Friday, August 9, 2013

Skyband: Emman Flint Chapter 01



Cover Created by: Jojimar
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Panibagong pakikibaka at pakikipaghantuhan sa mga sira ulo. Heto na naman ako mga kabayan sa mga kalokohan ko. Ang pangatlong series na gagawin ko na pinamagatan kong “Skyband”. Ang k’wentong ito ay maglalaman lamang ng sampong (10) Chapters para hindi kayo masyadong mainip sa paghihintay. Sana ma-enjoy niyo ang k’wento!!!!



Salamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa mga k’wentong gawa ko. Sana sa bagong series na ito ay muli ko kayong mapatawa at ma-inspire. Para sa inyong lahat ito!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.







“Maraming bagay ang nangyari sa loob lamang ng ilang buwan.” Ang napabuntong hiningang wika ni Charls habang ang kanyang mga mata ay nasa apat na lalake na naka-upo sa isang mesa di kalayuan sa kanyang kinatatayuan – sa bar counter  ng isang bar kung saan siya ngayon naroon.


May roong pagdadalawang isip at pagtatalo sa kanyang kalooban sa mga oras na iyon na siyang dahilan kung bakit animoy pinagsakluban siya ngayon ng langit at lupa. Alam niyang ang buhay ng tao ay nakadepende sa desisyon na gagawin nito subalit sa kanya, napakahirap ng kanyang pinagpipilian. He’s torn between his profession and what his heart desires.


Muli siyang napatitig sa apat na lalaki, at sa mga oras na iyon ay awtomatikong dumapo ang kanyang tingin sa lalakeng tahimik lamang na nakikinig sa pagkukulitan ng tatlo. Muli niyang naramdaman ang pamilyar na damdamin sa kanyang puso.


“Bakit ko nga ba ginagawa ito? At kailangan ko ba talagang mamili?”


SKYBAND: Emman Flint
The Cold hearted Drummer


“Glad that you’re here Charlie Santillia. I have a new project for you and I’m pretty sure that this time, it will excite the hell out of you.” Nakangiti’t puno ng exicitement na bungad kay Charls ng kanyang bestfriend-cum-mentor na si Laarmie.


Pinaningkitan niya ito at pasalampak siyang naupo sa kaharap na upuan ng mesa nito.


“At ano na naman `yan? `Wag mong sabihing isang psychopath rape victim girl turned into a popular singer na naman iyang ibibigay mong trabaho sa akin. Diyosko naman Armie, maawa ka naman sa akin. The last time na gano’ng project ang ibinigay mo, muntik na akong maputulan ng ulo! “ Eksaharada pa siyang napahawak sa kanyang leeg na animoy hindi makapaniwalang nakadikit pa iyon sa kanyang katawan.


Isang nakakabinging halakhak ang pinakawalan nito.


“It was not my fault.” Ang wika nito habang maluha-luha sa pagtawa. “Malay ko bang iyon ang magiging reaksyon ng babaeng iyon pagkatapos mong isawalat sa madla ang kanyang pinakatatagong sekreto.”


Napangiwi siya. Sa dinami-rami ng trabaho sa mundo, bakit nga ba siya nauwi sa isang klase ng trabaho na kailangan niyang makipag patintero kay kamatayan? Isa siyang journalist hindi isang suicidal ngunit hindi talaga maiiwasan sa kanyang trabaho na may masasagasaan siyang tao. 


Ang mangalap ng impormasyon at gumawa ng pasabog sa mga tabloids patungkol sa mga sikat na singer at banda ang kanyang trabaho. Noong una ay gusto niya iyon lalo na kung mga hunky boylet ang kanyang subject pero kapag hindi nagugustohan ng mga ito ang kanyang mga isinusulat, ay katakot-takot na pagbabanta naman ang kanyang natatanggap. At ang huling hinawakan niya ay hindi na pagbabanta ang ginawa kung hindi pinagtangkaan na siyang patayin.


Muli niyang pinakatitigan ang kaibigan na sa mga oras iyon ay halatang hindi pa rin nakaka-recover sa pagtawa. Napabuntong hininga siya.


