said...


Woot!

Boss, thanks sa pabati. hahaha. Thanks for this gift rin. nyahahaha.
Aun, bitin na nmn pero kilig pepe nmn. da F! ^^,

Ano kaya ang mensahe na natanggap ni Brian?!
Abangann!!!!

-PanCookie

Anonymous said...

Nu na naman yun?.. Bitin naman zild,haha.. Thanks sa update,kilig overload,haha..

Lee

Anonymous said...

susme!pamatay ung line ni eros na ''ang manatili sa tabi mo.''!!!grabeng kinilig aq dun ha!!hahaha..sobrang gustung-gusto q tong chapter neto!^^

-monty

Anonymous said...

susme!pamatay ung line ni eros na ''ang manatili sa tabi mo.''!!!grabeng kinilig aq dun ha!!hahaha..sobrang gustung-gusto q tong chapter neto!^^

-monty

Anonymous said...

Buo na araw ko. Nabasa ko n sya. Hihi. Arc

Zildjian said...

Salamat sa pagbabasa Arc. Hehe till next chapter!

Zildjian said...

Salamat sa pag-comment guys!! Add niyo ako sa fb para masaya!

Zekiel Palacio

Anonymous said...

Morning po.. Katulad po ni Mr. Legazpicity.. YUn rin po ang favorite lines ko sa buong kwento na ito.... Bigla po talaga akong namula.... Nakakahiya nga kasi napasigaw ako ng wala sa oras.... Nakakagulat ka talaga eros... Iba talaga ang karakter mo sa lahat.... Kuyaz worth it po talaga ang paghihintay ko sa chapter na ito... haha sensya na at medyo atat lang... pero sino bang di maaatat? kung itong kwento na ito ang nagbibigay ng inspirasyon at kakiligan samin... Haha...
Thanks kuyaZ for this very face-blushing-chapter that you made...

You made my day....:) exam ko pa maya pero worth it ang time kahit wlang review review...haha

_KJ<3this

Anonymous said...

Uu naman. Inaabangan ko yan.. more power to u idol.. arc

kimbelnel said...

Z, kilig much... haha habang tumatagal lalong nagiging ka abang-abang mga stories mo. Ang dami mong butas dito;-) hihi., excited na ako sa turning of events:-)... God Bless!!!

Unknown said...

Z, kabitin eh... hehehe.. pinakilig nanaman ako ng story mo pagkagising na napagkagising ko ito kaagad nakita ko :).... keep up the great work Z! And God bless always! :)

Anonymous said...

wow.. ang saya naman.. hahaha.. good to have you back talaga kua zeke.. :)


wew.. kelangang problema agad ee noh pag tapos ng saya..?? :/


-jec

Anonymous said...

ang saya zek. nakakakilig. nacucurious tuloy ako ano magiging climax nito.

keep it up zek.

-lance

Anonymous said...

so nice story kakakakilig

jubert

Anonymous said...

Kakaiba talaga tong si EROS. ahahhaa And Bryan is completely fallen in love with Mr. Spidy. ahaha xD Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig sa isang tao. I smell jealousy between that Russel guy. ahaha xD Hmmm who might texted Bryan that made those perfect smile fade? Hmmm. COntinue writing author. We will be waiting for the nex chapter. Make us more KILIG. ahaha xD

Ivan D.

luilao said...

Talaga nmn ang cliff hanger hahaha.. Love it!!!

James Chill said...

Matagal ng punit yun reymond lee! :-p

Unknown said...

wew nice chapter kuya. kakakilig po. hehe

Unknown said...

WOW as in WOW zeke... Dami comment... Haizt ano nnmn pambibitin yan... Next chapy na please.... Thanks zeke sa update and inspirasyon...

