Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat sa mga taong nag-iwan ng kanilang komento sa Prologue! Ang buong akala ko ay wala ng nagbabasa dito sa blog ko. Mabuti na lang pala at kahit matagal akong nawala ay nariyan pa rin kayo mga paps.
JJJ, Bobby Evasco, Dev Nic (Baby Vampy), Mhi Mhiko, Pancookie, Jheslhee Oracquaio, Reymond Lee, Makatiboy (Makboy), Slushe.Love, Tzekai Balaso, Chie, Jay-Jay, Jec Isidro, Roan, Robert_Mendoza, Lawfer (Katanashi No Rue), Monty and Pangz.
Heto na po ang Chapter 01 ng 9 Mornings Book2. Sana ay magustohan niyo ang bagong librong ito. Marami akong naka-abang na surpresa para sa inyo at syempre marami rin akong kalokohan sa k’wentong ito. Enjoy Reading guys and keep the comments coming! Para mas ganahan pa akong magsulat. Hihihi
HAPPY READING!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Ito
na ba lahat ng `yon?”
“Yep. It took me quite some time to complete those
documents. Kinailangan ko munang tapusin ang kasong hinahawakan ko.”
Isa-isang pinagmasdan ni Brian ang mga dokumentong in-abot
sa kanya ng kaibigang abogado na si Dorwin.
“When worse comes to worst, magagamit mo ang lahat ng `yan.
Na-notarize na `yan. So all that documents are legal.” Wika ulit nito.
“Salamat ng marami dito, Dorbs. Hindi ko alam ang gagawin ko
kung wala akong kaibigan na tulad mo.” Ngingiti-ngiti niyang sabi.
“Huwag mo na akong bolahin, Brian. Nangako kaming tutulungan
ka sa abot ng makakaya namin. Hanggang diyan lang ang kaya kong maitulong. Sina
Dave na at ang iba ang bahala sa mga susunod mong hakbang.”
“It’s more than enough.” Nakangiti niyang tugon.
“Malaki ang naging impact sa’yo at sa kumpanya mo nang
mag-backout ka sa kasal six months ago. At ang ikinatataka ko, ay kung bakit
hindi mo sinabi sa publiko ang totoong dahilan ng pag-atras mo sa kasal. You
can use the pictures we have against them. Pwede nating ibalik sa kanila ang
eskandalo.”
“Para ano? Para gawin akong katawa-tawa sa mata ng tao at sa
mga empleyado ko? May mas maganda akong plano, Dorbs. At malapit na akong
magsimula.” Tugon naman niya rito.
“You have lost some of your clients. Bumaba rin ang sales ng
kumpanya dahil sa nangyari specially when you took all the blame. At ang walang
hiya mong pinsan, ay mukhang naghahanda na para sa pagbagsak mo. Are you sure
you know what you’re doing?” Bakas ang pag-aalala nitong sabi.
“Ano ang balak niyo ngayong pasko, Dorbs?”
Naguguluhan itong napatingin sa kanya. Marahil ay dahil
bigla niyang iniba ang usapan.
“The month of December is coming its way. Ilang araw na lang
`yon. May naisip na ba kayong mga pakulo?” Nakangiti niyang muling wika rito.
“Hindi pa napag-uusapan. Ang mga girls naman ang nakatoka sa
pagpa-plano niyon. At lahat naman tayo ay i-inform once na finalize na nila ang
lahat at hindi pa iyon nangyayari dahil masyado pang busy ang ilan sa atin.”
“Tingnan mo nga naman, no? Noon, kapag ganitong papalapit na
ang December ay hindi na tayo magkamayaw sa pagpa-plano kung anong mga
kalokohan ang balak nating gawin. Naalala ko pa `yong panahon na sama-sama
tayong nagka-carolling sa village ninyo para makalikum tayo ng pera pang inum
natin. Ngayon, kailangan pang i-check ang mga availability natin bago
makapag-plano ng isang masayang inuman.”
“Dahil may mga priority na tayo at mga taong umaasa sa atin.
