Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Alam rin nating lahat na naiiba si Eros sa lahat ng mga Character ko sa kwentong ito. Hindi siya ang tipong ma-drama at lalong hindi siya iyong tipong emo. HAHA Kaya `wag sana kayong mabibigla sa mga ipapakita niyang pag-uugali. ENJOY READING REPAPIPZ!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
'Pambihira naman! I can't believe that I'm actually falling to this cry baby!' Ang naiwika ni Brian sa kanyang sarili habang nakasobsob sa kanyang dibdib ang wala pa ring tigil sa paghikbing si Eros.
Nasa loob na sila ngayon ng kanyang sasakyan sa back seat sa takot niyang makita ito ng mga kasamahansa bahay na umiiyak. Alam niyang kasalanan naman niya kung bakit walang tigil itong humihikbi ngayon pero hindi niya pa rin maiwasang ma-frustrate dahil ayaw man niyang aminin, eh, may kumikirot sa kanyang puso habang walang tigil ito sa pag-iyak.
"Hoy! Tumahan kana kasi." Hindi iyon pagalit kung hindi pakikiusap habang marahan niyang hinihimas-himas ang likod nito para aluin.
Isa pa sa kinaka-frustrate niya ay hindi niya alam kung paano ito aaluin. Hindi kasi niya alam kung paano at hindi pa niya na-i-experience umalo ng tao lalo na ang umiiyak. In short, hindi siya expose sa larangang 'yon. Karenyo-brutal naman kasi ang nakasanayan niya sa mga kaibigan.
Mas okay pa sa kanya kung idadaan siya nito sa galit tulad ng ginawa sa kanya ni Dave pero ano nga ba ang aasahan niya? Naiiba nga pala ito sa mga taong nakakasalamuha niya araw-araw. At iyon ang isa sa mga katangian nito na gusto niya.
"Nag-so-sorry na nga ako di ba? Kaya tumahan kana para masimulan ko ng magpaliwanag." Pagkausap niya ulit dito at lalo pa niyang hinigpitan ang kanyang yakap.
"Kaya mo hindi makita ang nararamdaman mo sa kanya dahil pinangungunahan ka ng takot. Subukan mong pakawalan iyang mga takot mo at makikita mong tama ako."
Ang mga sinabi ni Dave na iyon ang siyang ginagawa niya ngayon. Inisang tabi niya ang kanyang mga alalahanin at binigyan ng pagkakataon na alamin kung mahal na nga ba niya ito tulad ng sabi ng kanyang kaibigan.
"Eros, tumahan kana please." Kung maririnig siya ngayon ng isa sa kanyang mga kaibigan ay malamang nabatukan na siya. Paano ba naman, para siyang baguhang yaya na hindi magawang mapatahan ang ngumangawang sanggol kaya malapit na ring maiyak.
'Kung bakit naman kasi walang nagturo sa akin sa larangang 'to, eh.' Naiinis sa sarili niyang wika sa kanyang isipan.
At tulad ng inaasahan ay walang nagawa ang sinabi niyang iyon para mapatahan ito kaya napilitan na siyang gumamit ng drastic measure. Inilayo niya ito mula sa pagkakasobsob sa kanya ngayong basa na sa luhang dibdib at marahang inalalalayan ang baba nito para magsalubong ang kanilang mukha saka niya ito siniil ng halik.
Kita niya kung papaano ito mapakurap-kurap sa pagkabigla at ilang saglit lang ay tumigil na sa pagbuhos ng mga luha ang mata nito. Doon na niya tinapos ang halik.
"There! Finally tumahan ka rin!" Ang biglang tuwa naman niyang sabi. Achievement kasi 'yon para sa kanya.
"I'm sorry for being a total asshole." Agad niyang pagsisimulang mangumpisal sa takot na baka maalala ulit nitong umiyak. "Hindi kita dapat trinato ng gano'n. Nabigla kasi ako nang mag-sink-in sa akin kinaumagahan ang mga nangyari, eh. I mean una, pinapunta kita dahil kailangan ko ng makakausap at ng paglalabasan ng himutok ko kay mama, then ang sumunod na nagyari ay hayon gumising ako na magkatabi na tayo at parehong walang... walang kahit na anong suot. It scares the hell out of me that leads me to panic."