Lawfer said...

yolandas hahaha

anyways, sorry late comment
anu nga bang msasabi q? hmmm...
unahin q na nega ah para nman matabunan mamaya ng positive :P
parang ang bababaw naman ng dinahilam mo for brian to love eros... i mean, given na my gusto xa sa tao, given na dn na eros will care for brian... peo ung ngiti to make a magnetic feeling that pushed brian to have sex with him? hmmm... high school cheese i'f u'll ask me. medyo mbabaw dn ung pagkakagalit nina dorwin and dave... yeah given na nsaktan niya damdamin nila peo dumating sa puntong halos itakwil nila si brian bilang kaibigan? db usual scene sa magkakaibigan is paguusapan muna nila? peo nde, walk out agad ang drama. sobrang nababawan aq... aun lang nman

anyways, let's head to the positive part... technically i should praise you for having improved writing skills... minimal typos, provided na tablet lang gamit mo, nakakabilib talaga. sunod syan ung flow ng story. nasa utak mo na nga at alam mo na ang pagkakasunod-sunod at na-execute mo ng maigi ung flow. chilligs are there at alam kong maraming nanginig ang betlogs sa mga scenarios mo. peo keep in mind na adults ang mga characters naten to wag tayo masyado lalayo sa reality kahit pa sabihin na nating isa lang itong fiction. remember ur goal in writing, to inspire ur readers. oks? oks!

un lang.. babay :P

Zildjian said...

Wag ka muna kasing atat masyado sa mga dahilan dahil pupunuin ko `yan. May mga rason ako kung bakit ganyan ang nangyayari at kung bakit ganyan ang ginawa ko at patutunayan ko `yan sa mga succeeding chapters.


Tungkol naman sa kilig part, masama bang pakiligin ko muna kayo bago ko sirain ang buong buwan niyo? HAHAHA May pinaghahandaan lang ako at malapit ko na ma-perfect ang balak ko. LOL


Doon tayo sa MAGAGANDANG SINABI MO! HAHAHAHA


Ikaw ba naman simula noong Dec 2012 na pagbabalak kong sulatin ang kwentong `to kung hindi ko ma memorya. Di ba dapat ipo-post ko ang kwentong to noong 2012 kaso may dumating na asungot sa buhay ko kaya di ko nagawa.. HAHAHA Sa typos naman, siguro kasi mas conscious ako sa tablet. Alam ko kasi na magkakamali at magkakamali ako kaya halos ulit-ulitin ko bawat paragraph para lang masiguro na walang sabit. Hehehe


SINO NGAYON SA ATIN ANG MAS MARAMI ANG SINABI? HAHAHAHA

Ryge Stan said...

i think dumating na ang mama ni Brian that is the problem. hehehehe

have a greatd ay zake and keep it up.

Anonymous said...

Nayana as expected, great chapter! Clap! Sana meron na ulit! Ano kaya masamang balita? Hihi :) thanks author

Ivan d. ( di ko sure kung nakapag comment na kasi ako. Di ko makita kung may comment na ako) ahahahah

Anonymous said...

I cant help my self to comment. Silent reader here author! Ang ganda na kaso ng mga nangyayari! Hahaha love love na! Pero ano kaya ung masamang balita? Kinakabahan ako! Ahaha affected ako! Lol :)

Ken

Anonymous said...

Yey meron na! Thanks po :) hahahaha

Anonymous said...

Buti na lang nag visit ako! Ahahaha. Isa lang masasabi ko! Bravo! Hahaha. Ito ung hinihintay kong kilig moments pero ano kaya ung bad news? Sana naman hindi masyadong maapektuhan ung umuusbong nilang love team? Heheheh

Anonymous said...

Basa basa muna ako! Hahahah :)

Anonymous said...

Halla! Kinikilig ako! Hahahahah

Drei :)

Anonymous said...

And another great chapter! Thanks for this author! Keep posting he he

Philip

Anonymous said...

:) waaaa!

Jasper Paulito said...

Hi zeke. Sabik na kami sa next chapter. Gusto na namin malaman kung pano magselos si Brian

Post a Comment