Tuesday, October 1, 2013

9 Mornings Book2: Chapter 01



Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Maraming salamat sa mga taong nag-iwan ng kanilang komento sa Prologue! Ang buong akala ko ay wala ng nagbabasa dito sa blog ko. Mabuti na lang pala at kahit matagal akong nawala ay nariyan pa rin kayo mga paps.


JJJ, Bobby Evasco, Dev Nic (Baby Vampy), Mhi Mhiko, Pancookie, Jheslhee Oracquaio, Reymond Lee, Makatiboy (Makboy), Slushe.Love, Tzekai Balaso, Chie, Jay-Jay, Jec Isidro, Roan, Robert_Mendoza, Lawfer (Katanashi No Rue), Monty and Pangz.


Heto na po ang Chapter 01 ng 9 Mornings Book2. Sana ay magustohan niyo ang bagong librong ito. Marami akong naka-abang na surpresa para sa inyo at syempre marami rin akong kalokohan sa k’wentong ito. Enjoy Reading guys and keep the comments coming! Para mas ganahan pa akong magsulat. Hihihi


HAPPY READING!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





“Ito na ba lahat ng `yon?”


“Yep. It took me quite some time to complete those documents. Kinailangan ko munang tapusin ang kasong hinahawakan ko.”


Isa-isang pinagmasdan ni Brian ang mga dokumentong in-abot sa kanya ng kaibigang abogado na si Dorwin.


“When worse comes to worst, magagamit mo ang lahat ng `yan. Na-notarize na `yan. So all that documents are legal.” Wika ulit nito.


“Salamat ng marami dito, Dorbs. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala akong kaibigan na tulad mo.” Ngingiti-ngiti niyang sabi.


“Huwag mo na akong bolahin, Brian. Nangako kaming tutulungan ka sa abot ng makakaya namin. Hanggang diyan lang ang kaya kong maitulong. Sina Dave na at ang iba ang bahala sa mga susunod mong hakbang.”


“It’s more than enough.” Nakangiti niyang tugon.


“Malaki ang naging impact sa’yo at sa kumpanya mo nang mag-backout ka sa kasal six months ago. At ang ikinatataka ko, ay kung bakit hindi mo sinabi sa publiko ang totoong dahilan ng pag-atras mo sa kasal. You can use the pictures we have against them. Pwede nating ibalik sa kanila ang eskandalo.”


“Para ano? Para gawin akong katawa-tawa sa mata ng tao at sa mga empleyado ko? May mas maganda akong plano, Dorbs. At malapit na akong magsimula.” Tugon naman niya rito.


“You have lost some of your clients. Bumaba rin ang sales ng kumpanya dahil sa nangyari specially when you took all the blame. At ang walang hiya mong pinsan, ay mukhang naghahanda na para sa pagbagsak mo. Are you sure you know what you’re doing?” Bakas ang pag-aalala nitong sabi.


“Ano ang balak niyo ngayong pasko, Dorbs?”


Naguguluhan itong napatingin sa kanya. Marahil ay dahil bigla niyang iniba ang usapan.


“The month of December is coming its way. Ilang araw na lang `yon. May naisip na ba kayong mga pakulo?” Nakangiti niyang muling wika rito.


“Hindi pa napag-uusapan. Ang mga girls naman ang nakatoka sa pagpa-plano niyon. At lahat naman tayo ay i-inform once na finalize na nila ang lahat at hindi pa iyon nangyayari dahil masyado pang busy ang ilan sa atin.”


“Tingnan mo nga naman, no? Noon, kapag ganitong papalapit na ang December ay hindi na tayo magkamayaw sa pagpa-plano kung anong mga kalokohan ang balak nating gawin. Naalala ko pa `yong panahon na sama-sama tayong nagka-carolling sa village ninyo para makalikum tayo ng pera pang inum natin. Ngayon, kailangan pang i-check ang mga availability natin bago makapag-plano ng isang masayang inuman.”


“Dahil may mga priority na tayo at mga taong umaasa sa atin. Hindi tulad dati na pa-easy-easy.” Tugon naman nito bakas ang pagsang-ayon.