"Pe-Pero ikaw ang nagsimula niyon. Sinubukan kitang itulak pero hindi mo ako hinayaan." Maluha-luha nitong pagdedepensa sa sarili.
"I know." Pag-amin niya. "It was not your fault and I was wrong to put the blame on you just because i got scared to admit it to myself that i was the one who initiated it."
Hindi ito tumugon at muling nag badya ng luha ang mga mata nito.
"It was my first time doing it with a guy, Eros. Kaya hindi ko maiwasan ang mag-panic at maguluhan ng husto lalo na't nagustohan ko ang nangyari sa atin."
Tila naman nagulat ito sa narinig nang manlaki ang mga mata nito.
"Yeah. Sinubukan kong i-deny ang katotohanang iyon pero hindi maganda ang kinalabasan. Muntikan pa akong masira sa mga kaibigan ko. They also made me realize sa kamalian kong 'yon kaya ako napasadya rito. I wanted to apologize for being an asshole and..." Tila naman nahirapan siyang dugtungan sasabihin dito sapagkat bigla na naman siyang inalipin ng pangamba.
"Subukan mong pakawalan iyang mga takot mo at makikita mong tama ako." Muling pag-alingaw-ngaw na wika di Dave sa kanyang isipan.
"A-And I also wanted to ask you a big favor." Pagpapatuloy niya.
Nagsalubong ang kilay ng kanyang kausap sa pagtataka pero hindi rin nakatakas sa kanya ang matinding pagkabahala sa mga mata nito."
"A-Ang layuan ka?"
Sa puntong iyon ay siya naman ang nagulat pero ang mas ikinagulat niya ay ang biglaang pagyakap nito.
"Promise hindi na mangyayari ulit 'yon. Magiging mabuti na akong kaibigan at kakalimutan ko na rin ang nangyari basta 'wag mo lang akong palayuin sa'yo."Ang umiiyak na naman nitong wika.
"Hindi ko 'yon uungkatin ulit sa'yo para hindi kana ulit maguluhan. I've waited long para mapalapit sa'yo Brian. 'Wag mo naman sanang tapusin agad." Muli pang wika nito na nagmamakaawa.
Gulat na gulat siya pero sa kalaunan ay naintindihan niya rin ito. Iniisip nitong dahil sa nangyari sa kanila ay naguluhan siya sa kanyang sarili at para makatakas ay lalayuan niya ito. Oo. Totoong naguluhan siya sa kanyang sarili. Sa katunayan nga ay naguguluhan pa rin siya hanggang ngayon pero hindi siya tatakas at magpapakaduwag ulit.
Muli niya itong yinakap ng mahigpit. Knowing na takot itong layuan niya o mapalayo sa kanya ay talagang nagpalambot ng husto sa kanyang puso. Finally, someone is willing to stay with him.
"Hindi kita palalayuin sa akin, Eros." Wika niya habang yakap-yakap ito. "Actually, it's the other way around. I want you to stay with me at tulungan akong kilalanin itong damdamin na binuhay mo sa akin."
Bigla itong tumahan at inilayo ang sarili sa kanya para siguro kumpermahin kung tama ba ang mga narinig nito.
"Napakaiyakin mo naman!" May panggigil niyang pinisil ang magkabilang pisngi nito saka niya pinahid ang mga naglandas na luha doon "You heard it right. Hindi kita uutusang layuan ako. Instead, I want us to have a real date. Not just a friendly date."
Kumurap-kurap ito na animoy sinisigurado sa sarili na hindi ito nananaginip.
"Magsalita ka naman!" Sita niya rito. Paraan na rin niya para tulungan itong mapa-realize na hindi iyon panaginip lang.
"Hindi mo ako palalayuin sa'yo at magdi-date tayo?" Parang naniniguradong bata na tanong nito.
