Thursday, August 8, 2013

Taking Chances Chapter 08





"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."





Salamat sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta.... Enjoy reading...






Things got a little hectic after Andrew and Juancho's vacation. Kinakailangang pumunta ni Andrew sa US para sa isang conference. Pagkatapos niyon ay nagtungo naman siya sa Australia para sa Fashion Week kung saan ay sumabak ang ilang modelo nila. Kasama dapat si Juancho roon pero sinabi nito na tambak ang ginagawa nito sa accounting firm.


Halos isang buwan din na bihira silang magkita ng binata dahil sa sobrang kakulangan sa oras . Mukhang abala nga rin ito. May pagkakataon nga na pinupuntahan niya ito sa unit nito ng dis-oras ng gabi dahil noon lang siya nakakauwi pero nakailang dorrbell na siya ay walang nagbubukas sa kanya. Hindi na niya ito tinawagan sa telepono dahil baka tulog na ito.



Nakasalubong niyo ito kinabukasan. Pasakay ito sa elevator nang bumukas iyon sa lobby. Mukhang kararating lang nito.



"Good morning" bati niya rito.



"Uy, good morning." Halatang pagod si Juancho.


"Overtime?" usisa ni Andrew.


"O-oo"


May pagdududang umahon sa dibdib niya. "Will you be free tonight? Just to hang out? tanong ni Andrew.


Sandaling bumakas ang pag-aatubili sa mukha ni Juancho. "S--sure. Tatawagan kita, ha? Medyo marami kasing inaasikaso , eh."


"Okay. Gotta go." Parang makakatulog na ito sa sobrang pagod kaya hinayaan na niya itong makasakay sa elevator.



He felt a sense of unease as he walked away. Hindi niya napigilan na lingunin ang lalaki. Nakita niya na may kausap ito sa telepono. Tumindi ang pagkabalisang nadarama niya.


This is the part I hate. Hindi sanay si Andrew na nahahalukay ang emosyon niya ng dahil sa lalaki, iyong hindi niya matukoy kung may nagawa ba siyang mali o kung may itinatago ba ito sa kanya. Totoo nga talaga ang kasabihan na kung sino ang kayang magbigay ng matinding kasiyahan sa isang tao ay siya rin mismo ang may kakayahan makasakit din damdamin o magdulot ng matinding kalungkutan.


Haven't you learned that a long time ago? Hindi ba at iyon ang rason kung bakit pinili niyang dumistansya sa mga lalaking nakikilala niya.


Guys are for fun and games. It's better that way. Hindi man naglubag ang kalooban niya sa naisip niyang iyon ay napanatag siya kahit papaano. He was back on the track.



*     *     *     *     *

Kahit kailan yata ay hindi mag-eenjoy sa ingay ng ganoong mga salusalo si Juancho. But he learned to live with it. Kasama sa trabaho niya, to see and be seen. Iginigiit iyon ni Andrew. Isa pa, ito ang kasama niya kaya okay lang sa kanya.


Nasa kainitan na ang party. Kung makapagsayaw ang ibang mga bisita ay parang mga lasing o bangag na ang mga ito. May ilang magkakapareha na kahit na mabilis ang tugtog ay parang sweet music pa din ang sinasayaw.


Kumuha na dalawang baso si Juancho mula sa naglalakad na waiter. Iniabot niya nag isa kay Andrew na kinuha naman nito. Itinaas nito  sa direksyon niya bago ito sumimsim mula roon.


"You look great." Nagniningning ang mga matang habang nakatingin kay Juancho.


"Dapat lang. Napakagwapo ng kasama ko, eh," ganti naman ni Juancho.


"At marunong ka nang mambola ha?" ang hagikhik ni Andrew. "I like it."


"And I like you." Inabot ni Juancho ang kamay ni Andrew para dalhin iyon sa bibig nito. Pero bago pa niya magawa iyon ay may lumapit sa kanila.


"Andrew, darling it's been a while." May edad na ginang na posturang postua ang lumapit sa kanila.


