Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
FB Group: facebook/ZildjianStories
Author's Note:
TDBM Finally reached its end. Hindi ko siguro magagawa ang lahat ng ito kung hindi sa suportang ibinigay niyo sa k’wento ko. I even lost my drive to write dahilan para matagalan ako bago muling masundan ang mga chapters nito pero kahit buwan ang binilang, hindi pa rin kayo nawala mga paps. Salamat talaga ng marami sa suporta niyo.
Lawfer – Salamat sa pagpapa-disturbo mo sa akin sa tuwing kakailanganin ko ang taga proofread. Gumanti ka na lang sa akin sa susunod! Hehe
Anonymouse/Silent Readers – Yow guys! Thank you sa pagbabasa ng mga k’wento ko. Hanggang sa uulitin!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Maki Delgado
Nangungulap
pa rin ang isip ni Jay kahit ilang minuto na ang nakakalipas nang ipakilala ni
Mrs. Serano si Janssen bilang anak nito sa lahat ng bisita sa party na sadya
para sa anak nito. Naroon sila ngayon sa malawak at glamorosong bakuran ng
bahay ni Mrs. Serano sa Valle Verde Subdivision. Hanggang ngayon ay hindi pa
rin siya makapaniwala na si Elizabeth Serano na kanyang bagong partner sa
negosyo ay ang ina ni Janssen.
Si Maki ang nagdala sa kanya roon kinabukasan ng gabi mula
sa condo unit na tinutuluyan nito kung saan siya nagpalipas ng magdamag. Oo,
hindi na siya nakaalis pa roon dahil halos hindi na siya pinalabas pa ni Maki
sa k’warto ng unit na iyon na pag-aari pala ng mga Nievera. Ipinahiram iyon kay
Maki ni Dave para may matuluyan ito habang naroon sa Manila .
Ayon rin kay Maki ay
matagal ng nakaplano ang party na iyon hindi pa man niya personal na nakikilala
si Mrs. Serano. Minabuti kasi muna nitong itago sa publiko ang tungkol sa anak
nito hanggat hindi pa tuluyang nasisentensiyahan ang dating asawa. Iyon ang
suhestyon na ibinigay rito nina Nicollo at Dave. At dahil tapos na ang
problema, tuluyan ng magsasama ang mag-ina.
“Natulala ka riyan.” Puna sa kanya ng kaibigang si Alex na
naroon din sa party na iyon. Hindi lamang ito ang dumalo. Kasama rin nito ang
maligalig nitong kasintahan, ang iba pa nilang kaibigan at ang mga magulang
niya. Hindi lamang iyon, naroon din sa party na iyon ang ilan sa mga kaibigan
ni Dave na konektado sa business world.
“Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ma-absorb ng utak ko
ang lahat.” Pagsasabi niya ng totoo sabay baling sa kinaroroonan ng kanyang mga
magulang na ngayon ay siyang kausap naman ni Mrs. Serano. “Paano ba kayo
napuntang lahat dito? Bakit parang pakiramdam ko, ako lang yata ang huling
naka-alam sa party na ito.”
“Obviously dahil inimbitahan kami kaya kami nandito. Wala
naman sa gwapo kong hitsura ang mang-gate crash. At nahalata mo pala na ikaw
lang ang huling naka alam? Ang henyo mo talaga!” Nakangising pag butt-in naman
ng kasintahan nitong si Renzell Dave na agad na umani ng batok mula sa kambal
nito. “Aray! Maldita, oh! Pinipisikal ako ni Dorwin.”
“Puro ka kasi kalokohan.” Wika dito ng kambal nitong si
Dorwin.
Ayon kay Maki, si Atty. Nievera ang humawak sa kaso ni Mrs.
Serano laban sa asawa nito. Si Dorwin pa nga raw ang nagpresinta na siyang
hahawak ng kaso dahil matindi ang galit nito sa mga lalaking mapagsamantala sa
mga asawa nito na tulad na lang sa nangyari sa ina ng asawa nitong si Red
Sanoria. Bukod rin kay Dorwin, ay malaki rin ang naitulong ng isa sa kanyang
mga kaibigan na si Nicollo na hanggang sa mga oras na iyon ay iwas pa rin sa kanya dahil sa panggogoyo ng mga ito.
“Hanggang ngayon pala maluwang pa rin ang turnilyo ng utak
nitong bayaw mo Red.” Ngingisi-ngising wika ng isa sa namamayagpag na batang
negosyanteng si Claude Samaniego.
“Inggit ka lang sa kaguwapuhan ko.” Tugon rito ni Dave.
“Bakit naman ako maiinggit sa’yo? I have Laurence na
palaging nagpapa-alala kung gaano ako ka-guwapo. At mahal na mahal ako kahit
minsan ay may sumpong.”
“Ikaw lang ba ang may Laurence? Alalahanin mong isa rin ako sa mga pinalad na mapaamo ang isa sa masusungit na nilalang sa mundong ito.” Sabay hapit nito sa bewang ng kanyang kaibigan. “I love you Maldita!”
“Kung may pinalad man ng husto sa larangan ng pagpapaamo ay
ako `yon.” Pagsali naman ng isa pang kaibigan ng mga ito na si Rome . “Walang tatalo sa kasungitan ni Supah
Ace ko, no!”
“Nagpayabangan sa pagiging under de saya ang mga ugok.” It
was no other than Arl Christopher Earl Alberto.
“Hayaan mo na sila Ace. Kaligayahan talaga nilang maging
under.” Ngingiti-ngiti namang wika ni Red Sanoria.
“Bakit Sanoria, hindi ka ba kasali sa kanila?” It was
Laurence Cervantes Samaniego.
Agad na bumaling si Red sa kasintahan nitong sa mga oras na
iyon ay mataman ng nakatingin dito. May pagbabanta sa mga mata nito na animoy
isang maling sagot lang ni Red ay may paglalagyan agad ito.
“Sabi ko nga kasama ako sa mga under. At proud ako roon!”
Biglang bawi nito.
Napahagikhik na lamang sila. Unang makilala niya ang mga ito
ay agad siyang nakadama ng inggit. Bawat isa kasi sa kanila ay nakikitaan niya
ng matinding pagmamahal para sa mga kapareha ng mga ito.
“Mukhang nagkakatuwan kayo rito, ah.” Nakangiting bati sa
kanila ni Mrs. Serano. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito sa kanila.
“At kilala niyo pala ang isa’t isa.” Dagdag nito habang nakangiting nakatingin
kay Claude.
“Mga dati silang ka-klase ng Misis ko. At minsan na rin nila
akong natulungan sa problema ko. Now, we are good friends and at the same time
business partners.” Pagpapaliwanag ni Claude rito.
“I never imagined that I will get the chance to meet some of
the most sought-after bachelors of this country. At nasa iisang grupo lang pala
ang iba sa kanila.”
“Para namang hindi mo
kilala ang mga pinanggalingan namin.” Nakangiting wika rito ni Ace. “Hindi nga
ba’t iyon ang rason kung bakit kami narito ngayon? Dahil mga kasosyo mo ang mga
magulang namin. By the way, congratulations sa pagkakapanalo niyo sa kaso at sa
pagbabalik ng anak mo.”
“It was all thanks to you guys. Hindi naman lingid sa akin
ang tulong na ibinigay niyo lalo na sa’yo Atty. Nievera. Your capability as
lawyer is undeniable. Pinatotohanan mo lang na isa ka sa pinakamagaling na
abogado ng bansang ito. No wonder halos pag-agawan ka ng lahat.”
“Kumilos lang kami ayon sa plano ni Maki. At medyo naging business na
namin ang pakialaman ang mga love life ng mga nadidikit sa grupo namin kaya kami nasangkot sa sitwasyon.”
Nakangiting wika dito ni Dorwin.
“Asan nga pala ang ungas na `yon?” Wika naman ni Dave.
“Bakit iniwan niya itong henyong irog niya sa atin?”
Maski siya ay hindi niya alam kung saan napunta si Maki.
Nagpaalam ito kanina para ikukuha siya ng maiinum pero hanggang ngayon, `di pa
ito nakakabalik.
“Nasa loob sila ng bahay ng anak ko at nag-uusap.” Si Mrs.
Serano ang sumagot sa katanungan nila. “Sana
nga lang hindi sila magsapakan.” Nakangiti pa nitong dagdag.
“N-Nag-uusap?” Bigla siyang kinabahan.
Ngumiti sa kanya si Mrs. Serano.
“May kinaklaro lang sila sa isa’t isa. Hayaan mo muna silang
dalawa.”
“Pero ––”
“I never got the chance to say this to you. Thank you so
much Jay.” Putol nito sa kanya pa sanang sasabihin. “Kung hindi sa malaking plano mo, siguro hanggang
ngayon ay nagkakasya pa rin akong tingnan mula sa malayo ang anak ko. Kayo ng
mga kaibigan mo ang tumanggal sa takot ko kay Alfonso. Sa inyo ako natutong
ipaglaban ang karapatan ko sa anak ko.”
Ngumiti siya rito.
“Kung may dapat kang pasalamatan, hindi ako iyon. Si Maki ang
tumapos ng nasimulan ko.”
“Pero hindi iyon gagawin ni Maki kung hindi dahil sa’yo.”
Anito. “Sa pagkagusto niyang protektahan ka, kahit ang itinuring niyang mortal
na kaaway ay tinulungan niya.”
“Bayad na si Makiboy sa lahat ng paghihirap niya.” Puno ng
panunudyong wika ni Renzell Dave. “Ayon sa mga gamu-gamo, magdamag na nagkulong
ang dalawa sa condo na tinutuluyan ni Maki. Mukhang naningil ng husto si
kabayan.”
“Wala kaming ––”
Hindi niya naituloy ang gagawin sanang pagdepensa sa sarili
dahil nanunuksong tingin na ang ibinigay sa kanya ng mga ito kasama na rin si
Mrs. Serano.
“Naka-score pala ang manok natin kahapon. Nakailang home run
kaya siya?” Ngingisi-ngisi na ring wika ni Rome .
“Malamang sampu.” Pagsali ni Dorwin.
“Depende siguro mahal sa bilis.” Gatong naman ni Red.
“Kung inabot sila ng magdamag….” Tila nananadya pa si Ace na
inilagay ang hintuturo nito sa sintido na animoy nag-iisip. “Kulang ang sampu.”
“Sayang walang balut sa menu ng mga pagkain mo Misis.
Kakailanganin ng bata natin `yon. Para may
energy siya ulit mamaya.” Ani naman ni Claude.
“Igagawa ko na lamang siya ng pagkain na magpapatibay ng
kanyang mga tuhod.” wika naman ni Lance.
“`Wag niyong tuksuhin si Jay, baka umiyak `yan.” Hirit pa ni
Alex.
Napayuko na lamang siya para maitago ang pamumula sa sobrang
kahihiyan lalo pa’t kaharap nila si Mrs. Serano na tuwang-tuwa pa sa mga
kalokohan ng kanyang mga kaibigan.
“Pinagkakaisahan niyo na naman si Jay-Jay.” May himig ng
iritasyon na wika ni Maki dahilan para muli siyang mapa-angat ng tingin. Agad
itong lumapit sa kanya at hinapit siya palapit dito para itago sa mga manunukso
niyang kaibigan. “`Wag mo silang pansinin.”
“Protective!” Ngingisi-ngising wika ni Dave.
“Ma, hinahanap kayo ni Mr. Sandoval.” Napatingin siya kay
Janssen. Nakangiti ito sa kanya.
“Ah, yes. Mr. Sandoval. Maiwan ko muna ulit kayo mga hijo.”
“Sasama na kami ni Lance.” Ani naman ni Claude. “May
proposal rin ako para sa kanya.”
“Doon muna kami ni Dorwin
sa buffet. May desert na ginawa si Lance
na gusto kong ipatikim sa kanya.” Ani naman ni Red.
“Sasama kami ni Rome .
Gusto ko rin matikaman ang desert na `yon.” Ani naman ni Ace.
“Puntahan muna namin ni Dave sina Nico. Baka may naisipan na
namang pag-diskusyunan ang dalawang iyon.”
Parang dinaanan ng malakas na hangin na nahawi ang mga ito
at ang natira na lamang ay silang tatlo nina Janssen. It was too obvious,
nagdadahilan lang ang mga ito para bigyan sila ng privacy.
Nanatiling protektado siya ni Maki. Habang si Janssen naman
ay hindi pa rin nawawala ang nakaguhit na ngiti nito.
“Nag-resign na ako sa trabaho ko.” Pagsisimula nito ng
usapan. “Ipinadala ako ni Mama kay sir Dave para i-train sa pagpapatakbo ng
negosyo. Sana
hindi ka galit sa akin dahil nakisali ako sa paglilihim nila sa’yo tungkol sa
mama ko.”
Nagawa na rin niyang ngumiti rito. Ang totoo ay kanina pa
siya nag-aalangan dito simula ng dumating sila sa party na iyon. Ngayon kasing
nagkasundo na ang mga damdamin nila ni Maki ay hindi niya alam kung papaano
haharapin ang dating kasintahan. Kahit pa man sabihin pang pareho silang may
ulterior motive nang maging sila.
“Hindi ko naman magagawang magalit sa’yo. May dahilan kung
bakit itinago niyo sa akin ang lahat at naipaliwanag na ni Maki sa akin iyon.
Magkikita pa ba tayo?”
“He will represent Miss Elizabeth sa kumpanya na hinahawakan
mo. Si Tito Art mismo ang magtuturo sa kanya sa pasikot-sikot sa kumpanya
niyo.” Pagsabat ni Maki.
Nasabi rin sa kanya ni Maki na dahil sa pagbabahagi niya sa
mga tunay na nangyari kay Mrs. Serano ay tuluyan na ring na-convince ang ginang
na walang kinalaman ang kanyang ama sa nangyari sa pamilya nito. Na biktima rin
ang kanyang ama ni Alfonso. Iyon din daw ang isa sa mga dahilan kung bakit siya
ang inatasan ng kanyang ama na humarap kay Mrs. Serano. Malaki ang tiwala
nitong magagawa niyang lubusang maipaintindi sa ginang ang lahat.
“Ibig sabihin, palagi tayong magkikita.” Bigla siyang
natuwa. Isang tunay na kaibigan na rin kasi ang tingin niya rito.
Bumaling ang tingin ni Janssen kay Maki.
“Pinagbawalan ako ni Maki na lumapit sa’yo.” Nakangiti
nitong tugon. “Hanggat hindi pa raw nagbabago ang nararamdaman ko para sa’yo at
wala pa akong ipinakikilalang bagong mamahalin.”
“Ginawa mo iyon?” Baling naman niya kay Maki. “Umandar na
naman ang pagiging demonyito at pagiging selfish mo!”
“You’re free to call me selfish evil kung iyon ang
magpapasaya sa’yo. Pero masisisi mo ba ako kung hindi ko kayang ipamigay ka?”
Depensa naman nito saka lalo siyang isiniksik rito.
Possessive jerk!
“Natatakot lang siyang mawala ka sa kanya. At mabuti na rin
iyon, baka hindi rin ako makapagpigil kung sakali. Bigla kong maisipang gayahin
ang dati niyang taktika noong nagbalak siyang agawin ka sa akin.” Nakangiting
wika ni Janssen.
“He was never been yours!” Alma agad ni Maki dito. “At subukan mo lang
na gumawa ng kalokohan, hindi kita sasantuhin.”
Imbes na mapikon sa pagbabanta ng may sa demonyo niyang
kasintahan ay lalo lamang lumapad ang ngiti ni Janssen.
“Marunong akong tumanaw ng utang-na-loob kaya asahan mong
hindi ko kayo guguluhin. Basta masaya si Jay, masaya na rin ako.”
Wala na sigurong mas gaganda pa ang araw na iyon para kay
Jay. Bukod kasi sa magandang panahon at lugar ay kasama niya ngayon ang pamilya
niya hindi para um-attend ng kung anu-anong event na may kinalaman sa negosyo.
Naroon sila para mag-relax at magsaya.
May katagalan na rin noong huling lumabas sila para mag
bakasyon kasama ang kanyang pamilya.Kung hindi siya nagkakamali, college pa
siya at hindi pa iyon mangyayari kung hindi niya inuto ng husto ang kanyang
papa.
“So this is the newly developed resort ni kumpare. Mas
nahigitan yata niya ang expectations ko.” Ang wika ng kanyang ama habang
iginagala nito ang mata sa kabuohan ng resort. “This place is great!”
“Kay Nicollo ipinamahala ni Tito ang development nito Pa. So lahat ng nakikita
mo ngayon ay ideya niya.”
Ang resort na kinaroroonan nila ngayon ay ang mismong resort
na pag-aari ng mga magulang ni Nicollo. Katatapos pa lang i-renovate ang resort
na iyon at ilang buwan pa lang nagsimulang mag-operate iyon. Ito ang isa sa mga
pangarap ni Nicollo –ang i-develop ang resort na iyon at sa nakikita niyang
pagkamangha sa mga mata ng kanyang ama, nasisiguro niyang tagumpay ito.
“Si Nicollo?” Tila hindi makapaniwalang wika naman ng
kanyang ina. “May talent pala ang batang iyon sa mga ganitong bagay?”
“Syempre inspired ang kaibigan ko kaya niya nagawa ang lahat
ng ito. Pero mas bibilib kapa sa kanya Ma kung makikita mo ang cape cod
inspired rooms nila rito. Baka hindi mo na naising umuwi sa bahay natin.”
Iginaya niya ang mga magulang sa reception area ng naturang
resort para kunin ang susi sa k’wartong inihanda ng kanyang kaibigan para sa
kanyang mga magulang.
Naglalakad na sila patungo sa k’warto ng mga ito nang makasalubong nila si Maki. Naka itim na sando lamang ito na pinarisan ng puting board short. Lalo lamang tuloy gumanda ang araw na iyon para sa kanya.
Mabilis ang mga hakbang itong lumapit sa kanila.
“`Di ba dapat susunduin ko kayo?” Wika nito sabay halik sa
pisngi ng kanyang ina at nakipagkamay naman sa kanyang ama.
“Mas excited pa sila sa akin, eh. `Di ka na nila nahintay
pa.” Nakangiting tugon niya rito.
Hindi niya inaasahan nang kantilan siya nito ng halik sa
harap ng kanyang mga magulang.
“Ang sabihin mo, pinairal mo na naman ang katigasan ng ulo
mo.”
“Nadali mo hijo.” Sabat ng kanyang ama na animo’y normal
lang ang nakita nitong paghalik sa kanya ni Maki. “Minadali niya kami dahil
ayaw niyang pahirapan ka pang magsundo sa amin.”
“Asan ang mama mo? Nang huli kaming magkita, nangako siya sa
akin na tuturuan niya ako ng mga sikreto niya sa pagluluto.” Ani naman ng
kanyang ina.
“Kanina pa nga po niya kayo hinihintay, Tita.” Tugon naman
nito. “Naroon po sila sa may pool side kasama ang mama ni Nico at Lantis.”
“Eh ang mga kumpadre ko `asan? Hindi naman siguro nila
naisipang mag-inuman habang wala pa ako.”
“Bawal sa’yo ang alak, Arturo.” Pagpapa-alala ng kanyang
ina.
“Minsan ko lang makasama sa mesa ang mga kumpadre kong iyon.
Palusutin mo naman ako kahit ngayon lang Meralda.” May paglalambing nitong
sabi. “Besides, kaya tayo nandito ay para mag-enjoy hindi ba?”
Wala ng nagawa pa ang kanyang ina. Kapag gano’ng ginagamitan
na ito ng paglalambing ng kanyang ama ay hindi na nito nakukuha pang tumanggi.
Matapos maipasok sa k’warto ang mga dalang gamit ng kanyang
magulang na iniwan ng isa sa mga tauhan ng resort sa tapat ng pintuan ng
k’warto ay agad nilang tinungo ang malawak na pool sa resort na iyon. Naroon na
nga ang kanyang mga kaibigan at ang mga magulang ng mga ito. And judging from
the expression of their faces, nagi-enjoy ang mga ito.
“Sino ang nakaisip nito?” Naitanong niya habang inabala ang
sariling paypayan ang kanilang iniihaw na karne. Nasa isang cottage na sila ng
mga kaibigan. Ang kulang na lang ay si Alex at Dave na mamayang gabi pa
darating sapagkat may tinatapos pa na trabaho ang huli.
“Ako.” Tugon ni Nico. “But the original plan, eh, tayo-tayo
lang dapat at hindi dito sa resort ang location. Kaso, sa `di malamang dahilan,
biglang nakisali sina mama at papa at nag-suggest na dito na lang sa resort
para maisama niyo raw ang mga parents niyo.”
“Mas maganda nga na
kasama natin sila, eh. Tingnan mo, halos hindi na sila maubusan ng
pagku-kuwentuhan.” wika naman ni Lantis na pinapapak naman ang mais na
isinaling nito sa griller kanina.
“Dapat pala madalas natin silang isinasama sa mga outing na
tulad nito.” Wika niya. “They all look happy and relaxed.”
“Magandang ideya `yan.” Pagsangayon ni Nico saka ito
bumaling kay Maki “Hanggang kailan ka mananatiling nakayakap kay Jay? Kanina
kapa parang lintang nakadikit sa kanya, ah. Simula ng dumating sila rito `di
kana humiwalay.”
Pati pala ito ay napapansin na rin ang hindi na maalis na
pagdikit sa kanya ni Maki. Halos mula ng dumating sila sa resort na iyon ay
hindi na siya nito hinayaang malayo rito at ngayon nga nang magdesisyon silang
lumayo sa mga magulang ay todo yakap naman ito mula sa kanyang likuran.
“Ano bang masama sa ginagawa ko? Eh, ganito ka rin naman kay
Lantis di ba? Mas malala ka pa nga, eh.”
“Hindi lang siya sanay.” Humahagikhik na wika ni Lantis.
“Maski nga ako medyo naninibago na makita kayong dalawa na masyadong malapit sa
isa’t isa.”
“Mukhang totoo nga ang balitang may malaking pagbabago sa
dalawang ito, ah.”
Nabaling sa nagsalita ang atensyon nila.
“Ken!” Sabay-sabay nilang naibulalas.
“Pasensiya na at nahuli kami. Alam niyo namang hindi normal
ang oras ng trabaho nitong si Kenotz.” Nakangiting wika ng kasama nitong si
Matt.
“Buti nakarating kayo.” Wika ni Nicollo.
“Syempre naman. Minsan ka lang magyayang mag-beach, eh. At
gusto ko ring personal na makita ang resort na ito. Nakuha kasi ng online site
niyo ang interes ko lalo na nang makita ko ang ilan sa mga pictures nitong
resort doon.” Tugon ni Matt.
“Marami na nga sa mga guest namin dito ang nagsasabing dahil
sa site na gawa ni Maki lalo silang na-curious sa resort namin.”
“At mukhang mas gagaling pa siya dahil sa wakas, tinamaan na
rin ni kupido ang mediator slash manipulator ng grupo.” Nakangiting wika naman
ni Ken.
“Iisipin ko na lang na isang napakagandang complement ang
mabansagang manipulator para hindi sumama ang loob ko.” Nakangising wika ni Maki
na ikinatawa ng dalawang bagong dating.
“Sila Nhad at Andy,
darating rin ba?” Naitanong niya.
“I also invited them.” Tugon ni Nico. “Pero hindi sila
nag-confirm kung makakarating sila.”
“Darating sila.” Si Ken. “Gusto rin makita ng mismong mga mata
nila na totoo nga ang bali-balitang tuluyan na ngang bumitiw si Maki sa
paniniwala niya.”
“Anong paniniwala?” Inosenteng tanong ni Maki rito.
“Iyong ‘Imposibleng lumagpas sa pagiging magkaibigan’ na
paniniwala.” Nakangisi namang tugon ni Matt.
“May ganyan ba akong paniniwala? Bakit, hindi ko matandaan?”
Pa-inosente naman nitong tugon.
Kita niya kung papaano umikot ang mga mata ni Lanits habang
si Nico naman ay napasipol. Hindi bumenta sa mga ito ang pagpapaka-inosente ng
kanyang irog.
“Kumain na nga lang tayo.” Wika niya na napapa-iling na lang
din. Hindi na importante pa sa kanya ang nakaraang paniniwala nito dahil mas
importante sa kanya na mahal na siya nito. At binago nito ang mga paniniwala
para sa kanya.
Naging mas masaya ang buong araw na iyon nang dumating ang
pares na sina Nhad at Andy. Hindi rin kasi nakaiwas si Maki sa panggigisa ng
mga ito na tinutugon naman nito ng mga
malolokong sagot at lantarang paglalambing sa kanya. Iyon ang paraan nito para
patunayan na tuluyan na ngang nagbago ang paniniwala nito noon.
Dahil sa presensiya ng magaling na barista ay napasubo sila
sa inuman. Pati pa nga ang kanilang mga magulang ay nahikayat rin na tikaman
ang mga alak na gawa ni Andy kaya mas na-enjoy ng mga ito ang bakasyon. Tulad
nga ng sabi ni Alex ay dumating ito kasama ang kasintahan. Tuluyan silang
nakumpleto.
Mula sa cottage kung saan sila nagkakasayahan ay nagkayayaan
silang magkakaibigan na mag-night swimming sa pool at doon ipagpatuloy ang
kwentohan at inuman. Tuluyan na kasing umahon ang mga guest na naroon at ang
mga magulang naman nila ay nagsipag pasukan na sa mga k’warto ng mga ito
hanggang sa yayain siya ni Maki na mag lakad-lakad.
“Masaya kaba sa bagong relasyon natin?” Tanong ni Maki sa
kanya habang nilalaro nito ang nadampot na dahon kanina.
“Anong klaseng tanong ba `yan? Syempre naman.” Medyo na werduhan
siya dito.
“Kahit na pinahirapan kita ng husto noon? Na kinailangan mo
pang pagplanohan ng ilang taon ang lahat?”
“Huwag mong sabihin na tinamaan ka sa mga biro nila?” Iyon
ang nakikita niya ngayon rito.
“I can’t help it.” Mahinang tugon nito na nasa hawak na
dahon ang tingin. “Ang dami kong kasalanan sa’yo at ipinaalala nila lahat iyon
sa akin.”
“Tapos na iyon, Maki.”
“But that doesn’t change the fact na sinaktan kita noon
kahit hindi ko sinasadya. At natatakot ako na
baka isang araw magising ka na lang na nagsisisi na isang tulad ko ang
taong minahal mo.”
Kailan pa ito nawalan ng tiwala sa sarili? Hindi ito ang Maki
na kilala niya na mataas ang kumpyansa sa sarili.
“Control freak, manipulative, possessive –ilan sa mga katangian
ko na pwedeng maging dahilan para ayawan mo ako. And believe me, gusto ko na
silang mawala sa sestima ko pero minsan talaga kusa silang lumalabas.” Ang wika
nito.
“You’re more charming with them Maki. Iyon ang isa sa
maraming dahilan kung bakit kita sobrang nagustohan. Kaya imposibleng maging
rason ang mga iyon para magbago ang nararamdaman ko sa’yo.”
Hindi ito sumagot kaya iniharap na niya ito sa kanya at
sinalubong ang tingin nito. Masaya siya sa kaalaman na takot itong mawala siya
rito pero hindi niya gustong mababagabag ito dahil doon.
“Hindi isinuko ni Matt si Ken kahit sa kabila ng mga pagkakamali
niya rito. Ginamit pa niya ang pagkakamali noon para lalong mahalin si Ken at
patatagin ang samahan nila. Gano’n din ang ginawa ni Nico. Ginawa niya ang
lahat para makabawi sa ilang taon niyang pang-iignora kay Lantis. While Nhad
took all the risk again with Andy. Kinalimutan niya lahat ng masasamang
nangyari noon para maipakita kay Andy kung gaano niya ito kamahal. So you see? Lahat
sila nagkamali at ang mga pagkakamali nila noon ang ginamit nila para mas
mahalin pa ang mga taong pinili nilang ibigin. May mga ugali rin sila na hindi
maiintindihan ng ilan pero tinanggap iyon ng mga taong pinagalayan nila ng
pagmamahal dahil mahal rin sila ng mga ito.”
“Ang daldal mo talaga. Ang haba-haba ng sinabi mo, ah.” Nakangiti
ng wika ni Maki sa kanya na ikinahagikhik niya. “But you’re right. Hindi ako
dapat magpadala sa mga maling nagawa ko noon. Nangyari na iyon at hindi ko na
mababago pa ang lahat. Instead, gagamitin ko na lang ang mga pagkakamali ko
noon para paalalahanan ang sarili ko na minsan na kitang sinaktan at dapat
hindi na maulit pa iyon.”
“That sounds better!” Pagsangayon niya.
“Tapos na ba kayo sa drama niyo?” Nalingunan nila si Dave
kasama ang iba pa nilang kaibigan. “Baka pwede na kaming makiraan?”
“Sa pagkaka-alam ko, hindi lang ito ang daan sa resort na
ito. Nakiki-tsismis na naman kayo `no?” Nang-aakusang tanong ni Maki sa mga ito.
“Hindi, ah! Maglalakad-lakad rin kami. At ito ang gusto
naming daanan. Di ba mga kasama?” Pagdadahilan naman ni Dave na agad na
sinangayunan ng mga kasama nito.
“Sinong niloko niyo? Doon kayo sa ibang daan! Huwag niyo
kaming disturbohin at may pinag-uusapanpan pa kami.”
“Sige lang. Mag-usap lang kayo. Hihintayin na lamang namin kayong
matapos para makadaan na kami.” Tugon naman ni Nico.
“Pambihira!” Napapalatak na wika ni Maki. “Doon na nga lang
tayo mag-usap sa k’warto natin at nang makatakas tayo sa mga tsismosong `to.”
Saka siya hinila nito palayo sa mga tsismoso nilang mga kaibigan.
“Sayang! Akala ko makikita ko silang torrid na naghahalikan.
Kaunti na lang, eh”
“Anong klase kayang pag-uuusap ang gagawin nila?”
“Pag-uusap gamit ang mga katawan siguro.”
“Panigurado `yon.”
“Mga sira ulo talaga ang mga iyon!” Napapailing na lang na
wika ni Maki habang naririnig ang mga komento ng mga kaibigan. “Pero ang galing
nila, ha. Nahulaan nila ang balak kong gawin sa’yo.” Dagdag pa nito.
Maari ngang isang
taong mahirap espelingin ang minahal niya. Pero iyon ang isa sa mga rason kung
bakit nahulog siya ng husto rito. Maki’s imperfections made him the most charming
person in his eyes. At nasisiguro niyang hindi lamang siya ang humahanga sa
naiibang ugali nito.
The years of waiting for him are all worth it. Dahil ngayon,
ang taong lubos niyang minahal ay handang gawin ang lahat para lamang maipadama
sa kanya kung gaano siya ka importante rito. Handa rin itong baguhin ang sarili
maiwasan lamang siyang masaktan nito. Pero magbago man ito o hindi, ay
mananatili pa rin ang pagmamahal niya rito. After all, he’s Maki Delgado. The
most charming Devil who manipulate its way to his heart effortlessly.
“Alam mo, nagpapa salamat ako sa katigasan ng ulo mo at
hindi mo ako isinuko. Kahit pala papaano may magandang naidudulot iyon sa’yo.”
Malambing na wika nito habang nakayakap sa kanya.
Katatapos lang nilang maiparamdam kung gaano nila kamahal
ang isa’t isa.
Natawa siya.
“Masyado kasi kitang mahal.”
“Kahit na demonyito ako?” Tanong nito saka siya kinantilan
ng halik.
“Yep! Kahit may pagka demonyito ka minsan.” Nakangiti niyang
tugon rito.
“Hayaan mo. Pipilitin ko talagang magbago para sa’yo. Hindi
ko hahayaan na pagsisihan mo ang pagmamahal mo sa akin.”
Sa muling pagkakataon ay hinaplos ng mga salita nito ang
kanyang puso. Isinuklay niya ang kanyang kamay sa nagulong buhok nito saka ito
kinantilan ng halik sa labi.
“I love the Devil in you, Maki. Dahil kasama iyan sa mga
minahal ko sa’yo. And I will always want
that charming Devil beside me. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo.”
Kita niya kung papaano lumamlam ang mga mata nito kasabay ng
pagguhit ng isang kontentong ngiti.
“As you wish. I love you Jay-Jay.”
“I love you too Maki-Maki.” At muling nagtagpo ang kanilang
mga labi.
WAKAS
47 comments:
WOW.....
haist kaka inggit si jay2, hehehe,,, GANDA....
may kasunod pa po ba? i mean new story?
Kung totoong nangyari itong kwentong to.. Napakaswerte ni Maki Kay Jay.. Halos wala na sa mundo ang mga kagaya ni Jay na tinanggap lahat lahat kay Maki.. Both negative and positive attitude.. Bihira na ang taong ganyan.. :)
---
Very Nice Ending Idol! May mga line talaga na hindi ko maiwasang mapaluha kasi sobrang nakakatouch yung lines.. :)
Kudos!
Next Series? :)
-Minion JayJay
Another happy ending.. nice 1 zeke..
anganda!!1 naiyak ako.. lol
Isa namang napakagandang obra mo ang natapos idol. Sana mapublish yong mga story mo. Luv ko talaga yong part na kasama lahat ng cast from your first series i missed them also. Sarap talaga balik-balikang basahin....
Excited na ako sa next series mo....
Have a great day........
ayun oh nagamit mo na yung katagang nakalagay sa cover! napakahusay! thanx sa pagtapos ng kwentong ito poy! teka nakalimutan mo yatang isingit ang skyband dito ^_^ pinakanta mo sana sa party hahahaha.. makiboy the most angelic devil! hahahaha congratulations! you made it poy! best of luck sa SKYBAND!
finally he came along put a spell and set me free.. pushed aside of what used to be of a broken heart that was meant to be... so hear me loniliness ive given up on you.. i dont need you anymore ive found what ive been dreamin of... someone to Love! ayiiieeee
ganun ganun galing sir Z.. hinakot mu talaga ang regalo nga ulan sa pagsusulat..siguro tulog nga ako noon huhuhuhuh...
congrats sir Z sa ending na ito..25 chapters? worth it!
gudluck sa next story mo..
Ahhhhhuuuuhhhhhhh
Great great great story... isa ito sa mga fav q. Ahehee
Kudos kuya Zekkkk
Clap clap clap..
Congrats ng marami
[RyanM.]
I hate goodbyes but I do love happy endings. Reading the finale made me feel warm despite of the cold and rainy weather. Hay Zeke...I will surely miss them kahit alam kong may chance na mapapadaan pa din sila sa mga next stories mo. :)
Can't wait na din for your Skyband story. Sa August na yun sabi mo sakin. Pressured ba? Hahaha! I don't think so, lalo na't inspired ka sa sarili mo pero kung pressured ka eh just remember what I always say...TAKE YOUR TIME and this time may pahabol na GOOD LUCK! :)
Congratulations and thank you for another great story Zeke! :)
ganda.... kakainggit na love story ng mga ito.
Congrats zeke....
Congrats Zeke another master piece nnaman... iba ka talaga... worth it ang paghihintay ko sa finale... grabeh... naiyak ako sa tuwa... too emotional... thank you zeke...
nice nice. nakabawai ka kapatid. Ngayon lang ulit ako nag comment, sensya.
Looking forward sa skyband.
tapos na..mamimiss ko to! ang ganda kasi e
congrats poging zeke
Another masterpiece! Congrats Mr. Author
-Raymund of Bacolod
Yippee! Ang ganda ng conclusion. their efforts paid off...
Kala ko ilalagay mo rin yung mga action scenes..
Looking forward sa next story mo!
You're the best! U never fail to bring out different emotions from us (readers). I hope you will never stop writing these kind of stories. Sana pa twitums HS - College friendship/love. Again, you're the best!
satisfying ending, kht pa-skip skip aq dhl fresh pa nbsa q kgbi lolx
anyway, best of luck sa next story m at sna naman d mging rason ang lablayp m sa matagalang update ha! ikaw, ikaw, nku! sasapatusin kita sa face pg ngkataon :p
nice story… from the beginning to the end!
Congrats! Very Nice Kuya Zeke! ahay medyo sad ako ksi tpos na enjoy na enjoy ksi tlga ako sa story na to >_< thanks again kuya Zeke! Next Story! SKYBAND! :D
PS: nice music for today haha :D
Thamks for the story and the happy ending. May you be inspired always to write...
waaahhh nabuo lahat ng barkda..ang galing hahahaha
congrats kuya Z...galing more kwento pa po please :)
--rhaj
thanks sa story mr author..
ganda ng mga series mo talga :]
4 thumbs up... kahit mahirap sa paa :]
cant wait for ur future stories
wow! happy reunion ah. happy ending tooo. again, tnx zekie for that wonderful story na naishare mo. CONGRATZ!
another score for Maki Delgado... kuya Z mamimiss ko tong dalawa na ito...
Sana mag karoon rin ng sariling kwento si jassen at love team... tpos ung maging ka love team nya ung dating nag mahal kay Lantis ng sobra... hayyss..
clap clap para sa Kwenting ito TDBM..!!
Natapos din sa wakas. Teary eyed ako sa chap24.
-eckorenz
isa na lang yung sky band na next na kagad poy...
_iamronald
Beautiful ending for such a wonderful story coming from a great writer... I miss those characters in your past stories. This chapter is very nostalgic. Hoping for next book and set of characters. Congratulations!!! -arc
Nice ending hehehe. Grabe parang re-union nun mga past characters. I hope Hindi ito ang huli story from you zeke.
Si janssen kailan sya magkakaroon ng love life? hehehe
Have a great day and keep it up
Ang ganda ganda talaga ng story..thanks kuya z for this amazing story
NICE ENDING KUYA ZEKIE!! Can't wait sa pagpost mo ng skyband na story mo.
~~JAYVIN
nakaka miss ang lahat ng characters.
inabot din ng kalahating taon tong TDBM pero sulit naman ang pag aantay.
thankx sir Z
kitakitz sa susunod na kwento.
-sella turcica-
Yun ohh... maki maki and jayjay kayo na tlga!!! Hahah
Waah ang ganda ganda kuya zeke!!! Thumbs up kasama na paa ko.. lol Ang galing ng ending.. The best!