”Minsan tuloy, hindi  ko maiwasang maitanong sa sarili ko kung bakit kailangan pang magbago ang lahat. Is it really impossible to live an easy life? `Yong klase ng buhay na walang masyadong iniisip na problema?”


“Nasa sa’yo `yon.” Tugon nito. “Kung hindi mo masyadong bibigyan ng pansin ang mga problema sa mundong ito, magiging madali sa’yo ang lahat.”


Mataman niya itong tinitigan. Tulad ng iba pa niyang kaibigan ay nakikita niya sa mga mata nito ang kakontentohan sa buhay. Tuluyan ng nabura rito ang masamang nakaraan nito.


“Masaya ako para sa’yo, Dorbs.” Kapag-kuwan ay wika niya. “Sa wakas, nahanap mo na ang rason mo para maging masaya.”


Biglang nangunot ang noo nito.


“Kinikilabutan ako sa’yo, Brian. Hindi ako sanay na seryosong mga salita ang lumalabas diyan sa bibig mo. Hindi ka naman siguro nagbabalak mag-suicide? Masyado ka ng delayed kung gagawin mo pa `yon ngayon.”


Napatawa siya sa sinabi nito.


“Hindi ko sasayangin ang lahi ko para lang sa isang walang k’wentang rason, Dorbs.”


“Hindi ka naman masyadong bilib sa hitsura mo, no?” Napapailing nitong sabi. “Oh, siya. Kanina pa ako hinihintay ni Red sa bahay. Idinaan ko lang `yang mga hinihingi mo.” Sabay tayo nito. “And one more thing, Bry. Time will come, makikita mo rin ang magiging rason mo para maging masaya. And when that time comes, everything will fall into the right place.”


“Amen.” Ngingisi-ngisi niyang tugon at pinagsiklop pa niya ang mga kamay na animoy nagdarasal.


“Wala kang k’wentang kausap.” Wika nito saka siya tuluyang iniwan.


Ngingiti-ngiti siya habang pinagmamasdan ito papalayo at nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin ay muli niyang binalingan ang mga papeles na dala nito.


“Simulan na natin ang gulo.”





Namasahe ni Brian ang batok nang makaramdam ng pangangawit. Halos ilang oras din siyang nakaupo dahil sa meeting na nagaganap. At nagsisimula na siyang makadama ng antok dahil sa lamig na hatid ng air-condition ng conference room na iyon.


Malinaw sa mga reports na malaki ang naging epekto ng eskandalong kanyang kinasangkutan sa naging performance ng kumpanyang kanyang pinapatakbo. Hindi rin nakatakas sa kanya ang pagkadismaya ng ilan sa mga member ng board dahil doon. Ngunit hindi iyon sapat para mag-alala siya.


“We have to work harder next year.” Wika ng isa sa mga board members. “Naniniwala ako na magagawa nating maibalik ang ilan sa mga kleyenting nawala sa atin sa susunod na taon.”


“Na finalize na ang mga bagong distributer natin. Next year ay magti-take effect na ang kanilang mga  kontrata kaya hindi imposible `yon.” Sumasang-ayon namang sabat ng isa.


“That may be true. But aren’t we forgetting something?” Wika ng kanyang Tito Leo. Ang ama ni Xander at isa rin sa mga board members. Dito namana ng anak nito ang kagaspangan ng ugali at ang pagiging gahaman sa posisyon.


Nakuha ng atensyon nito ang lahat ng tao sa conference room na iyon kasama na rin siya.


“It was very clear that Brian’s sudden change of mind about getting married gain a great impact to this company. Ang ilan sa mga kleyente ay umatras dahil kinuwestyon nila ang kakayahin ni Brian na magdesisyon at minindigan. Kung gusto nating maibalik sila, kakailanganin nating magpalit ng chairman.”


Napuno ng bulong-bulungan ang conference room na iyon. Sino nga ba ang hindi magre-react sa hayagang deklarasyon na iyon. At mula pa iyon sa asawa ng kapatid ng kanyang ina. Wala talagang sasayangin na pagkakataon ang mga ito.


“It’s not necessary.” Wika naman ng vice chairman ng kanyang ama dati. Isa ito sa mga board of directors na kakampi niya. “Nagawang ma-pacify ni Mr. Ramirez ang eskandalong iyon. Walang rason para ibaba siya sa posisyon niya. At kahit meron man, hindi pa rin magiging sapat iyon.”


Ngingisi-ngisi siyang napatingin sa kanyang Tito Leo. Alam niyang ito ang mangyayari at lalong alam din niya ang magiging desisyon ng board. Una na niyang inasikaso baga pa man siya umurong sa kasal. Kung may bagay man siya na ipinagpapasalamat sa mga ginawa ni Xander, iyon ay ang lantaran nitong sabihin ang balak nitong pataubin siya.


“Paanong hindi magiging sapat?” Salubong ang mga kilay na tanong ng kanyang Tito Leo.


“I own half of the stock in this company Mr. Drason” Nakangiting wika niya sa kanyang Tito Leo.


“H-Half?” Muntik ng malaglag ng panga ng Tito Leo niya sa narinig. “P-Paanong nangyari `yon?”


“Naibenta na namin kay Mr. Ramirez ang ilan sa mga stock namin.” Wika ng isang board member. “Kasama sa napunta sa kanya ay ang natitirang 15% na hawak ng magulang niya.”


“Naibenta? Alam niyo ba ang ginawa ninyo? At papaano niya nakuha ang natitirang stock ng mga magulang niya? Sa akin ipinamahala ang stock na `yon!”


Inilabas niya ang mga papeles na ipinahanda niya kay Dorwin. Saka niya ito ibinigay sa kanyang Tito Leo.


“Nakalagay sa mga papeles na `yan na tuluyan ng ibinibigay ni Papa sa akin ang buong shares nila sa kumpanyang ito. Naipa-authenticate ko na rin iyan. With my current share of 20% plus 15% share na nabili ko sa ibang board, isama pa aang 15% galing sa mga magulang ko, I will have half of the stock in this company.”


Halata sa mukha nito ang matinding pagkagulat habang iniisa-isa nitong tingnan ang mga papeles. Nagsimula na ring mamuo ang butil ng pawis sa nuo nito kahit pa man centralized ang k’wartong iyon.


“Peki ang mga papeles na ito!” Biglang pagtataas ng boses ng kanyang Tito Leo. “Alam ko’t alam mo na hindi ibibigay ng mga magulang mo ang buong shares nila sa kumpanyang ito. Hindi ka nila gustong manatili rito!”


“Says who?” Naghahamon niyang tanong. “Kung hindi ka naniniwala, bakit hindi mo tawagan si Papa?”


“I will surely do that!” Tugon nito at walang paalam na lumabas ng conference room.





Naging usap-usapan sa buong kumpanya ang nangyari sa meeting. Ang ilan sa mga ito ay hindi mapigilang makapag komento sa kagaspangang ipinakita ng kanyang Tiyuhin. Habang ang ilan naman ay piniling hindi makisali.


Subalit, kung ang kanilang mga empleyado ay sa kanya napunta ang simpatya hindi naman ang kanyang pinsan. Halata rito ang matinding galit sa kanya nang makasalubong niya ito.


“Kung iniisip mong panalo kana, nagkakamali ka, Brian.” Wika nito sa kanya.


Tingnan mo nga naman ang walang hiyang pinsan niyang ito. Ang lakas ng loob na harapin siya kahit sa kabila ng ginawa nito sa kanya. Ipinagpapasalamat niya ng husto na nagagawa pa niyang magtimpi sa bawat araw na makikita niya ito sa kumpanya.


“Panalo? Hindi ko pa iniisip iyon.” Nakangiti niyang tugon rito. “Nagsisimula pa nga lang ako, eh. Marami ka pang dapat paghandaan kaya kung ako sa’yo, i-save mo muna ang enery mo.”


Nangunguyam na ngisi ang ibinalik nito sa kanya.


“At ano ang susunod mong gagawin? Ang tanggalin ako sa kumpanyang ito? Hindi mo magagawa `yon, Brian.” Talagang hinahamon siya nito.


Deretso niyang tiningnan ito sa mata.


 “Tulad ng sabi ko sa’yo, nagsisimula pa lang ako. Wala pa sa listahan ng mga gagawin ko sa’yo ang ipatanggal ka sa kumpanyang ito. Magiging boring ang mundo ko kung `yon agad ang gagawin ko.”


“Gano’n ba kasakit ang ginawa ko sa’yo para maging desperado kang pataubin ako?” Ang nanunuyang wika nito. “Kung gusto mo, ibabalik ko sa’yo si Cassandra. Tutal, nagsasawa na ako sa kanya at wala namang nakaka-alam sa tunay na dahilan kung bakit `di mo itinuloy ang kasal niyo hindi ba?”


Ngiting nakakagago ang ibinalik niya sa patutsada nito.


“Kailan ba ako nakontento sa mga second hand? Di ba ikaw lang naman ang mahilig niyon?”


Nabusalan ito. Halatang tinamaan sa sinabi niya.


“Wala na sina mama ngayon para pigilan ako sa mga gagawin ko sa’yo, Xander. Wala na ring kakayahan ang Papa mo na protektahan ka sa kumpanyang ito. Kaya kung ako sa’yo, ihanda mo na ang sarili mo dahil gagawin kong impyerno ang paparating na pasko mo.” Saka niya ito linampasan para tunguhin ang kanyang pribadong opisina.





Ngingisi-ngisi si Brian habang pinagmamasdan ang mga kaibigang nagkakagulo sa paglalaro ng billiard. Simula pa noong nasa koleheyo sila ay ito na ang naging pastime nila. Ngunit kung noon ay dalawang beses sa isang Linggo kung dumadayo ang mga ito sa kanyang kaharian, naging matumal iyon nang magkapamilya ang ilan sa mga ito at makahanap ng katuwang sa buhay.


“Pambihira ka naman, Dave! Umaandar na nanaman ang pandaraya mo!” Si Niel. Ito ang dakilang dentist ng barkadahan nila na kapag nasasaniban ay nanghihiram ng kaluluwa sa demonyo.


“Anong pandaraya ang sinasabi mo? Magdahan-dahan ka sa mga paratang mong unggoy ka at marami ang namamatay diyan!” Tugon naman dito nang isa pang timaan ng lintik niyang kaibigan na isang negosyante-cum-inhinyero.


“Mas marami ang namamatay sa pandaraya!” Tugon ni Niel rito sabay agaw nito sa hawak na mga baraha ng kaibigan. “See! Wala ka namang sais sa mga baraha mo, ah, bakit `yon ang tinira mo?”


Isang klase ng laro sa billiard na ginagamitan ng baraha ang palagi nilang nilalaro para lahat sila ay nakakasali. Iyon na ang nakasanayan nila.


“Sais ba `yon? Akala ko nuwebe, eh.” Ngingisi-ngisi namang tugon dito ni Dave.


“Kung nakakamatay lang ang pagiging mukhang pera, siguro matagal ng pinaglamayan ang isang `yan.” Napapailing na wika naman ng isa pa niyang kaibigan na si Vincent. “Hindi kana nakontento, kanina pa kami natatalo sa’yo, ah!”


“Malaki siguro ang pangangailangan.” Ngingiti-ngiti namang pagsali ni Chuckie.


“Baka may pinag-iipunan.” Humahagikhik namang sabat ni Red.


“Tumahamik ka riyan bayaw! Itatakwil kita!”


Ito ang na-miss niya sa mga ito – ang pagiging mga sira ulo nito. Nakakalimutan kasi niya ang mga problema kapag kasama niya ang mga ito. Marami na ring pinagdaanan ang barkadahan nila. Mga pagsubok na nalampasan nila at lalo pang nagpatatag sa pagkakaibigan nila. At ang maganda pa ay nadagdagan pa sila ng mga kaibigan. Tulad na lamang ni Red.


“Ano, Boromero? Wala ka bang balak na sumali? Nakakatamad ng kalaro ang mga hinayupak na `to. Walang challenge. `Di man lang magawang manalo sa akin.”


Nakaupo lamang siya sa may bar counter habang umiinum ng beer. Mas pinili niyang hindi makisali sa paglalaro ng mga ito at nakontento na lang manuod. Mas gusto niya kasing i-enjoy ang pagiging kumpleto nila sa araw na iyon kesa mag-focus sa laro para manalo. Bihira na lang kasing mangyaring dumadalaw ang mga ito sa kanya.


“Ayon kay Papa, tuluyan mo na raw binalian ng pakpak ang Tito Leo mo. Mukhang nagsisimula ka ng kumilos, ah.” Wika ni Vincent. Ang ama nito ay isa sa mga board of directors ng kompanyang hinahawakan niya na matalik ring kaibigan ng kanyang ama. Si Vincent ang dahilan kung bakit nakilala niya ang mga ka-klase nito na sina Dave at Chuckie na tulad nito ay mga engineer din.


Ini-isang lagok niya muna ang natitirang laman ng hawak na bote bago sumagot.


“Kasabay ng bagong taon, ay ang pagbagsak ng Xander na `yon.”


“Natutoto na ang bunso natin, ah.” Ngingisi-ngising wika ni Dave. “Ganyan dapat! Isang malaking kasalanan sa mundong ito ang maging mabait sa mga taong tulad ng pinsan mo.”


“Paano si Cassandra? Ano ang balak mong gawin sa kanya?” Tanong naman ni Chuckie.


“Oras na iwan siya ni Xander, makakaganti na ako sa kanya. At hindi na magtatagal at mangyayari na `yon.”


“Sabagay. Kahit saang angulo mo tingnan, babae pa rin `yon. Hindi maganda sa image ng isang lalaki ang pumatol sa babae.” Sangayon ni Vincent.


“How about the other accomplice?” Tanong naman ni Red.


Bumaling siya kay Dave.


“He will be arriving next week. Ayon kay Nicollo, dito pa rin nagpapasko ang isang `yon. At sa loob ng tatlong taon, walang mintis itong umuuwi bago magsimula ang simbang gabi. Mukhang isang taong malaki ang pananampalataya kay Daddy God ang damuhong `yon.” Ani ni Dave. Ito ang nagpresentang tumulong para makahanap ng impormasyon sa lalaking kasabwat ng kanyang pinsan. Katulong nito si Nicollo na kababata ng kasintahan nito.


“Mahigit anim na taon na siya sa Manila di ba? Isang Electrical Engineering student na nag-shift sa Manufacturing. How odd.” Si Vincent.


“Eros Drake Cuevas.” Sambit ni Chuckie sa pangalan nito. “Hindi ko inaasahan na gagawa siya ng isang kalokohan na makakasira sa isang tao. Sa pagkaka-alala ko sa kanya, siya ang tipo ng tao na walang capability na gumawa ng kalokohan.”


“Gusto ko rin siyang makilala ng personal. Curious ako sa malaking pagbabago sa ugali niya. Do you think may nagbago rin sa fashion statement niya o hanggang ngayon, mukha pa rin siyang ermitanyo?” Si Vincent.


“Nabubulol pa rin kaya siya tuwing may magtatangkang kumausap sa kanya?” Ngingisi-ngisi namang wika ni Dave.


“Kahit ano pa man ang pagbabago sa kanya, wala akong pakialam. Nakipagkampihan siya kay Xander, kaya isa siya sa mga kaaway ko. At malas niya, dahil naging lalaki siya. Hindi ako marunong maawa sa mga lalaki.” Wika niya.


“Ano ba ang balak mong gawin? Kung ang pagbabasehan natin ay ang ugali ng pinsan mo, masasabi kong hindi rin siya basta-basta magpapatalo. Isama mo pa ang Eros na `yon na hindi natin alam kung hanggang saan ang kakayahan.  The mere fact na nagawa niyang malaman ang mga personal emails namin, masasabi kong delikadong tao ang Eros na `yon.” Si Chuckie.


“ I agree.” Sumasang-ayon na wika ni Vincent.


Nginisihan niya ang mga ito.


“Wala ba kayong tiwala sa akin? Kung kalokohan lang din ang pag-uusapan, kahit sampong Xander at Eros pa, walang makakatalo sa amin ni Dave.”


“Iyon na nga ang kinakatakot namin, eh. Baka mapasobra ang gagawin ninyo at maging dahilan pa `yon para malagay kayo sa alanganin. I know how you two works. Wala kayong pinipiling tao basta iyang mga pride ninyo ang natatapakan.” Si Chuckie


“Nagbago na kaya ako!” Alma ni Dave.


“Wala akong balak magpigil ngayon.” Seryosong wika niya. “Inako ko lahat ng kahihiyan sa nagdaang anim na buwan habang pinagtatawanan ako ng Xander na `yon.  Panahon na para ako naman ang tumawa sa kanya.”


“Pambihira. Magpapasko pero puro paghiihiganti ang nasa isip mo. Di bale, isasama na lang kita sa mga ipagdarasal ko. Basta `wag lang kayong makakalimot sa obligasyon ninyo sa inaanak niyo.” Wika ni Vincent.


“Sino ang balak mong unahin?” Biglang tanong ni Red.


“Sa ngayon, nabigyan ko na si Xander ng problema. Sapat na iyon para doon muna niya ituon ang buong atensyon niya. Sa pagdating ni Eros, doon ko sisimulan ang susunod kong hakbang sa kanya.” Tugon niya.


“May maitutulong ba ako?” Muling tanong sa kanya ni Red.


“Sa ngayon wala pa pare. Pero sa paparating na mga araw, kakailanganin ko ang tulong mo at ng ibang myembro ng seventh bar.”


“Nasisiguro kong hindi ka nila tatanggihan. After all, isang barkadahan na tayo. Sabihan mo lang kami kung kailangan mo na ang tulong namin.”


Masasabi niyang hindi man siya naging masuwerte sa ilang bagay tulad ng makahanap ng taong magiging katuwang niya sa buhay ay biniyayaan naman siya ang mga kaibigan na kahit kailan ay hindi siya iiwan sa ere.


“Shoot!” Nakangiting wika niya.






Itutuloy:

38 comments:

bon-bon said...

Buti nalang maaga akong gumising at dumiritso dito :D
haaaa . Ang gondooo kuya zeke .

Brian ;):*;>

Francis -bon bon

Unknown said...

Naman exciting tlga to... Ano kaya magiging role ng EROS na un... Hahaha... Boromero... Mag papasko na ilang days nlng khit konti give love...

Unknown said...

Kuya Zekiel sana tuloy tuloy ung updated... Sana hnd ka masiraan ng ulo o tupakin... Hehhehe joke png po...peaced... Nice next na pls..:-)

Unknown said...

biittttttiiiiiiinnnnnnnn >_<


lalabas na ba si Eros? ano itsura nya?



ipost na yan pogi =)

Anonymous said...

mukhang eros brian to....

pangz

russ said...

Hehehe sir Z. Isa ba itong kilig serye story? Heheh nice..

Anonymous said...

parang hindi ... hahahahah

Migz said...

Wow... You are indeed back author.. This is one interesting story.. Ito ang mga namiss ko sa storytelling style mo.. Sa Prologue pa lang you already caught your readers' attention.. I wonder why you hibernated for so long, when you are a great writer.

Zildjian said...

Wow MIGZ!!! It's really you!! Akala ko hindi kana napapadpad dito sa blog ko. ^__^


Well, kailangan ko talagang mag-stop muna dahil sa pressure at stress. Nauubusan na kasi ang ng iku-kwento kaya nagpahinga muna ako.

slushe.love said...

Kainis! Na eexcite na ako sa series na to. :) hihi Next chapter pls. :D Love it!

rheinne said...

naeexcite na nana ako sa story..^_^

Anonymous said...

pano kaya mainlove dito so Brian. Woot.

-PanCookie

Anonymous said...

Wow.. Sa flow palang ng kwento parang magiging kawawa pala ang role no eros dito na inosente naman pala mala claude-laurence lang. Cant wait. this is the type of plot that im very interested about yung kinakawawa ang bida ng love interests nya. I salute you! Kuhang kuha mo kiliti ko ^___^


#Chubbz

MARK13 said...

Naks,umpisa na ng paglalaro ni Brian,hahaha :D

Anonymous said...

Panibagong pag iintay na naman, at biglang mawawala si author

Unknown said...

excited Zeke... kailan ang sunod/... hehehe sundan na agad... love it....

Zildjian said...

Maraming salamat guys! Di ko man kayo mare-replayan lahat, binabasa ko naman bawat comment niyo. He he

Unknown said...

Kelan aman posting

Reymond Lee said...

nice! naguumpisa nang gumulong ang istorya.EXCITING!

Unknown said...

wow... looking to read the second chapter.. hehehe

Jace said...

exciting!!! :)

Idol!! ilabas mo na si Eros... wag mo ng itago!! hahaha!!

go lang ng go!! :D

-Minion Jay

TheLegazpiCity said...

Wow, wow, wow...Intense ata ang story ngaun ni Zeke..Inspired ata, ganda ng plot ei...Anyway, Thank you for this new story...

Anonymous said...

gosh how i love it its makes mi crazy grrrr

woooaahhh!!!! ang ganda grabe

jubert co

Reymond Lee said...

i've been a silent reader for quite sometime but it doesn't change the fact that i'de become a big fan of yours.your stories are overwhelming!they're so astig sa kilig plus the fact that they're all having a happy ending.you never failed to put smile in our faces each time your story ends.and it gives us the feel to be loved.request lang kuya Z,sana makagawa ka ng may-deceber love affair plot from your series.wenks!hehehe!

Anonymous said...

shaks!late akong magcomment!haha...

Ang ganda ng takbo ng story!!me excitement agad!hehe..dpt wag akong malate sa susunod na chapter.^^

-monty

Unknown said...

Thanks dto kuya Zeke! Go Brian! Salubungin mo ang pagbabalik ni Eros! XD

Anonymous said...

"Eros Drake Cuevas."
#mysteriousImage "soExcitedtoKnowMoreAboutHim #Ano
ngKwentoNya?

~Siguradong sasakit ang ulo ni boromeo este brian neto. Haha

~JAYVIN

Anonymous said...

woowwwwwwwwwwwwwwwwwwww.... dipa nagaganap kinikilig na talga ako... feel ko si eros ang magpapatino sa mokong na ito... sana kuya zekee ... magulat si brian sa fashion statement ni eros ngayon hahah!!! ----kj...... bago po ako rito, nahahalata kong nahihila mo po ako author sa mga stories mo.....

Anonymous said...

waahh.. wala pa man pero kinikilig na ako.. hehehe

super fan lang po.. hehehe

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

wow!

iam marky

luilao said...

Yun na.. give love on Christmas Day! haha... sino kaya ma he head over heels sa mga bida hehehe..

Reymond Lee said...

cant wait for the update!kakaexcite!

James Chill said...

Looks exciting!

Anonymous said...

Woohoo!!! Yun oh! Late na ako nakapagbasa :( pero its better late then never! Pinabilib mo na naman ako zekey!!! I miss the characters that i loved its good to have them back in action :) cant wait to see the twist and turns of this story! I'll ready chapter 2 now :) see u soon zekey...

pat
tagasubaybay

Unknown said...

Nagsisimula pa lang ang storya pero maganda na ang tinatakbo ah!

Ryge Stan said...

hey brian you might be barking at the wrong three bro. chill lang.

Anonymous said...

I'm really an avid fan of this 7th Bar folks :)

Anonymous said...

my book 2 pla....ganda bg stories mo kua pti ung book 1 maganda hehehe.


renz. :)

Post a Comment