"Tita Cely!" bulaslas niya. Nakipagbeso beso ito. Sa pagdating ng isang grupo ng mga bisita ay napahiwalay si Juancho kay Andrew. May isang babae na kasama sa bagong dating ang mukhang nakakilala sa kanya at hinila siya nito. Sanay na si Juancho sa ganoon pero papalag pa sana siya para bumalik sa kinaroroonan ni Andrew pero ng lingunin niya ito ay hindi na niya ito nakita. Marahil ay tinangay na io ng kausap. Kaya bantulot na lang siyang sumama sa humila sa kanya.


"Will you look at yourself?" Ngiting-ngiti ang babae. Pagkatapos siyang dalhin nito sa bahaging malapit sa pool. Pinasadahan din siya ng tingin nito.


"Bakit?"


"Well, Juancho if you already forgotten, magkasama tayo doon sa makeover session sa The Fort. Ako iong kawawang nilalang na panay ang tili bang wina-wax."


Naalala ni Juancho ang pangyayaring iyon. Pinapunta siya ni Andrew sa suki nitong salon para baguhin ang hairstyle at color niya at para na rin sumailalim siya sa ibat-ibang treatments ng buhok at balat. May nakasabay siyang babae na bigla na lang sumigaw.


"Fisrt time magpa-wax, " tumatawang sabi ng attendant na nag-aasikaso sa kanya.


Tumingin sa kanya ang babae, pinilit ngumiti kahit napapangiwi pa. Nagkwentuhan sila, nagbiruan tungkol sa torture na handang suunging diumano ay  mga banidosong kagaya nila.



"Kasama sa trabaho eh," paglilinaw niya. Ayaw niyang isipin nito na banidoso siya. Noon niya nalaman na modelo rin pala ito.



"Lyka?" Natandaan niya ang pangalan nito.



Tumango ito.


"Nice to see you again. Ibang-iba na rin ang itsura mo, ha."


"I think compliment iyon," sabi nito. "Thnaks, marami ka nang projects, ah. Nakita kita doon sa launch ng Bench at saka sa isang event ng Swatch."



"Naandoon ka ba?" tanong ni Juancho.



"Gueast lang ako, hindi talent. Mas sa ibang bansa ako nabu-book" sagot naman ni Lyka.


Mapapasarap pa siguro ang kwentuhan nila ni Lyka kung hindi lumapit dito ang isang lalaki at hinapit ito sa baywang. Ipinakilala sila ng dalaga ng lalaki sa isat-isa, saka nagpaalam ang mga ito sa kanya.


Iginala ni Juancho ang paningin para hanapin si Andrew. Napatda siya sa tagpong natanaw sa bar area. May kausap itong isang lalaki. Sanay na siyang makita ito sa ganoong sitwasyon pero hindi niya maiwasang mag-init ang ulo dahil parang sobrang lapit ng mukha ng lalaki sa mukha ni Andrew.


Napansin niya na bahagyang umatras is Andrew pero isinunod pa rin ng lalaki ang mukha nito. And then his hand grazed Andrew's arm. Umusok na ang ilong niya.


Kalma lang. Ayaw niyang gumawa ng isakandalo at baka maging laman pa siya ng tabloid.


Andrew felt light and giddy. Pero hindi iyon hatid ng kalasingan. Sigurado siya roon dahil hindi pa nga niya nauubos ang inuming iniabot sa kanaya kanina ni Juancho. Masaya lang siya. Sa sobrang sya, para siyang lobong lumulutang lutang sa hangin. Ang hindi lang niya matukoy ay kung bakit.


Well, you're with a very handsome guy, a man all those women and gays are salivating over. That's enough reason to be happy, right?


Hindi na niya iginiit na dati rin naman siyang may nakakasamang mga lalaki na kasing gwapo or minsan ay mas lamang pa ang itsura kay Juancho.


But he's different. Not only was his creation, he was really a breed apart from the guys he had been with.


