Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Binilisan ko talaga ang pag-update bilang pasasalamat ko sa mga taong hindi nakakalimot na suportahan ako. Sa totoo lang, hindi na nga ako umasang may magbabasa pa ulit sa k'wentong ito. KAYA PARA SA INYO ITO GUYS!
Totoo, pahirapan ang magsulat gamit ang tablet pero dahil labs ko kayong lahat, pinilit ko pa ring masundan ang mga chapters ng 9 Morning at asahan niyo rin na hindi ako titigil hanggat hindi natin natatapos ang kwentong ito. Ma-enjoy niyo sana ang Chapter mga paps at naway hanggang sa huli, nariyan pa rin kayo! INGATZ!
'Pati si Dave at Dorwin nadamay pa sa kalokohan ko.' Naiwika niya sa kanyang sarili. Habang hindi maiwasang napapailing.
Mali. Mali ang paraan niya sa pag-iwas sa katotohanang ginusto niya ang nangyari sa kanila ni Eros. Sapagkat hindi lamang ito ang nasaktan niya, pati rin ang mga kaibigan niya na kabaro nito. Tama si Red, ginawa niyang security blanket o defense mechanism ang isisi kay Eros ang lahat dahil hindi iyon kayang tanggapin ng pride at ego niya na ang naging resulta ay napasama siya sa kanyang mga kaibigan.
Muling nanariwa sa kanya ang galit sa mukha ng pinakamalapit niyang kaibigang si Dave. Iyon ang pangalawang pagkakataon na makita niya na ganoon ka galit ang kaibigan niyang iyon. Ang una, ay noong muntikan ng tuluyang mawala rito si Alex. Nasapak pa nga siya nito dahil naidaldal niya sa huling babaeng nakarelasyon nito ang tungkol sa bago nitong pag-ibig na natagpuan sa katauhan ni Alex.
"Bad-mouthing Eros like that is like bad-mouthing Alex, Dorwin and all the half-half in this world you know. Para mong pinalabas na ang mga tulad nila ay mapagsamantala at hindi kailangang pahalagahan at i-respeto."
Mahal na mahal ng kanyang kaibigan ang kasinakasama at kambal nito. Tama ang kanyang kaibigang si Chuckie. Para na rin niyang ininsulto si Alex at Dorwin sa mga nasabi niya kanina patungkol sa pagkatao ni Eros kaya hindi niya masisisi si Dave kung bakit galit na galit ito sa kanya.
'Dammit!' He said with so much frustration sabay bayo ng manibela.
Isang napakalaking pagkakamali talaga ang nagawa niya kanina. Paanong hinayaan niya ang sarili na mabulag ng sitwasyon at saktan ang mga taong siyang tunay na nagpapahalaga sa kanya? And now, he screw things big time at 'yon ay dahil lamang hindi niya matanggap na ginusto niya ang nangyari sa kanila ni Eros.
'Eros.' Biglang rumehistro sa kanyang isipan ang mukha nito at lalong namigat ang kanyang pakiramdam. 'Ano ba itong nagawa ko?'
Ang taong dinamayan siya. Ang taong piniling makinig sa mga himutok niya sa kanyang ina ay hayon at sinaktan niya. Dito niya isinisi ang isang pagkakamali na siya naman ang may gawa. Subalit pagkakamali nga ba iyon? Bakit hindi niya magawang ma-i-justify sa sarili niya?At bakit pakiramdam niya ay napakatama niyon na siyang dahilan kung bakit siya naguluhan ng husto at nag-panic.
Mariin siyang napapikit at naipatong ang kanyang ulo sa manibela. Malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang lahat ng nangyari sa nagdaang gabi. Dama niya pa rin ang malalambot na labi nito at ang uri ng paghalik nito na nagpabaliw sa kanya ng husto. Ang mga hagod nito sa kanyang katawan na libo-libong damdamin ang hatid sa kanya. At ang nakakapangilabot na sensasyon noong maging isa ang mga katawan nila.
Inaamin niyang nagsinungaling siya sa mga kaibigan nang ipagdiinan niyang lasing lamang siya hindi siya pinigilan ni Eros. Hindi siya lasing. Sa katunayan ay nahimasmasan na siya ng makaligo siya at hindi rin niya pwedeng itanggi na naramdaman niya ang pagtulak sa kanya ni Eros para pigilan siya. Sadya lamang talaga na nawalan na siya ng kontrol sa sarili.
Tatlong sunod-sunod na katok sa bintana ng kanyang sasakyan ang gumising sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Agad siyang napaangat ng tingin at sumalubong sa kanya ang mukha ni manang Delia. Bakas ang pagtataka at pag-aalala sa mukha nito.