“I don’t think I will take the job this time.” Sabi niya ng walang pag-aatubili dahilan para maging seryoso ang anyo ng kausap. “Actually, kaya ako narito ngayon not because of your call last night. I’m here because I wanted to ask for a vacation. Ibayong trauma ang dala sa akin ng last project ko. It gave me nightmares.”



“Oh, c’mon Charls, ano ba ang bago? Protesta nito.


Napikon siya. Bakit pakiramdam niya ay hindi ito nakikisimpatya sa pinagdaanan niya? Kaibigan ba talaga ang tingin sa kanya nito?


“Bago ba kamo? Gusto mo ng bago? Heto ang bago. Muntik na akong mapatay Armie. Kung death threats lang, eh, keri kung i-handle. Pero this time, literal akong tinutukan ng kutsilyo, girl. And God knows how it scares the gayness inside me!  Kaloka!”


“Eh, buhay kapa naman di ba?”


Binigyan niya ito ng madilim na tingin.


“At ano ang gusto mo? Hintayin kong mapatay muna ako bago mag-react ng pagka-bongga-bonga? Ah, basta, hindi ko tatanggapin `yan. Sa ibang minions mo na lang ibigay iyang project na `yan. Magpapahinga ako at wala kang magagawa kung hindi ang pagbigayan ako. Period!” Ang agad niyang pagtatapos ng usapan.


“Sigurado ka ba talagang ayaw mo? Paano kung sabihin ko sa’yong isang banda ngayon ang subject mo at lahat ng meyembro nito ay pasok sa panlasa mo?"

Pambihira talaga itong boss niya. Wala talaga sa bukabolaryo nito ang salitang sumuko. No wonder sa batang edad nito ay asset na ito ng kumpanya bilang editor-in-chief.


“Drop it Armie. Nakapag-decide na ako kaya hindi mo na ako madadala sa mga bribery mong iyan sa akin. Kahit kamukha pa sila ng ultimate crush kong si Markus Iñigo ay hindi ko tatanggapin ang project na iyan.” Tugon niya rito saka siya tumayo na para tunguhin ang pinto. Pero di pa man siya nakaka-ilang hakbang, nang biglang mapalingon siya sa kanyang kaibigan na sa mga oras na iyon ay nakaguhit na ang mapanuksong ngiti sa mukha nito.


“Oh, God!” Ang napatuptop sa bibig niyang sabi at di naiwasang mapatili.


Ngising nakakagago naman ang itinugong reaksyon ng kanyang kaibigang si Armie.


“Yes girl! Finally! Nagawan ko na ng paraan ang matagal mo ng ini-re-request sa akin. Your subject will be the number one band in this generation, girl! The Skyband!”





Hindi makapaniwala si Charls sa nakikita ngayon. Ang bandang ilang Lingo niyang pinaghirapang hanapin ay sa wakas abot tingin na niya. Tama ang kanyang kaibigang si Armie. Sobra ngang mailap sa mga taong konektado sa midya ang mga ito dahil talagang nahirapan siyang makakuha ng lead sa kinaroroonan ng banda.


“Sa wakas!” Ang napapatili’t nanggigigil niyang naisambit. “Hintayin mo ako Markus my love! Makakadapuang palad mo na rin ang itinadhana para sa’yo.”


Sumabak siya at nakipagsiksikan sa mga taong sa mga oras na iyon ay nagkakagulo habang nagpi-perform sa ibabaw ng mini-stage sa isang mall ang bandang hinahangaan ng lahat – Ang Skyband. Sumikat ang banda hindi lamang sa galing ng bokalista at mga myebro nito kundi pati na rin sa angking kaguwapohan ng mga  ito. Good looks paired with great talent. Iyon ang mga myebro ng Skyband.


“Ang gu-gwapo talaga nila!” Ang tumitiling wika ng isang babae na kung hindi siya nagkakamali ng tingin ay ilang segundo na lang ay mahihimatay na sa ibayong saya.


“At ang gagaling pa! Lalo na si Tommy ko! Marinig ko lang ang boses niya, para na akong ipinaghehele ng isang anghel.” Ani naman ng kasama nitong effem.


“Mas magaling si Emman ko. Ang sarap niyang tingnan sa likod ng drums. Para siyang sinadyang linikha ni Lord para tumugtog n’yon. At kapag siya ang nakaupo roon, the drums sounds are soothing to my ears. Parang tinutunaw ng tunog niyon ang puso ko.”


“Mga etchuserang `to. Hindi na nakontento sa pakikinig, talagang pinagnasaan pa ang mga babies ko. Oh well, buti na lang at hindi si Markus my darling ang pinagnanasaan nila’t talagang makikipag gyera ako dito.” Ang pabulong sa hangin niyang naisambit. But he can’t deny the fact na tama ang mga ito sa mga binigay na papuri sa mga myembro ng grupo.


Sa kanyang paghahanap sa mga ito ay napag-alaman niyang galing mismo sa probinsiya kung saan siya ngayon naroon nagsimula ang Skyband. Nalaman din niya mula sa kanyang mga trusted source na nabuo ang bandang iyon college pa lamang ang mga meyembro nito.


Tinanggap niya ang trabahong ibinigay sa kanya ng kaibigan sa dalawang rason. Una, para makadaupang palad ang lalaking laman ng kanyang mga pantasya simula ng makita niya ito at pangalawa, dahil na rin curious siya sa katauhan ng bawat meyembro nito. Ngunit, too late para ma-realize niya na hindi pala basta-basta ang gagawin niya. Ayon sa kanyang editor-in-chef-cum-best friend na si Armie, mailap sa mga journalist, reporters at kung anu-ano pang konektado sa midya ang mga ito.


“Three months.” Wala sa sarili niyang naisambit habang tutok ang kanyang mga mata sa mga ito. “Now I know why.” Napabuntong hininga siya.


“Maraming salamat!”


Bigla siyang nabalik mula sa malalim na pag-iisip ng marinig niya ang nagsalita na sinundan ng hiyawan ng mga taong naroon. Tapos na pala ang set ng mga ito at senyales iyon para kumilos na siya. Pero bago pa siya makagalaw mula sa kinatatayuan ay biglaang nagkagulo ulit ang mga taong naroon.


“Aray! Ano ba!” Hiyaw niya nang maramdaman niyang may tumapak sa kanyang paa. Kasunod niyon ay naramdaman naman niya ang pagtulak  sa kanya ng mga tao mula sa kanyang likuran. “Oh, God!”


Ang sunod na nangyari ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na napapagitna sa mga tao at sa bungad ng mini stage. Sinubukan niyang ilayo ang sarili pero talagang malakas ang pwersa ng pagkakatulak ng mga tao sa kanyang likuran. Naiipit na siya at nasusubsub na ng husto. Hindi na rin niya magawa pang makasigaw.


‘Diyos ko! Dito na yata ako mamatay!’


“Hey!”


Nakuha ng kanyang pansin ang baritonong boses na iyon dahilan para mapaangat siya ng tingin. Agad na sumalubong sa kanya ang isang lalake na kunot ang mga noo habang nakalahad sa kanya ang kamay nito.


“Saka kana makipagtitigan sa akin. Abutin mo na ang kamay ko bago kapa masaktan ng husto.” Ani nito sa kanya sa tila iritadong boses.


Bigla siyang natauhan at mabilis na inabot ang nakalahad nitong kamay. Saka siya nito hinila paakyat ng stage at nang tuluyan na nga siya nitong maisalba, ay siya namang panlambot ng kanyang mga tuhod dahilan para mapaupo siya.


“Thank ––”


“Sa susunod, para hindi ka mapahamak, sumunod kayo sa sinasabi ng crowd control officer na hindi pwedeng dumikit malapit sa stage.” Putol nito sa kanya saka ito bumaling sa ibang dereksyon. “Mauuna na ako sa sasakyan.”


Pansamantala siyang nabusalan sa kasupladuhan nito. Gaganti na sana siya when he realize kung nasaan siya at  kung kanino ito nagpaalam.


“M-Markus…”


“Pasensiya kana kay Emman, gano’n lang talaga ang ugali ng isang iyon. Ayos ka lang ba?”


Wala. Biglaang umatras ang kanyang dila nang mapagtanto niya kung sino ang kaharap. Ang tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito at ngayon nga iyon nagkaroon ng katuparan.


“Hindi ka naman siguro nasaktan di ba?” Muling pakikipag-usap nito sa kanya habang nakaguhit dito ang isang napakagandang ngiti.


“Heaven….” Wala sa sarili niyang naisambit.


“Huh? Ano kamo?”


Maski ang boses nito ay nagsasabi kung gaano ito ka-g’wapo. The man of his polluted dreams. Ang lalaking pumukaw ng kanyang may pagka-choosing puso ay kaharap niya ngayon. At mas guwapo pa pala ito sa personal.


“Are you ok?” Muling pukaw nito sa kanya may pagaalala na sa mukha nito.


“H-Ha? Ah…. Y-Yeah! Yeah! Okey lang ako.” Natilihan niyang sabi.


Tila hindi ito kumbinsido subalit dahil marahil sa nagkakagulo pa ring mga tao ay hindi na siya nito inusisa pa. Sa halip, ngumiti ulit ito sa kanya.


“Mabuti naman kung gano’n.” Ani nito sabay lahad ng kamay. “Here, let me help you stand.”


Walang pagdadalawang isip niyang tinanggap ang kamay nito.


Oh, God! Kung alam ko lang na sa ganitong paraan lang pala ako makakalapit kay Markus may love sana kanina ko pa ipinahamak ang sarili ko.’ Ang piping wika niya sa kanyang sarili habang hindi magkamayaw ang kilig na kanyang nararamdaman nang makadaupang palad niya ito sa wakas.


“Markus, tara na.” Pagtawag dito ng isa sa mga kabanda nito na kung hindi siya nagkakamali ay ang base na si Lexin.


“Paano, kailangan na naming umalis. Pasensiya kana ulit kay Emman. Sana hindi mo kami pagsawaang suporthan.”


Bago pa siya makatugon ay tuluyan ng nawala sa kanyang harapan ang gwapitong laman ng kanyang mga pantasya sa mga nagdaang buwan at araw. Ang kanyang irog na personal niyang napatunayan na pwedeng ihelera sa mga santo sa sobrang kabaitan.


Kinikilig na pinanggigilan niyang amoy-amuyin ang kamay na kanina lang ay hinawakan ni Markus Iñigo. Ngayon, tuluyan na niyang masasabi na hindi niya pinagsisisihan na tinanggap niya ang trabaho.





Kinagabihan ay hindi pa rin makapaniwala si Charls na nangyari nga ang nangyari sa kanya kaninang hapon. Parang tangang nakatitig siya sa kanyang palad kung saan lumapat ang malalambot na kamay ng kanyang pinapantasyang si Markus.


“It’s my lucky day indeed.” Kinikilig niyang sambit. “Isang napakagandang simula ito ng aking pakikipaghabulan sa mga boylets na iyon. But come to think of it, ano nga ulit ang pangalan ng supladitong tumulong sa akin?”


Sinubukan niyang balikan sa kanyang ala-ala ang pangalan ng lalaking tumulong sa kanya.


“Emman.” Pagsambit niya sa pangalan nito ng maalala niya. Agad niyang kinuha ang kanyang Tablet –ang isa sa mga susi para mapagtagumpayan niya ang lahat ng proyektong ibinibigay sa kanya ng kanyang butihing editor-in-chef. Ang gadget na naglalaman ng lahat ng mga impormasyon na kanyang nakalap sa bawat subject niya. Hinanap niya doon ang file ni Emman.


“Emman Flint pala ang pangalan niya. Siya ang drummer sa grupo at talagang may pagka suplado pala ang isang `yon. Sayang, guwapo sana siya kung bumait-bait lang siya ng konte at iwasan niyang gawing hobby ang pagsu-suplado. Mukhang sa kanya ako mahihirapang makakalap ng impormasyon.”