"Yup! Help me to decipher this strange feeling that you gave me." Nakangiti niyang sabi rito.
Nang mag-sink-in na rito ang lahat ay unti-unti na ring gumuhit ang ngiti sa mukha nito and boom! Nagrigodon na naman ang kanyang puso.
'What a notorious smile!' Napapailing niyang naikomento sa kanyang isipan,
"B-Bakit?"
"Wala naman. Medyo nagigimbal lang talaga ako kapag nginingitian mo ako ng ganyan." Pag-amin niya.
Nangunot ang noo nito.
"Why? Is it that bad?" At hayon na maman ang isa pa sa mga katangian na nagustohan niya rito -ang purong kainosentihan sa tanong nito at sa mga mata nito and the genuinity in it."
"Honestly? That smile of yours was the main reason why i wanted to kiss you that night so badly pati ngayon." Tugon niya sabay kabig rito para angkinin ang mga labi nito.
Ang totoo, ayaw niya sanang magpadalos-dalos. Kaya nga gusto niyang magsimula ulit silang dalawa from the start pero anong magagawa niya, eh, talagang hindi niya mapigilang siilin ito ng halik sa tuwing nakikita niya ang nakakabaliw na ngiti nitong 'yon. Hindi naman siguro masama na habang kinikilala niya ang damdamin para dito ay mag-a-advance na siya ng mga previlages niya tulad ng paghalik dito.
Nasa malalim silang paghahalikan ng maputol iyon nang may kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan kung saan sila naroon. Agad na humiwalay sa halikan nila si Eros.
"Si Mama!" Tila nag-panic nitong wika ng makita ang dumisturbo sa kanila.
'Sabi na nga ba't nanay niya ito, eh. Mata pa lang parehong-pareho na.'
"'Wag kang mag-panic." Natatawa niyang wika ng makita ang ekspresyon ng mukha nito. "Tainted ang windows ng sasakyan ko kaya wala siyang nakita."
Para naman itong nabunutan ng tinik sa kanyang sinabi. Inayos nito ang sarili saka binuksan ang pintuan na malapit rito.
"Bakit ma?" Pagkakausap nito sa nakakunot-nuong ina.
"Anong bakit? Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa'yo kung bakit nariyan kayo sa loob ng sasakyan nag-uusap at hindi sa loob ng bahay?"
"Ah... Eh..." Napapakamot nito sa ulong sabi. Halatang hindi talaga ito marunong magsinungaling.
"Ano ba ang ginagawa niyo diyan sa loob Eros Drake?" Muling tanong nito.
"Nag-uusap." Tugon naman ni Eros dito.
"Gano'n ba ka confidential ang pag-uusapan niyo at mas pinili niyo pa diyan sa loob ng kotse imbes na sa sala?" May himig na ng paghihinalang wika nito.
Napayuko na lamang ito tanda na wala na itong sasabihin. Kung tutuusin ay pwede naman itong magdahilan ng kung anu-ano pero mas pinili nitong manahimik kesa magsinugaling sa ina na siya namang hinangaan niya ng husto rito.
"Kakain na tayo. Ayain mo iyang kaibigan mo at pumasok na kayo sa loob." Sabi nalang ng ina nito saka nag martsa na papasok ng bahay.
"Medyo nakakatakot pala ang mama mo." Komento niya ng muli silang maiwan na dalawa.
"Retired teacher kaya may pagka-estrikto siya. Tara pasok na tayo sa loob. Ayaw na ayaw niyon na pinaghihintay ang pagkain."
"Hindi ba nakakahiya?" May pag-aalangan niyang tanong.
"Naku hindi! Halika na!" At hayon nga para siyang batang kinaladkad nito papasok ng bahay na bakas ang ibayong saya sa mukha nito.