Napilitan siyang tuluyan ng lumabas sa kanyang sasakyan.
"Ang mga problema ay ibinibigay sa atin para mas maging matatag tayo, anak. Kaya 'wag kang patatalo rito." Naroon ang pang-aalo sa boses nito.
Ito ang gusto niya kay manang Delia. Hindi nito ugaling usisain siya sa halip, ay magbibigay lang ito ng paalala para aluin siya.
"Salamat nay. Pasok na muna ako sa kwarto ko." Nakangiti pero matamlay niyang sabi saka niya tinungo ang main door. Pagkapasok niya ng bahay ay napahinto siya sa pagkagulat.
"Itinayo ko iyang Christmas tree para man lang kahit papaano, may sumimbolo ng pasko sa bahay na ito." Wika ni manang Delia mula sa kanyang likuran.
Napako ang tingin niya sa Christmas tree. Ilang taon na nga ba na walang kahit na ano sa loob na bahay na iyon na sumisimbolo ng pasko? Sobrang tagal na at kung hindi siya nagkakamali ay iyon ay noong mga panahon na kasama pa niya ang kanyang mga magulang sa bahay na 'yon.
Ayaw niyang makakita ng kahit na anong sumisimbolo ng pasko sa loob ng bahay na iyon dahil ayaw niyang ipaalala sa kanya ang katotohanan nag-iisa siya. Na iniwan siya doon mag-isa ng kanyang mga magulang.
"Make up your mind, pare. Huwag mong itulak palayo ang mga taong nagpapahalaga sa'yo. Baka isang araw, magising ka na lang tuluyan ka ng nag-iisa." Muling nanariwa sa kanya ang sinabing iyon ng kaibigan niyang si Chuckie na tila ba umalog sa kanyan utak.
'No!' Hindi ko kayang mag-isa.' At dali-dali niyang binalikan ang kanyang sasakyan.
"Oh, saan ka na naman pupunta?" Tila naman naguluhang wika ni manang Delia.
"May aayusin lang ho ako. Babalik din ako agad."
'Nawala na sa akin ang mga magulang ko kaya hindi ko hahayaang mawala rin ang mga natitirang tao na nagpapahalaga sa akin.' Ang determinado niyang sabi sa sarili saka in-on ang makina ng kanyang sasakyan.
INIHINTO ni Brian ang sasakyan sa tapat ng isang magarang bahay. Agad naman siyang napansin ng guard na siyang nagbabantay sa siguridad ng magarang bahay na iyon at linapitan siya.
"Magandang gabi po sir Brian." Pagkilala sa kanya nito.
"Nariyan ba si Dave?"
Oo. Ang bahay ng mga Nievera kung saan tumutuloy ang kanyang kaibigan si Dave ang kanyang pinuntahan para makahingi siya ng tawad dito. Alam kasi niyang sa kanyang mga kaibigan, si Dave ang talagang nagalit sa ginawa niya. If he can win back Dave, nasisiguro niyang matutulungan siya nitong ayusin ang relasyon niya sa iba pa nilang kaibigan. After all, ito ang palaging kakampi niya..
"Oho sir. Papasok ho ba kayo?" Tugon sa kanya ng guwardya.
Alanganin siyang tumango bilang pagtugon at agad nga itong tinungo ang gate para pagbuksan siya.
Nang sa wakas ay tumapat sa malaking main door ang kanyang sasakyan ay agad siyang bumaba rito saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Batid niyang hindi magiging madali ang gagawin niyang ito lalo pa't ang taong kakausapin niya ay kasing tigas minsan ng bato.
'Dapat ko na rin sigurong ihanda ang sarili kong masapak.' Napapailing niyang naiwika saka tinungo ang malaking pintuan at pinindot ang door bell doon. Ilang sandali lang bumukas iyon at iniluwa ang kanyang kaibigan na agad nag dilim ang mukha nang makita siya.
"Anong ginagawa mo rito?" Bakas ang pagkadisgustong makita siyang tanong nito.
"Sino 'yan Renzell Dave?" Ang narinig naman niyang boses ni Alex mula sa loob ng bahay at ilang saglit lang ay dumungaw na rin ito sa pintuan. "Oh, Brian ikaw pala." Nakangiti nitong bati sa kanya.
Natural hindi niya inaasahan 'yon. Di ba dapat galit rin sa kanya si Alex dahil sa mga binitiwan niyang masasakit na salita sa katulad nitong half-half? Ibig bang sabihin walang sinabi si Dave rito?
