Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Pasensiya na guys kung nahuli ang Chapter na ito. Magpapa-alam rin ako sa inyo na magiging hiatus ulit ang status ng k’wentong ito for 8 days. My Lola just passed away kaninang madaling araw. At kailangan kaming magpipinsan ng mga magulang namin. Sana maintindihan niyo.
Lester from Cebu, TC99M, Philip Zamora, James, Marc Abellera, Jec, Franz, Crismardo, Xzkyel Padilla, Monty, Jaguar, Paul Michael Tan, Bobby Evasco, Ryan.M, Reymond Lee, Russ, Nue, Ivan D, Makboy, KJ, Lexin, Pat (Tagasubaybay), JayVin, ManilaActor, Lawfer, MicG, Migz, EuesThadeus, Bharu, Slushe.Love, Frontier, Dev Nic (Baby Vampy), Jasper Paulito, Roan, Iam Marky, Potpotchie, Jemyro, Randzmesia, Dilos, Jubert, JayJay (Supah Minion), Richie, Luilao, Dave of Baguio, Beucharist, Ryge Stan, Racs, Rheinne, PanCookie, TheLegazpiCity, Tzekai Balaso, and Arc.
Gusto kong malaman niyo na sobra kong na-a-appreciate ang mga comment niyo guys. At ikinatutuwa ko ng husto iyon. Sana hindi niyo makasawaan.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Oh? Akala ko ba magpapahinga ka ngayon?” Naiwika ni manang Delia nang makasalubong niya ito sa sala at makita siyang bihis na bihis.
“Nagbago ang isip ko manang.” Ngingiti-ngiti naman niyang tugon saka kinuha sa susi ng kanyang sasakyan sa may console table.
“Paano kung tumawag ulit ang mama mo? Ano ang sasabihin ko?”
“Pakisabing nasa planet Neptune ako at nakikipaghabulan sa mga alien doon.” Nakangisi niyang balik. “Kung magtanong kung kailan ako babalik, sabihin niyong next life time pa.”
“Pagdating talaga sa mama mo, hindi kita makuhanan ng matinong sagot.” Napapailing nitong wika. “Saan ba ang punta mo?”
Sa tatlong taong paninilbihan nito sa kanya, ay halos alam na nito ang matinding tampo niya sa kanyang ina. At ang halos araw-araw nilang pagdidiskusyon.
“Makikipag-date.” Pagsasabi niya ng totoo. Iyon naman talaga kasi ang maitatawag niya sa gagawin niya ngayon. But of course, it’s just a friendly date.
“Date?” Tila napantastikuhan nitong naisambit. “Hindi ba’t kasasabi mo lang noong huling buwan na hindi kana papatol sa mga gano’ng bagay dahil wala ka namang napapalang maganda?”
Noong malaman niya ang panggagago sa kanya ni Cassandra ay ang maipamukha rito na hindi niya ito kawalan ang una niyang naging hakbang. He dated a lot na halos gabi-gabi ay iba’t ibang babae ang ipinaparada niya sa madla. Hindi niya ininda ang mga komento ng mga taong hindi nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal niya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga ito. Mas importante sa kanya ang maibangon ang naapakang pride niya.
Pero habang tumatagal na ginagawa niya iyon, ay unti-unting nawawala ang pleasure na nakakaganti siya sa gano’ng paraan. Na para bang linuloko lamang niya ang sarili sa ginagawa. Sapagkat wala naman siyang napapala sa mga babaeng `yon. Ni hindi nga ng mga ito makuha ang kanyang interes, nagagastusan pa siya. That is why he decided to stop.
“Ibang date ang pupuntahan ko ngayon manang.” Ang nakangiti niyang sabi. “Mauna na ho ako’t baka maunahan ako ni spiderman.”
Ang usapan nila ni Eros ay sa Keros café na lang sila nito magkikita. Oo, ito ang katatagpuin niya ngayon. Biglaan nga `yon. Habang nagpapalitan sila nito ng text kanina ay bigla na lamang niya itong niyayang magkape na agad namang sinangayonan nito. Pero hindi ito pumayag na sunduin niya. Nahihiya na raw itong gawin siyang driver.