Hindi tulad dati na pa-easy-easy.” Tugon naman nito bakas ang pagsang-ayon.
”Minsan tuloy, hindi
ko maiwasang maitanong sa sarili ko kung bakit kailangan pang magbago
ang lahat. Is it really impossible to live an easy life? `Yong klase ng buhay
na walang masyadong iniisip na problema?”
“Nasa sa’yo `yon.” Tugon nito. “Kung hindi mo masyadong
bibigyan ng pansin ang mga problema sa mundong ito, magiging madali sa’yo ang
lahat.”
Mataman niya itong tinitigan. Tulad ng iba pa niyang
kaibigan ay nakikita niya sa mga mata nito ang kakontentohan sa buhay. Tuluyan
ng nabura rito ang masamang nakaraan nito.
“Masaya ako para sa’yo, Dorbs.” Kapag-kuwan ay wika niya. “Sa
wakas, nahanap mo na ang rason mo para maging masaya.”
Biglang nangunot ang noo nito.
“Kinikilabutan ako sa’yo, Brian. Hindi ako sanay na seryosong
mga salita ang lumalabas diyan sa bibig mo. Hindi ka naman siguro nagbabalak
mag-suicide? Masyado ka ng delayed kung gagawin mo pa `yon ngayon.”
Napatawa siya sa sinabi nito.
“Hindi ko sasayangin ang lahi ko para lang sa isang walang
k’wentang rason, Dorbs.”
“Hindi ka naman masyadong bilib sa hitsura mo, no?”
Napapailing nitong sabi. “Oh, siya. Kanina pa ako hinihintay ni Red sa bahay.
Idinaan ko lang `yang mga hinihingi mo.” Sabay tayo nito. “And one more thing,
Bry. Time will come, makikita mo rin ang magiging rason mo para maging masaya.
And when that time comes, everything will fall into the right place.”
“Amen.” Ngingisi-ngisi niyang tugon at pinagsiklop pa niya
ang mga kamay na animoy nagdarasal.
“Wala kang k’wentang kausap.” Wika nito saka siya tuluyang
iniwan.
Ngingiti-ngiti siya habang pinagmamasdan ito papalayo at nang
tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin ay muli niyang binalingan ang mga
papeles na dala nito.
“Simulan na natin ang gulo.”
Namasahe ni Brian ang batok nang makaramdam ng pangangawit.
Halos ilang oras din siyang nakaupo dahil sa meeting na nagaganap. At
nagsisimula na siyang makadama ng antok dahil sa lamig na hatid ng air-condition
ng conference room na iyon.
Malinaw sa mga reports na malaki ang naging epekto ng
eskandalong kanyang kinasangkutan sa naging performance ng kumpanyang kanyang
pinapatakbo. Hindi rin nakatakas sa kanya ang pagkadismaya ng ilan sa mga
member ng board dahil doon. Ngunit hindi iyon sapat para mag-alala siya.
“We have to work harder next year.” Wika ng isa sa mga board
members. “Naniniwala ako na magagawa nating maibalik ang ilan sa mga kleyenting
nawala sa atin sa susunod na taon.”
“Na finalize na ang mga bagong distributer natin. Next year
ay magti-take effect na ang kanilang mga
kontrata kaya hindi imposible `yon.” Sumasang-ayon namang sabat ng isa.
“That may be true. But aren’t we forgetting something?” Wika
ng kanyang Tito Leo. Ang ama ni Xander at isa rin sa mga board members. Dito
namana ng anak nito ang kagaspangan ng ugali at ang pagiging gahaman sa
posisyon.
Nakuha ng atensyon nito ang lahat ng tao sa conference room
na iyon kasama na rin siya.
“It was very clear that Brian’s sudden change of mind about
getting married gain a great impact to this company. Ang ilan sa mga kleyente
ay umatras dahil kinuwestyon nila ang kakayahin ni Brian na magdesisyon at
minindigan. Kung gusto nating maibalik sila, kakailanganin nating magpalit ng
chairman.”
Napuno ng bulong-bulungan ang conference room na iyon. Sino
nga ba ang hindi magre-react sa hayagang deklarasyon na iyon. At mula pa iyon
sa asawa ng kapatid ng kanyang ina. Wala talagang sasayangin na pagkakataon ang
mga ito.
“It’s not necessary.” Wika naman ng vice chairman ng kanyang
ama dati. Isa ito sa mga board of directors na kakampi niya. “Nagawang
ma-pacify ni Mr. Ramirez ang eskandalong iyon. Walang rason para ibaba siya sa
posisyon niya. At kahit meron man, hindi pa rin magiging sapat iyon.”
Ngingisi-ngisi siyang napatingin sa kanyang Tito Leo. Alam
niyang ito ang mangyayari at lalong alam din niya ang magiging desisyon ng board.
Una na niyang inasikaso baga pa man siya umurong sa kasal. Kung may bagay man
siya na ipinagpapasalamat sa mga ginawa ni Xander, iyon ay ang lantaran nitong
sabihin ang balak nitong pataubin siya.
“Paanong hindi magiging sapat?” Salubong ang mga kilay na
tanong ng kanyang Tito Leo.
“I own half of the stock in this company Mr. Drason” Nakangiting
wika niya sa kanyang Tito Leo.
“H-Half?” Muntik ng malaglag ng panga ng Tito Leo niya sa
narinig. “P-Paanong nangyari `yon?”
“Naibenta na namin kay Mr. Ramirez ang ilan sa mga stock
namin.” Wika ng isang board member. “Kasama sa napunta sa kanya ay ang
natitirang 15% na hawak ng magulang niya.”
“Naibenta? Alam niyo ba ang ginawa ninyo? At papaano niya
nakuha ang natitirang stock ng mga magulang niya? Sa akin ipinamahala ang stock
na `yon!”
Inilabas niya ang mga papeles na ipinahanda niya kay Dorwin.
Saka niya ito ibinigay sa kanyang Tito Leo.
“Nakalagay sa mga papeles na `yan na tuluyan ng ibinibigay
ni Papa sa akin ang buong shares nila sa kumpanyang ito. Naipa-authenticate ko
na rin iyan. With my current share of 20% plus 15% share na nabili ko sa ibang
board, isama pa aang 15% galing sa mga magulang ko, I will have half of the
stock in this company.”
Halata sa mukha nito ang matinding pagkagulat habang
iniisa-isa nitong tingnan ang mga papeles. Nagsimula na ring mamuo ang butil ng
pawis sa nuo nito kahit pa man centralized ang k’wartong iyon.
“Peki ang mga papeles na ito!” Biglang pagtataas ng boses ng
kanyang Tito Leo. “Alam ko’t alam mo na hindi ibibigay ng mga magulang mo ang
buong shares nila sa kumpanyang ito. Hindi ka nila gustong manatili rito!”
“Says who?” Naghahamon niyang tanong. “Kung hindi ka
naniniwala, bakit hindi mo tawagan si Papa?”
“I will surely do that!” Tugon nito at walang paalam na
lumabas ng conference room.
Naging usap-usapan sa buong kumpanya ang nangyari sa meeting.
Ang ilan sa mga ito ay hindi mapigilang makapag komento sa kagaspangang
ipinakita ng kanyang Tiyuhin. Habang ang ilan naman ay piniling hindi makisali.
Subalit, kung ang kanilang mga empleyado ay sa kanya napunta
ang simpatya hindi naman ang kanyang pinsan. Halata rito ang matinding galit sa
kanya nang makasalubong niya ito.
“Kung iniisip mong panalo kana, nagkakamali ka, Brian.” Wika
nito sa kanya.
Tingnan mo nga naman ang walang hiyang pinsan niyang ito.
Ang lakas ng loob na harapin siya kahit sa kabila ng ginawa nito sa kanya.
Ipinagpapasalamat niya ng husto na nagagawa pa niyang magtimpi sa bawat araw na
makikita niya ito sa kumpanya.
“Panalo? Hindi ko pa iniisip iyon.” Nakangiti niyang tugon
rito. “Nagsisimula pa nga lang ako, eh. Marami ka pang dapat paghandaan kaya
kung ako sa’yo, i-save mo muna ang enery mo.”
Nangunguyam na ngisi ang ibinalik nito sa kanya.
“At ano ang susunod mong gagawin? Ang tanggalin ako sa
kumpanyang ito? Hindi mo magagawa `yon, Brian.” Talagang hinahamon siya nito.
Deretso niyang tiningnan ito sa mata.
“Tulad ng sabi ko
sa’yo, nagsisimula pa lang ako. Wala pa sa listahan ng mga gagawin ko sa’yo ang
ipatanggal ka sa kumpanyang ito. Magiging boring ang mundo ko kung `yon agad
ang gagawin ko.”
“Gano’n ba kasakit ang ginawa ko sa’yo para maging desperado
kang pataubin ako?” Ang nanunuyang wika nito. “Kung gusto mo, ibabalik ko sa’yo
si Cassandra. Tutal, nagsasawa na ako sa kanya at wala namang nakaka-alam sa
tunay na dahilan kung bakit `di mo itinuloy ang kasal niyo hindi ba?”
Ngiting nakakagago ang ibinalik niya sa patutsada nito.
“Kailan ba ako nakontento sa mga second hand? Di ba ikaw
lang naman ang mahilig niyon?”
Nabusalan ito. Halatang tinamaan sa sinabi niya.
“Wala na sina mama ngayon para pigilan ako sa mga gagawin ko
sa’yo, Xander. Wala na ring kakayahan ang Papa mo na protektahan ka sa
kumpanyang ito. Kaya kung ako sa’yo, ihanda mo na ang sarili mo dahil gagawin
kong impyerno ang paparating na pasko mo.” Saka niya ito linampasan para
tunguhin ang kanyang pribadong opisina.
Ngingisi-ngisi si Brian habang pinagmamasdan ang mga
kaibigang nagkakagulo sa paglalaro ng billiard. Simula pa noong nasa koleheyo
sila ay ito na ang naging pastime nila. Ngunit kung noon ay dalawang beses
sa isang Linggo kung dumadayo ang mga ito sa kanyang kaharian, naging matumal
iyon nang magkapamilya ang ilan sa mga ito at makahanap ng katuwang sa buhay.
“Pambihira ka naman, Dave! Umaandar na nanaman ang pandaraya
mo!” Si Niel. Ito ang dakilang dentist ng barkadahan nila na kapag nasasaniban
ay nanghihiram ng kaluluwa sa demonyo.
“Anong pandaraya ang sinasabi mo? Magdahan-dahan ka sa mga
paratang mong unggoy ka at marami ang namamatay diyan!” Tugon naman dito nang
isa pang timaan ng lintik niyang kaibigan na isang negosyante-cum-inhinyero.
“Mas marami ang namamatay sa pandaraya!” Tugon ni Niel rito
sabay agaw nito sa hawak na mga baraha ng kaibigan. “See! Wala ka namang sais
sa mga baraha mo, ah, bakit `yon ang tinira mo?”
Isang klase ng laro sa billiard na ginagamitan ng baraha ang
palagi nilang nilalaro para lahat sila ay nakakasali. Iyon na ang nakasanayan
nila.
“Sais ba `yon? Akala ko nuwebe, eh.” Ngingisi-ngisi namang
tugon dito ni Dave.
“Kung nakakamatay lang ang pagiging mukhang pera, siguro
matagal ng pinaglamayan ang isang `yan.” Napapailing na wika naman ng isa pa
niyang kaibigan na si Vincent. “Hindi kana nakontento, kanina pa kami natatalo
sa’yo, ah!”
“Malaki siguro ang pangangailangan.” Ngingiti-ngiti namang
pagsali ni Chuckie.
“Baka may pinag-iipunan.” Humahagikhik namang sabat ni Red.
“Tumahamik ka riyan bayaw! Itatakwil kita!”
Ito ang na-miss niya sa mga ito – ang pagiging mga sira ulo
nito. Nakakalimutan kasi niya ang mga problema kapag kasama niya ang mga ito. Marami
na ring pinagdaanan ang barkadahan nila. Mga pagsubok na nalampasan nila at
lalo pang nagpatatag sa pagkakaibigan nila. At ang maganda pa ay nadagdagan pa
sila ng mga kaibigan. Tulad na lamang ni Red.
“Ano, Boromero? Wala ka bang balak na sumali? Nakakatamad ng
kalaro ang mga hinayupak na `to. Walang challenge. `Di man lang magawang manalo
sa akin.”
Nakaupo lamang siya sa may bar counter habang umiinum ng
beer. Mas pinili niyang hindi makisali sa paglalaro ng mga ito at nakontento na
lang manuod. Mas gusto niya kasing i-enjoy ang pagiging kumpleto nila sa araw
na iyon kesa mag-focus sa laro para manalo. Bihira na lang kasing mangyaring
dumadalaw ang mga ito sa kanya.
“Ayon kay Papa, tuluyan mo na raw binalian ng pakpak ang
Tito Leo mo. Mukhang nagsisimula ka ng kumilos, ah.” Wika ni Vincent. Ang ama
nito ay isa sa mga board of directors ng kompanyang hinahawakan niya na matalik
ring kaibigan ng kanyang ama. Si Vincent ang dahilan kung bakit nakilala niya
ang mga ka-klase nito na sina Dave at Chuckie na tulad nito ay mga engineer
din.
Ini-isang lagok niya muna ang natitirang laman ng hawak na
bote bago sumagot.
“Kasabay ng bagong taon, ay ang pagbagsak ng Xander na `yon.”
“Natutoto na ang bunso natin, ah.” Ngingisi-ngising wika ni
Dave. “Ganyan dapat! Isang malaking kasalanan sa mundong ito ang maging mabait
sa mga taong tulad ng pinsan mo.”
“Paano si Cassandra? Ano ang balak mong gawin sa kanya?”
Tanong naman ni Chuckie.
“Oras na iwan siya ni Xander, makakaganti na ako sa kanya.
At hindi na magtatagal at mangyayari na `yon.”
“Sabagay. Kahit saang angulo mo tingnan, babae pa rin `yon.
Hindi maganda sa image ng isang lalaki ang pumatol sa babae.” Sangayon ni
Vincent.
“How about the other accomplice?” Tanong naman ni Red.
Bumaling siya kay Dave.
“He will be arriving next week. Ayon kay Nicollo, dito pa
rin nagpapasko ang isang `yon. At sa loob ng tatlong taon, walang mintis itong
umuuwi bago magsimula ang simbang gabi. Mukhang isang taong malaki ang
pananampalataya kay Daddy God ang damuhong `yon.” Ani ni Dave. Ito ang
nagpresentang tumulong para makahanap ng impormasyon sa lalaking kasabwat ng
kanyang pinsan. Katulong nito si Nicollo na kababata ng kasintahan nito.
“Mahigit anim na taon na siya sa Manila di ba? Isang
Electrical Engineering student na nag-shift sa Manufacturing. How odd.” Si
Vincent.
“Eros Drake Cuevas.” Sambit ni Chuckie sa pangalan nito. “Hindi
ko inaasahan na gagawa siya ng isang kalokohan na makakasira sa isang tao. Sa pagkaka-alala
ko sa kanya, siya ang tipo ng tao na walang capability na gumawa ng kalokohan.”
“Gusto ko rin siyang makilala ng personal. Curious ako sa
malaking pagbabago sa ugali niya. Do you think may nagbago rin sa fashion
statement niya o hanggang ngayon, mukha pa rin siyang ermitanyo?” Si Vincent.
“Nabubulol pa rin kaya siya tuwing may magtatangkang
kumausap sa kanya?” Ngingisi-ngisi namang wika ni Dave.
“Kahit ano pa man ang pagbabago sa kanya, wala akong
pakialam. Nakipagkampihan siya kay Xander, kaya isa siya sa mga kaaway ko. At
malas niya, dahil naging lalaki siya. Hindi ako marunong maawa sa mga lalaki.”
Wika niya.
“Ano ba ang balak mong gawin? Kung ang pagbabasehan natin ay
ang ugali ng pinsan mo, masasabi kong hindi rin siya basta-basta magpapatalo.
Isama mo pa ang Eros na `yon na hindi natin alam kung hanggang saan ang
kakayahan. The mere fact na nagawa
niyang malaman ang mga personal emails namin, masasabi kong delikadong tao ang
Eros na `yon.” Si Chuckie.
“ I agree.” Sumasang-ayon na wika ni Vincent.
Nginisihan niya ang mga ito.
“Wala ba kayong tiwala sa akin? Kung kalokohan lang din ang
pag-uusapan, kahit sampong Xander at Eros pa, walang makakatalo sa amin ni
Dave.”
“Iyon na nga ang kinakatakot namin, eh. Baka mapasobra ang
gagawin ninyo at maging dahilan pa `yon para malagay kayo sa alanganin. I know
how you two works. Wala kayong pinipiling tao basta iyang mga pride ninyo ang
natatapakan.” Si Chuckie
“Nagbago na kaya ako!” Alma ni Dave.
“Wala akong balak magpigil ngayon.” Seryosong wika niya. “Inako
ko lahat ng kahihiyan sa nagdaang anim na buwan habang pinagtatawanan ako ng
Xander na `yon. Panahon na para ako
naman ang tumawa sa kanya.”
“Pambihira. Magpapasko pero puro paghiihiganti ang nasa isip
mo. Di bale, isasama na lang kita sa mga ipagdarasal ko. Basta `wag lang kayong
makakalimot sa obligasyon ninyo sa inaanak niyo.” Wika ni Vincent.
“Sino ang balak mong unahin?” Biglang tanong ni Red.
“Sa ngayon, nabigyan ko na si Xander ng problema. Sapat na
iyon para doon muna niya ituon ang buong atensyon niya. Sa pagdating ni Eros,
doon ko sisimulan ang susunod kong hakbang sa kanya.” Tugon niya.
“May maitutulong ba ako?” Muling tanong sa kanya ni Red.
“Sa ngayon wala pa pare. Pero sa paparating na mga araw,
kakailanganin ko ang tulong mo at ng ibang myembro ng seventh bar.”
“Nasisiguro kong hindi ka nila tatanggihan. After all, isang
barkadahan na tayo. Sabihan mo lang kami kung kailangan mo na ang tulong namin.”
Masasabi niyang hindi man siya naging masuwerte sa ilang
bagay tulad ng makahanap ng taong magiging katuwang niya sa buhay ay biniyayaan
naman siya ang mga kaibigan na kahit kailan ay hindi siya iiwan sa ere.
“Shoot!” Nakangiting wika niya.
Itutuloy:
38 comments:
Buti nalang maaga akong gumising at dumiritso dito :D
haaaa . Ang gondooo kuya zeke .
Brian ;):*;>
Francis -bon bon
Naman exciting tlga to... Ano kaya magiging role ng EROS na un... Hahaha... Boromero... Mag papasko na ilang days nlng khit konti give love...
Kuya Zekiel sana tuloy tuloy ung updated... Sana hnd ka masiraan ng ulo o tupakin... Hehhehe joke png po...peaced... Nice next na pls..:-)
biittttttiiiiiiinnnnnnnn >_<
lalabas na ba si Eros? ano itsura nya?
ipost na yan pogi =)
mukhang eros brian to....
pangz
Hehehe sir Z. Isa ba itong kilig serye story? Heheh nice..
parang hindi ... hahahahah
Wow... You are indeed back author.. This is one interesting story.. Ito ang mga namiss ko sa storytelling style mo.. Sa Prologue pa lang you already caught your readers' attention.. I wonder why you hibernated for so long, when you are a great writer.