"A-Ah... Eh..." Napabaling siya kay Dave. Nakabusangot na ang mukha nito dahilan para mabalik ang kanyang tingin kay Alex, "M-Magandang hapon, Alex. Mabuti at nagkabati na kayo ni Dave." Ang nasabi na lamang niya.
Gumuhit ang nahihiyang ngiti sa mukha nito.
"Ewan ko nga kung ano'ng sumanib rito at biglang naging sweet itong lokong to pagkauwi kanina, eh. Kesyo mahal na mahal daw niya ako, na magpapakabait na siya't hindi na magrereklamo kapag inutusan ko siyang maghugas at maglaba at hinding hindi niya raw ako sasaktan na mga linya niya." Humahagikhik nitong wika halatang kinikilig pa rin sa panunuyo ng kinakasama.
Wala sa sarili siyang napangiti. Talagang mahal na mahal ng kaibigan niya ang dating kumibo't hinding manager ng seventh bar. Alam niyang hindi biro para sa katulad nito na kilalang isang magaling na negosyante at halos tingalain ng lahat na ibaba ang pride nito at magpaalila.
"Ikaw, bakit ka napasugod rito? Di ba't magkakasama kayo kani-kanina lang?" Muling saad ni Alex saka biglang nangunot ang noo nito na animoy may biglang naisip. "Teka teka. Ibig bang sabihin hindi totoong nagkita-kita kayo kanina? Na kaya biglang bumait ang mokong na 'to, ay dahil may ginawa siyang kalokohan?"
"N-No! Totoong nagkita-kita kami kanina sa bahay nina Dorbs." Agad naman niyang depensa para sa kaibigan. "Kaya ako nandito ay dahil gusto kong makausap si Dave patungkol sa nangyari kanina."
Pambihira! Mukhang mapapasama pa 'ata ang pagpunta niya roon.
"Gano'n ba?" Tila naman biglang nahiya ulit na wika ni Alex. "Halika, pasok ka."
"Hindi mo na siya kailangang papasukin pa. Wala kaming dapat na pag-usapan." Malamig pa ring wika ni Dave.
Napabaling-baling naman si Alex sa kanilang dalawa na animoy naguguluhan sa malamig na pakikitungo sa kanya ni Dave. Hindi lingid dito ang pagiging close nila ng kasintahan-cum-asawa nito.
"Mukhang may pag-uusapan nga kayo." Kapagkuwan ay wika nito. "Pasok ka, Brian."
"Sabing wala--"
"Papapasukin mo ba siya o hindi?" Nakataas ang kilay na putol ni Alex sa kanyang kaibigan.
"Sabi ko nga papapasukin natin siya." Labas sa ilong na sangayon na lamang ni Dave. Takot talaga ito kay Alex.
"Good!" Nakangiti ng wika nito saka kinantilan ng halik ang kanyang kaibigan. "Pag-usapan niyo kung ano man yang problema niyong dalawa Renzell Dave."
Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay nakadama siya ng matinding pagkainggit sa ipinakitang pagmamahalan ng dalawa. Hindi niya sukat akalain na darating ang araw na iyon na hihilingin niya sa sarili niya na sana ay may tulad ni Alex na magmamahal sa kanya. Isang tulad nito na itatama ang lahat ng bagay para sa kanya.
Aaminin niya na noong bago pa lang ang mga ito ay hindi niya maiwasang pagdudahan ang nararamdaman ng kaibigan para sa dating manager ng seventh bar. Inisip niyang naboryo lamang ito sa buhay at naghanap ng ibang challenge sa katauhan ni Alex. Pero habang tumatagal ang mga ito ay lalo niyang napatunayan na natuto na ngang magmahal ng totoo ang kanyang kaibigan. At ngayon nasaksihan iyon mismo ng kanyang mga mata.
"Doon kayo sa may garden." Muling wika ni Alex na siyang pumukaw sa kanya. "Presko roon. Makakatulong iyon para makapag-usap kayo ng matino. Ako na ang bahalang magdala sa inyo ng maiinum."
"Salamat, Alex." At tinungo na nga nila ni Dave ang garden ng mga ito na matatagpuan sa likod ng magarbong bahay na iyon.
Sa coffee table na gawa sa nara sila pumuwesto ni Dave. Magkaharap silang umupo. Hinihintay niyang singhalan siya nito pero hindi iyon nangyari. Nasa maliit na mesa lamang ang tingin nito. Batid niyang napilitan lang itong harapan siya dahil iyon ang utos ni Alex dito.