KINABUKASAN, hindi maitago-tago ang ngiti ni Brian sa kanyang mukha habang minamaneho ang daan papunta sa kanyang opisina. Paano ba naman, hindi niya inaasahan na aabutin siya ng hanggang alas-nuebe ng gabi sa bahay nina Eros. Napasarap pa kasi ang kanilang kwentohan kasama ang masasabi niyang napaka mapanuring mga magulang nito at may kakulitang mga kapatid. Hindi lamang iyon, sa matagal na panahon, ay naramdaman niyang muli ang maging parte ng isang pamilya kahit pa man panandalian lang iyon.
Hindi niya inaasahan ang magandang pagtanggap ng mga ito sa kanya sa kabila ng katotohanang may pagka-estrikto ang ina nito. Oo nga't samot saring tanong ang ibinato ng ina at ama nito sa kanya pero kalaunan ay nakita niya na iyon ay dahil lamang gusto ng mga itong masiguro na isang mabuting tao ang kaibigan ng anak nila.
Nang masigurong wala siyang masamang intensyon sa anak ng mga ito at isang mabuting mamamayan siya ng pilipinas ay doon niya naman nakita ang ilan pang katangian ng ina ni Eros. Mabait ito, simple at higit sa lahat hindi nito ipinaramdam sa kanya na isa lamang siyang bisita sa loob ng bahay nito. Same goes to Eros' father na nagta-trabaho sa post office. Mabait at simple rin itong tao. Hindi man ito gano'n ka estrikto tulad ng asawa nito na may pinatutupad na batas sa loob ng bahay tulad ng curfew na alas-nuebe ay halata naman ang respeto rito ng mga anak at ang sa tingin niyang namanang kagiliwan ng mga anak nito dito,
Isa pang bagay kung bakit napakasaya niya sa araw na iyon ay si Eros. Nang makauwi siya ay hindi iyon naging hadlang para maputol ang kumunikasyon nila. Para silang mga tanga na nagpapalitan ng walang kabuluhang text hanggang sa tulugan siya nito. Oo. Tinulugan siya ng mala-spiderman na iyon mga bandang alas-dose ng hating gabi. Hindi naman niya ito masisisi dahil pinagod niya ito ng husto noong doon ito natulog sa bahay niya at sa kakaiyak naman nito kahapon habang nag-uusap sila.
He never thought that by giving himself a chance na kilalanin ang damdamin niya para kay Eros ay magre-resulta sa kanya ng isang napakagandang pakiramdam. Isang klase ng pakiramdam na hinihiling niya na hindi na mawala.
"Good morning, sir pogi!" Bati sa kanya ng sekretaryang si Enes nang dumaan siya sa mesa nito na nasa labas ng kanyang pribadong opisina.
"Good morning too, Enes. Ano ang schedule ng mga meetings ko ngayon at ilang proposals ang natambak sa pag-absent ko kahapon?"
"Wow! Mukhang super ganda ng mood natin, sir pogi, ah. Dahil ba iyan sa climate change or dahil may bago na naman kayong nabiktima?"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Maang-maangan niya habang hindi pa rin nawawala ang nakaguhit na ngiti sa kanyang mukha.
"Nakow! Alam na alam ko na ang ibig sabihin ng mga ganyang sagot mo. May bago na namang nabiktima 'yang killer looks mo, 'no?"
Ngumisi siya ng nakakaloko rito.
"Ako ang nabiktima ng isang killer smile."
Nagtitili ito na dahilan para makuha nito ang pansin ng buong empleyadong nasa floor na iyon. Agad rin naman itong nagtakip ng bibig at nag muwestra ng peace sign sa mga katrabaho nito.
Napahagikhik na lamang siya sa kalokohan ng sekretarya niya. Ibang klase talaga ito kapag tinatamaan ng sayad. No wonder wiling-wili siya rito at hindi niya ito mapakawalan.
"So? Can I now have my meeting schedule for today?" Ngingisi-ngisi niyang sabi.
Muli muna itong impit na tumili bago nito ayusin ang sarili at bumalik sa pagiging sekretarya niya.
"You have a 9:30 meeting with one of our new client at the conference room along with the board. A lunch meeting with our new suplier. A 2:00pm meeting with the budget department regarding to the upcoming Christmas party and a 6:00pm meeting with the heads of each department for their quarterly report. And lastly, may gabundok kang proposals na kailangang pag-aralan at permahan."