Buti nman nakompleto ung buong barkada sa Reunion...Hayyy mami miss ko mga characters mo kuya zeke..lahat ng love story nela inabangan ko tlaga at lahat ko nagustohan..wala na ko masabi..puro happy ending...
Salamat ng marami kuya zeke..sa isa na nmang napkagandang obra.. pasok sa banga..lahat ng nobela mo sa mga fave stories ko.. nkaka inspire : )
Abangan ko next series mo... will always here to support u kuya zeke! mabuhay ka : )
ganda talaga. hehe. I love you na talaga mr. AUTHOR! haha :) nice ending. :) Sana may iba pang stories. :)
..hello..ilang buwan na aQ hindi nakapagbabasa ng mga stories mo kuya ah...
taga Alangalang
Iyak na ko :(
Zeke!!! Tinapos mo na ang pinakamamahal kong series!!! Mamimiss ko to ng sobra!!!
Kasama na ito sa history ko... ang basahin ang mga nakakabulabog na love stories mo...
I will truly miss the roler-coaster ride lives of all the characters in this series. As Maki and Jay ends this phenomenal story pinatunayan mo na naman ang husay mo sa pagsusulat... lahat ng pagpupuyat mo at pagiimbak mo ng sandamakmak na kape sa sistema mo lighted up our faces with smiles, makes us giggle at ang mga kaba at kilig moments!!! Kahit minsan ay lagi kitang binubulabog hahaha... u really deserve a reward!!! How about a 'wing'? Lols... everyone is looking forward for more of these crazy and lovable stories that u make!!! Hugs and kisses for you Zeke! Fierce and love xxx
-ang dami kong sinabi...
Pat
TAGASUBAYBAY
congratulations on your wonderful story.. super love it..!!!
i will surely miss all of them esp Renzell Dave and Alex.. :(
good luck sa SKYBAND.. can't wait.. hehe hugsies..!!
God bless.. -- Roan ^^,
speechless ako,ur really good at this kuya Zeke,at talagang special finale dahil lahat ng bida nakasama dito. Thanks for this story,tumatak din sya tulad ng mga nauna. Wait ko ung skyband haha! Congratulations kuya zeke,replyan mko sa msg ko sa fb hahaha! =D
ang ganda ng ending!!nagbalik ang mga ibang characters!!;)
kakamiss dn ung stories nila!ready na sa next story!!kanino kaya??^^
congrats mr author!!:)
-monty
Great way to end a great story. Thanks again for this wonderful work of yours.
Kuya Z, Salamat sa inspiring na kwento.... Loving someone really resembles this kind of story.. it is a genuine proof na if you'll really love someone you'll also need to accept and love all his negative sides... plus points na kapag mas marami ang positive sides.... Your story really gives me inspiration na kahit papaano may paglalagyan rin po ako sa sarili ko... since I found out that im kinda Different .. but i accpet it na and hope ko na katulad sa mga stories mo po .. mahanap ko RIN SYA.. WHO WILL DEFINITELY LOVE THE DEVIL INSIDE ME...hehe..
love you po...
-kj
Masaya ako na nakaka-inspire ng tao ang pinaghirapan kong k'wento. And I will also wish that someday, makikita mo ang taong kayang sakyan ang lahat ng trip mo sa buhay para lang mapasaya ka.
Grabe Kuya Zeke ni-marathon ko 'to, Grabe dinaig nito ang math problems solving... Akalain mong sobrang ganda ng conflict na nagawa mo, and sobrang smooth ng flow leading to its solution :)
Hindi ako nagsisisi na nagpuyat ako ngayon, It's all really worth it. :D
Ang tanging kwento na nagpaluha sa akin... napakaunique at moving ng kwento pati ang mga twist... ang mga lines naman parang binase sa totoong buhay na kahit na sinong magbabasa nito ay mararamdaman ang pait, saya, pangamba at lahat ng emosyong nais iparating... nanghihinayang ako kasi katulad ng buhay ang ganitong mga storya ay may katapusan rin pero masaya akong dudugtungan ang kwento mo mr. Zeke sa puso at panaginip ko... salamat kasi binigyan mo ako ng isang napakagandang ala.ala na tyak di ko malilimutan... God bless mr. Zeke sana makapagsulat kpa ng maraming tulad ng the devil besid me.. :)
Arjhay
We'll kung light approach na ito.. ano kaya ang hindi... hahaha.. joking kuya :)... lahat ng librong likha mo nabasa ko.. at ang sarap sa utak ang masayang alaala kahit hindi naman sayo.. masarap isipin na kahit di totoo para ka rin nasama sa buhay ng ibat ibang character.. sna sna maging sing lucky ako ng mga characters mo sa story.. nga pala. pwede mo bang gawan ng kwento si Popoy at si Janssen.. hehehehe..
-Jake Wong-
May mga k'wento silang nakalaan Jake but not now. Masyado pang busy si author para magpaka-praning sa kanila. HAHAHA
Anyway, thank you for reading my stories. :)
ang sarap damhin ang linya ni jay....i love the devil in you...hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo....very true no?kasi minahal mo ang isang tao kung sino sya at hindi dapat nagbabago dahil lang sa relasyon..dapat pa nga gamitin iyon para ma sustain ang pinasukan nyong buhay na magkasama.....i so love the story baby bear...as expected andyan pa rin ang mga mahal na barkadahan...na miss ko si angela dito huh...congratulations for another piece of art, my favorite artist na pinakamamahal kung baby bear...
Awww...Thats another happy ending...Fairy tales nga...Thanks Mr Author...You just made my day...Kahit lat na akong nakabasa nito.....hindi parin nawawala ang Spunk mo...ika nga.
Post a Comment