Saturday, July 6, 2013

Taking Chances Chapter 04






"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."




Thank You!. . . . . Zildjian . . . . . Mark Lacuesta . . . . . Brilliance . . . . . . Swiss na-Miss ko kakulitan mo!





NO PAIN. NO GAIN. Ito ang nakalagay sa gym kung saan siya ini-enroll ni Andrew. Maganda naman ang kanyang katawan kaya lang base sa sabi ni Andrew eh kulang ito sa muscle tone.


Since sa gabi lang siya available dahil na rin may trabaho siya sa umaga ay sinusundo siya ng van nito. Unang araw niya sa gym at isang lalaking trainer ang naghihintay sa kanya. Pagkatapos nitong kuhanin ang kanyang timbang at taas ay pinasadahan siya nito ng tingin. Maya maya ay tinuruan siya nito ng warm up exercises. Pagkatapos ay dusa naman ang inabot niya.


Kung tutuusin eh medyo magaan lang naman ang timbang na ipinagamit sa kanya pero nakakangalay ay kung ilang repetition ang ipinagagawa sa kanya. Pagkatapos ng dalawang oras ay tagaktak na ang pawis ay halos murahin na siya ng kanyang mga kalamnan sa sakit.


Crunches naman ang ipinagawa sa kanya. Nasa kalagitnaan siya ng penitensya at konting konti na lang at talagang aayaw na siya ng dumating si Andrew.


Kumusta?” bati ni Andrew


Mamatay na!” Huwag kang makaimik imik diyan at baka hindi ako makapagpigil at ihagis ko sa iyo ang weights na nasa tabi mo” ang singhal naman ni Juancho.


“Mukha nga! Pero ganyan lang talaga yan sa simula. At para hindi na magreklamo na ikaw lang ang nahihirapan ay sasabayan kita.” sabay ngiti ni Andrew na tila nang-aasar pa.


Napansin ni Juancho na nakapang exercise din itong suot. Nagsimula naman itong magwarm-up at pagkatpos ay sumabak na din ito sa pagbubuhat.


Hilig mong gawin ito? tanong nito kay Andrew.


Hindi naman, pero kinakailangan eh. Hindi naman ako model, dapat alam ko ang pinagdadaanan nila na hirap. Para tulad mo eh hindi sila makapagreklamo. “


Natameme naman si Juancho sa sinabi nito.


Nahanap mo na yung pendant?” tanong niya dito.


Oh.... sorry nalimutan ko kasi masyado lang ako naging busy sa trabaho ngaun eh,”  sagot ni Andrew


Baka naman wala ka talagang balak hanapin iyon.”


Ofcourse hahanapin ko yun. Anong akala mo sa akin?” medyo iritang sagot ni Andrew.


Malay ko... Baka kasi...-”


Baka kasi... ano? Na ginagamit kong alibi yun para mapapayag ka sa gusto ko?"
" Ok ka lang? He-ll-o... pumayag ka na nga di ba? Anyway, has anybody told ever told you that you look good when you're sweaty?”


Huh? Ano na naman nasinghot mo?” ang nakakunot na tanong ni Juancho.


It's true!” and YUMMY too dagdag na lang niAndrew sa kanyang isip. Kung alam lang nito bihirang bihira lang siya mabigay ng ganung klase ng komento. But what he said is true. Kahit na pawis na pawis si Juancho ay parang mabango pa din itong tingnan. In fact, it made him look so manly. His body wasn't that bad kulang lang talaga ito sa batak. Hindi rin ito mahihirapan papintugin ang mga iyon.Inalis niya ang tingin dito para kasing masyado na siyang nawiwili na pasadahan ang katawan nito at kung ano ano kasing kalokohan ang naglalaro sa kanyang diwa.


Andrew acted like a flirt. May iba pa ngang nag-iisip na playboy siya to the max. Pero iyong mga nakakakilala sa kanya talaga ng tunay ay alam na hanggang salita lang siya. Wala ni isa man nagbigay sa kanya ng motibo ang pinatulan niya, wala maka-score sa kanya. Naiiling at natatawa na lang siya dahil ngaun eh kabaligtaran ang sitwasyon na kanyang kinakaharap. Siya ito ngaung gustong maka-score sa lalaki.