"Shoot! Gabundok lang pala, eh." Maangas niyang sabi na ikinataas naman ng kilay ng kanyan sekretarya.
"What?" Ngingisi-ngisi niyang tanong.
"Sa pagkaka-alala ko kasi, sir pogi, nangungunot na ang noo mo kapag naririnig mo ang mga katagang 'Gabundok na proposals'."
"People change." Kibit balikat niyang sagot habang nakangisi.
"Etchos! Ang sabihin mo inspired ka ngayon kaya ganyan ka."
"Pwede rin!" Saka na niya ito iniwan para tunguhin ang pintuan ng pribado niyang opisina pero bago siya tuluyang pumasok doon ay muli niyang binalingan si Enes na nakasunod pa rin sa kanya ang tingin. "By the way, Enes. Cancel the 6:00pm meeting with the department heads. Move it tomorrow."
"Oh? Why oh why?"
"I have an importante date tonight and please call Laurence Samaniego for me. Paki sabing nagpapa-reserve ako ng table for two."
"Oh, gosh! Now dating ulit ang status mo? Perfect!"
"Mukhang may bago ka na namang nakitang interesente, ah. Kaya pala di magkamayaw sa katitili itong sekretarya mo." Mula kay Enes ay lumampas ang kanyan tingin sa taong nakatayo malapit rito. Agad na nabura ang ngiti niya at nagsalubong ang kanyang kilay.
"What? Masyado kayong nag-i-enjoy na dalawa kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na makiusyoso. So, you have a date? I thought tapos kanang magsayang ng oras at pera sa pakikipag-date sa kung sinu-sino?" May laman na wika sa kanya ni Xander.
"And I also thought na tatablan kana ng hiya at hindi na magpapakita sa opisinang 'to." Ang hindi naman niya nagpatalong balik. "Ops! Stupid me! Wala kana pa lang natitirang hiya sa katawan so, malamang sa malamang 'di kana talaga tatablan."
Kita niya kung papaano mapahagikhik ang kanyang sekretarya na hindi rin nakatakas sa mga mata ni Xander dahilan para pukulin nito si Enes ng nakakamatay na tingin.
"Or baka naman kaya ka nandito ngayon ay dahil gusto mo rin akong pakiusapan tulad ng ginawa ng ama mo." Dagdag pa niya. "Pwede naman kitang pakinggan para lalo pang maging maganda ang araw ko ngayon sa gagawin mong pagmamakaawa though hindi ko mapapangako sa'yo na ibabasura ko ang resulta ng auditing team na kinuha ko." Nakangisingi niya pang wika.
Kita niya kung papaano magdilim ang mukha nito at kung papaano siya nito titigan ng matalim pero hindi pa nabubuhay ang taong tatakutin siya sa pamamagitan ng mga gano'ng tingin kaya tinapatan niya ang tingin nito.
"Kahit kailan ay hindi ako magmamakaawa sa isang loser na tulad mo na palaging naiiwan mag-isa. And don't put your hopes so high, Brian. Hindi pa sigurado ang pagkapanalo mo." Maangas naman nitong balik.
"I know. Nagsisimula pa nga lang ako, di ba? Sinisimulan ko pa lang gawing impyerno ang paparating na pasko mo. Kaya 'wag kang atat Xander. Malapit ng mangyari iyon."
"Sige lang! Magyabang kalang hanggat sa kaya mo. Basta ito lang ang tatandaan mo, hindi mo ako basta-basta maitataob." Ayaw patalo nitong balik sa kanya.
"Tatandaan ko 'yan, Xander." Nakangisi niyang tugon. "Ngayon, bakit imbes na sayangin mo ang oras ko sa mga walang kamatayan mong angas ay bakit hindi ka na lang bumalik sa mesa mo at hintayin ang suspension order na i-re-release ko."
"You can't suspend me!" Biglang pagtataas ng boses nito na dahilan para makuha na nila ang ibang atensyon ng mga empleyado.