Para nga itong alien na napdpad sa mundong ginagalawan niya. Naging mas gwapo at mas poised lang ito pero nananatili pa din ang dating ugali nito. He remained nice and sweet with that touch of shyness that he ound so charming. Kung papanoorin lang ang kilos nito ay aakalain na nag-uumapaw ang kumpiyansa nito sa sarili pero kapag nakausap na ito ay saka matutuklasan na napaka-down-to-earth nito at tila ni indi naniniwala sa mga papuring natatanggap nito. A guy like that was a rare one in the world he lived in. And it was just his luck that he seemed to want to be with him, too.


Napahiwalay siya kay Juancho kanina nang dalhin siya ni Tita Cely sa kinaroroonan ng mga kasama nito. Nakilala niya ito sa modeling agency na pinagtatrabahuhan niya noon bilang dakilang alalay. Ang pagkakaalam niya ay nag-abroad ito pagkatapos makapag-asawa ng isang Canadian. Dumalaw lang daw ito sa ilang kamag-anak at nayaya sa pagtitipon na iyon ng isang kakilala.


Nang humiwalay na siya sa mga ito ay hindi niya agad nahanap si Juancho. Kumukuha siya ng inumin sa bar ng lapitan siya ng isang lalaki. Nakilala agad niya ito. Si Brent. Dati itong naging model sa Equinox pero lumipat sa ibang ahensya sa kalaunan.  Isang fitness center na raw ang pag-aari nito ngaun.


He was flirting with him and he was used to that. He even used to flirt back with the guys who do that. Used to. Matagal-tagal na niyang hindi ginagawa iyon. Mula nang... nang maging close sila ni Juancho. And it just felt like the right thing to do.


"How 'bout we go someplace more quiet?" suhestiyon ni Brent.


Bumalik lang ang atensyon ni Andrew sa kausap niya nang mapansin niyang nasa harap na niya mismo ang mukha nito. "I don't think so." Umatras siya palayo pero sumunod ito.


"Come on. I'd make sure you have a good time." Hinaplos pa nito ang braso niya.


Bago pa siya nakasagot ay may humila na palayo sa lalaki. Napasalya ito sa sahig at natapon dito ang inumin nito. Natigilan ang mga nasa paligid nila. Agad na tumayo si Brent at inundayan ng suntok ang humila rito.


"Juancho, no," bulaslas ni Andrew nang makita kung sino ang dumalo sa kanya. Nalingat ito kaya hindi naiwasan ang suntok ni Brent. Sumadsad ito sa sahig. Nang tumayo si Juancho ay inatake naman nito sa sikmura si Brent.


"Stop it, you two." Pumagitna na siya sa mga ito para matigil ang kaguluhan. Nasa kanila na kasi ang atensyon ng mga bisita sa pagtitipon na iyon.


Mabuti na lang at nawat niya ang mga ito. May humila kay Brent palayo samantalang siya naman ay humarang kay Juancho.


"Let's just go," sabi niya sa binata.


Hindi naman ito tumanggi. Parang nauunawaan nito na hindi na ito dapat gumawa ng kahit anong makakakuha ng atensyon ng ibang bisita, nanahimik ito hanggang sa makarating sila sa labas ng venue.


"Sino ba kasi ang lalaking iyon?" tanong ni Juancho kay Andrew ng makasalakay sila sa kotse. Parang iritadong iritado ito.


"Dati siyang modelo ng Equinox."


"Ah.. okay. Isa ba siya sa mga naging fling mo?"



"No." matigas na sagot naman ni Andrew.


"Ba't ganoon siya umasta?"


"He's a jerk, that's why. Eh, ikaw, ba't ganyan ka umasta?" Naiinis si Andrew na pinapagalitan siya ni Juancho na para bang kasalanan niya ang ginawa ni Brent.


"Ano mali sa asta ko? Ano pal ang dapat na ginawa ko? Hinayaan ko na lang siya kahit binabastos ka na niya? asik naman ni Juancho.


"I was about to leave him anyway. Tapos umentra entra sa sa eksena." Hindi siya nagagalit na dinaluhan siya nito. In fact, he found the guesture quite touching. Naiinis siya na nagkaroon pa ng komosyon at sila ang sentro niyon. Malamang na laman sila ng balita bukas. Mantsa iyon sa reputasyon niya, pati na rin ni Juancho. Mapapasama na lang siya sa balita, hindi pa maganda.


Great. Just great, sa loob loob niya.


"Ano pala dapat ko ginawa? Ang manahimik na lang? Hayaan ko na lang na kaladkarin ka papunta kung saan?"


"So what if he did? He wouldn't--"


"So what if he did? Wow, sorry ha? Nanirang diskarte pa pala ako. Pagpasensiyahan mo na ang katangahan ko." sabi ni Juancho.


He wouldn't have succeed anyway. Iyon ang dapat na sasabihinniya pero inunahan na siya ni Juancho sa pagsasalita. Now he was starting to get more pissed off. Bakit ba kung magsalita ito ay parang may karapatan ito na diktahan ang kilos niya?


Ano ba tayo ha? tanong ni Juancho.


Hindi siya umimik. Hindi sa ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon kundi dahil hindi niya alam ang isasagot. Ano ba ang gusto niya na maging uganayan nila ni Juancho?


He was content simply being with him, having him in his life. Masaya naman sila sa ganoon kaya bakit ngayon ay parang gusto nitong ibahin iyon?


"Bakit kailangan mo pang itanong iyan?" sagot ni Andrew. "Bakit hindi ka makuntento kung anong meron tayo?"


"Dahil hindi ko alam kung ano ang meron tayo." anito sa patag na tinig nito pero halatang nagtitimpi lang.


"Okay naman tayo, di ba?" Hinawakan ni Andrew ang braso nito. Nahihinuha niya kung ano ang gusto nito pero ang hindi alam ay kung gusto ba niyang pumunta roon.  Sa halos buong buhay niya ay wala naman siyang nakilalang lalaki na may kakayahang ibahin ang pananaw niya na iyon. Ngayon pa lang kung sakali. But then, why rock the boat? Things had been working so well with them.


"Ikaw siguro okay, pero ako, pa--parang hindi na." sagot ni Juancho


"Ano pala gusto mo?"


"Ano bang kaya mong ibigay?" balik na tanong ni Juancho.



Nagpakawala ng marahas na hininga si Andrew. "I can't believe you're even asking me that. Ni minsan ay hindi ako nag-demand sa iyo ng kahit ano. Pero ikaw, bakit bigla na lang ay nagkakaganyan ka?"


Kahit madilim sa loob ng sasakyan ay kitang kita niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Juancho. Napakahigpit ng pagkakakapit nito sa manibela.


"Look, hindi ko pinlano na maging ganito tayo. What I mean is, I don't even know what I feel for you," matapat na sabi ni Andrew. Nalilito siya dahil ang mga nadarama niya para dito ay hindi pa niya naramdaman kahit kanino. Medyo natatakot na nga siya kung minsan dahil may hinala siya kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon.


Ano bang mali sa akin at parati na lang akong inaayawan ng mga lalaking mahal ko? Naglalaro sa diwa niya ang pagdaing na iyon ng mommy niya sa mga kaibigan nito na kainuman nito tuwing magdadalamhati ito tuwing iniiwan ito ng mga naging nobyo nito. He could understand the misery, the feeling of utter rejection that his mother must be feeling. Naranasan na niya nag tanggihan. Sa murang edad niya ay tumagos nang husto sa kanyang puso ang sakit ng pagtatwa sa kanya ng sariling ama. And he never wanted to be in a position where he could get hurt that much again.


"Okay." sabi ni Juancho. Kapagkuwan ay binuhay ang makina ng sasakyan.


"What do you mean 'okay'?" hindi ni Andrew maintindihan iyon.


"Okay, alam ko na ang sagot."



...itutuloy


1 comments:

kimbelnel said...

ang bigat

Post a Comment