Palabas na si Brian nang may maalala siya. Binalingan niya ulit si manang Delia.
“Siya nga pala manang, kapag isa sa mga tinamaan ng magaling kong kaibigan ang tumawag at hanapin ako, pakisabing natutulog pa.” Bilin pa niya rito saka tuluyan ng tinungo ang garahe.
Hindi naman siguro niya obligasyon sa mga itong ipaalam na sinisimulan na niya ang pakikipaglapit kay Eros. Besides, he’s not doing it for the bet. Sadyang gusto lamang talaga niyang mas kilalanin pa ang kakaibang taong `yon at mahanapan ng sagot ang mga katanungan niya patungkol rito.
Lulan ng kanyang sasakyan ay tinungo na nga ni Brian ang daan papuntang Keros café. Hindi niya naiwasang nakangiting mapailing sa mga nangyayari sa kanya. Oo, naguguluhan at naninibago siya sa sarili pero hindi naman niya maikakailang may parte sa kanya ang na-e-excite. And he felt so great sa pinaghalong pakiramdam na `yon.
Matapos ang ilang minutong pakikibaka sa daan ay narating niya ang Keros café. Pagkatapos ma-i-park ang kanyang sasakyan ay agad siyang bumaba. Ngayon, nasisiguro niyang walang Red makakakita sa kanila dahil sarado pa ang Seventh bar sa mga oras na `yon.
“Good afternoon, sir.” Bati sa kanya ng guard nang pagbuksan siya nito ng pinto.
Ngiti lamang ang naitugon niya rito sapagkat abala na ang kanyang mga mata sa paghahanap sa taong katatagpuin niya. Nang hindi niya ito makita sa mga taong nasa first floor ay nagpasya siyang gamitin ang hagdan para at tungihin ang veranda.
“Mukhang nauna pa ako sa kanya.” Ang kanyang naiwika nang hindi rin niya ito makita roon.
Kinuha niya mula sa bulsa ang kanyang cellphone para sana tawagan ito. Subalit hindi pa man niya na a-unlock iyon nang may kumuha ng kanyang pansin.
“Brian?” Sumalubong kay Brian ang isang maputi’t magandang babae nang bumaling siya rito. “You’re Brian Ramirez, right?”
Kinailangan pa niyang hubarin ang suot na ray ban para mas lalong kilalanin kung sino ito.
“Yes I’m Brian Ramirez.” Tugon naman niya. “But I don’t think I know you miss.”
“It’s me, Monica Evasco. Hindi mo na ba ako naaalala?” Pagpapakilala naman nito.
“The Monica Evasco way back high school?” Pagkilala niya rito.
“Yes!” Tila tuwang-tuwa naman nitong naiwika nang makilala niya ito. “`Yong best friend ni Abagail.”
Nang marinig ang pangalan ng dating kasintahan ay muling nangunot ang kanyang noo. Now she fully remembers this girl. Ito ang babaeng kasa-kasama ng dating kasintahan niya noon. Pati sa panggagago sa kanya ay naging kasabwat din ito ng dating kasintahan.
Pilit siyang ngumiti.
“Yeah, I remember you now. It has been a long time. Ang huli nating pagkikita, was the time when I broke up with your friend because she was cheating on me. Tama ba ako?” Sinadya niyang ipapalala iyon rito para malaman nitong hindi pa rin niya nakakalimutan ang pakikipagsabwatan nito noon kay Abagail.
Biglang nawala ang ngiti nito.
“A-About that, Brian. Hindi ko ––”
“No.” Putol niya rito. “Wala kang dapat ipaliwanag sa akin. She was your friend. Natural lamang na pagtakpan mo ang mga kalokohan niya, `di ba?” Patuya pa niyang dagdag.
“Wala akong choice noon. Kaibigan ko si Abagail at alam mo namang hindi rin `yon nakikinig sa akin.” Pagpapaliwanag pa rin nito.
“You know what? Why don’t we just forget about it? Nangyari na ang nangyari at wala na tayong magagawa pa roon.”
Napatitig ito sa kanya halatang gusto pa nitong magpaliwanag. Ngunit nang siguro ay makita nito na hindi talaga siya intersadong makinig ay wala na rin itong nagawa.
“You’re right.” Ang sumasangayon na lamang nitong sabi. “Anyway, how are you? Mas lalo ka `atang gumuwapo. You’re way too yummier compared from before.” Wika nito sabay haplos sa braso niyo to emphasize her words.
Bahagya siyang umatras para hindi siya nito maabot. Bakit parang iba ang dating ng papuri nito sa kanya? It’s as if she’s deliberately flirting with him. Ibang-iba kapag kay Eros niya naririnig ang mga gano’ng papuri. And speaking of Eros, nasaan na kaya ito?
“I’m good and thanks.” Sa halip ay wika na lamang niya. “By the way, if you’ll excuse me. Kailangan ko pang tawagan ang taong katatagpuin ko rito.” Dagdag pa niya saka muling binalingan ang kanyang cellphone.
“You have a date?” Pang-uusyuso nito.
Muli siyang napabaling rito.
“Yep. The very reason why I’m here.” Medyo nakakaramdam na siya ng iritasyon. Hindi pa ba nito nahahalata na hindi siya intersadong makipag-usap dito? Oo nga’t mas gumanda ito sa paglipas ng panahon but that didn’t change the fact na kasabwat ito noon sa panloloko sa kanya. Kaya wala siyang balak makipag mabutihan dito.
“Sayang naman. I was hoping pa naman na masasamahan mo kami ng pinsan ko sa mesa namin.” Bakas ang panghihinayang nitong wika.
“Sorry pero may kasama na ako.” Actually he doesn’t even feel sorry at all.
Binigyan siya nito ng nanga-akit na ngiti. Iyong tipo ng ngiti na ibinigay ng isang tao para hindi ito mahindian.
“Why don’t you give me your number so I can call you up and we can setup for date? Matagal rin tayong hindi nagkita and I’m sure marami tayong pagkukwentohan.”
‘What a persuasive woman! Iniisip ba nitong makikipaglandian na ako sa kanya ngayon dahil wala na kami ng kaibigan niya?’ Naibulalas niya sa kanyang sarili.
“Look. I don’t mean to be ru ––”
“Brian!”
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil sa pagtawag na `yon galing sa kanyang likuran. At kilala niya kung kaninong boses iyon kaya naman agad siyang napalingon. Then he saw him. Ang taong dahilan kung bakit naroon siya ngayon sa coffee shop na `yon.
“Sorry na late ako. Bigla naman kasing na-flat-an ang jeep na sinasakyan ko. Tapos tinulungan ko pa si mamang driver na itulak ang jeep niya. Basta na lang kasing nagsialisan ang ibang pasahero.”
Mataman nga niya itong sinuri mula ulo hanggang paa. Pawis na pawis nga ito at halos basa na rin ng pawis ang damit nito. Pero hindi niya alam kung pupurihin ba niya ito sa pagiging mabuti nitong mamamayan ng bansa o sasabihin dito ang malaking katangahang ginawa nito.
“Binigyan ka ba ni mamang driver ng pambili ng gamot sakaling magkasakit ka dahil natuyuan ka ng pawis sa ginawa mong pagtulong sa kanya?” Ang naiwika niya.
Ngumiti ito ng ubod ng tamis.
“Hindi. Pero ibinalik niya sa akin `yong pamasahe ko at pinasalamatan niya ako.” He replied proudly.
Hindi niya alam kung matatawa siya o maaasar sa naging sagot nito. It’s too obvious that he is so proud of what he did. At magiging masama siyang tao kung kokontrahin niya ito.
“Tara doon sa sasakyan ko. Palagi akong may dalang ekstrang damit. Pambihira kang tao ka. You’re soaked in sweat. Magkakasakit ka niyan kapag natuyuan ka.” Sa halip ay wika niya.
“Siya ba ang sinasabi mong ka-date mo?”
Doon lamang niya naalala ang presensiya ni Monica. Hindi pa nga pala niya tuluyang naitataboy ito. Basta talaga nasa harap na niya si Eros, nakakalimutan na niya ang lahat.
“Yep. This is Eros Drake Cuevas. Eros, meet Monica Evasco.” Pagpapakilala niya sa dalawa.
Nakangiting naglahad ng kamay si Monica rito na agad naman nitong inabot.
“When Brian told me that he has a date, I thought it was a girl. Hindi ko alam na kaibigan lang pala niya ang katatagpuin niya rito.” Ang parang nakahinga ng maluwag nitong sabi na tinugon lang ni Eros ng alanganing ngiti.
“Excuse us Monica. Kailangan ko pang samahan si Eros sa sasakyan ko para makapagpalit siya ng damit bago pa siya matuyuan ng pawis.” Wika niya.
“You know what? I have an idea. Why don’t we share the same table na lang after niyang magpalit ng damit? Tamang-tama, habang nag-uusap tayo, pwede naman niyang kausapin ang pinsan ko para hindi sila ma-bored.” Mukhang ipagpipilitan talaga nito ang gusto nito kahit kanina pa siya tumatanggi.
“Hindi na. Nagbago na ang isip kong mag kape rito. Maghahanap na lang kami ng makakainan dahil mukhang nagutom itong kasama ko sa ginawa niyang pagpapakabayani.” Iyon lang at hinila na niya si Eros palayo rito.
Nang tuluyan na silang makalabas ng coffee shop ay saka lamang nagtanong si Eros.
“Bakit tinanggihan mo ang alok niya?”
“I don’t like her kind.” Pagsasabi niya ng totoo.
“Was it because she was Abagail’s best friend and at the same time her accomplice?”
Napabaling siya rito.
“Pati `yon alam mo?”
“Yep. At alam ko rin na gusto ka niya noon pa.”
“Ang dami mo talagang alam, `no?” Hindi siya naiinis sa dami ng nalalaman nito patungkol sa mga taong naging konektado sa kanya. Bagkus, na su-surpresa pa nga siya.
“Avid stalker mo kasi ako.” Ngingisi-ngisi naman nitong tugon.
Napailing na lamang siya sa naging tugon nito. Siguro, ay dapat na siyang masanay sa taong ito na hindi `ata marunong magpaligoy-ligoy ng salita.
Nang marating nila ang kanyang sasakyan ay agad niyang binuksan ang pintuan sa may passenger seat. Iniabot niya rin ang susi ng sasakyan rito.
“Nasa compartment ang damit na sinasabi ko sa’yo.”
“Sigurado ka ba talagang pahihiramin mo ako ng damit mo?”
“Kung hindi kita pahihiramin, tuluyan ka ng magkakasakit.” He ignores the excitement in his voice.
“Kailan ko isusuli?”
Napabuntong hininga siya. Hindi pa nga nito naisusuot ang ipinapahiram niyan, ay inaalala na nito kung kailan iyon isusuli.
“Pwede bang magpalit ka muna bago natin problemahin kung kailan mo siya maibabalik sa akin?”
“Okay.” Nakangiti naman nitong tugon.
Pambihira talaga ang taong ito. Minsan napakahirap nitong i-handle.
Nang pumasok na nga ito sa kanyang sasakyan at sinimulang magpalit ay doon lamang siya tila napanatag. Ayaw man niyang aminin, ay talagang nag-alala siya kanina nang makitang basa ito ng pawis at gustohin man niyang magalit dito ay hindi niya magawa. Kasi ayaw niyang maging kontrabido sa pagpapakabayani nito.
“Ayan.” Wika nito nang muling buksan ang pintuan at dumungaw doon.
The moment na makita niyang suot nito ang kanyang damit ay ibang pakiramdam ang sumakop sa kanya. Hindi niya iyon mabigyan ng pangalan pero parang sinasabi niyon na gustong-gusto niya ang makita itong suot ang damit niya.