"I have the result of the auditing team. Nakalimutan mo na ba? At dahil sa result na 'yon, pwede kitang i-suspend. Oh, and by the way, kasama nga pala sa suspension mo ay ang pagbabawal rin sayo na gamitin ang kahit na anong pag-aari ng kompanya ko. In short, you have to surrender the company's car and of course its key sa HR. Ang cool di ba? Saan mo na lang kaya niyan maipapasyal ang dati kung fiance na inahas mo? Mahilig pa naman 'yon mag-party at gumala. Though pwede naman kayong mag-jeep na lang o 'di kaya naman mag taxi. Pero ang tanong, saan ka kukuha ng pera? Ipapa-hold ko kasi ang bank account mo, eh."
Agad na lumikha ng bulong-bulongan ang kanyang mga sinabi. Pati si Xander ay hindi inaasahan na isisiwalat niya ang sekretong pinaghirapan niyang itago. It's about time to extract his revenge. Para sa panggagago nito at para na rin sa pangaagaw nito sa simpatya ng kanyang ina.
"Surprised?" Muli niyang pagkausap sa namutlang si Xander. "Tapos na ang pananahimik ko sa ginawa mong pag-ahas sa babaeng dapat ay pakakasalan ko. But I also wanted thank you for saving me from marrying a bitch like Cassandra. Now i can finally say that you guys deserve each other. A bitch paired with an asshole. What a perfect match!"
Lalong lumalakas ang bulong-bulungan pero hindi lamang 'yon. Bakas rin sa mga mata ng kanyang mga empleyado ang nangungundinang tingin kay Xander na putlang-putla na sa mga oras na 'yon.
"Kanina ko pa napapansin iyang kakaibang kagiliwan mo, ah." Nakangiting pagpansin sa kanya ni Eros habang binabagtas nila ang daan papuntang Yolandas. Ang restaurant kung saan may reservation sila.
"Masaya lang ako na pinayagan kang lumabas ng mama mo kahit dapat grounded ka sa ginawa mong pagtakas at hindi pag-uwi noong nakaraan." Ngingiti-ngiti niyang sabi.
"Pinayagan nga akong lumabas, sandamakmak namang paalala ang iniwan niya sa'yo. Kesyo huwag mo akong painumin ng nakakalasing, ihatid ako bago mag-alas-dose at--"
"At huwag kitang pakainin ng mga sobrang alat na pagkain o sobrang oily dahil nag-aalburoto raw iyang tiyan mo." Siya na ang nagtuloy.
"OA lang talaga si mama. Hindi pa rin kasi niya matanggap na hindi na ako ang inaakala niyang ako."
"At least nag-aalala siya para sa'yo."
"Yep! Kaya nga kahit sobrang estrikto niyon ay mahal na mahal ko pa rin siya, eh. Teka nga pala, bakit biglaan ka 'atang nagyayang lumabas ngayon?"
"Hindi naman talaga biglaan. Nakalimutan ko lang sabihin sa'yo kanina na nagpa-reserve ako ng mesa sa isang restaurant para sa atin sa sobrang pagkawili ko sa mga patawang kalbo mo."
Matapos ang paghaharap nila ni Xander kanina ay binalingan naman niya ang mga proposals na natambak dala ng hindi pagpasok niya noong isang araw pero hindi pa man siya umaabot sa pangatlo ay bigla naman niyang naisipang tawagan ito at hayon, halos buong araw na silang magkausap. Napuputol lang iyon kung may meeting siya tapos agad din naman niya itong tatawagan ulit pagkatapos.
"Restaurant?" Tila naman nagulat nitong sabi. "Akala ko ba isasama mo ako sa isang birthday. 'Yon ang paalam mo kay mama di ba?"
"Palusot ko lang 'yon. Alangan namang sabihin ko sa mama mo na kaya kita sinusundo doon sa bahay niyo ay dahil magdi-date tayo sa isang romantic na restaurant. Baka mag-hysterical iyon."