Kita mo, piagtatawanan mo ako. E di niloloko mo nga ako” sabi ni Juancho.


Huh?” ang nagpabalik sa diwa ni Andrew. “Oh.... hindi ikaw ang pinagtatawanan ko. May naalala lang ako. At ikaw naman, dapat mong malaman na hindi ko ugali ang magbigay ng papuri kaya kapag ginawa ko yun sa iyon, magpasalamat ka na.”


May girlfriend ka na ba?”


Tumingin sa kanya si Juancho na parang nagulat, saka ito umiling.


You're not gay, are you?”


Por que walang girlfriend, gay agad? Hindi ba pwedeng choosy lang?”


Hindi ka naman siguro pari” follow up na tanong ni Andrew.


Tinawanan lang ito ni Juancho. “Nagbabalak pa lang, kaso nagbago rin ang isip ko. Gusto ko magkaroon ng pamilya eh, ang saya kaya n'ong uuwi ka ng sasalubungin ka ng mga anak mo.”


Napangiwi na lang si Andrew. Magkaiba pala ang gusto nila sa buhay kung ganoon. So what? As if naman eh he was planning to hook up with him.


Kung ganun, walang problema kung...” Kung halahin kita.... Muntik na niya iyong mabigkas sa harap nito. Hindi pa nga pala ito sanay sa bagong mundo nitong ginagalawan.


Kung....?” tanong ni Juancho


Kung maghapunan tayong magkasama" sagot ni Andrew. "As long as you won't misinterpret my intentions”


Bakit ko naman gagawin iyon. Imposible namang isipin ko na may gusto ka sa akin.”


Ang baba naman ng confidence mo sa sarili.” sabi ni Andrew.


Hindi naman, realistic lang akong tao. Isa pa hindi kita type” sabi ni Junacho


Napasinghap na lang si Andrew. Namangha at nainsulto siya sa sinabi nito.


Teka lang.... bago mo ako batuhin ng dumbbell, ang ibig kong sabihin ay realistic lang din ako sa paghahanap ng taong makakasama ko habang buhay” paliwanag ni Juancho.


Ibinaba ni Andrew ang hawak na dumbbell at humarap sa lalaki. “So tell me, ano ba ang qualities na hinahanap mo sa magiging partner mo?”


Tumigil muna si Juancho sa kanyang pagka-crunches. “Alam mo naman na laking probinsya ako. Napilitan lang naman ako para magtrabaho at tulungan ang mga magulang ko. Iyong simple lang na kagaya ko.”


Hindi mo ba naisip na pwedeng magbago ang pagkatao mo, ang pananaw mo habang nag-iiba ang estado ng buhay mo?” 


Magbago man siguro ang istura at kilos ko, by heart eh probinsyano pa din ako.


OK. So, tapusin na natin ang pagdurusa na ito at ng makakain na tayo.” Bumalik na ito sa pagbubuhat at siya naman ay bumalik na sa pagka-crunches.


Sabay silang pumunta ng showerroom. Nauna siya natapos kaya naisipan niyang antayin na lang si Andrew sa lobby. Natanaw niya sa pintong salamin na naghihiwalay mula sa exercise room at sa lobby ang paglabas nito galing ng locker room ng gym. Papunta na ito sa kanyang kinaroroonan ng may lumapit dito na isang lalaki. Halata sa kilos nito na nagpapalipad hangin ito sa kausap at mukha naman hindi ito binabara ni Andrew. Humahagikhik pa nga ito na tila natutuwa.


Isa pang gusto niya sa magiging partner niya at ung hindi flirt, kumento niya sa isip. Mabuti na lang pala at wala siyang ambisyon pagdating kay Andrew at bakit ba ikunukumpara niya ito dito eh imposible namang mangyari yun.


Tumingin si Andrew sa gawi niya, bahagyang nakakunot-noo, saka muling bumaling sa kabolahan tila nagpapaalam na.


You look so glum” salubong ni Andrew..


Ha?” Nahalata pala sa istura niya ang pagkairita sa kanyang nakita. Wala siyang rason para maramdaman iyon pero ganoon na nga ang kanyang nadama ng makita itong nakikipaglandian sa ibang lalaki. “May.... may naisip lang akong hindi maganda” pagdadahilan ni Juancho.


Then alisin mo yan sa isipan mo, nakakabawas ng pogi points mo eh.” sabay hilot ni Andrew sa noo at kilay na salubong ni Juancho.


Napaatras si Juancho hindi dahil nagulat siya ng hawakan siya nito kundi dahil parang kinilig ang kanyang kalamnan. Wala lang siguro dito ang ginawa nito pero sa kanya may epekto iyon. Nakangiting umiling-iling na lang si Andrew at saka nauna nang maglakad.


Mabilis lang ang naging hapunan nila ni Juancho at Andrew. Yaman din lamang na wala siyang sasakyan ay magkasabay na rin silang umuwi. Nang marating nila ang floor kung saan nakatira si Andrew ay inihatid niya ito hanggang sa unit nito.


Mukhang naliligaw ka ata?” tanong ni Andrew.


Ah eh.. I hahatid lang sana kita hanggang sa unit mo. Hanggang.... hanggang pinto lang ako.”


That's quite sweet.” Iniangkla naman ni Andrew ang braso nito sa braso niya.


Pakiramdam ni Juancho eh naninigas siya. Iba talaga ang epekto nito sa kanya. Napakalayo nito sa mga taong nakakasalamuha niya. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang gagawin.


Bakit parang tensyonado ka? Loosen up a little. I promise I won't bite sabi ni Andrew upang mabasawan ang pagiging tensyonado ni Juancho.


Iiwan na sana ni Juancho si Andrew pagtapat nila sa unit nito pero inanyayahan siya nitong pumasok sa loob.


Pumasok ka muna sandali .”


Hindi dito na lang ako” tanggi naman ni Juancho.


Come on already.” Nabuksan na nito ang pinto at hinila niya si Junacho sa loob. Pagpasok nila ay agad niya nitong kinabig at maalab na hinalikan.


Ganun na lang ang pagkataranta ni Juancho. Ngaligali niyang itulak si Andrew. Ni hindi pa nga siya nagkakaroon ng seryosong relasyon sa babae at ni minsan at hindi pa niya naranasan ang makipag one-night stand ay heto siya at nakikipaghalikan sa kapwa niya.


Teka lang...” Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at saka banayad na itinulak. “Sorry pero....”


Idinantay ni Andrew ang hintuturo niya sa bibig ni Juancho. “Don't say anything more. You passed the test.”


Ano daw? Hindi magawang i-process ng 2MB niyang utak ang sinabi nito. Anong test at bakit may test ang tanong ni Juancho sa sarili. “Ha?”


Gusto ko lang malaman kung what kind of stuff you're made of and you're as good as your word. Here, I want to give you this.” Iniabot ni Andrew ang kamay Juancho at saka inilagay roon ang pendant na hinahanap niya.


Nakita mo na pala. Sinasabi ko na nga ba, dito ito nalaglag. Salamat ha? Huwag kang mag-alala tutupad ako sa kasunduan natin. Sa totoo lang na-excite ako at curious din akong malaman kung totoo ba ang sinasabi mo na magiging isang sikat ako na modelo. Na malayo ang mararating ko. Sana nga lang eh.... sana lang eh wala na noong ginawa mo kanina... Nakakatuliro eh...” sabi ni Juancho.


I promise... no more games...” sagot ni Andrew.



i t u t u l o y .  .  .

6 comments:

Anonymous said...

Nice. Ituloy mo lang. Medyo mahirap lang sundan kung kanino nanggagaling yung mga lines. Kung kay Andrew ba or kay Juancho. Pero maganda ang takbo ng story. Good job!

Anonymous said...

Ganda ng takbo ng story icontinue mo lang author...tnx sa update. Agree ako ke Mr. Anonymous paki emphasize kung kanino ang bawat lines.

Randzmesia

Brilliance said...

basa mode na naman. yipee!

chie said...

May update na pala? Hihi...nagpahinga kasi ako magbasa ng ilang araw. Natawa naman ako sa 2MB na utak ni Juancho parang si Zeks lang sa mga unang gawa niya. :)

Can't wait for the next chapter! :)

Ryge Stan said...

nice natawa naman ako dun sa 2MB na utak hehehe parang slow processing lang hehehe

robert_mendoza94@yahoo.com said...

so nice and exciting ang flow ng story. he he he

Post a Comment