Wow MIGZ!!! It's really you!! Akala ko hindi kana napapadpad dito sa blog ko. ^__^
Well, kailangan ko talagang mag-stop muna dahil sa pressure at stress. Nauubusan na kasi ang ng iku-kwento kaya nagpahinga muna ako.
Kainis! Na eexcite na ako sa series na to. :) hihi Next chapter pls. :D Love it!
naeexcite na nana ako sa story..^_^
pano kaya mainlove dito so Brian. Woot.
-PanCookie
Wow.. Sa flow palang ng kwento parang magiging kawawa pala ang role no eros dito na inosente naman pala mala claude-laurence lang. Cant wait. this is the type of plot that im very interested about yung kinakawawa ang bida ng love interests nya. I salute you! Kuhang kuha mo kiliti ko ^___^
#Chubbz
Naks,umpisa na ng paglalaro ni Brian,hahaha :D
Panibagong pag iintay na naman, at biglang mawawala si author
excited Zeke... kailan ang sunod/... hehehe sundan na agad... love it....
Maraming salamat guys! Di ko man kayo mare-replayan lahat, binabasa ko naman bawat comment niyo. He he
Kelan aman posting
nice! naguumpisa nang gumulong ang istorya.EXCITING!
wow... looking to read the second chapter.. hehehe
exciting!!! :)
Idol!! ilabas mo na si Eros... wag mo ng itago!! hahaha!!
go lang ng go!! :D
-Minion Jay
Wow, wow, wow...Intense ata ang story ngaun ni Zeke..Inspired ata, ganda ng plot ei...Anyway, Thank you for this new story...
gosh how i love it its makes mi crazy grrrr
woooaahhh!!!! ang ganda grabe
jubert co
i've been a silent reader for quite sometime but it doesn't change the fact that i'de become a big fan of yours.your stories are overwhelming!they're so astig sa kilig plus the fact that they're all having a happy ending.you never failed to put smile in our faces each time your story ends.and it gives us the feel to be loved.request lang kuya Z,sana makagawa ka ng may-deceber love affair plot from your series.wenks!hehehe!
shaks!late akong magcomment!haha...
Ang ganda ng takbo ng story!!me excitement agad!hehe..dpt wag akong malate sa susunod na chapter.^^
-monty
Thanks dto kuya Zeke! Go Brian! Salubungin mo ang pagbabalik ni Eros! XD
"Eros Drake Cuevas."
#mysteriousImage "soExcitedtoKnowMoreAboutHim #Ano
ngKwentoNya?
~Siguradong sasakit ang ulo ni boromeo este brian neto. Haha
~JAYVIN
woowwwwwwwwwwwwwwwwwwww.... dipa nagaganap kinikilig na talga ako... feel ko si eros ang magpapatino sa mokong na ito... sana kuya zekee ... magulat si brian sa fashion statement ni eros ngayon hahah!!! ----kj...... bago po ako rito, nahahalata kong nahihila mo po ako author sa mga stories mo.....
waahh.. wala pa man pero kinikilig na ako.. hehehe
super fan lang po.. hehehe
God bless.. -- Roan ^^,
wow!
iam marky
Yun na.. give love on Christmas Day! haha... sino kaya ma he head over heels sa mga bida hehehe..
cant wait for the update!kakaexcite!
Looks exciting!
Woohoo!!! Yun oh! Late na ako nakapagbasa :( pero its better late then never! Pinabilib mo na naman ako zekey!!! I miss the characters that i loved its good to have them back in action :) cant wait to see the twist and turns of this story! I'll ready chapter 2 now :) see u soon zekey...
pat
tagasubaybay
Nagsisimula pa lang ang storya pero maganda na ang tinatakbo ah!
hey brian you might be barking at the wrong three bro. chill lang.
I'm really an avid fan of this 7th Bar folks :)
my book 2 pla....ganda bg stories mo kua pti ung book 1 maganda hehehe.
renz. :)
Post a Comment