“Bagay pala sa’yo ang damit ko.” Wala sa sarili niyang naisambit.
It was just a plain blue v-neck shirt pero nang ito ang mag suot niyon, parang mas gumanda ang damit niya.
“Hindi ba masyadong malaki?”
“No. It looks good on you.” Pagsasabi niya ng totoo.
Nagtaka siya ng amuy-amuyin nito ang damit niya at magtatanong na sana siya kung ano ang problema nang magsalita ito.
“Nakadikit pa sa damit na `to ang pabango mo.” Malapad ang ngiti nitong sabi dahilan para tuluyan na rin siyang mapatawa.
“Ibalik mo na nga sa akin ang susi ng sasakyan ng makaalis na tayo’t makahanap ng pwedeng pagkainan. Mukhang hindi mabuti sa’yo ang nagugutom. Kung anu-anong kalokohan ang lumalabas diyan sa bibig mo.” Ang tatawa-tawa niyang wika.
This is the exact reason kung bakit niya naisipang makipagkita rito ngayon. Sapagkat alam niya, na makakagawa na naman ito ng isang bagay na ikatutuwa niya ng husto without even exerting an effort. At sa totoo lang? Nagsisimula na niyang magustohan ang naiibang pag-uugali nito.
Sa isang pizza house dinala ni Brian si Eros. Isang simpleng lugar lamang iyon na malayong-malayo sa mga pinagdadalhan niya sa mga kleyente at mga babaeng idi-ni-date niya. Pero para sa kanyang kasama, isa na iyong napakagandang kainan. And true enough, dahil sa mismong pizza house ring iyon malimit um-order ang kaibigan niyang si Red para sa kasintahan nitong mahilig sa pizza.
“Um-order kapa kung gusto mo pa.” Wika niya nang mapansing halos maubos na nito ang laman ng plato nito. Mukhang nagutom nga ito sa pagpapakabayani kanina.
“Talaga? Sige uubusin ko lang `to tapos susubukan ko naman `yong isang combo nila. Mukhang masarap `yon, eh. Kung alam ko lang na may ganitong kainan sa lugar natin, noon pa sana ako bumisita rito.”
Kung ang ibang tao ay magpapaka-demure kumain sa harap ng taong gusto nito, hindi gano’n si Eros. Wala itong pakialam kung nagmumukha na itong matakaw sa harap niya, basta kakain ito. At ikinatutuwa niya ang pagiging magana nito.
“Kahit subukan mo lahat.” Nangingiti niyang sabi. Ano pa kaya ang kaibahan nito sa mga taong dati na niyang nakasalamuha? Habang tumatagal talaga ay marami siyang nalalaman dito.
“To be honest, I didn’t expect you to be this nice to me.”
“Ikaw na mismo ang nagsabi, hindi kita kaaway kaya walang rason para hindi kita pakitaan ng maganda. Lumalabas lang naman ang kademonyohan ko sa mga taong itinuturing kong kaaway.” Tugon naman niya.
“Tulad ni Xander at ni Monica.” Sabi nito.
“I have all the reasons in this world to hate them. Lalo na ang pinsan ko.”
“Do you know the reason why he’s doing those things to you? I mean, `yong pang-aagaw niya ng mga taong pinahalagahan mo?”
“Ang alam ko lang, bata pa lang kami ni Xander, mahilig na siyang makipag-compete sa akin. Mula sa mga laruan ko hanggang sa mga damit ko.”
“At ang pinakamalala niyang ginawa ay ang agawin sa’yo si Abagail?”
“Lahat ay malala.” Pagtatama niya. “Pero itong huli ang hindi ko kayang palampasin dahil hindi lang niya ako inagawan ng pakakasalan, pinagmukha pa niya akong katawa-tawa sa mga kaibigan ko at sa mama ko.”
Iyon ang nakita niyang gustong mangyari ni Xander. Ang gawin siyang katawa-tawa mga taong tunay na nakakaalam sa nangyari at palabasin naman sa ilan na hindi niya kayang panindigan ang desisyon niya. Alam kasi nitong hindi niya isasapubliko ang totoong dahilan kung bakit basta na lamang siyang umatras sa kasal para protektahan ang pride at ego niya bilang lalake.
“For the second time around, he made me look like a total fool.” Tiim bagang pa niyang sabi.
“At ngayon, gaganti kana?”
“Hindi lang basta gaganti. Ipaparamdam ko rin sa kanya kung papaano mapahiya at mawalan ng mga bagay na pinahahalagahan niya. Same goes to Cassandra.” Ang tila nangangako niyang tugon.
“Do you have to go that far?”
“At ano ang gusto mong gawin ko? Hayaan na lang na tinatapak-tapakan niya ang pagkatao ko?” Ang hindi niya naiwasang makadama ng iritasyong tugon.
“Ayaw ko lang na tuluyan kang kainin ng galit mo, Brian.” Pagpapaliwanag naman nito. “Dahil mas maraming mawawala sa’yo kung `yon ang mangyayari.”
Hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin dahilan para mangunot ang kanyang noo.
“Maraming magbabago sa sarili mo kapag nagpadala ka sa galit. Kasama na doon ang ugali mo at paniniwala mo sa buhay. Huwag mong hayaang matulad ka kay Xander na tuluyan ng kinain ng insecurity niya sa’yo. Tulad ng mga kaibigan mo, mas gusto ko ang Brian na kaharap ko ngayon.”
“Kaharap mo ngayon?” Pag-uulit niya sa mga huling sinabi nito.
“Yep! `Yong Brian na kahit sa kabila ng mga problema, ay nagagawa pa ring mamahagi ng pinagpala niyang ngiti.”
Sa muling pagkakataon ay hindi niya napigilan ang sariling mapatawa sa narinig. At hindi lamang iyon. Nagawa rin nitong palisin bigla ang kanina lang ay pagkasira ng mood niya nang mapag-usapan nila si Xander.
“ You know what? You really amaze me.”Ang hindi niya napigilang pagsasabi ng totoo habang napapailing. “How did you do that?”
“Ang alin?” Ngingiti-ngiti naman nitong balik.
“Iyong bigla-bigla mo na lang naipapalimot sa akin ang galit ko sa mga simpleng hirit mo. Papaano mo natotohan `yan?”
“Hah? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”
“Are you saying na natural lang `yon sa’yo?” Ang hindi niya makapaniwalang sabi. “That what you just did to me was unintentional?”
“Nanghingi ka ng paliwanag, sinagot lang kita. `Yon lang naman ang ginawa ko.”
Mas lalo siyang humanga rito. Kung gano’n pala, ay hindi talaga nito alam ang epekto ng mga salita nito sa kanya. Kaya pala wala siyang mabakasang ibang intensyon sa boses nito sa tuwing may sasabihin itong napapagulantang sa kanya. Dahil sinasabi lamang talaga nito ang nasa isip nito.
“Sabi mo na gusto mo ako. Ano ang nagustohan mo sa akin?”
Nang mapagpasyahan niyang makipaglapit rito ay iniwasan niyang mapag-usapan nila ang tungkol sa nararamdaman nito sa kanya. Ayaw niya kasing isipin nito na ayos sa kanya ang ideyang gusto siya nito. Pero heto siya ngayon, at nagkusang pag-usapan nila ang tungkol sa bagay na `yon. Hindi na niya napigilan ang sarili. Masyado na siyang nahihiwagaan sa taong kaharap.
“Everything.” Nakangiti nitong wika. “Especially that pair of charismatic eyes of yours. Nakakapanginig ng tuhod.”
Itutuloy:
57 comments:
ffirst kaya??hope so
jubert co
at last! basa mode muna!
Wooooooooh!
may update na!
thankx sir Z
TC99M
libre kiligin sh8 =)) kinikilig ako
hay.. ka kilig lang.. normal date lang pero parang bf date na ang nangyari.. haha kaso pinutol.. pero ok lang.. kaabang abang naman ee.. :D
nga pla.. condolence po sa pamilya ng naulila.. :(
-jec
una ako bwahahahah.. makboy
at long last! i came to read your latest installment.filled with details and merriment.just the way to keep the ball rolling.
me first again? hehehehe...... next chapter na zild...
-lester from cebu
Yey meron na! BASA mode muna
Ivan D.
Hahaha! Nakakakilig Kahit Hindi pa sila intimate sa isa't isa! At sa tingin ko kuya idol Si Brian is Falling for Eros without him knowing it! :D
Ang Ganda nito Kuya Idol! salamat po sa pagpost! :D
Condolence din po kuya idol! :D
Thanks sa update see u after 8 days :))
Condolense po....
hahaix bitin anamn hehehe pero ok lng basta sana mas mahaba pa itong chapter hehehe
Franz
Haha... Award ang pagiging straight forward nya... Excited na ko sa next chapters... Nakakawala ng pagod from work.,, lol..
Wew! Ilang chapter ba ang plano mong sunud sunurin sa pakilig ng dalawa?
Paabutin mo na hanggang ending pwede?
Hehe.. Nice chap supah ace!
Nice! Light and hindi mabigat (well duh!) hahaha. :)
Will wait for the next chapter...
and... my deepest condolences po, sir.
-DondeEstaMichifu
These are tough times for you Zekey but you still managed to give us this great Chapter. I wish you strength in this times. Ill see you soon po..
Pat
Next na po? ahaha. kaexcite :D
Ayos! Exciting!
Kilig much pero binitin pa ni author ang ending. Pero same old same old napakagaling mo talaga.
Anweis dear author condolence to you and to your whole family.
Dave of Baguio
bakit bitin naman ang episode ngayon???
wiwit!! hahaha... HOW I WISH NA I HAVE THE HONESTY OF EROS... :) NA LAHAT NG TANUNGIN SA KANYA NI BRIAN AY NASASAGOT LANG NITO NA PARANG WALA LANG... sana meron din ako nung same na pagbabaliwala ni eros sa lahat ng nangyayari sa paligid niya.. :) next na agad daddy zeke... :)
-eusethadeus-
Wow, parang magiging weakness ni Brian si Eros ah. :) Parang mapipigilan nya itong maghiganti. :) kalerks!
nakakakiliggg!!haha..a pair charismatic eyes...hhhmmm...nakakaexcite malaman kung pano magrereact c boromeo dun.^^
sana makatagpo nko ng mala-eros dito!!hihihi..
Uhm,condolence po pala mr author...
-monty
Kawawa naman si Author! Condolence! kahit na isang linggo ka na di mag uupdate okies lang yun.. mag hihintay pa rin kami!! kilignessss na!!!
Condolence boss.
Going bak sa story, Boom!!!
Kilig. Nagoopen up na xa. hihih
-PanCookie
Susko po...ang book 2 ng 9 mornings na ito ang isa sa mga magandang regalo na natanggap namin..Super advance na gift otor ito samin.. Mukhang maghahanap na naman ako nito ng lablyf...whahaha
aun oh... nice
pangz
Condolence Zild, ganun dn ako ngaun, libing ni lolo s sabado, stay strong zild. -arc.
una saan?
Condolence po sir Z...
Weee ayan na si brian simpleng diskarte hahahahah go go go go
--potpotchie
:-) GODbless and Ihope you always fine and good
ayan na OH!!!! ano ba yan kontrabida ang ka-apelyido kong si MONICA... zeke dito lang kami sayo.... thank sa UPDATE...
condolence.
thanks sa update. may gusto ba si xander kay brian kaya ginagawa nya lahat para mapansin sya. pero lumulubog nmn sya kay brian dahil sa ginagawa nyang mga maling hakbang. palagay ko alam din ito ni eros. baka nga nagkausap pa sila nung high school pa sila at nagkaaminan pa haha. una pa man yun na ang hula ko na baka may lihim na gusto si xander kay brian. tingnan ko nlang s mga susunod na kabanata kung totoo yung nararamdaman ko hehe.
kinikilig na ako sa mga eksena ni Spiderman at ni Batman
bharu
waaaaaaaaaaa!! nabitin naman ako sa pinaguusapan nila.. hahaha..
nice one Idol sobrang nakakakilig itong chapter na toh... haha!!
neweiz... condolence po pala..
-SupahMinion
hehehe sa office lang ako nagbasa nito kaya lang bawal pala..kaya dito lang ako magcocoment..thnx sir Z..galing medyo bitin..at boom sila dalawa.
galing talaga bumanat ni Eros...... ikaw na idol ko.... hahaha...
charismatic eyes talaga???hmmm makahanap nga din nyan heheheh
whoaaaahhh! ibang klase tlaga. im sure sobrang mamahalin ni brian c eros! he hehe
Waaaaaaaahhhh kilig much. Thanks Z sa update at Condolence sa family nyo sa pagkmatay ng lola mo. May she rest in peace!
Randzmesia
hala... "Everything daw." at sinimulan niya sa eyes... siguro pababa... paano kaya magrereact si Brian pagsinabi ni Eros na ang isa pa niyang nagugustuhan sa kanya ay yung nasa gitna ng ...hahaha. sorry sa mga conservative. hehehe. kilig lang ako.
lakas mambitin!
condolences po zekoiel...
"Especialy that pair of charismatic eyes of yours. Nakakapanginig ng tuhod." ~Waaah kakakilig!
~Jayvin
It is always worth the wait Zeke.. This is one story that I will always look forward too even if I have to wait for several days.. My condolences and prayers..
Haha ano oa nga kundi kilig much nanaman kahit matagal sulit naman. Haist ang cute nila sana may ganyan din sakin LOL haha kakabitin nga yung huli I can't waiy sa reaction ni brian. Haha thanks sa upate. :-) :-) at condolence na rin I know how hard losing ur lola mahirap lalo na kung malapit kau sa isat isa but atleast ngayon kasama na sia ni Papa God mahalaga naenjoy nia amg buhay nia sa mundo she had live it well. God Blessed you and your family. My Prayers for your lola's soul.
Hi Zeke. Condolence nga pala. I pray God's comfort upon you, your family and relatives and may He give you all strength in this hard times of your lives.
Sorry im late wew!!!
na confine kasi ako ng 10days
btw,
mlapit na mainlove c brian kay eros
parang bitin ung chapter na 'to..?? hehe
ahh nag kakaroon na ng lakas ng loob si brian mag tanong kay eros... hahaha pag ibig na tlga yan brian... tuluyan na tlgang mag babago ang takbo ng kwento...
sana brian makinigk ka kay eros na wag kang papalamon sa sobrang galit dhil bka yan ang ikasira mo...
nice xhapter kuya zekiel... by the way... condolence po ulit kuya...
Binasa ko ulit! And boom! Nangingiti nanaman ako! Ahahaha
I keep reading and it never stop to make my day :)
stay strong kuya Z :)
Well, nkaka-amze tlaga ang character ni Eros kya laging naa-amuse si Brian sa knya!
condolence..
super kiligness the moment Boromeo saw Eros wearing his shirt..
really nice..
God bless.. -- Roan ^^,
Exciting! :3 thanks kuya zeke :D
wow nice nman zake ang galing nagulat naman ako sa bilis ng updates mo simpky amazing. Speaking of simply amazing ang galing ng flow ng story at mukhang may bagong panira ang eeksena. I hope not.
Have a great day zake and keep it up.
hndi ako nakapag comment last chapter,hirap ako sa net connection. Thank you dito kuya Zeke,lalo mo kami ini excite XD and BTW condolence po.
nakita ko lng sa online game na nilalaro ko, BrianRamirez name ng character nya hahaha sikat na talaga ni Brian XD
http://i1029.photobucket.com/albums/y352/racsos07/131030_235334_zpsfcf9630d.jpg
musta na kaya c mr author?? I hope he's doing better now...
-monty
Post a Comment