"Sabagay."Napapatango nitong pagsangayon pero agad din naman itong natigilan at napabaling sa kanya nang may ibang masantup. "T-Teka! Reservation sa isang romantic na restaurant?"
Pansamantala niyang iniwan ng tingin ang kalsadang binabaybay para bumaling rito. Agad na napataas ang kanyang kilay nang makita niya ang gulat na gulat na ekspresyon ng mukha nito.
"I told you that we will be dating for real this time 'di ba? So you can't expect me to bring you to a coffee shop o sa isang pizza house tulad ng lagi nating ginagawa."
"H-Hindi ko naman kasi akalain na seseryosohin mo 'yon." Tila kabadong wika nito. "Kailangan ba talagang doon tayo sa isang mamahaling restaurant? Hindi ba pwedeng doon na lang tayo sa mumurahin lang? Alam mo namang matakaw ako di ba? Baka maubos ang pera mo kapag doon mo ako dinala."
Nakita niyang hindi iyon pakitang tao na pag-aalala dahil totoo iyon at ang magpapatunay doon ay ang kislap ng mga mata nito. It's telling him that Eros is truely worried na baka mamulubi siya at sa muling pagkakataon nakuha na naman nito ang paghanga niya.
'God! Kakaiba ka talaga sa lahat, Eros!' Pipi niyang komento.
"A real date should be special. Special ang kasama, special ang pagkain at special ang lugar. Kasi magiging part iyon ng mga memories natin together." Wika niya.
"Pero pwede naman sa simpleng--"
"Huwag kang mag-alala sa mga gagastusin ko kung ang kapalit naman niyon ay good memories. So chill!" Putol niya sa gagawin pa nitong pagtanggi.
Ngayong alam niyang pinapahalagahan nito ang perang nagmumula sa bulsa niya ay lalo siyang na engganyong magpakitang gilas dito. Dahil alam niyang ma-a-appreciate nito 'yon.
Narating nila Brian ang Yolandas sea food restaurant. Isa sa ga pomosong restaurant sa lugar nila. Kung noon ay kilala lamang ito bilang isa sa ilan sa mamahaling restaurant ay biglang nag-iba iyon nang tuluyan itong mabili ng kanyang kaibigang si Claude at ipamahala naman nito iyon sa asawa nito.
Ngayon, hindi lamang pomoso ang Yolandas at kilala sa floating cottage nito kung hindi kilala na rin ito sa masasarap at iba't ibang cuisine na isini-serve ng Chief-cum-owner nitong si Laurence Cervantes -Samaniego.
"B-Brian?" Pagtawag sa kanyang pansin ni Eros. Nakapako ang tingin nito sa pomosong restsurant na nasa ibabaw ng tubig dagat. "What if sa iba na lang tayo kumain? May kamahalan dito di ba?"
"Akala ko ba tapos na tayong gawing issue ang restaurant na napili ko?" Nangingiti niyang wika rito.
"Para talaga kasing--"
"Ayos lang 'yan." Putol niya rito. "Ang importante ay pareho nating ma-i-enjoy ang lugar. Tara na. Medyo nagugutom na rin ako, eh."
Nauna pa siyang makababa rito. Halatang nag-aalangan talaga ito. Hindi tuloy niya maiwasang makumpara kung papaano talaga ito naiiba sa mga na-i-date niya dati. 'Yong mga na-i-date niya kasi, kapag dinadala na niya sa mga gaanon ka pomosong lugar ay halos mauna pa sa kanya sa loob sa sobrang excited ng mga itong makapasok sa ganoong klase ng lugar pero itong kasama niya ngayon? Hayon at halos hilahin pa ang sarili makababa lang sa kanyan sasakyan.
"Kailangan pa ba kitang buhatin papasok ng restaurant, Eros?" Nagbibiro niyang tanong rito.
"H-Hindi! Heto na. Bababa na ako." Natilihan naman nitong tugon na siyang kanyang ikinahagikhik.
"Ayon! So, tara na?" Sabi niya ng sa wakas ay makalabas na ito ng kanyang sasakyan.
Kita niya kung papaano ito magpakawala ng buntong hininga bago marahang tumango.