Ang kanyang assignment ay ang kumalap ng interesanteng impormasyon patungkol sa mga meyembro ng mailap na bandang Skyband. Ayon kay Armie, mas makakabuti sa kanya kung itatago niya ang kanyang tunay na pakay. Mas mainam daw kung makakagawa siya ng paraan para mapalapit sa mga ito na hindi nalalaman na isa siyang journalist na nagsusulat sa mga dyaryo. Syempre akala niya imposible iyon lalo pa’t naging laman din siya ng mga telebesyon at dyaryo nang muntik na siyang mapatay ng huli niyang subject. Subalit nakakita siya ng pag-asa nang malaman niyang wala ang mga ito sa bansa nang mangyari ang kanyang wala sa oras na pagsikat. Nasa Singapore kasi ang mga ito para sa pinakaunang asia tour ng banda na isa sa mga pribileheyong nakuha ng mga ito nang manalo sa isang band competition na pinangunahan ng isang sikat na music channel.


“Pero paano nga ba ako makakalapit sa mga iyon? Kung babae lang siguro ako, baka posible pa. Pero…” Napatingin siya sa kanyang repleksyon sa glass wall ng restaurant na kanyang kinaroroonan. Hindi naman siya pangit. Infact, sabi ng mga katrabaho niya at mga kaibigan ay mukha raw siyang anghel. He’s a man whos been gifted with a beautiful face na bumagay sa kanyang seksuwalidad.


Ipiniling niya ang kanyang ulo. Hindi siya dapat nag-iisip ng kung anu-ano. Naniniwala siya na hindi isang kahinaan ang kung ano mang seksuwalidad meron siya. Nasa tao iyon kung papaano nito dadalhin ang sarili. At iyon ang nagustohan ng mga kakilala niya sa kanya. Bakla man siya sa kilos, pananalita at galaw, siniguro naman niya na hindi ilagay sa kahihiyan ang sarili kaya inererespeto siya at hinahanggan ng ilan.


“Your order sir.” Pag-agaw ng kanyang pansin na wika ng waiter. Napatitig siya sa mukha nito.


‘In all fairness, hindi lang pala sa Maynila nagkalat ang mga biniyayaan ng magandang hitsura.’ Wika niya sa kanyang sarili.


“Thanks.” Magiliw niyang tugon rito na sinamahan pa niya ng isang lumalanding ngiti. Mukhang epektibo naman iyon nang tumugon ang waiter sa kanya ng isang malanding tingin bago ito tumalikod at iniwan siya.


Habang mag-isang kumakain ay hindi pa rin maiwasan ni Charls kung ano ang susunod niyang magiging hakbang. Napag-alaman niyang mananatili sa lugar na iyon ang bandang kanyang sinusubaybayan habang pinag-iisipan pa ng mga ito ang paggawa ng album sa isang recording company sa Maynila.  Alam niyang iyon lamang ang kanyang pagkakataon.


Muli niyang tinawag ang waiter na kanina pa niya nahahalatang nakatingin sa kanya.


“Ano po iyon sir?” Ani nito ng makalapit.


“Balita ko, sa lugar na ito nagsimulang sumikat ang bandang Skyband. At may nakapagsabi sa akin na sa tuwing nababalik daw sila rito ay may isang bar silang tinutugtugan. Alam mo ba ang bar na iyon?”


Napatitig ito sa kanya at hindi na bago sa kanya ang uri ng tingin nito.


“It’s not my way of asking you out. Pero kung talagang alam mo kung saang bar sila tumutugtog, hindi naman siguro masama ang ideyang meron ka ngayon sa isip mo. Bago lang ako sa lugar na ito and it would be a great help for me kung mayroon akong kasamang tulad mo na may alam sa lugar na ito.”


Ngumiti ito.


“Bukas pa ho ako sir available, eh. At sa pagkaka-alam ko, bukas din sila tutugtog sa bar na iyon.”


“So ibig sabihin ba niyan, eh, bukas ko pa malalaman kung saan ang bar na iyon?” He tried to sound casual kahit medyo na excite na siya. Pero hindi nakatakas sa kanya ang naiibang tingin na iyon ng waiter.


Umabot ito ng tissue na nakapatong sa kanyang mesa at humugot ng ballpen mula sa likurang bulsa nito.


“Heto po ang number ko, sir.” Ang wika nito na nilakipan pa ng isang mapanuksong ngiti.


Isang hilaw na ngiti ang ibinalik niya rito kasabay ng pagtanggap niya sa ini-abot nitong number. Hindi talaga maiiwasan na may ilang tao pa rin na sobrang baba ng tingin sa mga katulad niya at isang mapagkakakitaang nilalang.


Men! Piping naibulalas niya sa kanyang isipan.


“Sige, tatawagan na lang kita bukas.” He said to dismiss him. Wala siyang choice. Isa siyang estranghero sa lugar na iyon, kailangan niya ang tulong nito.






Itutuloy:

22 comments:

Unknown said...

hahaha ito na simula ng pakikibaka ni Charls! Thank you dto kuya Zeke ;*

PS- Charls ako alam ko kung san yung bar haha nasa downtown area at 7th jazz acoustic bar ang name at ang humahawak dito ay si Red,the hero :p

LYRON SANTOS said...

papa papa paparazzi!

archerangel said...

good start on the 3rd series Zeke :D

ngayon lang ako nakapacomment ulit and I've been adoring your series since I began reading The Right Time :D sobrang kwela at cute ang mga characters mo. I could say that your stories are so ideal to be impossible in real life but these are the kinds of fantasies that I want to keep on remembering whenever I have to deal with the harshness of real life (yikes... gumaganon... hehe..) and sarap nyang balik balikan.. and if I must say.. it would be nicer if you will not limit yourself to 10 chapters kasi feel ko na sobrang marami kang maieexpres sa mga stories mo. I wont mind waiting for your next chapter naman... hehe.. still if 10 chapters lang cya then thats okay coz im sure they will still be awesome :D

again... keep up the good work sir author... kudos to you and for the next chapters

-archerangel

Anonymous said...

Like!!

I love all of your Stories kua Zeke.

This one is interesting. ^^,
More powers.

-PanCookie

Anonymous said...

<3 it!


ang galing talaga ^_^

Anonymous said...

hey zekie! Nice way to start your new series.

- Poging Cord

Anonymous said...

great start poy!so charles will be the story teller? hahaha umextra agad si markus ah!
makki

Anonymous said...

Eto na naman ako... nasabi ko na sayo personally ang view ko about this zekey :)
I will wait for the succeeding chapters!!!

Pat
Tagasubaybay

robert_mendoza94@yahoo.com said...

welcome! sa story ng SKYBAND, ang bagong nating aabangan. he he he. tnx ZILD!

chie said...

May Skyband na! Akala ko last week pa ng Aug lalabas eh. very much excited for this series! can't wait! :)

Anonymous said...

Great start kuya zeki! Ang cute lang ni Charls "Bet" Ko sya! Haha sana sila ni markus partner dito. :)

~~JAYVIN

Anonymous said...

hehe :) bagong susubaybayan ko zild..

-Emman

Anonymous said...

ang cute ng story!!^^
me kilig factor!haha..me bago nnmn aqng susubaybayan..thanks mr.author!;)

-montee

Anonymous said...

nice start galing............ras

Anonymous said...

Weeeeee!!! thnx kuya zeke! :D

Unknown said...

Nice start! May dating agd!

Anonymous said...

Hi! This is my first tym n mgbsa ng gawa ni zeke. Gusto q bsahin ung tdbm kya lng tlga me prolema s table of contains.


Zildjian said...

Ano po ang problema ng Table of Contents? Na check ko siya ngayon, gumana naman siya.

jaycee mejica said...

Emman Flint at Charls na pamintang durog :)) Nice pairing isang cold hearted at isang loud na tao :))) Yieee mabuhay ang mga pamintang durog :) !

Anonymous said...

kuya, kelan po ung next update mu dito sa story mu? tnx! excited much ako sa next chapter.. hehe!

Unknown said...

"Like all Zek's stories all are awesome.. Im hoping to read the next chpater... lahat ng story mo tumatak sa utak ko.. its like real memories... hahaha.. Thanks for giving hope in all of us who seek partners for life :) "

JK

Anonymous said...

Wala pang update? :(

Post a Comment