"B-Bakit hindi mo ako isinumbong kay Alex?" Hindi nakatiis na pagsisimula niya.
Magkasalubong ang kilay itong sinalubong ang mga mata niya.
"Dahil ayaw ko siyang masaktan sa mga masasakit na sinabi mo." May diin nitong tugon.
Siya naman ito ngayon ang napayuko dala ng matinding hiya.
"I didn't mean to say those awful words. Nagulat lang ako sa mga nangyari."
"Nagulat?" Kunot-nuo nitong pag-uulit sa kanyang huling sinabi. "Ang sabihin mo naduwag kang tanggapin sa sarili mo na ginusto mo ang nangyari."
"Oo naduwag ako. Pero masisisi mo ba ako na i-deny ko sa sarili ko na nagustohan ko ang nangyari sa amin? Lalake ako, Dave! At lalake rin ang nakatalik ko! Syempre natakot ako. Natakot ako na baka... na baka--"
"Na baka matulad ka rin sa amin?" Ito na mismo ang nagtapos sa sasabihin niya.
"O-Oo."
"Bakit, Brian? Ano ba ang mali sa buhay na pinili namin?" Bakas an tinitimping galit sa boses nito.
"Dave..."
"Sinasabi mo bang mali na ang pinili naming mahalin ay kapwa namin lalake? Na isang karumaldumal na krimen na minahal ko si Alex?"
"H-Hindi iyon ang ibig kung sabihin." Depensa naman niya sa sarili.
"Kung gano'n ano?!" Tuluyan ng kumawala ang galit nito. "Ano'ng dahilan mo para bastusin mo sa harapan ko ang kapatid ko at ang taong minahal ko?!"
Ibayong galit ang nakikita niya ngayong ekspresyon sa mga mata nito. Animoy handa na itong pumatay ano mang oras.
"Sumagot ka! Nagawa ka bang pasayahin ng mga sinabi mo kaninang pambabastos kay Eros at sa mga tulad niya? Naibangon ba niyon ang pride mo bilang isang lalake?!"
Hindi siya nakaimik. Hindi dahil natakot siya rito kung hindi dahil hindi niya na alam kung ano ang sasabihin dito.
"Ito ang isaksak mo sa kokote mo, Brian. Walang sino man sa mundong ito ang magsasabi sa akin o makakapagparamdam sa akin na mali ang buhay na pinili ko. Dahil hindi ako katulad mong duwag. Hindi na ako nagtataka kung bakit dalawang beses kang naagawan ng pinsan mo. At lalong hindi na rin ako nagtataka kung bakit naisipan kang kaliwain ng mga babaeng pinili mo. Dahil duwag ka at ang mga duwag, ay walang halaga sa mundong ito!"
Nagpintig ang tenga niya sa sinabi nito dahilan para biglang sumidhi ang galit niya at napatayo siya pero hindi nagpatinag si Dave. Tumayo rin ito.
"Masakit bang marinig ang katotohanan? Tama naman ako di ba? Si Abigail? Iyong babaeng pinaglaanan mo ng lahat-lahat ay iniwan ka at pinagpalit kay Xander dahil naibigay ni Xander sa kanya ang hindi mo maibigay noon dala ng takot mo."
Hindi siya nakaimik.
"Sa tingin mo ba hindi ko alam? Ilang beses ka niyang niyayang mag-sex di ba? Pero tumatanggi ka dahil sa takot mong baka hindi mo siya mapangatawanan. Si Cassandra?Binusog mo ng materyal na bagay pero sa huli, anong nangyari? Ipinagpalit ka rin sa pinsan mo dahil mas gusto niya ang taong kaya siyang masamahan sa mga disco bar at mag-shopping dahil masyado kang abala sa pagpapayaman sa takot mong hindi mo makayanang masustentuhan ang pagiging maluho niya na ikaw naman ang nagsanay sa kanya."
"Hindi totoo 'yan!" Mariin niyang pagtanggi.
"Talaga?" Punong-puno ng panunuyang balik sa kanya ni Dave. "Hindi totoo o hindi mo lang talaga maamin na duwag ka? Na dahil sa mga kinakatakutan mo, naagaw sila sa'yo. Iyon din ba ang gusto mong mangyari kay Eros? Ang mawala siya sa'yo dahil natatakot ka na naman?"
Sa muling pagkakataon ay nabusalan siya. Si Eros? Ang taong kahit ilang araw pa lamang niyang nakikilala ay napalapit na sa kanya. Ang taong ginulo ang buong sistema niya at nagagawa siyang pasayahin sa mga simpleng hirit nito. Ang taong nagkusang tumulong sa kanyang magising sa katangahan niyang pagbabalak na pakasalan si Cassandra ay mawawala rin sa kanya?
"Harapin mo ang katotohanan, Brian. Huwag mo kaming isakripisyo dahil lang naduduwag kana naman. Hindi kana bata tulad noong ipakilala ka sa amin ni Vincent. It's about time for you to be matured enough na panindigan ang mga bagay na pinasok mo."
"P-Pero hindi ko alam ang gagawin, Dave." Suko na siya. Hindi na niya kaya pang itanggi sa kanyang sarili ang lahat. Tama si Dave, duwag nga siya.
Napabuntog hininga ang kanyang kaibigan saka ito muling napaupo.
"Mag prangkahan nga tayo Boromeo. Ano ba talaga sa'yo si Eros?"
"Hindi ko alam. Basta masaya ako kapag kasama ko siya. Iyong tipong kaya kong kalimutan ang lahat pag magkasama kami at sa tuwing makikita ko siyang masaya na kasama ako, sobrang gaan ng pakiramdam ko." Pag-amin niya rito.
"Alam kong mali ang naging paraan ko para matakasan amg katotohanan na may nagyari nga sa amin at alam ko rin na hindi lang kayo ang nasaktan ko sa kagaguhin ko kung hindi pati siya." Dagdag pa niya.
"Nang may ginagawa kayong karumaldumal, ano ang naramdaman mo? Kapareho lang ba sa mga naka-one night stand mo?"
"Hindi." Pag-amin niya.
Hindi na sana niya pahahabain pa ang sagot pero binigyan siya ng tingin ni Daven na para bang nagsasabing 'Paki-elaborate'.
"Sa mga naka-one night stand ko, wala sa kanila ang nagawa akong mapa-ejaculate by just a mere kiss."
Tumaas ang kilay nito.
"I know its weird! Pero 'yon ang tototo. At bawat haplos niya sa katawan ko ay lalong nagpapainit sa akin. It is as if alam niya kung saan niya ako dapat hawakan. Every touch, every moan, and every kiss lalo akong nauulol. Kilala ko ang katawan ko at alam ko rin kung hanggang saan lang ang kaya ko pero with him, hindi ko na nabilang kung ilang beses akong nakarating sa langit. Maniwala ka maski ako nagulat sa epekto niya sa katawan ko. Para bang i can't get enough of him."
Tumango-tango ito na animoy may biglang na realize.
"W-What?" Kabado nuyang tanong.
"Weither you admit or not, you're inlove with Eros, Brian."
Natural nagulantang siya sa sinabing iyon ni Dave. Siya? Inlove kay Eros? Posible ba 'yon?
"Lahat ng sinabi mo ay iisa lang ang tinutumbok. Mahal mo na si Eros Drake Cuevas. At kung tatanungin mo naman ako kung paano ko nasabi ay 'yon ay dahil iyan din ang mga naramdaman ko noon kay Alex. Pahihirapan mo lang ang sarili mo kung pilit mong ide-deny ang katotohanan. Worst, baka mawala pa siya sa'yo."
Hindi pa rin siya makapaniwala. Mahal na niya ang taong ilang araw pa lang niyang nakikilala at lalake pa? Paanong nangyari yon?
"Kaya mo hindi makita ang nararamdaman mo sa kanya dahil pinangungunahan ka ng takot. Subukan mong pakawalan iyang mga takot mo at makikita mong tama ako."
"S-Sabihin na nating tama ka. Na ma-mahal ko na nga ang taong 'yon? Paano kung ako naman ang hindi niya mahal?" Naitanong niya iyon dahil bigla niyang naalala ang tagpo kung saan inamin sa kanya ni Eros na may napupusuan na ito. Isa siguro iyon sa mga dahilan kung bakit itinatanggi niya ang damdamin para dito.
"Problema ba 'yan? Make him fall for you. Alalahanin mong may alas ka sa kanya at 'yon ay ang katotohanang may crush siya sa'yo."
Hindi pa rin siya kumbinsido.
"Pambihira! Don't tell me dinadaga ka?"
"Natatakot lang ako, Dave. Alam kong hindi magiging madali sa akin ang lahat."
Oras na ipursige niya ang damdaming sinasabi sa kanya ni Dave ay nasisiguro niyang mag-iiba ng husto ang kanyang mundo. Aaminin niyang natatakot siya para sa sarili niya pero mas natatakot siya para kay Eros. Paano kung hindi niya mapangatawanan ito?
Hindi niya napansin na tumayo na pala si Dave sa kinauupuan nito at nakalapit na pala ito sa kanya. Nalaman na laman niya iyon nang maramdaman niya ang kamay nito sa kanyang kaliwang balikat.
"I got your back, Bry. Para saan pa't mag-bestfriend tayo." Wika nito.
At hayon na nga. Tulad ng palaging nangyayari sa tuwing magkakasamaan sila nito ng loob ay parang hangin lang na dumaan iyon at muli na naman silang nagkabati.
"Salamat, pare. At pasensiya na ulit sa mga nasabi ko kanina." Tugon naman niya saka siya tumayo.
"Kalimutan na natin 'yon. Ganyan talaga ang mga taong umiibig, nawawala sa sarili minsan. Di ba nga't na ulol rin naman ako ng tamaan ako ng husto kay Alex. Nasapak pa nga kita, eh."
"Hindi naman halatang na ulol ka. Parang natural na naman kasi sa'yo 'yon." Humahagikhik niyang sabi saka nagsimula ng maglakad.
"Gago! Mas ulol ka kaya sa akin. Teka saan ka pupunta?"
Huminto siya at muling humarap rito na may ngising nakakaloko.
"Kay spiderman. Kailangan ko ring mangumpisal at humingi ng tawad sa isang 'yon."
Lalong kumapad ang ngiti ng kanyang kaibigan.
"Good luck! Happy make up sex!" Nangangalaska naman nitong balik na tinawanan lang niya.
MASAYA si Brian na naayos na niya ang gusot nila ng kanyang kaibigang si Dave. At least ngayon, isang tao na lamang ang kanyang pro-problemahin at iyon ay walang iba kung hindi ang taong sinasabi ng kanyang kaibigan na mahal na niya.
Nagsisimula ng mag agaw ang dilim at liwanag. Ngayon lamang niya na-realize na maraming bagay ang nangyari sa kanya sa araw na iyon at isa na doon ay ang pagmumulat ni Dave sa kanya patungkol sa kanyang nararamdaman.
'Posible ba talagang mahalin ko siya?' Naitanong niya sakanyang sarili saka nagpakawala ng buntong hininga.
"Masarap siyang kausap, malakas humirit, gustong-gusto ko ang ngiti niya kahit pinalalambot niyon ang mga tuhod ko, at higit sa lahat kakaiba siya sa mga taong nakilala ko na." Pagsasaboses niya sa mga katangian nito na nagustohan niya.
Muli, napabuntong hininga siya.
"Mukhang posible nga na mahalin ko mala-spiderman na 'yon."
Sa puntong 'yon ay nagdesisyon na siyang bumaba sa kanyang sasakyan para tunguhin ang gate kung saan nakatira ang pakay niya. Sa totoo lang, hindi pa niya alam ang mga sasabihin rito. Pero nangingibabaw sa kanya ang kagustohang makita ito. Kaninang umaga kasi ay halos `di niya ito tapunan ng tingin at hindi rin naman ito nag-abalang kausapin siya.
Dahil wala siyang nakitang door bell sa gate ng mga ito ay minabuti na lamang niyang marahang kalampangin ang gate.
"Tao po!"
Sa totoo lang nagsisimula na siyang kabahan. May bahagi na nga ng utak niya ang nag-uutos sa kanyang bumalik na lamang sa kanyang sasakyan at lisanin ang lugar na iyon pero hindi niya iyon pinansin.
Ilang sandali lang ay bumukas ang maliit na pintuan ng bahay at iniluwa niyon ang isang may edad ng babae. Sa tulong ng liwanag na malapit sa main door ng mga ito ay agad niyang naaninag ang pamilyar na pares ng mga mata ng babae. Walang duda na kahalintulad iyon ng mga mata ni Eros.
Pilit siyang kinikilala ng may edad na babae mula sa pintuan ng mga ito. At nang marahil ay mapagtanto nitong hindi siya pamilyar rito ay nagsalubong ang mga kilay nito.
"M-Magandang..." Agad niyang binalingan ang kanyang relo para tingnan ang oras. "Magandang gabi po. Nariyan po ba si Eros?"
"Sino sila?" Mahinahon naman nitong tugon. Pero bakas sa boses nito ang pagka-estrikto.
"Brian Ramirez po. Kaibigan niya,"
"Sandali lang."
Naiintindihan naman niya kung bakit hindi siya nito pinagbugsan. Uso ang nakawan lalo pa't buwan ng kapaskohan. Halos lahat ng tao ay nangangailangan ng pera.
Ilang saglit ay bumalik ulit ang may edad na babae at ngayon ay tuluyan na itong lumapit sa gate para pagbuksan siya. Pagkabukas na pagkabukas nito sa kanya ay siya namang iniluwa si Eros ng pintuan ng mga ito.
Bumaling ang babae sa kalalabas lang na si Eros.
"Malapit na tayong maghapunan." Tila nagpapaalala nitong sabi saka ito muling pumasok sa loob ng bahay.
Nang silang dalawa na lamang ang maiwan ay agad siyang nakadama ng hiya rito sa inasta niya kaninang umaga habang ito naman ay tulad rin kanina, hanggang sa maghiwalay sila ay nanatiling tikom ang bibig.
"Ah..." Pagsusubok niyang pagsisimula ngunit wala siyang makapang salitang sasabihin.
Muling namayani ng katahimikan. Kung galit ito sa pagtrato niya kanina ay mas gugustohin pa niyang isaboses nito iyon para alam niya kung saan siya magsisimulang magpaliwanag hindi tulad ngayon na sina-silent treatment siya nito,
"Look, Eros. Nandito ako para mag-sorry. Alam kong mali ang naging trato ko sa'yo kanina." Wika niya rito pero wala man lang itong naging reaksyon. Nanatili lamang nakapako ang tingin nito sa lupa.
Napabuntong hininga siya. Mukhang nasaktan nga talaga 'ata niya ito na maski man lang ang tingnan siya ng deretso ay hindi nito magawa.
"Naiintindihan ko kung galit na galit ka sa akin. Hindi nga naman talaga tama na basta na lamang kitang tratuhin ng gano'n after what had happened. Pero sana naman kausapin mo ako. Pag-usapan natin ang nangyari." Nakikiusap na niyang sabi rito.
Tila naman tinablan ito sa kanyang sinabi nang dahan-dahan itong mag-angat ng tingin at halos matilihan siya ng makita niya ang pamumugto ng mga mata nito at ang naglalandas na luha roon. Nagkukumahog niya itong linapitan at agad na niyakap.
Itutuloy:
41 comments:
WOW! Meron ng update. Buti nlng sumilip muna bago matulog. thanks sa update.
Bharu
kay na ko! Kahit hindi nabalian ng hinliliit si brian! Atleast alam na nya ang sakit pag nakitang umiiyak ang taing pinahahalagahan nya, one of the most painfull things to see! Kudos mr. Author! Bungga! Slow clap with standing ovation!
*taong sorry typo hehe
Goodluck Brian and Eros... i got a geeling na makakalove triangle niya si Xander... for the sake of whos the Best lover contest......
OMG!!!! Tagos sa buto ang chapter na ito...
Ramdam kita pramiz
Kuya Idol Grabe Yung Chapter na ito! Nakakakilig na nakaka open ng ibang perspective sa buhay! aT SA WAKAS Umamin na din si Brian! :D
Super ganda po kuya idol! 2 Thumbs up! :D
Thank you po Kuya idol sa maagang pag post! :D
Shet! Grabe na ito! Mukhang cry me over a river ang drama ko sa next chapter ah. Walastik! Panalo!
wow! mukhang kaabang abang ule ang susunod na chapter, binitin mo kami dun zekie ah. he he he. nice one. keep up the good work.
go go go .. update na boss zzzz
Buti naman at natauhAn na si Brian... Excted Ako Kung Ano ang sasabihin ni Eros........... Ramy from qatar
sweet ng chapter ngayon
YES!!! OK NA PO 2.. "THE MOST PAINFUL TO SEE IS WHEN THE PERSON YOU LOVE THE MOST IS CRYING" ... ayan... itatak mo sa kukute mo yan bryan... masakit nuh??? mas masakit pag alam mong ikaw ang dahilan kung bakit nasasakgtan ang pinakamamahal mo on the 1st place... MAGNEFICO!!! GRABE!!!! BOW!!! NA AKO TALGA SAYO KUYA Z.... you truly amazes me.... how can you come up with this surprising ideas?? are you a genius? well, bravo...
-KJJJJJJKJKJKJ
thanks sa update author zild.. Kilig n naman,haha.. Ui zild di naman cguro ito ung last story mo?wag ka sanang mg'stop, susuportahan k p rn namin.. God bless :D
Lee
Ang ganda pero kawawa naman Eros.
:) Beucharist!
Chapter 14 na pleeeeaaassseeee :3
I'm really finding the end of this chapter too sweet to handle.. :))
sana lang in just one hug, magkabait na silang dalawa
so... I'll be waiting for the next chapter even if may take a while
"Sa mga naka-one night stand ko, wala sa
kanila ang nagawa akong mapa-ejaculate
by just a mere kiss." ~Boromeo
~what the f? Boromeo pati ito talaga kailangang i ilaborate? Haha
~Hala ka! pinaiyak mo si spiderman. Strict ang mama nyan!
at buti d ka nasapak ni dave!
ps~ ang sweet ni alex!
~JAYVIN
haissst... next episode please author......
next chapter please =) hehehheeee
parang mali naman yung sinabi ni brian, bakit kailangan pa niya sabihin na kailangan pag-usapan dapat sinabi na niya agad. pabitin naman oh! saka baka mamisinterpret pa yun ni eros. ikaw talaga boromeo!
Waaaahhhh. Mababaliw na ako. Un lng. ^^,
Pagtawanan mo na ako boss, pero this story is one of the reason why nag oonline ako lgi. haha
-PanCookie
Really happy with he story author sana may update na ulit hehe... your stories are my favorite and please never stop writing these kind of wonderful works of art... keep it up! :)
P.S. I feel your hard work... it's really hard to type using a tablet hehe :)
Kainis ka zeke! Ngayon lang ako nabitin ng ganito sa kwento mo.. Haha
iba talaga pag tinamaan ka ng pana ni kupido at ramdam na ramdam ko yung kirot
ang galing mo talaga pogi at ang galing mong mambitin =))
vampire ^,...,^
Hopefully it is the start of more beautiful things to come for both.. Go Go Go Borromeo and Eros.. I really love the name "Eros" if you know what I mean Zeke... hehehe... Thanks a lot for coming back and continuing this story.. Great Job!!!!
wow! gaya ng pinangako mo zeky... nagulat ako sa bagong pasabog ng chapter na ito! iba ka talaga, walang kupas! ^_^ nakakainspire at nakakatuwa na muli kang nakabalik sa pagsusulat... basta always pray kapag alam mong medyo naguguluhan ka at naninimbang ka sa iyong faith... god is there and ready to listen. he will give you the answer sa tamang panahon! ^_^
Gawd. meron na!! BAkit di ko nakita kagabi? ahahha
Ivan D.
Salamat sa update bossing :)
I love you author! Salamat sa bonggang update :)
Nice chapter
After what happened to you i lose hope that this story will not be finished. this time ang saya ko ulit bumalik yung sigla ko kasi andito ka nanaman ulit handang magpakilig, magpaiyak at magpasaya sa mga taong walang humpay na sumusuporta sa mga kwentong nililikha mo. andito lang ako palagi your number 1 fan at avid reader mo since nag umpisa kang sumulat! thank you papa zild and again salamat!
iba ka talaga poy..your the best..
_iamronald
Thanks po sa update Kuya Zeke. Where will this story leads Eros and Bryan? Sana wala ng hadlang jan. At sana mawala na takot ni bryan sa sarili niya. ahaha I know that's hard, from being straight to Bi. Mahirap talaga! Anyways. Loving this story more. Thank you for posting the next chapters Author. We will support you all the way!! Kampay!
Ivan D.
Parang akong tanga nangingiti ako sa susunod na mangyayari. Nako ah. papakaBI din ba yang si xander para lang agawin ulit yang si Eros kay boromeo? Naku ah!! Noooo! #Affected? Well yes!! ahahhaah
Xian'
Yey!! Thanks author :)
Ill be waiting for your next post kuya author. Support all the way. Thanks for the update. I soo love boromeo. ahaha ewan ko ba sa lahat ng characters, sa kanya ako na inlove. lol
wooh.. ganda.. sarap ulit ulitin.. feeling ko kasama ako sa kwento.. :)
-jec
inabangan ko tlga to. pero minarapat kong wag basahin muna para di ako agad mabitin. hehe. May God bless u kuya.
nice zake your simply amazing hang ganda ng chapter na to. I hope to see more of your works.
God Bless Zake and keep it up.
Waaaa.. Ito na.. D2 na magsisimula ang luhaan portion! Next chapter basa mowd..
yan na ang Innocent and charming ni EROS... that is why para nag melt into cheese si Brian... Thanks Zeke... mwah!!!
haha!matino dn nmn pala minsang magpayo si dave
weh!!;P
sa bagay ganyan dn siya dati db?haha..
O ayan,,deny deny pa kc eh..inlababo dn nmn pala ke spidy!!^^
ang cute cgurong tingnan ni bry habang ginigisa siya ni dave!haha..
-monty
Post a Comment