"Welcome to Yolandas sea food restaurant."Bati sa kanila ng isang waiter sa bungad ng pintuan.
Alam niyang hindi lang siya ang na-amaze sa dekorasyon ng restaurant pati rin ang kasama niya dahil natigilan rin ito. Halos mapuno ng pamaskong palamuti ang buong restaurant na iyon na sinamahan pa ng isang higanteng Christmas tree malapit sa entrance tapos katabi nito ay ang higante ring Santa Clause na panay ulit ng sikat nitong tawa at pagbati ng maligayang pasko.
"Ho! Ho! Ho! Merry Christmas!" Narinig niyang pagaya ni Eros dito na ikinahagikhik niya.
"We have a reservation. A table for two for Mr. Bri--"
"Brian!"
"Oh, great! Narito pala ang isa sa mga sugo ni hudas." Naibulalas niya nang makita ang papalapit na si Claude.
"Narinig ko 'yon!" Wika nito nang makalapit sa kanila saka bumaling sa kanyang kasama. "Oh, what a surprise! Mukhang sa wakas ay nagdesisyon na rin itong kumag na 'to na dalhin ka sa totoong restaurant, Eros."
"Ang tanong, restaurant ba talaga ito o Christmas house?" Nang-iinis niyang wika rito. "At bakit ka nandito? Kala ko ba nasa Manila ka pa?"
"Para sa misis ko 'to. Alam mo namang ang pasko ang isa sa mga rason kung bakit kami nagkabalikan. At kung bakit ako narito ay dahil December 11 na ngayon. Ibig sabihin, limang araw na lang at simbang gabi na at misyon na namin ng misis ko ang magsimbang gabi kaya tinapos ko na agad ang mga trabaho ko."
"Ang dami mong sinabi." Nang-aasar niyang wika.
Hindi siya pinansin nito sa halip, sa kanyang kama natuon ang pansin nito.
"Kamusta kana, Eros? Mabuti naman at dinala ka ni Brian dito. Paniguradong matutuwa si Laurence ko na makita ka. Tuwang-tuwa kasi 'yon sayo."
"Hindi siya laruan para pagkatuwan ng asawa mo. At pwede ba, mamaya kana bumangka at kanina pa hindi kumportable si Eros dito." Sita niya sa kaibigan.
Tila naman biglang nabahala si Claude.
"Hindi kumportable? Bakit Eros? Ano ang problema?"
"Nahihiya kasi ako." Ang napapakamot nito sa batok na tugon na hindi matingnan ng deretso ang kausap.
"Nahihiya siya na mahal ang pinagdalhan ko sa kanyang restaurant. Baka raw kasi mamulubi ako." Nakangiti niyang pagpapaliwanag sa lalong naguluhang si Claude.
Humagalpak ng tawa si Claude na ikinakuha naman ng atensyon ng mga costumer na naroon.
"Seriously?" Maluha-luha sa pag tawang wika nito.
"'Wag mo siyang pansinin. Isa lang ito sa mga araw na nakakaligtaan ni Laurence na turukan siya ng gamot." Wika niya kay Eros na ikinangiti nito.
"I just can't help it." Muling wika ni Claude sa likod ng pagtawa. "Sa wakas pare, may naka-date ka rin na inaalala ang magiging damage ng bulsa mo. Congrats!"
"Salamat." Sarkastikong tugon niya,
Agad naman nitong pinigilan ang sarili sa pagtawa saka muling nag seryoso. Marahil ay napansin na rin nito sa wakas na di na siya natutuwa rito.
"Let's go to your table." Wika nito sa kanila saka ito bumaling sa kanyang kasama. "And don't worry about a thing, Eros. Brian is one of our VIP card holder. Ibig sabihin, malaki ang discount niya rito."
"20% discount kaya wala kang dapat ipag-alala kung magtatakaw ka man." Sigunda naman niya saka ito kinindatan na ikinangiti nito ng husto. Ang ngiting siyang nagpapawala sa kanyang katinuan.
Itutuloy: